Saturday, July 25, 2015

Case 29: Information



All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.


Sa pag-papatuloy ng kuwento....

Isang warrant sana ang isasagawa ng groupo ng special war fare unit sa pamumuno ni major andrew mendoz, upang arestohin ang sinasabing big time terrorist na si Jamir Iquadal.

Ngunit sa kasamaang palad, isang hindi inaasahang pang-yayari ang naganap, ang terorista nasa ay aarestuhin nila ay pinaslang ng mga tauhan ng dranixs sa pamumuno naman ni Levaiton, hindi rin inikala ni andrew na sila pala talaga ang pakay ng nasabing groupo.

Nakipag-laban si andrew bilang si beta kay Levaiton. At naging matindi ang kanilang sagupaan.  
Levaiton: Kung ganon, nasa harapan ko pala ang isa sa mga alamat ng GINGA, special police beta. Mukang magiging masaya ito.

Beta: Ang dami mo pang sinasabi! Lumaban ka nalang.

Pero sa huli nabigo ang veteranong pulis at dinukot ng mga taga dranixs ang kanyang mga kasama,

Samantala napagtanto ni kyro na tila meron ngang kinalaman ang dranixs sa nang-yayaring kaso ngayon, at si knives naman ay nag-nakaw ng isang napaka halagang information sa groupong apocalypse.

Knives: Ano kayang magandang gawin ko dito? Mukang hindi naman masaya kung hindi malalaman ng GINGA ang tungkol dito, sa tingin ko may karapatan silang malaman ito, gusto kong makakita ng isang malaking laro...hahahahahahaha



Case 29: Information  

Sa labaratoryo ng apocalypse, abala parin si Dr. Riley sa kanyang isinasagawang experimento, at ito ay sa pamamagitan ng mga nahuli niyang pulis ng GINGA.

GINGA WAR POLICE: (Pasigaw) Mga hayop kayo! Sa tingin niyo ba mapapalampas namin ang mga ginagawa niyo, sa oras na makawala kami dito, tinitiyak kong dudurugin namin ang mga pag-mumukha niyo!  

Nag-sisigaw ang isang pulis dahil sa mga nasasaksihan niyang pag-papahirap sa kanyang mga kasama, at ang mas malala pa, sa oras na pumalya ang experemento sa katawan ng tao ay mamatay na ito. At wala ng pakinabang sa kanila.

Ito na ang sinapit ng ibang kasamahang pulis ni andrew, at iilan nalang ang natitira sa kanilang buhay.  

BBBBBBAAAAAAGGGGGG

Pinalo ng isang guwardiya ang selda ng mga kawawang pulis.

Apocalypse Solider: Puwede bang tumahimik kayo! Kung ayaw niyo mismo na ako ang tumapos sa buhay niyo!    

Napa-atras nalang ang pulis dahil sa banta ng sundalo.

Nalungkot nalang ang ilan sa kanila at tila tangap na ang kanilang sasapitin.
___________________________________________________

Sa opisina naman ni Dr. Riley, muling dumating si quwarta kasama si levaiton at knives, para pag-kasunduan ang kanilang deal.  

Dr. Riley: Master Quwarta

Quwarta: Riley, naparito ako upang malaman kung kailan natin isasagawa ang deal, siguro naman tapos na ang pinapagawa namin sa inyo?

Dr. Riley: Syempre naman, tapos na at pulidong pulido ang pag-kakagawa sa mas pinalakas niyong Zero Injection, (tumingin kay knives at levaiton) makakaasa kayo bukas na bukas din makukuha niyo na ang pinaka-hihintay niyong bagong kapangyarihan.

Quwarta: Magling kung ganon, inaasahan kita bukas, hayaan mo dou-doublehin namin ang gantimpala na ibibigay namin sa iyo.

Dr. Riley: Dapat lang! Dahil ito naman talaga ang puno’t dulo ng kasunduang ito, ang pera ninyo....bueno kung mamarapatin niyo lang, marami pa akong kailangan asikasuhin, kailangan ko pang matapos ang isa sa mga experimento ko, kung hindi niyo mamasamain kailangan ko ng umalis.

Lumabas ng kanyang opisina si Dr. Riley ngunit habang papalabas ito ay, naka tingin naman si knives sa kanya.  
___________________________________________________

GINGA Cafe underground base

Humahanap parin si kyro kahit na katiting na lead upang mapabulanan na meron ngang kinalaman ang dranixs sa nang-yayari.

Habang abala siya sa pag-ssearch sa kanyang computer ay siya namang binigyan ni marina ng isang tasang tsokolate para ma relax ito kahit papaano.

Marina: Kyro inumin mo muna ito.

Kyro: Ah salamat...(Kinuha ang tasa ng tsokolate at ininom) sakit na talaga sa ulo ang ginagawa ng dranixs, bakit pa nilang naisipang makipag-aliyansa sa mga kagaya ng apocalypse? Sa tingin ko naman kaya nila ang kahit na anong bagay, kahit na walang tulong sa organization yun!

Napahawak nalang si Kyro sa kanyang noo na tila sumasakit ito, ngunit lumapit naman si marina sa kanyang likuran at ikinagulat ni kyro ang ginawa ng kanyang partner.

Kyro: (Gulat) Teka anong ginagawa mo?

Minamasahe ni marina ang ulo ni kyro, ng kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito.

Marina: Bakit ayaw mo ba? Alam ko na marami kang ginagawa diyan, at pinag-pilitan mo pa ang sarili mo sa kasong ito kahit na hawak na ito ng kapatid mo, pero sana naman wag mong puwersahin ang sarili mo, ng dahil lang meron kang gustong mapatunayan, kailangan mo ring naman alagaan ang sarili mo.

Kyro: (tumingala) Marina? Salamat sa pag-alala

Marina: Wala yun...partner tayo diba? Natural lang na alalahanin din kita.

Habang minamasahe ni marina ang sintido ni kyro, bigla namang pumasok sila mei at kaiza na ikinagulat ang ginagawa ng dalawa.

Mei: Teka anong ginagawa niyo!?

Nagulat din naman ang dalawa, at kaagad itinigil ang ginagawa.

Kaiza: Aba mukang abala kayo diyan ah!

Kyro: Ah eh! Humahanap lang ako ng lead kung saan natin puwedeng matag-puan ang kuta ng apocalypse, pinag-aaralan ko kasi yung mga nakaraang engkuwentro natin sa kanila.

Kaiza: Ganon ba, mabuti yan kung ganon.

Tila may napansin naman si marina na dala ni mei na isang maliit na kahon, at tinanong niya ito kung ano ba ang bagay nayun.

Marina: Ms. Mei ano ang kahong yan?

Mei: Ito ba? Ang totoo niyan may nag padala lang dito sa shop, hindi sinabi ang pangalan at kung anong address kung saan ito galing.

Kyro: Mukang nakababahala ang kahong iyan ah binuksan niyo na ba ang loob niyan?

Mei: Hindi pa, gusto ko ring malaman ang laman ng kahong ito at kung saan ito nang-galing.

Kaiza: Ang mabuti pa i-scan muna natin ang bagay nayan bago natin buksan, mahirap na baka isang delikadong bagay pa ang laman niyan.

Mei: Mabuti pa nga.  

Kaagad inilagay ni mei ang kahon na ipinadala sa kanila sa isang scanner, upang siguruhin na walang dalang kapahamakan ang bagay na ito.  
______________________________________________________

Samantala sa GINGA Research Lab

AYOS NAGAWA KO NANAMAN!

Napasigaw si Marion ng matapos niya ang isang bagay, nilapitan naman siya ni kris ang secretary ni General Ratio para kumustahin.

Kris: Aba wala ka talagang kupas, sigurado ka bang nagawa mo ng mabuti yan?

Marion: Hahahahaha syempre naman ate kris, ang bagong SD Card na para kay Gunver, Ang Cross Line SD Card, at ang bagong sandata naman para kay zhapyra. Ang rod night stick, at ito ang pinakang huli, ang bagde ni Gaider, na-ayos ko na siya ng tuluyan at puwede na muli siyang gamitin para sa laban.  

Kris: Mukang magandang balita ngayan, ang badge ni Gaider, muling nag-babalik.

Marion: Tama ka, ngayon mas mapapabilis na ang kasong hinahawakan ngayon ni kuya kaiza, gamit ito.
________________________________________________________

Natapos ang ginagawang pag-iiscan nila kyro sa naturang kahon na ipinadala sa kanila.

*Scan complete, ito ang sabi ng scaner nila kyro*

Kyro: Mukang wala namang kahina-hinala dito, ang mabuti pa tingnan natin ang laman nito kung ano man.

Kaiza: Mabuti pa nga.

Binuksan nila Kyro ang naturang kahon, at ilang sandali ay tumambad sa kanila ang isang cellphone at isang flash drive, ipinag-taka naman ito ng mga taong nag-bukas ng kahon.

Marina: Isang cellphone? At isang flash drive? Anong ibig-sabihin nito.

Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone na nasa kahon.

*Ring...Ring...Ring*

Mei: Nag-riring siya!

Kyro: Ako na ang sasagot!

Kaagad kinuha ni kyro ang nasabing telepono, at sinagot niya ito.  

Kyro: Sino ito?

Maya-maya ay sumagot ang nasa kabilang linya ng cellphone, ngunit gumagamit ito ng voice changing device upang hindi ito makilala.

Box messenger: Oh buti naman at nakuha niyo ang ipinadala ko sa inyo?

Kyro: Sabihin mo sino ka ba? At anong ibig-sabihin ng mga pinadala mong ito?
____________________________________________________

Mula sa kanyang lugar ang nilalang na nag-padala ng kahon kila Kyro ay nasa isang abandonadong ware house habang kina-kausap sila kyro mula sa kabilang linya.

Box messenger: Hindi na mahalaga kung sino ako, ang mahalaga ay natangap niyo ang package na ipinadala ko sa inyo.

Kyro: (Sa kanyang lugar) Deretchohin mo na nga ako, ano ba talaga ang gusto mong mang-yari at para saan ba talaga ang bagay na ito?

Box Messenger: Kung makikita niyo ang flash drive na kasama noong telepono, yun ang pinakang issue dito, walang kaso ang teleponong hawak mo ngayon, dahil yan ang ang susi ko para kontakin kayo, gusto kong malaman niyo na....yang flash drive na iyan ang makakapag-turo kung nasaan ang hide out ng apocalypse dito sa pilipinas.
__________________________________________________

Ikinagulat nila Kyro ang bagay na sinabi ng nilalang sa kanila.

Kyro: (Gulat) Ano totoo bang sinabi mo? (Hawak ang flash drive)

Box Messenger: Totoo ang sinabi ko, nariyan lahat ng information tungkol sa kanila, pamula sa mga balak nito dito sa bansa, at maging ang dranixs ay sangkot sa kalakaran na ginagawa nila ngayon.

Nagulat muli si Kyro at ang iba sa sinabi ng kausap nila sa telepono.

Kyro: Ang dranixs!

Kaiza: Kung ganon tama ka nga, may-kinalaman ang mga yun sa kasong ito.

Box Messenger: (sa kanyang lugar) Kung ako sa inyo, hindi na ako mag-aaksaya ng oras, dahil bukas na bukas sisimulan na nilang tapusin ang deal, at kapag nang-yari yun. Katapusan na nating lahat.

Kyro: Ano! 

Box Messenger: (Sa kanyang lugar) Opps, mukang malaki na ang babayaran ko nito, paano ba iyan, good luck nalang sa inyo. Kayo nalang ang bahalang rumesolba ng iba hah! Bye!

Pinutol na ng lalaki ang kanyang pakikipag-usap kila kyro.

Kyro: Hello! Hello! Buwiset sino naman kaya ang isang yun?

Kaiza: (hinawakan ang bilikat ni kyro) Kyro ang mabuti pa dalhin natin sa HQ ang bagay na iyan, para mas mapag-handaan pa natin, kung totoo nga ang sinasabi ng taong nag-padala nito. Baka yan na talaga ang magiging susi natin laban sa apocalypse.

Kyro: Mabuti pa nga.
___________________________________________________________________

Sa ware houses

HAHAHAHAHAHAHAHA

Halos mapatawa nalang ang nilalang na nag-padala ng package kila kyro, at ang nilalang na ito ay walang iba kung hindi si knives.

Knives: Magiging masaya ito, mukang mapapadali ang trabaho ko dito....hahahahaha.

Ngunit ang hindi alam ni knives ay merong isang maliit na bugging device, na nag-mamasid sa kanya. At kanino naman kaya ang bagay na ito?
_________________________________________________________________

GINGA HQ

Pinulong ni Kaiza at Kyro ang mga taong puwedeng makatulong sa kanila. Kasama dito sila Gen. Ratio at Chief inspector. Marcus .

At dala nila ang susi upang matapos ang kasong ito.

Gen. Ratio: Hindi ko inaasahan na merong mag-papadala sa ating ng information na kagaya nito?

Chief Insp. Marcus: Tama ka, sa tingin mo kaiza, may kinalaman kaya ang taong yun sa mga nang-yayari?

Kaiza: Hindi ko po sigurado, pero kung totoo nga ang bagay na narito sa loob ng flash drive na ito, malaking tulong na ito para mapabagsak natin ang mga miyembro ng organization na iyun.

Kyro: Kaiza, simulan na natin ito.

Kaiza: Oo.

Inabot ni kaiza ang flash drive kay mei, at isinaksak ito sa isang computer.

Mei: Heto na.  

Binuksan ni mei ang file, mula sa holographic monitor, bumungad sa kanila ang kahindik-hindik na pang-yayari sa loob ng kuta ng organization kung tawagin ay apocalypse.  

Marina: Diyos ko po  ano ang mga bagay na iyan?

Gen. Ratio: Hindi ako makapaniwala.

Chief Insp. Marcus: Mga tao pa ba ang gumagawa nito?

Bumungad sa kanila ang mga kalunos-lunos na ginagawa ng mga miyembro ng apocalypse sa mga tao, bilang isang test subject.

Kaiza: Mei, tingnan mo kung meron pang ibang files sa loob.

Mei: Sige titingnan ko.  

Sinubukan ni mei na humanap ng iba pang files na puwede nilang magamit, at isang test video subject ang kanilang nakita.

Mei: Heto na, mukang isang  test subject  video ito.

Kaiza: Sige tingnan mo.

Binuksan ni Mei ang nasabing video file, at ang taong na nasabing video ay walang iba kung hindi si Dr. Riley.

Dr. Riley: Day 1 sa unang-araw pinakabagong experementong gagawin ko, mag-sisimula tayo mula sa isang ordinaryong tao sa pagiging super natural, dito natin malalaman kung may kakayanan ba silang maging sandata o hindi...kaya sisimulan ko na ang pag-sasa processo.

Lumapit si Dr. Riley sa nasabing test subject, at isa itong kawawang lalaki na halos puno ng sugat at latay sa katawan, kinuha siya ng mga tauhan ng doctor at inihiga ito saka itinali ang mga paa at kamay.

Dr. Riley: Ito ang isa sa neuron bio toxin na ginawa ko, makikita natin kung eepekto nga ang 
bagay na ito sa isang taong kagaya niya, at sa oras na gumana ito, isang kahindik-hindik na sandata ang lalabas.

Itinurok ng doctor ang nasabing neuron bio toxin sa lalaki, at ilang sandali pa, ay tila na ngisay ito at nag-pupumiglas sa kanyang hinihigaan.

Pero ilang sandali lang ang lalaking tinurukan ng gamot ay hindi kinaya, bagkos ay na ngitim ang katawan nito at nag-suka ito ng dugo, at maya-maya lang ay tuluyan na siyang namatay at nalusaw na parang isang abo.

Tila kinilabutan naman ang mga taong nasa loob ng briefing room.

Kyro: Hindi na makatao ito!

Marina: Napakasama nila, anong tingin nila sa mga tao...isang daga na puwede nilang pag-ekperementohan?! Hindi ko sila mapapatawad dito.

Nag-salita muli si mei dahil meron pa siyang nakitang ilang mga files.

Mei: Sandali meron pa akong nakitang mahalagang information.

Kaiza: Sige tingnan natin.

Mei: Ang una ang kinaroroonan ng pinag-tataguan ng mga apocalypse. Nasa point 24 ito sa may bandang manila area sa isang abandonadong pier.

Ipinakita ni mei ang larawan ng nasabing pier.

Kyro: Mukang hindi nga talaga mahahalata yan, dahil sa sira na ito at nabubulok na ang lugar, magaling silang mag-hanap ng mapag-tataguan, ate mei ano pa yung isa?

Sinabi ni mei ang huling files na nakita niya.

Mei: Ang huli, mukang ito yung sinasabi ng nag-padala sa atin ng flash drive na ito, balak ng apocalypse na pakawalan ang isang neuron bio toxin mula sa buong kamaynilaan at karatig 
bayan nito gamit ang isang missile.

Ikinagulat ng mga taong nasa loob ang sinabi ni mei.

Gen. Ratio: Ano!  

Chief Insp. Marcus: At kapag nang-yari yun?

Marina: Malalagay sa buong alanganin ang siyudad, at pamumugaran ito ng mga nilalang na yun. At magiging isang malaking quarantine ang buong maynila.

Kaiza: Kung ganon ito ang plano nila, ang maging sample ang mga taong nasa siyudad para sa kanilang mga ekperemento.

Gen. Ratio: Captain anong balak mo?

Kaiza: (tumingin kay kyro) may naiisip ako. At alam kong magagawa natin ito kapag-nag tulong tulong tayo.
____________________________________________________________

Sa labaratoryo nila Dr. Riley.  

Abala ang nasabing doctor sa kanyang isinasagawang pag-kakarga ng missile na puno ng neuron bio toxin.

Dr. Riley: Malapit na. Ilang oras nalang ang nalalabi, gagawin kong isang malaking quarantine ang buong kamaynilaan, at ditto lalabas ang mga mababangis na sandata.

Mula sa likuran ng doctor, lumapit ang tatlong nag-lalakihang nilalang na merong mga matutulis at bakal na kamay, at tinawag niya itong.

Dr.Riley: Handa na ba kayo? Mga tankor!
____________________________________________________________

Kinabukasan ipinatawag muli ni Kaiza ang mga taong puwede niyang makasama sa operation na ito.

Ipinakita niya ang mapa at ilang information tungkol sa gagawin nilang operation.

Kaiza: Makinig kayo, ito ang ating gagawin follow up operation upang hulihin ang nasa litratong ito.

Ipinakita ni Kaiza ang litrato ni Dr. Riley sa kanyang mga tauhan,

Kaiza: Siya si Dr. Laser Riley, siya ang itinuturong utak ng lahat ng nang-yayaring ito sa pag-kalat ng nasabing bio weapons, kailangan natin siyang mahuli ng buhay, upang mapag-kunan pa ng sapat na information tungkol sa kanila.

Pag-katapos mag-salita ni kaiza, si kyro naman ang nag-bigay ng kanyang salay-say sa plano

Kyro: Ito ang mapa ng gagawin natin sa operation, nakakasiguro ako na hindi man halata, maraming bantay ang nasa paligid nito, si Agent Asol ang bahala sa mga nasabing bantay gamit ang sniper sa hindi kalayuan, at wag kayong mabahala, meron tayong back-up at mula ito sa itaas, gagamitin ni ate mei ang isa sa mga chopper ng GINGA para i-monitor ang mga pang-yayari sa ibaba, at kung mag-ka aberya tayo, siya ang bahala.

Kaiza: Kailangan ko ng cooperation sa bawat isa sa inyo, hindi lang ang organization na ito ang kalaban natin, maaaring makasagupa din natin ang dranixs dito, na kinakalaban ni detective anjelo sa ngayon, kung meron pa kayong tanong sabihin niyo lang.

At habang nag-tatanong si Kaiza mula sa kanyang mga kasamahan, siya namang pumasok ang hindi inaasahang bisita.

*Ako! May taong ako*

Ikinagulat ni kaiza ang pag-pasok ng isang matalik na kaibigan, at walang iba kung hindi si Andrew.

Kaiza: Andrew? Teka anong ginagawa mo dito?

Kasama rin ni andrew si tina.

Tina: Pasensiya na kaiza, hindi siya nag-papaawat eh? Noong malaman niya ang tungkol sa information na hawak niyo, nag-pumilit siyang maka alis sa ward niya para lang makasama sa operationg na gagawin niyo.

Andrew: Hindi ko mapapatawad ang ginawa ng dranixs sa tauhan ko, ng marinig kong may kinalaman sila hindi na ako nag-aksaya ng panahon  para lang mag-pagaling sa mga sugat na ito. Kaiza nakikiusap ako sayo, gusto kong iligtas ang mga kasamahan ko, gusto kong malaman kung maayos lang sila. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nang-yari nanaman sa mga tauhan ko!

Tinapik naman ni Kaiza ang braso ng kaibigan.

Kaiza: Naiintindihan kita, mahalaga sayo ang mga tauhan mo, pero sana mag-iingat ka sa operation na ito, dahil hindi magiging madali ang lahat.

Andrew: Naiintindihan ko. Sanay nanaman ako sa mga ganito.

Kaiza: (tumingin kay tina) Tina samahan mo nalang si Mei para maging co-pilot niya sa GINGA vulture. Maasahan ko ang ability mo sa pag-papalipad ng chopper.

Mei: Teka parang wala kang tiwala sa misis mo ah, pero sige kakailanganin ko nga ng isang magaling na co-pilot, payag ka ba tina?

Tina: Oo naman. Maasahan mo ako Mrs. Anjelo.

Tila naman na out of place ang dalawa nila Kyro at marina, dahil sa nakikita nila ang unang batch ng mga special police na lumaban noon sa kasamaan ng kyujuu.

Kyro: Mukang na out of place na tayo dito ah.

Marina: Oo nga, ang unang batch ng mga special police, ay nag-sama sama ngayon sa unang pag-kakataon.

Kyro: Pero hindi naman tayo mag-papatalo sa kanila...diba partner?

Marina: Oo naman, dahil palabas natin ito.

Ngunit habang nag-uusap ang dalawang mag-partner ay hindi nila namamalayan na nakikinig sa kanilang bandang likuran si clyde, na tila ata merong binabalak na sumama sa gagawin nilang operation.

Clyde: Ganon pala hah? Puwes hindi ko hahayaan na kayo lang ang lalabas sa nang-yayaring kasiyahan na ito.

Nag-salita muli si Kaiza.

Kaiza: Ok sa loob ng 15 minutes aalis na tayo, at pipigilan natin ang binabalak ng mga ka-away! Humanda na kayo sa isang laban para sa kaligtasan ng lahat!

ROGER!

Nag-sipag handa na ang mga tauhan ng GINGA para tugisin ang organization apocalypse, kasama sila Kyro at Marina magawa na kaya nilantg matuklasan ang mysterio sa kasong ito?

Case Continued. 

No comments:

Post a Comment