Saturday, July 11, 2015

Case 27: Ang tungkulin ng isang alagad ng batas


Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement


Sa Pag-papatuloy ng kuwento

Nag-balik si kaiza at inilahad ang kanyang misyon sa pilipinas, at ito ay ang tungkol sa kanyang iimbestigahan na pag-kalat ng nasabing Bio Weapon.

Sa kabila nito, hindi pinayagan ni Kaiza na makasama si Kyro para sa kasong hawak niya, bagkos gusto niyang malaman ang isang bagay, na mas mahalaga kesa sa kapangyarihan.
At sa bandang panig ng dranix, merong natuklasan si knives na kanyang ikinagulat.

Knives: Ano ito? Isa itong.

Ano kaya ang bagay na nakita ni knives na ikinagulat niya, at ano ba din ang magiging papel niya sa mang-yayaring sakuna? 




Case 27: Ang tungkulin ng isang alagad ng batas

Lumundag si Kaiza, at pinuntirya niya ang ulo ng gill foot, ngunit hinarangan niya ito gamit ang kanyang malaking braso bilang pang-defensa.

Tila naman nag-kameron ng idea si kaiza kung saan ang puwedeng kahinaan ng kalaban

Kaiza: (sa sarili) Hindi kaya?...(tumingin kay snider) Hoy ikaw diyan, patamaan mo ng husto ang ulo niya. Sa tingin ko yun ang kahinaan ng nilalang na ito.
Nag salita si Snider

Snider: Puwede bang wag mo akong binibigyan ng utos, kahit na ikaw pa si Gaider, at mas nakaka-taas ka pa kesa sa akin....gagawa ako ng sarili kong paraan para matalo ang nilalang nayan, at hindi ko kailangan ng utos mo!

Kaiza: Sandali! Asar saan ba nila nakuha ang isang ito?

Sumugod ng mag-isa si snider ng buong tapang, at mula sa kanyang driver binago niya ito bilang rifle mode.  


BRATATATATATATA

Patuloy ang gina-gawang pag-atake ni Snider sa kalaban, at habang umaatake ito siya namang dumampot ng isang sasakyan ang gill foot ang ibato ito sa kanya pero mabilis naiwasan ito ng binatang pulis,ngunit ang ibinatong sasakyan ay siya naman palang tumama sa ilang mga sugatang pulis na rumesponde kanina. At kaagad kumilos si kaiza para tulungan ang mga ito.  

Kaiza: Hindi! Umalis kayo diyan!!!

BBBBBBAAAAAAAAAAGGGGG

Tumama ang sasakyan kung saan naroon ang mga sugatang pulis, at ang rumespondeng si kaiza ay hindi alam kung nagawa ba niyang na-iligtas ito.
_________________________________________________________

Pinapanood nila Mei at ng iba pa ang nang-yayaring labanan sa labas kung saan nadoon si Kaiza.  

Kyro: Kaiza!! Ate mei payagan mo na akong pumunta doon, ni walang pakielam si snider sa mga nang-yayari sa labas, nakikiusap ako...hayaan mong gawin ko ang tungkulin ko.
Nakatingin lang si Mei kay Kyro,..ngunit hindi nito pinansin si kyro at bumalik lang ang kanyang pansin sa monitor.

Na inis naman ang binatang detective, dahil sa binalewala nalang siya, maya-maya pa ay nagulat nalang din sila sa biglang pag-bangon ni kaiza mula sa battlefield.

Marina: Ate mei!

Mei: Mukang ayos lang siya...kaya hindi na ako mag-tataka na magawa niyang makaligtas sa nang-yari, kahit na wala siyang kapangyarihan ng katulad sa inyo.

Kyro: (Sa sarili) Asar!
______________________________________________________________

Balik sa battle field, tagumpay na nailigtas ni Kaiza ang mga sugatang pulis mula sa isang sasakyan na sana ay tatama sa kanila.

Kaiza: Mabuti nalang at umabot ako, ayos lang ba kayo?

POLICE: Ayos lang kami, maraming salamat.

Kaiza: Ang mabuti pa, lumayo muna kayo...masyado ng mapanganib kung mananatili pa kayo dito.

POLICE: Naiintindihan namin, sige tayo na.

Kaagad inalalayan ng pulis ang kasamahan niyang sugatan, at lumayo ito sa lugar. Ngunit ilang sandali pa ay bigla namang tumalsik si snider sa lupa at nawasak ito, 

BBBBBAAAAAAAAAGGGGG

Kaagad nilapitan ni kaiza ang batang pulis.

Kaiza: Hoy ayos ka lang ba?

Snider: Ang lakas niya, hindi siya kagaya ng mga negative na nakakasagupa ko sa labanan.

Napansin ni kaiza ang Gun Snider rifle mode ni snider at pinulot niya ito.

Snider: Teka saan mo dadalhin yan?

Kaiza: Mahiga ka nalang muna diyan....ako na ang bahala dito.

Snider: Sandali ibalik mo sa akin yan!

Kaagad sumugod muli si Kaiza sa Gill foot ng walang takot, ginamit niya ang sandata ni snider at pinuntirya nito ang ulo ng kalaban.

BRATATATATATATATATATA

Walang humpay na pinaputukan ni Kaiza ang kalabang gill foot, ngunit gumanti naman ito ng kanyang atake gamit ang kanyang mga malalaking kamao.

BBBBBBBAAAAAAAGGGG

Pero mabilis itong iniwasan ng pulis, at  gumanti pa ng putok at hanggang sa makakita na siya ng butas para pasukin na ang kahinaan ng nilalang.

Kaiza: Ayon! Huli ka.

BBBBAAAAAGGGG

Muling isinuntok ng gill foot ang kanyang kamao, at bumaon ito sa lupa, at ito na ang ginamit ni Kaiza na pag-kakataon, lumundag siya at dumulay sa kamao ng nilalang at inilabas ang kanyang natatagong sandata, ang kanyang blade dagger.

Pinuntirya nito ang ulo ng kalaban, at akma na niyang sasaksakin ang nilalang, ngunit ng sasak-sakin na nito ang ulo ng nilalang ay biglang humarang ang isa pang kamao nito, at akmang hahampasin si Kaiza, pero kaagad naman umiwas ng mabilis ang pulis at ligtas na naka-lapag.
Ngunit ang sumunod na nang-yari ay.

Kaiza: Teka umaatras na siya? 

Biglang umatras ang nilalang sa kalagitnaan ng laban, na ipinag-taka ni ito kaiza.
_________________________________________________

Sa labaratoryo ni Dr. Laser Riley, pinag-masdan niya ang nang-yaring pakikipaglaban ng kanyang subject.

Ngunit kasabay ng kanyang-pag mamasid ay naroon din si Knives na lihim na pinag-mamasdan ang ginagawa ng Doctor.
________________________________________________

Balik muli sa field, lumapit si snider at pinulot nito ang kanyang Gun Snider at bumalik sa dating anyo bilang si Clyde.

Clyde: Ikaw, anong karapatan mo na gamitin mo ang driver ko?! sumagot ka!

Kaiza: Ikaw?! Teka kilala kita ah?

Tila nagulat si kaiza sa kanyang nakita, ang lalaking nasa-harapan niya ngayon ay ang batang iniligtas noon ni mei sa kamay ng kyujuu, na si clyde.

Kaiza: Ikaw yung batang iniligtas noon ni mei, at ikaw rin yung nag-bigay kay andrew ng isang rosaryo, kung ganon ikaw isa sa mga pinaka bagong special police ng GINGA? Clyde.

Clyde:  Hmp! Wala akong pakielam sa mga sinasabi mo, kahit na ikaw pa ang isa sa pinakamalakas na pulis ng GINGA, hinding-hindi ko susundin ang mga pinag-uutos mo, at lalo ng hindi ko mapapayagan na gamitin mo ang sandatang pinag-katiwala sa akin. Kaya sa susunod lumugar ka kung ayaw mong ako mismo ang tumapos sayo.  

Natigilan nalang si Kaiza sa sinabi ng batang pulis, at kaagad itong umalis.

Kaiza: Ang batang yun, anong nang-yari sa kanya?
_____________________________________________________

Pag-katapos ng naging laban ng gill foot sa mga alagad ng batas, dumating ang dalawang miyembro ng dranixs na si Quwarta at Quinta, kasama si Knives.  

Quwarta: Hindi ko inaasahan kakaibang lakas pala ang ipapakita ng nilalang na ginawa 
mo,gamit ang mga kagamitan namin.

Dr. Riley: Ngayon alam niyo na ang lakas ng mga Bio weapons na ginagawa ko, siguro sapat na sa inyo yun para tapusin na ang kasunduan na ito.

Quinta: Mukang talagang na iinip ka nang tapusin ang bagay na ito bakit. May binabalak ka pa ba bukod sa pag-sasagawa ng mga bio weapons?

Dr.Riley: Hindi niyo na kailangan malaman pa kung ano ang susunod naming hakbang, ang sa akin lang masyado ng tumatagal ang usaping ito, tingnan niyo na kikielam na ang GINGA sa mga ginagawa namin----

Quwarata: Marami ka pang-sinasabi, sabihin na nating nasa labas lang ang GINGA para tugusin tayo, pero kailangan matapos ang kasunduang ito sa lalong madaling panahon, ano riley,  siguro naman matatapos mo na sa tamang oras ang bago naming hinihiling sayo.

Tila na iinis na sila quinta at quwarta sa mga ginagawa ni dr. riley, dahil sa pinapatagal pa nito ang kanilang kasunduan sa pag-gawa ng makabagong Injection tube, ngunit tila may na-alala ang doctor na tila isang mahalagang bagay.

Dr. Riley: Teka, kung gusto niyo talagang makuha ng maaga ang mga new substance ng inyong blue injection tube, may pabor akong hihilingin sa inyo.

Quwarata: Sige at ano naman yun?

Tumingin si Dr.Riley sa isa niyang Gill foot, na tila meron siyang binabalak.  

Dr. Riley: Simple lang at alam kong ma ibibigay niyo ito sa akin.
_________________________________________________________

Sa underground base ng GINGA Cafe .

Bumalik si Kaiza, at gumawa ng report ka-ugnay sa mga nang-yaring labanan, ngunit habang gagawin niya ito ay kinompronta siya ng kanyang nakakabatang kapatid.  

Kyro: Kaiza! Bakit, bakit hindi mo ako magawang ma isama sa kasong ito? Hindi natin alam kung ano ang mga susunod na mang-yayari, hindi rin natin alam kung kasabwat ba ang mga dranixs dito, sabihin mo ano ba talaga ang dahilan mo kung bakit mo sino-solo ang kasong ito!

Mei: Kyro, puwede bang huminahon ka lang.

Kyro: Huminahon? Paano ako hihinahon ng ganito ang sitwasyon, sino-solo niya ang kaso, na dapat kasama ako, dahil isa akong-----

Kaiza: Dahil ano! Dahil isa kang badge user, isa kang special police ganon?
Sasabihin sana ni kyro ang bagay na tungkol sa salitang special police ng biglang sumabat na si kaiza.

Kaiza: Para sabihin ko sayo, walang espesiyal sa pagiging special police, may suot ka mang baluti o wala, tandaan mo ito pare-pareho lang nating tinutupad ang mga tungkulin na naka ataw sa atin, at isa pa gusto mo ba talagang malaman ang dahilan kung bakit hindi kita isinama sa kasong ito?

Nag-salita muli si kyro.

Kyro: Sige, sabihin mo...kung ano ba talaga ang dahilan,

Kaiza: Simula noong tinalaga ka bilang si Gunver, sinubay-bayan ko na ang lahat ng naging kilos mo, sa mga kaso at pakikipag-laban na ginagawa mo, at dahil yun sa mga record na pinapadala sa akin ni mei, pinag-mamasdan kong mabuti ang mga bawat kilos mo. At  lahat yun ay inaasa mo lang sa kapangyarihan na meron ka.
Ikinagulat ni Kyro ang sinabi ni Kaiza.

Kyro: Ano!

Kaiza: Hindi yan ang inaasahan ko sayo, hindi ko inaasahan na masyado mong i-aasa ang talento mo sa kapangyarihan na meron ka.

Kyro: Pero, ginawa ko naman ng maayos ang trabaho ko, kahit na sabihin nga natin na madalas kong i-asa ang kakayahan ko kay Gunver, nagagawa ko parin ito ng maayos! Ano pa ba ang kailangan kong mapatunayan!

Kaiza: Gusto kong malaman mo ang dahilan, bilang isang pulis at hindi bilang isang special police, hindi habang buhay na hawak mo ang kapangyarihan na iyan.  
__________________________________________________________________

Dranixs Aquariume base.

Pinulong ni Quwarta ang ilan sa mga miyembro ng kanilang samahan upang sabihin ang kondisyon ni Dr. Laser Riley sa kanila upang mas mapabilis ang pag-kuha ng mas pinalakas na Zero Injection.  

Quwarta: Masyado na akong pinupuno ng riley nayun. Segundo, alam ko naman na meron kang konection sa mga military at mga kapulisan, ngayon kailangan ko ang tulong mo dito.

Segundo: Tulong? Hahahaha hindi ko akalain na hihingi sa akin ng tulong ang anak ng diyos na kagaya mo, at ano naman ang maipag-lilingkod ko sayo?

Quwarta: Kailangan na natin makuha ang perpektong sample ng Zero Injection sa mga taga apocalypse, ng saganon mas maparami pa natin ito at malaman pa ang tunay nating kakayahan, ang kaso lang, medyo na iirita na ako sa lalaking yun, kailangan niya ng mga sundalo o pulis para sa mga test subject na gagawin niya para sa mga bio weapons.

Segundo: Bueno, kung yan lang din ang pag-uusapan, meron akong alam na pag-kukunan natin. Malalakas at tamang-tamang ipang-bayad sa hayop na doctor nayun.

Quwarta: Kung ganon...Levaiton!

Muling nag-pakita ang masugid na alagad ng dranixs na si Levaiton, na mas pinalakas at mas mabangis na kesa noong huli itong nag-pakita.  

Levaiton: Master

Segundo: Kunin mo ang information na ito, at puntahan mo ang lugar kung nasaan ang ilan sa mga elite squad ng GINGA ay naririto, yan ang susi para matapos na ang kasunduan natin sa mga walang kuwentang apocalypse.

Kinuha ni Levaiton ang isang SD card.

Levaiton: Masusunod po.

Kaagad umalis ang cyborg warrior sa inuutos ni Segundo at Quwarta.  
_________________________________________________________________

Kinabukasan, lumabas si Kyro upang makapag-isip-isip naupo siya sa isang parke at tila hindi maalis sa kanyang isipan ang mga sinabi ng kanyang kapatid .

Sa isipan ni kyro ito ang mga salitang tumatakbo sa kanya.

Gusto kong malaman mo ang dahilan, bilang isang pulis at hindi bilang isang special police, hindi habang buhay na hawak mo ang kapangyarihan na iyan.

Kyro: AAAAAHHHHHH nakakaasar ka, ano ba kasing dapat kong gawin, ano bang ibig-sabihin ng sinabi sa akin ni kaiza? Hindi ko siya maintindihan. Hindi ba niya alam na ang pagiging special police, ay isang malaking karangalan sa bawat alagad ng batas, asar ano ba kasi yun.

Habang naguguluhan, isang babae ang nag-lalakad malapit  kay kyro, ng biglang may humablot ng kanyang bag at napasigaw ito ng.

SNATCHER!!!!

Biglang kumaripas ng takbo ang lalaking nang-halbot ng bag, at si kyro naman ay tila naging alisto.

Kyro: Snatcher?!

Lumapit ang babae kay kyro.

Babae: Sir tulungan niyo naman ako, ang bag ko, may mga mahahalagang gamit ako doon na kailangan kong mabawi.  

Tila hanggang ngayon ay nag-iisip parin si kyro at naalala niya ang isa pa sa sinabi ni kaiza

 walang espesiyal sa pagiging special police, may suot ka mang baluti o wala, tandaan mo ito pare-pareho lang nating tinutupad ang mga tungkulin na naka ataw sa atin.

Habang iniisip ni Kyro ang mga bagay na ito, kaagad siyang tumakbo at hinabol ang nasabing snatcher.

Kyro: Kailangan kong maintindihan, kailangan kong malaman ang dahilan, ang isang tungkulin ng isang alagad ng batas!!!

Mabilis na kumaripas ng takbo si kryo, at ilang sandali lang ay na abutan na niya ang lalaking nang-agaw ng bag.

Kyro: Hoy ikaw diyan!!!! Tumigal kaaaaa!!!!!

Kumaripas pa ng takbo ang snatcher, ngunit mas binilisan pa ni kyro ang kanyang pag-takbo, at ilang sandali pa ng makalapit na siya ng bahagya ay sinungaban na niya ito.

BBBBBBBAAAAAAAAAAGGGGG

Tumba ang snatcher, at sabay lagay ng posas si kyro sa mga kamay nito.

Kyro: Arestado ka ngayon!

Ilang sandali pa dumating na ang babae at meron na itong kasama na mga pulis, kaagad itinayo ni Kyro ang snatcher,

Kyro: Dalhin niyo na ito...isa akong detective mula sa GINGA, sa inyo ko na ililipat ang kustodiya sa kanya.

Police1: Maraming salamat sa tulong mo---sige lakad na!

Dinala na ng mga pulis ang nasabing snatcher, at iniabot naman ni kyro ang bag sa babae.

Kyro: Heto na po ang bag niyo, sa susunod mag-ingat na po kayo.

Babae: Nako salamat, malaking tulong itong ginawa mo sa akin, hindi ko alam kung papaano kita pasasalamatan, sana ipag-patuloy mo pa ang ganyang klaseng tungkulin, sana lahat ng pulis ay kagaya mo.

Tila natigilan si Kyro sa sinabi ng babae.

Kyro: ( Sa sarili) Ang tungkulin ko, bilang isang pulis at alagad ng batas, at hindi bilang isang special police...alam ko na ngayon, sige po maraming salamat din...mag-iingat na po kayo ngayon, may pupuntahan pa po kasi ako.

Babae: Sige sana gabayan ka ng diyos sa trabaho mo.

Pumunta si kyro sa kanyang Gun cycle at sumakay ito, ng biglang tumawag si Mei sa kabilang linya

Kyro: Ate Mei?

Mei: (Sa kabilang linya) Kyro, emergency kailangan mong mag-punta sa  Global city, kasalukuyan na umaatake ang Bio Weapon na naka-laban ni Kaiza kahapon, na doon na ngayon sila Kiaza at marina kasama ang ilang tauhan ng elite task force.

Kyro: Naiintindihan ko,

Isinuot kaagad ni Kyro ang kanyang helmet at nag-madaling umalis para puntahan ang lugar.
_____________________________________________________________

BRATATATATATATATATATA

Pinag-babaril ng mga tauhan ng  Elite task force ang nasabing nilalang, ngunit sa lakas at laki nito kinuha lang niya ang mga sasakyan na nakapaligid sa kanila at ibinato ito sa mga pulis.

BBBBBBBAAAAAAAAAAAGGGGG

Ilang sandali pa dumating ang Gun racer at ang GIGA Raptor sakay sila Kaiza at Marina.

Kaiza: Mukang napapadalas ata ang pag-labas nila, marina ihanda mo sarili mo.  

Marina: Opo!

Maya-maya pa ay nabaling na sa kanilang dalawa ang atensiyon ng Gill foot at sila naman ang inatake, mabilis na tumakbo ang nilalang at isang malakas na tuckle ang gagawin sana nito.

Kaiza: Ilag!

BBBBAAAAAAAGGGGG

Sa lakas ng pag-kakabanga nito sa pader halos madurog nito ang gusaling pinag-tatayuan.

Kaiza: Marina, gawin mo na habang nililibang ko siya!

Kinuha ni Kaiza ang kanyang Rifle at pinag-babaril niya ang nilalang, habang si marina naman ay inihanda ang sarili para mag-bago ang anyo

Zhapyra Drive Female voice: DNA scan complete!

Marina: Zhapyra change!!



Sumalakay kaagad si Zhapyra, at lumipad para umatake sa itaas, nag-pakawala siya ng mga flare mula sa kanyang back armor, upang lituhin ang nilalang.

Kaiza: Magaling ang ginawa mo!

Binalahan ni Kaiza ang kanyang grenade launcher at pinasabugan nito ang nilalang.

BOOMS!

Zhapyra: Nagawa niya---anong!?

Laking gulat nila Kaiza na walang nang-yari at bigla nalang lumundag ang nilalang at sabay dinampot si zhapyra

Kaiza: Hindi marina imulag ka!!

Akmang iiwas pa ang babaeng agent, ngunit sa taas at lakas ng lundag ng nilalang, nagawa niyang hawakan ito pa ibaba

Zhapyra: AAAAAAHHHHH

Kaiza: Hindi marina!!! Bitawan mo siya!!!

Umatake si kaiza , at pinag-babaril niya ang nilalang, ngunit sinipa siya nito papalayo at tumalsik ito at nag-pagulong-gulong.

Kaiza: Arrrrgghhh!

Sobrang nasaktan si Kaiza sa ginawa ng nilalang, at si zhapyra naman ay unti-unting  nitong niyu-yupi ang katawan.

Zhapyra: AAAAAARRRGGGGHHHH

Ngunit ilang sandali lang ay.

BLAST!-BLAST!

Dalawang sunod na tama ng laser ang tumama sa kamay ng nilalang, dahilan kung bakit niya nabitawan si Zhapyra at bumalik sa pagiging marina, at ang may kagagawan nito ay si kyro.

Marina: (Nahihirapan) Kyro?!

Kaiza: Kyro!

Kyro: Hoy, damulag, hindi ko hahayaan na saktan mo ang babaeng ito, dahil kukunin ko pa ang virginity niya!

Marina: (Namula) Anong sabi mo!

Tila nahiya naman si marina sa sinabi ni Kyro.

Kaiza: Anong ginagawa mo dito? Diba sinabi ko naman na wag kang makikielam
Ibinaba ni Kyro si Marina.

Kyro: Patawad pero, kuya kaiza, mukang alam ko na ang dahilan na sinasabi mo, ang tungkulin ng isang alagad ng batas, ay hindi basehan sa pagiging special police para matupad mo ang tungkulin mo! kahit maliit man o malaki, ang mahalaga, magawa mo ang sinumpaan mo na pro-protektahan mo ang mahihina, may kapangyarihan ka man o wala! Dahil yun ang tungkulin ng isang pulis!

Manood ka nalang at ako ang tatapos sa kanya, hindi bilang isang special police, kung hindi bilang ako... si Detective Kyro Anjelo!

Inilabas ni Kyro ang kanyang Gun Driver

Gun Driver Female Voice: DNA Scan complete!

Kyro: GUN CHANGER!

Kinalabit ni Kyro ang gatilyo at nag-bago ng anyo bilang si Special Detective Gunver.


Gunver: Humanda ka sa akin ngayon!!

Kaiza: Kyro?!

Kaharap ngayon ni Gunver ang nilalang na mas malaki sa kanya, at mag-sisimula na ang isa pang matinding labanan.
__________________________________________________

Samantala sa isang bayan sa north cotabato, isang operation ang ginawa ng GINGA warfare unit, upang arestohin ang isang naturang terrorista. Sa pamumuno ni major andrew mendoza, ngunit ang hindi nila alam, meron isang panganib na darating sa kanila.  

Levaiton: Mukang nakahanda na kayong lahat

Si levaiton ito, at kasama ang mga ilang skullz at ilang raphandol, ano kaya ang kahihinat-nan ng mga ito sa kamay ng ka-away?

Case Continued.....











No comments:

Post a Comment