Saturday, July 4, 2015

Case 26: Operation bio weapons




All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention. 

Ang nakaraan sa Special Detective Gunver......

Bumalik ang dating special police na si kaiza sa pilipinas pag-katapos ng kanyang misyon sa hawk squad, na surpresa dito ang ilan sa mga dating kasamahan niya lalo na ang kanyang asawang si mei.

Isang kaso ngayon ang hahawakan ni kaiza, ngunit bago matupad ang mga bagay na ito, kailangan niya ng tulong mula sa nakakabata niyang kapatid na si Kyro.  


Case 26: Operation bio weapons

GINGA HQ

Dumating si Kaiza, kasama sila marina, kyro at ang iba para sa isang mahalagang briefing na kanilang pag-uusapan. 

Sinalubong siya ng dati niyang commander at ngayon ay si Director General. Emilio Ratio.
Sumaludo si Kaiza kay director general.

Kaiza: (sumaludo) Sir....it’s nice to see you again.

Gen. Ratio: (sumaludo din) Ganon din ako...mukang ang laki ng pinag-bago mo ngayon simula noong huli nating pag-kikita pag-katapos ng kasal mo.

Kaiza: Ganon po ba...sa tingin ko hindi naman po masyado. (Tumingin kay mei)

Mei: Commander...ah General na pala...nice to see you again.

Gen. Ratio:  Agent Maria Martin...ganon din ako

Habang nag-kukumustahan naman ang mga dating mag-kakasama hindi maiwasan ni Kyro na 
mainis dahil sa tila na iitchapuwera sila ng mga ito.

Kyro: Pambihira, naitchapuwera na tayo dito ah, hanggang kailan ba mag-kukumustahan ang mga ito?

Marina: Puwede ba tumahimik ka na nga nalang, kita mo naman na ngayon lang uli sila nag-kita kita, kaya pabayaan mo nalang ok.

Kyro: Hay ewan.  

Ilang sandali lang ay nabaling kay kyro ang tingin ni General Ratio at nilapitan niya ito.

Gen. Ratio: Kung ganon, ikaw pala si Detective Kyro Anjelo? Ang nakakabatang kapatid ni Capt. Kaiza Anjelo...marami akong naririnig tungkol sayo.

Kyro: Ah ganon po ba!

Gen. Ratio: Balita ko napakarami mo nang kasong naresolba sa unang taon mo bilang rookie, at tama lang pala na ipinag-katiwala sayo ang Gun Driver.

Tila naman nag-bago ang mood ni kyro ng marinig ang mga papuri, at si marina naman ay tila nainis.

Kyro: (Pa-humble) Nako nakakatuwa naman po ang sinabi niyo sa akin, asahan niyo po gagawin ko pa ang makakaya ko.

Marina: Tingnan mo ang mokong na ito, kanina na iinis, ngayon binigyan lang ng konting papuri nag-bago na...ang babaw talaga ang kaligayahan mo.

Nabaling din ang attensiyon ni Gen.Ratio kay Marina

Gen. Ratio: At ikaw naman, ikaw si Agent Marina Asol ang Zhapyra user, mukang meron kang magagaling na tauhan dito Agent Martin.  

Mei: Syempre naman po, silang dalawa ang best of the best walang makakapantay sa kanilang dalawa pag-dating sa kasong pahahawakan niyo sa kanila.  

Maya-maya pa ay dumating na si Chief Insp. Arthur Marcus.

Chief Insp. Marcus: Pasensiya na kung nahuli ako----oh ikaw pala kaiza.  

Tina: Kaiza!

Kaiza: Papa! - este sir pala (sumaludo)

Mei: Papa

Chief Insp. Marcus: Hindi ko alam na darating ka ngayon, mukang marami tayong pag-uusapan tungkol sa inyong dalawa ng anak ko?

Kaiza: Oo nga po, pero hindi po muna yan ang oras para sa bagay nayan, (Hawak ang isang folder) Ito ang dahilan kung bakit ako nag-balik ngayon.  

___________________________________________________________________ 

Sa lihim na labaratoryo

Abala ang mga tao sa pag-sasagawa ng mga bagong test subject, sa labaratoryo ni Doctor Laser Riley, maya-maya pa ay dumating si Quwarta at Quinta kasama si knives para kumustahin muli ang ginagawa ng Doctor.

Dr. Riley: Mukang napapadalas ata ang pag-punta niyo sa labaratoryo ko, mga miyembro ng illuminati.

Knives: (Sa sarili) Illuminati?

Nag-balik sa kanyang dating anyo si Quinta bilang si Dr. Ferdinand Hamilton.

Dr. Hamilton: Talagang illuminati pa ang itinawag mo sa amin.

Prof.Riley: Totoo naman diba, kayong mga illuminati gusto niyong pag-harian ang mundo ng patago, at hanggang kailan niyo ba balak akong istorbohin sa mga ginagawa ko?

Quwarta: Makinig ka laser riley, hiningi namin ang serbisyo ng apocalypse upang malaman pa namin ng husto ang lakas na taglay ng mga evolving species na kagaya namin. Ng saganon mas mapalakas pa namin ang taglay naming kapangyarihan, dahil yun ang gustong mang-yari sa amin ng aming panginoon.

Prof. Riley: Hay nako kung hindi niyo lang kami binabayaran ng malaki sa proyektong ito, hindi na namin pag-aaksayahan ng panahon ang mga bagay na ito, pero kung sabagay maganda rin naman itong pag-eeksperemento natin sa mga taong ito, ang mga dating mahihina at walang lakas ay tuluyan ng nag-bago at mas nakakatakot...gusto niyo bang makita ang isa sa mga alaga ko ngayon?

Dr. Hamilton: Sige para malaman natin kung ano talaga kakayahan mo.

Prof. Riley: Bueno.

Pinindot ni Professor Riley ang isang button at mula sa isang screen monitor  na doon ang isang kulungan ng mga test subject, at bumukas ang kulungan nito, walang ano-ano ay inatake nito ang mga taong nasa paligid at pinag-papatay.  

Mula sa monitor rinig ng mga ito ang sigaw ng mga pinapatay na tao. 

Prof. Riley: Ano nagustuhan niyo ba? Yang ang tinatawag kong Gill Foot, ang mabait kong alaga.

Dr. Hamilton: Gill Foot? Kung ganon ginamit mo ang lakas ng Zero Injection sa isang Genetically Engineered creature? Kagaya ng rapandol namin at ng iba pa ng iba naming test subject.

Prof. Riley: Tama ka, pero marami parin siyang kakulangan, dinedevelop ko pa ang  main body at mga genes na meron ang gill foot, at kasabay noon ganon din ang ginagawa ko sa zero injection niyo, kung gusto niyo...subukan natin ang bagay nayan kung puwede siyang utusan?

Quwarta: Utusan? Anong ibig mong sabihin.

Prof. Riley: May ipapakuha lang ako sa kanya, isang sariwang sangkap para sa ating experemento.

Tila isang masamang balak ang nasa-sa isip ni Dr.Laser Riley sa mga oras na ito.  
______________________________________________________________ 

Sa Briefing room ng GINGA

Gamit ang holographic image ipinakita ni kaiza ang bagay na kanyang ipinunta muli sa dati 
niyang samahan.

Kaiza: Ito ang kuha ng nakaraan kong mission sa Baghdad Iraq.  

Ikinagulat ng mga nasa loob ang isang nilalang na kinakalaban ni kaiza.  

Kyro: Teka isa bayang rapandol?

Kaiza: Rapandol? Paano mo nasabi.

Kyro: Kasi sa balat palang niya makikita mo na ang tissue, yun nga lang nababalutan siya ng kakaibang uri ng armor, pero halos kahaling tulad lang sila ng tayo at atake.  

Kaiza: Mukang nag kakamali ka sa sinabi mo Kyro.

Kyro: Ano? Pero bakit naman, isang beses na akong naka-harap ng ganyan.

Kaiza: Hindi isang rapandol ang isang yan, hayaan mong ituloy ko ang sinasabi ko, isa yang Biological Weapon.

Gen. Ratio: Biological Weapon? Anong ibig mong sabihin Captain Kaiza?

Kaiza: Heto para malinawan kayo,

Ipinakita pa ni Kaiza ang mga larawan ng ginagawang ekperemento tungkol sa nasabing Biological Weapon, at ikinagulat ito ng mga tao sa loob ng silid.

Marina: Teka anong mga bagay na iyan?

Kaiza: Sa maniwala kayo o sa hindi, mga tao yan, mismong mga tao ang ginagamit nila sa pag-gawa ng biological weapon, at ang nasa likod ng lahat ng ito ay ang taong ito.

Isang imahe muli ang ipinakita ni kaiza, at ang imaheng ito ay pag-mamay-ari ng isang lalaki.

Kyro: Teka sino naman ang lalaking yan? 

Kaiza: Siya si Doctor Laser Riley, isang rouge scientist at isa siya sa itinuturong mastermind sa kasong ito, kabilang siya secret organization na kung tawagin ay apocalypse, walang malinaw na background mula sa kanya, pero ayon sa information na nakuha ng Hawk Squad, ang talamak na ang bentahan ng biological weapon sa black market at sa mga bansang balot ng digmaan.

Noong binasa ko ang report na ito, kasama ang bansa natin na gumagamit narin ng biological weapon ng patago. Hindi natin alam kung paano natin mapipigilan ang pag-lago sa kasong ito. Pero Kailangan mapigilan natin si Doctor Laser riley at ang organization niya, sa kahit anong paraan.

Gen. Ratio: Mukang isang malaking problema ito, Captain siguraduhin mong mapipigilan ng team mo ang bantang ito, ayaw kong malagay sa alanganin ang bansa natin dahil lang sa mga panganib na dala ng mga sandatang yan, gusto kong hulihin niyo sila in any cost .

Kaiza: Roger that sir... (tumingin kay tina) Tina nasaan nga pala ngayon si andrew? Gusto ko siya ang makasama ko sa misyon na ito, dahil malaki ang maitutulong niya dito dahil sa abilidad niya sa special warfare.

Tila naman na inis si Kyro sa sinabi ni Kaiza.  

Tina: Pasensiya na, pero nasa operation sila ngayon sa north cotabato kasama ang warfare unit group, mukang matatagalan sila doon bago makabalik. 

Kaiza: Ganon ba, (Tumingin kay kyro) mukang wala na akong choice, ako nalang ang reresolba nito ng mag-isa.  

Ikinagulat ni Kyro ang sinabi ng kanyang nakakatandang kapatid na hindi siya isasama nito sa isang kasong hahawakan.  
______________________________________________________________________

Samantala sa isang parke isang trailer truck ang tumigil dito, sakaya nito ang mga tauhan ng nasabing organizationg apocalypse.

Apocalypse Soldier: Gawin na natin.

Apocalypse Solider 2: Roger

Kaagad binuksan ng dalawang sundalo ang pintuaan ng trailer, at maya-maya pa ay lumabas ang nakakagimbal na nilalang mula sa loob, at inatake niya ang mga kawawang sibilyan.

AAAAAAAHHHHHHHHHH TAKBO!!!!

Kung sino man ang madampot ng Gill foot ay kaagad niyang pinupunit at pinu-putol ang katawan ng walang awa,
_________________________________________________________________________

Bumalik naman sa GINGA cafe sila kyro, at kinompronta nito ang kanyang nakakatandang kapatid.  

Kyro: Kaiza!

Kaiza: Kyro? May problema ba.

Kyro: Malaki, bakit hindi mo ako isasama sa kasong ito? Sabihin mo anong ibig-sabihin ng mga bagay na ito ha! Sa tingin mo ba kakayanin mong mag-isang harapin ang mga bio weapon nayun ng walang gamit na suit? 

Kaiza: Anong pinag-sasabi mo diyan?

Habang nag-tatalo naman ang dalawa pinag-mamasdan naman sila ng dalawa ni marina at mei.

Marina: Teka nag-aaway po ba sila?

Mei: Ewan ko sa mga yan, halikana pabaayan mo na muna sila.

Balik muli kila kaiza at kyro.

Kyro: Sa tingin mo ba magagawa mo silang matalo ng walang kapangyarihan! Mga halimaw na ang kalaban mo, hindi na biro ang mga yun…kaya bakit hindi mo kami isasama dito?

Kaiza: Tumahimik ka nga, sa tingin mo ba sa lahat ng pag-kakataon umaasa ako sa kapangyarihan ng special police? 

Kyro: Anong ibig mong sabihin?

Kaiza: Makinig kang mabuti, hindi mo kailangan ng malakas na kapangyarihan para matupad mo ang tungkulin mo, kahit hindi na ako isang special police ngayon ginagawa ko parin ang tungkulin ko delikado man ito o hindi, kung maiintindihan mo ang sinasabi ko, baka pasamahin pa kita sa kasong ito.... at isa pa meron ka pang kasong hina-hawakan ngayon, doon ka muna mag-focus at wag mo akong pakikielamanan, maliwanag.  

Kyro: Pero kaiza!

Kaiza: Wala ng pero, kami nalang ni mei ang gagawa nito, kayong dalawa ni marina sa dranixs nalang kayo mag-focus.  

Natigilan si kyro sa mga sinabi ni kaiza, at tila hindi niya maintindihan ang sinabi ng kanyang kapatid. Maya-maya pa ay biglang tumunog ang kanilang alarming system.  

Alert!-Alert!

Kaiza: Anong nang-yayari?

Mei: Merong pag-atake ang nagaganap ngayon sa area 12 sa isang park sa maynila, teka ito ang!

Nakita nila sa screen ang nilalang na umaatake, at ito ay isang biological weapon

Marina: Teka yan ang!?

Mei: Ang bio weapon, anong ginagawa na nila dito?

Kaiza: Mukang nag-sisimula na silang gumagawa ng hakbang, mei ihanda mo ang Giga raptor, pupunta ako ngayon doon. 

Mei: Roger.

Kaagad nag-handa si kaiza sa kanyang gagawing operation, ngunit si kyro  naman ay tila na iinis dahil sa hindi siya puwedeng makielam sa kasong ito.  
 __________________________________________________________________

Sa parke kung saan nang-yayari ang kaguluhan, dumating ang ilan sa mga tauhan ng GINGA elite task force at ang ilan sa mga taga PNP.

Pinaputukan nila ang nag-aamok na nilalang, ngunit dinampot lang nito ang isang patrol car at ibinato sa kanila.

AAAAAHHHHHH
BANG!-BANG!-BANG!

GINGA Police 1: This elite task force 02 we need a back-up now! I repeat we need a back-up now----aaaaahhhhhhhhh

BBBBBOOOOOOOOMMMMM

Patuloy parin  ang paninira ng Gill foot sa kanila habang merong hawak na mga bangkay ng tao, ilang sandali pa sakay ng kanyang snide cycle, dumating si clyde sa pinang-yayarihan ng kaguluhan at kaagad siyang bumaba sa kanyang motorsiklo para rumesponde.


Clyde: Anong klaseng nilalang ito?

Binunot ni Clyde ang kanyang Gun Snider at pinaputukan niya ang bio weapon.

BANG!-BANG!

Nalipat kay clyde ang attensiyon ng nilalang at ang mga kawawang pulis ay naligtas.

Clyde: Kayo diyan, umalis na kayo....

GINGA Police: O-Oo!!

Kaagad umalis ang dalawang pulis para mag-regroup, ibinato naman kay clyde ang dalawang bangkay ng pulis, pero mabilis niyang iniwasan ang mga ito.

BBBBAAAAAAAAGGGGGGG

Clyde: Hmp, mukang kailangan kitang seryosohin...

Gun snider male voice: DNA Scan complete.

Clyde: Snider change!!



Nag-bago ang anyo ni Clyde bilang si special police snider, at umatake siya ng pasulong sa nilalang.

BANG!-BANG!-BANG!

Isang malakas na kamao ang sasalubong kay snider ngunit mabilis itong naka-iwas.

BBBBBBAAAAAAAGGGGGG

Snider: Mukang hindi e-epekto ang bala ng pistol mode, kung ganon

Gun Snider Male voice: SD Memory In, Change Rifle!

Binago ni Snider ang kanyang baril bilang rifle mode, at nira-rat niya ang kalaban.  
___________________________________________________________________

Samantala kumpleto na ang kagamitan ni Kaiza, at tinangal niya ang mantel na nakabalot sa kanyang motorsiklo.



Kaiza: Matagal din tayong hindi nag-kita, partner.

Sumakay si kaiza sa kanyang Giga raptor at nag-suot ng helmet.

Mei: Kaiza, mag-ingat ka.

Kaiza: Oo (Sinaraduhan ang visor ng helmet)

Hinarurot kaagad ni kaiza ang kanyang Giga raptor at nag-tungo sa pinang-yayarihan ng gulo, naiwan naman sa likuran si kyro na tila na-iinis parin.

Kyro: (Sa sarili) Kaiza...ano bang problema mo, bakit, bakit hindi mo ako isinama sa kasong to bakit!

Napansin ni marina na nangi-nginig si kyro.  

Marina: Kyro?

Nakatingin naman si marina kay kyro.  
____________________________________________________________________

Sa GINGA labaratory

Abala naman si marion sa kanyang ginagawa, isang badge at isang SD card ngayon ang dinedevelop niya.  

Marion: Kailangan matapos ko ito sa lalong madaling panahon, dahil ito lang ang makakatulong kay kuya kaiza sa pakikipag-laban niya...diba K-9!  

K-9: Woof!  Woof! 
_____________________________________________________________________

BBBBBBOOOOOOOMMMMSSS

Isang malakas na pag-sabog ang nang-yari at tumilapon si snider sa isang sasakyan

BBBAAAAAGGGGG

Snider: Asar!

Akmang papalapit na ang nilalang kay snider para tapusin siya, ngunit biglang.

BLAST!-BLAST!

Dalawang sunod na blast ang tumama sa nasabing bio weapon, at ang may kagagawan nito ay si kaiza sakay ng kanyang Giga raptor.  

Kaagad siyang bumaba sa kanyang motorsiklo, at hinubad ang helmet saka nilapitan si snider.

Kaiza: Ayos ka lang ba?

Ikinagulat ni snider ang pag-dating ni kaiza at ng iba pang mga pulis sa paligid.

Snider: Ikaw? Special police gaider.

Kaiza: Mukang malaking kalat ang ginawa niya dito, ang mabuti pa tumayo ka na diyan.

Snider: Hmp, wag mo nga akong inuutusan...kaya kong talunin ang nilalang nayan kahit ako lang mag-isa.

Kaiza: Talaga lang huh?

Biglang kinuha ni Kaiza ang kanyang grenade launcher sa kanyang likuran at pinaputukan niya ang bio weapon.

BOOMS-BOOMS

Lumundag si Kaiza at binunot naman niya ang kanyang dalawang hand guns sa mga binti at pinaputukan niya sa ulunan ang bio weapon.

BANG!-BANG!-BANG!

Humarap kay Kaiza ang Gill foot at kita sa mga mata nito ang galit.

Kaiza: Mukang ginalit ata kita, pasensiya na trabaho lang.  

Muli siyang inatake ng gill foot pero mabilis na lumundag muli si Kaiza at gumanti ng putok.
___________________________________________________________________

Pina-panuod naman ng mabuti nila mei ang ginagawang pakikipag-laban ngayon ni kaiza sa bio weapon.

Mang-hang-mang-ha naman si marina sa nakikita niyang pakikipag-laban ng veteranong pulis ng GINGA.  

Marina: Ang galing, parang hindi ordinaryo ang lakas na ipinapakita niya sa pakikipag-laban, kahit na wala siyang gamit na special police suit, makikita mo talaga ang lakas niya.

Mei: (Tumingin kay Kyro) Kyro panoorin mong mabuti ang pakikipag-laban na ginagawa ng kuya mo, kung gusto mo siyang maintindihan wag mong aalisin ang mata mo sa monitor.  

Kyro: Ate mei? 

Pinag-masdan lang mabuti ni kyro ang ginagawang pakikipag-laban ng kanyang kuya sa nasabing bio weapon.  

Gusto niyang malaman ang dahilan ni kaiza kung bakit niya sinabi ito sa kanya.
______________________________________________________________

Samantala sa lihim na labaratoryo ng Apocalypse, pa tagong pumunta doon si Knives upang malaman ang sikreto ng nasabing organization.

Knives: Tingnan nga natin ang tinatago niyo.

Tiningnan ni Knives ang mga files at data ng computer at tumambad sa kanya ang isang bagay.  
Knives: Ano ito? Isa itong!

Ano kaya ang bagay na nakita ni knives na ikinagulat niya, at ano ba din ang magiging papel niya sa mang-yayaring sakuna?

Case continued







No comments:

Post a Comment