All the characters in this series have no existence whatsoever outside the
imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or
names. They are not even distantly
inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely
invention.
Isang
package ang natangap nila kyro sa isang hindi nag-pakilalang tao, na
nag-lalaman ng impormation tungkol sa mga balak ng apocalypse.
Nalaman nila
ang mga tinatagong ekperemento nito gamit ang mga tao bilang kanilang mga lab
rat. At hindi lang ito ang kanilang natuklasan, ang isa na ang sikretong taguan
ng nasabing organization, ang pakikipag-sabwatan nito sa dranixs. At ang huli
ay ang pag-papakawala nito ng neuron bio toxin na ikakalat sa mga kalapit lugar
sa metro manila.
Ng dahil sa
kanilang impormation na tangap, kaagad kumilos ang groupong binuo ni kaiza
kasama ang kapatid niya, upang tuluyang pabagsakin ang organization sumisira sa
buhay ng mga tao.
Case 30: Final Clash part 1
GINGA HQ
Dumating ang
sinasabing araw ng deal ng Dranixs at Apocalypse, at ang tropa ng GINGA ay
nag-sipag handa ng kanilang mga kagamitan sa kanilang gagawing pag-aresto sa
mga taong responsable sa mga nang-yayari.
Isa-isa
silang nag-lagay ng mga bala at ilang rounds ng magazine, kasama narin ang
pag-susuot ng mga special tactical vest upang hindi sila tablan ng bala.
Ng matapos
sila sa kanilang pag-hahanda nag-salita muli si Kaiza.
Kaiza: Ok listen up! Kung meron mang gustong
mag-quit sa operation na ito gawin niyo na, sinasabi ko lang ito sa inyo bilang
nakakataas sa inyo. Ayaw kong dumating ang oras na mag-sisi kayo sa mang-yayari
, dahil hindi ito isang ordinaryong misyon lang. Maaring mamatay tayo sa mismong
field, kaya kung sino man ang gustong mag-back-out gawin niyo na habang ma-aga
pa!
Nag-tinginan
naman ang mga pulis na kasama sa operation, at si kyro naman ay nag-salita
tungkol sa bagay na sinasabi ng kanyang kapatid.
Kyro: Quit? Nag-papatawa ka ba kaiza? Masyado ng maraming nag-sakripisyo na tao
para lang sa kasong ito, sa tingin mo pa ba meron ni-isang gustong umalis sa
operation na ito. Sa nakikita ko sa kanila, meron ilang sa mga tao dito na
kaibigan o malapit sa mga pulis na binihag, at meron naman ilan din na
nag-aalala sa kanilang mga mahal sa buhay kaya sila narito. Para saan pa kung
bakit ka tinawag na alagad ng batas, kung hindi mo kayang harapin ang panganib
na naka-ambang sa mga buhay mo. Ikaw na
mismo ang nag-sabi hindi mo kailangan ng kapangyarihan bilang isang pulis. Ang
tanging aasahan mo lang ay ang sarili mo at maniwala sa kakayahan mo.
Tila
nabigyan ng konting inspiration ang mga kasamahan ni kyro sa operation, at
ganon din ang kapatid niyang si kaiza.
Kaiza: (Sa sarili) Ang batang to, ibang klase ka
talaga kyro....bueno kung walang may balak na mag-quit mag-handa na kayo dahil
wala ng oras na natitira para sa atin, dahil sa atin nalang naka-salalay ang
buhay ng mga inosenteng tao ngayon! Ok let’s roll!
ROGER!
Kaagad
sumakay ang mga ilang tauhan nila Kaiza sa kanilang patrol vehicle, at habang
akmang sasakay sa kaniyang patrol racer, siya namang dumating si marion para
ibigay ang isang bagay sa kanya.
Marion: Kuya Kaiza!
Kaiza: Marion?
Bumaba si
Kaiza sa kanilang sasakyan. Dahil sa pag-tawag sa kanila ni Marion.
Marion: Buti naman at umabot ako! Heto na.
Inilabas ni
marion ang isang case at binuksan niya ito, nag-lalaman ito ng isang bagay na
magagamit nila Kaiza sa kanyang misyon.
Kaiza: Ang badge? Nagawa mo na siya?
Marion: Oo, kagaya ng dati, magiging si Gaider ka na
ulit! Ang mas malakas at mas bagong si Special Police Gaider!
Kaiza: Salamat Marion! Malaki ang maitutulong nito
sa operation, (tinapik ang balikat) maasahan ka talaga!
Marion: Hindi lang yun, nariyan pa ba sila Marina at
Kyro?
Tila
napansin naman nila Kaiza na naka-alis na ang sasakyan nila kyro.
Kaiza: Wala na sila, mukang na una na sila
operation. Bakit may problema ba?
Marion: Ah wala naman, gusto ko lang sana ibigay sa
kanila ang mga bagay na ito, ito ang bago kong ginawang SD Memory, kung ayos lang sayo kuya ikaw nalang ang mabigay sa
kanila nito. Malaki din ang maitutulong ng mga yan sa laban.
Kaiza: Sige naiintindihan ko! Maraming salamat uli!
Pag-katangap
ni kaiza sa mga ibinigay ni marion, kaagad na siyang sumakay sa kanyang patrol
racer at umalis.
Marion: Mag-ingat kayo kuya kaiza!
___________________________________________________________
Point 24 sa
abandonadong pier sa maynila.
Sa
kaloob-looban nito. Naroon ang sikretong labaratoryo ng apocalypse member na si
Dr. Laser Riley. Dumating din doon ang nasabing miyembro ng Dranixs na si
Quinta at Quwarta kasama sila Knives at Levaiton. Upang isa gawa ang kanilang deal.
Dr. Riley: Mabuti naman at nakarating na kayo.
Quwarta: Syempre naman, dahil inaasahan namin ang mga
bagay na ipinagawa namin mula sa inyo.
Pumitik ng
kanyang hinlalaki si Dr. Riley at ipinalabas nito ang bagay na pinag-kasunduan
nila ng dranixs.
Dr. Riley: Heto na, ang mas pinalakas at mas mabangis
na Zero Injection
Binuksan ng
isang tauhan ng apocalypse ang case na nag-lalaman ng nasabing bagay.
_____________________________________________________________
Samantala sa
Labas, naka puwesto na si Marina para patumbahin ang mga kalaban na
nag-babantay sa lugar.
Ginamit niya
ang kanyang Barrett M82 at pumuwesto ito sa isang mataas na lugar.
Marina: Kyro nakapuwesto na ako....Sisimulan ko na
para maka-pasok na kayo.
Kyro: (sa kabilang linya) Roger that.
Pumuwesto
sinimulan ni marina ang pag-papabagsak sa mga bantay, dalawang guwardiya mula
sa gate ang naroon, at dalawang sunod niyang pinaputukan ang mga ito at
namatay.
BANG!-BANG!
Marina: Kyro, tango down. Puwede na kayong pumasok
sa main gate.
___________________________________________________________
Sa hindi
kalayuang lugar, naroon naman sila kyro at kaiza kasama ng ilang tauhan ng
elite task force at GINGA SWAT.
Isinuot ni
kyro ang kanyang gun vision shade sa kanang tenga, at nag-simula na sila sa
kanilang operation.
Mabilis
nilang pinasok ang loob ng main gate, at pansamantalang tumigil dahil sa may
mga bantay sa papasok ng mismong lab.
Ngunit
mabilis naman na pinatumba ito ni marina gamit ang kanyang Barrett M82.
BANG!-BANG!
Marina: (sa kabilang linya) Clear, your good to go!
Kyro: Good Job, tayo na.
Dahang-dahan
na pumasok sa loob ng nasabing labaratoryo ang mga tauhan ng GINGA.
________________________________________________
Balik sa
loob ng lab. Kinikilatis pang mabuti ni Quwarta ang nasabing mas pinalakas na
substance ng Zero Injection.
Quwarta: Mukang
mas malakas nga ito kung ikukumpara sa dati.
Dr. Riley: Sympre naman, bibiguin ko ba kayo, sayang
naman ang binabayad niyo sa amin, kung hindi ko pag-bubutihan.
Quinta: Ang mabuti pa tapusin na natin ang
kasunduang ito, mukang hindi rin maganda ang kutob ko kapag-nag tagal pa tayo
dito. Knives!
Inutusan ni
Quinta si Knives na ilabas ang pera bilang bayad sa ginawang serbisyo sa kanila
ng organization, at ito rin ang magiging tanda na tapos na ang kanilang
kasunduan sa isa’t isa.
Knives: 700 million, walang labis at walang kulang.
Kinuha ni
Dr. Riley ang isang lapad ng pera at tiningnan niya ito.
Dr.
Riley: Talagang hindi kayo bumali sa inyong pangako....bueno ito na ang
magiging huli sa ating kasunduan, sana magamit niyo ang bagay nayan sa inyong
mga balak sa hinaharap....maraming salamat sa maayos na negotation
(Makikipag-kamay)
Quwarta: Ganon din ako (Makikipag-kamay)
Akmang
mag-kakamay ang dalawa ng bigla namang may sumigaw.
AAAAAAAAAHHHH
BBBBBAAAAAAGGGG
Isang patay
na tauhan ng apocalypse ang bumulagta sa gita ng kanilang pag-kakamay, at
laking gulat nila na ang may kagagawan nito ay walang iba kung hindi sila.
Quwarta: Ang GINGA!
Nakapalibot
ngayon ang buong kapulisan ng GINGA sa mga tauhan ng Dranixs at Apocalypse. At
ito ay sa pamumuno nila Kaiza at Kyro.
Kaiza: Mukang tama nga ang impormation na nakaha
namin, dito nga matatagpuan ang lihim niyong labaratoryo.
Hindi
makapaniwala ang mad scientist na nasa harapan nila ngayon ang mga tauhan ng
batas. Samantala tila nagulat din si Kyro sa kanyang nakita, dalawa sa mga
miyembro ng dranixs ang na doon.
Dr. Riley: Quwarta anong ibig sabihin nito?
Kyro: Kung ganon ikaw ang isa sa mga big boss ng
dranixs? Quwarta ibig sabihin pang-apat, at narito naman si Quinta ang
pang-lima, hindi ko inaasahan na tama nga ang hinala ko. Na kasabwat kayo sa
mga nang-yayari ngayon!
Quwarta: Hindi ko inaasahan na dito tayo mag-kikita,
ang sikat na si detective kyro anjelo, o mas kilala bilang si Special Detective
Gunver! Ano kaya kung subukan ko ngayon
ang bago
namin sandata laban sa inyo, Detective?
Kyro: Anong sabi mo!? Bagong sandata?
Kaiza: Dr. Riley at kayo mga miyembro ng Dranix,
Inaaresto namin kayo dito! Sa salang pag-patay at pag-sasagawa ng ilegal na
experimento gamit ang mga katawan ng tao! Kung ako sa inyo susuko na ako!
Dr. Riley: Heh! Wag kayong mag-patawa!
Akmang gagamitin ni Dr.Riley ang isang emergency
exit mula sa kanilang kalapit, pero maya-maya lang ay.
BBBBBBBAAAAAAAAAGGGGGGG
Bumanga mula
sa kanilang pader ang isang sasakyan ng GINGA at ito ay ang armored bison na
minamaneho ni Andrew.
Dr. Riley: Anong!
Andrew: Pasensiya na kung sinira ko ang pader niyo!
Tumutok ang
mga baril at kanyon ng armored bison kila Dr. Riley at mga kasama nito.
Kaiza: Nakalimutan kong sabihin sa inyo, na nasa
labas ngayon ang ilan sa pinaka-magagaling na tauhan ko, at kung babalakin niyong
tumakas, sinisigurado ko sa inyong mamatay lang kayo! Dahil pamula sa ere, lupa
at tubig nakabantay kami at sisiguraduhing hindi kayo makakatakas pa!
Ilan sa mga
plano pa ni kaiza ay ang palibutan ang buong lugar ng kapulisan nila, upang
hindi magawang makatakas pa ng mga miyembro ng apocalypse pati narin ang
dranixs.
Andrew: Kaiza ang mga kasamahan nating na-bihag!
Kaiza: Dr. Riley! Sabihin mo nasaan ang mga bihag
niyong mga GINGA Police! Sumagot ka!
Nag-salita
naman ang doctor kaugnay sa bagay na ito.
Dr. Riley: Sila ba? Ang totoo niyan, narito sila at
makikisaya sa gagawin nating laro ngayon!
Kaiza/Andrew: Ano!
Pinindot ni
Dr. Riley ang isang button, at ilang sandali pa ay biglang merong lumabas na
tatlong nag-lalakihang nilalang.
At ito ang biglang
tumulak sa armored bison palabas, at ito rin ang umatake sa mga pulis na
nakapalibot sa kanila.
Andrew: EEEEERRRHHHH
Kaiza: Umiwas kayo!
BBBBBAAAAAAAAGGGGG
Mabilis na
naka-iwas ang mga pulis sa ibinato ng nilalang na kung tawagin ni Dr. Riley ay.
Dr. Riley: Ayos ba? Yan ang mga tinatawag kong mga
tangkor, at sila lang naman ang mga kawawang daga na hinuli ng dranixs, para
maging sample sa experemento ko, sayang lang at ang iba sa kanila ay namatay
dahil hindi nila kinaya ang proseso sa ginagawa kong test. Kaya sila lang tatlo
ang masuwerteng na bigyan ng kakaibang kapangyarihan.
Hindi
makapaniwala si andrew at kaiza sa kanilang narinig. Dahil ang mga kasamahan
nila ay ginamit na bilang test subject.
Andrew: MGA HAYOP KAYO!!!!
Biglang
bumulusok ang armored bison para sagasaan ang mga apocalypse. Ngunit pinigilan
lang ulit ito ng mga tangkor at itinulak na palabas.
Kaiza: Andrew! Kayo paputukan sila!
BRATATATATATATATATA
At ngayon ay
nag-paputok na ang mga tauhan ng GINGA sa kanilang mga kalaban. Ginamit naman
ng dranixs at apocalypse.
Dr. Riley: Bahala na kayo diyan, tayo na!
______________________________________________________
Samantala
nakita naman ni Marina na papatakas na ang kanilang target.
Marina: Masama ito tumatakas na sila!
Sumakay sila
Dr. Riley sa isang hummer para umalis sa kanilang labaratoryo habang
nag-kakaputukan sa loob.
Kumilos
naman kaagad si marina para hindi hayaang makatakas.
____________________________________________________
Sa loob ng
sasakyan. Kinuha ni Dr. Riley ang isang tablet, upang i activate niya ang
countdown para sa gagawin niyang pag-papakawala ng neuron bio toxin missile sa
buong siyudad.
Quwarta: Teka ano naman ang ginagawa mo?
Dr. Riley: Mag-bubura lang ng ebidensiya! Sige
patakbuhin niyo na!
Akmang aalis
na sana ang sasakyan na sinasakyan nila Dr. Riley upang tumakas. Pero hindi
nila inaasahan ang mga sumunod na nang-yari.
BAAAAANNNNGGG
Isang tama
ng bala mula sa ulo ng driver ang ikinamatay nito, at hindi lang ito ang
nang-yari. Sumabog ang dalawang gulong ng sasakyan upang tuluyan na silang
hindi maka-alis pa.
Quinta: Anong nang-yayari?!
Napansin ni
levaiton ang may-kagagawan nito.
Levaiton: Ang babaeng yun! Si Agent Asol!
Sabay bumaba
ang mga sakay ng naturang sasakyan. At nasa harap nila ngayon ang nag-iisang si
Marina.
Marina: (Nakatutok ang baril) Kayo diyan! Sumuko na
kayo!
Quwarta: Isang babae? Ano naman ang magagawa ng
isang gaya mo sa amin?
Pero ilang
sandali lang ay. Biglang sumulpot sa likuran ni Marina ang Vulture ng GINGA at
ang nag-pipiloto nito ay walang iba kung hindi sila mei at tina. Kaagad nila
ring tinutukan ngayon ng mga mini-machine gun ang mga suspect.
Marina: Anong sabi niyo? Isang babae! Wag niyo kaming minamaliit!
Sa loob naman
ng chopper, naroon si mei at tila nag-hahanda para bumaba.
Mei: Tina! Ikaw na muna ang bahala dito.
Tutulungan ko si marina.
Tina: Roger!
Agad
nag-rappel si mei paibaba para puntahan ang kanyang subordinate.
Dr. Riley: Teka sino naman ang isang ito?
Levaiton: Isa sa mga legend ng GINGA si special police
galathea.
Marina: Ms. Mei?
Mei: Tama ba ang narinig ko, minamaliit niyo ang
mga kagaya namin. Puwes ipapakita namin sa inyo kung ano ang kakayanan ng isang
babaeng kagaya namin! Tayo na marina!
Marina: Oo!
Inilabas ni
Mei ang kanyang badge, at si marina naman ay ang kanyang driver. Tapos sabay
isinigaw ang kanilang mga katagang.
G Badge On!
Zhapyra change!
Zhapyra change!
Nag-bago ang
dalawang babaeng agent ng anyo bilang mga special police.
Quwarta: Levaiton, knives tapusin niyo na sila!
Levaiton: Opo!
Knives: Heto nanaman tayo!
Sabay
sumugod ang dalawang mandirigma sa dalawang babaeng agent. At dito na
nag-simula ang matinding sagupaan sa kanila.
Quinta: Ang mabuti pa umalis na tayo dito! Bago pa
tayo tuluyang mahuli!
Akmang
tatakas muli ang mga boss ng dalawang groupo, pero naka handa parin ang vulture
sa mga mang-yayari.
Tina: Sandali hindi kayo makakatakas!
Mag-bibigaya
sana ng isang warning shot ang chopper, ngunit laking gulat ng pilotong si tina
na merong paparating na missile na para sa kanya.
Tina: Isang missile!
Mabilis
naman naiwasan ng chopper ang dumating na missile. at ng makita niya merong
tatlong chopper pa ng kalaban ang sumulpot. Mas armado ito kesa sa gamit ni
tina.
Dr. Riley: Alam kong mang-yayari ito kaya sinigurado ko
na tawagan ang mga yan. Paano ba iyan mag-laro muna kayo!
Sumakay ang
tatlong boss sa chopper at umalis na ito sa field.
Galathea: Tumatakas sila! Tina!
Tina: (vulture) Buwiset! Hindi ko silang magawang
mahabol. Masyadong mahigpit ang
ginagawang pag-harang sa akin ng dalawa pa
nilang chopper. Kailangan ko muna silang patumbahin.
Galathea: Malas!
Knives: At saan ka tumitingin!
Umatake ng
buong tapang si Knives sa kalaban niyang si Galathea gamit ang kanyang Laser
Knife. Pero naka-iwas kaagad ang babaeng
agent sa ginawang pag-atake ng mandirigma sa kanya.
Galathea: Kyro! Kaiza! Tumatakas si Laser Riley kasama
ang dalawang miyembro ng Dranixs! Mag-madali kayo.
Umiwas muli
si Galathea sa ginawang atake sa kanya ni Knives, at gumanti ng putok mula sa
kanyang hand blaster.
Tumagpo
naman sa kanya si Zhapyra at nag-sangang dikit sila laban sa dalawang
mandirigma.
Zhapyra: Ms. Mei!
Galathea: Marina, humanda ka, dahil dito natin
ipapakita ang kakayahan ng mga babae!
Levaiton: Humanda kayo!
Sabay
sumugod ang dalawa ni knives at Levaiton kila Galathea at Zhapyra.
__________________________________________________
BRATATATATATATATATA
Patuloy
parin ang putukan sa loob ng labaratoryo, at habang nag-kakaputukan napansin ni
kyro na na activate na ang countdown ng nueron bio toxin missile, at sa loob
lang ng labing limang minuto ay kakawala na ito sa ere at babagsak sa buong siyudad.
Kyro: Ang countdown!
i-hahack
sana ni kyro ang system ng missile, ngunit sa pag-uumpisa palang niya ay bigla
nalang nasira ang main system ng computer.
Kyro: Malas! Anong nang-yayari? Bakit nasira ang
main system.
Maya-maya ay
lumapit si kaiza sa kanya.
Kaiza: Kyro! Kailangan na nating mag-madali.
Nakatakas na si riley at ang mga kasama niya kailangan natin silang mahuli sa
lalong madaling panahon!
Kyro: Pero ang countdown ng missile. patuloy parin
ito! Hindi ko magawang i-hack ang system dahil sa nasira na ang main power
source!
Kaiza: Mamaya mo na problemahin yan! Si riley
nakakasiguro akong hawak niya ang device na makakapag-patigil sa bagay na yan,
sa ngayon kailangan na nating umalis dito at hulihin siya!
Kyro: Sige naiintindihan ko!
Mabilis na
kumilos ang dalawa ni kaiza at kyro para habulin sila Dr. Riley, pero hinarang
sila ng mga nag-lalakihang tangkor.
Kaiza: Asar!
Kyro: Kailangan pa nating harapin ang mga ito!
Haharapin na
sana ng dalawa ang nakaharang na tangkor, pero ito ang nang-yari sa nakaharang
na nilalang.
BBBBBOOOOMMMMMSSS
Isang bala
ng grenade launcher ang tumama sa ulo ng tangkor at tumalsik ito. At ang may
kagagawan nito ay walang iba kung hindi si.
Kaiza: Ikaw?
Kyro: Clyde!
Clyde: Akala niyo ba na hahayaan ko kayo nalang ang
makinabang sa mga nang-yayari ngayon?
Muling
ipinutok ni clyde ang kanyang grenade launcher at tinamaan muli ang papatayong
tangkor. Maya-maya pa ay dumating narin si andrew para tulungan ang kanyang mga
kasama.
Andrew: Kyro! Kaiza! Ipaubaya niyo na sa amin ang
mga bagay na ito, hulihin niyo si riley para sa akin! Ipag hihiganti ko naman
ang mga nang-yari sa kasamahan ko dito! Bilis na.
Kyro: Naiintindihan namin!
Kaiza: Sige mag-ingat kayo!
Tumakbo ng
mabilis ang dalawang mag-kapatid na pulis para sundan si Dr. Riley. Pero akma
naman silang haharangin ng dalawa pang tangkor. Ngunit.
BRATATATATATATATATA
BOOMS!-BOOMS!
BOOMS!-BOOMS!
Sinalubong
naman nila Clyde at Andrew ang mga ito gamit ang kanilang mga sandata.
Andrew: Hindi ko kayo hahayaan...clyde handa ka na
ba?
Clyde: Wag mo akong inuutusan....alam ko ang
ginagawa ko.
Ngumiti lang
si andrew sa kanyang dating subordinate. At sabay nilang inilabas ang badge at
driver para mag-bago ng anyo.
BETA
CHANGER!
SNIDER CHANGE!
SNIDER CHANGE!
Nag-bago ng anyo ang dalawang war police
bilang si Special Police Beta at Special Police Snider.
Beta: Tayo na!
Snider: Hmp!
Sabay
sumugod ang dating mag-kasama para talunin ang kanilang mga kalaban.
_____________________________________________________
Nakikipag-sabayan
parin ang vulture sa mga chopper ng apocalpyse.
Nag-pakawala
ito ng mga missile sa vulture kung saan pinipiloto ito ni tina, pero sa husay
at galing nitong mag palipad ay ni isang bala ay walang tumama sa kanya.
Tina: Ganyan pala gusto niyo hah! Puwes tingnan
natin ang galing niyo!
Naka buntot
sa vulture ang isang chopper at maya-maya ay bigla namang sumulpot muli ang
isang chopper sa harapan ni tina at binabalak nitong mag-pakawala ng missile sa
harapan. Pero matapang lang ang babaeng agent na salubungin ito. At ng
mag-pakawala ng missile ang nasa harapan ay biglang umangat pa itaas ang
vulture at tinamaan nito ang nasa likuran ni tina.
BBBBBBOOOOOOMMMSSSS.
Bumulusok
naman pa-ibaba ang vulture at nag-pakawala ito ng sunod-sunod na tira ng
kanyang machine gun sa kalabang chopper, hindi na nagawang iwasan pa ng chopper
ng apocalypse ang ginawang pag-atake ng vulture sa kanya. At dahil doon tuluyan
na itong sumabog .
BOOOOMMMSSS
_________________________________________________
Sa ibaba
naman nakarating sa labas sila kyro at kaiza, at kita nila kung paano sinabayan
ni tina ang mga kalaban nitong chopper.
Kaiza: Ang vulture! Tina!!
Tina: (Sa vulture) Sila Kaiza!
Mabilis na
pinuntahan ni Tina ang dalawa ni Kyro at Kaiza, kaagad silang sumakay sa
chopper upang sundan ang papatakas na sila Dr. Riley.
Kyro: Tina bilisan mo! Nag-simula na ang
countdown ng missile, meron nalang tayong labing limang minuto para pigilan
ito!
Tina: Naiintindihan ko! Kumapit lang kayo.
Nagawang
i-activate ni Dr. Riley ang kanyang nueron bio toxin missile na tatama sa buong
siyudad sa loob ng ilang minuto. Samantala ang groupo ni Galathea at Beta ay
kasalukuyang nakikipag-laban sa mga
natitirang tauhan ng Dranixs at Apocalpyse. Magawa kaya nila kyro at
kaiza na mapigilan ang malagim na balak ni Dr. Riley? Oh ito na ang maging
katapusan ng lahat para sa sangkatauhan.
Case
Countinued....
No comments:
Post a Comment