All the characters in this series have no existence whatsoever outside the
imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or
names. They are not even distantly
inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Kyro: Patawad pero, kuya
kaiza, mukang alam ko na ang dahilan na sinasabi mo, ang tungkulin ng isang
alagad ng batas, ay hindi basehan sa pagiging special police para matupad mo
ang tungkulin mo! kahit maliit man o malaki, ang mahalaga, magawa mo ang
sinumpaan mo na pro-protektahan mo ang mahihina, may kapangyarihan ka man o
wala!
Gunver: Humanda ka sa akin ngayon!!
Kaiza: Kyro?!
Sa wakas ay tila na iintindihan na ngayon ni
Kyro ang tungkol sa sinasabi ni kaiza, ang pag-
lilingkod sa batas na walang
inaasahang kahit na anong kapangyarihan bilang special police, ngunit magawa ba
ng binatang detective ang mas mabigat pang responsibilidad sa mga darating pang
panahon?
Samantala sa isang
bayan sa north cotabato, isang operation ang ginawa ng GINGA warfare unit,
upang arestohin ang isang naturang terrorista. Sa pamumuno ni major andrew
mendoza, ngunit ang hindi nila alam, meron isang supresang panganib na darating
sa kanila.
Levaiton: Mukang nakahanda na
kayong lahat.
Si Levaiton, kasama
ang mga ilang skullz at ilang raphandol, ano kaya ang kahihinat-nan ng mga ito
sa kamay ng ka-away?
Case 28:
Hunt Down
Buong tapang na umatake si Gunver sa nilalang
na Gill Foot, at bago siya tuluyang mapalapit sa nilalang inilabas niya ang kanyang
Gun Driver at pinag-babaril niya ito.
BANG!-BANG!-BANG!
Ngunit ginamit naman ng gill foot ang kanyang
malalaking braso upang ipang-defensa sa balang tatama sa kanya.
At pag-katapos bigla niyang sinutok ang
detective, at dahil sa walang defensa si Gunver ay tinamaan niya ito at
tumalsik sa isang poste ng gusali.
BBBBBBBBOOOOGGGGG
Kaiza: Hindi
Kyro!!
Akma namang tutulungan sana ni Kaiza ang
kanyang nakababatang kapatid, ngunit isang malakas na blast ang bumulaga sa
Gill foot na siyang ikina-atras nito.
BLLLLAASSSSSSTTTT
Unti-unting tumayo ang batang detective.
Gunver: Sa tingin mo ba...yan lang ang mag-papabagsak
sa akin?! Puwes nag-kakamali ka!
Dahil ikaw ang babagsak sa ating dalawa!!
Inilabas ni Gunver ang isa sa mga SD Card, at
inilagay niya ito sa kanyang Gun Driver.
Gun Driver
Female Voice: SD Memory
in-Change Armor Chest Cannon!
Ginamit ni Gunver ang kanyang Chest Cannon
upang tapusin na ng tuluyan ang kalaban, at habang iniipon nito ang kanyang
enerhiya, hinahanap naman nito ang weak spot gamit ang Gun Analyzing.
Gunver: Tapos ka ngayon dito! Chest cannon full
particle blast!!
Pinakawalan ng detective ang isa sa
pinakamalakas niyang atake, at ilang sandali pa ay.
BBBBBBLLLAAASSSSTTTT
Sapul sa ulo ang nilalang na Gill foot at
tuluyan na itong namatay.
Gunver: Ayos!
Hindi naman makapaniwala si Kaiza na nagawa
ng kanyang nakababatang kapatid na talunin ang nilalang na kinalaban niya,
ngunit tila palaisipan parin sa kanya kung nasaan ba talaga nag-mumula ang mga
ito.
Kaiza: Nagawa niya, pero hindi pa ito tapos...alam
kong meron pang mas matindi na darating, kaya kailangan kong mag-handa.
_______________________________________________________
Sa bulubundukin ng North Cotabato
Isang operation ngayon ang isinasagawa ng
GINGA special war fare unit, upang arestuhin ang di-umanoy isang bigating
terorista na si Jamir Iquadal, at ang mumuno
sa operation na ito ay si Major Andrew Mendoza.
Andrew: Mukang tama nga ang information na dumating
sa atin, narito nga ang big time terrorist na si Iquadal.
Nasa tagong lugar ngayon sila Andrew at
hinihintay nalang nila ang hudyat sa
pag-salakay upang arestuhin ang naturang terorista.
Ilang sandali pa tumawag ang ilan sa mga
kasamahan ni Andrew, upang sabihin ang hudyat.
GINGA WAR
POLICE: Major
nakahanda na po ang lahat, puwede na nating simulan ang pag-tugis sa kanya.
Andrew: Ganon ba, Ok ihanda niyo mga sarili niyo
papasukin na natin ito!
Inihanda ng mga pulis ang kanilang mga
sandata, at maya-maya pa ay pinasok na nila ang loob ng kampo ng kalaban ng
patago, ngunit habang papasok sila ay ito ang nang-yari ng sumunod.
BBBBBBBRRRAAACCKKKKK
Isang nilalang ang bigla nalang sumulpot at inatake
ang mga teroristang nasa loob ng kampo, at ikinagulat ito ng mga pulis
Andrew: Anong!?
GINGA WAR
POLICE: Major, may
mga lumabas na unidentified life form sa arresting area!
Ang mga nilalang na umatake ay walang iba
kung hindi ang rapandol at skullz, pinag-papatay nila ang lahat ng terorista na
nasa loob ng kampo, at ang iba naman ay kinain ng rapandol.
AAAAAHHHHHH
BRATATATATATA
BRATATATATATA
Akmang gumanti pa ng putok ang mga kawawang
terorista, pero wala rin silang nagawa, ilang sandali ay lumabas ang pinuno ng
mga tulisan, na tila takot na takot.
Iquadal: A-Anong kailangan mo!? (nakatutok ang baril)
Nakatutok ang baril ni iquadal sa isang
nilalang, at ang nilalang na ito ay walang iba kung hindi si Levaiton.
__________________________________________________________________
Nakatago parin sila andrew sa madamong bahagi
ng lugar, at pinag-mamasdan nila ang nang-yayari.
GINGA WAR
POLICE: Major si Iquadal!
Andrew: Asar...anong ginagawa ng mga Dranixs dito!
Men prepare for combat!
Kaagad nag-tayuan na ang mga pulis at
inumpisahan na nilang pasukin muli ang lugar.
___________________________________________________________________
BRATATATATATATATA
Pinag-babaril ni Iquadal si Levaiton, pero
walang naging epekto ang kanyang pag-atake sa naturang cyborg warrior.
Levaiton: Hmp! Ano ba ang ginagawa mo?
Lalong natakot ang terorista kay levaiton, at
nag-tangka itong tumakas sa kabila ng kaguluhan.
Levaiton: Pasensiya na pero...hindi kita hahayaang
makatakas!!
Biglang kumaripas ng takbo ang isang Rapandol
at sinungaban nito ang kawawang terorista, nilapa at pinag-puputol nito ang
katawan hanggang sa tuluyan na siyang kainin ng buhay ng mga nilalang.
AAAAARRRRRHHHHHHGGG!!
Levaiton: Napakamalas niyo dahil napadaan lang kami
dito, pero hindi ko inaasahan na narito narin ang hinihintay ko.
Sa tinataguan nila andrew, ikinagulat niya
ang narinig.
Andrew: Anong ibig niyang sabihin?!
Levaiton: Mga daga sa paligid! Atakehin sila!!
Biglang umatake ang mga skullz sa
pinag-tataguan nila Andrew.
GINGA WAR
POLICE: Major!!
Andrew: Humanda kayo! Paputukan sila!
Tumayo sa kanilang tinataguan ang mga pulis
ng GINGA at pinag-babaril nila ang mga naturang nilalang.
BRATATATATATATATATATATATA
Isa-isang nakalapit ang mga skullz sa kanila,
pero gumanti ang mga pulis ng pananadyak gamit ang duluhan ng kanilang mga
baril.
Samantala tumakbo si andrew habang bumabaril
ito at umiiwas sa mga kalaban, binabalak ni andrew na makalapit kay Levaiton
upang harapin ang cyborg warrior.
Isang sipa ang ginawa ng veteranong pulis sa
isang rapandol na aatake sana sa kanya, at pag-
katapos ay binaril niya ito sa
ulo.
BANG!
At maya-maya pa ay tuluyan na siyang
nakalapit kay Levation at tinutukan niya ito ng kanyang baril.
Andrew: Dranixs! Anong ginagawa niyo dito? Sabihin
niyo!!
Nag-salita si Levaiton tungkol sa tanong ni Andrew.
Levaiton: Nangunguha lang kami ng mga daga sa
kagubatan, masama ba iyun?
Andrew: Wag mo akong patawanin!
Levaiton: Kung ayaw mong maniwala, wala na akong
magagawa doon...siguro kailangan narin kitang hulihin kagaya ng iba.
Biglang umatake si Levaiton kay andrew gamit
ang kanyang inilabas na Laser Knife, pero mabilis na naka iwas ang pulis at
gumanti ng putok sa kanyang kalaban.
Isang sipa ang ginawa ni andrew, at umatras
ito ng bahagya, at inilabas niya ang isang bagay mula sa kanyang belt bag.
Andrew: Mukang wala na akong ibang pamimilian kung
hindi gamitin ulit ito.
Ito ay ang kanyang badge, at isinama niya ito
sa kanyang gamit na beta gunler, at isinigaw ang kanyang katagang.
Andrew: BETA CHANGER!
Nag-bago ng anyo si Andrew bilang si Beta.
Levaiton: Kung ganon, nasa harapan ko pala ang isa sa
mga alamat ng GINGA, special police beta. Mukang magiging masaya ito.
Beta: Ang dami mo pang sinasabi! Lumaban ka nalang
Mula sa kanyang teleportation helmet, lumabas
ang dalawa sa kanyang pangunahing sandata, ang beat magnum (Dual hand guns) at
sinimulan niya muli ang pag-atake kay Levaiton gamit ang mga ito.
Sunod-sunod na pag-papakalawa ng bala ang
ginawa ni beta, pero mabilis din itong na iiwasan ng cyborg warrior, napatuloy
lang ang kanilang pag-sasagupa habang ang mga tauhan ni Beta ay ganon din.
______________________________________________________________
Sa labaratoryo ng Apocalypse.
Abala parin si Dr.Riley sa kanyang
experemento para sa mas malakas at makabagong bio organic soldiers.
Habang abala ang nasabing doctor ay muli
siyang binisita ni Quwarta kasama si Knives
Dr. Riley: Kumusta na master quwarta, may balita na ba
sa mga hinihiling ko?
Quwarta: Oo meron na, at sa tingin ko tagumpay ang
ginawang lakad ng mga tauhan ko sa pag-kuha ng mga top class na police, at
hindi lang basta mga pulis, pulis sila ng GINGA, kaya wag kang mag-alala.
Dr. Riley: Magaling kung ganon, nararapat lang ang mga
sample nayan para sa ekperementong gagawin ko,
ipinapangako ko sayo, sa oras na makuha ko ang gusto ko mula sa inyo.
Makukuha niyo na ang kumpleto at perfectong Zero-Injection na ginawa ko, at kahit na ang
panginoon niyo na lumikha sa inyo ay malalamapasan na ang husay nito.
Nakatingin lang si Knives na tila meron itong
binabalak na gawin,
Knives: (Sa sarili) Kailangan kong malaman pa ang
plano ng organization ito, alam kong may binabalak pa sila na mas masahol pa sa
gawain ng dranixs.
Pinag-masdan ni Knives ang isang bagay na
nasa monitor screen kung saan isinasagawa ni Dr. Riley ang kalkulation para sa
bago niyang experemento.
___________________________________________________________________
Balik sa battle field
Walang habas parin na palitan ng putok ang
nang-yayari sa pagitan ng GINGA at mga tauhan ng dranixs.
Pero tila napapasin ni Beta na hindi
pinapatay ng mga kalaban ang kanyang mga tauhan kahit na tila sugatan na ang
mga ito.
Levaiton: Ano sumusuko ka na ba?
Beta: Tumahimik ka!
Mula muli sa teleportation helmet lumabas ang
isa sa mga sandata ni Beta at ito ang kanyang Twin Gatling.
Beta: Humanda ka dito ngayon!!
BRATATATATATATATATATA
At sinumulan niya muli ang pag-atake sa
kalaban, tinad-tad niya ng bala si Levaiton, pero umiiwas lang ang cyborg
warrior at humahanap ng butas para atakehin sa loob ng kanyang zone ang pulis.
Levaiton: (Sa sarili) Alam kong hindi sapat ang bilis
niya para salubungin ako sa pag-atake, dahil sa bigat ng sandata niya.
Mawawalan siya ng tamang bilis para gumawa ng isang atake, at dahil sa kapabayaan niya, dito
na matatapos ang labang ito!!
Nag-labas ng isang bagay na bilog si
Levaiton, at habang ibinabaril ni Beta ang kanyang Twin Gatling, ay siya naman
nitong inihagis sa mukha ng pulis.
BBBBBBOOOOOMMMSSSS
Sinabugan si Beta at tumalsik sa malayo,
dahil sa lakas ng pag-sabog sa kanya ay halos nasira ang kanyang armor lalo na
ang maskara ng kanyang computer helmet.
Beta: AAAAAAARRRGGGHHHHH.
Levaiton: Aksaya ng oras, sige na kunin niyo na ang
lahat ng mga taong yan ng buhay, kailangan natin sila para sa deal na gagawin
sa mga taga apocalypse….pero pasalamat ka, medyo nasiyahan ako sa laban natin,
kaya balato ko na sayo ang kalayaan mo.
Tuluyan nahuli ang mga tauhan ni Andrew ng
mga dranixs, at gamit ang mga rapandol, sa oras na gumawa sila ng masama, ay
ito na ang magiging katapusan na nila.
Mula sa pinag-talsikan ni Beta kita niya kung
paano pinapahirapan ang kanyang mga tauhan, isa isa itong dinala ng mga kalaban.
Beta: (Nang-hihina) Hindi...uughh.
Tuluyan nawalan ng malay si beta, at umalis
naman ang mga dranixs dala ang mga tauhan ng GINGA warfare unit.
_______________________________________________
GINGA cafe
Dalawang araw pag-katapos ng ginawang
pag-salakay ng Gill foot sa siyudad, abala parin ang grupo nila Kyro sa
pag-iimbestiga sa organization.
Kyro: Kaiza, totoo ba talagang nasa bansang ito
ang organization na yun?
Kaiza: Oo, hindi nag-sisinungaling ang impormation
na nakuha ng department kung saan ako naka-assign, pero ang pinag-tataka ko
lang masyado silang madulas, ni isang lead kung saan ang kuta nila wala akong Makita.
Tila meron naman iniisip si Kyro na
napaka-lalim.
Kaiza: Teka ano bang iniisip mo? Kung iniisip mo na
tangalin ka sa kasong ito, nag bago na ang isip ko, isasama na kita dahil alam
kong malaki ang maitutulong mo sa akin.
Kyro: Hindi yun ang iniisip ko kaiza, sa tingin ko
malaki ang possibilidad na may kinalaman din dito ang dranixs.
Kaiza: Paano mo nasabi? Ni walang bakas ng Dranixs
na sinasabi mo sa nang-yayari ngayon.
Kyro: Basta pakiramdam ko lang may kinalaman sila
dito, at yun ang magiging susi natin para mapa-bagsak ang apocalypse.
Mukang namangha si kaiza sa kanyang
nakababatang kapatid, at habang abala naman sila sa kanilang sinasagawang
pag-iimbestiga ay siya namang pumasok si Mei sa loob ng HQ nila.
Dala ang isang balita
Mei: Kaiza!
Kaiza: Mei? May problema ba?
Mei: Makinig ka! Si andrew nasa malalang
sitwasyon ngayon!
Ikinagulat nila Kaiza ang narinig sa kaibigan.
Kaiza: (Gulat) Ano!!
___________________________________________________________
Kaagad sumugod sila Kaiza sa GINGA medical
center, at inabutan nila si tina doon kasama si Gen. Ratio.
Kaiza: Andrew!!
Tina: Kaiza?!
Kaiza: Kumusta siya? Ano bang nang-yari.
Tina: Ayos lang naman siya pero--
Gen. Ratio: Dinukot ang mga tauhan na kasama niya sa
misyon.
Kaiza: Ano? Pero papaano at sino?
Gen. Ratio: Ang Dranixs.
Nagulat nalang si Kyro sa kanyang narinig at
ganon din si kaiza.
Kyro: Dranixs? Anong binabalak nila? Bakit nila dinukot ang mga tauhan ni major mendoza?
Tina: Wala kaming sapat na information para alamin
kung bakit dinukot ng dranixs ang mga tauhan ni andrew, ang alam lang namin
isang operation ang isinagawa ng departamento nila para arestuhin ang isang
kilalang terorista, ngunit nagulat nalang si andrew ng mag-pakita ang dranixs
kung nasaan ang target nila, isang cyborg warrior ang namumuno at hinuli lahat
ang tauhan natin, sa kabutihang palad nakaligtas si andrew mula doon, pero
malubha ang sugat niya dahil sa nang-yari.
Marina: Ang sinasabi niyang cyborg warrior, parang
alam ko kung sino yun.
Kyro: Si Levaiton, siya lang yun at wala ng iba,
mukang malaking palaisipan ito kung saan natin hahanapin ang mga special
warfare unit, kaiza hindi kaya may kinalaman din ang apocalypse dito?
Kaiza: Anong ibig mong sabihin?
Kyro: Mukang malinaw na sa akin ang balak nila sa
pag-kakataong ito, dinukot ng mga dranixs ang mga tauhan ng GINGA upang gawin
trade sa ginagawa nilang kalakaran?
Gen. Ratio: Trade?
Kyro: Teoriya
ko lang yun, pero malaki ang posibilidad na baka yun nga ang mang-yari. Si
kaiza na mismo ang nag-sabi mula noong nasa briefing room tayo, kailangan ng
apocalpyse ng buhay na tao para sa eksperementong ginagawa nila, sa kaso naman
ng dranixs tingin ko may ipinapagawa sila sa organization na yun ng hindi pa
natin alam, kaya dumukot sila ng mga tauhan natin, pero nag-tataka lang ako
kung bakit nalaman ng dranixs ang operation na ginawa nila major, doon ako nag
dududa. Diba bawat mission na gagawin ng bawat team, dumadaan muna sa mga kamay
niyo, general?
Gen.Ratio: Sabagay may punto ka nga, isang lihim na
operation ang isinagawa nila major mendoza para arestuhin ang teroristang si
jamir Iquadal na kahit ang media hindi ito alam.
Kyro: Mukang may galamay ang dranixs sa mga
tagong impormation natin sa HQ, hindi mang-yayari ito kung wala silang alam.
Hindi makapaniwala si Kaiza at ang ibang tao
na nasa loob ng silid ni andrew na nasabi ito ni Kyro, at pinatunayan lang niya
na karapat-dapat siya sa kasong ito.
Kaiza: (Sa sarili) Ibang klase talaga itong batang
ito, tama lang talaga na sa special investigation unit siya sumali, para
magamit niya ang kakayahan niya sa pag-iisip ng malalamin...bueno mukang may
punto ka nga kyro, isasama natin ang dranixs sa kasong ito, kahit pa may ilang
bagay pa sa kanila na kailangan nating matuklasan.
Kyro: Oo!
Nakatingin naman si Tina sa kanyang nobyo.
Tina: Andrew
_________________________________________________________
Sa labaratoryo ng apocalpyse
Dinala nila Levaiton ang mga nadukot nilang
pulis ng GINGA.
Dr.Riley: Magaling tulad ng inaasahan, hindi kayo
bumali sa pangako niyo...mukang masisimulan ko na ang pag-sasagawa ng bagong
Bio Weapon soldier.
Quwarta: Dapat lang, dahil malaki ang inaasahan namin
sa ipinapagawa namin sa inyo, Riley kumusta na ba talaga ang pinapagawa namin
sa inyo?
Dr. Riley: Malapit na akong matapos, wag kang mag-alala
makukuha niyo na ang Zero-injection na mas pinalakas pa kesa sa ginawa ng
inyong tagapaglikha.
Quwarta: Wag mong minamaliit ang taga-paglikha namin,
siya ang panginoon na hindi kayang abutin ng lahat, kaya mag-ingat ka sa mga
pananalita mo… riley.
Dr. Riley: Hmp, pasensiya na kung ganon, sasabihin ko
nalang sayo ang tamang location at
oras ng pag-tatapos ng ating deal, sa ngayon
kailangan ko munang tapusin ang mga ginagawa ko.
Tumingin muli si Dr.Riley sa kanyang monitor
upang tapusin ang mas malakas na sandatang gagamitin nila sa kanilang mithiin.
_______________________________________________________________
Samantala patago namang pumasok si Knives sa
loob ng opisina ni Dr.Riley, at isang flash drive ang kanyang ginamit upang
kunin ang lahat ng files na puwede niyang makuha.
Knives: Tingnan natin kung anong meron dito.
Binuksan ni Knives ang computer ni Dr.Riley
at bawat mahalagang impormation ay tiningnan niya at kinuha.
Knives: Ganon pala, so ito ang balak ng apocalpyse
pag-katapos ng kanilang deal sa dranixs?
Isinak-sak na ni knives ang flash drive at
sinimulang kopyahin ang bawat files, at habang ginagawa niya ito nakita niya
ang isa pang impormation tungkol sa mga dinukot nilang pulis ng GINGA.
Knives: Ano ito? Kung ganon ito papala ang plano
nila sa mga pulis nayun?
Isang file tungkol sa mga pulis na binihag ng
apocalpyse ang natuklasan pa ni Knives, at habang kumukuha siya ng impormation
tungkol sa balak ng organization, ay naramdaman nito na tila paparating na si
Dr.Riley.
Knives: Mukang narito na siya, kailangan ko ng
mag-madali.
Halos patapos na ang pag-kuha nito ng
impormation, ngunit ilang sandali lang ay bigla ng pumasok si Dr.Riley sa
kanyang opisina, ngunit wala itong inabutan na kahit na sino sa loob.
Dr. Riley: (nakikiramdam) Guni-guni ko lang siguro.
Umupo ang doctor sa kanyang upuan at
sinimulan muli ang kanyang trabaho.
_________________________________________________________
Samantala tagumpay na nakuha ni knives ang
impormation tungkol sa gagawin ng Apocalpyse, at ano kaya ang balak niya sa
bagay na ito?
Knives: Ano kayang magandang gawin ko dito? Mukang
hindi naman masaya kung hindi malalaman ng GINGA ang tungkol dito, sa tingin ko
may karapatan silang malaman ito, gusto kong makakita ng isang malaking
laro...hahahahahahaha.
Ano na kaya ang susunod na mang-yayari?
Magawa kaya ng GINGA na malusutan ang kasong ito, magawa kaya ni kyro na
mapatunayan na kasabwat ang dranixs sa nang-yayaring kaguluhan.
Case continued
No comments:
Post a Comment