All the characters in this series
have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no
relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Ang nakaraan
sa Special Detective Gunver......
Isang
dahilan ang nalaman ni Andrew kung bakit sumapi si Clyde sa samahan ng section
zero, ngunit hindi malinaw ang tunay na nang-yari noong panahong yun.
Samantala sa
himpilan ng section zero.
Pinapanuod
ni General Olivares ang labanan na nang-yari sa lunsod habang may hawak itong
isang control switch.
Gen. Olivares: Mukang talagang sumusuway ka na sa mga
pinag-uutos ko, Sgt. Silva!
Tumayo ito
sa kanyang kinauupuan at ilang sandali lang ay nabalutan siya ng kakaibang uri
ng baluti at kinikilala siya bilang si Segundo, isa sa mga big boss ng Dranixs.
Segundo: Hmp, nag-hihintay sayo ang kaparusahan sa
hindi mo pag-sunod.
GINGA
isang organizationg binubuo ng mga dalubhasa at mga kakaibang antas ng
kapulisan.Sila ang nag papanatili at kaayusan ng sangkatauhan...at kung saan
may nag babadyang panganid dumarating sila para ilagtas ang walang laban at
sila ang tinatawag na mga Special Police
Case 25: Ang pag-babalik ng alamat
Baghdad Iraq
Sa isang kampo
ng mga sinasabing Islamic terrorist, usap-usapan ngayon na merong silang
dinudukot na mga tao, upang kunin ang kanilang mahahalagang parte ng katawan, o
kung tawagin ay human organ harvest. Na ipag-bebenta nila sa mga ilang
mayayamang negosiyante oh gagamitin nila sa pang-sariling interest.
Isang truck na nag-sasakay ng mga bihag nila
ang ibinaba-na merong mga piring ang mata, at nakatali ng kadena ang mga kamay
at paa.
Come Move!
Move! Hurry up....
Isang
lalaking terorista ang nag-sisisgaw habang hawak niya ang kanyang baril na
Ak-47 at pinapalo nila ang kanilang mga bihag, para lumakad ang mga ito ng
mabilis.
Sa hindi
kalayuan, isang groupo ang nag-hahanda para pasukin ang nasabing lugar...at ang
groupong ito ay kung tawagin ay ang Hawk Squad, sa pamumuno ni Captain. Kaiza
Anjelo o mas kilala bilang si Special Police Gaider noon.
Kaiza: Nakahanda na ba kayong lahat?
Hawk Squad: Yes sir!
Kaiza: Kung ganon simulan na natin ang kasiyahang
ito!
Kaagad
nag-gear up ang mga kasamahan ni Kaiza, at sabay-sabay nilang pinasok ang kampo
ng kalaban.
Sumenyas si
Kaiza sa kanyang mga kasamahan upang mag-hawa-hiwalay.
Pumasok ng
dahan-dahan si Kaiza, at habang papasok ito rumadio ito sa kanyang kasamahan
mula sa di-kalayuang lugar.
Kaiza: Avila nakahanda ka na ba?
__________________________________________________
Mula sa
isang gusali sa hindi kalayuan sa kampo,isang babaeng sniper ang naroroon
kasama ang dalawa niyang kasamang kapwa din sniper, siya ay si Specialist Angel
Avila.
Angel: Captain. Lock and load...simulan na natin
ito.
Ikinasa ang
isang Zastava M93 Black Arrow
_____________________________________________________
Sinimulan na
ng groupo nila Kaiza ang pag-pasok, at kaagad niyang hinatak patalikod ang
isang bantay at binale ang leeg nito
CRAAAKK
Kaiza: Clear!
Nag-patuloy
ang pag-pasok ng groupo.
____________________________________________________
Isa sa
kasamahan nila ang papasok sa loob ng kampo, ng makita niya ang mga bihag, ang
lalaking ito ay si Private Gabby kilantro.
Gabby: Ayos nakita ko na sila, mukang sinu-suwerte
ako,
Tiningnan
mabuti ng batang pulis ang paligid kung meron kalaban, at ng makitang ligtas
ang lugar binuksan niya ng mabilis ang bintana, pero sa pag-bukas niya ay siya
namang may dumaan ang isang bantay.
Terrorist: Hey
you!
Gabby: Patay!
Kaagad
tinutukan si Gabby ng kalaban, pinaputukan siya.
BRATATATATATATATATATA
Pero mabilis
na nakapasok sa loob ng warehouse ang batang pulis.
Gabby: Nako naman pal-pak pa!
_________________________________________________________
Na alerto
ang buong lugar dahil sa putok na narinig, at ang cover nila Kaiza ay na-expose
dahil sa nang-yari.
Enemy spoted!
Kaiza: Naloko na....spread out!!
Nag-kalat
ang buong tauhan ng GINGA Hawk squad, at nag-simula na ang nag-aatikabong
putukan sa loob ng campo.
BRATATATATATATATATATATATA
Nag-hagis si
Kaiza ng isang granada, at sinabugan nito ang
ilang mga tauhan ng Islamic group.
BBBOOOOOOMMMMMSSS
Kaagad
tumayo si Kaiza at nakipag-putukan na ito
BRATATATATATATATATATA
Ang iba
naman niyang kasamahan ay mahusay na nakikipag-laban at nakikipag-palitan ng
putok sa mga terorista.
BANG!-BANG!
BRATATATATATATA
_______________________________________________________
Samantala sa
loob ng ware house, naroon si gabby at dahil natunton niya ang mga bihag.Kaagad
niyang kinalagan ng piring sa mata ang mga ito.
Gabby: Good morning girls!
Hostage 1: Who the hell are you?!
Gabby: I’m your Knight and shining armor! Who will save
your asses!
Kaagad kinalagan
ni Private Kilantro ang mga bihag, at saka naman niya tinawagan si Kaiza.
Gabby: Captain, nakita ko na ang mga hostage, sa
ngayon pinapakawalan ko na sila...kailangan ko na rito ng back-up! ----
Ngunit
habang nag-sasalaita ang batang pulis hindi niya alam na merong palang aatake
sa kanila.
Hostage: Watch out!
Isang
nilalang ang biglang umatake sa kanya!
BBBBBBAAAAAAAAGGGGGG
At isang
malakas na suntok ang tumama dito, at
tumalsik siya sa isang pader , ang nilalang na ito ay halos kasing laki ng SUV,
at halos nababalutan siya ng baluti ang katawan, ngunit kita ang na halos ang
tissue nito sa katawan.
Inilabas
nito ang kanyang higanteng maso sa
likod, at akama niyang tatapusin na ang binate.
Gabby: Nako naman, mukang ito na ang katapusan ko!
Ngunit ilang
sandali lang ay.
ZOOOOOOOOMMMMMMM
BOOM!-BOOM!
Dalawang
sunod na pag-sabog ang yumanig sa nilalang, at kagagawan ito ni Kaiza gamit ang
kanyang grenade launcher.
Kaiza: Kilantro, tumayo ka na diyan ako na ang
bahala dito!
Gabby: Captain! Opo!
Kaiza: Bilisan niyo tulungan niyo si kilantro,
tumawag na ako ng susundo sa mga hostage, double time!
Hawk squad agent: Roger!
Kaagad
tinulungan ng Hawk squad ang mga nasabing hostage at lumabas ito, na iwan naman
si Kaiza upang harapin ang nilalang.
Gabby: Captain!
Kaiza: Sige na ako na ang bahala dito!!
Mabilis na
lumabas ang mga tauhan ni Kaiza kasama ang kanilang mga na rescueng hostagest
_________________________________________________________________
Ang groupo
naman ni Angel ay nakahanda na upang suportahan ang mga kasamahan nila sa ibaba.
Gabby: (Sa kabilang linya) Avila, konting tulong
naman dito!
Sa lugar ni
Angel.
Angel: kawawa ka naman, mukang malaking kapal-pakan
nanaman ang pinasok mo, Gabby...pero hayaan mong tulungan kita ngayon....handa
na ba kayo boys?! Simulan na natin ito!
Kinalabit ng
sniper squad ang kanilang mga gatilyo, at sa husay nila at galing umasinta,
lahat ng sumusunod sa mga papatakas na Hawk squad ay napatay nila ng walang
hirap-hirap.
BANG!-BANG!
___________________________________________________________
Gabby: Ayos talaga!
Hawk Squad Agent: Move! Move!
Dumating ang
armor vehicle ng GINGA at kaagad nilang pinasakay ang mga na-rescueng hostages.
Gabby: Captain, narito na ang patrol vehicle,
bilisan mo na diyan!
__________________________________________________________
BRATATATATATATATATATA
Nakikipag-palitan
ng putok si Kaiza sa nilalang na humarang sa kanila kanina.
Kaiza: Copy that, susunod nalang ako sa inyo!
Gabby: Pero captain?!---
Pinutol ni
Kaiza ang pakikipag-usap niya kay Gabby at nag-focus siya sa pakikipag-harap
niya sa nilalang.
Kaiza: Alam kong may-paraan para matalo ang halimaw
na ito,
Tumingin-tingin
si Kaiza sa paligid, at nakita niya ang kumpol ng tanke ng Liquid Nitrogen.
Kaiza: Alam ko na...hoy panget sundan mo ako!
Kaagad
tumakbo si Kaiza para mag-pahabol sa naturang nilalang.
___________________________________________________________
Nakipag-regruop
naman ang sniper squad ni Angel kila Gabby.
Angel: Gab!
Gabby: Avila!?
Angel: Si Captain?
Gabby: Nasa loob pa siya, pero kailangan pa natin
siyang hintayin....hindi tayo puwedeng
umalis dito, ng hindi siya kasama!
Ilang
sandali pa ay lumapit ang isang miyembro ng Hawk squad at sinabi nito ang isang
bagay
Hawk Squad Agent: Private Kilantro, naka set na ang bomba na
pinatamim sa amin ni Captain Anjelo kanina, in 2 minutes sasabog na ito.
Gabby: Masama ito! Captain!
___________________________________________________________________________
Nag-tatakbo
si Kaiza habang hinahabol siya ng kalaban nito, hanggang sa marating na niya
ang lugar na kanyang pupuntahan,
Kaiza: (Sa sarili) isang minuto bago sumabog ang
mga bomba, ito na lang ang paraan...hoy utak lamok! Napaka laki mong
tanga!!!
Kinuha ni
Kaiza ang kanyang Hand Gun, at itinutok niya ito sa nilalang. Ngunit akma
siyang
susugurin nito. Pero sinalubong niya ang nilalang. At nag slide siya
pa-ilalim.
Kaiza: Mag-yelo ka na!!!
BANG!-BANG!
Pinaputukan
ni Kaiza ang mga tangket ng liquid nitrogen, at sumabog ito, hanggang sa
nabalutan ng yelo ang katawan ng nilalang at tuluyang na nigas.
Kaiza: Wala na akong oras.
Kaagad
tumayo si Kaiza at nag-madaling tumakbo palabas, ngunit pinipilit ng nilalang
na siya ay makawala sa pag-kakabalot sa yelo.
_________________________________________________________________________________
Tinitingnan
naman ng mga tauhan ni kaiza ang
kanilang orasan dahil nalalapit na ang pag-sabog ng lugar.
Gabby: Sampung segundo!
Sampung
segundo nalang ang nalalabi sa oras, at habang tumatakbo ang oras, siya naman
ang pag-aalala ng mga kasama ni kaiza sa kanya, ng biglang
BBBBBBBBBBBOOOOOOOOMMMMMSSSS
Sumabog ang
buong base ng mga terorista, pero ilang sandali lang ay.
Angel: Sandali tingnan niyo!?
Isang lalaki
ang lumalakad mula sa likod ng apoy, at dahan-dahan siyang lumalapit sa kanyang
mga kasamahan, at ang lalaking ito ay walang iba kung hindi si kaiza, nagawa
niyang makaligtas sa pag-sabog ng base.
Gabby: Captain!
Angel:
Captain!
Kaiza: Mission complete
____________________________________________________________
Pag-katapos
ng kanilang mission, ay kaagad nag-report si Kaiza sa kanyang superior na
si Col. Mark Zabardo.
Kaiza:
(Sumaludo) Sir.
Col.Zabardo:
Maupo ka.
Kaagad umupo
si Kaiza pag-kasabi palang ni Col. Zabardo.
Col. Zabardo: Good work, Captain Anjelo, mukang nagawa ng
team mo na pigilan ang balak ng Islamic terrorist group, sa gawain nilang human
harvest organ.
Kaiza: Tungkulin lang po namin yun sir, pero
inaalala ko lang, anong nilalang ang naka-sagupa namin noong mga oras nayun?
Halos kita na ang tissue niya pati meron siyang suot na
Col. Zabardo: Ang totoo niyan, hindi lang report ang
kailangan ko ngayon sa iyo, isang mission uli ang ibibigay ko sa iyo.
Kaiza: Isang mission? At ano naman po iyon?
Inilabas ni
Col.Zabardo ang isang folder na hawak niya
Col.Zabardo: Basahin mo ito.
Kaagad
binuksan ni Kaiza ang nasabing folder, at laking gulat niya sa kanyang nakita.
Kaiza: (Gulat) Teka ito ang?
Col. Zabardo: Tama ka...oras na para umuwi ka muna, dahil
sa pilipinas ang misyon mo ngayon.
__________________________________________________________
Nag-handa
kaagad si Kaiza ng kanyang gagamitin, pero kinompronta siya ng dalawa sa
kanyang mga kasama.
AAAHHHH
Bakit naman!
Ito ang
sinabi ni Angel ng marinig na aalis ang kanilang kapitan para sa isang misyon.
Kaiza: Pasensiya na kayo, pero may makakasama na
ako sa misyon na ito, mula sa GINGA
special investigation unit.
Gabby: Siguro yung magandang asawa mo captain, si
Agent Maria Martin, oh mas kilala bilang si Special Police Galathea!
Kaiza: Siguro nga pero meron pa akong ibang
inaasahan...so paano kayong dalawa muna ang bahala sa team, kailangan ko na
munang umalis...hayaan niyo pag-balik ko ibibili ko kayo ng pasalubong...sige!
Umalis
kaagad si Kaiza at dinala ang kanyang mga kagamitan
Angel: Ah umalis na siya, sayang naman
______________________________________________________
Sumakay si
Kaiza sa private plane ng GINGA, habang hawak ang letrato nila ni Mei na
mag-kasama.
Kaiza: Mahigit dalawang taon narin, mei
Nag-tungo na
ang eroplano na sinasakyan niya patungong pilipinas.
______________________________________________________
Dalawang
araw ang nakakalipas, sa pilipinas abala ngayon sila Mei, Marina at Sherry sa
pag-aayos ng shop nila, samantala si Kyro ay meron namang pinuntahang
mahalagang bagay.
Sherry: Ate Mei, narito na po ang lahat ng stock
natin.
Mei: Magaling...ilagay niyo nalang sa storage
room, at yung iba sa fridge.
Sherry: Opo!
Nag-patuloy
lang ang kanilang pag-aayos ng merong isang Big bike na tumigil sa harapan.
Sherry: Teka sino naman ito?
Marina: Mukang costumer
Ilang
sandali lang ay, bumaba sa kanyang motor ang lalaki at hinubad ang helmet nito,
at pumasok siya sa loob ng shop at sinalubong siya ni marina at sherry.
Sherry: Pasensiya na po, pero sarado pa po kami
ngayon, mag-hintay nalang kayo ng konti mag-bubukas narin naman po kami ni any
minute.
Nag-salita
ang lalaki
*Ganon ba*
Maya-maya pa
ay biglang lumabas si Mei sa kanyang opisina, at laking gulat niya ng makita
ang pamilyar na imahe.
*Long time
no see, Mei*
Mei: (Gulat) Ka-Kaiza!!
Natigilan si
Mei ng mga oras na yun, at ang hawak niyang baso ay nabitawan niya at nabasag,
sabay takbo ito at napayakap sa lalaki,
nagulat naman ang dalawa ni Marina at Sherry, dahil ang dumating ay walang iba
kung hindi si Kaiza.
Marina: Ang legendary special police? Si Gaider
Sherry: Siya ba ang asawa ni Ms. Mei?
Napatingin
nalang sila Sherry at Marina sa dalawa habang mag-kayakap.
_____________________________________________________________________________
Samantala sa
isang orphanage, nag-tungo si Kyro, kasama si Tina at Marion para mag-bigay ng
konting inspirational speech sa mga bata. At mag-turo din ng mga mabubuting
asal.
Kyro: Tandaan niyo mga bata, ang lahat ng sinabi
ko sa inyo...panatiliin niyo ang mabuting asal, at higit sa lahat wag-kayong
mag-sisinungaling, dahil sa oras na maging tapat ka sa kapwa mo, may magandang kapalit
na nag-hihintay sa inyo.
Sumagot
lahat ng mga bata sa sinabi ni Kyro
ALL: Opo kuya kyro!
Lumapit
naman ang isang madre kay kyro at sa kanyang mga kasama.
Sister Luz: Maraming salamat sa inyong pag-punta dito,
alam niyo bang napasaya niyo ang mga batang ito, at tila nabigyan niyo pa sila
ng bagong inspiration para ipag-patuloy nila ang kanilang mga pangara. p
Tina: Wag niyo na pong intindihin yun sister,
katuwang ang GINGA sa mga ganitong klaseng gawain, tungkulin po namin na bigyan
ng magandang-aral ang mga bata, para lumaki din silang may pangarap at takot sa
diyos.
Kyro: Asahan niyo po...bibigyan kong ngiti ang
batang ito...so mga bata gusto niyo na bang makita ang hero na si Gunver?!
Bata1: Si Gunver, gusto na namin siyang makita!!
Kyro: Ok! Tingnan niyo ang gagawin ni Kuya Kyro!!
Gun Changer!
Nag-bago ang
anyo ni Kyro, bilang si Gunver at mas lalong natuwa ang mga bata ng makita nila
ang bayaning kanilang hinahangaan ngayon.
WOOOOAAAAAAHHHH
Ang astig ng
armor niya, para siyang si iron man!
Gunver: Hehehe, salamat sa papuri--
*Aba...hindi
ko inaasahan na maabutan ko ang isang bayaning kagaya mo?*
Maya-maya pa
ay isang pari ang dumating, at meron itong kasamang dalawa pang madre, at ang
paring ito ay kilala sa pangalang.
Sister Luz: Father Moses!
Father Moses: Kumusta na sister luz, mukang may mga bisita pala tayo dito, hindi
mo man lang sinabi sa akin.
Sister Luz: Pasensiya na po, ang akala ko po ngayon nasa
Vatican kayo para sa isang pope mass.
Si Father
Moses Santos ay isang kilalang archbishop sa pilipinas, layunin niyang bigyan
ng mga matutulugan at matitirahan ang mga batang walang magulang at lubusang
ulila, katuwang si Senator William Delfine, itinatag nila ang Houses of God orphanage,
para sa mga batang kapos palad.
Tinangal
naman ni Gunver ang kanyang Helmet, at tinapik siya ng pari sa kanyang braso,
Gunver: Kayo po pala si Archbishop Santos,
ikinagagalak kong makilala ang isang gaya niyo.
Father Moses: Walang ano man yun...basta ipag-patuloy mo
lang ang ginagawa mo.
Ng tinangal
ni Father Santos ang kanyang kamay sa braso ni Gunver, tila napansin ni Gunver
na nag-karoon ng bahid ng sunog ang
kanyang baluti.
Gunver: (Sa sarili) Teka ano ito?
__________________________________________________________________
Kinagabihan
bumalik si Kyro kasama si Marion sakay ng kanyang Gun Racer, kaagad silang
bumaba ng sasakyan at nakita ni kyro ang isang itim at pulang ducati.
Kyro: Ducati? Kanino naman ito...wag mong sabihing
kay ate mei?
Marion: Ewan, mabuti pa bumalik na tayo sa loob.
Kaagad
pumasok sa loob ang dalawa, at isang boses ang sumalubong sa kanila na isang
boses.
*Kumusta na,
Marion...Kyro*
Ikinagulat
nila ang kanilang nakita, si Kaiza pala ang naroon.
Marion: K-Kuya Kaiza?!
Kyro: Kaiza!
Kaiza: Yo, parang nakakita kayong dalawa ng multo
ah.
Nilapitan ng
dalawa si Kaiza, at hindi nga sila na nanaginip, nasa harap ngayon ni Kyro ang
kanyang nakakatandang kapatid.
Kyro: Totoo ba ito? Hindi ka ba nag-bibiro!
Ilang
sandali pa pumasok na si Mei at Marina.
Mei: Totoo siya ang kuya mo, wala ng iba.
Kyro: Ate Mei...Teka diba may trabaho ka pa sa
Hawk squad? Alam ba ni mama na narito ka ngayon? At saka bakit ka nga ba
napad-pad dito?
Kaiza: Ang totoo niyan, hindi ako nag-punta dito
para mag-bakasyon, naparito ako para hingin ang tulong niyo sa isang misyon na
kailangan kong tapusin ngayon.
Kyro: Isang misyon? At ano naman yun?
Kaiza: Sa ngayon hindi ko muna sasabihin, bukas
malalaman niyo kung ano ang misyon na ito, sa ngayon pagod ako at gusto ko muna
mag-pahinga, kaya sige diyan na muna kayo.
Tumayo si
Kaiza sa kanyang kinauupuan at nag-tungo ito sa kanilang kuwarto
Kyro: Sandali nga ano naman ba ang misyon na yun?
Ate mei!
Mei: Hindi ko alam, sige na mag-pahinga na muna
kayo, alam kong napagod kayo sa ginawa niyo mag-hapon.
Kyro: Ang daya naman, hindi man lang siya
mag-kuwento, ang tagal naming hindi nag-kita tapos ganito pa!
___________________________________________________________
Nasa loob ng
kuwarto si nila Mei si Kaiza, at naliligo ito, ng biglang may kumatok sa may
pinto at si Mei ito.
TOK! TOK!
Mei: Kaiza!
Kaiza: Mei, may problema ba?
Pinatay ni
kaiza ang shower at binuksan niya ang pinto, bumungad sa kanya si mei na towel
lang ang takip sa katawan.
Kaiza: Mei?!
Mei: Puwede ba akong sumabay sayo?
Tinangal ni
Mei ang kanyang towel sa katawan, at itinulak papasok si Kaiza paloob ng banyo,
saka muli isinara ang pinto.
Kaiza: Hay nako heto nanaman tayo.
Mei: Matagal kong hinintay ito.
___________________________________________________________
Samantala sa
isang laboratoryo, isang lalaki ang napapaligiran ng Cylinder Glass, na
nag-lalaman ng mga nilalang na nakalaban ni Kaiza noong nasa baghdad siya.
*Mukang
abala ka nanaman sa ginagawa mo ngayon, Doctor Laser Riley*
Ang mga
taong dumating pala ay si Quinta at si Quwarta.
Doctor Riley: Kayo pala Master Quwarta,at master quinta
ano ang maipag-lilingkod ko sa inyo?
Quwarta: Nalalapit na ang siyang pag-hahatol sa mga
tao ng ating diyos, kailangan na nating mailabas ang mga ang mas pinalakas na
Zero Injection.
Quinta: Wag ka namang mag-madali...marami pa tayong
oras para simulan ang planong ito.
Quwarta: (Inilabas ang kanyang mga apoy sa kanyang
kamay) Masyado na akong na iinipt,
Samantala
naka masid lang si Knives sa likuran, at pinag-mamasdan lang niya ang mga
ginagawa ng mga amo niya .
Knives: Hmp ano nanaman kaya ang pakulo ng mga ito?
Nag-balik si
Kaiza mula sa isang malaking misyon sa Hawk squad, ngunit ang misyon ang
kahaharapin niya ngayon dito kasama si Gunver?
Case Continued.....
No comments:
Post a Comment