Saturday, May 2, 2015

Case 18: Detective’s Pride






All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention 

Isang kaso ang kasalukuyang ni-reresolba  nila Kyro at Marina ngayon, kaugnay ito sa isang Serial Killer na gumagala sa probinsiya ng subic zambales, karamihan sa nagiging biktima dito ay puro kababaihan, dahil sa mga nang-yayari nababahala ang local na pamahalaan ng probinsiya sa mga sunod-sunod na insidente.

Samantala inalam naman nila Kyro at Marina ang nakaraan ng isang Inspector doon na si Ryan Flores at tungkol din ito sa kanyang nobyang si Katherine Marcelo, ngunit sa pag-hahanap nila ng impormation isang panganib ang naka-ambang sa kanila.


_________________________________________________________________ 




Case 18: Detective’s Pride

BBBBBAAAAAAMMMMMM

Tinamaan si Gunver ng atake na nag mula sa putik ngisang  Mud Soldier ni Mud Face.

Gunver: Buwiset! Kailangan kong maka-alis dito.

Muling nag-bato ng Putik ang mga Mud Soldier, pero mabilis na naka ilag si Gunver, ngunit ang natamaan na poste ay tila naging putik at unting-unti na nalusaw.

Gunver: Mukang kakaiba yun ah! Kailangan ng mag-seryoso! Bullet Change! Rapid!

Gun Driver Female voice: Bullet Change Affirmative!

BRATATATATATATATATATATATA.

Pinga-babaril ni Gunver ang mga Mud Soldier gamit ang kanyang Rifle Bullet, pero wala paring epekto ito dahil sa lambot ng katawan nila, at nilamon lang nito ang mga balang pinakawalan nang detective. 

Gunver: Anak ng Putek talaga! Wala bang kahinaan ang mga ito? --- teka anong ginagawa nila!?

Tila ata nag-sasama-sama ang mga ito para maging isang malaking nilalang, pero ilang sandali 
lang.

BRRRRRRUUUUUUUUUUUMMMMMMMM

Gunver: Teka! Hoy!

Isang Truck ang dumating at walang hinto ito kung mag-patakbo pa tungo kila Gunver! At ilang sandali pa ay bigla nitong binanga ang nilalang at nag-kadurog-durog ito.

BRRRRAAAAACCCCKKKKK

At ang may kagagawan nito ay si Chief Inspector Jacinto.

Chief Insp. Jacinto: Ayos ka lang ba bata?

Gunver: Inspector! Anong ginagawa niyo?

Chief Insp. Jacinto: Wag ka ng maraming tanong pa! Bilisan mo umalis na tayo dito!

Gunver: Ah opo!

Kaagad sumakay si Gunver sa kanyang Gun Cycle, at ang truck naman na minamaneho ni Insp. Jacinto ay minanrobra niya at sumunod narin kay Gunver. 
__________________________________________________________________

Mabilis naman na nakarating si Kyro at Chief Jacinto, kung saan nadoon si marina, pag-karating palang sa lugar ay sabay baba si Kyro para tingnan ang lugar kung nadoon pa ang partner niya.

Kyro: Marina! Marina! Nasaan ka!

Bumaba din ang Inspector sa lugar at napansin niya kaagad ang isang bagay, at pinulot niya ito.

Chief Jacinto: Detective Anjelo!

Kaagad lumapit si Kyro kay Chief Jacinto, at nakita nitong hawak ang Driver ni Marina.

Kyro: Ang Driver ni marina? Nasaan siya?

Chief Jacinto: Mukang kinuha siya ng suspect, Detective ang mabuti pa alamin muna natin buong sitwasyon...hahayaan ko nalang muna ang mga tauhan ko na mag-imbestiga dito.

Hindi naman mawala kay Kyro ang pag-aalala dahil sa baka kung ano ang mang-yari sa Partner niya.

Kyro: Sige po.
_______________________________________________________________ 

Sa isang lihim na lugar, dito dinala ni Mud Face ang kanyang nabiktimang si Marina, at maya-maya pa ay unting-unti na nagising ang babaeng agent mula sa pag-kakadukot sa kanya.

Marina: (Dumidilat ang mata) N-Nasaan ako? (Nagulat) Teka anong lugar ito!!!

Nagulat si marina sa kanyang nasaksihan sa paligid, at nakatali siya ngayon sa isang higaan. Makikita sa lugar ang samut-saring mga gamit kagaya nalang ng paso, hulmahan, at mga imahe ng mga babae.

Marina: Nasaan ba ako? Anong lugar ito! 
________________________________________________________________

Bumalik sa Gun trailer si Kyro para pag-aralan ang kakayahan ng kalaban.

Kyro: Ano bang klaseng mga putik ito? Ano ba ang kahinaan nila.

Ilang sandali pa tumawag si Marion mula sa kanilang Underground Base sa GINGA Cafe.

Marion: Kyro!

Kyro: Marion! Buti tumawag ka kailangan ko ng tulong mo dito.

Ipinakita ni Kyro ang kanyang naging footage laban sa mga Mud Soldier pati narin kay Mud Face. 

Marion: Kung ganon negative nga ang sangkot sa kasong ito?

Kyro: Tama ka pero kakaiba ang isang ito, hindi lang yun bihag niya si Marina at hindi ko alam kung saan siya dinala. Tangin itong Driver lang niya ang naiwan sa site kung saan siya nawala.

Marion: Papaano nang-yari yun? Pangalawang beses na nang-yayari sa kanya ang bagay na ito ah.

Kyro: Hindi ko rin alam, pero kailangan ko siyang tulungan, meron ka bang maibibigay sa akin na kahit na ano para matalo ko ang Negative na ito?

Sinuri mabuti ni Marion ang Negative na kinalaban ni Kyro.

Marion: Sige ako na bahala, titingnan ko kung ano ang magiging kahinaan niya. At sa oras na makita ko ipapadala ko sa iyo ang bagong SD Card via teleportation.

Kyro: Na-iintindihan ko salamat....
_______________________________________________________________________

Samantala pinipilit ni Marina na makaalis sa kanyang kinatataliang higaan, ngunit sa higpit nito hindi niyang magawa ang gusto niya.

Marina: Kailangan maka-alis ako dito.
_______________________________________________________________________

Sakay ng kanyang Gun Cycle, muli niyang pinuntahan ang lugar kung saan huling nakita si marina.

Kyro: (Hinubad ang helmet) Para talagang may kakaiba sa lugar na ito.

Bumaba si Kyro sa kanyang motorsiklo at pinuntahan ang loob nito para mag-imbestiga.
Pinasok ng binatang detective ang loob ng sinasabing resort, at sa pag-pasok niya ginamit niya ang kanyang Gun Shade Vision upang sakaling makakuha ito ng ebidensiya. 

Dahan-dahan siyang pumasok sa isang silid, na merong naka-lagay na Police Line, at sa pag-pasok niya ay biglang merong umingay na parang kakaiba. At kaagad napabuot ng Gun Driver si Kyro. 

BBBBAAAAAAGGGGG

Kyro: Ano naman kaya yun? Sandali may tao ba dito! Sumagot ka!

Maya-maya pa ay isang nilalang ang kakalabit sa na sa likod ni Kyro pero mabilis na nakalingon ang binata at tinutukan niya ito dahil sa pakiramdam na may sumusunod sa kanya.

SANDALI!

Nagulat nalang si Kyro na si Ryan Flores ang nasa likod niya. At napa-taas ito ng kamay.

Kyro: Flores? Anong ginagawa mo dito?

Ryan: Diba dapat ako ang mag-tanong niyan? Anong ginagawa mo dito? Off-limit na ang lugar na ito dahil karamihan sa naging biktima ng suspect na yon dito pinatay. 

Kyro: Nawawala si Marina, pumunta siya kanina dito para mag-imbestiga, dahil nakita namin ang impormation tungkol sa girlfriend mo na si Katherine Marcelo, baka sakaling makakuha kami ng ng lead para ma isara na ang kasong ito.

Ryan: Impormation? Wala na kayong pakielam sa kasong ito! I-reresolba ko itong mag-isa at ako ang huhuli sa suspect nayon. Kaya wag ka nalang makielam puwede! Malaki ang utang sa aking ng hayop nayon. Kaya ako ang tatapos nito. 

Kyro: Sira ka ba! Hindi ordinaryong kriminal ang hinahabol mo! Isang halimaw yun isang negative, kung mag-papadala ka sa mga nararamdaman mo! Mamatay ka tandaan mo iyan, at mawawalan ng silbi ang lahat ng pinag-hirapan mo!

Ryan: Kahit na! Wala akong pakielam kung halimaw siya o demonyo ang mahalaga sa akin mabigyan ko ng hustisya ang taong mahal ko!

Nag patuloy lang sa kanilang agrumento ang dalawa, ngunit ang hindi nila alam , may mga nilalang na naka-palibot na sa kanila at naka handa na itong umatake.

Ryan: Wag ka nang!---

Kyro: Ilag!!

Agad itong napansin ni Kyro ang nilalang na sana ay aatake sa kanila, isang putik ang ibinato sa dalawang detective ngunit dahil sa bilis, naiwasan nila Kyro at  tinamaan nito ang isang Pinto at naging putik ito.

Ryan: Ano yun!?

Kyro: Yan ang gusto mong hulihin! Ang mga nilalang na iyan ang siyang pumapatay sa mga tao dito!

*Magaling at naiwasan mo ang ginawang atake ng alaga ko!*

Nag-pakita ang siyang responsable sa lahat ng mga pang-yayari at ito ay si Mud Face.

Kyro: Ikaw! Sabihin mo nasaan si marina!

Mud Face: At bakit ko naman sasabihin sa iyo? Ano ako sira....hahaha magiging parte na siya ng koleksiyon ko, kukunin ko ang imahe niya at pag-katapos saka ko siya papatayin!

Kyro: Hindi ako makakapayag sa gusto mo! Ililigtas ko siya kahit na anong mang-yari.

Tila ata merong mga na-alala si Ryan na mga salita na binitawan ni Kyro.

Ryan: Katherine...

Gun Driver Female Voice: DNA Scan Complete!

Kyro: Gun Changer!

Nag-bago ng anyo si Kyro at naging si Gunver, at sinugod niya  si Mud Face ng buong tapang.

Gunver: Humanda ka!

BANG!-BANG!-BANG!

Binaril ni Gunver si Mud Face gamit ang kanyang Gun Driver, at kasabay nito binibigyan naman niya ng matitinding sipa at suntok mula sa husay niya sa Mix Martial Arts ang kanyang kalaban.
Ngunit sa lakas at lambot ng katawan ni Mud Face hindi ito tumatalab.

Gunver: Anong!

Mud Face: Ha ha ha kagaya nga ng sinabi ko! Hindi eepekto ang mga atakeng ganyan sa akin! Kaya mamatay ka na!

Sinipa ni Mud Face papalayo si Gunver at gumanti ito ng kanyang mga atake mula sa na hulma niyang braso, tumira siya ng mga putik na nag-korteng spike at ito ang tumama sa katawan ni Gunver.

ZZZZAAAAAPPP
ZZZZAAAAAPPP

Gunver: AAAAAHHHHHHH!!!

Tinamaan si Gunver at tumalsik ito sa tubig sa may pam-pang. 

Gunver: Buwiset!

Lumapit ng bahagya si Mud Face kay Gunver para tapusin na ito. 

Mud Face: Tapos ka na ngayon!

Tila naman napansin ni Gunver ang bahagyang layo ni Mud Face mula sa pam-pang

Gunver: (Sa sarili) Teka bakit hindi siya masyadong lumalapit sa akin? Hindi kaya? Ang tubig tama!

Naka-kuha ng idea si Gunver kung papaano lalabanan ang kalaban niyang taong putik, Biglang tumayo ang detective at nakakita ito ng isang sand castle bucket at sabay salok ng tubig sa dagat at ibinuhos ito sa kanyang laban.

Gunver: Heto ang sayo!!

SSSSSSPPPPPPPLLLAAAASSSSS

Mud face: Anong!

Bahagyang nalusaw ang ilang parte ng katawan ni Mud face, at pinag-patuloy naman ni Gunver ang pag-buhos  niya sa Negative.

Gunver: Heto pa!!

Maya-maya pa ay unti-unti ng nalulusaw ang katawan ng Negative na si Mud Face at dahil doon. Nag-pasiya na itong umatras.

Mud Face: Hindi pa tayo tapos! 

Gunver: Hindi kita hahayaan!

Nag labas si Kyro ng isang maliit na bagay at ito ay isang mini-fly detector, at pinadapo niya ito sa katawan ni Mud face.

Samantala bumalik naman sa dati niyang anyo si Gunver Bilang Kyro.

Ryan: Detective Anjelo!

Nilapitan ni Ryan si Kyro na matalas ang tingin sa kanya.
____________________________________________________

Samantala sa sikretong taguan ng negative na si Mud Face.


Mud Face: ...Buwiset! Naisahan ako ng Detective nayon! Humanda siya sa akin sa oras na mag kita muli kami.

Maya-maya pa ay unting-unti na bumalik sa dati niyang anyo si Mud face.

Nilalang: AAAAAHHH mabuti narin ito...kahit papaano gusto ko ang anyong ito.

Maya-maya pa ay pinuntahan niya si Marina na naka-tali pa sa kanyang higaan, ngunit kaagad namang na-alarma si Marina dahil sa pag-dating ni Mud-Face. At ito rin ang naging dahilan sa pag-kakahinto ng kanyang binabalak na pag-takas.

Nakatalikod lang ang anyong tao ni Mud Face kay marina. At tila abala ito sa kanyang ginagawa.

Marina: Hoy ikaw! Ano ba ang binabalak mo?! Sagutin mo ako, taong putik!

Nag salita ang nilalang kay marina.

Nilalang: Konti nalang, konti nalang, at mapapasama kana sa aking koleksiyon. Ha Ha Ha.

Marina: Anong ibig mong sabihin!?

Humarap ang nilalang kay marina, at laking gulat niya na ang nilalang na ito ay.

Marina: Ikaw!

Ngunit hindi lingid sa kaalaman ni mud face, na naka track pala siya  at dahil ito sa pinakawalang tracking device ni Gunver.
_____________________________________________________________________

Balik sa Gun Trailer

Kausap ngayon ni Kyro si Ryan tungkol sa kasong ito.

Ryan: Detective Anjelo...

Kyro: Ano ba talaga ang dahilan kung bakit ka ganyan? Sabihin na natin  isa sa mga minamahal mo ang naging biktima ng nilalang nayon! Pero hindi ito ang panahon para pairalin mo ang pride mo!  Sa tingin mo ba magagawa mong maresolba ang kasong ito ng mag-isa?

Ryan: Gusto ko talagang mahuli ang nilalang na yun sa kahit na anong paraan na nalalaman ko, pero noong nasaksihan ko nakipag-laban ka sa kanya, naisip ko hindi ko kakayanin. Kaya kung gusto ko talagang mabigyan ng katarungan ang mahal ko, at ang mga tao dito! Kailangan kong lunukin ang pride ko!

Kyro: Pride ng isang detective hah? Sige gawin natin ang makakaya natin para hulihin kung sino talaga ang taong yun!

Ryan: Sige—

*Incoming Massage*

Habang nag-uusap ang dalawa, bigla naman tumawag si Marion mula sa kanilang Base sa GINGA Cafe.

Marion: (Sa Monitor Screen) Kyro!

Kyro: Marion! Ano meron ka na bang nakitang weak spot?

Marion: Meron na at maganda itong sasabihin ko sa iyo!

Kyro: Sige ano yun!

Marion: (Sa kanyang lugar) isang Clay Soil ang negative na nakalaban mo, Madalas ang mga ganyang klase ng lupa at putik ay natatalo ng lamig o tubig, Makinig ka itong hawak kong SD Card, ito ang Zero Freezing Cannon, ibala mo ito sa Chest cannon at oras na matamaan mo ang katawan ng Negative nayon. During mo na siya habang may-pagkakataon ka!

Kyro: Na iintindihan ko!

Marion: Itratransfer ko na ang SD Card diyan...heto na!

Inilagay ni Marion sa isang Teleportation case ang SD Card, at maya-maya pa ay nakarating na ito sa Lugar ni Kyro.

Kyro: Salamat Marion, malaking tulong ito...ngayon hahanapin naman natin kung sino ang suspect nayon.

Ryan: Pero saan?

Hawak ni Kyro ang isang GPS Phone at sinabi niya na.

Kyro: Ako na ang bahala doon! Sumod ka nalang sa planong gagawin ko!
__________________________________________________________________

Sa lihim na lugar ni Mud Face, isinasagawa na niya ang kanyang balak kay marina, ang balak na gumawa ng kanyang replika.

Mud Face: Konti nalang, at makukuha ko na ang iyong replika. At isasagawa ko na ang mga bagay na gusto kong matupad.

Marina: Itigil mo iyan! 

Mud Face: Tumahimik ka! Gusto mo bang mawala yang kagandahan mo! At sumunod ka nalang sa gusto ko!

Marina: Yun ang akala mo!

BBBBBBBAAAAAAAAAGGGGGG

Laking gulat ni Mud Face na biglang nakawala si Marina mula sa kanyang pag-kakatali. At binigyan siya nito ng isang malakas na sipa.

Mud Face: Papaanong! Imposible ito!

Marina: Masyado mo akong minaliit! Hindi mo ba alam kung ano pa ang mga kakayahan na meron ako! Malas mo ako ang naging biktima mo!

Ilang sandali pa ay nag bago na muli ng anyo si Mud face sa anyong negative.

Mud Face: Humanda ka sa akin!

Akma  na niyang susugurin si Marina ng biglang.

BBBBBBBBBBBBBOOOOOOOOMMMMMMMSSSS

Sumabog ang kanyang pinopuwestuhan sa likod at pumasok si Kyro sa eksena. 

Kyro: Kaya pala hindi namin makita ang lugar na ito! Dahil nasa ilalim pala ito ng resort!

Marina: Kyro!

Mud Face: Ikaw!

Ilang sandali rin lang ay pumasok na si Ryan at tinutukan niya ng baril.

Marina: Kyro siya si!

Kyro: Alam ko! Na irecord ko ang lahat...ang hina niyang mag-isip, hindi niya alam na merong langaw na naka sunod sa kanya.

Mud Face: Ano! Anong pinag sasabi mo!

Kyro: Heto oh!

Ipinakita ni Kyro ang hawak niyang tracking fly, at gamit ito kinunan niya ang buong pang-yayari dito sa loob ng lihim na silid

Ryan: Hayop ka! Ang buong akala ko kaibigan kita! Aguilar!

*mukang nahuli niyo nga ako?*

Bigla muling bumalik sa kanyang normal na anyo si Mud Face sa katauhan ni Inspector James Aguilar.

James: Pero hindi ko na kayo hahayaan pang maka-alis dito ng buhay!

Akmang titira si Mud Face ng kanyang mga clay spike, ngunit binaril siya si Kyro. At sabay inihagis ang Driver ni Marina.

BANG!-BANG!

Kyro: Marina saluhin mo ito!

Marina: Salamat!

Ryan: Lumabas na tayo dito! 
 ________________________________________________________________________

Nakarating sila Kyro sa may pam-pang ng resort, at dito nila haharapin ang nilalang na si Mud Face.

Nag bago na muli ng anyo si James bilang Mud Face at nag palabas siya ng mga mud soldier.

Mud Face: Tapos kayo ngayon!

Kyro: Ryan tumabi ka na muna! Kami na ang bahala dito!

Ryan: Naiintindihan ko!

Kyro: Tayo na Marina!

Marina: Oo!

Sabay nilibas ni Kyro at Marina ang kanilang mga Driver.

Gun Driver Female Voice: DNA SCAN COMPLETE!Zhapyra Driver Female Voice: DNA SCAN COMPLETE!

GUN CHANGER!
ZHAPYARA CHANGE!

Sabay nag-bago ng anyo sila kyro at marina bilang mga Special Detective.


Gunver: (Ipinakita ang Badge) Special Detective Gunver ng Special Investigation Unit 6 Inaaresto kita sa salang pag-patay sa mga kababaihan at pagdukot sa kanila, sumuko ka na ng maayos sa ngalan ng batas!

Mud Face: Anong batas ang sinasabi mo! Mamatay nalang kayo. 

Biglang sumugod ang mga Mud Soldie kila Gunver, ngunit kaagad ibinigay ni Gunver ang isang SD Card na gagamitin ni Zhapyara

Gunver: Marina Gamitin mo iyan! Makakatulong ang SD Card na yan para talunin ang mga taong putik na ito!

Zhapyara: Sige na iintindihan ko!

Nag-sagupaan ang dalawang groupo at naging matindi ang kanilang labanan.
_____________________________________________________________

Hinarap ni Gunver ang ulo sa lahat ng mga ito na si Mud Face, samantalang si Zhapyra naman ang humarap sa mga Mud Soldier.

BANG!-BANG!-BANG!

ZZZZZAAAAAAPPPPP
ZZZZZAAAAAAPPPPP

Nag palitan ng kanilang mga atake si Gunver at Mud Face.

Si Zhapyara naman ay ginamit ang husay niya sa Aikido, at pinatumba niya ang mga kalaban. Pero mabilis naman itong nakaka bangon kaagad.

Zhapyara: Wala parin epekto sa kanila! Siguro kailangan ko ng gamitin ang ibinigay sa akin ni 
Kyro!

Pinag-sama ni Zhapyra ang kanyang Driver para mabuo ang Traial Driver.

Trial Driver Female Voice: SD Memory In Bullet Bullet! Freezing Blast.

Zhapyra: Tingnan natin ang galing nito!

BANG!-BANG!-BANG!

Pinag babaril ni Zhapyra ang mga Mud Soldier na kanyang kalaban gamit ang kanyang bagong kapangyarihan, at ang bawat Mud Face ay naging yelo.

Zhapyra: Ngayon alam ko na! Humanda kayo ngayon. 

Nag-patuloy lang si Zhapyra sa kanyang ginagawang pag-atake, habang ginagawa niyang yelo ang mga kalaban ay sabay niyang sinisira ang mga ito.
_______________________________________________________________

YYYYYYAAAAAAAHHHHHH

Isang flying kick ang ginawa ni Gunver sa kanyang kalaban si Mud Face, ngunit nahawakan kaagad ang kanyang paa at inihagis ito. 

BBBBAAAAAAAAGGGGG

Gunver: Asar!

Mud Face: Simula ng dumating kayo dito! Hindi ko na magawa ng maayos ang mga dapat kong gawin! Mga pakielamero talaga kayong mga taga GINGA!

Gunver: Pasensiya na kung na abala kita! Pero wala itong personalan, trabaho lang ito! Kaya hindi ka namin hahayaan sa gusto mo! 

Lumundag si Gunver at isang super punch sana ang isasalubong niya kay mud face, ngunit lumubog lang ang kanyang kamao sa katawan ng Negative.

Gunver: Teka anong nang-yayari?

Mud Face: Ha Ha Ha sira ka pala! Alam mo namang hindi tumatalab ang mga atakeng yan sa akin? Bakit mo pinag-pipilitan...ngayon ako naman!

Na hulma ng isang malaking kamao ang kamay ni Mud Face, at isang malakas na suntok ang sumalubong kay Gunver.

BBBBBBBAAAAAAAGGGGGG

Tumalsik at napa atras ang detective sa ginawa ng negative.

Gunver: Ahhhhhh....grabe na alog ang main system ng suit ko! mukang kailangan ko nang gawin yun!

Inilabas ni Kyro ang kanyang isang SD Card.

Gun Driver Female Voice: SD Memory In armor change... chest cannon!

Nag-karoon ng isang chest cannon sa dib-dib si Gunver, at muli siyang nag lagay ng isa pang SD Card sa kanyang Driver. 

Gun Driver Female Voice: SD Memory In! Bullet Change... Freezing Blast!

Inipon ni Gunver ang buong enerhiya na nag-mumula sa kanyang driver, at ilang sandali pa ay itinira na niya ang Freezing Blast kay Mud Face.

Gunver: Tangapin mo ito!!  

Pinakawalan ni Gunver ang kanyang atake sa kalabang si Mud Face. At ilang sandali lang ay tila napansin nito ang kakaibang pang-yayari sa buong katawan niya.

Mud Face: Ano ito! Anong klaseng enerhiya ang bumabalot sa akin!!!! Aaaaaaahhhhhhhhh.

Ilang sandali pa ay tuluyan ng naging yelo ang katawan ni Mud Face, ilang sandali pa lumapit si Zhapyara sa kanyang partner at kinumusta ito.

Zhapyara: Kyro!

Gunver: Marina! Nagawa natin...mukang ito na ang pag-kakataon natin para makahuli ng buhay na Negative!

Zhapyara: Magaling kung ganon.

Gunver: Ilipat na natin siya bago pa matunaw ang yelo sa katawan.

Akma na lalapitan sana nila Gunver at Zhapyara ang nag-yelong katawan ni Mud Face para 
kunin ito, ngunit ilang sandali lang ay.

BBBBBBBBOOOOOOMMMMM

Isang pag-sabog ang nang-yari, at ito ang nag-wasak sa nag-yeyelong katawan ng Negative. Samantala ang dalawang Special Detective ay tumalsik at hindi na alam ang nang-yari.

Gunver: Saan galing yun! At anong nang-yari?

Zhapyra: Ang katawan ni Aguilar!

Gunver: Nasawasak na!? Hindi maari ito.
_____________________________________________________

Ilang araw ang naka-lipas sa isang dalampasigan tinatanaw ni ryan ang tahimik na karagatan, at habang tinatanaw ito hawak niya ang isang pendant na merong larawan ng kanyang nobya.
At maya-maya pa ay dumating sila Kyro at Marina.

Kyro: Nadito ka lang pala!

Ryan: Kayo pala...ano pa ang ginagawa niyo dito? Tapos na ang kaso diba?

Kyro: Oo tapos na nga at salamat din sa tulong mo, siya nga pala heto ang buong ebidensiya na nag  papatunay na ang partner mo ang siyang pumapaslang sa mga babae dito, talaga palang malaki na ang sira niya sa ulo. 

Ibinigay ni Kyro ang isang Folder na nag-lalaman ng mga ebidensiya na nag-papatunay na si Inspector James Aguilar ang siyang tao sa likod ng mga krimen na ito.

Ayon sa impormation na nakuha nila, matagal nang under surveillance ang mga kakaibang kinikilos ni Inspector James Aguilar, madalas siyang may mga nakakasamang babae at sa mga bar, at karamihan sa mga babaeng nakasama niya ay ang kanyang mga pinatay. 

At napag-alaman din gumagamit ito nang illegal na droga. Na siyang sumira sa kanyang pag-katao, ngunit isang mysterio para kay kyro ang pagiging negative nito. 

Ryan: Heh hindi ko talaga lubos maisip na magagawa ito ng taong pinag-kakatiwalaan ko, Detective Anjelo maraming salamat, ngayon masasabi ko na nag bigyan ko na ng katarungan ang mahal ko, (Nakipag shake hand) Salamat.

Kyro: (Nakipag kamay) Wala yun...tungkulin ko rin yun bilang isang detective, tungkulin kong tulungan ka.

Marina: Kyro oras na!

Kyro: Oo! Hanggang sa muli kaibigan!

Umalis sila Kyro at Marina at bumalik na sa kanilang trailer, ngunit isang mysterio parin at palaisipan kung sino ang nag-pasabog ng katawan ni Mud Face?

Samantala sa hindi kalayuang lugar...

Isang nilalang ang nakatayo sa isang burol at tila tinatanaw ang papaalis na sila Kyro...habang may hawak-hawak ito na isang patalim na tila nilalaro pa niya.

Nilalang: Haaaayyyyyy siguro ito na ang oras para sumali ako sa laro niyo, mga special detective.

Sino kaya ang nilalang na ito? At ano ang pakay niya.

Case Continued








No comments:

Post a Comment