All the
characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination
of author, and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention
Ang nakaraan sa special detective
gunver......
Isinilang na ang pinaka bagong
special detective na si zhapyra sa katauhan ni marina, at dahil sa kanyang
aking abilidad, nagawa nilang matalo ang isa sa mga pinadala ni levaiton na
negative, ngunit dito palang nag-sisismula ang totoong laban sa kasagutan.
_________________________________________________________
Sa isang lugar sa probinsiya
Subic.
Isang nilalang ang nasa gitna ng
dilim at tila meron itong ginagawa. May hawak ito na isang pala na tila meron
itong tinatabunan.
Nilalang: Ito na ang pang-sampu sa mga biktima ko ngayun linggo.Bwahahaha.
Tila nakakapangilabot ang
pag-tawa ng nilalang. At maya-maya ay pa isang katawan ng babae ang kanyang
inilagay sa hukay.
Nilalang:
Paalam na!
Ilang sandali pa ay meron lumabas na
kakaibang bagay sa kanyang mga kamay. At ito ay isang putik. At mabilis niyang tinabunan ang bangkay ng babae habang
ito ay tumatawa.
Nilalang:
Hahahahahahaha! Hahahahahahahaha!
Case 17: Mud Killer
GINGA HQ
Kasalukuyang nag-sasanay ngayun
si Marina at Kyro gamit ang kanilang mga Driver, at nag-laban sila ng mano-mano.
Gunver: Humanda ka marina! Heto na ako yaaaahhhh!
Nag-sasanay ngayun ang dalawa
para mas-maging bihasa pa si Marina sa pag-gamit ng kapangyarihan ng Driver.
Pa-atake palang si Gunver ng
biglang lumipad si Zhapyra pa-itaas.
Gunver: Anong!
At pag-katapos sabay nitong
sinipa si Gunver at tumalsik ito . Akma namang aatake muli si
Zhapyra sa kanyang partner, pero bigla namang tumayo kaagad si Gunver at
inunahan na nito ang babaeng partner. Gamit ang kanyang Gun Dagger, pero
naka-tutok din ang Zhapya Drive ni Zhapyra sa katawan ni Gunver.
*Training Simulation is over*
Ito ang sabi ng Radio Voice ng
silid, at ilang sandali pa pumasok sila Mei at Marion sa loob ng simulation
room para kumustahin ang dalawa. Bumalik naman sila sa dati nilang anyo bilang
si Kyro at Marina.
Marion:
Ok eto na muna sa ngayun!
Mei: Magaling
ang ipinakita niyo Marina! Kyro...lalo kana marina sa nakikita ko mabilis mong
natutunan ang pag-gamit ng kapangyarihan
ng driver na iyan. Pag-butihan mo pa.
Marina:
Salamat po! Sisiguraduhin ko po sa inyo na...mas magiging mahusay papo ako kesa
kay kyro.
Kyro:
Anong sabi mo? Ulitin mo nga! Hahahahaha kahit saan tingnan second hero ka lang , at ako ang main hero dito! HAH kahit na mag-sama pa kayo ni Snider ako parin
ang mas-angat sa inyo!
Marina:
Hay nako...siguro nga marami pa akong kailangan matutunan! Pero ito lang ang
pag-kakatandaan mo! Balang araw ako na ang masusunod sa lahat. Kaya lubus-lubusin mo na ang pagiging "Main Hero" mo kyro.
Kyro:
Ano!?---
*Buti Naman at narito kayong
lahat*
Sasabat pa sana si Kyro ng biglang
dumating si Chief Inspector Marcus kasama si Tina.
Mei: Papa!
Marion:
(Sumaludo) Sir!
Sabay naman sumaludo sila Marina
at Kyro.
Kyro:
Aba narito pala ang babaeng amazona na merong bondieng buhok! Tina kumusta na?
PPPPAAAAAAAAKKKK
Isang malakas na sapak ang
ibinigay ni Tina kay Kyro dahil sa pang-aasar nito.
Tina:
Tigilan mo na ako diyan!
Kyro:
Aray naman!?
Mei: Papa ano
ang kailangan mo ngayun?
Chief Insp. Marcus: D-Deretsohin ko na kayo, Detective Anjelo,
At Agent Asol... isang krimen ngayun ang nang-yayari sa subic zambales, kakaibang uri ng
pag-patay ang ginagawa ng salarin...heto kunin niyo.
Ibinigay ni Chief Insp. Marcus
ang isang Flash Drive, at dito nakalagay ang buong impormation sa kasong
hahawakan nila ngayun
Chief Insp.Marcus: Pumunta na kayo ngayun! Diyan niyo malalaman
ang ibang coordinates tungkol sa kasong ito, malakas ang hinala ko na isang
negative ang nasa likod ng krimen na ito. At wag kayong mag-alala merong taong
aalalay sa inyo pag-dating niyo doon.
Kyro: Naiintindihan
po naming…tayo na marina.
Marina: Oo.
Kaagad nag-handa sila Marina at
Kyro patungo sa kanilang gagawing imbestigasyon.
_____________________________________________________________
Sakay ng Gun Trailer, nag-biyahe
sila Marina at Kyro patungo sa probinsiya na sinasabing, merong nagaganap na
kakaibang patayan doon.
Gamit ang computer, tiningnan
nila ang Intel sa flash drive na ibinigay sa kanila ni Chief Insp.Marcus.
Marina:
Tingnan natin kung ano ang meron dito.
Pag-bukas palang ni Marina sa
Files ay kaagad ng lambot ang katawan nito sa mga nakita niya.
Marina:
Anong!?
Kyro:
Teka anong problema.... (tiningna ang monitor ng computer) Anong!
Nakita nila ang mga larawan ng
mga biktima na halos wala ng mata, at balot ang putik ang katawan, at ipinakita
rin dito ang pag-aautopsy sa katawan ng bawat biktima ay wala ng mga
lamang-loob kung hindi puro putik na lang ang laman.
Marina:
Sa buong buhay ko ngayun lang ako nasuka ng ganito, grabe mas-malala pa ata ito
kay Scalpel!
Kyro:
Mukang isang negative nga ang may kagagawan ng lahat ng ito.
__________________________________________________________
Samantala sa isang tagong lugar,
isang nilalang ang tila abala sa kanyang ginagawa. At ito ay ang pag-huhulma ng
isang bagay mula sa putik.
Nilalang: Malapit na! Malapit ka na muling mabuo...konting panahon nalang,
mag-kakasama na muli tayo.
___________________________________________________________
Makalipas ang ilang Oras na
pag-bibiyahe nila Kyro at Marina. Nakarating na sila sa probinsiya ng Subic. At
sinalubong sila ng dalawang Detective na sila Inspector James Aguilar, at
Inspector Ryan Flores.
Kaagad bumaba sila Kyro at Marina
sa Gun Trailer, at nakipag-kamay ang dalawang Detective ng GINGA sa mga tauhan
ng Task For Investigative ng Subic police department.
Insp. James: (Nakipag-kamay) Kumusta kayo siguro ang mga
Detectives mula sa GINGA? Ako si Inspector James Aguilar, at siya naman ang
partner ko na si Inspector Ryan Flores.
Kyro:
Detective Kyro Anjelo! At siya naman si Agent Marina Asol ang partner ko,
kinagagalak ko kayong makilala.
Insp. Ryan:
Aguilar! Puwede ba mamaya na ang pag-papakilala niyo! Marami pa tayong kailangang
gawin, pupuntahan pa natin ang latest na biktima sa may resort. kaya bilisan
niyo na diyan.
Tila hindi naman nagustuhan ni
Kyro ang pananalita ng Inspector na si Flores.
Kyro:
Teka anong problema noon?
Insp. James: Wag mo na siyang intindihin, ganyan lang
siya medyo mainipin, sige na pumunta na tayo sa crime scene para maimbestigahan
na natin ang pinaka-bagong biktima,
Kyro:
Mabuti pa nga.
Kaagad ibinaba nila Kyro ang Gun
Racer nila sa kanilang Gun Trailer, at sumunod sila sa dalawang Detective na
sumundo sa kanila.
_______________________________________________________________
Sa isang sikat na resort sa
Subic, dumeretso sila Kyro, at dito na-abutan nila ang mga taga S.O.C.O at ilang
tauhan ng PNP na nag-iimbestiga sa crime scene.
Insp. James:
Chief Jacinto!
Chief Jacinto: O Aguilar, Flores narito na pala kayo? Teka sila ba ang mga taga GINGA?
Ipinakita ni Kyro at Marina ang
kanilang mga Badge na nag-papatunay na sila nga ang mga tauhan ng GINGA.
Kyro:
Detective Kyro Anjelo, siya naman si Agent Marina Asol...Sir ano po ba ang
nang-yayari dito?
Ipinaliwanag ni Chief Jacinto ang
mga nang-yayari.
Chief Jacinto: Mahigit anim na buwan na naming tinututukan
ang kasong ito, hindi namin malaman kung sino talaga ang gumagawa ng ganitong
klaseng pag-paslang, ang masasabi ko lang kakaiba siya. Dahil sa bawat
autopsiya namin sa mga katawan ng biktima. Halos puno ito ng putik sa loob ng
kanyang katawan, na babahala kami maraming torista ang nawawala sa lugar namin dahil
sa kasong ito, kaya kailangan namin ang tulong niyo.
Tinanong ni Kyro kung ano ang
nagiging madalas na biktima sa krimen.
Kyro:
Sir anong madalas na maging biktima sa
Krimen na ito? Noong kasing binigay sa aking report, karamihan puro
babae. Anong klaseng mga babae ba sila?
Chief Jacinto: Tama ang sinabi mo, karamihan ng Biktima ay
puro babae, pero madalas mga GRO sa mga bar, at isa sa mga latest na biktima ngayon ay isang GRO uli.
Tila naman merong naiisip na idea
si Kyro para malutas ang kaso.
Kyro:
GRO hah? (Tumingin kay Marina)
Marina:
Bakit ka na katingin sa akin ng ganyan?
Kyro:
Alam ko na!
____________________________________________________________________
Kinagabihan
ANO!
Ito ang sigaw ni Marina ng sinabi
ni Kyro na siya ang gagawing pain para sa kanilang Imbestigation.
Marina:
Bakit sa dami-dami ng gagawin ko ito pa? Hindi naman ako mukang GRO ah!
Kyro: Tama na
nga ang reklamo mo, wala na tayong ibang choice kung hindi gawin ito, kung
gusto mong matapos kaagad ang kasong ito sumunod ka nalang sa akin puwede.
Tila na hihiya si Marina sa
kanyang suot na pang-GRO dahil sa ikli ng palda nito at kita na halos ang
kanyang dib-dib. Wala silang ibang pamimiliin dahil ito lang ang nakikitang
paraan ni Kyro. Para malaman kung sino ang salarin.
Marina:
( Namumula) Pero...nakakahiya...ngayun lang kasi ako nag-suot ng ganitong
klaseng damit, tapos ikaw pa ang nasa harap ko! Mayankis.
Kyro:
Hay nako, hindi ito ang oras para tawagin mo ako ng ganyan, ang totoo ginawa na
ni ate mei yan noon, mas wild pa nga eh. Kaya kung gusto mong wag-magsuot niyan!
Tapusin na natin ang kasong ito ora mismo.
________________________________________________________________
Sa isang Bar dito sinasabi na
madalas ang mga nagiging biktima ng pamamaslang, dito pumunta sila Marina para
gawin ang kanilang plano.
Samantala si Kyro naman ay umupo
sa isang upuan at umorder ng isang tasa nang kape para mag-matiyag, at si marina
naman ay nakiki-pagusap sa mga iba’t ibang costumer.
Kyro:
(Uminom ng kape at sa sarili) Sino kaya siya? At anong klaseng Negative ang
kalaban namin ngayon?
Nakipag-usap naman si Marina sa
mga taong naka-table niya, at tila nakikiramdam din siya kung isa sa mga kausap
niya ang kalaban.
Marina:
(Sa sarili) Sino? Sino kaya sa kanila ang kalaban?
Lalaki:
Hoy may problema ka ba? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo.
Marina:
Ah wala naman! Meron lang akong nalaalala...sige wag mo ng problemahin yun! uminom
ka lang
Habang nag kakasiyahan ang iba,
at abala sa kanilang pag-inom hindi nila alam ang panganib na nag-babadya. Para
sa kanila.
Nilalang:
Kung ganon, nakita ko na ang susunod kong target?
Nag-labas ng isang Injection Tube
ang nilalang, at itinurok niya ito sa kanyang sarili, maya-maya pa ay nag-bago
ang anyo niya na parang isang taong putik, o mas kilala bilang si Mud Face.
Mud Face:
Simulan na natin!
BBBBBBBBAAAAAAAAAAGGGGGGG
AAAAAAHHHHHHHHHHHH
Bigla nitong winasak ang pinto ng
Bar, at inatake nito ang mga taong nasa loob.
Kyro:
Anak ng! Bakit biglaan naman ang naging pag-atake niya?
Marina:
Kyro!
Kyro:
Marina paalisin mo muna ang mga tao dito! Ako na muna ang bahala sa kanya!
Marina:
Naiitindihan ko!
Kaagad tinulungan ni Marina na
maka-labas ang mga tao, samantala hinarap ni Kyro ang Negative na nag-wawala at
sumulpot nalang.
BANG!-BANG!-BANG!
Kyro:
Hoy itigil mo yan!
Binaril ni Kyro ang Negative na
merong hawak na bangkay ng isang tao, at pinapakaain niya ito ng putik hanggang
sa pinapatay.
Mud Face: Ang lakas ng loob mo na gawin sa akin ang bagay nayan!
Kyro: Tumahimik ka nalang!
Gun Driver Female Voice: DNA SCAN Complete!
Kyro:
Gun Changer!!!
Nag-bago ng anyo si Kyro Bilang
si Gunver at nag-simula na ang labanan nila.
_____________________________________________
SLAAASSSSHHH
Isang slash ang ginawa ni Gunver
gamit ang kanyang Gun Dagger, pero hindi ito umepekto dahil sa malambot na
putik na katawan ni Mud Face.
Gunver: Asar! Hindi umeepekto?
Mud Face:
Ano yan lang ba ang kaya mo? Puwes ako naman!
Nag-pakawala ng mga putik sa
kanyang mga braso si Mud Face at sa oras na matamaan ka nito, ay maninigas ka
na parang isang bato.
Pero iniwasan kaagad ito ni Gunver
at gumanti ng kanyang atake na Flying Kick.
BBBBBBBAAAAAAAGGGGGG
Tinamaan ni Gunver ang Negative
at sinunod-sunod na niya ang kanyang pag-opensa, mag-kakaliwa't kanan na suntok
at sipa ang ginawa niya. Pero tila ata lumulubog lang ang kanyang mga atake sa
katawan ng kanyang kalaban.
Gunver: Hindi umeepekto ang lahat nang atake ko sa kanya.
Mud Face:
Nakakasawa na ang ginagawa mo! Alam mo bang malaking abala ang mga pinag-gagawa
mo sa akin! Puwes kailangan mo ng manahimik!
Biglang nahumla na parang isang
malaking kamao ang kamay ni Mud Face, at kaagad niya itong isinalubong sa
Detctive.
BBBBBBBBAAAAAAAAAAAGGGGGG
Gunver: AAAAAAHHHHHHHHH.
Sa lakas at laki ng kamao ni Mud
Face, tumalsik si Gunver sa isang naka-paradang sasakyan at halos nawasak ito.
Nabalutan naman ng putik ang buong armor ng detective. At tila napapansin narin
ni Gunver ang unti-unting pag-tigas ng mga ito sa kanyang katawan.
Gunver: Hindi!
Ang armor ko tumitigas dahil sa mga putik!
Hindi maka-galaw si Gunver dahil
sa naka dikit sa kanya, at unting-unti namang lumalapit si Mud face para
tapusin na ang kanyang kalaban.
Mud Face:
Abala ka sa obrang ginagawa ko! Humanda ka ngayun sa katapusan mo----
BANG!-BANG!-BANG!
Tatlong sunod na putok ng baril
ang tumama kay Mud Face at ang may kagagawan nito ay si Zhapyra
Zhapyra: Ikaw!
Itigil mo na yan!
Gunver: Marina!
Mag-ingat ka masyadong malakas ang isang yan!
Mud Face:
Nag-pakita ka narin sa wakas!
Zhapyra: Tumahimik
ka! Arestado ka ngayon!
Inilagay ni Zhapyra sa kanyang Leg
armor ang dalawang Zhapy Driver at inatake niya ang kanyang kalaban, gamit ang
husay sa aikido, pero kagaya nang naunan hindi tumalab sa kanya ang atake na ginawa
niya, bagkos sinipa siya ng Negative papalayo.
Zhapyra: Errrrr....ang
lakas nga niya!
Lumapit si Mud Face kay zhpayra para kunin ito, ngunit tila nakaramdam siya nang pag-kahina.
Mud Face: Mukang naubusan na ako nang lakas, sa susunod makukuha na kita!
Mud Face: Mukang naubusan na ako nang lakas, sa susunod makukuha na kita!
Biglang nabalutan ng mga
kakaibang putik si Mud Face, at hanggang sa mawala na ito ng tuluyan sa harap
nila Gunver at Zhapyra.
Tumayo naman si Gunver sa kanyang
kinabagsakan at bumalik sa pagiging Kyro, at tinagpo si Zhapyra na bumalik sa
pagiging marina.
Kyro:
Nakatakas siya!?
Marina:
Sa tingin ko meron siyang target sa Bar nayun, pero hindi ko alam kung sino.
Dahil biglaan ang mga nang-yari.
Kyro:
Ang mabuti pa bumalik na tayo sa Bar, baka nadoon na ang ibang Investigation
Unit para tingnan ang nang-yari.
Marina:
Mabuti pa nga.
____________________________________________________________________________
Bumalik sila Marina sa
pinang-yarihan ng pag-atake at inabutan nila ang ilang mga Detective at Pulis
na nag-sasagawa ng kanilang mga imbestigation.
Kyro:
Sir Jacinto!
Chief Jacinto: Kayo pala? Ano ba ang nang-yari dito? Bakit
tila ata binagyo ang lugar na ito.
Kyro:
Biglaan ang nangyari sir! Hindi namin inaasahan na biglang susulpot ang
Negative na yun.
Chief Jacinto: Negative? Ano naman ang ibig-sabihin niyo
dito.
Marina:
Yun po ay isang klase ng nilalang na may mga kakaibang katanginaan, katangian
na wala ang isang normal na tao. Sa makatuwid isa silang mga halimaw. Hindi
lang namin na mawari kung bakit deretso siyang umatake dito.
Chief Jacinto: Kung ganon hindi nga isang tao ang may gawa
nito----
Kahit na hindi isang tao ang may
gawa nito! Dapat hindi niyo hinayaan mag-kaganito dito.
Biglang nag-salita si Insp. Ryan
habang nag-uusap sila Kyro at Chief Jacinto.
Chief Jacinto: Flores anong sinasabi mo?
Insp. Ryan:
Mga taga GINGA nga naman! Halos umaasa kayo sa mga teknolohiya niyo para
mapadali ang imbestigasyon! Nang dahil sa pag-dating niyo dito, ngayun naging
agresibo na ang kriminal nayun! At sigurado ako na hindi siya titigil hanggang
hindi nila kayo napapabagsak! Sir hindi naman natin sila kailangan dito, ano
pang silbi nila!?
Kaagad umalis si Insp. Ryan ng padabog at
binanga nito si Kyro.
Chief Jacinto: Flores umayos ka! At saan ka pupunta?!
Insp. James: Tol saan ka pupunta! Hoy hintayin mo ako!
Sir pasensiya na ako na muna ang bahala sa kanya.
Chief Jacinto: Pasensiya ka na sa inasal ng Tauhan ko...Detective
Anjelo.
Kyro:
Sir ano po ba ang problema noon? tila ata banas na banas siya sa amin noong
dumating kami dito? Meron po bang nang-yari sa kanya?
Chief Jacinto: Siguro kailangan niyo rin malaman ang bagay
na ito tungkol kay Flores.
___________________________________________________________________
Samantala sa may dalampasigan nag-lakad lakad si Ryan para makapag-isip isip, at ilang sandali pa ay tumigil siya sa may tabi para tingnan ang buwan.
Chief Jacinto: Alam niyo kasi...ikakasal na dapat si Flores
nitong nakaraang anim na buwan. Pero sa hindi inaasahan, namatay ang kanyang
nobya dahil sa kagagawan ng sinasabi niyong Negative. Tulad ng mga nakaraang
biktima, halos puno ng putik ang kanyang buong katawan ng inotopsiya naming siya.
Hindi siya makapanilawa na wala na ang kanyang babaeng minamahal ng higit
sampung taon.
Ryan:
Pangako ka sayo Kathy, huhulihin ko ang taong may kagagawan nito sayo!
Isinusumpa ko yan bilang isang alagad ng batas!
________________________________________________________________
Kyro:
Kung ganon pinatay ng negative ang kasintahan ni insp.flores?
Chief Jacinto: Oo tama ka! At kahit na paka delikado ng
kasong ito. Pilit parin niyang nilulutas ma-bigyan lamang ng katarungan ang
kanyang minamahal.
Tila napapaisip si kyro sa isang bagay.
_________________________________________________________________
Kinabukasan sa Gun trailer,
inalam ni Kyro ang naging buhay ni Ryan at ang naging nobya niya.
Kyro:
Kung ganon ito ang kanyang Nobya, si Katherine Miles. Marcelo. Isang manager ng isang sikat na
hotel and resort dito sa subic. Nag-tapos siya ng Sumacumlaude sa
Mataas na unibersidad sa maynila. Noon palang nobya na niya si Flores. Teka
anong ginagawa ni Aguilar
dito?
Marina:
(Uminom ng kape) Mukang abala ka diyan ah? May suspect ka na ba?
Kyro:
Ang totoo medyo naguguluhan ako dito? Sampung taon na naging mag-kasintahan
sila Flores at ang nobya niyang si Marcelo, pero anong kinalaman ni Augilar
dito? Wala namang nag-sasabi na naging parte siya ng naging relasyon ng dalawa,
at hindi rin sila naging mag-kaibigan noong sampung taon na ang nakakaraan.
Marina:
Ang mabuti pa simulan ko narin ang pag-iimbestiga, kung sa tingin mong may
hinala ka kay Aguilar isama mo siya sa mga suspect, pupuntahan ko ang Resort na
pinag-trabahuhan ni Marcelo noon, ikaw naman kausapin mo at hingan ng statement
ang mga GRO na nasa bar na yun kagabi.
Kyro:
Sige naiintindihan ko.
Kaagad kumilos sila Kyro at
Marina para gawin ang kanilang pag-iimbestiga.
_______________________________________________________________________
Sakay ng kanyang Gun Cycle
nag-tungo muli si Kyro sa lugar na pinang-yarihan ng pag-atake.
At sakay naman ng Gun Racer
pinuntahan ni Marina ang Resort kung saan sinasabing doon nag-tratrabaho ang
Nobya ni Flores na si Katherine Marcelo.
Marina:
So dito pala yun...ang white rock beach resort.
Papasok palang si Marina sa loob
ng Resort ng biglang.
BBBBBBBAAAAAAGGGG
Isang malaking bato ang muntik ng
tumama sa kanya, at sa kabutihang palad mabilis itong naka-iwas at tinamaan ang
isang sasakyan. Nag-takbuhan naman ang mga tao dahil sa pag-sulpot ng isang nilalang
at ito ay si Mud Face.
Mud Face:
Nag kita muli tayo!
Marina:
Ikaw nanaman? Sabihin mo! Ikaw ba ang may kagagawan sa pagkamatay ng Nobya ni
Inspector Ryan Flores? Mag salita ka!
Mud Face:
Tingnan mo nga naman! Hahahahaha hindi ko akalain na malalaman ng GINGA ang
tungkol doon. Kaya kailangan na talaga kayong mawala bago pa lumantad ang buong katotohanan!
Marina:
Hindi kita mapapatawad sa mga ginagawa mo!
Inilabas ni Marina ang kanyang Zhapy Driver.
Zhapy Driver Female voice: DNA Scan Complete.
Marina:
Zhapyra CHANGE!
Nag bago ng anyo si Marina at
naging si Zhapyra, at dito nag-simula ng makipag laban si Zhapyra sa Negative gamit
ang kanyang husay sa aikido.
Zhapyra: Kailangan
malaman ito ni Kyro!
________________________________________________________________________________
Samantala nag-tanong tanong si
Kyro sa mga taong nasa bar, ngunit sarado ang mga bibig nila sa mga nang-yayari
at ayaw nilang makielam.
Kyro:
Pambihira! Bakit ba ayaw makipag-tulungan ng mga ito?
Ilang sandali pa ay tumunog ang
communication device ni Kyro at si Marina ang nasa kabilang linya.
BLEEP!-BLEEP!
Kyro:
Si Marina? Marina anong problema?
Zhapyra: (Sa
kabilang linya) Kyro! Mag madali ka kailangan ko ng tulong mo! Ang Negative
narito siya!
Kyro:
Ano! Sige papunta na ako diyan!
Sasakay palang si Kyro sa kanyang
Gun Cycle ng biglang!
BBBBBBBBAAAAAAAAMMMMM
Biglang may-umatake sa kanya at
ang may kagagawan nito ay isang Negative din.
Kyro:
Teka ano naman ang isang ito? Isang taong putik din!
Inatake muli si Kyro ng isang
Negative na kagaya ni Mud Face, pero naka-ilag muli ang detective, at sabay
kinuha ang kanyang Gun Driver at nag bago ng anyo.
Kyro:
Wala akong panahon para makipag-laro sa inyo!
GUN DRIVER FEMALE VOICE: DNA SCAN COMPLETE!
Kyro:
Gun Changer!!!
Nag bago ng anyo si Kyro Bilang
Gunver, at sinugod niya ang kanyang kalaban.
Gunver: Humanda
kayo!
___________________________________________________________________
BBBBBAAAAAAAAGGGGG
Isang malakas na sipa ang
natangap ni Zhapyra mula sa kanyang kalabang negative, at dahil doon bumalik
siya sa dati niyang anyo bilang Marina at nabitawan pa niya ang kanyang driver.
Marina:
(Namimilipit sa sakit) Errr...Kyro....(pilit na inaabot ang Driver)
Mud Face:
Hahahahaha ngayun mapapabilang ka na sa mga biktima ko! Humanda ka sa mga
parusa na ibibigay ko sa iyo!
Marina:
Hindi!
Ano na kaya ang mang-yayari kay
Marina na ngayon ay nasa gitna siya ng matinding panganib?
May magagawa pa kaya
si Kyro para tulungan ang kanyang partner? Samantalang abala siya sa
pakikipag-laban sa mga Negative na sumulpot nalamang?
Case Continued.....
No comments:
Post a Comment