All the
characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination
of author, and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention
Isang matagumpay na kaso nanaman
ang na resolba nila Kyro, pero sa hindi inaasahan ang negative na si Mud Face
nasa ay huhulihin nila Kyro ay bigla nalang sumabog, sino kaya ang nilalang na
may kagagawan nito?
Samantala Isang nilalang ang nakatayo
sa isang burol at tila tinatanaw ang papaalis na sila Kyro...habang may
hawak-hawak ito na isang patalim na tila nilalaro pa niya
Nilalang:
Haaaayyyyyy... siguro ito na ang oras para sumali ako sa laro niyo, mga special
detective
Sino kaya ang nilalang na ito? At
ano ang pakay niya
GINGA isang
organizationg binubuo ng mga dalubhasa at mga kakaibang antas ng kapulisan.Sila
ang nag papanatili at kaayusan ng sangkatauhan...at kung saan may nag babadyang
panganid dumarating sila para ilagtas ang walang laban at sila ang tinatawag na
mga Special Police
Case 19: Ang lalaking Nabubuhay sa Patalim
GINGA Cafe
Gumagawa ng Report si Kyro
tungkol sa kanilang nakaraang kaso habang umiinom ng Mainit na tsokolate at
kumakain ng brownies
Kyro:
(Uminom ng tsokolate) Buwiset makakahuli na sana tayo ng isang negative nawala
pa...sino kaya ang may kagagawan nito? Sa tingin mo marina
Marina:
Hindi ko sigurado, pero sa tingin ko si Levation. Total sila naman ang may
pakana ng mga ito, pero ang pinag-tataka ko lang bakit ata hindi sila nakielam
noong nakaraang kaso na hinawakan natin?
Kyro:
Nakakapag-taka nga rin eh
Habang nag-papatuloy sa kanilang
ginagawa, bigla naman pumasok si Mei para ipaalam ang isang bagay
Mei: Oh nadiyan
pala kayo!
Kyro:
Ate Mei Anong problema?
Mei: Wala naman,
gusto ko lang kayong sabihan na meron kayong mahalagang Convention na
pupuntahan
Marina:
Convention?
Mei: Oo merong
gaganaping isang Convention Expo sa Philippine arena bukas, tungkol ito sa mga
makabagong Artificial Heart na naimbento ni Dr. Ferdinand Hamilton.
Kyro:
Teka naririnig ko ang tungkol sa pangalan niya, siya ang tao sa likod ng mga
makabagong teknolohiya para sa mga makabagong medicina, tulad ng mga artificial
Hands at mga kung ano-ano pa.
Mei: Tama ka,
kailangan niyong mag-punta doon bukas para siguraduhin ang kaligtasan ng expo
na iyun
Kyro:Kung
ganon panibagong trabaho nanaman…sige tatangapin natin ito
______________________________________________________________________
Kinabukasan
Sa philippine Arena, dinagsa ng
napakaraming tao ang nasabing lugar, kung saan isasapubliko ang kauna-unahang
human artificial Heart na inimbento ng batikang na imbentor at doctor na si Dr. Ferdinand Hamilton
Kyro:
Grabe ang daming tao ngayon dito? At tingnan mo ang mga tao, mukang bigatin at
mga formal ang mga kasuotan...sana pala sinuot ko rin yung americana ko
Marina:
Tumigil ka nga! Hindi tayo nag-punta dito para makihaubilo sa kanila. Narito
tayo for security measure
Habang nag aabang ang dalawa sa
kanilang gagawin, hindi sinasadya na maka bungo ni Kyro ang isang lalaki, at
ang lalaking ito ay si
Kyro:
Aray! Ano ba---Clyde?!
Clyde:
Tumabi ka nga diyan!
Si Clyde ang lalaking naka banga
ni Kyro, at tila kasama din siya sa security measure na gagawin
Kyro:
Teka ano naman ang ginagawa mo dito? Wag mong sabihin na gusto mo ng laban!
Clyde:
Tumigil ka! Hindi ako nag-punta dito para makipag-laban, nag punta ako dito
para sa isang misyon
Marina:
Misyon at ano naman yun?
Clyde:
Kailangan kong protektahan ang Human Artificial Heart, yun ang pinag uutos sa
akin ni General! Pero kung makikielam kayo sa mga gagawin ko, pasensiyahan tayo
Kyro:
Heh! Wag mo nga kaming takutin diyan. Wala akong pakielam sa misyon mo. Basta
gagawin namin kung ano ang sa tingin namin ay nararapat tapos!
Ilang sandali pa ay lumabas na
ang Emcee para i-introduce ang Doctor na siyang naka-imbento ng pambihirang
bagay
Emcee:
Ladies and Gentlemen, may i know introduce to you, the man behind for this amazing
invention, Dr. Ferdinand Hamilton!
Palak-pakan ang mga tao sa
pag-labas ng nasabing Dotor
CLAP!-CLAP!-CLAP!
Dr.Hamilton: Thank you Ms. Emcee...Ok shall we proceed
for this event?
____________________________________________________________________
Samantala sa labas ng Arena. isang
lalaking naka-suot ng Hoody jacket ang
tila may binabalak na gawin. At meron siyang hawak na isang patalim na
nilalaro-laro pa niya sa kanyang kamay
Nilalang:
Hahaha kung ganon ito pala ang target ko, ang makuha ang Human Artificial
Heart, kailangan ba talaga niya ng bagay na ito? Ano pa ang silbi niya bilang
isang imbentor, kung hindi niya magawa ang bagay na katulad nito? Sakit talaga
sa ulo
Maya-maya pa ay lumundag ang
lalaki sa kanyang kinatatayuan at nag-tungo na ito sa lugar para isagawa ang
kanyang balak
______________________________________________________________________
Ipinakita ng batikang doctor at
imbentor ang kanyang nakakamanghang nagawa, para sa larangan ng medisina at sa
pag-liligtas ng tao
Dr.Hamilton: Our lives are very short only, we can not
say how long it, there are may various disease which causes the death of a
person. especially the most important to us ... our hearts...it took me a year
to perfect a such thing, to give us new hope, and new smile...Ladies and
Gentlemen may i now present to you! Invention 0.2 the Human Artificial Heart!
CLAP!-CLAP!
Ipinakita ng doctor ang isang
cybernetic na puso kung saan ang isang tao ay kaya supportahan ang buhay ng
isang tao, hanggang kaya pa niya
Mangha naman sila Kyro sa
kanilang nakita
Kyro:
Ang galing, kung ganon iyan ang siyang mag-bibigay sa iyo ng bagong pag-asa
para mabuhay ng maayos. Teka kung halimbawa na mag-kasakit ako sa puso at
naisipan kong mag papalit niyan mag-kano kaya?
Marina:
Ayon dito sa source na nakuha ko...mahigit 100 million pesos kung dito sa atin.
Yang kabuoang presyo na naka-lagay kung mag papapalit ka ng ganyang klaseng uri
ng puso, mas mahal kesa sa normal na human heart transplant
Tila nalula naman si Kyro sa
mahal ng presiyo ng naturang artificial heart
Kyro:
Ang mahal naman! Siguro kahit sumahod pa ako ng doble hindi ko magagawang
mag-pakabit niyan
Marina:
Hay nako....kung ayaw mong gumastos ng ganon, alagaan mo nalang ang sarili mo
para hindi ka mag-kasakit
___________________________________________________
Ngunit walang-kaalam,alam sila
marina at kyro na merong panganib na parating
Pinatumba ng Nilalang ang lahat
ng mga bantay na nasa loob
Nilalang:
Ngayon tapos na ang kalat, oras na para simulan ang palabas
Inilabas ng Nilalang ang kanyang
mga patalim,at tila handa na itong isagawa ang kanyang plano
___________________________________________________
Nag-patuloy lang ang Doctor sa kanyang
pag-tatalumpati, pero ilang sandali lang ay
BBBBBBOOOOOOMMMMSSSS
Biglang sumabog ang harapan ng
Stage at nabalutan ito ng usok, dahil sa nang yari nag-kagulo ang mga tao
AAAAAAAHHHHHHHH
Clyde:
May kalaban!
Samantala sa gitna ng usok
Nilalang:
Hahahaha nakuha ko na ang pakay ko!
Dr. Hamilton: Teka sandali! Anong binabalak mo!
BBBBBAAAAAAGGGG
AAAAHHHHH
Isang malakas na sipa mula sa
mukha ang natangap ng Doctor mula sa nilalang, at kagaad nitong ikinahimatay
Nilalang:
Hahahaha patawarin mo nalang ako tanda! Mas kailangan ito ng kliyente ko!
Kaagad tumalon ang nilalang sa
stage at nag-balak na itong tumakas
Kyro:
Ayun siya! Marina ikaw na muna ang bahala dito, hahabulin ko lang yun sino ang
taong may gawa nito!
Marina:
Naiintindihan ko
Tumakbo si Kyro para habulin ang
salarin sa nangyari, at ganon din si Clyde sinundan niya si Kyro para habulin
din ang salarin
______________________________________________________________
Nakarating sa labas ng arena ang
pag-hahabulan nila Kyro at ng salarin
Kyro:
(Tumatakbo) Hoy tumigil ka!!
Nilalang:
(Tumatakbo) Ang kukulit niyo rin!
Nag labas ng kanyang mga patalim
ang nilalang at ibinato ito kay Kyro,
ZAAAAPP
ZAAAAPP
ZAAAAPP
Pero mabilis itong iniwasan ng
detective at muntik pa siyang tamaan
Kyro:
Nyyyyaaaaa! Muntik na ako doon ah! Hoy tumigil ka!
Inilabas ni Kyro ang isa sa mga
gadget niya at ito ang grappling Hooked Wrist na naka kabit sa kanyang mga
kamay, at kaagad ipinutok niya ito at pinatamaan ang paa ng kalaban para hindi
na ito makawala
Natumba ang salarin, at akma
siyang susungaban ni Kyro, pero
Nilalang:
Wag mo akong minamaliit!
Pinutol ng Lalaki ang taling
naka-pulupot sa kanya, at muling tumayo para tumakas, pero hindi na niya nagawa
pang tumakbo dahil nasa harap na pala niya si Clyde
Clyde:
Hanggang diyan ka nalang!
Kyro:
Magaling Clyde nasukol na natin siya!
Clyde:
Tumigil ka! Ako lang ang huhuli sa kanya...umalis kana kung ayaw mong masaktan!
Nilalang:
Aba mukang hindi kayo mag-kasundo ah....sige tingnan natin ang mga galing niyo!
Kyro:
Heto na ako! Humanda ka!
Umatake si Kyro gamit ang husay
niya sa Mix Martial Arts mag kakabilang sipa at suntok ang pinakawalan niya.
Pero hindi tumama ang kahit na isa sa mga ito
Nilalang:
Ano ba ang pinag-gagawa mo?
Kyro:
Tumahimik ka!
Isang side sweep na sipa ang
ginawa ni Kyro, pero lumundag ang nilalang at sinipa niya ang
detective ng
malakas
BBBBAAAAAAAGGGGG
Kyro:
AAAAAHHHHHH
Clyde:
Wala ka talagang kuwenta kahit na kailan! Ako harapin mo!
Si Clyde naman ang umatake sa
pag-kakataong ito. Gamit ang husay sa Taekwondo, sunod-sunod na sipa ang ginawa
niya. At meron ding combination ng sutok, pero kagaya ni Kyro hindi rin
umepekto ang mga kilos niya
Nilalang:
Isa karin! Tangapin mo ito!
Isang super kick ang ibinigay ng
nilalang kay Clyde, at tumalsik ito sa isang pader
BBBBBBAAAAAAAGGGGGG
Clyde:
AAAHHHHHH
Nilalang:
Haaaayyyy...sinasayang niyo lang oras ko, marami pa akong kailangan gawin
ihahatid ko pa ito sa kliyente ko, wala akong panahon sa mga kagaya niyo
Kyro:
(Lubhang nasaktan) Sandali...arrrrggghhh
Tuluyang umalis ang salarin dala
ang artificial Heart, at iniwang balisa sila Kyro at Clyde
_____________________________________________________________
Samantala bumalik sila Kyro sa
Convention arena, ngunit wala silang dala na kahit ano, dahil sa nakatakas ang
salarin sa pag-kuha ng Artificial Heart
Marina:
Kyro? Anong nangyari?
Kyro:
Pasensiya na...nakatakas ang suspect
Tumayo naman ang Doctor na si
Ferdinand Hamilton,
Dr. Hamilton: Kayo ba ang mga Detective na nag-mula sa
GINGA?
Kyro: Kami nga
po ako si Detective Kyro Anjelo, at siya naman po si Agent Marina Asol.
Patawarin niyo kami kung nanakaw ang pinaka-iingatan niyong imbensiyon.
Lumapit ang Doctor kay Kyro at
tinapik nito ang braso nito
Kyro:
Dr. Hamilton?
Dr.Hamilton: Hindi importante ang bagay na iyun sa akin,
kaya ko pang gumawa ng maraming ganon kung gugustuhin ko, pero ang hindi ko
lang mapapalampas ay ang gamitin nila sa kasamaan ang nilikha ko, ginawa ko
iyon para sa ikakabuti ng nakakarami. Kaya makikiusap narin ako sa inyo mga
bata. Hulihin niyo ang taong gumawa nito! Mag babayad ako kahit na mag-kano
basta mahuli niyo lang siya
Isang offer ang inaalok ng
batikan doctor kila kyro para sa ikahuhuli ng nilalang na nag-nakaw ng
artificial heart
_________________________________________________________________
Sa isang lihim na lugar, dinala
ng nilalang ang Artificial Human Heart sa kanyang sinasabing kliyente
Nag salita ang isang nilalang
Nilalang:
Knives! Kunin mo paunang bayad ko,
Iniabot ng nilalang ang isang attaché
case na nag-lalaman ng pera. At kinuha niya ang isang lapad nito at binilang
Knives:
Sampung milyon, walang labis walang kulang....ano pa ang ipapagawa mo sa akin
Dr.Brack? Bilisan mo hanggang tumatakbo ang contrata natin dalawa
Ang lalaking nag-nakaw ng Human
Artificial Heart ay tinatawag sa pangalang Knive, at ang nilalang na tinawag
naman nito sa pangalang Brack ay isang Ex Military Scientist na lumilikha ng
mga kakaibang mga Combat Suit at weaponry
Dr.Brack:
(Tumingin sa isang bagay na kasabit) Medyo kinukulang ang pondo ko ngayon sa
mga reasearch ko, mukang kinakailangan ko ng konting halaga bago kita tuluyan
na pakawalan, Free Lancer Knives.
Knives:
Mukang alam ko na ang gusto mong mang yari...sige pasok ako diyan sa balak mo
___________________________________________________________
Bumalik sa GINGA Cafe sila Marina
at Kyro
Pinag-aralan ni Kyro ang mga
galaw, at taktika pati narin ang katauhan ng nilalang na kanilang naka sagupa
Kyro:
Base sa sipang ginawa niya, parang galing sa pro-wrestling. asar sino ba talaga
ang mokong na ito, kung hindi lang nababalutan ng hood ang mukha niya siguro
alam ko na kung sino siya
Marina:
Teka ang pinag-tataka ko lang...saan niya gagamitin yung artificial Heart?
Anong balak niyang gawin doon
Tila may na-alala si Kyro na
isang bagay
Kyro:
Teka! May nabangit siya sa akin na isang bagay
Marina:
At ano naman yun?
Kyro:
Sinabi niya sa akin kanina na, kailangan pa niyang ihatid ang bagay na kinuha
niya sa kanyang kliyente, hindi kaya ibig sabihin noon meron humahawak sa
kanyang isang tao? Anong sa tingin mo
Marina:
Possible yun, kailangan malaman natin kung ano ang huling hakbang na gagawin
niya, at kung sino ba talaga ang taong yan
Ngunit ilang sandali lamang ay
may pumasok kaagad na isang alarm sa kanilang Base
Kyro:
Teka ano nanaman ang nang-yayari? Ate Mei! Negative nanaman ba ito?
Mei: Hindi!
Hindi isang negative ang nasagap ng ating radar, merong isang bank robbery ang
kasalukuyang nagaganap ngayon sa lunsod ng QC. Kailangan niyo ng mag-madali
para tulungan ang mga tauhan ng PNP at ng GINGA!
Kyro/Marina:
Roger!
___________________________________________________
Fairview Quezon City
BRATATATATATATATA
BBBBBOOOOOOOOOMMS
Isang bank robbery ang
nang-yayari ngayon sa lugar, naroon ang PNP at ilang tauhan ng GINGA para
pigilan ang mga nang-loloob sa nasabing bangko
GINGA POLICE: Ano bang klaseng nilalang ang mga ito, mga
cyborg ba sila? Parang hindi sila pang-karaniwan!
Ilang sandali pa isang Drone ang
nag-pakawala ng kanyang Missile at tumama ito sa isang patrol car at sumabog
BBBBOOOMMMSSSS
Tumalsik ang mga kapulisan dahil
sa malakas na pag-sabog, at maya-maya pa ay isang Drone ang lumapit sa isang
sugatan na pulis at tinutukan ito ng kanyang baril
Akmang ipuputok na sana ng Drone
ang kanyang baril sa kawawang pulis pero ilang sandali lang ay
BBBRRRRRUUUUUUMMM
Isang motorsiklo ang lumundag
mula sa kawalan at binanga nito ang Drone
BBBBBAAAAAAGGGGGG
Si Kyro ito sakay ng kanyang Gun
Cycle, at sa likuran naman kasunod ang Gun Racer sakay si Marina
Kaagad tinulungan ni Kyro ang
Pulis na natumba, at tinanong niya kung ano ang sitwasyon
Kyro:
Ayos ka lang ba? Ano ang sitwasyon?
GINGA POLICE: Detective Anjelo buti naman dumating ka,
isang groupo ng mga Drone ang pumasok sa loob ng bangkong yan, ewan ba kung ano
ang isang yun sa kanila, pero napakalaki noong isang Drone na sumira sa pinto
ng Vault ng Banko.
Kyro:
Mukang hindi ordinaryong kriminal ang mga ito, paano ba iyan marina gawin na
natin?
Marina:
Sige para bawas narin sa sakit ng ulo,
Inilabas ng dalawa ang kanilang
mga Driver
Gun Driver Female Voice: DNA Scan Complete!
Zhapyra Driver Female Voice: DNA
Scan Complete!
GUN CHANGER!
ZHAPYRA CHANGE!
ZHAPYRA CHANGE!
Sabay nag-bago ng anyo ang dalawa
Gunver: Ayos!
Ipaubaya niyo na ito sa amin! Tayo na!
Akmang papasukin sana ng Dalawang
Detective ang loob ng bangko, pero mabilis silang hinarang ng mga Drone
At nag pakawala ito ng mga
missile sa kanila
Zoom!
Zoom!
Zoom!
BBOOMMS
BBOOMMS
BBOOMMS
Pero inawasan ito ng dalawa at
lumundag saka sinipa ang dalawang drone, at sabay bunot ng
kanilang mga Driver
at pinag-babaril ang mga ito
BANG!-BANG!-BANG!
Gunver: Bullet
Change! Rapid!
Gun Driver Female Voice: Bullet Change affirmative
Sabay-sabay pinag babarin ni
Gunver ang mga kalaban gamit ang kanyang Rapid Bullet
BRATATATATATATATATATATA
At pinag-patuloy parin ng
Detective ang pakikipag-laban
___________________________________________________________________________
Samantala ginamit naman ni
Zhapyra ang husay niya sa Aikido, mabibilis na suntok at sipa ang ginawa niya.
Para pabagsakin ang mga drone, at pag katapos nito ay ginamit na niya ang
kanyang Driver
Zhapyra: Gawin
na natin ito!
Mula sa kanyang Side Pocket ng
armor kinuha ni Zhapyra ang isang SD Memory at pinagsama
niya ang kanyang
dalawang Driver para lumabas ang Trial Driver
Trial Driver Female Voice: SD Memory In Change Bullet! Freezing Blast
BLAST!-BLAST!-BLAST!
Tumira ng mga nag-yeyelong bala
si Zhapyra at dito niya tinalo ang mga kalabang Drone
Ilang sandali pa tumagpo muli si
Gunver sa kanyang partner
Gunver: Marina! Yan
na ba ang huli sa kanila?
Zhapyra: Sa tingin ko, pero hindi pa ito tapos,
bilisan na natin pasukin na natin ang loob ng bangko!
Gunver: Oo!
Akmang
nag-tangka muling pasukin ng dalawang detective ang loob ng bangko ng biglang
ZZZZAAAAPPPP
Gunver: Teka ano ito?
Merong
dalawang kutsilyo ang tumama sa lupa, at ilang sandali lang ay bigla itong
sumabog sa kanilang harapan
BBBBBBBOOOOOOMMMMMSSSS
AAAHHHHHHHH
Tumalsik
ang dalawang detective sa pag-sabog na nang-yari
Gunver: Teka sino ang may kagagawan noon?
*HAHAHAHAHAHAHA
hindi ko akalain na pati dito makikielam kayo mga Special Detective ng GINGA!*
Zhapyra: Ikaw?
Gunver: Hayop ka! Kung ganon kasagwat karin pala dito
sa nang-yayaring nakawan! Sabihin mo sino ka bang talaga!
Nag
salita muli si Knives at pinakilala niya ang kanyang sarili
Knives: Hayaan niyo
akong mag-pakilala sa inyo, ako Si Knives isang free lancer Criminal! At
naparito ako para pabagsakin kayong mga Special Detective!
Inilabas
ni Knives ang isang Bracer at pinindot niya ito, saka nabalutan ng kakaibang
uri ng baluti
Gunver: Nag bago siya ng anyo!
Pag-katapos
mag-bago ng anyo, inilabas ni Knives ang kanyang dalawang sandata na Laser Knife.
Knives: Simulan na
natin ang palabas!
Umatake
ito ng buong tapang at hinarap ang dalawang Special Detective, ngunit
nakipag-sabayan din ang dalawa
Gunver: Hindi kami mag papatalo sa iyo! Tayo na
marina!
Zhapyra: Oo!
Sino
kaya ang Lalaking nasa likod ng pagkatao ni Knives? At ano ang motibo niya para
pabag-sakin ang GINGA? Magawa kaya nilang malaman nila Kyro ang dahilan ng
kanyang pagsulpot?
Case
Continued....
No comments:
Post a Comment