All the characters in this series
have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no
relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention
Isang bagong
kapangyarihan ang ginamit ni Gunver sa nakaraan laban, upang pigilan ang mga
binabalak ni Dr. Brack gamit ang kanyang mga makapaminsalang sandata
Ngunit sa
kabila ng tagumpay nila Kyro sa kanilang laban, isang sikreto muli ang
nabunyag, ang katauhan ni Quinta isa sa mga dranix ay si Dr. Ferdinand Hamilton
na siyang tumutuklas sa kanyang mga makabagong kagamitan sa lanrangan ng
medicina...at ang kriminal na si Knives ay nag-pasiyang mag-trabaho sa kanila
bilang isang masugid na alagad
Dr.Hamilton: Ano pumapayag ka ba na makipag-tulungan sa
akin?
Knives: Dr. Ferdinand Hamilton....Hahahahaha mukang
magiging masaya ito, sige pumapayag ako sa gusto mo
GINGA
isang organizationg binubuo ng mga dalubhasa at mga kakaibang antas ng
kapulisan.Sila ang nag papanatili at kaayusan ng sangkatauhan...at kung saan
may nag babadyang panganid dumarating sila para ilagtas ang walang laban at
sila ang tinatawag na mga Special Police
Case 21: Ang Lihim na pag-katao ni Levaiton
GINGA Cafe
Abala si
Kyro sa kanyang ginagawang report kaugnay ng nang-yaring sagupaan noong
nakaraan sa makati, ngunit habang nag-susulat ay aksidente niyang napindot ang
isang folder at nakita niya ang larawan ni marina kasama ang isang lalaki
Kyro: Teka larawan ito ni marina ah? Sino naman
itong lalaking ito?
Habang
iniisip ni Kyro kung sino ang lalaking kasama ni Marina sa litrato ay siya
namang biglang pumasok si mei
Mei: Kyro!
Kyro: Ate Mei! Anong problema?
Mei: Malaki!
_______________________________________________________
Dranixs
Aquarium
Ipinakilala
ni Dr.Hamilton ang isa sa pinaka bagong miyembro ng samahan nila na si Knives
Tersera: Aba! Aba! Mukang hindi mo ata suot ang armor
na ginawa mo...Dr.Hamilton...hi hi hi
Dr.Hamliton: Hmpp...hindi mo naman kailangan laging
suotin ang baluting yan...saka ang dahilan lang ng pag-gamit nito ay para
ma-protektahan ang ating pag-katao sa iba…ka pag narito ka sa loob, ayos lang
na tangalin mo ito
Tersera: Oo na! Ayaw ko talagang makinig sa mga
sinasabi ng matatanda...pero sige gagayahin kita sa oras na ito
Nag-balik
din sa dati niyang anyo si Tersera bilang si Louise
Louise: Ayan pareho na tayong walang suot na
armor....ang init kaya nito---teka sino naman siya?
Napansin ni
Louies ang kasamang lalaki ni Dr.Hamilton
Dr.Hamilton: Primo mga kasama...nais kong ipakilala sa
inyo ang bago nating kasama, ang taong responsable sa pag-nanakaw ng aking Artificial
Human Heart...si Knives
Tila naman
hindi gusto ni Levaiton ang pag-pasok ni Knives sa kanilang samahan, at
makikita sa kanyang mga tingin na talagang ayaw niya dito
Primo: Isang kriminal? Hahahahahaha Hamilton, hindi
tayo mga kriminal...mga illuminati tayo, tayo ang itinakda ng ating diyos para
pamunuan ang mundo at para baguhin ito,
ano naman ang magagawa ng isang hamak na tao lang? Para sa ating
samahan?
Levaiton: Hmmmp bakit hindi natin subukan ang
kakayahan ng taong yan!---tingnan natin!!!
Tinutukan ni
Levaiton ng kanyang Hand Gun, ngunit laking gulat nila na biglang hinawakan ni
Knives ang braso ni Levaiton at binalit ito, saka tinutukan ng patalim sa
kanyang leeg
AAAAAAAHHHHH
Knives: Kung ako sa iyo hindi ko mamaliitin ang
isang kagaya ko, kahit na isang hamak na tao lang ako sa paningin niyo, kaya
kong sabayan ang mga kagaya niyo, at ito pa ang pa-kakatandaan mo. Kahit na
gaano pa kabilis ng bala mo, wala yang binat-bat sa bilis ko
Primo: Tama na iyan...sapat na ang nakita namin
para payagan kang sumali sa samahang ito, may dahilan nga si Hamilton para
kunin ka niya...Levaiton kumusta ang bagay na pinaasikaso ko sayo?
Levaiton: Ayos na po master primo, nag-padala na ako
ng isang Evolving Species para tugusin lahat ng mga komonista na siyang
humahadalang sa mga balak na gusto niyong mang-yari
Primo: Mabuti naman kung ganon....Levainton at ikaw
Knives gusto kong mag-tulungan kayo sa pag-kakataong ito, alam ko na makikielam
ang mga special police sa gagawin nating pag-tugis sa mga komonista na ito,
gusto kong pigilan niyo sila bago pa lumala ang lahat
Levaiton: Opo
Knives: Hay kasasali ko lang dito...utos kaagad sige
masusunod
tila naman
hindi nagustuhan ni Levaiton ang pag-sama sa kanya ni Knives
____________________________________________________
Sa isang
subdivision sa QC, merong isang krimen ang nang-yari doon at kaagad pinuntahan
ito nila Kyro at Marina para tumulong sa imbestigation
Sakay ng
kanilang Gun Racer, kaagad silang nakarating sa nasabing lugar,pag-kababa
palang sa kanilang sasakyan kaagad
nilang ipinakita ang kanilang badge at saka pumasok sa loob ng crime scene
Tina: Buti naman at narito na kayo?
Kyro: Tina! Anong nang-yari dito? Sino biktima
Tiningnan ni
kyro ang bangkay na merong takip ng tela, ngunit ang mag sumunod na nang-yari
ay ikinagulat na nila
Kyro: Anong!?
Marina: Tao ba ang may kagagawan nito?!
Bumungad sa
kanila ang hating mukha ng isang lalaki, na wala ng mga mata
Tina: Hindi ko alam kung, pero isa lang ang
masasabi ko...isang negative nanaman ang may kagagawan ng ganitong klaseng
krimen
Kyro: Sa tingin ko nga, wala namang ibang may
kayang gumawa ng ganito kung hindi sila lang
Habang
nag-iimbestiga sila Kyro sa loob ng bahay ng nasabing biktima ay bigla namang
may
sumigaw na katagang papa
PAPA!!
Ikinagulat ito
nila Kyro na meron biglang pumasok na babae at humahagul-gol ito sa pag-iyak
Babae: Hu...Hu...Hu...papa sino ang may gawa sa iyo
nito....papa...hu..hu..hu
Kaagad naman
tinapik ni Tina ang dalaga, at kinausap niya ito
Tina: Teka ikaw ba ang anak ng biktima?
Nag-salita
muli ang babae at sinabi niya ang kanyang pangalan
Jessie: Oo ako ang anak ni Rep. Guillermo Dela Paz,
ako si Jessie Dela Paz...hindi ko alam kung anong nang-yari...basta kahapon
lang umalis ako sa buhay na buhay pa siya.... ano ang dahilan kung bakit siya
pinatay ng ganito....nagagalit ako minsan sa kanya dahil sa pinag-pipilitan
parin niya ang pag-tutol sa mga plano ni Senator Delfine
Tila naman
merong na-alala si Tina sa mga sinabi ng dalaga, at nag-pasiya siyang paalisin
na sila kyro at isama ang dalaga
Tina: (Sa sarili) Senator Delfine hindi
kaya...Kyro sa HQ niyo nalang ipag-patuloy ang pag-tatanong sa kanya, kami na
ng team ko ang bahalang mag-imbestiga sa lugar ito...sige na
Kyro: Sige na-iintindihan ko, susubukan kong
makakuha ng lead sa mga taong na kukunin ko sa kanya, saka ko ibibigay sayo ang
information kung sakaling meron
Marina: Ms. Jessie ang mabuti pa sumama ka na muna
sa amin, (Ngumiti) hayaan mo ipinapangako ko na bibigyan ko ng katarungan ang
pag-kamatay ng papa mo
Nagulat
naman si Kyro ng palihim ng makita niyang ngumiti sa unang pag-kakataon ang
kanyang partner, para lang palakasin ang loob ng anak ng biktima
Marina: Tayo na
Kyro: (sa sarili) Tama ba ang nakita ko? Ngumiti
si marina
Tina: Mukang may kinalaman dito ang politika…
____________________________________________________________________
Samantala sa
isang lihim na lugar abala ang isang nilalang sa kanyang kinakain, kinakaing
parte ng tao ang mata at utak na kinuha niya
Ilang
sandali pa dumating naman si Knives at Levaiton
Levaiton: Talagang hindi ka parin nag babago...Bloodsuck
Bloodsuck: Levaiton...hindi ko inaasahan na talagang
gagamitin mo ako sa pag-kakataong ito, matagal-tagal din akong hindi naka-kain
ng parte ng tao, wala talagang lasa sa akin ang mga pagkain na nakasanayan
hindi tulad ngayon dugo at lamang loob ang lagi kong hinahahap
Levaiton: Hay-Hay alam mo naman siguro ang pinag-uutos
sayo ni master primo, kailangan mawala ang mga taong sinabi niya sa iyo...at
isa pa kung merong makikielam sayo gamitim mo ito
Ibinigay ni
Levation ang isang Blue Injection Tube kay Bloodsuck
Bloodsuck: Hmmp! Mukang ito na ang oras ko para
makapag-bago sa mas mataas na anyo? Sige makaka-asa ka
Levaiton: Nasa paligid mo lang kami kung sa kanilang
makielam ang mga taga GINGA
Parang
masama naman ang tingin ni Knives sa mga gagawin ni Levaiton
________________________________________________________________
GINGA HQ
Tinanong
nila Kyro ng ilang mga bagay ang anak ng biktima, tungkol sa ginagawa ng
kanyang ama noong nabubuhay pa siya
Kyro: Ms. Dela Paz kung gusto mong malutas ang
kasong ito, sabihin mo ang nalalaman mo...ayon dito sa intel na nakalap namin,
ang papa mo ay leader ng isang party list group na Leader ng masang pilipino,
na siyang tutol sa sinasabi pag-sasagawa ng isang bagong nuclear facility dito
bansa natin, kamakailan lang nag-sagawa ng protesta ang groupong ito laban sa
utak ng nasabing proyekto, si Senator William Delfine
Marina: So invovle ang politika dito? Pero ang
pinag-tataka ko paano napasama sa hinala
ni ms. tina na isang negative ang gumawa ng krimen?
Kyro: Yun ang kailangan nating malaman, kaya
kailangan rin natin ng testamento ni Ms. Dela Paz
Jessie: Si Papa...ang tanging hanggad lang niya ay
mabigyan ng mabuting kinabukasan ang bansa natin, nakikipaglaban siya para lang
sa ikabubuti ng iba kahit alam niyang pader ang binabanga nila.kung alam ko
lang na aabot sa ganito, sana pinigilan ko na siya noon palang
Kyro: Sa
tingin ko hindi lang si ang ama niya puwedeng maging bikitima
Marina: Maari, dahil malaking involvement dito ang
pulitika, kaya malaking possibilidad na puwede ring biktimahin ang mga
kasamahan niya sa groupp
Kyro: Ms. Dela paz...gusto kong mahingi ang
listahan ng mga kasamahan ng papa mo, maaaring puwede rin silang maging biktima
Jessie: Naiintindihan ko, kung yun lang ang paraan para malutas ang kasong
ito.
Ibinigay ni
Jessie ang listahan ng mga kasamahan ng kanyang ama, dahil hinala ni Kyro na
puwede itong maging biktima
Kyro: Pangako namin sayo, lulutasin namin ang
kasong ito...at pag-babayarin ang may sala
_________________________________________________________________
Sa senado
kung saan papalabas si Senator William Delfine, sinalubong siya ng mga taga
media at tinanong ng ilang mga bagay tungkol sa pag-kamatay ni Rep. Guillermo
Dela Paz
Reporter1: Senator Delfine...konting katanungan lang po,
anong masasabi niyo sa pag-kamatay ni Rep. Guillermo Dela Paz! May kinalaman po
ba ito sa plano ng gobyerno na advance nuclear facility?
Reporter2: Meron pong umuugong na balita na may
kinalaman daw kayo sa pag-patay sa kanya? Ano po ang masasabi niyo doon?
Sen.Delfine: Para sabihin ko sa inyo, wala akong
kinalaman sa pag kamatay ni Guilliermo Dela Paz...totoo nga na salungat siya sa
utos ng gobyerno na mag-tayo ng Nuclear facility dito sa ating bansa, ngunit
para sabihin ko sa inyo. Matalik ko siyang kaibigan...kahit na mag kaiba kami
ng paniniwala...yun lang po maraming salamat
Umalis ang
senador na hindi pa sinasagot ang mga tanog ng iba, at sumakay siya sa kanyang
sasakyan
_________________________________________________________________
Sakay ng
kanilang Gun Racer nag tungo sila Kyro at marina sa isang bahay ng sinasabing
kasamahan ni Rep. Guillermo Dela Paz
Kaagad
huminto ang sasakyan nila Kyro
Kyro: Ayon sa address na ibinigay sa atin ni
Jessie...ito ang bahay ng secretary ng party list na
si Monica carvajal, ang
mabuti pa tingnan natin kung nasa loob siya----
AAAAAAAAHHHHHHH
Papasok
palang sila Kyro sa loob ng bakuran ng bahay ng nasabing secretary ay nakarinig
na sila ng sigaw
Marina: Sa loob ng bahay!!
Kyro: Tayo na!!
______________________________________________________
Sa loob ng
bahay takot na takot ang babaeng si Monica Carvajal dahil sa pinasok siya ng
kakaibang nilalang na halos naka-hubad at merong mapupulang mata at matatalas
na pangil at kuko...at ito ay si Bloodsuck
Monica: Wag! Wag! Lumayo ka sa akin!
Bloodsuck: Hahahahaha oras na para kumain muli!
Akmang
aatakehin sana ni Bloodsuck ang babae ng biglang nawasak ang pinto at pumasok
sila Kyro
BBBBAAAAAAGGGGG
Kyro: Itigil mo yan!
Kaagad
sinalubong ni Kyro ang negative, at nakipag mano-mano ito gamit ang husay niya
sa Mix Martial Arts
Kyro: Marina! Ilabas mo na siya! Ako na ang bahala
dito!
Marina: Oo!
Tayo na po!
Kaagad
tinulungan ni marina na maka-tayo ang babae at umalis na ang mga ito para mag
tungo sa labas
Samantalang
si Kyro naman ay nakipag laban parin sa nilalang
Kyro: Ang panget mo! Marunong ka bang maligo?
Bloodsuck: Tumahimik ka! Uunahin na muna kita bago ko
patayin ang babaeng yun! Raaaaaahhhhh
Nag-buno ang
dalawa hanggang sa ihagis ni Bloodsuck si Kyro sa bintana at nabasag ito
BRAAAACCKKKKK
AAAAAAHHHH
Sabay sampa
naman ang negative sa pinag-basagan ng bintana at inatake niya muli si Kyro
BloodSuck: Humanda ka!
Biglang
lumabas ang matatalas na kuko ng negative at akma niyang papatayin si Kyro,
ngunit mabilis na naka-iwas ang binatang detective, at naka tayo ito saka
inilabas ang kanyang Gun Driver
Kyro: Oras na siguro para bigyan ka ng sabon para
maligo!
GUN
CHANGER!!!
Nag-bago ng
anyo si Kyro bilang si Gunver at sinimulan niyang makipag-laban pa ng sabayan
sa Negative
_________________________________________________________
Samantala
dinala naman ni Marina sa ligtas na lugar ang babaeng mabibiktima sana ng
negative
Marina: Ang mabuti pa dumito na muna
kayo...tutulungan ko lang ang partner ko sa pakikipag-laban----
Akmang aalis
sana si Marina para puntahan si Kyro, ngunit biglang
BANG!-BANG!-BANG!
Sunod-sunod
na putok ng baril ang nag-pahinto sa kanyang daraanan at ito ay kagagawan ni
Levaiton kasama si Knives
Levaiton: Matagal din tayong hindi nag-kita Agent
Asol!
Marina: Levaiton! At ikaw Knives? Anong ibig-sabihin nito?
Knives: Wala naman...natapos na kasi ang kontrata ko
kay Dr. Brack, at ngayong wala na siya...binigyan ako ng Dranixs ng malaking
papel para sa samahan nila para tapusin kayo!
Biglang
nag-labas ng kanyang Dalawang Patalim si Knives at inatake niya si Marina,
ngunit kaagad dumepensa ang babaeng agent at ginamit niya ang husay sa aikido.
At isang malakas na sipa ang ginawa niya para mailayo si Knives saka kinuha ang
kanyang Zhapyra Drive at nag bago ng anyo bilang si Zhapyra
Marina: Zhapyra Change!!
Levation: Oh?!
Biglang
umatake si Levation kay Zhapyra at ginamit din niya ang husay niya sa aikido,
samantala sinabayan din siya ng Knives
At ngayon
nag simula na ang laban sa pagitan nilang tatlo
__________________________________________________________________
BANG!-BANG!-BANG!
Sunod-sunod
na pinag-babaril ni Gunver ang negative na si Bloodsuck gamit ang Pistol Mode
Bloodsuck: Sumosobra ka na! Ngayon ginalit mo ako
makikita mo ang tunay na lakas ko!!
Inilabas ni
Bloodsuck mula sa kanyang likuran ang Blue Injection Tube, at kaagad niya itong
itinurok...hanggang sa mag bago na siya ng anyo bilang si evolving species
Gunver: Nag-bago na siya ng anyo!
Isang anyong
paniki ang tumanbad sa bagong pag-katao ni Bloodsuck, at halos nakakapangilabot
ang itsura nito kung para noong anyong tao palang siya
Bloodsuck: Humanda ka ngayon!
Biglang
bumukad-kad ang pak-pak ni Bloodsuck at inatake niya mula sa ere ang detective
BAAAAAAGGGGG
Isang
mabilis na kalmot ang ginawa niya kay Gunver at napahandusay ito
Gunver: Asar! Buwiset kang paniki ka! Bullet Change
Rapid!
Gun Driver Female Voice: Bullet Change Affirmative!
BRATATATATATATATATA
Walang
humpay na pinaputukan ni Gunver ang lumilipad na negative na si bloodsuck, pero
iniwasan lang niya ito
Bloodsuck: Hahahaha bulag ka ba?
Ngunit ang
hindi alam ng Negative ay kinukuha na ni Gunver ang kanyang Data weakspot para
pabag-sakin siya nito
Gunver: Yan ang akala mo! Bullet Change Blast!
Gun Driver Female Voice: Bullet Change Affirmative
Gunver: Huli ka ngayon! Gun Final Blast!!!!
Pinakawalan
ni Gunver ang kanyang isa sa malakas na atake, hanggang sa tamaan nito ang
pak-pak ng Negative at bumagsak ito
BLLLLLLAAAASSSSSTTTTTTT
BBBAAAAAAAGGGGG
Bloodsuck: Arrrghhhhh...ikaw! pag-babayaran mo ito
hayop ka! Mag-kikita pa tayo
Gunver: Sandali!!
Zhapyra: (Sa kabilang linya) Kyro!!
Kaagad
tumakas si Bloodsuck, akma namang hahabulin pa sana ni Gunver ang negative,
ngunit biglang may pumasok na communication mula kay Marina at humihingi ito ng
tulong
Gunver: Marina?!
Zhapyra: (Sa kabilang linya) Bilisan mo kailangan kita
ngayon dito, si Knives at Levation mag-kasama sila! AHHHHHH----
Gunver: Marina! Asar may araw karin sa akin paniki!
Tumakbo ng
mabilis si Gunver para puntahan ang kanyang partner
___________________________________________________________________________
SLLLLAAAASSSSHHHHHH
Isang slash
sa kanyang body armor ang natangap ni Zhapyra mula kay Knives at dahil doon
halos bumababa na ang enerhiya ng kanyang armor
AAAAAHHHHHHH
Levaiton: Hahahahahaha ito na ang magiging huling
hatungan mo...Agent Asol!!
Tinutukan ni
Levaiton ng kanyang hand gun si Zhapyra sa ulo
Levation: Paalam na!
BAAAANNNNNGGGG!!
Ngunit
biglang dumating si Gunver at pinatamaan niya ang baril na sana ay tatapos sa
kanyang partner
Levaiton: Anong!
Knives: Si Gunver!
Gunver: YYYYAAAAAHHHHHH
Biglang
lumundag si Gunver at ginawa ang isang flying Kick, ngunit mabilis na naka-iwas
ang dalawa,at naki pag-regroup naman si Zhapyra sa kanyang partner
Gunver: Marina ayos ka lang ba?
Zhapyra: Ayos lang ako...medyo nahirapan lang talaga
ako sa kanilang dalawa
Levation: Ang paniking yun, mukang pumalpak nanaman
siya
Knives: Siguro naman magiging patas na ang laban,
simulan na muli natin!!!
Gunver: Heh! Humanda kayo ngayon! Tayo na marina!
Zhapyra: Oo!
Sabay
sumugod ang dalawang Detective kalaban ang dalawang tauhan ng Dranixs, kaharap
ni Gunver si Knives samantalang si Zhapyra naman ay Levation
Matindi ang
palitan ng atake ni Gunver at Knives gamit ang kanilang mga Daggers, isang
slash ang ginawa niya dito ngunit naharang kaagad ito ng kriminal at isang
matinding spining kick ang ginawa niya sa detective
BBBBAAAAAGGGGG
Gunver: Mukang kailangan ko ng seryosohin to!
Inilabas ni
Gunver ang SD Card at inilagay niya ito sa kanyang Gun Driver
Gun Driver Female Voice: SD MEMORY IN! CHANGE FORM SABER
Nag-bago
muli ng anyo si Gunver bilang Saber form, at sinabayan niya si Knives sa galing
sa pag-hawak ng patalim
_______________________________________________________________________
Trail
Blaster!
Pinagsama
naman ni Zhapyra ang kanyang dalawang Driver, at pinag-babaril niya ang cyborg
warrior
BLAST!-BLAST!-BLAST!
Pag-katapos
noon lumundag at umikot ng parang isang drill si Zhapyra at isang sipa ang
ginawa niya kay Levaiton
BBBBAAAAAAAAGGGGG
Ilang
sandali pa tumalsik rin si Knives sa kalapit ni Levaiton, at tumagpo naman si
Gunver Saber sa kanyang partner
AAAAAHHHHHHH
Knives: Nakaka-asar!
Levaiton: Hindi ko inaasahan na mahihirapan tayo sa
kanila
Gunver Saber: Marina tapusin na natin ito!
Zhapyra: Oo!
Inihanda
nila Gunver Saber at Zhapyra ang kanilang mga huling atake, sa kanilang
dalawang kalaban
Gunver Saber: Gun Saber! Light Slash!
Inatake ni
Gunver Saber ang naka-luhod na si Levaiton, at tigalawang slash sa kanyang body
armor ang ginawa ng detective, pag-katapos ay isang malakas na suntok naman ang
pinakawalan niya sa mukha nito na ikinasira ng kanyang maskara
BRAAAAAACCCCCCCCKKKKK
Ngunit tila
nagulat si Zhapyra sa kanyang nakita sa loob ng maskara ni Levaiton
Zhapyra: (Gulat) Ang mukang iyun?!
Akma namang
tatapusin na ni Gunver Saber si Levaiton, ng biglang humarang si Zhapyra at
bumalik sa pagiging marina
Marina: Itigil mo iyan!
Napahinto
naman si Gunver Saber sa kanyang gagawing atake
Gunver Saber: Marina anong ginagawa mo diyan!
Nakakita naman
ng pag-kakataon si Knives para kunin ang kanyang kasama at tumakas
Knives: Pag-kakataon ko na ito!
Isang mabilis
na kilos ang ginawa ni knives at kaagad dinampot ang kasama saka nag-pakawala
ng kanyang somoke bomb
BBBBOOOMMMSS
GunverSaber: Anak ng! ---sandali
Ng humupa
ang usok bumalik si Gunver saber sa pagiging Kyro, at nakita niya ang
unti-unting lumuluha na si Marina sa hindi malamang dahilan
Kyro: Marina?!
______________________________________________________________________
Kinahapunan
dumating ang mga tauhan ng Special Investigation Unit at ang ilang miyembro ng
Elite task force para imbestigahan ang nang-yari sa bahay ng pangalawang
biktima
Sa
kabutihang palad hindi nagawang mapaslang ng negative ang isa sa mga target
Tina: Napalagyan ko na ng security ang ilan sa mga
target ng suspect—good job sa inyong dalawa...kyro may problema ba?
Kyro: Ah wala naman...medyo pagod lang (tiningnan
si Marina sa loob ng Gun Racer) sige mauna na kami sa inyo...hahanapin ko pa
kung saan nag-tatago ang negative na yun nakakasigurado akong aatakehin niya
ang isa sa mga target niya
Tina: Sige…naiintindihan ko
Samanatala
sa loob ng Gun Racer patuloy parin ang pag-luha ni Marina
Marina: (Umiiyak) Hindi ako maaring mag-kamali...Hindi
puwede
Tila merong
naaalala si Marina na isang bagay noong makita niya ang pag-mumuka ni Levaiton
noong masawak ni Gunver ang maskara nito
Marina: Liam
___________________________________________________________________
Dranix
Labaratory
Galit na
galait si Levaiton na nakaharap sa salamin habang tinitingnan ang kanyang
sarili
BBBBBAAAAAAAGGGGG
Levaiton: Pangahas ka Gunver...anong karapatan mo para
sirain ang baluting pinag-kaloob sa
akin, humanda ka...kayo ni Agent Marina
papatayin ko kayong pareho!!
Nasa likuran
naman si Knives at naka-masid kay Levaiton
Knives: (Sa sarili) Mukang maganda ang mga susunod
na mang-yayari
Natuklasan
ni Marina ang pag-katao ng kanyang mortal na kalaban na si Levation, tama kaya
ang hinala niya na siya ang lalaking si Liam? Samantala magawa kaya ni Kyro na
pigilan ang Negative na pumapaslang sa mga Party list representative?
Case Continued....
No comments:
Post a Comment