Saturday, May 16, 2015

Case 20: Knuckle Form








All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention 




Isang nag-ngangalang Knives ang nag-nakaw at ng loob sa isang convention event sa philippine arena

Hinarap nila Kyro at Clyde ang lalaking si Knives, ngunit sa husay ng kanyang pakiki pag-laban ay hindi siya nagawang mahuli ng dalawang pulis

At ngayon nahaharapan naman sila sa isang laban, magawa kaya nila Gunver at Zhapyra na mahuli ang lalaking nag-pasimula ng gulo?

Knives: Simulan na natin ang palabas!

Umatake ito ng buong tapang at hinarap ang dalawang Special Detective, ngunit nakipag-sabayan din ang dalawa

Gunver: Hindi kami mag papatalo sa iyo! Tayo na marina!

Zhapyra: Oo!

GINGA isang organizationg binubuo ng mga dalubhasa at mga kakaibang antas ng kapulisan.Sila ang nag papanatili at kaayusan ng sangkatauhan...at kung saan may nag babadyang panganid dumarating sila para ilagtas ang walang laban at sila ang tinatawag na mga Special Police



Case 20: Knuckle Form  

Gundriver female voice: SD Memory In-Dagger Mode

Sinabayan ni Gunver ang husay ni Knives sa pag-gamit ng patalim,mag-kakasunod na wasi-was ang ginawa ng detective gamit ang kanyang Gun Dagger, ngunit naharangan ito Knives saka gumanti ng malalakas na Slash mula sa kanyang laser Knife 

SLASH!
SLASH!

AAAAAGGGHHHHH

Napaurong si Gunver dahil sa pinsalang natangap niya

Gunver: Asar...bumababa ang armor capability ko dahil sa damage na natangap ko! 

Knives: Yan lang ba ang kaya mo? Detective! Para saan pa kung bakit ka nag-suot ng ganyang klaseng armor...kung hindi mo naman ako kayang talunin----

Natigil ang pag-sasalita ni Knives ng biglang umatake naman si Zhapyra sa kanya, ginamit niya ang husay sa aikido kasabay ng pag-papaputok ng kanyang Driver

BANG!-BANG!

Knives: Ohhhhh....hindi na masama ang pinakita mo

Zhapyra: Tumahimik ka!

Gunver: Marina mag-iingat ka sa kanya!

Nag-patuloy lang si Zhapyra sa kanyang pag-atake, ngunit biglang lumundag pa-itaas si Knive saka inilabas ang kanyang mga patalim

Zhapyra: Anong!

Knives: Tapos ka na!

Pinaulanan ni Knive ng kanyang laser dagger si Zhapyra, at dahil doon hindi na naka porma pa ang babaeng Agent

AAAAAAHHHHHH

Gunver: Marina! Ikaw humanda ka!

Kaagad tumayo si Gunver para harapin muli si Knives, ngunit papasugod palang siya sa kalaban ng biglang

DDDDRRRRIIIIIILLLLLL
BBBBBBRRRAAAACCCCCKKKK

May biglang lumabas na higanteng Drill sa gitna ni Gunver, at maya-maya pa ay lumabas ang isang bakal na nilalang na parang anyong Robot

Gunver: T-Teka ano naman ito?

Knives: Hahahaha mukang tapos ka na sa pag-nanakaw mo… Dr. Brack

Dr. Brack: Tama na siguro ito...bumalik na muna tayo sa pag-kakataong ito!

Knives: Sinabi mo eh...sige ikaw ang masusunod

Kaagad lumundag si Knives at sumukay sa likuran ng Mecha Armor ni Dr.Brack. at mabilis itong umalis gamit ang booster niya sa likuran

Gunver: Sandali!...asar nakatakas sila...Dr.Brack pala hah?
______________________________________________________________

Samantala sa Aquarium Base ng Dranix, pinanuod ni Quinta ang naging laban ng nilalang na si Knives

Quinta: Intiresante....tingnan natin kung hanggang saan ang makakaya mo...Bata
_______________________________________________________________

Bumalik sila Kyro at Marina sa GINGA Cafe, at dito ipinagamot nila ang mga sugat nila kay Sherry

Sherry: Ayos ka lang ba ate marina?

Marina: Ayos lang ako...salamat sherry, ipinag-papasalamat ko na meron isang gaya mo sa team na ito

Sherry: Wala yun ate, ito lang ang tanging paraan para makatulong ako sa inyo.

Si Kyro naman ay ginamit ang main computer nila para hanapin ang katauhan ng sinasabing Dr.Brack . at napansin ito ni Mei

Mei: Mukang seryoso ka ngayon diyan?

Kyro: Ate mei pasensiya na, may hinahanap lang akong konting impormation tungkol sa isang tao

Hinalukay lahat ni Kyro ang files na maaring makapag-turo kung sino nga ba si Dr.Brack ...at hanggang sa makita niya ang isang file na nag-lalaman ng tungkol sa bagay na ito

Kyro: Eto na..nakita ko na kung sino siya

Victor Gonzales isang dating Ex-Military Scientist ng us amry, sinasabi sa file na ito na siya ang utak sa mga makabagong armas na ginagamit ng mga sundalo nila noon, armors, vehicle, at weaponry...lahat ng ito ay masasabing advance at walang makikitang butas. 2 years ago umalis siya ng army dala ang mga imbensiyon niya, nag-bago siya ng linya mula sa pagiging sundalo sa pagiging top class na kriminal. Gamit ang mga advance na sandata na meron siya. Madali lang niyang napapasok ang kahit anong gustuhin niya

Mei: Mukang hindi lang yan, sangkot din ang taong yan sa mga iba’t ibang klase ng krimen noon sa America at ilang panig ng asia. Masiyado siyang delikado

Marina: Kung ganon ano ang dahilan niya kung bakit niya pinanakaw ang Artificial Human Heart?

Na-papaisip si Kyro at bigla itong sumagot

Kyro: Hindi kaya? Balak niyang ilagay ito sa mga sandata niya? Upang mag karoon ng buhay
____________________________________________________________________________

Kinagabihan mabilis na nakarating ang mga kargamentong kinuha ni Dr.Brack mula sa Black Market

Knives: Sigurado ka bang mabilis mong matatapos ang bagay na iyan?

Dr. Brack: Wag mo akong maliitin, makikita mo sa loob lamang ng mag-damag na ito madali kong matatapos ang pinaka-malakas na suit sa buong kasay-sayan ng mundo, kahit na ang mga Combat suit ng GINGA ay walang magagawa laban dito

Knives: Sinabi mo eh, oh siya buti pa maiwan na muna kita, parang gusto ko tuloy kumain ng masarap...dahil sa perang meron ako ngayon....sige diyan ka na muna!

Dr. Brack: Hmmp, muka talagang pera ang isang ito....ngayon makikita na ng buong mundo ang lakas mo. Colossal (Inilagay ang artificial Heart sa loob ng suit) hahahahahahahaha
_________________________________________________________

GINGA Cafe

Kinabukasan

Tila napansin ni Kyro na wala si Marion at wala rin ang kanilang Gun trailer

Kyro: Ate mei nasaan pala si Marion? Kahapon ko pa siya hindi na kikita

Mei: May inaasikaso siya sa HQ, at tungkol sa Gun trailer may pag-lalagyan siya noon kung bakit niya ito dinala---teka saan ka naman pupunta?

Kyro: Pupuntahan ko yung Crime scene kahapon, kailanga ko pang imbestigahan ang loob ng bangko kung papaano ito napasok ng ganon nalang, sige aalis muna ako...paki sabi nalang kay marina sumunod nalang siya pag-kagising niya

Isinuot ni Kyro ang kanyang Helmet saka sumakay sa kanyang Gun Cycle at umalis
_______________________________________________________

Sa bangko kung saan naganap ang pag-nanakaw, nakarating doon si Kyro at kaagad bumaba sa kanyang motorsiklo

Pag-ka baba palang niya nakita na kaagad niya si Clyde na nag-iimbestiga kasama ang ilang tauhan ng Section Zero

Kyro: Teka anong ginagawa niyo dito?

Clyde: Hmmp ikaw nanaman...section zero na ang may hawak sa lugar na ito, kaya kayong mga taga special investigation wala na kayong magagawa kung hindi umalis nalang

Kyro: Hindi naman ata puwede yun...katatangap ko lang ng order sa HQ na kailangan kong imbestigahan pa ang nang-yari dito, dahil alam na namin kung sino ang utak ng lahat ng ito----

*Aba! Aba! Hindi ko akalain na narito papala kayong dalawa?* 

Isang salita ang nag-patigil sa pag-uusap nila Kyro at Clyde, at ito ay si Knives na kumakain pa ng kanyang Hamburger

Clyde: Ikaw!

Kyro: Knives! Sabihin mo nasaan si Victor Gonzales!

Isinubo ni Knives ang huli piraso ng Burger niya

Knives: Salamat sa pagkain! Ngayon oras naman para mag bawas ng cholesterol!

Inilabas ni Knives ang kanyang bracer at muli siyang nabalutan ng kakaibang uri ng armor, at saka inatake niya ang dalawa gamit ang kanyang throwing laser dagger

ZZZZAAAAPPPP
ZZZZAAAAPPPP

Mabilis namang naka iwas ang dalawa sa atake nito

Kyro: Pambihira! Hindi man lang niya pinakingan ang sinabi ko

Clyde: Humanda siya sa akin! Snider Change!

Inibalas ni Clyde ang kanyang Driver at nag-bago ng anyo bilang si Special police Snider



BANG!-BANG!-BANG!

Tatlong sunod kaagad ng Gun Snider ang pinakawan ni Snider sa kanyang kalaban, at saka inatake niya ito gamit naman ang husay niya sa taekwondo

Knives: Aba! Aba! Aba! Masyado ka namang mainit, hindi ka ba talaga nag-iisip?

Snider: Tumahimik ka!Yyyaaaaaaahhhhh

Nakipag-sabayan si Snider sa kalaban niyang si Knives, at ginamit naman niya ang husay niya sa Wrestling, isang malakas na super punch ang binigay niya sa binatang pulis at na paatras ito, pag-katapos lumundag ito at inipit ang ulo saka ginawa ang galaw na kung tawagin ay hurricanrana at tumalsik si Snider sa isang nakaparadang sasakyan

BBBBBBBOOOOOGGGG
AAAAAAHHHHHH

Knives: Hmmmp! Anong klaseng mga atake ba ang ginawa mo sa akin? Walang kuwenta

Snider: Tumahimik ka!

Knives: Ang mabuti pa tapusin ko na ang kayabangan mo----

BANG!-BANG!

Akmang mag lalabas ng Throwing Laser Dagger si Knives ng biglang nag-paputok ng baril sa kanyang harapan si Kyro

Kyro: Hoy! Ako naman ang harapin mo wrestling boy!

Gun Driver Female Voice: DNA Scan Complete!

Kyro: Gun Changer!

Pag-kalabit ni Kyro ng gatilyo ng kanyang Gun Driver, nag bago siya ng anyo bilang si Gunver at sinugod niya ang kanyang kalaban na si Knives


Kaagad ginamit ni Gunver ang Gun Dagger, at nakipag-palitan muli siya ng atake dito
Sunod-sunod na wasiwas ang ginawa ng binatang detective, ngunit nagagawa itong salagin ni Knives gamit kanyang laser Knife, at habang nakikipag-palitan ng atake si Gunver sa kanya ay nakitaan niya ito ng butas, at doon niya ito inatake sa bandang tagiliran

SLASH!

Gunver: AHHHHH!

Knives: Ayusin mo kasi ang defensa mo! Hahahaha sige ka mamatay ka na mamaya

Gunver: Tingnan natin, huhulihin kita at ipapasok sa kulungan!

Inilabas ni Gunver ang kanyang isang SD Card, at inilagay niya ito sa kanyang Gun Driver

Gun Driver Female Voice: SD Memory In. Changing Form Saber Mode

Muling nag-bago ng anyo si Gunver bilang saber mode, at inilabas niya ang kanyang pangunahing sandata nito ang Gun Saber

Gunver Saber: Humanda ka na! Yaaaaahhhhh

Lumundag si Gunver saber at inatake niya pasulong si Knives, pero naharangan kaagad ito ng kriminal

Knives: Ano yan lang ba ang kaya mo?

Gunver Saber: Yan ang akala mo!

Kaagad binunot ni Gunver saber ang kanyang Gun Driver at pinag-babaril niya sa sikmura si Knives hanggang sa mapa-atras ito

BANG!-BANG!-BANG!

Knives: Ahhhhh

Gunver Saber: Arestado ka na ngayon! 

Akmang lalapitan ni Gunver Saber ang nakaluhod na kriminal na si Knives, pero sa hindi inaasahan ay

BBBBBBBBBAAAAAAAMMMMM

Mula sa kawalan biglang sumulpot ang isang mysteriyosong nilalang, malaki, malakas, at higit sa lahat angat ito sa iba

Gunver Saber: Anong!?

*Hindi ko inaasahan na masusukol ka nila ng ganito Knives*

At ang nilalang na ito ay si Dr. Brack gamit ang kanyang pambihirang Armor na Colossal

Knives: Buti naman at dumating ka...so paano ba iyan ano ang gagawin mo at nakumpleto mo na ang armor nayan?

Dr. Brack: (Tumingin kay Gunver Saber) Isa lang....ang wasakin ang mga humahadlang sa akin!

Biglang umandar ang mga gulong sa paa ng Colossal Armor ni Dr.Brack at inatake niya si Gunver Saber ng mabilis

BBBBBAAAAAAAAAAAAGGGGGGG
AAAAAHHHHHHHH

Tumalsik si Gunver Saber at bumalik sa pagiging Kyro dahil sa lakas ng atake na nang-yari sa kanya

Kyro: Errrr anong klaseng....armor yan?

CHANGE GRENADE LAUNCHER!

Kyro: Anong! Clyde!

Snider: YYYYAAAAAAAAAAHHHH

Pinaputukan ni Snider ang Colossal Armor ni Dr.Brack gamit ang kanyang Grenade Launcher ng kanyang Gun Snider, at halos hindi siya tumigil para lang mapa-bagsak ito

BBBBBBOOOOOOMMMMMSSS  

Kyro: Nagawa ba niya?

Snider: Huf...Huf....tapos na siya

Nabalutan ng usok ang ginawa ni Snider na pag-atake, ngunit hindi niya inaasahan na, mula sa makapal na usok muling lumabas ang Colossal na walang sira at kahit anong gas-gas

Dr. Brack: Masyado niyo naman akong minamaliit

Snider: (Gulat) Anong!

Kyro: Hindi maaari!

Dr. Brack: Hahahahaha ano mga kutong lupa ng GINGA? Yan lang ba ang kaya niyo! Puwes ako naman!

Mula sa kanyang balikat lumabas ang mga Missile ng Colossal Armor, at nakahanda na nitong patamaan sila Snider at Kyro

Kyro: Masama ito! Clyde atras na!

Snider: Asar!

Dr. Brack: Tapos na kayo!!!!

BOOOM!
BOOOM!
BOOOM !

Sunod-sunod na nag-pakawala ng missile ang Colossal Armor, at ang dalawa ni Kyro at Snider ay napatalsik at nadag-aanan ng mga nasirang pader

AAAAAAAAHHHHHHHHHH
BBBBBBOOOOOOOGGGG

Dr. Brack: Siguro naman na durog na sila sa ginawa ko?

Knives: Siguro nga...pero sa tingin ko napasobra ka naman, at sa tingin ko rin masyado mo silang minaliit?

Dr.Brack: Hmp! Tigilan mo ako, sa lakas ng atake na ginawa ko wala ng makakaligtas sa mga yun, kahit mag-dasal pa sila ...ang mabuti pa gawin ko na ang trabaho ko, kailangan ko pa ng Pera para sa proyekto na gagawin ko!

Knives: Hahahahaha sige ba.. ito na ata ang huling trabaho na gagawin ko sa iyo!

Kaagad sumakay sa balikat si Knives sa Colossal Armor, at umalis ito sa pinag-labanan nila
________________________________________________________________________

Ngunit ang hindi nila alam ay nakaligtas sila Kyro at Snider, dahil sa kabutihang palad naka pagbago kaagad ng anyo si Kyro bilang Gunver

BBBBBLLLAAAASSSSTTTT

Pinasabog ni Gunver ang mga piraso ng pader na dumagan sa kanya, at bumalik siya sa pagiging Kyro muli

Kyro: Asar...paano namin tatalunin ang higanteng yun?

Maya-maya pa ay lumabas si Cylde mula sa kanyang kinabagsakan

Kyro: Clyde!

Akmang tutulungan sana ni Kyro si Clyde ngunit, sinigawan niya si Kyro

Clyde: Hanggang diyan ka nalang! Buwiset humanda sa akin ang taong yun

Ilang sandali pa nakatangap ng radio frequency si Kyro mula sa GINGA Cafe

Kyro: Ate Mei… anong problema?

Mei: (Sa kanyang lugar) Kyro ang nakalaban mong heavy armor kanina, sinasalakay niya ang isang malaking bangko sa Makati, kaya mo pa ba?

Kyro: Kaya ko pa naman, yun nga lang masyado siyang malakas kung ihaharap mo siya sa amin ng ganon lang.

Mei: (Sa kabilang linya) Sa ngayon ini-scan namin ang armor capability ng nakalaban niyo dito sa base, at nakuha ko ang weak spot niya.

Kyro: Ano yun ate mei?

Mei: Kailangan mong makuha ang Artificial Human Heart na nasa loob ng Armor, dahil yun lang ang may kakayhan na mag-pagana dito

Kyro: Nakuha ko na! Sige papunta na ako doon

Mei: Mag-ingat ka, papunta na doon si Marina kasama si Marion, may dala sila para sa iyo 

Kyro: Naiintindihan ko (Tumingin kay Clyde) Sasama ka ba sa akin?

Clyde: Heh! Wala akong pakielam sa iyo, pero ang gusto ko lang matalo lang sila

Kyro: Kung ganon sige tayo na!

Kaagad sumakay ng kanilang mga Cycle ang dalawa at nag-madaling umalis patungo sa pinang-yayarihan muli ng kaguluhan
______________________________________________________________________

BRATATATATATATATATATATA

Pinag-babaril ng mga kapulisan ang nag-aamok na Colossal Armor, halos sinira niya ang lahat at winasak ang mga bangko na makita niya, para kunin ang pera na naroon

AAAAAAAHHHHHHHHH 

Ilang sandali lang ay dumating naman ang Gun Trailer at kaagad huminto ito

Marina: Malalana ang nang-yayari? Sir Marion ano na ang balak natin?

Marion: Kaya mo bang hawakan ang sitwasyon kahit ikaw lang?

Marina: Kaya ko naman pero hindi ko alam kung-kakayanin ko ang bagay nayun, pero gagawin ko ang makakaya ko

Marion: Sige mag-ingat ka, ilalagay ko lang ang mga data na kailangan sa armor na ito, kaya bilisan mo na!

Marina: Roger!

Kaagad bumaba si Marina sa kanilang Gun Trailer, at si Marion naman ay sinimulan ang upload process sa armor na nasabi niya

Marion: Konti nalang, at matatapos kana
___________________________________________________________________

AAAAAAAHHHHHHH

Kaagad nag-tungo si Marina sa pinang-yayarihan ng Gulo

Marina: Mukang mapapalaban ako sa bagay na ito

Inilabas ni Marina ang kanyang dalawang Driver para mag-bago ng anyo, pero sa hindi inaasahan

ZZZAAAAAPPP
ZZZAAAAAPPP

Dalawang throwing dagger ang tumama sa may lupa, pero mabilis naman itong na iwasan ng babaeng agent

Marina: Ikaw?!

Knives: Hindi ko akalain na makikita kita dito...magandang binibini?

Marina: Knives humanda ka sa akin ngayon!

Zhapyra Driver Female Voice: DNA Scan Complete!

ZHAPYRA CHANGE!



Nabalutan ng puting liwanag si Marina at nag-bago ng anyo bilang si Zhapyra

Zhapyra: Humanda ka sa akin ngayon!

Knives: Hmmp tingnan natin!

Kaagad nag-salubungan sila Zhapyra at Knives ng kanilang mga atake, gamit ng babaeng detective ang kanyang husay sa Aikido, samanatalang kay Knives naman ang husay niya sa wrestling

Parehong mahusay ang dalawa, ngunit isang malakas na super kick ang natamo ni Zhapyra sa kanyang sikmura na siyang kinadahilan ng kanyang pag-kaluhod

Knives: Huli ka na!

Zhapyra: Yun ang akala mo!

Biglang lumabas ang mini-flare missile ni Zhapyra sa likod, at tinamaan nito sa kanyang helmet at pansamantalang nabulag ang kanyang sensor

Knives: Ahhhhhhh!

Zhapyra: Ngayon na!

Sunod-sunod na inatake ni Zhapyra si Knives mag-kakabilang suntok at sipa ang ginawa niya, at isang malakas na spining kick ang ginamit niya para mapatalsik ang kalaban

BBBBBAAAAAAGGGGG
________________________________________________________

Habang nakikipag-laban si Zhapyra kay Knives, siya namang dating ng dalawa nila Kyro at Clyde sakay ng kanilang mga Motor

Kyro: Mukang nag-simula na sila

Clyde: Humanda siya sa akin!

Kaagad bumaba si Clyde sa kanyang Motorsiklo

Kyro: Sandali Clyde!—nako pasaway talaga ang mokong na ito

Bumaba narin si Kyro sa kanyang motor at sinundan si Clyde
_______________________________________________________

Patuloy sa pakikipag-palitan ng putok ang Colossal Armor, hanggang sa pasabugin nito ang ilang mga patrol vehicle ng PNP at ng GINGA 

BBBBBBBOOOOOOMMMMSSS
BRATATATATATATATATA

Dr. Brack: Mga walang kuwenta! Inaaksaya niyo lang ang bala niyo sa akin, sa tingin niyo ba tatablan ako ng ginagawa niyo?

Habang patuloy siyang nag-papasabog ay may biglang tumama sa likuran ng Colossal Armor, 
at ito ay galing kay Clyde

BANG!

Clyde: Hoy! Ako ang harapin mo!

Napalingon ang Colossal Armor Kay Clyde

Dr. Brack: Aba hindi ko akalain na buhay ka pala? Kung ganon tangapin mo ito

Biglang pinaputakan ni Dr. Brack si Clyde ng kanyang Wrist Gatling Gun, pero mabilis na humanap ng cover ang batang pulis

Dr. Brack: Mag tatago ka pa diyan hah!

BRATATATATATATATATATA

Pinag-babaril ni Dr. Brack ang lugar kung saan tumago si Clyde at sumabog ito, ngunit bigla siyang lumabas at nag bago ng anyo bilang si Special Police Snider

Snider: Wag mo akong minamaliit!

Gun Snider Male Voice: SD Memory In Change Grenade Launcher!

Snider: HUMANDA KA!!!!

Sunod-sunod na pinasabugan ni Snider ang Colossal Armor ni Dr. Brack , nakipag-sabayan lang ang binatang pulis sa kanyang higanteng kalaban

_____________________________________________________________________________

Samantala papunta naman si Kyro kung saan nakikipag-laban si clyde, ngunit bigla naman tumawag si Marion sa kanyang communication device

Kyro: Marion ano yun?

Marion: (sa kabilang linya) Kyro narito ka na ba sa site kung saan nang-yayari ang gulo?

Kyro: Nadito na ako, teka ano ba ang problema?

Marion: (sa kabilan linya) Puntahan mo ang Gun trailer dito, may ipapakita ako sayo kung paano mo matatalo ang colossal armor na yun

Kyro: Ganon ba sige papunta na ako diyan!
________________________________________________________________________

Nag-patuloy parin ang pakikipag-laban ni Zhapyra kay Knives, at halos pareho na sila ng kakayahan ngayon 

Zhapyra: Sumuko kana lang! Kung ayaw mong masaktan pa!

Knives: Puwede bang tumahimik ka nalang? Na iirita ako sayo! Yaaaaahhh
Nag-salubungan ng kamao ang dalawa, at halos mayupi pareho ang kanilang mga baluti dahil sa lakas ng impact
_______________________________________________________________________

Samantala nakarating naman si Kyro kung nasaan ang gun trailer at kaagad siyang pumasok sa loob ng Container nito

Kyro: Marion!

Marion: Mabuti naman at nadito ka na...kay langan mong gamitin ito?

Tinangal ni Marion ang mantel na nakapaton sa malaking Lamesa sa loob, at bumungad kay Kyro ang isang malaking armor na kagaya sa Colossal Armor ni Dr. Brack

Kyro: Teka isang armor na kagaya ng Colossal?

Marion: Yan ang Knuckle Titan, ginawa yan para sa ganitong klaseng sitwasyon, ang totoo niyan para talaga ito sa War Patrol Unit ni Kuya Andrew, pero nag-pasiya si Director General Ratio na ibigay sa inyo ang bagay na ito, dahil sa mga kakaibang nilalang na kinakalaban niyo, sige mag-palit ka na ng anyo at sumakay ka sa loob nito...mamaya ko na ikukuwento ang ibang detalye kapag nasa loob kana!

Kyro: Sige na iintindihan ko!
____________________________________________________________________

AAAAAAAAHHHHHH

BOOOOOOOGGGGG

Tumalsik si snider dahil sa hinampas siya ng Colossal Armor, at tila nang-hihina na ang binatang pulis dahil sa mga pinsalang natatamo niya

Snider: Asar!

Dr. Brack: Ano kaya mo pa ba? Sa tingin ko dito ka na mamatay bata!

Snider: Tumahimik ka!

Muling tumayo si Snider at nag-patuloy sa kanyang pakikipaglaban
___________________________________________________________________

Nakasakay na sa loob ng Armor si Gunver at sinabi ni Marion kung paano ito gagamitin

Marion: Kyro makinig ka! Ilagay mo ang SD Memory sa isang Slot Pannel, at ang Gun Sequencer na Gadget mo ilagay mo yan sa isang kaperahang hugis na makikita mo, at ito ang mag-sisilbing computer radar mo, wag ka rin mag-alala mabigat nga siyang tingnan, pero maagan lang siyang kontrolin! Sige na humanda ka na para sa laban!
Knuckle Titan!

Gunver: Oo! Heto na! 

Marion: Opening the Hatch!

Biglang bumukas ang Container ng Gun Trailer, at lumabas ang isang Mecha Armor kung saan nasa loob nito si Gunver

Knuckle Titan: Tayo na Knuckle Titan!

Kaagad ginamit nito ang Booster sa Likod, at nag-tungo kung saan naroroon ang Colossal Armor ni Dr. Brack
__________________________________________________________________

Tumba na si Snider dahil sa hindi niya magawang malapitan ang malaking armor ni Dr. Brack

Dr.Brack: Sayang ang galing mo bata...dahil dito na matatapos ang buhay mo!
Tinutukan ng Rocket Launcher si snider ng Colassal Armor

Dr.Brack: Paalam na!

Snider: Hindi!

Akmang ipuputok na ng Colossal Armor ang kanyang pampasabog ng biglang

BOOMS
BOOMS

Dalawang sunod na pag-sabog ang tumama sa Colossal Armor, at ito ay kagagawan ng bagong datin na si Gun Knuckle

Snider: Anong!

Dr.Brack: Ikaw! Papaanong!

Knuckle Titan: Nagulat ba kita Dr. Brack? Ang akala mo ikaw lang ang meron ng ganyang 
klaseng armor, puwes nag kakamali ka! Dahil ngayon patas na tayo, Higante sa Higante Kamao sa Kamao! Humanda ka na!

Dr.Brack: Sa tingin mo ba kaya akong talunin ng lata mong armor?

Knuckle Titan: Puwes tingnan natin!

Biglang binuksan ni Knuckle Titan ang Booster niya sa likod, at isang malakas na suntok ang kaagad na sinalubong niya sa Colossal Armor, hindi pa dito natapos binigyan pa niya ito ng isang matinding sipa at isa muling upper cut

Dr.Brack: Pangahas ka!

Knuckle Titan: Sige lang tingnan natin kung hanggang saan tatagal ang sinasabi mong bakal! Heto na YYYYYYAAAAAAAAAHHHHH

Umabante si  KnuckleTitan at muli niyang inatake ang Colossal Armor, mag kakabilang suntok at sipa ang ginawa niya na halos ikawasak na ng armor, gaganti naman sana ng putok si Dr. Brack ngunit naunahan ito ng Detective at hinawakan niya ang braso nito at sinira
BBBRRRRRRAAAAGGGGG

Dr. Brack: Anong!

KnuckleTitan: Dito na matatapos ang Kalokohan mo!
Hinanap ni Gunver ang Weapon Configuration ng armor sa loob at nakita niya ang isa sa pangunahing sandata nito

KnuckleTitan: Heto na! Rocket PUNCH!

Dr. Brack: HINDIIIII!!!

Nabuka ang ilan bahagi ng Kamao ni Gun Knuckle at may lumabas na booster sa loob nito, at isang malakas na suntok na may puwersa ang pinakawalan nito kay Colossal Armor, na sumira sa dib-dib nito at kinuha ang artificial Human Heart, hanggang sa tuluyan ng hindi makakilos ang armor
_____________________________________________________________________

Samantala patuloy parin ang pag-lalaban nila Zhapyra at Knives, ngunit tila sa pag-kakataong ito parang hindi na sapat ang kanilang enerhiya

Knives: Tingnan mo nga naman, parang bagsak na ngayon ang mayabang na si Dr. Brack.....hahahaha mukang tapos na ang trabaho ko sa kanya---

Zhapyra: Hanggang diyan ka nalang! Sumuko kana ng maayos!

Knives: Hindi puwede!—dahil may mission pa ako na kailangan isa katuparan!

Zhapyra: Anong!

Biglang nag bato si Knives ng smoke grenade at umalis sa harapan ni Zhapyra

Zhapyra: Asar natakasan niya ako....pero sisiguraduhin ko na sa susunod, mahuhuli na kita
_________________________________________________________________________

Bumaba naman si Gunver sa kanyang Knuckle

Hinubad naman ni Gunver ang kanyang Helmet at ganon din si Snider

Gunver: Victor Gonsalez! Arrestado ka ngayon
Akmang lalapitan nila Gunver si Dr. Brack para arestuhin ngunit maya-maya pa ay ito na ang nang-yari

ZZZZZZAAAAAAAPPPPP

BBBBOOOOOOOMMMS

AAAAARRRRRHHHHGGGG

Sumabog ang armor ni Dr. Brack at kasama siya sa sumabog, samantala si Gunver at Snider ay hindi makapaniwala sa nang-yari

Snider: Anong nang-yari?

Gunver: Sumabog? Sino ang may kagagawan nito?

Lingid sa kaalaman nila Gunver na isang nilalang na naka-suot din ng baluti ang may gawa ng pag-sabog, at ito ay miyembro ng Dranix si Quinta
______________________________________________________________________________

Isang araw ang nakalipas ibinalik ni Kyro at Marina ang Artificial Human Heart kay 
Dr.Ferdinand Hamilton

Dr.Hamilton: Maraming salamat sa inyo at nagawa niyong makuha ang bagay na dapat talaga ay para sa kabutihan, bilang kapalit ng serbisyo niyo eto ang bayad sa lahat ng nagawa niyo 200.000

Marina: Ah sir ayos na po na maibalik namin ng mabuti ang Artificial Human Heart, hindi niyo na po---

Kyro: Ayos ito! Hahahahaha meron nanaman tayong pang-gastos sa ilang araw ano marina date tayo kahit minsan lang?

Tila nainis naman si Marina sa mga sinabi ni Kyro at ilang sandali pa isang malakas na sapak ang tinamo niya sa kanyang partner

PPPPPAAAAAAAAKKKKKK
AAAAARRRRRAAAAAYYYY

Marina: Mahiya ka naman sa sinasabi mo! Hmmmp
_____________________________________________________________________________

Sa isang abandonadong ware houses, nadoon si Knives at inaayos niya ang mga kagamitan niya, ngunit tila may naramdaman siyang kakaiban na hindi pamilyar

Knives: Lumabas ka diyan! Alam ko na nadiyan ka lang… LABAS!

Lumabas ang nasabing nilalang at ito ay si Quinta ng Dranix

Quinta: Hanga ako sa talas ng pakiramdam mo...Bata

Knives: Sino ka naman?

Quinta: Ako si Quinta isa sa miyembro ng Big 5 Dranixs, gusto ko ang pamamaraan mo sa pakikipag-laban

Knives: Pasensiya na pero hindi ako nakikipag-usap sa lalaking naka suot ng baluti, siguro nga na pareho tayong may armor, pero hubarin mo yan para mas makilala pa kita ng mabuti

Quinta: Buweno

Pinindot ni Quinta ang Botton sa kanyang armor at ilang sandali pa, tumambad kay Knives ang katauhan ng nilalang,

Knives: Hahahahahaha tingnan mo nga naman...hindi ko inaasahan ito

Ang nilalang na nasa loob ng baluti ay walang iba kung hindi si

Dr.Hamilton: Ano pumapayag ka ba na makipag-tulungan sa akin?

Knives: Dr. Ferdinand Hamilton....Hahahahaha mukang magiging masaya ito, sige pumapayag ako sa gusto mo 

Isang bagong kapangyarihan nanaman ang nakuha ni Kyro para pigilan ang kasamaan, samantala ipinakilala na ni Quinta ang tunay niyang pag-katao bilang si Dr. Ferdinand Hamilton, ano na nakaya ang susunod na mang-yayari?

Case Continued















No comments:

Post a Comment