Saturday, April 18, 2015

Case 16: Zhapyra!






Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement


GGGGRRRRRRRIIIINNDDD!

Pinag-hahati ng paulit-ulit ni Gunver ang mga nilalang na kung tawagin ay Larva, ngunit napansin niya na nasa panganib ang kanyang parnter na si marina.

Gunver: Hindi! Marina!!! Mga asar kayo!!

Pinag-tataga ni Gunver ang mga Larva gamit ang kanyang Armor Chain Saw, at ang ilan sa mga ito ay natumba.

Gunver: Marina!!!

________________________________________________________________


Marina: AAAAARRRHHHHGGG

Levaiton: Hindi ko talaga alam kung bakit obsess ako sa iyo. ewan ba parang may mga bagay na talagang nag-lalapit sa atin, na para bang gusto kitang patayin nang mawala na ito.

Marina: Ano? 

Laking gulat ni Marina na merong gamit na Winged Jet sa likuran  si Levaiton at nakakalipad ito sa pamamagitan nito.

Marina: Imposible!

Akma sanang bubunot ng kanyang Baril si Marina, ngunit naunahan siya ni Levaiton sa pag-tutok.

Levaiton: Opppsss sa oras na bunutin mo yan katapusan mo na... Pero kahit na bunutin mo iyan! Wala ring mang-yayari. 

Bahagyang lumayo si Levation para gawin ang kanyang atake, at ito ay para tapusin na si Marina.



Levation: KATAPUSAN MO NAAAAA!!!!!




Case 16: Zhapyra!


Papasugod na si Levation kay Marina, pero biglang tumayo ang babaeng agent at tumalon ito sa gusali, at sa pag-talon niya kaagad siyang gumamit ng grappling hook para sa kanyang ligtas na pag-baba.

Levaiton: Anong!!

Ligtas na naka-baba si Marina sa lapag, at dito naka handa na siyang harapin ang kanyang kalaban.

Marina: Hindi ako makakapayag sa gusto mo!

Binunot nito ang kanyang dalawang P99 at pinag-babaril ang lumilipad na si Levaiton

BANG!-BANG!-BANG!

Umiwas lang ang cyborg warrior sa ginagawang atake ni Marina.

Levaiton: Sa tingin mo ba magagawa mo akong talunin gamit ang mga laruang mong yan?

Marina: Tumigil ka! Kung gusto mo akong tapusin dito habulin mo ako hanggang kaya mo!

Tumakbo si Marina kung saan at nag-pahabol ito kay Levation.

Levaiton: Isang habulan, sige pag-bibigyan kita!

______________________________________________________________________

*Changing Form Saber Mode*

Sabi ng Gundriver, na nag bago ng anyo si Gunver bilang Saber Form. At sa pag-kakataong ito ginamit ng detective ang kanyang Gun Saber, para mas mapabilis ang kanyang pag-talo sa mga kalaban. 

SLASH!

Gunver Saber: Asar! Hindi ba titigil ang mga ito? 

Hindi lingid sa kaalaman ni Gunver na merong isang Larva na aatake sa kanya patalikod, pero ilang sandali lang ay.

BBBBBAAAAANNNNNNGGGG

Gunver Saber: Anong!? Clyde?

Gulat si Gunver na merong bumaril mula sa likuran niya, at ito ay si Snider kasama ang ilang miyembro ng Section Zero.

Snider: Masyado ka talagang pabaya Anjelo!

Gunver Saber: Anong ginagawa niyo dito? Gusto mo nanaman ba ng laban!

Snider: Hmp! Hindi yun ang pinunta ko dito...naparito ako upang tapusin ang mga nilalang nayan, dahil yan ang utos sa akin ng HQ, pero wag kang mag-kakamali na makielam sa amin, 
kung hindi tapos ka!

Gunver Saber: Bahala ka! Pero wag karin makikielam sa ginagawa ko!

Muling umatake si Gunver saber sa kanyang mga kalaban, at ang mga tauhan ng section zero sa pamumuno ni Snider ay nakipaglaban narin sa mga larva.

Mag-kakabilang putukan ang nang-yari sa lugar nayun.

________________________________________________________________________________________

BRATATATATATA

Habang tumatakbo si Marina habang pinag-babaril siya ni Levation mula sa kanyang Jet pack.At ilan sa mga sasakyan na nakaparada ang sumabog. 

Levation: Hahahahaha Takbo! Takbo! Tumakbo ka habang may lupa ka pang nilalakaran!

Kaagad umisip ng paraan si Marina, at napansin na niya ang bagay na kanyang pupuntahan. At mula sa kanyang likuran kumuha ito ng ilang smoke grenade para pasabugin sa paligid.

Marina: Masyado kang ma-ingay! Mag-pausok ka muna!

Sumabog ang smoke grenade na hinagis ni marina sa paligid, at doon nag simula nang kumalat ang usok sa paligid.

Ikinagulat naman ni Levaiton ang nang yari pag-sabog ng usok.

Levaiton: Anong! Ang babaeng yun gumamit siya ng Smoke Grenade para maka-pagtago siya! 

Maya-maya pa unting-unti na nawawala na ang usok na bumabalot sa lugar.

Levaiton: Hoy ikaw! Lumabas ka! Kung kaya mo pa akong harapin labanan mo ako ng sabayan! 
Wag kang duwag Agent Marina Asol!!

Pero ilang sandali lang.

BBBBBBRRRRRUUUUMMMM

Mula sa kawalan biglang lumabas ang Gun Racer ni Gunver at ang sakay nito ay si Marina, sinagasaan niya si Levaiton ngunit pini-pigilan lang ito ng Cyborg Warrior gamit ang kanyang malalakas na braso at ng Jet Booster,

Marina: TAPOS KA NGAYON! 

Binarurot ni marina ang makina ng Gun racer.

Levaiton: (Pinipigilan ang sasakyan) ....hindi ko alam...na maiisip mo ang bagay na ito.

Marina: Tumahimik ka!!!

Gun Racer Computer: Target Lock on!

Marina: Heto ang sayo!

Mula sa likuran ng Gun Racer lumabas ang Double Missile Launcher, at pinatamaan niya si Levation. 

BBBBBBBBOOOOOMMMMSSS

Pag-katapos ng ginawa ni Marina, bumaba ito sa kanyang sasakyan at nilapitan niya ang kanyang katungali at saka tinutukan ng baril. 

Levaiton: ...Ayos to, mas lalo mo akong pinasasabik sa ginagawa nating laban.

Tumayo si Levation at halata sa kanyang baluti na sira ito sa ginawang pag-atake ni Marina sa kanya.

Marina: Hanggang diyan ka nalang! 

Levaiton: Wag ka nga mag-patawa.... hindi pa ito tapos, makikita mo darating palang mga tunay na delubyo.

Biglang lumipad si Levation at umalis ito ng walang anu-ano at iniwan niya si Marina sa ibaba.

Marina: Levaiton! Bumalik ka dito!
___________________________________________________________________________

SLAAAAAASSSSHHH

Isang slash ang ginawa ni Gunver gamit ang kanyang Gun saber, pero naka-iwas ang Larva na kanyang inatake

Ganon din ang ginawa ni Snider pinag-babaril niya ang mga kalaban na larva, pero mabilis lang itong naiwasan atake nito. At ang mas kinagulat nila ay...

Gunver Saber: Anong!

Snider: Uma-atras sila?

Unti-unting umatras ang mga ito, at sa hindi malamang dahilan, hindi na sila gumanti sa kanilang mga kalaban. 

Gunver Saber: Nakakapagtaka naman? Ano binabalak nila? 

Bumalik sa dati nilang Anyo si Gunver at Snider, bilang Kyro at Clyde.

Clyde: Hmp! Mukang meron nanaman pakulo ang mga yun kung bakit sila nag-palabas ng mga ganitong klaseng nilalang. 

Kyro: Kung ano man yun, pakiramdam ko isang malaking gulo ang mang-yayari.

*Kyro!*

Ilang sandali lang ay dumating si Marina at tinagpo niya ang kanyang partner na si Kyro.

Kyro: Marina! Teka anong nang-yari sa iyo?

Napansin ni Kyro na maraming pasa at sugat ang kanyang partner.

Marina: Ayos lang ako...kumusta dito? Nasaan na ang mga nilalang nayun?

Kyro: Wala na sila, ang pinag-tataka ko lang bakit sila umatras? Siya nga pala nasaan na si Levaiton nagawa mo ba siyang itumba?

Marina: Oo pero nakatakas siya...hindi pa ito tapos, sigurado ako na merong pasabog pa ang mga yun---

Clyde: Puwede ba kung mag-huhuntahan lang kayo...umalis na kayo! Nakaka-abala lang kayo dito.

Kyro: Hoy! Clyde tsa oras na bumalik ang mga lintang yun!  Kami ang ma-uunang tumapos sa kanila! Tandaan mo yan...Tayo na marina. 

Umalis si Kyro at Marina saka sumakay sa kanilang Gun Racer, at naiwan naman ang mga Taga-Section Zero para linisin ang lugar.

_________________________________________________________________

Samanatala binalikan naman si Levation sa labaratoryo ni Quinta, para ibigay ang kanyang ulat.

Levation: Master Quinta!

Quinta: Ikaw pala Levation...kumusta ang ginawa mong pag-papakain sa mga alaga ko?

Levaiton: Naging-maayos naman po ang lahat, at sa ngayun po ay nasa kani-kanilang lugar sila, anong mga oras ay nag-sisimula na silang mag-balot sa kanilang mga bahay-uod, at sa dami ng kanilang na biktima...hindi imposible sa kanila ang mabilis na pagpisa.

Quinta: Magaling kung ganon, sigurado akong matutuwa si primo sa ginawa mo, Levation kailangan mo munang ipaayos ang sarili mo...bago ka muling sumalang sa susunod na laban.

Levaiton: Masusunod po.
_________________________________________________________________

Kinagabihan pinag-aralan nila Mei ang nilalang na naka-laban nila, at lumalabas dito.

Kyro: Anong lumabas sa data? Mga tao rin ba sila na nagiging negative?  

Mei: Hindi ko alam, pero sa tingin ko lang.... isang uri ng caterpillar ang naka-laban niyo hindi ito isang linta o limatik, at ang pinag tataka ko, bakit dugo ang kanilang kinukuha? Yun ang bumabagabag sa isipan ko. 

Kyro: Mukang magiging sakit sa ulo ito---

*Ahhhh Mukan meron kayong pinag-kakaalabahan dito ah?*

Ikinakugat nila Mei at Kyro ang pag-dating ni Marion mula sa amerika isa sa mga GINGA branch doon. 

Mei: Marion!

Marion: Kumusta na!
________________________________________________________________________

Pinag-usapan nila Marion ang tungkol sa mga negative na nakalaban nila, pero biglang nabaling ito sa kanyang dala.

Marion: Mukang mahirap nga yan...kung hindi natin alam kung anong klaseng species sila...

Mei: Kaya medyo tagilid tayo kung sa kaling umatake muli sila....pero teka kanina ko pa napapansin ang bagay na iyan sa iyo ah? Ano ba ang laman ng case na iyan? 

Marion: Ito ba?  Tingnan niyo nalang kung ano ito!

Kinuha ni Marion ang case at pinakita nito ang nasa loob.

Mei: Teka isa yang?

Gulat na gulat si Mei sa kanyang nakita. 
______________________________________________________________________

Samantala sa Bar ng Cafe, nag-iisa si Marina doon at tila merong siyang iniisip ng bigla siyang lapitan ni Sherry.

Sherry: Ate Marina may problema ka ba?

Marina: Sherry?

Sherry: Pansin ko kasi kanina ka pa tahimik simula ng bumalik kayo...teka masakit pa ba ang mga sugat mo?

Marina: Hindi...salamat pala buti nalang merong kaming nurse dito, maasahan ka talaga dito sherry.

Sherry: Ah eh wala naman yun ate...kulang pa ito sa lahat ng na itulong niyo sa akin ni Kuya Kyro, kahit hindi ako marunong makipag-laban at least nakakatulong ako sa inyo kahit sa maliit na bagay lang.

Napansin naman ni Sherry na tila malunkot talaga si Marina, kaya nag pasiya siyang pangitin ang dalaga.

Sherry: Smile lang ate! Sige ka papanget ka niya...kung ano man ang iniisip mo makakasama lang yan sa trabaho mo, baka dahil diyan hindi mo magawa ng mabuti ang tungkulin mo...alam kong malalampasan mo rin ito ate marina, dahil isa kang malakas na babae.

Marina: Sherry?

Sherry: Sige na uuwi muna ako...may pasok pa ako bukas eh bye ate!

Umalis na si Sherry sa Cafe para umuwi sa kanila, at tila napapaisip naman si Marina sa mga sinabi ng kanyang kasama

Marina: Ngiti lang? Kailangan nga ba ako huling ngumiti...Liam.

Tila nag-babalik kay marina ang mga ala-ala niya sa lalaking si Liam, at sino nga ba ito?

___________________________________________________________________________


Sa lugar kung saan nag bahay-uod ang mga Larva ni Levaiton, muling pinag-masdan niya ang kanyang mga alaga na tila malapit na itong lumabas mula sa kanilang cocoon.

Levaiton: Sige...sige mapisa kayo! Ito na ang simula ng pag-bangon niyo, mga dakilang alagad ng Dranixs! Bumangon kayo mga mothron!!

Ilang sandali pa unting-unti na lumabas ang mga pak-pak at katawan ng mga nilalang  na ito, at naging matagumpay ang kanilang pag-babago ng anyo sa maikling panahon, dahil sa kakaiba nilang abilidad.

___________________________________________________________________________

Kinabukasan ipinakita ni Marion kay marina ang pinaka-bagong Gun Driver ng GINGA Special investigation Unit.

Marina: Ako?!

Marion: Yep ikaw ang napili para gumamit ng Gun Driver na ito...ang Zhapyra, kaya ako umalis dahil sa bagay na to, at base sa mga experience mo...pasado ka para gumamit nang  isang Driver or badge, at higit sa lahat akma sa mga babaeng agent ito...dahil para sa inyo lang talaga ang Zhapyra Drive.

Kyro: Ayos yan Marina! Ngayun magagawa mo ng masabayan si Levaiton! Magagawa mo na siyang matalo ngayun! 

Marina: Kyro?

Kyro: Alam kong magagawa mo yan... ngayun sabay na tayong makikipag-laban sa mga negative! (Ngumiti) 

Ngumiti si Kyro kay marina na tila parang may kahulugan ito sa kanya, at lalo lang niyang na-aalala ang taong si Liam

Marina: Hindi ko alam kung karapat-dapat ako, pero gusto kong subukan...Sir Marion puwede niyo po bang ituro sa akin ang pag-gamit ng bagay na ito?

Marion: Sige walang problema----

Habang ituturo ni Marion ang paraan para sa pag-gamit ng Zhapyra Drive, ay siya naman naka-sagap ng signal mula sa labas ang kanilang underground base. 

Kyro: Teka ano naman yun?

Mei: Kyro! Marina! Humanda kayo, heto na ang hinihintay niyong pag-atake ng mga nakalaban niyo kahapon!

Kyro/Marina: Ano!?

Mei: Nag-evolved na sila, at sa tingin ko mga moth ang mga ito! Mag-madali na kayo at pigilan sila!

Kyro/Marina: Roger!

Umalis sila Marina at Kyro para tulungan ang mga na nga-ngailangan ng kanilang tulong. 
___________________________________________________________________________

Mula sa siyudad ng Cavite, lumipad ang mga mothron. At nag pakawala ito ng mga nakakalasong pulbos mula sa kanilang mga pak-pak.

Dumating ang ilang miyembro ng Elite task force at pati narin ang GINGA SWAT para rumesponde, pero wala rin silang nagawa sa pag-salakay ng mga naturang nilalang. 

AAAAHHHHHHH TTTUUULLUUNNNGAN NIYO KAMI!

Maya-Maya pa ay biglang tumunog ang serena ng isang sasakyan, at ang sasakyang ito ay ang Gun Racer sakay sila Marina at Kyro. 

Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan at bumaba ang dalawa.

Kyro: Ang klase ang mga ito---

Mula naman sa GINGA Underground Base, tumawag si Marion para sabihin ang Intel mula sa kanilang mga kalaban. 

Marion: (Sa kabilang linya) Kyro! Marina Do you read me?

Marina: Loud and clear...

Kyro: Ano yun marion? 

Marion: (Sa kanyang lugar) Ang moth na iyan...wag na wag niyong lalanghapin ang mga powder dust na inilalabas nila,  nakakalason ito at matutuyo din ang mga katawa niyo sa oras na malanghap niyo ang bagay na iyan... ang tanging paraan lang para malapitan sila, ay mag-palit kayo bilang mga Special Police para maselyohan ang katawan ninyo bilang proteksiyon...at siya nga pala, marina. 

Marina: Ano iyon?

Marion: (Sa Kanyang Lugar) pasensiya kung hindi ko na ituro sa iyo...pero ito ang instraction para sa pag-gamit ng Zhapyra Drive....ipapadala ko sa iyo ang detalye. 

Mula sa kanyang smart phone, dumating ang instruction na hinihintay ni Marina.

Marina: Nakuha ko na----

*Aba mukang nag-pakita muli ang mga asungot dito...Kumusta na Agent Asol at Detective Kyro? 

Marina: Levation!

Kyro: Ikaw!

Levation:  Tingnan mo nga naman, hindi ko akalain na magagawa niyo pang-makapunta dito pag-katapos ng lahat ng laban na pinag-daanan niyo, hindi niyo ba nakikita na napakarami ng mga ito para sa inyong dalawa lang?

*Sinong may sabi na dalawa lang sila! *

Mas ikinagulat nila Marina at Kyro ang pag-papakita ni Clyde sa gitna ng Battle Field, at humilera siya kasama nila Kyro.

Kyro: Clyde? Ano nanaman ba ang binabalak mo?

Clyde: Wala akong binabalak na kung ano man, nais ko lang na sundin ang order mula sa akin! At yan ang tapusin ang mga nilalang na yan! Pero huwag kang mag kakamali nang iniisip.

Kyro: Nakaka ulirat ka na…palagi nalang yan ang naririnig ko sayo…pero sige gawin na natin ito! Marina handa ka na ba?

Marina: Oo!

Inilabas ng tatlo ang kanilang mga Driver at sabay pindot sa mga scanner.

Gun Driver Female Voice: DNA Scan Complete!
Gun Snider Male Voice: DNA Scan Complete!
Zhapyra Drive Female Voice: DNA Scan Complete!

Kyro: Ngayun na!

GUN CHANGER!
SNIDER CHANGE!
ZHAPYRA CHANGE!

Biglang nabalutan ng mga kakaibang liwanag ang tatlo, at ilang sandali pa ng humupa ito ay lumabas ang mga mandirigmang may baluti na handang sumupil sa kasamaan.  


Gulat na gulat naman si Levation at Snider sa ginawang pag-babagong anyo ni Marina bilang isang Special Police. 

Levaiton: Impossible ito! Nag-bago na siya ng anyo? Isa na siyang ganap na Special Police!

Snider: Kung Ganon yan pala ang pinaka-bagong Armor na ginawa ng GINGA? Hindi na masama. 

Ipinakita ni Zhapyra ang kanyang Badge

Zhapyra: (Ipinakita ang Badge) Special Detective Zhapyra ng GINGA Special Investigation Unit 7! Inaareto kita sa salang pang-gugulo at pag-patay sa mga inosenteng sibilyan dito! Levation sumuko kana bago pa mahuli ang lahat!

Levation: Wag kang mag-patawa! Tapusin sila mga Mothron!

Biglang lumipad ang mga Mothron at inatake ang tatlong Pulis. 

Gunver: Heto na sila! Marina ipaubaya mo na sa amin ito! Tapusin niyo na ang laban niyong dalawa.

Zhapyra: Sige na-iintindihan ko!

Gunver: Tayo na!

Umatake sila Gunver at Snider sa mga lumilipad na negative, at nag simula na ang matinding labanan para sa kanila.
________________________________________________________________

Lumundag si Zhpayra at ginamit niya ang kanyang Driver para atakehin si Levation.

BANG!-BANG!-BANG!

Pero iniwasan lang ito ni Levation.

Levation: Ang akala mo ba magagawa mo akong matalo kahit na naka-suot ka na ng Armor na iyan? Puwes nag kakamali ka parin!

Muling lumipad si Levation sa ere para mag-pahabol naman siya kay Zhapyra.

Zhapyra: Tumakakas ka nanaman hah! Sige tingnan natin kung anong meron dito.

Mula sa kanyang Computer Helmet, tiningnan ni Zhapyra ang  armor configuration  kung anong meron dito...at nakita niya na meron din itong Mini-Booster sa likod.

Zhapyra: Ayos tamang-tama ito! Heto na!

Hinabol ni Zhapyra ang lumilipad na si Levation at ikinagulat muli ito ng Cyborg Warrior.

Levation: Anong! Hindi maaari ito!

Zphayra: Humanda ka ngayun!

Isang matinding labanan sa ere ang nang-yari sa pagitan ng dalawang mandirigma, palitan ng putok at atake ang namayani sa kanilang pag-lalaban.

______________________________________________________________________________

Samantala sa GINGA Underground Base pinag-mamasdan ni Mei ang nagiging pakikipag-laban ng kanyang estudiyante na si Marina, at parang nakikit niya ang sarili niyo noon panahong mag-kasama pa sila ni Kaiza sa team.

Mei: Ibang klase, hindi ko akalain na ganyan na pala kahusay si Marina ngayun, hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na maalala ang nakaraan noong panahong mag-kasama pa kami ni Kaiza sa team.

Marion: Natural ang talento na taglay niya, kaya nag-pasiya si Chief Insp. Marcus na ibigay sa kanya ang Driver na yan, ng saganon matulungan niya si Kyro sa mas matinding laban.

Mei: Mukang magagawa pa niya akong mahigitan, anong sa tingin mo? 

Marion: Malay natin...

______________________________________________________________________________

BANG!-BANG!-BANG!

Walang humpay parin ang pag-lalaban nila Zhapyra at Levation sa ere hanggang sa isang malakas na sipa ang binigay sa kanya ng Cyborg warrior at tumalsik ito

Zhapyra:  Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ni Kyro kapag nakikipag- laban siya bilang isang Special Detective...kailangan ko siyang matalo dito para hindi ako maging kahiya-hiya... Gun Analyzing!

Gamit ang computer helemet ni Zhapyra hinahanap nito ang weak spot o data mula sa kalaban

Zhapyra: Nakita ko na!

Ginamit muli ni Zhapyra ang kanyang Computer helmet, at sa pag-kakataong ito ang weapon configuration naman ang kanyang hinanap.

Levation: Hindi kita hahayaan!!!

Zhapyra: Heto na!

Pinag-dugtong ni Zhapyra ang kanyang dalawang Driver para makabuo ng isang sandata na kung tawagin ay Zhapy Trial.

Zhapyra: Zhapy Trail! Target lock on! FFFFIIIIIIRRREEEEEE!!!!

Isang malakas na Blast ang pinakawalan ni Zhapyra mula sa kanyang Zhapy Trail, at dahil doon 
hindi nagawang maka-iwas ni Levation sa ginawang atake ni Zhpayra.

BBBBBBBBBBAAAAAAAAALLLSSSSTTTTT!!
BBBAAAAAAAAAGGGGGGGGG

Bumagsak si Levaiton sa isang gusali at doon nag-kasira-sira ang kanyang baluti, bumaba naman mula sa ere si Zhapyra para tingnan kanyang kalaban. 

Levaiton: Eerrrr...hindi ko akalain na magagawa mong patamaan ang aking main circuit! …mukang nagging mahusay kang Special police.

Zhapyra: (Tinutukan ng Zhapy trail) Sabihin mo! Sino ka at ano ba talagang pinag-mumulan ng 
lahat ng ito! Sumagot ka!

Levaiton: Oppsss sandali lang...wag mo naman akong harasin, kita mo naman sira na nga ang katawan ko, tapos ganyan ka pa kung makapag-salita... hinay-hinay lang puwede.

Hindi lingid sa kaalaman ni Zhapyra na merong pang binabalak si Levaiton.

Zhapyra: Tumahimik ka! Masyado ng maraming nawala nang  dahil sa mga pinag-gagawa niyo! Kung hindi mo sasabihin sumama ka nalang sa amin!

Pero ilang sandali lang.

Levaiton: Yun ang akala mo!

BBBBBBBBBBBBOOOOOOOOOOMMMMSSSSS

Nag bato ng isang smoke grenade si Levaiton at ito ang ginamit niya pag-takas. At ng humupa ito ay laking gulat na ng babaeng agent na wala na ang kanyang kalaban.

Zhapyra: Anong! Nakatakas siya! 

_________________________________________________________________________

CHEST CANNON!

BBBBBBOOOOOOOMMMMMSSS
BRATATATATATATATA

Sunod-sunod na pag-sabog ang nang-yari ngayun sa pakikipag-laban nila Gunver at Snider.
Pero halos walang kaubusan ang kanilang mga kinakalaban, at halos paubos na ang enerhiya ng kanilang Armor.

Gunver: Asar! Ang dami parin nila! Halos pababa na ang aking Energy Level sa aking armor...ano mang minuto babagsak na ito. 

Snider: Tumahimik ka nalang puwede! Nakakasira ka lang ng diskarte!

Gunver: Wag mo nga akong sabihan! Buwiset ano na kaya ang ginagawa ngayun ni Marina---

Habang nag-iisip ng kanilang gagawin ay merong isang mothron na umatake kay Gunver sa likod, pero ilang sandali lang ay.


BBBBBLLLLLAAAASSSSTTT!!

Isang blast ang tumama sa isang mothron na umatake kay Gunver, at ikinagulat ito ng detective, at ang may kagagawan nito ay si Zhapyra.

Zhapyra: Kyro ayos ka lang?

Gunver: Ayos lang ako...teka astig yan ah, nakakalipad pala ang amor mo! Ibang klase ka marina! Ikaw talaga ang pinapangarap ko!

Bumaba si Marina sa lupa at tumagpo kila Gunver.

Gunver: Sandali may na iisip ka na bang paraan? ...kasi itong isa ayaw makipag-cooperate gusto niyang sulohin ang mga kalaban ng siya lang.

Snider: Ano ba ang pakielam mo....diskarte ko ito at kung meron kang naiisip na iba sige gawin mo na, dahil hindi ako makikielam sa inyo.

Zhapyra: Puwede ba tumahimik nalang kayo! Ako na ang bahala meron na akong naiisip na paraan.

Gunver: Talaga! At ano naman yun? 

Zhapyra: Ako na ang bahala! Booster on!

Biglang lumipad si Zhapyra gamit ang kanyang booster, at sa pag-lipad nito ay biglang sumunod ang mga mothron sa kanya, nag-taka naman sila Gunver kung bakit ang babaeng Agent lang ang sinusundan nito.

Snider: Teka anong binabalak niya!?

Gunver: Kung ano man yun! Siya lang ang nakaka-alam. 

_______________________________________________________________________

Mistulang naging malaking habulan ang nang-yayari sa ere, nagulat ang lahat ng tao sa mga nang-yayari.

Zhapyra:  Sinasabi ko na nga ba at ma kukuha ko ang kanilang atensiyon, gamit ang liwanag mula sa mga flares na pinapakawalan ko...sige sumunod lang kayo!

Nag-pahabol parin si Zhapyra sa mga Mothron, at hanggang sa makarating sa isang madilim at abandonadong ware house. At doon niya isinagawa ang kanyang plano.

Halos ginagamay pa ni zhapyra ang mga sandata ng kanyang armor, at sandali lang ay nakita ni Zhapyra ang isa sa mga sandata na meron siya. 

Zhapyra: SIge puwede na ito! 

Mula sa kanyang likuran lumabas ang isang Mini Flare Missile, at lumipad ito sa loob ng madilim at abandonadong ware house at doon sinundan ito ng mga Mothron dahil sa liwanag na pinakawalan nito, at ilang sandali pa ay...

BBBBBBBBBOOOOOOOOMMMMMSSSSS

Sumabog ang ware houses kasama ng mga nilalang na nang-gugulo sa mapayapang siyudad.
Maya-maya pa ay dumatingn naman si Gunver at Snider para tingnan ang ginawa ni Zhapyra.

Gunver: Nagawa niya! Marina!!

Bumaba naman sa ere si Zhapyra.

Zhapyra: Kyro! (Thumbs up)

Snider: Hmp!
___________________________________________________________________________

Sa Dranixs Aquarium Base, saksi si Primo sa bagong alagad ng GINGA na si Zhapyra.

Primo: Zhapyra, isa nanamang hadlang sa mga plano ng dranix, kailangan na talagang mawala kayo sa landas naming. Sa kahit anong paraan. 


Case Continued....









No comments:

Post a Comment