Saturday, April 11, 2015

Case 15: Levaiton vs Marina






Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. 
Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement

GINGA-Cafe...

Nag-pasalamat si Louie sa ginawang pag-tulong sa kanya ni Kyro,ng dahil sa kanyan naging matagumpay ang kanyang kauna-unahang first major concert sa bansa. 

Louie: Maraming salamat Detective Anjelo, kung hindi dahil sa inyo malamang hindi natuloy ang concert ko, (nalungkot) yun nga lang hindi ko lubos maisip na ang kaibigan ko pa ang siyang-nag tatangka sa akin, nakakapanghinayang talaga.

Kyro: Ako rin naman, siguro kung kaibigan ko lang si Alisa. Masasaktan din ako dahil sa kaibigan ko pa ang hahatak sa akin paibaba. by the way maraming salamat sa autograph mo hah! Hehehe sana sa uulitin kunin mo uli kami bilang personal body guard mo!

Louie: I will...sige hanggang sa muli natin pag-kikita Detective. 

Umalis si Louie pag-katapos makipagusap kay Kyro, samanatala hanggang tenga naman ang ngiti ng detective dahil sa nakakuha na siya ng autograph mula sa kanyang idol.

Marina: Siguro naman masaya ka na at nakakuha ka ng autograph sa idol na yun?

Kyro: Syempre naman itatago ko ito bilang isang kayamanan, hehehehe grabe bihira lang ito...siya nga pala pumunta na tayo sa HQ para i-interrogate si Alisa, para makakuha ng impor---

*Kung kukuha kayo ng impormation tungkol sa Negative na nahuli niyo kalimutan niyo na lang*

Nag-pakita si Mei at nag-salita ito tungkol sa negative na nahuli nila.

Kyro: Ate Mei? Bakit naman? Nakahuli kami ng isang negative? Kailangan namin ng impormation para mabuo na namin ang kasong ito.

Mei: Ang Security Convoy na nag-dadala sa Negative na si Alisa, inambush ito kagabi bago pa siya madala sa HQ.

Ikinagulat nila marina at kyro ang narinig nilang balita  tungkol sa pag-kakaambush ng sasakyan na nag-dadala kay alisa.

Kyro/Marina: Ano!! 




Case 15: Levaiton vs Marina

Sa flyover sa may bicutan, ikinagulat nila Kyro at Marina ang nakitang bagay, tila hindi pinatawad ng mga salarin ang lugar ng pinang-yarihan ng krimen.

Kasalukyang nag-hahanap ng ibedensiya ng mga tauhan ng GINGA crime investigation unit. 

Kyro: Hindi maaari, ang susi natin para malutas ang mysterio na ito.

Marina: Wala na.

Ilang sandali pa dumating si Clyde at ang ilang miyembro ng Section Zero para mag-imbestiga rin.

Clyde: Hindi ko inaasahan na mag-kikita tayo dito ngayun. Detective Anjelo at Agent Asol.

Marina: Clyde!?

Kyro: Ano naman ang ginagawa mo dito?

Clyde: Nakatangap ako ng order na nag-karoon ng isang ambush dito, at kaming mga taga section zero ang naatasan para linisin at ayusin ang kasong ito.

Ngunit tila nainis naman si Kyro sa sinabi ni Clyde, na tila inaagawan sila ng trabaho ng mga ito.

Kyro: Paki-ulit nga ang sinabi mo! Hoy para sabihin ko sa iyo hawak na ng Special Investigation unit ang kaso tungkol sa negative, at ang lugar na ito ay hawak narin namin para imbestigahan, ako ang nakahuli sa negative nayun! At kami lang ang may-karapatan na tumapos sa kasong ito!

Clyde: Ganon ba? (Sumenyas) kung ganon kailangan pala namin kayong iligpit dito para wala nang makielam pa!

Tinutukan ng baril  sila Kyro ng mga tauhan ng Section Zero.

Kyro: (Galit) Ikaw! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!

Ilang sandali pa pumagitna si Marina at pinigil ang namumunong tensiyon sa dalawang panig.

Marina: Puwede ba hindi ito ang oras para mag-bangaan tayo! Dapat nga nag-tutulungan tayo para maresolba ang kasong ito!

*Tama ka kailangan niyo ngang mag-tulungan para maresolba ang lahat*

Pag-tingala nila Kyro at Marina, nakita nila ang nag-salitang boses at ang boses na ito ay pag-mamayari ni Levation.

Kyro: Levaiton!

Marina: Ikaw!

Levation: Hahahahaha nakakatuwang isipin na ang pare-parehong pulis ang siyang nag-kakasagupa dahil lamang sa iisang bagay. 

Clyde: Kung ganon Ikaw ba ang may-pakana ng lahat ng ito? Ikaw ba ang nag-pasabog sa Security Convoy ng GINGA! Sagutin mo ako!!!!

Levation: Ako nga! At ako mismo ang tatapos sa inyo ngayun dito!

Nag labas labasan ang mga Skullz mula sa kung saan at inatake niya ang mga tauhan ng GINGA pati narin ang Section Zero.

At nagsimula na ang matinding putukan at labanan sa dalawang panig.

BBBBBBAAAAAAAGGGGG
BAAAANNNNGGG

Isang malakas na sipa ang isinalubong ni Kyro sa isang Skullz. at isa namang putok ng Gun Snider ang pinakawalan ni Clyde sa kanyang kalaban.

Clyde: Mga asungot! Wala akong panahon para makipag laro sa inyo!

Kyro: Bahala ka na diyan...ilalamapaso ko nalang ang mga ito kahit ako lang mag-isa.

 Inilabas ni Kyro ang kanyang Gun Driver at si Clyde naman ang kanyang Gun Snider.

Gun Driver Female Voice: DNA Scan complete.
Gun Snider Male Voice: DNA Scan complete.

Kyro: Gun Changer! 
Clyde: Snider Change!

Nabalutan ng mga kakaibang liwanag ang dalawang pulis, at ilang sandali pa nag-bago na ang kanilang anyo bilang mga Special Police at Detective.

Binago ni Gunver ang kanyang Gun Driver mula sa pagiging baril sa pagiging dagger, at nakipag-sabayan siya sa mga Skullz.

Samantala si Snider naman ay ginamit ang husay niya sa taekwondo at sa pag-hawak niya ng sandata.

Snider: Wag kang makielam!

Pinaputukan ni Snider si Gunver na nakikipag-laban sa mga Skullz ngunit imbes na si Gunver ang tinamaan, iniharang ni Gunver ang isa niyang kalaban at ito ang sumalo sa bala para sa kanya.

Gunver: Hoy sira ulo ka ba! Hindi ito ang oras para mag-laban tayo! Kita mo naman na napakarami nila!

Snider: Wala akong pakielam! Mamatay ka ngayon!

Nag-patuloy parin ang pakikipaglaban nila Gunver at Snider, ngunit hindi sila pabor sa isa’t isa na  mag-tulungan bagkos , silang dalawa ang nag-lalaban.

____________________________________________________

Sabay na ginagamit ni Marina ang husay sa Aikido at husay sa pag-hawak sa Dual Hand Gun.

BBBAAAAANNNNNGGG
BBBBBBBOOOOOOOGG

Napansin ni Marina na nag-lalaban ngayun ang dalawa ni Gunver at Snider, at akama naman niya itong pipigilan para matigil sila. Ngunit biglang humarang si Levation at siya ang pinigilan.

Marina: Kyro!

Levation: At saan ka pupunta hah! Ako ang harapin mo!

Gumamit din ng husay sa aikido si Levation, at nakipag-sabayan siya sa babaeng agent na si Marina.

Halos hindi nag-patalo ang dalawa sa pakikipag-laban, isang suntok ang ginawa ni marina ngunit nasalag ito ng cyborg warrior, at gumanti ito ng malakas na suntok sa sikmura.

BBBBAAAAAGGGGG

Napa-atras ang babaeng Agent sa ginawa ni Levaiton.

Levaiton: Hmmmp yan lang ba ang kaya mo! Napakahina mo naman pala para sa isang aikido user.

Marina: Tumahimik ka!

Kaagad tumayo si marina at isang malakas na sipa ang ginawa niya, sabay kalabit ng gatilyo mula sa kanyang dual hand gun!

BANG!-BANG!-BANG!-BANG!
_______________________________________________________

Kasabay ng pag-lalaban nila ni Snider, ay kasabay din ang pag-tumba ng mga kalaban Skullz.

SLASH!

Isang Slash ang ginawa ni Gunver sa isang Skullz at sunod-sunod naman na putok ang ginawa ni Snider sa kalabang Skullz ni Gunver.

At halos silang dalawa lang ang umubos sa mga ito.

Napansin naman ni Gunver na nakikipag-laban ang kanyang partner sa cyborg warrior na si Levaiton.

Gunver: Marina!

Akma naman tutulungan ni Gunver si Marina ngunit hinarang siya ni Snider at pinaputukan ito.

Snider: Hanggang diyan ka nalang!

BRATATATATATATATATA

Gunver: AAAAAARRRRRGGGGGHHH

Tinad-tad ni Snider si Gunver ng kanyang Gatling at tumalsik ang detective sa concreto ng flyover at bumalik ito sa pagiging kyro.

Kyro: (Lubhang nasaktan) Asar ka!

____________________________________________________

Nakita naman ni Marina kung paano nilampaso ni Snider ang kanyang partner.

Marina: Kyro!

Levation: Hoy dito ka lang tumingin! 

Inatake muli ni levation si marina, ngunit nakipag-sabayan muli ang babaeng agents, kamao sa kamao ang naging laban nila, pero naging lamang at nanaig ang lakas ng cyborg warrior kaya hindi rin umubra ang pakikipag-laban na ginawa ni marina  kay levation.

Nasaktan din si Marina sa mga natamong pinasala niya kay Levation, at habang naka-bulagta ito nilapitan muli siya ng kanyang kalaban at tinutukan siya ng kanyang sandata.

Levaiton: Mag-paalam ka na! Agent Asol.

BBBBBAAAAANNNNNGGGG

Isang putok ng baril ang nag-pahinto sa gagawin sanang pag-paslang kay Marina, at ang may kagagawan nito ay si Kyro na lubhang nasugatan dahil sa pakikipag-laban niya kay Snider.

Kyro: (Lubhang nasaktan) Hindi kita hahayaan sa gusto mo! 

Marina: (Hirapan) Kyro?

Levaiton: HAHAHAHAHAHA akalain mo nga naman, kahit bugbog sarado kana pinilit mo paring makatayo para lamang iligtas ang babaeng ito! Ibang klase talaga kayo mga taga GINGA, talagang walang makakapantay sa samahan niyo, siguro hindi ito ang tamang oras para patahimikin kayong dalawa. Meron panamang ibang pag-kakataon hanggang sa muli!

Tuluyan ng nag-teleport si Levation at naiwan naman sila Marina at Kyro sa naging battle field nila, samantala bumagsak naman si Kyro at nang-hihina na ito sa mga pinsalang natamo niya mula kay snider.

BBBBAAAAAAGGG

Marina: Kyro!

Kaagad naman nilapitan ni Marina ang kanyang partner para tingnan ang kalagayan nito.

Marina: Kyro! Kyro! Sumagot ka ayos ka lang?

Kyro: (Nang hihina) Ayos lang ako...mabuti at umabot ako.... Hi Hi Hi hindi ko ata masisikmura na may mangyari sa maganda kong partner.  

Marina: Sira ka talaga!

Kyro: (Ngumiti) Ayos lang maging sira...basta ligtas ka.

Nakangiti parin si Kyro kay marina kahit na lubha na itong nasaktan.Ilang sandali pa lumapit muli si Snider at bumalik ito sa pagiging Clyde.

Marina: Clyde! Ikaw bakit mo kailangan gawin ang mga bagay na ito? Sagutin mo ako bakit!

Clyde: Sumusunod lang ako sa order, sa oras na makielam si Detective Anjelo sa gagawin namin imbestigation dito. Kailangan namin siyang i-neutralize.

Marina: Kahit na! Hindi mo kailangan gawin ang mga bagay na ito! Kapwa tayo mga alagad ng batas dito dapat hindi tayo ang nag-lalaban-laban!

Unti-unting tumayo si Kyro mula sa kandungan ni Marina.

Kyro: Marina wala na tayong magagawa sa bagay na yan....masyado na siyang manhid sa mga utos na sinusunod niya...kaya ang pagiging tao niya...siguro nakalimutan na niya!

Tila naman walang epekto ang sinabi ni Kyro kay Clyde.

Clyde: Hmp wala akong pakielam kung ano ang iniisip niyo sa akin! Pero sa susunod na makielam muli kayo...sisiguraduhin ko mawawala na kayo. 

Iniwan ni Clyde ang dalawang Sugatan na tauhan ng Special Investigation Unit, at ang crime scene na iniimbestigahan nila ay tila nabura na at impossible na makakuha pa sila ng ibedensiya. 
_____________________________________________________

Dranix Aquarium Base.

Nag-ulat si Levaiton kaugnay sa ginawa niyang pakikipag-laban sa mga Special Police ng GINGA.

Tersera: Magaling ang ginawa mo Levaiton, hindi ko akalain na magagawa mong tangalin ang lahat ng kalat na ginawa ni Spiker, maasahan ka talaga.

Levaiton: Maraming salamat Ms.Louie—ah hindi pala Master Tersera.

Primo: Tersera!

Tersera: Master Primo? 

Primo: Sa susunod na gagawa ka ng hakbang mag-ingat ka, ayaw kong malalagay tayo sa alanganin dahil sa mga kagustuhan mo! Tandaan mo kailangan natin itago ang lihim ng ating samahan, pero kailangan din malaman ng mga tao na tayo dapat ang siyang mag-hari dito sa mundong ito. Dahil yun ang tungkulin na inaataw sa atin.

Tersera: Hay nako tigilan mo na nga ako sa panenermon mo! Sige na mag-iingat na ako sa susunod.

Primo: Mabuti kung ganon! (Tumingin kay Levation) Levation!

Levaiton: Ano po iyon Master?

Primo: Gusto kong ipag-patuloy mo ang pakikipag-laban sa mga Special Police ng GINGA, sa nakikita ko masyadong nasaktan ang detective na yun sa pakikipag-laban niya sa special police na si snider, at imposible na makipag-tulungan siya sa babaeng agent na iyon...kaya alam mo na ang gagawin mo! Pinahihintulutan kitang gamitin ang mga nais mo.

Levaiton: Masusunod po kung ganon, asahan niyo na sa pag-kakataong ito mawawala na sa landas natin ang mga Special Police at ang mga taga GINGA.

_______________________________________________________

GINGA-09 Private Plane.

Isang private plane ng GINGA ang patungo ngayun sa pilipinas galing sa bansang america, at ang sakay ng naturang eroplano ay walang iba kung hindi si Marion.

GINGA Pilot: Professor Hernandez ano mang oras po ay makakarating na tayo sa philippine area, kaya konting pag-hihintay nalang po.

Marion: Ganon ba, maraming salamat naman kung ganon. Kailangan ko na talagang mag-madali para maibigay ang bagay na ito sa kanila (Hawak ang isang Attache case) Ang Zhapyra, nakaka sigurado akong malaki ang maitutulong nito.

Ano kaya ang bagay na gustong ibigay ni Marion?
______________________________________________________

GINGA Cafe underground Base.

Nag-report din si Marina tungkol sa naging-pakikipag laban nila kay Levaiton.

Mei: Ganon ba, mukang delikado nga talaga itong si Levaiton, maaaring siya ang nasa likod ng pag-ambush sa security convoy natin, malamang na na pag-handaan na nila ang lahat ng puwedeng mang yari.

Marina: “Nila”? Ibig sabihin ang---

Mei: Tama ka... malamang ang Dranixs ang may pakana nito, pero hindi parin malinaw kung ano nga ang dahilan, kaya kailangan natin makuha ang mga sagot sa tanong natin... Marina.

Marina: Ano po iyon?

Mei: Gusto kong  i-handa ang sarili mo, ano mang oras puwede sumalakay muli ang mga kalaban, hindi natin maasahan ngayun si Kyro at lalong hindi natin maasahan ang cooperation ni Clyde. Kaya kahit anong mang-yari kailangan mong maging alisto.

Marina: Opo!
__________________________________________________

Samantala patuloy parin ginagamot ni Sherry ang mga sugat na natamo ni Kyro mula sa pakikipag-laban niya kay Snider.

Kyro: Aray...grabe hindi ko lubos maisip na kayang pumatay ni Clyde...para lamang masunod ang order na inaataw sa kanya...ano bang klaseng tao siya? At anong klaseng tao ang kumokontrol sa kanya?

Sherry: Siguro kuya kyro, meron lang siyang pinag-dadaanan kaya siya ganon.

Kyro: Paano mo nasabi ang bagay nayan?

Sherry: Sa tingin ko, merong mga bagay na kailangan niyang protektahan, at ang mga bagay na yun ang nag-uudyok sa kanya para sundin ang mga utos na labag sa kanyang prinsipyo. Kahit na hindi ko pa siya kilala o nakikita sa personal, nakikita ko na isa siyang mabuting tao. 

Kyro: Maaaring ganon nga, pero ang sa akin lang. May sarili siyang pag-iisip at kaya niyang mag-desisyon  para sa sarili niya, hindi niya kailangan mag-pa dikta sa sinasabi ng iba lalo na kung alam mo naman sa sarili mo na labag sa puso mo ang ginagawa mo...kaya pinapangako ko sa sarili ko na gigisingin ko talaga  siya sa katotohanan.

Sherry: Kuya Kyro? 
_________________________________________________

Sa labaratoryo ni Quinta nag tungo si Levaiton para kunin ang mga bagay na ka-kailanganin niya.

Levaiton: Master Quinta.

Quinta: Ikaw pala Levaiton...anong maipag-lilingkod ko sa iyo? 

Levaiton: Nais ko lang po sana na humingi ng mga kagamitan na puwede kong gamitin laban sa mga Special Police,  kung hindi niyo mamasamaain gusto kong magamit sa labanan ang mga Larva.

Quinta: Ang mga larva ba kamo? Teka para sabihin ko sa iyo hindi basta-basta ang kakayahan ng mga Evolving Species na ito, kung ikukumpara mo siya sa Rapandol kaya nitong mag-bago ng anyo kahit na wala silang ginagamit na Blue Injection...dahil ang pinaka-kailangan nila ay ang dugo ng isang tao.

Levaiton: Kung ganon mas kakailanganin ko nga sila...para makita ng mga tao kung ano talaga ang kaya nating gawin.
______________________________________________

Balik sa GINGA Cafe

Nasa kuwarto niya ngayun si Marina, at tila meron siyang iniisip na isang bagay, habang naka-upo sa kanyang computer desk, kinuha niya ang isang picture frame. At ang nasa larawan nito ay si marina at isang lalaking naka-akbay sa kanya.

At habang tinitingnan niya ang larawan tila naalala niya ang mga sinabi ni Kyro sa kanya kanina.

Kyro: (Ngumiti) Ayos lang maging sira...hehehe basta ligtas ka.

Marina: Bakit...Bakit noong ngumiti sa akin ng ganon si Kyro...bakit naalala parin kita?

Unting-unti na tumulo ang luha sa mga mata ni marina, na para bang may bumabalik sa kanyang mga masasayang ala-ala.

Marina: (Umiiyak) Bakit...Bakit kailangan mo akong iwan ng ganon nalang... (Hinaplos ang larawan ng lalaki) Liam.

Habang nagiging sentimental si Marina, siya namang tumunog ng alarm ng base nila.

Alert!-Alert!-Alert!

Marina: (pinunasan ang luha) Heto na sila.
_________________________________________________

Kaagad nag tungo si Marina sa Command Room ng Underground Base para tingnan ang nang-
yayari.

Marina: Anong nang-yayari?

Mei: Umaatake ang mga hindi pang-karaniwang nilalang sa Quezon City, tumawag na ako sa HQ para sa back-up, ngayun marina pumunta ka na doon kailangan ka ng mga tao.

Marina: Opo!

Akmang aalis sana si Marina ng biglang pumasok si Kyro na meron pang benda sa kanyang katawan.

Kyro: Sandali marina!

Marina: Kyro?

Kyro: Sasamahan kita...hindi ko hahayaan na mag-isa mo lang gagawin ito,  Kailangan kahit anong oras mag-kasama tayo sa bawat laban, dahil mag partner tayo. 

Parang nagulat si Marina sa sinabi ni Kyro, dahil parang narinig na niya ang mga salitang ito.

Mei: Sige Kyro pinapayagan kitang sumama, pero kailangan mo ring mag-ingat. Bilisan niyo na naroon na ang Elite Task Force at GINGA SWAT para tumulong.

Kyro/Marina: Roger that.

Kaagad sumakay sa Gun Racer sila Kyro at Marina para mag-tungo sa pinang-yayarihan ng kaguluhan.
________________________________________________

Sa itaas ng gusali pinag-mamasdan ni Levaiton ang nang-yayaring kaguluhan, gamit ang mga larva inatake nila ang mga inosenteng sibilyan.

Levaiton: Tamang-tama ito, sa oras na makakuha sila ng dugo ng isang tao, doon palamang lalabas ang kanilang mga tunay na lakas at anyo.

AAAAHHHHHH TULUNGAN NIYO KAMI

Dumating ang mga tauhan ng Elite Task Force at GINGA S.W.A.T para rumesponde ngunit ikinagulat nila ang mga nilalang na umaatake sa siyudad.

GINGA Police: Anong klaseng mga nilalang yan?

GINGA Police2: Mga muka silang linta, pero meron silang mga kamay at paa

Ikinagulat palo nila na hinigot ito ang dugo ng kanilang biktima hanggang manuyo ito, dahil doon na-alarma na ang mga GINGA Police.

GINGA Police3: Sir kailangan na nating tapusin ang mga yan bago pa sila makapaminsala ng marami!

GINGA Police: Sige open fire! I-handle natin ang sitwasyon habang wala pa ang Special Police.

ALL: Roger!

Pinaputukan ng mga tauhan ng GINGA ang mga larva na umaatake sa mga tao.
__________________________________________________ 


Maya-maya  pa dumating na ang Gun Racer mula sa pinang-yayarihan ng kaguluhan, at tanaw naman ni Levaiton ang mga taong sakay nito.

Levaiton: Narito na sila...

Mula sa Gun Racer kaagad bumaba sila Marina at Kyro. ikinagulat nila ang mga nilalang na siyang umaatake sa mga sibilyan at mga tauhan ng GINGA.

Marina: Anong klaseng mga nilalang yan?

Kyro: Mukang nag-padala nanaman ng mga wierdong nilalang ang Dranixs, tayo na marina! Tulungan natin sila!

Akma sanang tutulong na sila marina ng mapansin nila ang kakaibang ginagawa ng mga negative, sinip-sip nito ang dugo ng mga kawawang sibilyan hanggang sa matuyo ang mga ito, tila na ngilabot naman ang dalawa sa kanilang nakita, dahil sa oras na mahawakan sila nito ay katapusan na nila.

Kyro: Masama ito! Marina huwag masiyadong lalayo.

Inilabas ni Kyro ang kanyang Gun Driver.

Gun Driver Female vocie: DNA Scan Complete

Kyro: Gun Changer!


Pag-kalapit ng gatilyo ni Kyro mula sa Gun Driver nabalutan ito ng liwanag at nag-bago ang anyo sa pagiging Gunver.

Umatake si Gunver ng buong husay sa mga kalaban, at ginamit niya ang kanyang Gun Driver at pinag-babaril ang mga ito.

BANG!-BANG!-BANG!

Ngunit napansin ni Gunver na hindi tumalab ang mga bala dito.

Gunver: Anak ng! Hindi tumatalab ang mga bala na pinakawalan ko, kung ganon ito ang kailangan ko!

Kinuha ni Gunver ang isang SD Card at inilagay niya ito sa kanyang Gun Driver

Gun Driver Female Voice: SD Memory In! Armor Change... Chain Saw.

Gunver: Hati kayo ngayun! 
______________________________________

Habang nakikipag-laban si Gunver sa mga negative, pinag-mamasdan naman niya si Marina at tila merong mga bagay na tumatakbo sa isipan niya

Marina: (Sa Sarili) Si Kyro nakikipag-laban siya kahit sobrang bugbog na ang katawan niya, sana kaya ko ring lumaban ng kagaya niya. Dahil ayaw kong mang-yari sa kanya ang nang yari kay Liam!

Kumuha ng isang Tar-21 si Marina sa likuran ng Gun Racer, at handa na rin siyang makipag-laban.

Ngunit sa hindi inaasahan ay ang biglang pag-sulpot ni Levaiton, at dinampot siya ng cyborg warrior paitaas.

Levaiton: Huli ka!

Marina: Levaiton
!

Napansin naman ito ni Gunver.

Gunver: Hindi! Marina!!! Mga asar kayo!! Yyaaaaahhhh

Pinag-tataga ni Gunver ang mga Larva gamit ang kanyang Armor Chain Saw at ang ilan sa mga ito ay natumba.

Gunver: Marina!!!
___________________________________________________

BBBBAAAAAAGGGGG

Inihagis ni Levaiton si Marina sa itaas ng gusali para mailayo ito kay Gunver.

Marina: AAAAARRRHHHHGGG

Levaiton: Hindi ko talaga alam kung bakit obsess ako sa iyo. ewan ba parang may mga bagay na talagang nag-lalapit sa atin, na para bang gusto kitang patayin nang mawala na ito.

Marina: Ano? 

Laking gulat ni Marina na merong gamit na Winged Jet sa likuran  si Levaiton at nakakalipad ito sa pamamagitan nito.

Marina: Imposible!

Akma sanang bubunot ng kanyang Baril si Marina, ngunit naunahan siya ni Levaiton sa pag-tutok.

Levaiton: Opppsss sa oras na bunutin mo yan katapusan mo na... Pero kahit na bunutin mo iyan! Wala ring mang-yayari. 

Bahagyang lumayo si Levation para gawin ang kanyang atake, at ito ay para tapusin na si Marina.

Levation: KATAPUSAN MO NAAAAA!!!!!

Naka-bulagta lang si Marina dahil sa pinsalang natamo niya, ano kaya ang na-iisip niyang paraan para makawala sa sitwasyong ito?

Mag-tagumpay kaya si Levation sa pag-tapos kay Marina, at si Gunver magawa kaya niyang pigilan ang mga negative na nag-kalat sa siyudad? 

Case Continued 

No comments:

Post a Comment