Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga
kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang
mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na
magkaroon ng copyright infringement
Isang security measure ang
isinagawa ni kyro at marina para sa kaligtasan ng isang sikat na Idol na si
Louise Ann Morales, o mas kilala bilang si Louie.
Ngunit hindi rin inaasahan ang
pag-papakita ng isang Negative na siyang tumatarget ngayun sa Idol, ano kaya
ang pakay ng nilalang na ito?
Ngayun ay nalagay sa isang
alanganing sitwasyon muli si Kyro.
Bumilog ang negative na si Spiker
na parang isang malaking Bola, at lumabas ang mga spike nito sa likod, at akmang sasagasaan niya ang detective mula sa pag-gulong niya para tapusin ito gamit ang
kanyang matatalas na Spike.
Spiker:
Mag paalam ka na!
Gunver: Hindi!
Case 14: Back-up singer
Nag kameron ng pinsala sa Armor
ni Gunver at lubha itong nasaktan dahil sa atakeng ginawa ni Spiker sa kanya.
Gumugulong patungo kay Gunver ang
anyong bolang si Spiker, at ano mang oras puwede siyang daaganan nito ng mga
matatalas na tinik mula sa katawan nito.
Kaagad namang umisip ng paraan si
Gunver para makatayo, at naisip niyang gamitin ang Gun Liner at ipinutok kaagad
niya ito at kumapit sa isang bakal para mag-pahila paitaas.
BBBBBBAAAAAAANNNG
Gunver: Muntik
na ako doon ah!
Bumalik naman sa dating anyo si
Spiker bilang negative.
Spiker:
Hindi ka makakalusot !----
Ilang sandali pa ay biglang
dumating ang Gun Racer at sinagasaan si Spiker, at tumalsik sa isang Pader.
BBBBBAAAAAAGGGGGGG
AHHHHHHHH
Gunver: Ang
galing ng timing mo ah!
Bumaba naman si Gunver sa kanyang
pag-kakasabit at ganon din si Marina sa Gun Racer.
Marina:
(Tinutukan ng Baril) Hanggang diyan ka nalang!
Spiker:
Grrrrrr....hindi pa tayo tapos mga asungot!
Humugis muli ng pabilog si Spiker
at tumakas ito.
Samantala bumalik naman sa dati
niyang anyo si Gunver at naging si Kyro.
Kyro:
(Lubhang nasaktan) Errr...salamat marina, ayos talaga ang timing mo.
Marina:
Walang ano man, mukang malaki ang naging pinsala mo ah?
Kyro:
Hindi naman masyado, pasalamat nalang tayo at naka-isip ako ng paraan para
makaalis sa sitwasyon na iyon.
Marina:
Ang mabuti pa bumalik na tayo kung nasaan si Ms. Louie, panigurado nag-aalala
narin yun.
_____________________________________________
Sa Silid ni Louie
Bumalik sila Kyro doon at
pinaalam ang nang yari.
Louie:
Ganon ba, mukang desidido ang nilalang na iyon na paslangin ako? Detective
bukas na ang concert ko, at ayaw kong masira ang mga pangako ko sa mga fans,
Kyro:
Wag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan para makita siya at malaman kung sino
ang nasa likod ng lahat ng ito, sa ngayun meron akong pina-analyze kay marina
na isang ebidensiya.
Marina:
Kyro nabangit mo rin lang yan, ang totoo niyan wala kaming nakuha sa sample na
nakuha mo sa field kanina, lumalabas lang na isang ordinaryong spike lang ng
Porcupine ang nakuha mo.
Ikinagulat naman ni Kyro ang
narinig niya mula sa partner.
Kyro:
Pero papaano? Mali ba ang nakuha kong sample? Pero kitang-kita ko naman na sa
katawan niya mismo lumalabas ang mga tinik na yun.
Marina:
Kahit si Ms. Mei ikinagulat ang bagay na iyon, hindi rin kami makapaniwala. Na
isang ordinaryong tinik lang yan mula sa isang mammal.
Nadismaya naman si Kyro sa mga
sinabi ni Marina.
Kyro:
Malas! Ang akala ko yun na ang mag-dadala sa atin papunta sa suspect ----
*Tok!-Tok!*
Ilang sandali lang habang
nag-uusap sila Kyro sa loob ng silid ni Louie ay siya namang pumasok si Alisa,
ang best friend ni Louie.
Louie:
Alisa!
Kaagad lumapit si Louie sa
kaibigan para kumustahin ito.
Alisa:
Pasensiya kung medyo natagalan ako, meron lang kasi akong inasikasong bagay, ang kulit lang kasi ng boyfriend ko kaya hindi ko matangihan.
Louie:
Ikaw talaga masyado mo naman binibigyan ng mas mahabang panahon ang Boyfriend
mo hihihi nag-seselos tuloy ako, (Hinawakan sa braso).
Alisa:
Aray!
Napa-aray si Alisa dahil sa
pag-hawak sa kanyang braso ni Louie, at tila naman merong kakaibang hinala si
Kyro.
Louie:
Teka napaano yan?
Alisa:
Ah wala naman naipit lang ako sa pintuan kanina, kaya wag mo ng alalahanin ito,
ang mabuti pa ihanda mo nalang ang sarili mo para bukas---ah siya nga pala
(Kila Kyro) Maraming salamat sa inyo Detective Anjelo sa pag-babantay sa
kaligtasan ng kaibigan ko, maraming salamat talaga ng marami.
Marina:
Wala yun....tungkulin lang namin na gawin ang trabaho namin.
Nag-hihinala naman si Kyro sa babaeng si Alisa.
_____________________________________________________
Kinagabihan naka upo sa loob sila
Kyro at Marina sa kanilang Gun Racer, at binabantayan ang paligid.
Nabangit ni kyro ang tungkol sa
babaeng si alisa.
Kyro:
Marina.
Marina:
Bakit?
Kyro:
Hindi ka ba nag hihinala?
Marina:
Kanino naman?
Kyro: Kay
Alisa, pakiramdam ko kasi parang may itinatago ang babaeng yun, parang imposible
kasi na maipit ang braso niya sa isang pinto.
Marina:
Bakit mo naman siya pinag-hihinalaan ng ganyan, sa nakikita ko mukang wala
naman siyang kinalaman dito, at isa pa malapit siyang kaibigan ng idol mong si
Louie.
Kyro: Hindi
parin ako mapalagay, kasi kanina noong kalaban ko ang negative, ilang hiwa ng
Gun Dagger ang na ibigay ko sa braso niya at ilang parte nang katawan.
Marina:
Masyado kalang upset, siguro ayaw mo lang na merong lumalapit sa Louie Love mo!
Kyro:
Sira! Basta pakiramdam ko merong mali sa lahat ng ito, Marina meron akong
ipapagawa sa iyo, kunin mo ang lahat ng impormation mula kay Alisa, alamin mo
ang background at past job niya at kung ano
ang ginagawa niya ngayun.
Marina:
Kung yan ang gusto mo sige-----
AAAAAAHHHHHHHH
Habang nag uusap sila Kyro at
Marina ay meron silang narinig na isang malakas na sigaw, at kaagad naman
na-alarma ang dalawa.
Marina:
Ano yun?
Kyro:
Titingnan ko puntahan mo si Louie sa kuwarto niya!
Marina:
Sige!
Pinuntahan ni Marina ang kuwarto
ni Louise at si Kyro naman ay pumunta sa pinang-yayarihan ng sigaw.
______________________________________________
Guard:
AAAAAHHH Lumayu ka! Lumayu ka!!!
Halos matakot na ang guwardiya
dahil sa muling pag-atake ni Spiker sa studio.
Spiker:
Mamatay ka na!!!
Akmang itutusok sana ng negative ang
kanyang spike sa ulo ng kawawang guwardiya ngunit, biglang dumating si Kyro at
pinag-babaril niya ito.
BANG!-BANG!-BANG!
Kyro:
Hindi na kita hahayaan na makatakas ngayun! Gun Changer!
Nag bago ng anyo si Kyro at
naging si Gunver.
Gunver: Lumayo
ka muna! Ako na ang bahala sa kanya!
Spiker:
Ikaw nanaman! Bakit ba palagi ka nalang nakikielam sa mga ginagawa ko!
Gunver: Pasensiya
na trabaho lang walang personalan!
Lumundag si Gunver at isang flying
kick ang ginawa niya sa kalaban, at pag-katapos noon ginamit naman niya ang
husay niya sa Mix Martial Arts, mag kakabilang suntok at sipa ang ginawa niya,
ngunit biglang nag labas ng spike si Spiker mula sa kanyang mga katawan, at
dahil doon nahinto si Gunver sa kanyang pag-atake.
Gunver: Madugas!
Kung ganon heto naman!
Gun Driver Female Voice: SD Memory In! Armor Change, Chain Saw!
Inatake ni Gunver si Spiker gamit
ang kanyang Chain saw.
_____________________________________________
Samantala nag-madali naman si
Marina papunta sa silid ni Louie.
BBBBBAAAAAAGGGGGG
Sinipa ni Marina ang kuwarto ni
Louie at kaagad itong pumasok, naabutan naman niya itong nag-bibihis dahil sa
katatapos lang itong mag-shower.
Nagulat naman ang Idol
Louie: (Gulat)
Teka anong problema agent marina!?
Marina:
(Nakatutok ang baril) Buti naman at ayos kalang, nakarinig kasi kami ng isang
sigaw, kaya nag madali akong pumunta dito. Siguro nadoon yun sa pinuntahan ni
Kyro.
Louie:
Ginulat mo naman ako, akala ko kung sino na...nag bibihis pamandin ako.
Marina:
Pasensiya na Ms. Louie tinitiyak lang namin ang kaligtasan mo.
_________________________________________________
GGGGGGRRRRRIIIIINNNNDEE
Mag-kakasunod na atake ang ginawa
ng Detective gamit ang kanyang Armor Chain Saw, at sa pag-kakataong ito lamang
si Gunver.
Napa-atras nalang ang negative na
si Spiker dahil sa kakaibang lakas na ipanapakita ni Gunver.
Gunver: Oras
na para arestuhin ka! Bullet Change Electric!
Gun Driver Female Voice: Bullet Change Affirmative.
Ipuputok na sana ni Gunver ang
kanyang Gun Driver gamit ang electircal bullet, ngunit naging mas agresibo si Spiker
at inatake niya muli ang detective.
Gunver: Anong!
Sinungaban niya ito, at
ibinalibag ngunit hindi alam ng negative ay merong kinuha si Gunver mula sa
kanyang Side pocket ng kanyang armor, at idinikit sa katawan ni Spiker ng hindi
nalalaman.
BBBBBBBBAAAAAAGGGGGG
Napatalsik nalang ang detective
sa lakas ng pag-banga na ginawa ng negative sa kanya.
Gunver: Aray
naman!
Spiker:
Hindi na kita hahayaan ngayun! Papatayin na kita dito mismo!
Akmang tatapusin na ni spiker si
Gunver ngunit bigla namang dumating si Marina, na merong dalang isang Tar-21
(rifle) at pinag-babaril niya ito.
BRATATATATATATATATATA
Dahil sa ginawa ni Marina,
napilitang umatras ni Spiker at nag-pasiyang wag ng ipag-patuloy ang
pag-paslang sa Detective.
Marina:
Kyro! Ayos ka lang?
Tumayo naman kaagad ang detective
Gunver: Salamat
uli, he he ang galing talaga ng timing mo.
Marina: Sa
susunod mag-ingat ka naman, hindi sa lahat ng oras narito ako para tulungan ka, alam mo naturingan ka pa manding Special Police pero ito umaasa kalang sa
Partner mo.
Bumalik naman kaagad si Gunver sa kanyang dating anyo.
Kyro:
He He pasensiya na.
Marina:
Maiba tayo, diba ito ang mga gagamiting props para sa concert bukas?
Kyro:
Siguro ito nga.
Marina:
Sa tingin ko merong malalim na dahilan kung bakit ito ginagawa ng negative na
yun, Kyro sige iimbestigahan ko si Alisa. At ang bawat isa sa kanila dito,
natitiyak kong isa sa mga tao dito ang negative.
Kyro:
Mabuti pa nga, dahil pakiramdam ko nakakasalamuha lang natin ang Negative nayun
dito sa paligid.
__________________________________________________
Kinabukasan nag simula na ang
malaking event na pinakahihintay, ang lahat ay nag-hahanda para sa kanilang
numbers na gagawin, si Louie naman ay i-nererelax lang ang kanyang sarili para
hindi ma-pressure.
Gaganapin ang First Major Concert
ni Louie sa Mall of Asia Arena, kung saan tinatayang libo-libo niyang tagahanga
at mga kilalang personalidad sa showbiz ang dadalo.
Nakabantay naman si Kyro kasama
ang ilang mga security para siguraduhin ligtas si Louie bago mag-simula ang
pag-tatanghal at bago matapos din ito.
Ang lahat ay excited na para sa
kanilang inaabangan na pag-tatanghal ng kanilang idolo.
________________________________________________
Samantala inaalam naman ni Marina
ang personal impormation ni Alisa Montesilio ang
pangunahing suspect sa kasong
ito, pati narin ang ibang tauhan ng crew.
BINGGO!
Napasigaw si marina ng makita
niya ang mga important personal impormation ni Alisa
Montesillio.
Marina:
Kailangan ko ng ipasa ito kay Kyro, at sana naman tama ang hinala namin tungkol
sa kanya.
Kaagad sinimulan ni Marina ang
pag-papasa ng datos na nakuha niya mula sa suspect.
___________________________________________________
Gamit naman ang kanyang Gun
Sequencer, natangap ni Kyro ang datos na ipinadala ni marina sa kanya.
Kyro:
Magaling marina, susundin natin ang plano, sigurado ako na siya ang taong ito.
__________________________________________________
Kinagabihan.
Nag simula na ang pinakakaabangan
na event ng marami, ang kauna-unahan concert ni Louie bilang Idol.
Ang lahat ay nag-sisigawan at ng
mag simula na ang ibang special number.
LOUIE!
LOUIE!
LOUIE!
LOUIE!
LOUIE!
Sinisigaw ng mga tao ang pangalan
ni Louie para sa kanyang pag-labas.
Samantala sa dressing room ni
Louie, isang nilalang ang naroon at ito
ay si Spiker na nakasuot ng hood sa kanyang ulo, at tila nag-babalak na pumasok ito dito, kaagad niyang binuksan ang pintuan at naabutan niya ang isang babaeng
nakatalikod na tila may-ginagawa.
Spiker:
Mamatay ka! Mamatay ka!
Kaagad isinak-sak ni Spiker ang
kanyang spike na dala, ngunit laking gulat niya na isa lang palang dummy ang
nasa loob.
Spiker:
Ano! Isang dummy?
*Mukang nagulat ka ata!*
Nagulat si Spiker ng nasa loob
pala si Kyro.
Spiker:
Ikaw!?
Kyro:
Alisa Montesillio, isang dating singer ng planetary record company, pero hindi
naging matagumpay ang career niya dahil sa biglaang pag sulpot ng isang bagong
super idol na si Louise Ann Morales, na kilala bilang si Louie ngayun.
Spiker:
Papaanong! Anong pinag-sasabi mo?
Kyro:
Nakalimutan mo na ba ikaw mismo ang nag-bulgar sa sarili mo! Tingnan mo ang
braso mo ng mabuti!
Nakita ni Spiker ang mark paint
na inilagay ni Gunver noong nag-laban sila, at ito ang nag-papatunay na siya
nga ang nilalang na umaatake kay Louie.
Spiker:
Anong! Ikaw!
Kyro:
Patunay nga na ikaw ang suspect sa nang-yayaring pag-babanta at pang-sasabutahe
kay Ms. Louie. Naging-insecure ka at naingit sa pag-sikat ng kaibigan mo!
Umabot narin sa puntong, gusto mo na siyang patayin para makuha muli ang titlo
sa kanya.
Spiker:
Wala kang Alam! Wala!!!!
Nag bago ng anyo at Inatake ni
Spiker si Kyro, ngunit mabilis na iniwasan niya ang atake ng negative at nag-tungo
sa labas para doon makipag-laban.
___________________________________________________
ZZZZZAAAAAPPPP
ZZZZZAAAAAPPPP
ZZZZZAAAAAPPPP
Sunod-sunod na nag-pakawala ng
Spike mula sa kanyang katawan si Spiker, pero mabilis na nakahanap ng cover ang
detective.
Kyro:
Buwiset! Oras na siguro para mag-bihis!
Tumayo si Kyro sa kanyang
tinataguan, at inilabas ang kanyang Gun Driver at Badge.
Gun Driver Female Voice: DNA Scan Complete
Kyro:
Gun Changer!!!
Nag bago ng anyo si Kyro at
naging si Special Detective Gunver.
Gunver: (Ipinakita
ang Badge) Special Detective Gunver ng GINGA Special Investigation Unit 6!
Inaaresto kita sa salang pag-tatangkang pag-patay sa isang sikat na idol!
Sumama ka sa akin kung ayaw mong masaktan!
Spiker:
Mamatay ka!
Inatake ni Spiker si Gunver at
dito na nag-sisimula ang kanilang labanan.
Gunver: Hindi
umubra ang negotation!
BANG!-BANG!-BANG!
Pinag babaril ni Gunver ang negative
gamit ang kanyang Gun Driver, at pag-katapos ay
lumundag ito at sinalubong ng isang Flying Punch, pero nahawakan ni
Spiker ang kamao ni
Gunver at ibinalibag ito sa isang sasakyan at nasira.
BBBBBBBAAAAAAGGGGGGG
Gunver: BWAAAAHHH....Buwiset pang ilang beses mo na
akong binabalibag! (Tumayo)
Humanda ka na sa gagawin ko!
Inilabas ni Gunver ang isang SD
Card.
Gunver: Oras
na para sa bagong antas!
Gun Driver Female Voice: SD Memory In! Changing Form Saber Mode.
Muling nabalutan ng liwanag si
Gunver at nag-bago muli ito ng anyo bilang Saber Mode
Gunver Saber: Yari ka ngayon.
Gamit naman ang Gun Saber nakipag-sabayan
na si Gunver sa kanyang kalaban na gumagamit ng Spike, nag-bato ng nag-bato ng
kanyang spike si Spiker ngunit iniwasiwas lang ni Gunver ang kanyang Gun Saber
at tumalsik lang ang mga spike nito.
Pag-katapos ng pag-atake ng negative sa detective, siya
naman ang nag-bigay ng mga matitinding atake dito, tig-iisang slash sa katawan
ang ginawa niya, at walang humpay niya itong pinag-hihiwa ng kanyang sandatang
Gun saber.
Dahil sa ginawa niya lubhang
nasaktan si Spiker at napaluhod na ito.
Spiker:
GGGRRRRR pangahas ka Detective!
Gunver Saber: Ano man ang dahilan mo sa pag-bagsak ng
pangarap mo, hindi mo dapat hinahatak paibaba ang taong nag-pupursiga para sa
kanyang tagumpay, ng dahil sa ginawa mo pinatunayan mo lang na isa kang
talunan! Nararapat lang sa iyo na pag-bayaran ang mga kasalanan mo at muling
mag simula!
Gun Analyzing!!!!!
Gamit ang Gun
Analyzing sa loob ng computer helmet ni Gunver kinukuha niya ang data or weak
spot ng kanyang kalaban upang malaman ang kahinaan nito.
Gunver Saber: Gun
Saber! Light SLASH!
Inipon nito ang
enerhiya sa kanyang gun saber, at isang malakas at mapaminsalang atake ang
ginawa niya sa negative.
SSSSLLLLAAAASSSHHHH
Spiker: AAAAARRRRRGGGHHHH
Inatake ni Gunver
saber ang mahinang bahagi ni Spiker ngunit hindi niya binalak patayin ito,
dahil kailangan nilang makuha ng impormation sa negative.
Ilang sandali pa
dumating ang mga tauhan ng Special Investigation Unit kasama si Marina
Samantala nag-balik naman sa dati
niyang anyo si Spiker bilang si Alisa.
Alisa:
(Lumuluha) Bakit....Bakit...wala naman akong hinangad kung hindi ang kumanta
lang....dahil yun lang ang paraan ko para mabuhay, sa pag-kanta ko ibang saya ang naibibigay nito sa akin. Pero noong dumating si Louie nawala ang
lahat sa akin, ginawa ko ang lahat para lang umangat....ngunit sa bandang huli siya
parin ang nanatili sa itaas...napaka-unfair ng buhay diba detective.
Gunver Saber: Siguro
nga hindi patas ang buhay, pero ito lang ang pagkakatandaan mo, walang
maidudulot na maganda ang pag-hatak mo sa isang tao paibaba, dahil sa bandang
huli. Ikaw ang mismong babagsak, sana maintindihan mo may dahilan kung bakit
nang-yari sa iyo ang bagay na ito. At yun ay kailangan mo pang-pagbutihin sa
mga susunod mong pag-subok sa buhay.
Alisa:
Sana nga....sana nga meron pa akong susunod na buhay.
Dinala na ng mga tauhan ng GINGA
Special Investigation unit si Alisa, at isinakay na ito sa loob ng Armored Van.
Marina:
Kyro....ayos na ang lahat.
Bumalik naman sa dating anyo si
Gunver bilang si Kyro.
Kyro:
Mabuti naman...siguro naging tagumpay ang Concert, at sa wakas nakahuli na tayo
ng isang buhay na negative, maaari na nating simulan ang imbestigation natin
kung ano ba talaga ang pinag-mumulan nila.
Marina:
Tama ka.
___________________________________________________
Sakay ng Armored Van at kasama
ang ilang security Convoy binabagtas ng mga tauhan ng
GINGA ang isang daan sa
flyover patungo sa GINGA HQ para i-take over ang nahuling Negative nila
Detective Kyro Anjelo.
Ngunit ang hindi alam ng mga
tauhan ng GINGA
*Narito nasila*
Lumundag mula sa itaas ng
billboard ang isang nilalang na naka-suot ng armor, at napahinto naman ang mga
sasakyan ng GINGA sa pag-sulpot nito.
SSSSSSRRRRRREEEECCCHHHTTT
GINGA POLICE1: Anong!
Ang nilalang na lumundag mula sa itaas ng Billboard ay si Tersera ng Big Five Dranixs.
Tersera:
Hay nako...kailangan ko bang talagang gawin ito? Dahil lamang sa pumalpak ang
tauhan ko.....ako na ang sasalo sa responsibilidad niya.
Akma namang bumaba ang mga tauhan
ng Special Investigation, para harapin ang umambush sa kanila,
ngunit pag-baba palang ng mga ito ay.
Tersera:
Mga basura!!!!
Biglang nag labas ng nakakamatay
na tinig si Tersera, na halos humiwalay ang laman sa buto na ikinamatay nang mga GINGA agent. At hindi pa dito natapos
nag-labas naman ito ng kakaibang Shock Wave mula sa kanyang katawan, at ito ang naging sanhi nang pag-sabog nang security convoy nang GINGA.
BBBBBOOOOOOOMMMMSSSS
Tersera:
Hmmmpp ayaw ko talagang ginagamit ang kapangyarihan ko sa mga ganitong bagay.
Pinuntahan ni Tersera ang Van
kung saan naka-sakay si Spiker, at binuksan niya ito.
Nagulat naman ang Negative sa pag
dating ng kanyang Master.
Alisa:
M-Master Tersera!
Tersera:
Alisa my Darling! Hi Hi Hi....magaling ka sana na artista, pero sinayang mo
lang ang pag-kakataong binigay ko sa iyo.
Alisa:
Master Pakiusap! Bigyan niyo pa ako ng isa pang-pag kakataon! Pangako sa oras
na ito mapapatay ko na si Detective Anjelo.
Tersera:
Mamapatay? Hahahahaha wag mo nga akong pinapatawa, hindi mo naman siguro
nakakalimutan ang batas ko, ang hindi mag-tagumpay sa misyon ay mamatay!
Alisa:
Wag master!! WWWWWAAAAAGGGGGG!!!!
Muling nag-labas si Tersera ng
Kanyang Killer Shock Wave, at ilang sandali pa ay.
BBBBBBBBOOOOOOOMMMMSSSSS
Sumabog ang armored van at
nasamang nasunog ang nag-mamakaawang si Alisa, samantala lumayo naman papalayo
si Tersea at sinalubong naman siya ni Levaiton.
Levaiton:
Mukang tapos na kayo sa parusa niyo Master Tersera.
Unting-unti namang nawala ang armor sa katawan ni Tersera at ibinulgar niya ang kanyang sarili at ito ay si.
Louie:
Masyado siyang naging pabaya.... yan tuloy kailangan ko pang gumamit ng Hologram
Image ko para sa Concert na ginagawa ko ngayun...para lang bigyan ng parusa ang
isang yan, walang kuwenta, Levaiton!
Levation:
Ano po iyon Ms. Louie.
Louie:
Ikaw na ang bahalang mag-linis ng kalat dito, at siguraduhin mo na walang
maiiwang ibedensiyang makukuha nila, kailangan maitago natin ang lihim ng mga
Evolving species...sige na kailangan ko pang bumalik sa concert para sa mga
fans ko.
Levaiton:
Naiintindihan ko po.
Louie:
Detective Anjelo...hanggang kailan ka mag-hahanap nang kasagutan.
Muling nag-tagumpay si Kyro sa
pag-pigil ng Negative, at ang laking akala niya ay nakakuha na sila ng sagot
mula sa mga tanong nila. Pero hanggang kailan kaya nila hahanapin ang sagot sa mga
tanong. Kung saan nag mula ang mga Negative.
Case Continued
No comments:
Post a Comment