Saturday, March 28, 2015

Case 13: Idol!






Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement



Sa unang pag-kakataon nagawang mag-tulungan ng dalawang  pinakabagong Special Police na si Gunver at Snider. Sa idea ni Snider at sa Diskarte ni Gunver nagawang matalo nila ang mas pinalakas na Rapandol nang dranixs.

Pero sa kabila noon wala paring balak na makipag-tulungan si Clyde kay Kyro,dahil yun sa utos ng kanyang supirior na si Gen.Olivares ng Section Zero.

Gen.Olivares: (Sa sarili) Ganyan nga, tangalin mo lang ang emosyon mo. At balang araw ikaw ang gagamitin ko para sa mga plano ko Sargent Clyde Silva.
____________________________________________

GINGA CAFE.

Nag-lilibang si Kyro gamit ang kanyang Laptop, at ang pinag-kakaabalahan niya ay ang tungkol sa isang sikat na pop Idol sensation ngayun na si Louise Anne Morales o mas kilala bilang si Louie.

Enjoy na enjoy si Kyro habang nag s-soundtrip sa kanyang laptop.

Kyro: Ayos ito, mukang may bagong single nanaman si Louie. 

Napansin naman ni Marina ang kanyang ginagawa. 

Marina: Ano nanaman ang ginagawa mo diyan? Siguro nag D-Download ka ng porn kaya ka abala? Mga lalaki nga naman wala ng ibang alam kung hindi kahalayan nila sa sarili.

Kyro: Anong sabi mo! Para sabihin ko sayo hindi porn ang pinag-kakaabalahan ko dito, kita mo namang nakikinig ako ng mga kanta ni Louie! Palibhasa kasi wala kang hilig sa music kaya ka ganyan kung maka-pag isip.

Marina: Pakielam ko diyan...kumilos ka nalang diyan at tulungan mo si Ms.Mei ma-lalate si Sherry ngayun dahil may exam siya.

Habang patuloy na nag-tatalo ang dalawa, hindi namanalayan nito na may pumasok na palang costumer, at kaagad naman siyang nasalubong ni Mei.

Mei: Ah Welcome! Miss anong kailangan niyo?

Nag salita ang babae

*Dito ba ang Detective Agency ni Detective Kyro Anjelo?*

Mei: Oo dito nga po....Kyro may may nag-hahanap sa iyo ngayon, mukang may bago kang kliyente. 

Kyro: Sige ate mei na diyan na.


Kaagad naman pumunta si Kyro sa Bar para tingnan ang kliyente niya.

Kyro: Ano yun ate mei?

Babae: Ikaw ba si Detective Kyro Anjelo?

Kyro: Ako nga....anong maitutulong ko sa iyo?

Tinangal ng babae ang kanyang sumbrero at shade...at ikinagulat ito ni Kyro.

Kyro: AAAAAAAAAHHHHHHH Ikaw ang pop idol sensation! Louie! 




Case 13: Idol! 

Ikinagulat ni Kyro ang pag-dating ng hinahangaan niyang Idol na si Louie, kaagad niya itong en-entertain para malaman kung ano ang kailangan nito. 

Binigyan ni Kyro si Louie ng isang tasa ng kape.

Nag kagulo namang ang ibang costumer sa pag dating nang pop idol. 

Kyro: (Nahihiya) Ah eh ano ang ginagawa ng isang sikat na idol dito sa aming agency?

Louie: (Uminom ng kape) De-deretsohin na kita....gusto kong kunin kang isa sa security personnel ko sa darating kong big concert.

Kyro: Ako Security Personnel? 

Louie: Nabalitaan ko kasi ang mga kasong hinawakan mo...at hindi lang yun napaka galing mo pala talaga bilang isang detective, kaya naging interesado ako sa iyo.
____________________________________________

Samantala sa labas hindi mag-kamayaw ang mga tao dahil sa gusto nilang masilayan si Louie sa loob ng opisina ni Kyro.

Nahihirapan naman si Marina at Mei para pakalmahin ang mga ito.

Marina: Pambihira ano bang klase gayuma meron ang babaeng yun? Eh halos parang na hy-hypnotized na ang mga tao dito!

Mei: Ewan ko ba...basta wag mong hahayaan na makalapit sila sa opisina, hanggang hindi pa nakakalabas ang kliyente.
_______________________________________________

Kyro: Teka ano ba ang priority ko sa gagawin kong security?

Louie: Kama kailan  lang kasi nakakatangap ako ng mga death treat o pag babanta nang masama, mula sa mga hindi pa nakikilalang tao. Hindi ko alam ang gagawin ko, natatakot ako na baka isang araw, bigla nalang nila akong patayin o kung ano man ang gawin nila sa akin...ayaw kong masayang lahat ng pinag-hirapan ko dahil lang dito, gusto ko pang mabuhay ng matagal at matupad pa ang iba kong mga pangarap...kaya nakikiusap ako sa iyo Detective Anjelo, kung puwede ikaw muna ang maging body guard ko hanggang sa dumating ang event.

Tila pumapalak-pak naman ang tenga ni Kyro, dahil hindi pang-karaniwan ang taong humihingi sa kanya ng request.

Kyro:  Walang problema! Tungkulin ko na gawin ang bagay nayan! Pangako Ms.Louie ako ang magiging Body Guard mo! At walang makakapanakit sa iyo. 

Tumayo si Louie at ibinigay niya ang kanyang contact info.

Louie: Aasahan kita Detective...heto ang number ko, sa iyo ko lang pinag-kakatiwala ang numerong ito... sana pag-kaingatan mo.

Lumabas si Louie sa opisina ni Kyro, at dahil doon mas nag kagulo ang mga tao sa cafe, naipit naman si Marina sa pintuan  dahil sa nag kagulo.

LOUIE PA-AUTOGRAPH NAMAN!
PAPICTURE NAMAN NA KASAMA KA LOUIE!

Marina: (Naipit sa may pintuan) Ano ba naman ang mga taong ito....hindi ba sila titigil!

Louie: Hihintayin nalang kita bukas sa studio...aasahan kita Detective.

Kyro: Walang problema! Sige mag-ingat ka!

Sumakay na sa kanyang sasakyan si Louie at umalis na ito, nadismaya naman ang mga tao dahil hindi manlang sila nakakuha ng kahit na isang autograph o picture mula sa idol. 

Nainis naman si Marina mula sa kanyang pag-kakaip sa pintuan.

Marina: Buti naman at umalis na ang babaeng yun!

Pansin naman ni Marina ang abot tengang ngiti ni Kyro.

Marina: Hoy! Puwede ba mag-seryoso ka nga kahit minsan.

Kyro: HAHAHAHA AKO ANG MAGIGING BODY GUARD NI LOUIE! YES! 

Hindi pinansin ni Kyro si Marina, at muli itong pumasok sa kanyang opisina.

Marina: Mga sira ulo!
________________________________________________

Kinabukasan sa Studio kung saan nag-rerehers si Louie para sa kanyang Big Event, dumating si 
Kyro kasama si Marina para gawin ang kanilang trabaho na bantayan si Louie.

Sinalubong sila ng isang lalaking Staff ng studio.

Male Staff: Kayo ba ang mga Detective na inupahan para sa security ni Ms. Louie?

Ipinakita nila Kyro at Marina ang kanilang mga Chapa,

Kyro: Kami nga, kami ang security personnel na inupahan para sa seguridad ni Ms. Louie.

Male Staff: Kung ganon sumunod kayo sa akin. 

Hindi lingid sa kaalaman nila na tila may-nag mamasid sa loob ng studio, napansin naman ito ni marina. 

Marina: Guni-guni ko lang siguro.

Kyro: Marina tayo na.

Marina: Oo sige.

Sinamahan ng male staff sila Kyro at Marina papunta sa visitor area, at doon ginawa nila ang kanilang trabaho na bantayan ang  Idol.

Kyro: Grabe ang galing talaga ni Louie, bigay todo siya kahit sa rehearsal palang.

Habang pinapanuod nila Kyro ang rehearsal ni Louie, ay may isang nilalang ang nakatago mula sa hindi kalayuan, at nag sasabi ito ng mga ilang kataga.

Nilalang: Ako ang dapat na nariyan sa stage, at hindi ikaw! Louise Anne Morales

Isang mahabang spike  ang lumabas sa katawan ng nilalang, at ito ang kanyang gagamitin upang patamaan ang idol na si Louie.

Nilalang: Mag-paalam ka na!

Akmang ibinato ng nilalang ang kanyang mahabang Spike, at pinuntirya niya ang idol, ngunit imbes na tamaan si Louie ay isang staff ang biglang humara sa target point at aksidente itong natamaan ng spike. 

TTTTTSSSAAAAAKKKKK
AAAAAARRRRRRGGGGHH

Kyro: Anong!

Marina: Kyro sa itaas!

Ikinagulat naman ito ng mga tao sa loob ng studio, dahil sa nang yari hindi mapigilan na mag-panic ng iba at matakot, kaagad naman naging alisto sila Marina at Kyro....at isang tao na nakasuot ng hoodie jacket  ang may kagagawan nito, mabilis itong tumakas mula sa bintana.

 Kyro: Marina! Ikaw muna ang bahala kay Ms.Louie! Ako na ang hahabol sa Assassin!

Marina: Sige naiintindihan ko!

Kumilos kaagad si Kyro para habulin ang suspect

_______________________________________________

Sa labas ng Studio mabilis na hinabol ni Kyro ang salarin.

Kyro: Tigil!!!!

Binunot ni Kyro ang kanyang Gun Driver para mag-bigay ng isang warning shot.

BBBAAAANNNNGGG!!

Kaagad naman sumunod ang nilalang sa ginawang pag-papaputok ni Kyro

Kyro: Itaas mo ang kamay mo! At wag kang kikilos ng masama!!

Akmang lalapitan ni Kyro ang nilalang, ngunit ilang sandali lang ay

Bigla itong humarap sa Detective at nag labas ng mga matatalas na Spike na nag galing sa kanyang katawan, atibinato niya ito sa detective.

ZZZAAAAAPPP
ZZZZAAAAPPP

Kyro: Anong!

Mabilis naman na iniwasan ni Kyro ang mga ginawang atake ng nilalang.

Nilalang: Masyado kang pakielameron, (inbilabas ang blue injection at itinuror sa batok)

Nag bago ng anyo ang Nilalang at naging isang negative ito.

Kyro: Isang Negative?!

Spiker: Mamatay ka ngayon!

Inatake ni Spiker ang Detective ngunit mabilis na nakapag bago ito ng anyo bilang si Gunver.

GUN CHANGER! 

Nag-salubong ang dalawa ng matitinding atake, gamit ni Gunver ang kanyang Gun Dagger, at kay Spiker naman ang mga matutulis niyang Spike mula sa kanyang likuran.

_________________________________________________

Samantala nag-aalala naman ang mga tao sa loob ng studio dahil sa nang yari kani-kaninalang dahil hindi nila alam kung sino ang taong gagawa ng ganitong bagay na ganon.

Kaagad naman binigyan ng first aid attention ang lalaking nasugatan.

Marina: Ms. Louie ang mabuti pa umalis na muna tayo dito...masyadong delikado ang sitwasyon kung mananatili pa tayo dito.

Louie: Ayaw ko.

Marina: Pero bakit?

Louie: Kailangan kong matapos ang rehearsal na ito para sa mga fans, dahil umaasa sila na bibigyan ko sila ng isang napakagandang palabas, kaya hindi ako aalis kahit na anong mang-yari, kaya nga inupahan ko kayo para sa proteksiyon ko diba?

________________________________________________

SD MEMORY IN! ARMOR CHANGE CHAIN SAW!

Gamit ang SD Card nag-bago ng hugis ang wrist armor ni Gunver sa pagiging Chain Saw, at iniwasiwas niya ito para maging-pang defensa niya laban sa kalaban.

Gunver: Heto ang sayo!

Umatake ng pasulong ang Detective, ngunit nag pakawala naman ng matutulis na Spike ang negative.

Ngunit hinati lang ito ni Gunver gamit ang kanyang Chainsaw,at isang Slash ang ibinigay niya sa negative dahilan kung bakit tumalsik ito sa isang Van na ikinasira nito.

SLAAASSSSHHH
BBBBAAAAAGG

Gunver: Oras na!

Kinuha ni Gunver ang kanyang SD Card na Chest Cannon at inilagay niya ito sa kanyang Gun Driver.

Gun Driver Female Voice: SD Memory In! Armor Change Chest Cannon.

Nag bago ang chest armor ni Gunver bilang Chest Cannon, at inipon niya ang enerhiya ng kanyang armor para ilagay sa sandata, at ilang sandali pa.

Gunver: Target Lock on! Chest Cannon Particle Blasssstt!!!!

Isang malakas na Particle Blast ang pinakawalan ng Detective gamit ang kanyang Chest Cannon, ngunit. 

BBBBBBBBOOOOOOOOMMMMM
AAAAAARRRGGGGHHHHHHHHH

Sumabog ang van kung saan naka sandal ang negative, at ilang sandali pa ng humupa ang pag-sabog ay nilapitan ito ng detective para tingnan kung nagawa niyang matalo ang nilalang, ngunit laking gulat niya na wala ang abo ng Negative na kanyang kinalaban.

Gunver: Nawala? Pero papaano---teka ano ito?

Napansin ni Gunver ang isang  piraso ng Spike ng negative, at kaagad niya itong pinulot. 
_______________________________________________

Bumalik naman si Kyro sa Studio para alamin din ang nang yari doon, kaagad naman siyang tinanong ni marina at Louie.

Marina: Kyro!

Kyro: Marina! Ms. Louie!

Louie: Kumusta na nahuli mo ba ang gumawa nito?

Kyro: Pasensiya na pero nakatakas siya pag-katapos naming mag-laban, isa palang Negative ang nilalang na yun. 

Louie: Negative?

Marina: Isang nilalang na kayang baguhin ang sarili niya, yun ang tawag namin sa mga nilalang na yun, sa madaling salita hindi sila mga ordinaryong tao.

Kyro: Kaya kailangan maging double----

LOUIE!!!!!

Isang sigaw ang nag pahinto kila Kyro sa pag-sasalita.

Louie: Alisa?

Dumating ang kaibigan ni Louie na si Alisa, isa rin itong singer kagaya ni Louie at siya ang nagiging backup nito sa stage.

Alisa: Teka ano ba ang nang yari dito? Nakarinig ako ng sigawan noong papasok palang ako dito.

Tila naman duda si Kyro sa pag-dating ng dalaga.

Louie: Ayos lang ako...wag ka ng mag-alala----

Kyro: Sandali lang...ang mabuti pa Ms.Louie ihinto mo nalang ang rehearsal ngayun araw.

Louie: Pero bakit?

Kyro: I-imbestigahan ko lang ang lugar na ito....baka may possible lead na mag-turo sa akin kung sino ang negative nayun.

Marina: Sang-ayon ako mabuti pa huminto muna kayo ngayun, para narin matingnan nang doctor ang isa mga kasama niyo na nasugatan.

Louie: Kung yan ang gusto niyo sige....Guys pack up na! Bukas nalang natin ituloy ang rehearsal bago ang concert. 

Ibinigay naman ni Kyro ang spike na nakuha niya mula sa laban nila ng negative.

Kyro: Marina ang mabuti pa dalhin mo muna ito kay Ate Mei, para makunan natin ng example ng data.

Marina: Sige na iintindihan ko.

Umalis narin si Marina para ibigay ang sample ng nakuha ni Kyro sa Battle field.

__________________________________________________

Dranix Aquarium Base

Quwarta: Pansin ko parang ata wala si Tersera? Ano ba ang pinag-kakaabalahan niya ngayun?

Sengundo: Wala akong alam pag-dating sa personal na buhay ng babaeng yan....

Primo: Wag niyo ng alalahanin si Tersera...maaaring siya ang pinakabata sa atin, ngunit isa sa siya sa pinaka malakas sa Big 5.

Quwarta: Kung sabagay hindi siya pipiliin ng ating panginoon, kung wala siyang pambihirang kakayahan na hindi angat sa iba.

Primo: Sigurado ako kung nasaan man ngayun si tersera, isang laro ang ginagawa niya gamit ang kanyang tinig.
________________________________________________________

Bumalik naman si Marina sa GINGA Cafe para pag-aralan ang nakuhang ebidensiya sa kalaban.
Gamit ang kanyang Micro Scanner inalam nila kung anong klaseng Spike ang nakuha ni Kyro.

Mei: Isang Porcupine?

Marina: Porcupine?

Mei: Ito ang lumalabas sa result ng scan, isang uri ng mammal na may kakayahang gamitin ang mga spike nila sa likod bilang pam-proteksiyon nila sa kanilang mga predator.

Marina: Ms. Mei makakakuha ka ba ng Lead sa bagay na iyan? Para malaman natin kung ano talaga ang pinag-mumulan nila ng kapangyarihan para maging isang negative sila? 

Mei: Hindi ko sigurado, pero sa nakikita ko lang sa bagay na ito  nag-mula lang siya sa isang hayop, at yun ang nakakamangha sa kanila, papaano nila nagagawa ang ganitong klaseng bagay. Marina ang mabuti pa bumalik ka na kung nasaan si Kyro, tulungan mo na siya sa imbestigation na kanyang ginagawa.

Marina: Sige po

Napapaisip naman si Mei kung papaano nang yari ang isang Spike ng isang hayop ay sumama sa tao.

__________________________________________________

Ginamit naman ni Kyro ang Gun Vision Shade para mag-hanap ng ebidensiya.

Ngunit sa pag-hahanap niya ay bigla naman itong naputol dahil sa pag-atake sa kanya muli ng Nilalang na nakalaban lang niya kanina.

ZZZZZAAAAPPP
ZZZZZAAAAPPP

Mabilis na ilagan ni Kyro ang mga Spike na ibinato ni Spiker.

Kyro: Ikaw!  Sabihin mo anong pakaya mo kay Louie!

Spiker: Wala ka nga magagawa doon, papatayin ko si Louie at kukunin ko ang Spot light sa kanya! Pero bago yun pababagsakin muna kita!!!

Nag bago ng anyo ang nilalang na si Spiker at naging isang negative muli na itsurang isang Porcupine, at inatake nito si Kyro.

Ngunit mabilis naman itong nailagan ng Detective, at saka gumanti ng Putok gamit ang kanyang Gun Driver

BANG!-BANG!-BANG!

Hindi tumalab ang bala na pinakawalan ni Kyro.

Kyro: Oras na para sa phase!

Gun Driver Female Voice: DNA Scan Complete!

Kyro: GUN CHANGER!


Nag bago ng anyo si Kyro at naging si Special Detective Gunver.

Gunver: Bullet Change! Rapid.

Gun Driver Female Voice: Bullet Change Affirmative.

BRATATATATATA

Gamit ang rapid mode ng Gun driver, pinag-babaril niya ang negative ngunit gumanti rin ito ng pag-papakawala ng Spike mula sa kanyang likuran.

Mabilis na nag-tago si Gunver para hindi siya matamaan ng Spike.

Gunver: Ganon pala hah! tangapin mo ito!

Habang patuloy lang na nag-papakawala ng Spike si Spiker, siya namang nag-pakawala ng Bullet Smoke si Gunver, at ginamit niya ang pag-kakataong ito para umatake.

Napanhinto ang Negative dahil sa Usok na ginawa ng detective.

Gunver: Huli ka!

Ginamit ni Gunver ang kanyang Gun Dagger at pinag-tataga niya ang katawan ng negative.

SLASH!-SLASH!

Habang nag-bibigay ng Slash si Gunver ay mabilis namang nahawakan ni Spiker ang kanyang Gun Driver, at mabilis siyang ibinalibag ng kalaban.

BBBAAAAAAGGGGG

Gunver: BBBWWWAAAAHHHH

Spiker: Masyado ka ng pakielamero, kailangan mawala kana bago pa dumating ang araw na pinaka hihintay ko, ang araw kung saan ako naman ang hahangaan nila.

Bumilog ang negative na si Spiker na parang isang malaking Bola, at lumabas ang mga spike nito sa likod, na tila sasagasaan niya ang detective mula sa pag-gulong niya para mamatayito gamit ang mga spike sa katawan. 

Spiker: Mag paalam ka na!

Gunver: Hindi!

Dahil sa natamong pinsala ni Gunver, hindi siya basta-basta makatayo at nalagay siya sa isang delikadong sitwasyon.

Sino nga ba ang nasa likod ng anyo ni Spiker, at ano ang ibig-sabihin ng kanyang mga sinasabi?

Case Continued

No comments:

Post a Comment