Saturday, January 3, 2015

Case1: Isang simula ang tagapagmana ng alamat









Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement 

General Inter-Galactic Alliance o mas kilala sa tawag na GINGA ay isang Elite Task Force Organization na itinatag noong taong 1970 sa pamumuno ni Director Antonio Q Zerino.

Layunin nilang Protektahan at pangalagaan ang buong seguridad sa mundo. Ngunti sa pag haba ng panahon hindi naging madali sa organization na ito ang mas lumalala pang karahasan dahil sa pag sulpot ng mga kakaibang bagay o nilalang. Kaya umisip sila ng isang paraan upang mapanatili ang kapayapaan sa mundo... at ito ang makabagong teknolohiya na kanilang ginawa ang project SPCS o ang Special police combat suit. nilikha ito upang gamitin sa pakikipag laban sa mga hindi ordinaryong kriminal o hindi pang karaniwang nilalang. At sa panahon natin ngayun sila ang nag tatangol at nag papanatili ng tunay na Hustisiya.

Sila ang tinatawag na Special Police.
______________________________________________

September 16 1988

Isang operation ang isinagawa ng GINGA  sa pamumuno ni Director Antonio Q Zerino sa isang labaratoryo na di umano ay gumagawa ng isang lihim na experemento. Upang lumikha ng mga kakaiba at mas mataas na antas sa pagiging tao.

BAAAAAGGGGGG

Isang breach ang ginawa ng mga tauhan ng GINGA upang mawasak ang Bakal na pinto ng lab at agad nilang pinasok ang loob.

Pumasok din sa loob ang director ng GINGA.

Pag pasok palang nila sa loob ng labaratoryo ay tumanbang na sa kanila ang mga bangkay at mga incubator Glass kung saan nakalagay ang mga taong kanyang pinag e-experementohan. 

Antonio: Dr. Helsmith...itigil mo na ang ginagawa mo! Nakatangap ako ng isang impormation na gumagamit ka ng mga buhay ng tao para maging example sa mga experemento mo...sumuko kana nang matiwasay! 

Dr. Helsmith: Nababaliw ka na ba zerino! Ito ito ang mag papabago ng sangkatauhan sa mapurol nating pag unlad—kapag nakumpleto ko ang aking research! Dito na mag sisimula ang panibagong antas ng mga tao na kayang higitan pa ang isang diyos! 

Antonio: Ikaw na ang nababaliw diyan...hindi yan kailangan ng sangkatauhan para makamit ang isang pangarap na huwad...patawarin  mo ako sa gagawin ko Men Open fire!!

BRTATATATATATATA

Pinag babaril ng mga tauhan ng GINGA si Dr.Helsmith

Dr.Helsmith: (Nag hihingalo) Ang....pag...babago...arggh

Tuluyan ng namatay si Dr.Helsmith dahil sa mga tad-tad ng bala na kanyang natamo.

Antonio: Sayang ang isang kagaya mo...men search the area lahat nang puwedeng gamitin na ebidensiya kunin niyo.

ALL: Yes sir!

Sisimulan na sana ng mga tauhan ng GINGA ang pag kalap ng ebidensiya ng biglang.

SPAAAARRRRKKKK

Nag liwanag ang isang Incubator glass at nabasag ito...sa loob nito isang nilalang na nababalutan ng liwanag ang lumabas...agad siyang tinutukan ng baril ng mga GINGA police dahil sa posibleng banta nito sa kanila.

Antonio:  Sandali lang...hold your fire!

Tila pagalaw galaw lang ang ulo ng nilalang hanggang sa makita niya ang isang tao na naliligo na sa kanyang sariling dugo. Ito ay si Dr. Helsmith..nag salita ang nilalang at ang sabi nito ay.

Nilalang:Papa...papa (nakatingin sa bankay ni Dr.Helsmith)

Antonio: Papa?!...anong ibig sabihin nito?

Nag patuloy lang ang nilalang sa pag salita ng “Papa” na tila ginigising niya ito at hanggang sa.

ZAAAAAPPPPP

Nag labas ng mga galamay niya sa likod ang nilalang at pinag tutusok ang mga tauhan ng GINGA.

Antonio: Anong!..Men Open fire!!

BRATATATATATATA

Pinag babaril ng mga GINGA Police ang nilalang ngunit mabilis ang kilos ng mga galamay nito...at hindi lang yun. Pinalutang niya ang isang GINGA POLICE gamit ang kanyang pag-iisip at saka pinasabog ito.

BOOOOOGGG

ARRRRGGGGGG

Halos walang na tira sa mga tauhan ni Antonio Zerino...at nakatayo siya sa gitna ng isang nilalang na pumatay sa kanyang mga tauhan.

Antonio: Anong klaseng nilalang ka?! 


Case1: Isang simula ang tagapagmana ng alamat

Apat na taon ang nakakalipas ng tuluyang bumagsak ang samahan ng kyujuu sa kamay ng GINGA, at ito ay sa ipinakitang kagitingan nang mga Special Police noon.

Isang Exhibit  ang isinagawa ng GINGA Para sa publiko kung saan ipinakita dito ang mga ginamit ng mga special police sa nang yaring labanan sa  pagitan ng kyujuu  noon.

Armor...weapons...Vehicle pati na ang mga badge laha ito ay ipinakita ng GINGA bilang tanda ng 
mga ginawa nilang pakikipaglaban.

Samantala isang lalaki ang naka-tingin sa sirang armor ni Gaider at ang lalaking ito ay si Kyro
Ang nakakabatang kapatid ni Kaiza. Na ngayon ay isa ng ganap na detective ng GINGA Special investigation Unit.

Kyro: Grabe ganito pala ang naging sira ng armor ni Gaider noon... ewan ko lang kung hindi talaga nasaktan si kaiza sa pakikipaglaban niya sa mga miyembro ng kyujuu...siguro oras  na para ako ang pumalit sayo... kaiza.

Sa kasalukuyang nasa isang misyon ngayon si Kaiza kasama ang pinaka bago niyang groupo ang Hawk Squad... kung saan hinahanap at tinutugis parin nila ang ibang natitirang miyembro ng Kyujuu sa bawat panig ng mundo.

BLEEP...BLEEP

Tumunog ang Smartphone ni Kyro at sinagot niya ito...Si Tina ang nasa kabilang linya.

Kyro: Tina...ano na bakit na patawag ka?

Tina: (Sakabilang linya at pasigaw) ANONG NAPATAWAG KA HOY! ANJELO PUMUNTA KA NA DITO SA HQ PINAPATAWAG KA NI CHIEF INSPECTOR MARCUS...AT TANDAAN MO MERON KALANG LIMANG MINUTO PARA MAKA BALIK DITO LAKUWATSERO!

Halos mapalayo ang tenga ni Kyro dahil sa lakas ng boses ni tina mula sa telepono

Kryo: Teka wag mo naman akong sigawan...daig mo pa ang nanay ko...sige na pupunta na ako diyan.

Lumabas si kyro sa Exhibit Hall para bumalik sa HQ dahil sa pinapatawag siya ni chief insp Marcus.

Pasakay nasa ng kanyang big-bike si Kyro ng mapansin niya ang isang balita sa diyaryo.

Kyro: Unknown Killers patuloy paring pumapaslang sa kakaibang paraan...sino ba talaga ang gumagawa ng bagay na ito?

Isinuot na ni Kyro ang kanyang Helmet at agad na umalis.
___________________________________________________

Sa isang lihim na lugar na napapalibutan ng aquarium...may limang nilalang na nag pulong para pag usapan ang isang bagay...at ito ang organization na ang hangarin ay makamit ang pinakamataas sa pagiging tao o diyos .

Sila ang Dranixs....

May suot silang kakaibang uri  ng baluti...baluti na mas angat pa sa katangian ng mg Special police.

Nag salita ang kanilang pinuno

Primo: Napapanahun na para isa katuparan ang ating mga plano...para sa pag babago ng mundong ito.

Segundo: Tama ka...matagal-tagal narin noong huli tayong nakapag pulong ng ganito.

Quwarta: Sang ayon ako, muli tayong ipinatawag ng ating panginoon para sa isang layunin, layunin na ipamahagi sa mga tao ang kanyang balita. 

Tersera: Gusto ko ng marinig at maipamahagi ang mga nakakamatay kong tinig....

Quinta: Ano sa tingin mo Primo...eto na ba talaga ang simula...nakakasigurado ka bang wala ng ibang lalabas na banta kagaya ng kyujuu? Kung wala na nga, masisimulan ko na ang aking mga pananaliksik sa mga makabagong antas ng nilalang na mas lalong mag papalakas sa atin.

Primo: Sigurado na ako....at halos matagal tayong nag intay para sa bagay na ito (pumitik ang daliri)

CLICK!

Lumabas ang isang nilalang na anyong cyborg at kung tawagin nila ito ay si.

Primo: Levaiton...humanap ka ng isang Evolving species at simulan niyong ipakilala ang ating mga sarili sa Mundo!

Levaiton: Masusunod po

Agad umalis si Levaiton at nag tungo na ito kung saan iniutos ni Primo

Primo: Oras na para sa isang bagon banta...ang banta ng Dranixs!!!
_________________________________________________

GINGA Special investigation department.

Ipinatawag si Kyro upang mag report sa kanilang nakakataas na si Chief inspector. Arthur Marcus.

Sinalubong siya ni tina at sinigawan ito.

Tina: LATE KA NANAMAN!

Kyro: Teka tina bakit ba ang init lagi ng ulo mo sa akin? Dati naman hindi ka ganyan ah....ah teka alam ko na baka meron kang dalaw ngayon kaya ka ganyan sa akin ano tama ba ako?...oh baka naman kinulang ka kay major mendoza kagabi...ano kaya sa dalawa ang tama hehehehe
Lalong nainis si tina sa sinabi ni Kyro at dahil doon kinutusan niya ito.

BOOOGG

Kyro: Aray...sakit noon ah parang binibiro kalang.

Tina: Bastos kang bata ka! Hindi ko alam kung kapatid ka nga ni kaiza dahil sa totoo lang mag-kaiba kayo nang pag-uugali! 

Kyro: (Simangot) Hindi naman niya ako kagaya ano...pa-virgin masyado ang kumag nayun kahit na may asawa na siya.

Tina: Hay nako tigilan mo na ako sa mga kabastosan mo...pumasok ka na sa loob iniintay ka na ni  Boss.

Kyro: Sige.
____________________________________________________

Kumatok si Kyro at pumasok ito

Kyro: Excuse us sir.

*Come in*

Pumasok si Kyro at sumaludo ito

Kyro: (Sumaludo)Detective Kyro Anjelo of special investigation unit 6...reporting for duty  sir.              

Tumayo si Chief inspector Marcus at sumaludo rin ito.

Chief Insp. Arthur: Good you’re just in time...come and have a sit

Kyro: Sir ano po ba ang sadya niyo? At kung bakit ipinatawag niyo ako ngayon?

Chief Insp. Arthur: Tina....sige ipakita mo sa kanya

Tina: Yes sir.

Pinatay ni tina ang mga ilaw at binuksan ang isang hologram screen.

Kyro: Teka ano ang mga ito?

Nagula si Kyro sa kanyang mga nakita mga kakaibang pag-paslang at pag kamatay ng isang biktima na hindi ma ipaliwanag kung saan at papaano ito nagawa.

Chief Insp Arthur: Kuha ang mga yan noong nakaraang anim na buwan...kung makikita mo iba-iba ang  mga angolo ng kanilang pag kamatay....meron isang diyan na tila parang ginawang semento ang buong katawan ngunit sa crime scene wala namang bakas na gumamit ng kahit anong cement product or chemical...na kakapagtaka diba?

Kyro: So ano po ang hinala niyo tungkol sa mga yan...probably hindi kyujuu ang may gawa niyan dahil matagal ng sarado ang kaso nila  dito sa atin.

Chief Insp Arthur: Wala kaming idea kung ano o sino ang may gawa ng mga ito..pero na titiyak kung hindi ordinaryong tao ang mga ito...dahil hindi namin alam ang pinag mulan nila at kung sino sila Kay may ginamit kaming bansag sa kanila.

Kyro: Ano po iyon?

Chief Insp Arthur: Negative.

Kyro: Negative? 

Sakay muli ng kanyang Big Bike pinuntahan ni Kyro ang isang lugar at hanggang sa makarating na siya sa lugar na sinabi sa kanya.

Agad bumaba si Kyro sa kanyang motor at tila na alala niya ang mga sinabi ni Chief Insp Arthur sa kanya.

Kyro: Mukang ito na yun ?
_____________________________________________________

30 minutes bago siya pumunta sa lugar na kanyang pupuntahan 

Chief Insp Arthur: Detective Kyro Anjelo ayon sa record mo ikaw ang pinaka magaling sa lahat ng graduates nitong nakaraang taon sa academy...at lingid sa kaalaman mo ikaw ang napili namin para gumamit ng pinaka bagong sandata ng GINGA.

Kyro: Sandata ng GINGA?

Chief Insp Arthur: Ang pinaka bagong Modelo ng Special combat suit ng GINGA ang Gunver...sayo ipinag kakatiwala ang pag gamit nito...bago yun puntahan mo ang lugar na ito. Dito mo malalaman ang ibang detalye sa kasong hahawakan mo. Umaasa ako na matutuldukan mo ang mysteryo na bumabalot sa kasong ito.
_____________________________________________________

Nagulat si Kyro na pinapunta siya sa isang coffee shop.

Kyro: Pinag loloko ba nila ako....isang coffee shop? GINGA Cafe ang sagwa.

Pumasok si kyro sa loob at tinginan kung may tao sa loob.

Kyro: Excuse me may tao ba dito...Tao po!!

Habang nag lalakad si kyro sa loob napansin niya ang mga bagay-bagay na narito isang billiard table, coffee blender,  mga lamesa para sa costumer  at kung ano-ano pa?

Kyro: Sigurado ba yung matandang yun? Nah dito talaga ang lugar....parang wala namang tao ah 

Hindi lingid sa kaalaman ni kyro na merong tao na sumusunod sa kanyang likuran,  at ilang sandali pa ay.

BOOOOGGG

Kyro: Aray!!!

Isang skills sa judo ang ginamit nito kay kyro at ang gumawa nito ay walang iba kung hindi si Mei.  

Mei: Kyro?...

Kyro: Ate Mei!? Aray ang sakit noon ah.
_________________________________________________

Sa isang abandonadong Contraction site isang lalaki ang dumudurog ng mga bato sa kanyang palad at tila galit na galit ito.

Ilang sandali pa ay dumating si Levaiton

Levaiton: Matagal din tayong hindi nag kita...Hammer.  

RRAAAAWWWW
BOOOOOOGG  

Hammer: Matagal ko ng iniintay ang pag kakataong ito...mukang gumagawa narin ng hakbang ang dranixs ngayun....puwes sabihin mo ang gagawin ko? 

Levaiton: Simple lang naman ang gagawin mo sa amin ngayon...at ganito yun.
________________________________________________

Naka upo si Kyro sa bar ng cafe ni mei at pinag timpla niya ng kape ang binata at isang choco brownies para sa miryenda.  

Kyro: Alam mo talaga ang paborito ko ate mei!

Mei: So mapunta na tayo sa usapan

Dalawang taon ang nakakaraan bumalik si Kaiza pag katapos ng ilang misiyon  sa Hawk Squad... nag propose siya kay mei at niyaya niyang pakasalan ang dalaga...lalong gumanda si mei dahil sa pag –aasawa niya. At hindi lingid sa kaalaman ni kyro na si Mei ang may ari ng GINGA Cafe, at ito ang bahagi ng kanyang pagiging asawa niya at pagiging secret agent parin.

Kyro: (Uminom ng kape) Pinapunta ako dito ni Chief Inspector...dahil ikaw daw ang mag bibigay sa akin ng coordinate tungkol sa mga unsolved case na hindi ma ipaliwanag ng mga imbestigador totoo ba yun?

Mei: Oo totoo yun...at na balitaan ko na ikaw ang gagamit ng pinaka bagong Badge na Binuo ng GINGA Research team...halika ipapakita ko ang mga bagay dito sa loob.  

Tumayo sila kyro at mei, binuksan ni mei ang isang secret door at isang elevator pala ang nadoon.

Kyro: Ayos ah isang elevator mukang may secret base sa ilalim nito ah?  

Habang bumaba ang elevator sa basement...tinanong ni kyro si mei sa mga ilang bagay

Kyro: Siya nga pala ate mei.

Mei: Ano yun?

Kyro: Bakit na isip mong mag tayo ng Cafe? Eh halos malaki din naman ang sinasahod niyo nila kuya kaiza siguro naman hindi na kayo mag hihirap nito...

Mei: Wala naman practical na dahilan...gusto ko lang masubukan ang ibang bagay...nakakapagod din naman kasi na nasa field ka parati, kaya tinangap ko nalang ang offer na ako ang magiging superio mo sa kasong ito.

Kyro: Ganon ba....kung ikaw din lang naman sigurado  hindi na ako mahihirapan

Lingid sa kaalaman na si Kyro ang nangunguna pag dating sa GINGA academy sa solving crimes  at kahit na nakapikit pa siya kaya niyang malaman ang kung sino ang kriminal...kaya siya ang pinakabagay na kandidato para sa pinaka bagong sandata ng GINGA ang Gunver.

Mei: Nadito na tayo.

Kyro: Wow ayos to ah...ito ang magiging base natin?  

Mei: Oo medyo may kulang pa....pero sa ngayon pag tiyagaan nalang muna natin dito.

Nilibot ni Kyro ang paligid at nakita niya ang mga dating armor ng special police na si Gaider,Beta at si Galathea  na nakalagay sa isang Display glass. Ganon din ang ibang forms ni Gaider na Defender,Heavy at Battle.

Kyro: Ang mga special police armor...ayos to, teka nasa exhibit sila ah? Papaano sila napunta dito?


Mei: Mga replika lang ang mga yun...yan ang mga totoong armor nila Gaider,Galathea,At Beta..sinadya ko talagang hingiin ang mga yan para maging parte ng ating base.

Kyro: Ganon ba...astig talaga para lang sa iron man movie naka hilera ang mga armor.
_________________________________________________

Sa isang mataong lugar sa rizal park masayang namamasyal ang mga pamilya. Ang iba naman ay nag papakuha ng litrato sa munumento ng bayani ng pilipinas at meron ding naka upo sa may seaside.

Ngunit hindi lingid sa kanilang kaalaman ay may panganib ang naka ambang.

Hammer: Ang mga tao nga naman....wala ng ginawa kung hindi kumain matulog mamasyal o kung ano,ano pa....bigyan kaya natin ng konting takot ang mga ito, anong sa tingin mo levaiton?

Levaiton: Ikaw na ang bahala total kaya kita pinatawag ngayon dahil sa gusto ipakilala ni master primo ang kakayahan ng isang Evolve species na kagaya mo.  

Hammer: Sige sisimulan ko na ang kasiyahan dito...

Akmang susugod si Hammer ngunit...pinigilan siya ni Levaiton para ibigay ang isang bagay.

Levaiton: Kung gagawin mo lang yan mag isa...parang nakaka bagot hayaan mong samahan ka nila.

Mula sa kanyang Side pocket dumukot si Levaiton ng isang hugis bola at ilang sandali pa lumabas ang mga sandamak-mak na itim na nilalang na halos cyborg ang mga itsura.  

Levaiton: Sila ang mga Skullz...sila ang magiging alagad mo sa pag kakataong ito, kaya gawin mo na ang gusto mo hammer.

Hammer: Sige ba tayo na mga bata!!!

Lumusod si Hammer at ang kanyang kamay ay nabalutan ng mga matitigas na bato at ginulo niya ang mapayapang lugar ng maynila kasama ang mga Skullz.

BRATATATATATATATA
BOOOOOOMMMMMSS

AHHHHHHH Tulungan niyo kami!!!!

Walang awang pinag babaril ng mga Skullz ang mga tao...ang iba ay nasawi at ang iba naman ay nasugatan halos napuno ng takot ang lugar.  
__________________________________________________

Nag aayos palang sa basement sila Kyro ng biglang tumunog ang kanilang alarm

*Red Alert...Red Alert*

Kyro: Teka anong ibig sabihin noon?

Mei: Sandali titingnan ko.

Agad tiningnan ni mei sa kanilang Wide screen computer ang nang yayari...at laking gulat nila na may gumagawa ng isang malaking gulo sa maynila.

Kyro: Teka anong mga bagay nayan...isang halimaw ba iyan?

Mei: Hindi ko alam kung ano sila...mukang may bago nanamang banta sa atin ngayon...Kyro Kumilos ka na!  

Kyro: Sige ate pupunta ako sa pinang yayarihan ng gulo ngayon....ikaw nalang ang mag monitor dito para sa mga impormation na puwede nating makuha sa kanila---may mga sandata ka ba dito?

Mei: Meron pero hindi ko alam kung sasapat ang mga yun sa mga kalaban

Kyro: Ok nayon...basta ang mahalaga mapigilan sila.

Agad kumuha ng mga sandata si Kyro tig-isang dual hand guns at isang M14 Rifle

Kyro: Handa na ako puwede na akong lumabas!

Mei: Sandali kyro...mas maka bubuti kung gagamitin mo ang bagay nayun.

Itinuro ni mei ang isang bagay na may mantel... At ng inalis ni kyro ang cover nito ay isang pulang Big Bike ang na d-doon.

Kyro: Isang big bike?

Mei: Oo yan ang Gun Cycle parte yan sa ginawang Project ng GINGA .Kung ikukumpara mo yan sa GIGA Raptor ni Gaider mas angat at mas advance ang teknolohiya niya...makinig ka wala na akong panahong mag paliwanag ok..kailangan mo ng pumunta sa lugar na yun tatawag ako ng back-up kung kinakailangan.

Kyro: Roger that!

Agad sumakay si Kyro sa Pinaka bagong modelo ng patrol cycle ng GINGA  ito ang Gun Cycle
Ngunit tila may nalimutan si mei na ibigay kay kyro.

Mei: Teka parang may nakalimutan ako...(napatingin sa isang vault) Nako lagot na!
________________________________________________

BOOOOOOMMMSSS
BOOOOOGGGGG

Dumating ang puwersa ng PNP para pigilan ang mga nang gugulo sa parke...ngunit walang magawa ang mga awtoridad sa lakas nito.

AAHHHHHH

Hammer: Hahaha ganyan nga tingnan niyo ang lakas ng isang Evolving Species!!

Sinuntok ni Hammer ang kalsada at kumuha ito ng malaking tipak ng bato at ibinato ito sa mga kapulisan.

Hammer: Kainin niyo ito!!

AHHHH TAKBO!

BOOOOOGGG

Nag sipag takbuhan ang mga pulis dahil sa takot na madamay sila sa atakeng ginagawa ng taong may mga bato ang kamay.

Ngunit ilang sandali pa ay...

Hammer: Teka ano ito?

Isang bagay ang nakita ni hammer na lumapit sa kanyang paanan at pinulot niya ito...ngunit 

Maya-Maya pa ay

BOOOOOOOOOMMMMSSSS

Sumabog ito at tumalsik ang nilalang...kagagawan ito ng bagong dating na si Kyro sakay ng kanyang Gun Cycle.

Kyro: Ano masarap bang sabukang ng Cracker bomb?

Tumayo kaagad si Hammer.

Hammer: Hayop ka sino ka para gawin mo sa akin ang bagay na ito huh?!

Ipinakita ni Kyro ang kanyang Chapa..at ipinakilala ang kanyang sarili

Kyro: Detective Kyro Anjelo ng GINGA Special investigation unit 6...inaaresto kita sa salang pang gugulo at pag dadala ng mga wiredong nilalang nayan dito. Kaya sumuko na kayo kung ayaw niyong masaktan pa!!!

Hammer: Nag papatwa ka ba? Isang tao lalabanan ang isang evolving species?

Kyro: Teka mukang kayo ang mga negative na tinatawag ni boss...ito na ang pag kakataon ko para malaman kung may alam ka sa mga kasong nang yayari ngayon humanda ka!

Hammer: Tapusin niyo siya!

Inilabas ni Kyro ang kanyang dual Hand Gun at nakipag sabayan sa mga Skullz...ngayon dito na mag sisimula ang pakikipag sapalaran ni kyro bilang alagad ng batas. Magawa kaya niyang mag tagumpay at mahigitan ang alamat ni Gaider bilang si Special Detective Gunver.

Case Continue....

No comments:

Post a Comment