Saturday, January 24, 2015

Case 4: Partner






Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement

Isang Agent ang nag pakilala kila Kyro at ito ay ang dating apprentice ni Mei na si Agent Marina Asol.

Marina: (ipinakita ang Badge) Ako si Agent Marina Asol  ng Special Investigation Unit 7 Serial Number 009-55-12, ipinadala ako dito ni Chief inspector Arthur Marcus para maging katulong ni Detective Kyro Anjelo sa kaso ng negative.

Isang impormation ang ibinigay niya kila kyro at tungkol ito sa kaso kaugnay sa isang mersenaryo na kung tawagin ay si Dynamite.

Isang Expo ang naganap sa isang sikat na kompanya sa bansa na pinamumunuan ni Gilbert Ellezar...malaki ang hinala ni Marina na merong hakbang na gagawin ang nasabing mercenaryo.
At dumating na nga ang kanilang pinangangabahan...dinukot ni Dynamite ang presidente ng Ellezar Group of company...pero hinabol ito ni Kyro para iligtas si ellezar. 

Pero sa kasamaang palad namatay din ang taong kanilang pinoprotektahan...dahil sa inilagay ni Dynamite na fire cracker sa loob nang katawan ni Gilbert Ellezar.

Gunver: Hindi!

Dynamite: Kyro anjelo hahayaan muna kitang mabuhay sa ngayun...pero sa susunod nating ingkuwentro sisiguraduhin ko sayo na mamatay kana .



Case 4: Partner

Dumating ang mga tauhan ng Elite Task Force at ang ilang miyembro ng Special investigation unit .At natangap din nila ang balita na patay na ang presidente ng Companya na si Gilbert Ellezar.

Samantala pinuntahan ni Marina si Kyro sa parking lot...at nadoon ang ibang tauhan ng S.O.C.O. ng GINGA.

Marina: Anong ginawa mo?

Tahimik lang si Kyro dahil hindi niya nagwang protektahan ang taong ito

Kyro:.....Pasensiya na kung pumalya ako.
_________________________________________________

Samantala sa isang tagong lugar...nag aantay lamang si Dynamite kung kailan darating si Levaiton para ibigay ang bayad nito sa kanya...ilang sandali pa ay dumating na ang pinaka hihintay niya.

Dynamite: Buti naman dumating kana...ang akala ko hindi mo na ako sisiputin...nasaan dala mo ba?!

Levaiton: Wag kang mag-alala Dynamite dala ko ang perang paunang bayad sayo... 20 milyon walang labis at walang kulang...alam mo bang pinasaya mo si Primo sa ginawa mo.

Agad kinuha ni Dynamite ang attache case na nag lalaman ng pera.

Dynamite: Ganon ba...puwes karangalan sa akin yun bilang isang mersenaryo. Ayos ito ah, mukang malaki-laki ang mailalagay ko sa secret bank account ko. 

Levaiton: Teka matanong ko lang papaano kapa nakaligtas sa ginawa na atake ni Gunver?....kitang kita ko na sumabog kana at naging abo? 

Dynamite:Simple lang yun....para sabihin ko sayo hindi ito ang tunay kong katawan...at kung nasaan man yun hindi ko puwedeng sabihin, dahil yun ang maaring maging kahinaan ko, sa ngayun isusunod ko na si Kyro Anjelo sa listahan ko.

Levaiton: Kung papatayin mo siya sa pag kakataong ito...gamitin mo ang bagay na ito nakakasigurado akong mabibigyan ka nito ng panibagong lakas at kapangyarihan

Katulad ng ibinigay niya kay Hammer...isang injection Tube na nag lalaman ng asul na likido ang ibinigay niya Kay Dynamite.
________________________________________________  

GINGA Cafe

Sa underground Base ng GINGA cafe.

Bumalik sila Kyro at marina

*NAPAKA LAKI MONG TANGA ALAM MO BA YUN*

Ito ang sigaw ni Marina Kay Kyro...dahil sa galit nito kung bakit hinayaan niyang mamatay ang presidente ng Ellezar Group.

Nagulat naman sila Marion sa sigaw ng babaeng agent

Marion: Ay anak ng...ano ba yun?!


Marina: Alam mo ba ang ginawa mo kyro....malaking kahihiyan sa GINGA ang kapabayaan mo bilang isang Detective....hinayaan mong mamatay ang isang sibilyan sa harap mo mismo...sabihin  mo matatawag mo pa ba ang sarili mo Bilang isang Special Police? ---sayang dahil malaki ang respeto ko sa kapatid mo na si Kaiza Anjelo pati narin kay Ms.Mei masasabi ko na talagang sila--

TAMA NA PUWEDE!!!

Sumigaw si Kyro kay Marina dahil sa hindi na nito matiis ang mga sinasabi nito.

Kyro: Hindi ako kagaya ni Kaiza o ni Ate Mei...mag kaiba kami maaari nga na hindi ko sila ka level bilang mga pulis...pero may sarili akong paraan para magawa ko ang mga bagay na nagagawa rin nila.

Agad kinuha ni Kyro ang kanyang  racing Jacket at umalis ito

Mei: Sandali kyro! Kyro...marina sumobra ka naman ata, baguhan palang si Kyro sa pagiging Special Police... at natural lang na mag kamali sa unang pag kakataon...kagaya ni Kaiza at ako noong nag sisimula palang kami...madalas din kaming mag kamali at pumalpak---pero sa bandang huli nagagawa namin ng tama ang isang bagay kapag nag tulungan kami bilang mag partner...sana maintindihan mo yun.

Marina: Hindi ko kasalanan yun...pinatuyan lang niya sa akin na palpak siya...at hindi ko dapat siyang sundin...eto na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw kong nang mapasama sa isang team.

Samantala pinag aaralan parin ni Marion ang laban na Ginawa ni Gunver kanina kay Dynamite

Marion:Teka alam kong may kakaiba dito eh...ayun nakita ko na.

Tila may nakitang kakaiba si Marion sa pananaliksik niya sa nakaraang laban ni Gunver.
________________________________________________

Dranix Aquarium Base

Quinta: Mukang nag tagumpay ka sa plano mong pag-papatay kay Gilbert Ellezar...Primo.

Segundo:Teka ano naman ang dahilan mo kung bakit mo ipinapatay ang isang kagaya niya...alam mo bang puwede natin siyang magamit para sa mga plano natin sa hinaharap?

Primo: Wala na siyang silbi sa akin...masyado na siyang naging makabayan kaya wala na akong dahilan para gamitin siya sa mga plano ko sa hinaharap. Marami pa naman puwedeng mapakinabangan diyan na mas angat. 

Tersera: Hay nako mga lalaki nga naman...masyado kayong maiinit---kelan ba ako puwedeng lumabas dito nababagot na ako. 

Primo: Malapit na...konting panahon pa at uusbong na ang panibagong mundo para sa mga kagaya nating. 
__________________________________________________

Sa isang Seaside naka upo si Kyro sa tabi at pumupulot ito ng bato saka ibinabato sa dagat

Kyro:(bumabato) Yabang ang akala mo naman kung sino...pasalamat siya at babae siya kung hindi (nangigigil) naku sinapak ko na ang pag mumukha niya.

Nag patuloy lang sa pag-upo si Kyro at sumagi sa isip niya na ganon din ba si kaiza at si mei noong bago palang sila nag sisimula.

Kyro: Si kaiza kaya...ganito rin ang nararamdaman kapag nabibigo siya? Ewan, pakielam ko sa taong yun. 

Habang nakaupo si Kyro ay hindi niya namalayan na tila nag kakagulo na dahil sa mga dumating na Skullz.

AHHHHH TAKBO!!!!

BANG!-BANG!-BANG!

Kyro: Teka ano yun!

Nag sitakbuhan ang mga tao dahil sa pinag babaril sila ng mga android soldier  sa pamumuno ni Dynamite.

Dynamite: Hahahaha sige ituloy niyo lang yan!

Pumunta si Kyro sa pinang yayarihan ng Gulo at nakita niya na si Dynamite ang may panaka nito. 

Kyro: Dynamite...ikaw!!!

Dynamite: Tingnan mo nga naman, bigla ka nalang lumabas sa konting gulo na ginawa ko, talagang maasahan kayong mga taga GINGA sa pag responde.

Kyro: Tumigil ka pag babayaran mo ang ginawa mo kay Gilbert Ellezar...ng dahil sayo maraming taong umaasa sa kanya ang nanghinayang...oras na para ikulong ka sa bilanguan!!

Binunot ni Kyro ang Kanyang Gundriver at isinigaw ang katagang

GUN CHANGER!!

Nabalutan ng pulang liwanag si Kyro hanggang sa naging si Special Detective Gunver.

Gunver: Lusob!

Dynamite: Patayin niyo siya!!!

Hinarap ni Gunver ang mga kalaban na Skullz gamit ang kanyang husay sa Mix Martial Arts. Mag kakabilang suntok at sipa ang ginawa niya sa kalaban...at pag katapos nito ay binunot niya sa kanyang leg armor ang Gundriver at pinag babaril niya ito.

BANG!-BANG!

Gunver: Ano sino pa! 

Isang Skullz ang sumugod kay Gunver. Ngunit mabilis niya itong nahawakan at inihagis sa tabing dagat.

SPPPLLAAASSSSHHH.

Ngunit napalingat ng sandali si Gunver at biglang may sumabog sa kanyang harapan.

BOOOOOMMSSS

Gunver: Arrghh!!

Ang may kagagawan nito ay si Dynamite na pumilas sa kanyang balat ng isang maliit na Cracker Bomb.

Dynamite: Maiinit ba?!

Tumayo kaagad si Gunver at Ginamit niya ang gundriver

BULLET CHANGE RAPID!!

Gundriver female Voice: Bullet Change affirmative.

Gamit ang Rapid mode pinag babaril ni Gunver ang katawan ni Dynamite.

BRATATATATA!

Napa-atras lamang si Dynamite sa ginawang atake ni Gunver

Dynamite: Yan ang malaking pag kakamali na ginawa mo...paalam na Kyro Anjelo!!

Nag liwanag ang buong katawan ni Dynamite na tila may mang yayari sa kanyang buong katawan

Gunver: Masama ang kutob ko dito...patuloy na umaangat ang Heat level sa katawan niya....

Agad tumakbo si Gunver at tumalon ito sa dagat ...upang maiwasan ang gagawin ni Dynamite at ilang sandali pa ay.

BOOOOOOOOMMMSSSS

Sumabog ang lugar na kanilang pinag labanan. At halos maraming napinsala sa nang-yaring pag-sabog.
_______________________________________________ 

Naka detect ng signal mula sa pinang yarihan ng pag sabog ang underground base ng GINGA cafe.

Mei: Anong nang yari!?

Marion: Mukang nag karoon ng pagsabog sa may seaside malapit sa CCP Complex sa Roxas Blvd...at hindi lang yun... nasagap ko rin ang signal ni Kyro pero bigla itong nawala.

Mei: Ano? Sige  i-check mong mabuti...siguro naman nagawa niyang makaligtas sa pagsabog.

Marion: Sige susubukan ko siyang kontakin.

Sinubukan ni marion na kontakin si Kyro mula sa kanilang computer...samantala kita naman kay mei ang pag-alala sa kanyang brother in law.

Napansin din ito ni marina. At naalala niya ang dating team niya noon. 

Ilang sandali pa ay sumagot na si Kyro sa tawag ni Marion.

Marion: Ayun nakuha ko na...kyro sumagot ka! Ayos kalang ba?...Kyro!
_______________________________________

Umahon si kyro sa pampang at kita sa kanya ang mga sugat at pasa....

Kyro: Marion...ayos lang ako medyo napalaban lang.

Mei:(sa kabilan linya) Kyro ...si mei ito kumusta na ang lagay mo!?

Kyro: Ate pasensiya na kung pinag alala kita.....pabalik na ako ngayun diyan...sumabog si 
Dynamite pag-katapos ko siyang pa-ulanan ng bala. 
_______________________________________

Mei: Sige mag papatawag ako ng back-up team para sunduin ka diyan.

Agad naputol na ang pag uusap nila Kyro at Mei.

Mei: Buti naman at ayos lang siya...ano nalang ang sasabihin ko sa kapatid niya kapag may nang yari sa kanyang hindi maganda.

Marion: Ok lang yun ate mei...sa nakikita ko kaya rin ni kyro na makaligtas sa kahit na anong sitwasyon---kagaya ng mga ginagawa ni kuya kaiza noon. 
__________________________________________

Samantala sa pinang yarihan ng pag sabog. Unti-unti muling nabubuo ang abo ng lalaking si Dynamite. at tila sa ginawa niya ay walang nang-yari sa kanya nang ano mang bahid sa pag-sabog.

Dynamite: Aaaahhhhh....ang sarap noon ah---sigurado naman na napatay ko na siya ngayun. 

____________________________________________

Kinabukasan gumising si kyro na puno ng bandage ang katawan dahil sa mga nangyaring pag sabog.

Mei: Oh kyro buti naman ayos kana...kumusta ang mga sugat mo?

Kyro: Ayos lang...pero hindi parin ako kumbinsido na patay na si Dynamite, sa nakikita ko buhay pa siya.

Ilang sandali ay sumagot si marion sa kanilang pinag uusapan.

Marion: Tungkol sa bagay na iyan mukang kailangan niyong malaman ang bagay na ito.
_______________________________________________

Nakipag kita muli si Dynamite Kay Levaiton upang kunin ang kanyang pang huling bayad niya.

Dynamite: Ano Levaiton dala mo na ba ang pera?

Levaiton: Anong pinag-sasabi mo...hindi mo ba alam na buhay pa si kyro anjelo?

Dynamite: Paano mo naman nasabi ang bagay nayun....siguro naman na nasaksihan mo ang pagsabog na ginawa ko...kahit na sino pa siya ay hindi magagawang makaligtas sa ganon kalakas na pag sabog.

Levaiton: Hindi ako kumbinsido na patay na siya... isang special police ang taong yun, sanay sila sila sa mga delikadong sitwasyon... pero bueno isa pang pag kakataon kapag napatunayan mong patay na nga si Kyro Anjelo makukuha mo ang laman ng Case na ito...

Dynamite: Ano naman ang gagawin ko sa pag kakataong ito? 

Levaiton: Simple lang....gumawa ka ng kahit na anong gulo na gusto mo...at sa oras na hindi siya nag-pakita... saka mo lang makukuha ang laman nang case na ito.
__________________________________________________

Pinanuod ni nila Kyro ang huling footage na naging laban niya kay Dynamite.
At ikinagulat niya ang kanyang nakita.

Kyro: Hindi maaari totoo ba ito?

Marion: Totoo yan...isang binhi mula sakanyang katawan ang bumubuo muli sa kanya....ayon sa data na nakuha ko yun ang pinaka katawan ni Dynamite...at yun ang kailangan mong mapuksa bago pa siya muling mabuo.

Kyro: Imposible, dahil ang mga Fire arms niya sa kanya katawan ay madaling sumabog, kaya papaano natin makukuha ang binhing yun? 

Marion: Meron na akong sulusiyon diyan. 

Ipinakita ni Marion ang isang SD Card para sa Gundriver.

Marion: Gamit ito hindi mo na kailangan barilin o pasabugin si Dynamite...yan ang Sd Gun memory chain saw...

Kyro: Chain saw memory card? 

*Meron pang isa!*

Sumagot naman si Marina sa usapan nila Kyro.

Kyro: Marina?!

Marina: Ako na ang bahalang tumapos sa life spand niya...at ikaw ang bahala sa katawan niya---sa pag kakataong ito kailangan natin mag tulungan bilang isang team at bilang isang mag-partner. 

Ilang sandali ay tumunog ang alarm.

ALERT...ALERT

Kyro: Mukang nadito na sila.

Marion: Area 34 sa may ortigas isang bangko ang nilooban ng mga tauhan ni Dynamite.

Kyro: Magandang pag-kakataon, alam na natin ang drills, marina tayo na.

Marina: Sige! 

Agad umalis ang mag partner para mag tungo sa pinang yayarihan ng gulo.
____________________________________________

Sa isang Bangko sa ortigas nilooban ito ni Dynamite at kinuha ang sako-sakong pera.

BOOOOOOOMMMSSS

Pinasabog nito ang vault ng walang kahirap-hirap.

Dynamite: Sige ilagay niyo lang sa van ang mga perang yan....

Halos takot na takot ang mga tauhan ng nasabing bangko at ang security guard nito ay walang magawa dahil sa lakas at nakakatakot na pinapakita ni Dynamite.

May mga ilang tauhan na ng bangko ang kanyang pinatay

Skullz: Master Dynamite na ikarga na po namin ang lahat ng sako ng pera...puwede na po tayong umalis.

Dynamite: Magaling...tayo na! (Sa sarili) Mukang nag-tagumpay nga ako.

Akmang sumakay sila Dynamite sa kanilang armored van....ngunit sa pag alis nila ay hindi nila akalain na nakaharang si Kyro sa daan sakay ng kanyang Gun Cycle

Ikinagulat ni Dynamite na buhay panga si Kyro.

Dynamite:Ikaw!!

Agad nag sipag babaan ang mga Skullz at  si Dynamite.

Kyro: Ang ganda ng araw ngayun diba...ang sarap sigurong mag shopping gamit ang perang dala niyo. puwede ring makipag date sa isang napakandang babae at pag-katapos, mag checheck in kayo sa isang mamahaling hotel, ano sa tingin mo...maganda ang naiisip ko diba? 

Dynamite: (galit na mukha) ikaw ano bang klaseng tao ka....bakit hindi ka pa namatay sa ginawa kong pag papasabog sa lugar nayun!?

Kyro: Anong klaseng tao ako?....isa akong detective, at kung nag  tataka ka na nabuhay pa ako, sa lahat ng ginawa mo ay dahil yun sa sinuwete lang ako...

Dynamite: Ano sinuwerte? Masyado kang mayabang....hindi mo ba alam na mag isa kalang! Sige tapusin sila mga skullz. 

Lumusob ang mga skullz kay kyro ngunit. 

BANG!-BANG!-BANG!

Dynamite: Anong!?...isang sniper?!  

Tatlong skullz kaagad ang napatumba ng sniper at ito ay kagagawan ni Marina na nakatago sa isang gusali. 
____________________________________________________

Marina: Oras na para mag laro kyro....ikaw na ang bahala sa lahat.

Patuloy lang pinag babaril ni marina ang mga skullz hanggang sa wala ng natira.

BANG!-BANG!-BANG!
____________________________________________________

Kyro: Ngayun ubos na ang mga alipores mo... masisimulan na natin ang laban na hindi  natin natapos.  

Dynamite: Mag sisisi ka sa ginawa mo Detective...humanda ka, dahil ito na ang magiging katapusan ng buhay mo!!

Inilabas ni Dynamite ang kanyang injection tube at isinaksak niya ito sa kanyang leeg...at ilang sandali pa ay unti-unting nag bago ang kanyang anyo bilang isang nakakatakot na evolving species .

Kyro: Wow astig nasana kaso ang pangit mo lang....pero ito ang tingnan mo.

Kinuha ni Kyro ang kanyang Gundriver.

Kyro: Ngayon oras na para mag-bihis!

Gundriver Female Voice: DNA SCAN COMPLETE GUNDRIVER ONLINE.

Kyro: Gun Changer!!!

Mula sa Gundriver at Badge ay nabalutan si Kyro ng pulang liwanag at naging si Special Detective Gunver. 



Gunver: (ipinakita ang Badge) Special Detective Gunver ng GINGA Special investigation unit 6...inaaresto kita sa salang pagpatay kay Gilbert Ellezar at sa pang loloob sa isang bangko dito, sumama ka sa akin ng maayos kung ayaw mong masaktan!!

Dynamite: Nag papatawa ka ba....hindi ako susuko sa isang kagaya mo!

Nag bato ng mga bomba si Dynamite mula sa kanyang katawan...ngunit inilagan lang ito ni Gunver.

BOOOOOMMMS
BOOOOOMMMS

Gunver: Muntik na ako doon ah...hoy mag ingat ka naman!!

Dynamite: Ano Kyro Anjelo sumusuko ka na ba?...tandaan mo walang epekto ang gagawin mong pag atake sa akin, dahil sa oras na binaril mo ako sasabog ang katawan ko at ang buong lugar na ito ay mawawala! 

Gunver: Sino naman ang may sabi na babarilin kita....tingnan natin kung makakapalag kapa sa gagawin kong ito!

Mula sa kanyang side pocket kinuha ni Gunver ang isang Sd Memory at inilagay niya ito sa kanyang Gundriver

Gundriver Female Voice: SD Memory In.. Armor Changing-Chain Saw

Nag bago ang wrist armor ni Gunver at naging Chain saw ang mga ito...

Gunver: Ngayun simulan na natin...yaaaahhhh!!

Sinugod ni Gunver ang nilalang gamit ang kanyang arm Chain saw iniwasiwas niya ito kanyang kalaban.

SLASSSSHHH

Ngunit mabilis itong inilagan ni Dynamite.

Dynamite: Ano naduduling ka na ba?!

Gunver: Wag ka munang masyadong kampante...tingnan mo ang kamay mo.

Tiningnan ni Dynamite ang kanyang kaliwang kamay at laking gulat niya na naputol ito ni Gunver. 

Ang akala niya ay na ilagan niya ito ngunit mabilis na atake ang ni Gunver na hindi na papansin.

Dynamite: Anong!!!...mag babayad ka!!

Gunver: Oras na para hanapin ang tunay na katawan mo! 

Umatake muli si Gunver kay Dynamite, at sa pag kakataon nito ay sinipa-sipa naman niya ang kanyang kalaban.

BOOOOOGGGGG

Natamaan ang negative at napaatras ito.

Gunver: Sisimulan ko na Gun analyzing!!!

Gamit ang Gun analyzing  sa Loob ng Computer Helmet ni Gunver, kinukuha niya ang data or weak spot mula sa kanyang kalaban upang malaman ang kahinaan nito.

Gunver: Kuha ko na...eto na ako!!

Umatake si Gunver ng buong tapang kay Dynamite....at gamit ang kanyang Gun Chain Saw pinuntirya niya ang puso ng kanyang kalaban hanggang sa lumabas ito.

GRIIIIIINNNDDDD!!

Dynamite: ARRRRGGGHHHHH....ugh ang akala mo ba mapapatay mo ako ng ganyan lang.

Gunver: Hindi ako ang papatay sayo...kung hindi siya yun! 
________________________________
Mula sa kanyang puwesto nakahanda na si Marina na patamaan ang weak spot ni Dynamite.

Marina: Magaling Kyro...ako na ang bahala.

BANG!! 

Tinamaan ni Marina mula sa dib-dib ang halimaw na si dynamite at dito na siya tuluyang natalo.
_________________________________

Dynamite:Arrrghhh..

Bumagsak si Dynamite at kasabay nito natunaw siya at naging isang abo nalang.

Gunver: Natapos din...magaling ang ginawa mo marina. 
_________________________________

Apat na araw ang nakalipas

Manila north cementary

Inilibing si Gilbert Ellezar noong araw nayun...maraming tao at kaibigan ang nakiramay sa pag 
kawala niya isa na dito si Senator William Delfine.

Samantala sa hindi kalayuaan naroon sila Kyro at marina...habang pinag mamasdan nila ang libing, lumapit si Chief Inspector Arthur Marcus kasama si Tina.

Chief Insp Arthur: Binabati ko kayo detective anjelo at agent asol...sa pag kakasara ng kaso kaaugnay kay dynamite...ngayun mabibigyan na ng hustisiya ang pag kamatay ng mga naging biktima niya.

Kyro: Maraming salamat po sir...pero hindi ko po magagawa yun kung wala ang tulong ni marina—napakalaking tulong niya para sa team namin.

Marina: Ginagawa ko lang ang tungkulin ko bilang isang GINGA agent, is not personal---kyro (nakikipagkamay) sa oras na ito tinatangap na kita bilang partner ko. 

Tila natuwa naman si Kyro sa kanyang narinig

Kyro: Talaga...(sa sarili) yes may pag kakataon na ako. 

Marina: Pero may kondisyon ako.

Kyro: Ano naman yun?

Marina: Bawal kang mainlove sa akin, hindi tayo kagaya ni Ms. Mei or ni Lt.Kaiza Anjelo para mag kagustuhan, dahil ang lahat ng ito ay trabaho lang para sa akin...at pag may nalaman akong kalokohan na ginawa mo laban sa akin, ako mismo ang papatay sayo maliwanag ba.

Kyro: Ano!?

Tila nabasag ang pangarap ni kyro sa sinabi ni marina...at dahil dito parang nawalan siya ng pag-asa sa babaeng agent.

Kyro: HINDI!!!!!!!!!!

Muli isang kaso nanaman ang na isara nila Kyro ngunit hanggang saan kaya sila tatagal nito.

Case Continued....


No comments:

Post a Comment