Saturday, January 17, 2015

Case 3: Agent Marina Asol




Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement


Isang makabago at advance na Special Combat suit ang muling lumabas. At ito ang tinatawag na Gunver. Na siyang pumigil sa bagong banta sa sangkatauhan.

Nag tagumpay si Kyro sa unang laban niya gamit ang bagong combat suit  na Gunver. Ngunit ano naman kayang laban ang kahaharapin niya sa mga susunod na araw?... Magawa kaya niyang magtagumpya kagaya ng ginawa noon ni Gaider o bumagsak lang siya sa kamay ng mga kalaban?

Samantala sa labas ng shop isang babae ang nakamasid dito sakay ng kanyang Sport car

??:So dito na pala ang lugar nayun.

Agad tinangal ng babae ang kanyang shade at pinag masdan pa niya ng mabuti ang lugar.

??:GINGA Cafe...mukang intiresante.




________________________________________________ 

Case 3: Agent Marina Asol 

Sa underground base sa GINGA cafe...abala sila Kyro at Marion sa mga gadget na ipinapakita niya sa binatang Detective.

Kyro: Ang astig ng mga ito.....yan ba ang mga gadgets na gagamitin ko sa mga imbestigation na kahaharapin ko?

Marion: Oo yan na nga...at in case of emergency magagamit mo ang mga yan...kagaya nalang ng isang ito.

Ipinakita ni marion ang isang bagay na parang isang mini-computer

Kyro: Teka ano naman yan?

Marion: Ito ang Gun Sequencer...gamit ito mahahack mo ang isang security lock or CCTV o kahit mga computer, cellphone.

Kyro: So ibig sabihin kahit Facebook kaya niyang ma-hack ang Account ganon?

Marion: Parang ganon na nga...pero hindi ito ginawa para doon...ginawa ito para sa mga emergency. Kung halimbawa nalang na makulong  ka sa isang selda na may security code’s or hindi kaya sa isang building na puro CCTV. O kaya naman puwede kang kumuha ng Radio Frequency…basta maraming maitutulong sa iyo ang Gadget nayan kaya pag ingatan mo nalang ok.

Kyro: Ayos ito. 
___________________________________________

Samantala habang nag lilinis si Mei ng kanyang shop...isang babae ang pumasok dito at na upo sa bar nito

Mei: Welcome...Miss Kukuha ba kayo ng order?

*Mas lalo kapa ata ngayon gumanda Agent Martin...oh mas maganda siguro kung Mrs. Anjelo na ang itawag ko sa inyo*

Tila pamilyar ang boses na yun kay mei. 

Mei: Teka Marina ikaw ba yan?

Marina: Yep ako nga kumusta na po kayo Agent Martin, Ang tagal natin hindi nag kita. 
___________________________________________

Inisa-isa ni Marion ang mga Gadget na ibnigay niya kay Kyro.

Kyro: Gun Liner , Explosive Gel, Disruptor, teka paraa saan ang shade na ito?

Marion: Yan isang yan ! Yan ang Gun vision shade...kaya mong makita ang isang nilalang mula 
sa pinaka makapal na pader. At gamit ang bagay na yan makakagawa ka ng plano kung paano mo patutumbahin ang mga kalaban sa maikling oras lang...hindi lang yun puwede mo rin itong gamitin sa crime scene para maka kuha ng possible lead or evidence. 

Kyro: Grabe para na akong si Batman sa dami ng Gadgets na ito ah..mukang kinakailangan ko 
rin ng belt para sa mga ito He he he. 

Marion: Wag kang mag alala madali lang naman silang dalhin...at saka kailangan mo talaga ang mga yan...in case of emergency.

Kyro: Kung sa bagay.

Ilang sandali pa ay bumukas ang elevator at si Mei ang nadito...kasama niya si Marina.

Mei: Oh ano ang balita sa inyo dito.

Marion: Eto ayos lang medyo patapos na kami sa ginagawa namin dito...Teka sino naman siya?

Mei: Ah siya ba!

Nag pakilala si Marina kila Kyro at Marion.

Marina: (ipinakita ang Badge) Ako si Agent Marina Asol  ng Special Investigation Unit 7 Serial Number 009-55-12. Ipinadala ako dito ni Chief inspector Arthur Marcus para maging katulong ni Detective Kyro Anjelo sa kaso ng negative.

Si Mei ang nag turo kay marina upang maging mahusay na isang secret agent o spy. Pag dating sa combat skill at sa Hacking o sa kung ano-ano pang baga,y pag dating sa pagiging Agent siya ang instructor niya dito. Experto din si Marina sa hand-to-hand combat at sa iba’t ibang klaseng martial arts. at  sa mga  sandata magaling experto si marina sa hand gun at sniper rifle.

Marion: (Nakipag kamay) Ah kinagagalak ka naming makilala...ako si Professor Marion Hernandez. Dati akong miyembro ng GINGA Elite Task force 1 bilang technical assistance.

Marina: Ah marami po akong naririnig sa inyo...balita ko kayo ang nasa likod ng pinaka bagong Combat Suit ng GINGA ang Gunver.

Marion: Oo ako nga yun....at ang lalaking yun ang gumagamit ng suit... Hoy kyro ano ba ang ginagawa mo bakit ka tulala diyan?

Kyro: (Sa sarili) Ang Ganda niya ...(napalunok) Gulp..

Tila na tulala si Kyro sa pag kakakita niya kay Marina at dahil dito halos tumulo na ang laway ni kyro dahil sa kanya...Pulang Buhok na naka pony tail. Perfect Body Waist at magandang mukha na parang isang beauty queen. ito ang lumalarawan kay Marina na tamang tama  sa pagiging spy agent.

Mei: (Sa sarili) Mukang alam ko na ang iniisip ng batang ito.

Kyro: (sa sarili) Gusto ko siyang pakasalan----Ahem ah pasensiya na ako nga pala si Detective Kyro Anjelo  ng Special Investigation unit 6 Serial Number 002-51-009 kinagagalak kitang makilala Ms. Asol (nakipag kamay)...ah eh may boyfriend kana ba?!

Nagulat naman sila Mei at Marion sa sinabi ni Kyro ngunit tila ata walang epekto kay marina ang sinabi nito sa kanya.

Marina: (seryosong sagot) wala... at wala akong interes sa mga kagaya mong lalaki....naparito lang ako para sa trabaho natin---at isa pa Hindi ikaw ang Type ko.  

Kyro: HINDI!!!!!!

Tila na basted si Kyro sa sinabi ni Marina at halos mangiyak-ngiyak siya.  

Mei: (napa-face plam)Hay nako Kyro anyway...pag usapan na natin kasong hahawakan niyo, tama ba ako marina?

Marina: Tama po kayo.
______________________________________________________

*AAAAHHHHHHH*

*BOOOOOMMMMSSSS *

Isang pag sabog ang humahabol sa isang lalaki. 

Lalaki: Tulungan niyo ako!!!

MAMATAY KA NA!!!

Isang rocket Dynamite ang lumipad patungo sa lalaki at di kalaunan ay tinamaan niya ito at sumabog at nag-kalasug-lasug ang katawan niya.

*AAAHHHHHH*

*BOOOOOOMMMSS*

??: Walang kuwenta....mukang hindi ako kikita sa kagaya nito pipitsugin lamang.

*Mukang patuloy kalang sa nagiging hanap buhay mo ngayun ah..Dynamite *

May nag salitang isang boses ng lalaki at ito ay si Levaiton.    

Dynamite: Heh....ano ang kailangan mo ngayun sa akin Levaiton?

Levaiton: Wag ka naman magalit sa akin.....nais ng Dranixs na mag trabaho ka sa amin kahit ngayon lang---sa kakayanan mo nararapat ka sa trabahong ibibigay namin sayo.

Ipinakita ni Levaiton ang dalawang letratong kanyang traget

Levaiton: Yan ang inyong magiging target....ang lalaking nasa kaliwang litrato ay si Mr. Gilbert Ellezar siya ang may ari ng isang kilalang Company dito sa pilipinas ang Ellezar Group..at ang huling target mo ay ang binatang yan. 

Dynamite: Sino naman ito?

Levaiton: Yan ang pinaka bagong special police ng GINGA...siya si Detective Kyro Anjelo siya ang tumalo kay Hammer nitong nakaraang araw lang...isa siyang banta sa ating mga Evolving Species.

Dynamite: Bagong special police....hahahaha matagal tagal narin akong hindi nakakapatay ng isang pulis...at hindi lang basta pulis, isa pang taga GINGA ang target ko ngayon... maganda ito sige tinatangap ko ang alok mo!!
___________________________________________________

Isang Briefing ang isinagawa ni Marina sa underground Base ng GINGA Cafe.

Ipinakita niya sa holographic presentation ang litrato ng isang lalaki. 

Kyro: Teka sino naman ang lalaking yan?

Marina: Sa maniwala kayo o sa hindi...ang tawag sa kanya ay Dynamite.

Mei: Dynamite?

Marina: Dynamite wala siyang personal record kung anong nakaraan niya or kung sino ba talaga siya...ang tanging nalalaman ko lamang sa kaniya, ay isa siyang Mercenaryo at ang madalas niyang target ay yung mga kilalang personalidad...matagal nang under surveillance ang  taong yan ngunit napaka dulas niya---Oo nga pala Bomba ang pangunahin sandata niya ngunit maniniwala ba kayo na halos sa katawan lang niya galing ang mga bombang ginagamit niya sa pag patay?

Kyro: Anong...ibig sabihin puno ng bomba ang kanyang buong katawanganon? Paano nang yari yun?

Mei: Isa lang ang puwedeng maging posibilidad para mang-yari yun, isa siyang negative. 

Marina: Posible yun, Bukas may gaganapin na isang Pres conference sa Ellezar Hall para sa kanilang bagong companyang kanilang bubuksan, at kilala naman si Mr. Ellezar sa pagiging ma imfluensiya at tinitingala. Kaya hindi ako mag tataka na maraming tao ang gustong mag pabagsak sa kanya. kaya ihanda mo ang sarili mo para dito, detective.

Kyro: Na iintindihan ko.

_________________________________________________________ 

Kinabukasan isang pagtitipon ang naganap sa kilalang Hall nang ellezar group ilang mga kilalang personalidad ang nag si puntahan para lamang masaksihan ang pinaka bagong proyekto ng nasabing companya.

Isa sa mga inimbita dito ay si Senator William Delfine, bago siya makapasok sa loob ng hall ay ininterview siya ng mga reporter tungkol sa mga inululunsad niyang mga batas kaugnay ito tungkol sa mga makabagong technolohiya na dapat ay dumaan muna sa kamay ng Gobyerno.

Reporter1: Mister Senator Ano ang masasabi niyo sa pinakabagong technology suit na ginawa ng GINGA Kamakaylan..dumaan po ba ito sa tamang proceso ng ating gobyerno?  

Sen. William:  Wala akong masasabi tungkol sa bagay nayan...at isa pa isang Independent Organization ang GINGA wala silang kinukuhang Sustento sa gobyerno kaya hindi na kami puwedeng makielam sa kanila...kung gumawa sila ng bagong Sandata para  sa proteksiyon ng mga tao... well that will be good...s-suportahan nalang namin sila sa abot ng aming makakaya

Tinanong pa ng tinanong si Sen.William tungkol sa mga bagay na ito.
____________________________________________________

Samantala isang nasa loob ng hall si Marina at nakasuot siya ng corporate attire at naka salamin din siya na parang isang secretarya

Marina :(Kinontak si Kyro) Kyro naka handa na ako...kumusta na ang lagay mo diyan?
_____________________________________________________

Nasa labas naman si Kyro para mag bantay kung sa kaling mag kameron ng isang pag-atake na gagawin ang mga kalaban. 

Kyro: Ayos lang ako dito....mukang wala namang kahinahinala.

Ilang sandali pa ay tumawag si Mei mula sa GINGA Cafe.
_____________________________________________________

Mei: Kyro, Marina naka monitor na ang lahat sa hall....Good luck sana mag tagumpay kayo sa pag huli sa Suspect.

Kyro/Marina: (sa kabilang linya) Roger that. 

Mei: Sige nga tingnan natin kung ano ang magagawa nila.
____________________________________________________


Pumasok na sa loob ng Hall ang pinaka iintay nilang tao na si Gilbert Ellezar na siyang Presidente ng Companya

Emcee: Now Ladies and Gentlemen Please welcome the owner of Ellezar Group of company 
Mr. Gilbert Ellezar

CLAP!-CLAP!-CLAP!

Nag palakpakan ang lahat ng tao sa pag labas ng nasabing presidente

Gilbert: Thank you, thank you

Lingid sa kaalaman nila Marina na nakapasok na pala sa loob ng Hall ang kanilang target

Dynamite: Konting panahon pa 

Gilbert: Maraming salamat sa pag-dalo niyo sa importanteng araw na ito mga kaibigan...Ngayon ipapakita ko na sa inyo ang bago at mag bibigay ng panibagong buhay sa ating mga kababayan nating pilipino eto na ang Ellezar Manufacture.

Mula sa kanilang Hologram  presentation ipinakita dito ang pinaka bagong factory facility ng companya, na mag bibigay ng mga trabaho sa mga Pilipino na unemployed...na gustong mabigyan ng bagong pag-asa ang mga taong salat sa buhay.

Muling nag palak-pakan ang mga tao sa ipinakita ng Presidente ng companya

Dynamite: Kung ganon ito na ang target. 

Walang kaalam-alam ang mga tao na meron palang naka ambang na panganib sa kanila at ilang sandali pa habang nag sasalita si Gilbert ellezar ay biglang.

BOOOOOOOOMMMMSSSS

Isang Gas Smoke ang sumabog at dito na nag kagulo ang mga tao

Marina: Naloko na!...kyro nadito na siya!!!
___________________________________________________

Nakita ni Kyro na nag kakagulo na sa labas.

Kyro: Muka nga sige papunta na ako diyan....

Agad tumakbo si Kyro papunta sa loob ng Hall para tingnan ang mga nang yayari.
__________________________________________________

Security Personnel: Ilayo niyo dito si Mr.Ellezar pati na si Senator Delfine madali kayo!

Ilang sandali pa ay.

BRATATATATATATATA

AAAAHHHHHHHHH

Pinag babaril ng mga Skullz ang mga security personnel.

Marina: Masama ito kailangan ko ng kumilos.

Agad tinangal ni marina ang kanyang salamin at binunot niya sa kanyang Hita ang mga nakatago niyang baril. 

BANG!-BANG!-BANG!

Nakipag palitan ng putok si marina sa mga skullz at ilan sa mga ito ay napatumba niya.

Security Personnel: Hindi Mr.Ellezar....arggghhh

Napalingon si marina ay naroon na si Dynamite at hawak na niya si Mr.Ellezar.

Dynamite: Kukunin ko na ang premyo ko!!!

Marina: Sandali hindi ka makakatakas!

Agad tinutukan ni Marina ng baril si Dynamite

Marina: Hanggang diyan ka nalang bitawan mo ang lalaking yan!

Pansamantalang huminto si Dynamite at itinaas ang kanyang mga kamay

Marina: Humarap ka at ilagay mo ang mga kamay mo sa ulo mo!

Sumunod naman si Dynamite sa sinabi ni marina...ngunit laking gulat niya ng mag buga ito ng isang uri ng clay at biglang sumabog ito.

Dynamite: Edi itaas!

BOOOOOOOMMSSS

Napatalsik si marina sa ginawa ni Dynamite at dahil dito tumakas na ito kasama ni Gilbert Ellezar.

Marina: AAHHH

Dynamite: Wala na akong balak makipag laro sa iyo....nag iintay na ang cash para sa akin.
_________________________________________________

Samantala papasok palang si Kyro sa loob ng Hall ng tumawag sa kanya si Marina.

Kyro: Marina bakit?

Marina: (sa kabilang linya) Kyro bilisan mo...Tangay ni Dynamite si Mr Ellezar!!

Kyro: Ano...Paano nang yari yun?

Marina: (sa kabilang linya) Wala ng maraming tanong...bilisan mo mukang nag tungo sila sa isang parking lot!

Kyro: Roger that. 

Nag madaling pumunta si Kyro sa Parking lot kung saan doon nag punta si Dynamite
__________________________________________________

Dyanamite: Ops dyan kana....

BOOOOOGGGGG

ARRRGGHH

Isang malakas na suntok ang ginawa ni Dynamite  kay gilbert at inillagay niya ito sa compartment. Pero ilang minuto pa ay dumating si kyro.

Kyro: Sandali lang!

Napatigil si Dynamite sa kanyang ginagawa dahil sa pag dating ng batang detective.

Dynamite: Teka parang namumukaan kita ah...

Kyro: Bakit mag kakilala ba tayo?

Dynamite: Tama ikaw nga...ikaw ang pinaka bagong Special police ng GINGA, kung hindi ako nag kakamali ikaw si Kyro Anjelo at isa ka sa mga target ko! tingnan mo nga naman ang pag-kakataon. Sige mamatay ka ngayon! 

BOOOOOMMMMSSS

Bigla nalang nag hagis ng Cracker bomb si Dynamite kay kyro ngunit mabilis lang niya itong na ilagan.

Kyro: Muntik na ako doon ah...mukang kailangan ko ng seryosohin ito...eto na.

*Gundriver Female Voice*:  Gundriver online

Kyro: Pasensiyahan nalang tayo boy paputok... pero dito na matatapos ang bagong taon mo!!!

Gundriver Female voice: DNA SCAN COMPLETE.

Kyro: Gun CHANGER!

Ipinutok ni Kyro ang kanyang Gundriver sa harap at ilang sandali pa ay nag bago siya ng anyo 
bilang si Gunver.


Gunver: Humanda kana...dahil aarestohin kita!

Dynamite: Subukan mo lang bata!

Nag bato ng mga cracker si Dynamite Kay Gunver pero mabilis itong iniwasan ng detective.

BOOOOOMMMSSS

Gunver: Yan lang ba ang kaya mo.....ako naman!

BANG!-BANG!-BANG!

Pinag babaril ni Gunver si Dynamite gamit ang Pistol Mode ng Gundriver

Gunver: Yaaaaahhhh.

BOOOOOGGG

Dynamite: Arrghhhh

Sinipa ni Gunver Si Dynamite at bahagya itong napa-atras

Gundriver Female Voice: Bullet Change Affirmative.

Gunver: Gun final Blast!!!!

Itinira ni Gunver ang kanyang huling atake kay Dynamite at dahil sa lakas nito tinamaan siya sa kanyang dib-dib.

Dynamite: Arrrghhhhh.....hindi pa dito matatapos ang lahat.

Bumagsak si Dynamite at ilang sandali ay tuluyan siyang sumabog.

BOOOOOOOMMMMS 

Gunver: (butong hininga) Woooooo...grabe parang ang dali naman noon.  

Agad pinuntahan ni Gunver ang Compartment ng sasakyan at pinakawalan niya dito si Gilbert Ellezar

Gunver: Ayos lang ba kayo Sir?

Gilbert: Ayos lang ako.... (Humihingal) maraming salamat.  

Gunver: Ang mabuti pa bumalik na tayo para malapatan kayo ng first aid....Marina secure na si Mr.Ellezar pabalik na kami diyan para lapatan siya ng first Aid.

Marina: (sa kabilang linya) Roger that....bilisan mo lang marami pa tayong kailangan asikasuhin dito.

Gunver: On my way...tayo na sir.

Habang nag lalakad sila Gunver at Gilbert Ellezar ay tila ata nakaramdam ng kakaiba ang lalaki.

Gilbert: Arrrrghhhhh

Gunver: Sir ano ang nang yayari sa inyo?!

Gilbert: (hirapan) Arrrgghh...ang sakit ... ang sakit ng tiyan ko... parang sinusunog ito...ka-kanina may isinubo siya sa akin na parang isang uri ng bola... at pinalunok niya ito sa akin hindi ko alam kung ano... yun pero nakakasigurado ako...arrghhh na yun ang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong sakit.

Gunver: Masama ito....Sige tingnan natin kung ano ang nang yayari-- Gun Scanner.

Gamit ang Gun Scanner Sa Computer Helmet ni Gunver tinitingnan nito ang kaloob-looban ng katawan ni Gilbert Ellezar at laking gulat niya ng makita niya ang bagay na kanyang nasaksihan...dahil unti-unting sinusunog ang mga lamang loob ng lalaki.

Gunver: Anong!?...

*HAHAHAHAHAHA Nagulat kaba sa nakita mo?*

Ikinagulat din ni Gunver ang pagbangon muli ni Dynamite

Gunver: Ikaw buhay kapa....hayop ka anong ginawa mo sa kanya!

Dynamite: Wala naman....pinakain ko lang siya ng isang piraso ng aking Fire Cracker mula sa balat ko....at mamaya pa ay mamatay na siya dahil sa pag ka sunog ng kanyang mga lamang loob!

Akmang tumayo si Gunver para atakehin si Dynamite pero bago palang ito makalapit sa kalaban ay pinag babaril na siya nito.

BRATATATATATATA

Gunver: Arrrghhhh

Tumalsik si Gunver

Dynamite: Konti nalang at maluluto na ang main course....

Patuloy parin nag hihirap si Gilbert ellazar hanggang sa lumuha na ito ng dugo at tuluyan na itong namatay.

Gilbert: Arrgrhhhh

Gunver: HINDI!!!!

Dynamite: Kyro anjelo hahayaan muna kitang mabuhay sa ngayun....pero sa susunod nating pag-kikita sisiguraduhin ko sayo na mamatay kana!! 

Umalis si Dynamite at iniwang nakalugmok si Gunver. At ilang sandali pa ay bumalik ito sa pagiging Kyro.

Kyro:Malas...Malas!!!

Nakatakas si dynamite at namatay naman si Gilbert Ellezar. Nabigo si Kyro sa kanyang pag huli sa kriminal magawa kaya niyang mahuli ito o maging biktima rin siya.

Case Continued 

No comments:

Post a Comment