Saturday, January 10, 2015

Case 2: Ang pag silang ni Gunver




Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement


Apat na taon na ang nakakaraan ng matapos ang pag hahari ng kyujuu. Ito ay dahil sa tapang at determination nang mga Special Police na niniwala sa hustisiya. 

Ngunit sa panahon kinabibilangan natin ngayon isang banta nanaman ang nag babadyang hasik umusbong. Pero lingid sa ating kaalaman isang bayani muli ang isisilang para pigilan ang kasaman.

*BRATATATATATATA*

Nakipag barilan si Kyro sa mga Skullz gamit lang ang kanyang M14 Rifle.

Humanap ng cover si Kyro at nag hagis ito ng isang Hand Granade at sumabog ito sa mga ilang Skullz.

*BOOOOOOMMMSS * 

Kyro: Ano meron pa?!

Pero ilang sandali pa ay sinira ng kakaibang nilalang na kungtawagin ay hammer ang pader na pinag tataguan ni kyro...Ngunit mabilis siyang lumundag at umiwas.

*BOOOOGGGG*

Hammer: Dudurugin kita!

Kyro: Asar!



Case 2: Ang pag silang ni Gunver 

Tila naging ghost town ang buong parke dahil sa ginawang pang gugulo ng mga tinatawag na Negative.

Kyro: Asar!

Uamatake muli ng pasulong ang Negative na si Hammer kay Kyro ngunit umiwas muli ang binatang detective at akmang gaganti ito ng putok ng kanyang baril. 

Kyro: Huli ka (kinalabit ang gatilyo) teka anong!?...Naloko na naubasan na ako ng bala! 

Hammer: Mukang wala ka ng bala bata....ngayon dudurugin na kita!! 

Kyro: Hindi!

Wala ng oras para umiwas pa si kyro sa gagawing atake ng negative sa kanya. Ngunit ilang sandali pa ay. 

BRATATATATA!!!

Hammer: Arrrghhhh

Kyro: Teka anong!

Isang kulay puti at asul na patrol car ang dumating at may tatak itong GINGA sa kanyang hood, at ang sasakyang ito ang bumaril sa negative na papatay sana kay kyro. At ito ay walang iba kung hindi ang Patrol Racer ni Gaider. 



Inararo nito ang mga Skullz na nasa daan at pagktapos nito ay huminto na ito at bumaba ang sakay nito... at ito ay walang iba kung hindi si mei. 

Mei: Ayos ka lang ba Kyro!?

Kyro: Ate Mei! ...salamat dumating ka!

BANG!-BANG!

Binaril ni Mei ang mga Skullz na lumapit sa kanya gamit ang kanyang Hand Gun. At kinuha ang isang attache case at ibinigay ito kay kyro.

Mei: Kyro Saluhin mo!

Agad naman nasalo ni Kyor ang case.

Kyro: Teka ano ito??

Mei: (Bumabaril) Mamaya ko na ipapaliwanag sayo...importanteng gamitin mo na ang bagay nayan.

Hammer: Pakielamera babae ngayon ikaw ang papatayin ko! 

Bumuhat ng isang bato si Hammer at ito ang pinang bato kay mei

BOOOOGGG

Ngunit gamit ang liksi at lambot ng katawan ni mei inilagan lang niya ito ng parang wala lamang sa kanya at saka muli gumanti ng putok.

BANG!-BANG!-BANG! 

_____________________________________________________

Binuksan ni Kyro ang case at tumanbang sa kanya ang isang kulay pulang Baril at isang kulay pulang Badge na mag kasama.

Kyro: Teka isang baril? -- At isang badge?

Hindi lingid sa kaalaman ni Kyro na ito ang Gundriver...ito ang susi para makapag bago siya ng anyo bilang si Gunver.  

Kyro: Hindi ko alam kung paano gagamitin ito?...Pero bahala na!

Agad kinuha ni Kyro ang baril at pinag babaril niya ang mga Skullz gamit ito.

BANG!-BANG!-BANG!

Kyro: Ayos ito ah...sige ito ang sa inyo!

Sunod-sunod na putok ang pinakawalan ni kyro sa mga kalaban na Skullz, hanggang sa maubos na ito. 


Umiwas lang ng umiwas si mei sa mga ginagawa ng negative sa kanya at habang ginagawa niya yun ay pinapaputukan niya ang nilalang na ito.

BANG!-BANG!-BANG!

Ngunit naubusan na siya ng bala ka babaril niya sa Negative.

Mei: Malas... (Tumingin sa patrol racer) hindi ko magagawang makuha ang G-crossbow ko sa ganitong klaseng sitwasyon.

Hammer: Tapos kana!

Na-corner na si mei ng negative at akmang isusuntok na nito ang mga batong kamao niya sa babaeng pulis pero ilang sandali pa ay.

BANG!-BANG!-BANG!

Hammer: Arrrrgghhhhh  

Kyro: Ate Mei umalis ka na diyan dali!

Mei: Kyro!...sige salamat sayo.

Patuloy lang na bumabaril si Kyro sa Negative. 

BANG!-BANG!-BANG!

Hammer: Arrrghhh...pag babayran mo ito bata...mag kikita pa tayo.

Lubhang nasaktan si Hammer at napilitan na itong umatras.

Kyro: Hoy bumalik ka dito totoy bato!...Malas nakatakas siya!

Mei: Kyro!?

Kyro: Ate Mei...Ayos kalang ba?

Mei: Ayos Lang ako maraming salamat

Kyro: Mabuti naman kung ganon. Ano nalang ang sasabihin ko kay kaiza kung mapahamak ang maganda niyang asawa ng dahil sa akin.

Mei: Wag mo ng alalahanin yun.

Ilang sandali pa dumating na ang back-up na tinawag ni mei. Ngunit tapos na ang gulo ng dumating sila.

Mei: Dumating pa sila.


Kyro: Tapos na ang gulo dito eh.

________________________________________________

Sa kanyang taguan bumalik si Hammer para tingnan ang kanyang mga naging sugat.

Hammer: Argh....papaano niya ako na sugatan gamit ang sandatang yun....

Ilang sandali pa ay lumabas si levaiton at kinumusta si hammer

Levaiton: Kumusta hammer....tila ata balisa ka sa mga nang yari?

Hammer: Narito ka ba para kutiyain ako....ang batang yun may kakaiba siyang balang ginamit laban sa akin...parang hindi ordinaryong baril ang gamit niya.

Levaiton: Muka nga nahirapan ka...ano oras na ba para sa mas mataas na antas ng pagiging evolving species?

Hammer: Anong ibig mong sabihin?

Levaiton: Gamit ang bagay na ito.

Ipinakita ni Levaiton ang isang injection tube kay Hammer na nag lalaman ng isang asul na likido.

Levaiton: Gamit ang bagay na ito...magagawa mong maka pag bago ng  anyo sa mas mataas na antas nang pagiging tao, at sa oras na maisalin sa katawan mo ito. wala nang makakapigil sa iyo.

Kinuha ni Hammer ang Tube.

Hammer: Bueno....sisiguraduhin ko na walang makakapigil sa akin...at sa hangarin ng Dranixs.

____________________________________________ 

GINGA Special Investigation Department.

Kasalukuyang pinapanuod ng mga tauhan ng departamento ang satellite footage ng labanan kanina...ikinagulat nila Chief Inspector Marcus ang mga nakita nila.

Chief Insp Marcus: (gulat) Ano ang mga nilalang nayan!?

Kyro: Sir Mukang yan ang tinatawag niyong negative...Malakas,maliksi at nakakatakot, yan ang mga katangian na nakikita ko sa nilalang nayan. 

Mei: Kung susurin mong mabuti...halos kakaiba siya sa mga nilalang na kinalabanan na namin noon ni kaiza....sa tingin ko hindi pa perpekto ang anyo niya...dahil nakikita pa ang anyong tao niya.

Chief Insp Marcus: So ibig mong sabihin na hindi pa tuluyan nagigising ang tunay niyang lakas ganon ba?

Mei: Tama kayo papa...at kung meron mang nag padala sa kanila at kung sino sila --

Kyro: Magiging banta ang mga yan sa buong sang katauhan.
________________________________________________

Lumabas sila Kyro at Mei sa opisina ni Inspector Marcus at nabangit ni mei kung bakit hindi ginamit ni kyro ito sa laban

Mei: Teka bakit Hindi mo na bangit yung tungkol sa Gundriver?

Kyro: Ah yun ba hehehe nakalimutan ko eh pasensiya na ate na dala lang ako.
________________________________________________

Samantala pinapanood parin ni Chief Inspector Marcus ang mga footage at tila na papaisip siya kung ano nga bang klaseng nilalang ang mga tinatawag nilang Negative 

Chief Insp Marcus: Negative...ano bang klaseng nilalang kayo at saan bang lupalop ng mundo kayo nag mula? ---(na patingin sa isang folder) Hindi kaya may kinalaman ito sa insidente noong 1988 kay Dr. Helsmith?

Isang confidential file ang hawak ni Chief Inspector Marcus at tila may hinala siya na may kinalaman ang mga ito sa nang yayari. 
_________________________________________________

Nag tungo na sa parking lot ng GINGA sila Mei at kyro para sumakay sa kanilang mga Patrol Vehicle pero isang boses ang pumigil sa kanilang pag sakay.

“Kumusta na ate mei matagal din tayong hindi nag kita ah”

Mei: Teka ang boses nayun?....marion!?

Si Marion pala ito kasama si K-9... at nilapitan kaagad ito ni Mei at niyakap.

Mei: Ang laki ng pinag bago mo ah...medyo tumangkad ka ata.

K-9: Woof! Woof!

Mei: K-9!

Marion: Hay medyo may jetlag pa ako mula sa biyahe...kaya ako nagpunta muli dito dahil sa emergency...teka Ikaw ba si Kyro? Ang naka babatang kapatid ni Kuya Kaiza? Balita ko ikaw ang siyang gagamit ng pinaka bagong badge ng GINGA.

Kyro: Oo ako nga...pero hindi ko pa alam kung paano ito gagamitin.

 Marion: Wag ka ng mag alala dahil na dito na ako, ituturo ko sayo kung paano gamitin ang bagay nayan.

Mei: Ang mabuti pa bumalik muna tayo sa Cafe para doon maka pag usap ng husto

Sumakay na kaagad sila Kyro sa kanilang mga sasakyan at umalis na ang mga ito patungo sa 
GINGA Cafe.
______________________________________________________

Samantala sa itaas ng isang gusali nakatayo ang isang nilalang dito at pinag mamasdan ang buong lugar... at ito ay si Hammer. 

Hammer: Oras na. 

Binuksan ni Hammer ang Injection tube na ibinigay ni Levaiton at itinurok niya ito sa kanya.

At ilang sandali pa ay...tila kumalat ang buong likido sa kanyang katawan at ang mga ugat niya sa katawan ay naging kulay asul. At hanggang natutuklap ang kanyang mga balat at tuluyan na itong nag bago.

Hammer: RAAAAAAWWWWW....eto eto ang matagal ko ng inaasam... (Evil laugh) bwaahahahaha simulan na natin ang kasiyahan.
____________________________________________________

Sa underground base ng GINGA cafe ipinaliwanag ni marion kung paano gagamitin ang Gundriver at ang Badge.

Kyro: So sinasabi mo na ikaw ang gumawa ng Gundriver na ito at ang Gunver Badge?

Marion: Tama ka...ahhhh mahigit na tatlong taon ang inabot nang team ko para lang mabuo ang mga gamit nayan... sa katunayan nga kulang pa sila.

Kyro: Anong ibig mong sabihin na kulang pa?

Marion: Kung makikita mo sa Gundriver meron parang lalagyan ito ng Sd card...ang purpose nito kaya mong maka pag-ugrade sa maikling panahon lang. Pero sa ngayun under processing pa ang mga SD Card nayun kaya ito nalang munang Gundriver ang magagamit mo para maka pag transform ka...Ah muntik ko ng makalimutan may 6 type bullet ang Gundriver...ang Pistol, Rapid, Flare, Smoke, Electrical, at ang huli ang Blast...lahat ng bullets na yan naka install na sa Gundriver, sabihin mo lang ang katagang “Bullet change” at kung ano ang balang gusto mo susundin na ito ng Gundriver.

Kyro: Ibig sabihin may 6 type of bullet ang Baril na ito...ang galing naman...eh para saan ang badge?

Marion: Yan badge nayan yan mismo ang magiging detector mo para maka pag bago ka ng anyo bilang si Gunver…yan ang d-detect sa plasma energy mula sa Gundriver.

Kyro: So ibig sabihin pag wala ang isa sakinala hind ako makakapag bago ng anyo?

Marion: Tama ka kung wala ang isa saka nila bali wala lang ang mga yan....isa pa pala kailangan mong i apply ang DNA mo sa Driver...Kung sakaling mawala ang Gundriver at ang Gun Badge hindi siya mapapakielaman ng kalaban o kung sino man ang makapulot  nito...masyadong importante ang bagay nayan kaya pag iingatan mo ito.

Kyro: Oo tatandaan ko ang mga sinabi mo...Ngayon kailangan ko nalang i-scan ang finger print ko dito sa Gundriver?

Marion: Oo ganon na nga.

Ini-scan na ni Kyro ang kanyang fingerprint sa Gundriver.

Gundriver Female Voice: Gundriver Configuration Serial Number 002-51-009 Confirm Detective Kyro Anjelo Gundriver is now online.  

Marion: Basta na sa iyo ang fingerprint walang makakagamit niyan bukod sa iyo...pinag kakatiwala ko na ang bagay nayan sayo...Kyro.

Kyro: Asahan mo  Marion!

Habang patuloy ang pag uusap nila tumunog ang alarm ng kanilang base.

RED ALERT!-RED ALERT!

Mei: Kyro mukang bumalik na siya...teka mukang nag bago siya ng kanyang anyo!

Kyro: Ano!?

Marion: Mukang yan ang tinatawag na Negative.  

Tumambang sa kanila ang bagong anyo ng nakalaban niya kanina isang malaki at mabatong nilalang na sumisira sa lunsod.

Mei:  Eto na ang oras kyro....ipakita mo saka nila ang bagong alamat, ang tagapag mana ni Gaider.

Kyro: Roger That!

Agad sumakay si Kyro sa Gun cycle, at nag madaling pumunta ito sa lugar kung saan nang gugulo ang nilalang.
____________________________________

BOOOOOOMMMMSSS

AAAAHHHHHHHHH TAKBO!!

Nag sipag takbuhan ang mga tao sa isang labas ng mall gawa ng pananalasa ng nang negative na si Hammer.

Hammer: Ang sarap....halos kumpleto na nga ang katawan na ito at nararamdaman ko na dumadaloy sa buong ugat ko ang kapangyarihan ng isang Evolving Species!!

Dumating ang ilang tauhan ng PNP at GINGA para pigilan ang pananalasa ng nasabing halimaw

GINGA POLICE1: Tigil!  Hanggang diyan ka nalang!!

Hammer: Mga pakielamero.

Dumampot ng isang sasakyan ang negative at akmang inihagis ito sa mga alagad ng batas.

GINGA POLICE1: Man open fire!

BRATATATATATATA

Pinag babaril ng mga tauhan ng GINGA at ng PNP ang negative  ngunit ibinato sa kanila ang isang sasakyan bilang ganti.

BOOOOOOMMMSSSS

*ILAG!*

Mabilis naman naka ilag ang ilang mga miyembro ng GINGA Squad at ang PNP ngunit talagang malakas ang nilalang na ito at walang makapigil dito.

Hammer: Bwahahaha...mga insekto, wala kayong magagawa laban sa lakas ko!!

Bumuhat muli si Hammer ng isang sasakyan ngunit mas malaki na ito kung ikukumpara sa kanyang ibinato kanina

Hammer: Tapos na kayo dito!

*Rapid mode*

BRATATATATATATA

Halos tinad-tad ng bala ang buong katawan ng negative at dahil dito kaya nabitawan niya ang kanyang hawak na sasakyan nasa ipang babato niya sa mga pulis.  

At ang may kagagawan nito ay ang bagong dating na si Kyro sakay ng kanyang Gun cycle

Kyro: Yo kumusta na...mukang pumangit ka ata ngayon ah! 

Hammer: Ikaw....ang lakas pa ng loob mong mag pakita pa sa akin ngayun...mag sisisi ka dahil pinanganak kapa sa mundong ito!

Kyro: Hoy para sabihin ko sayo may dahilan kung bakit ako pinanganak sa mundong ito...at ang dahilan nayun ay ubusin ang mga kagaya niyong masamang elemento na sumusulpot dito!!

Inihanda ni kyro ang kanyang Gundriver at ang badge.

Gundriver female voice: DNA SCAN COMPLETE.

Kyro: Humanda ka ngayon heto na ang bagong Alamat, ang alamat na pipigil sa kasamaan! GUN CHANGER!!

Itinutok pa itaas ni Kyro ang kanyang Gundriver at pag katapos ay nabalutan siya ng kulay pulang liwanag. At ng humupa ito ay isang panibagong mandirigma ang lumabas at ang pangalan niya ay.

Gunver: Kung ganon, ito pala si Gunver...Hindi na masama. 


Gunver: (ipinakita ang Badge) Special Detective Gunver ng GINGA Special investigation unit 6 .Inaaresto kita sa salang pang gugulo at paninira  sa lugar na ito...bibigyan pa kita ng pag kakataon para sumuko ng maayos!

Hammer: Anong...naka pag bago siya ng anyo....hahahahaha nag papatawa ka ba? Hindi ako susuko sa isang kagaya mo!

Ikinagulat ng mga nasa paligid ang pag babago ng anyo ni kyro lalo na ang mga miyembro ng mga taga GINGA.

GINGA POLICE: Ang pinaka bagong Special combat suit ng GINGA nag pakita na siya...ang  taga pag mana ng alamat ni Gaider si Special Detective Gunver.

Gunver: Hindi umubra ang negotation...sige pupuwersahin nalang kita! Humanda ka! 

Hammer: Sige bata sumugod ka!!!

Lumundag si Gunver upang sipain si Hammer ngunit nasalo nito ang ginawang atake ng Detective at na ihagis ito sa isang parking lot. Ngunit mabilis siyang naka balik mula sa pag-kakahagis. At muli siyang sumugod at ginamit ang husay sa mix martial art, mag kakabilang suntok at sipa ang ginawa ng batang detective, at hanggang sa isang napaka-lakas na spinning kick ang ginawa niya para mapa-atras ito.

Gunver: Ano yan lang ba ang kaya mo?!  

Hammer: Tumahimik ka!

Habang nakikipag-laban si Gunver siya naman tumawag si Marion para sabihin ang isang bagay tungkol sa Armor niya.

Marion: (Sa kabilang linya) Kyro!

Gunver: Marion!? Anong problema? 

Marion: (Sa kabilang linya)Makinig kang mabuti, para mabilis mong matapos ang kalaban...gamitin mo ang Gun Analyzing, gamit yun madali mong makikita ang weaksopt ng kalaban mo ngayon. 

Gunver: Na iintindihan ko sige salamat sa paalala...Tapusin na natin ang kalokohan mo...Gun Analyzing. 

Gamit ang Gun Analyzing sa loob ng computer helmet ni Gunver kinukuha niya ang data or weak spot ng kaynag kalaban upang malaman ang kahinaan nito.

Gunver: Ok Nakuha ko na.

Binunot ni Gunver ang kanyang Gundriver.

Gunver: Bullet Change Smoke!

*Gundriver Female voice: Bullet Change Affirmative * 

Nag paputok ng bullet smoke si Gunver at ilang sandali ay nabalutan ng usok ang paligid.

BOOOOOMMSSS

Hammer: Nasaan ka mag pakita ka duwag!

*Gundriver Female Voice: Bullet Change Affirmative*

Walang ka-alam alam si hammer na ginamit ni Gunver ang usok na ginawa niya para makapag ipon ng enerhiya para sa kanyang gagawing huling atake laban sa kanya.

Gunver: Gun Final Blast!!!!!

Hammer: Anong!...arrrgghhhh

BAAAAANNNNGGGG!!!

Tumama ang atake na ginawa ni Gunver kay hammer sa kanyang dib-dib at halos mabutas ito dahil sa ginawa ng detective.

Dahil dito bumalik sa pagiging normal nalang ang negative at nilapitan kaagad ito ni Gunver para hulihin. 

Gunver: Arestado ka na ngayun....teka anong!?

Hammer: Arrrghhhhhhh...D-dranixs!!

Laking gulat niya na unting-unti na natutunaw si Hammer at ilang sandali pa ay tuluyan na itong naging abo.

Gunver: Teka anong ibig sabihin nito? ...at anong dranixs?

Nag tataka ang Detective dahil sa mga nang yari at isang pangalan ang iniwan nito sa kanya
___________________________________________

Samatala sa di kalayuan naka masid si Levaiton

Levaiton: Nakalimutan ko palang sabihi sayo...kapag oras na natalo ka mamatay ka sa sarili mong kagagawan---patawarin mo nalang ako hammer para narin yun sa ikabubuti nang samahang ito.
___________________________________________

Sa Aquarium Base ng Dranixs

Nasaksihan nila ang mga nang yari sa labanan at ikinagulat nila ang pag litaw ng bagong alagad ng GINGA na si Gunver. 

Segundo: Mukang na ilunsad na ng mga taga GINGA ang bago nilang sandata...ano sa tingin mo primo?

Primo: Hmp...Wala akong pakielam kung sino pa ang taong yan...ang mahalaga matupad natin ang ating mithiin para sa pag babago ng mundong ito para sa ating lahi ...kailangan nating lumaban at pumatay para mag patuloy tayo.
____________________________________________

GINGA Cafe

Nag simula na ang opening ng shop na itinayo ni mei...sa unang araw nito maraming tao ang nag punta upang masilayan ang pinaka bagong shop na pag mamayari ng isang sikat na agent.

Samantala si Kyro naman ay naka hilata sa isang tabi habang sila mei at marion ay nag sisilbi sa mga costumer.

Kyro: Haaaaayyy (humikap)...nakakatamad.

*PAAAAKKK*

Isang malakas na hampas sa ulo ang ginawa ni mei kay kyro at pinag sabihan niya ito.

Kyro: Aray ate Mei naman ang sakit noon ah! 

Mei: Hoy Kyro Anjelo...Hindi kita pinapatuloy dito para humilata lang diyan....sabihin na natin na ikaw ang kapatid ng asawa ko. At ako ang superior mo sa Kasong hawak mo ngayon---pero wag mong kakalimutan na iba ngayun ang trabaho mo-- kapag wala kang ginagawa tumulong ka sa akin dito para mag serve sa mga costumer...hala sige kumilos ka para naman may pakinabang ako sayo batugan!

Kyro: (Namumula) Ate Mei naman....wag mo na akong pag sabihan ng ganyan nakakahiya sa mga tao dito.

Mei: Manga-ngatuwiran kapa sige na kumilos ka na diyan kung ayaw mong paulanan kita ng bala!

*HAHAHAHAHAHA*

Pinag tawanan si Kyro ng mga tao sa loob ng shop. At dahil sa sungit ng ate niya wala siyang nagawa kung hindi sumunod nalang siya dito.
_______________________________________

Samantala sa labas ng shop isang babae ang nakamasid dito sakay ng kanyang Sport car

??:So dito na pala ang lugar nayun.

Agad tinangal ng babae ang kanyang shade at pinag masdan pa niya ng mabuti ang lugar.

??:GINGA Cafe...mukang intiresante.

Nag tagumpay si Kyro sa unang laban niya pero dito palang nag sisimula ang laban niya bilang Bagong Mandirigma ng GINGA.

Case Continued

No comments:

Post a Comment