Paunawa:
Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga
lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay
ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright
infringement
Ang nakaraan sa special detective
gunver.
Nagawang magtulungan nila marina at kyro sa unang pag-kakataon upang magapi ang negative na
si dynamite, gamit ang kanilang teamwork tuluyan nilang na sukol ang kahinaan
ng nasabing nilalang.
At dahil din sa kanilang
pag-tutulungan, natangap na ni marina si Kyro bilang kanyang partner.
GINGA Coffee Shop...
Abala sila Kyro at Marina sa pag
S-serve sa mga costumer nila...si mei naman ay nasa counter at bar para
asikasuhin ang mga costumer na nakaupo doon.
Costumer1:
Ah Miss isang creamer nga dito (tinawag si marina)
Marina:
Sige po sir... inaabot ko nalang.
Lumakas lalo ang kita ni Mei
dahil sa pag pasok ni marina bilang isang serbidora nila doon...dahil sa ganda
nito na nakaka akit sa mga kalalakihan.
Marina:
Eto na po ang creamer niyo...salamat po
sa pag-hihintay.
Pumunta naman si Kyro sa bar ng kanyang ate mei at na upo ito para mag pahinga ng pansamantala.
Kyro:
Grabe ang daming costumer ngayun...at napapansin ko puro lalaki pa---simula ng
tumira dito si marina lalong dumami ang mga pumupunta dito ate mei.
Mei: (Nag
bibilang ng kita) Ayaw mo noon...at least may kinikita tayo kahit na wala
tayong trabaho ngayun...
Kyro:
Pero hindi naman ito ang profession ko...gusto kong lumutas ng kaso at sumipa
ng tumbong ng mga Negative...hay sana kasama nalang ako ni Kaiza sa Hawk Squad
para may aksiyon palagi.
Mei: Tumigil ka
na nga diyan, sige na mag serve ka na muna sa mga ibang costumer...tulungan mo si
marina....
Marina: Hoy
Kyro paki bigyan mo naman ng Sugar cubes dito sa table 1.
Kyro:
Oo na...papunta na.
Kumuha ng isang jar ng sugar cube
si kyro para ibigay sa costumer...maya-maya pa ay may
isang pumasok na costumer at isa itong babae na college student at tila may hinahanap ito...i-ni welcome naman kagaad ito
ni mei.
Mei: Welcome to
GINGA cafe...Ma’am.
Babae:
Ah excuse me po...dito po ba ang GINGA Detective Agency ni Detective Kyro
Anjelo?
Agad naman tumugon si Kyro sa
humahanap sakanya.
Kyro:
Yes! Anong ma ipapag linkod ko sa inyo Miss.Beautiful?
Babae:
Nais ko po sanang….mag pa imbestiga tungkol sa isang kaso.
Case 5: Stalker
Mula sa opisina nila Kyro pinag
usapan nila ang kasong gustong ipa-imbestiga ng babaeng kleyente.
Binigyan ni Mei ng isang tasa ng
kape ang babae.
Mei: So ano ba
ang gusto mong pa imbestigahan sa amin?
Nag pakilala ang babae sa kanila.
Sherry:
Ako si Sherry Anne Jimenez. Isa akong nursing studen sa UST...nais ko sanang ipa-imbestiga
sa inyo ang taong ito.
Ipinakita ni Shery ang isang
Litrato ng isang lalaki.
Mei: Teka sino
naman ito?
Sherry:
Siya si Mark Jules Martinez...sa maniwala kayo oh sa hindi isa siyang stalker.
Tila naman nagulat si mei sa
sinabi ng dalaga.
Mei: Teka
Stalker?...ang ibig mong sabihin gusto mong mag pa-imbestiga ng isang nang-iistalk
sayo ganon? Sa nakikita ko naman maganda ka at itong lalaking nasa litrato may
ka guwapuhan din...so ano ang point?
Sherry:
Ganito po kasi yun...ang gusto kong sabihin sa inyo, siya ang suspect sa pag
kawala ng mga kaibigan ko ilang buwan na ang nakakaraan...kama-kaylan lang kasi
noong sinimulan niyang subay-bayan ang mga kaibigan ko isa-isa na silang
nawala---at malakas ang pakiramdam namin na siya ang may gawa ng lahat.
Mei: Teka
naguguluhan ako...so ibig sabihin lumalabas na kinidnap nang lalaking ito ang mga kaibigan mo?
Napansin naman ni mei si kyro na
nakatitig lang sa babae.
Mei: Sandali nga... hoy kyro bakit ako ang kumakausap dito...diba ikaw ang detective dito? Kaya ikaw ang
makipag usap sa kanya.
Kyro:
Ah pasensiya na....hehehe pasensiya na talaga...sige ituloy mo lang baka sa
kaling makatulong ako.
Shery:
Detective natatakot ako...kamakailan lang kasi pag katapos mawala ang mga
kaibigan ko pakiramdam ko ako na ang sinusundan niya...kung saan ako pumunta
naroon siya...hindi ko alam ang gagawin ko---isa pa gusto kong malaman kung
buhay pa ang mga kaibigan ko dahil matagal nang nag aalala ang mga magulang nila
saka nila.
Maya-Maya pa ay pumasok si Marina
Marina:
Mukang malalim ang kasong yaan ah...
Kyro:
Marina?
Marina:
Nakalimutan kong sabihin yan...ilang buwan na ang nakakaraan isa-isang nawawala
ang mga babaeng college student sa university na nabangit mo ---ayon sa report
hindi malaman kung saan ang exact time kung saan sila nawala dahil maraming
haka-haka ang mga pulis tungkol diyan...at ang pinag tataka nila bakit mga
magagandang babae lang ang nabibiktima? Isa pa walang possible suspect ang mga
pulis kaaugnay niyan. At kung yaan lalaking yan ang suspect na sinasabi mo kailangan
makita namin siya para i-interrogate.
Sherry:
Nakikiusap ako sa inyo...alam ko na kayo lang ang maasahan ko pag dating sa
bagay na ito, handa akong mag bayad ng malaki ma resolba lang ang kasong ito.
Tila napasubo na si Kyro sa bagay na ito at isa pa hindi niya matangihan ang dalaga dahil sa kita nito na takot siya at nag aalala.
Marina:
Ano kyro tatangapin mo ba?
Kyro:
Mukang hindi naman ito related sa Negative case na hawak ko ngayun...pero sige
tatangapin ko na, mas gusto ko pang mag resolba ng isang kaso kesa mag serve sa
mga Costumer dito na taga hanga mo.
___________________________________________________
Dranix Aquarium Base
Sa loob ng kanilang Briefing Room
muling nag pulong-pulong ang tinaguriang mga pinuno ng organization.
Quwarta:
Primo mukang patuloy parin ang ginagawang pakikielam sa atin ng Detective
nayun…wala ka bang gagawin paraan para masukol natin ang taon yan?
Primo:
Malaki na ang atraso niya sa atin...dalawa na sa mga evolving species ang
nawawala sa atin, at pag nag patuloy pa ito baka wala ng mangyari sa hinaharap ng
ating samahan.
Segundo:
Kung ang GINGA ang inaalala niyo...ako na mismo ang bahala sa kanila, basta
gawin lang natin ang mga bagay na ini-ataw sa atin. walang mang-yayari kung aalalahanin niyo ang problemang yan.
Primo: Tama ka...
Primo: Tama ka...
_________________________________________________
Sakay ng kaniyang Gun cycle at nang
sport car pumunta si Kyro kasama sila marina sa lugar kung saan huling nakita
ang mga kaibigan ni sherry.
Kyro: Buti pa
mag tanong-tanong tayo baka sa kaling may nalalaman ang mga tao dito.
Marina:
Mabuti pa nga.
Agad nag tanong-tanong sila Kyro
at marina sa taong pinag hihinalaan ni sherry. Ngunit tila ata walang
nakakakilala dito. Pero nag patuloy parin ang dalawa sa pag tatanong.
Lumapit si Kyro sa isang groupo ng mga estudiyante na kumakain.
Kyro:
Ah mga miss excuse me...pero maaari ko ba kayong ma istorbo?
Student 1:
Sige ano yun?
Kyro:
Isa akong Detective baka na kikilala niyo ang lalaking ito (ipinakita ni kyro
ang letrato)
Tila naman napapaisip ang mga estudiyante sa ipinakita ni kyro at nag salita ito.
Student2:
Teka kilala ko ito ah?!
Kyro:
Teka sigurado ka ba miss?
Student2:
Hindi ako nag kakamali siya si Mark Jules Martinez....ang tagal na niyang hindi
nag
papakita ngayun dito sa university.
Kyro:
Kung ganon kilala mo nga siya? ...idinulong sa amin ito ni sherry anne jimenez isa din siyang
studiyante dito. Sa tingin ko kilala niyo rin siya.
Student2:
Si Sherry teka nasaan siya ngayun?...ah oo nga pala bago ko makalimutan ako si
Michelle Gonzaga kaibigan ako ni shery...at tulad niya gusto ko rin malaman kung
nasaan ang mga kabigan namin. Mukang gumawa na siya nang hakbang para matapos ang gulo.
Kyro: Kung
ganon kaibigan ka ni sherry...may alam ka ba kung saan namin matatagpuan ang
lalaking ito?...ipapatawag ko si sherry kung sakali.
Michell:
Sige walang problema... alam ko kung saan siya nag lalagi. pero hindi ko lang sigurado kung nadoon pa siya, dahil simula nang mga nang-yaring pag-kawala, hindi na siya nag-pakita.
_________________________________________________
Pinauntahan ni Kyro at marina
kasama si michell ang apartment kung saan nag lalagi ang sinasabing binata.
Marina:
Dito na ba yun?
Michelle:
Dito na nga po...ah sir ayaw kong pumasok sa loob ng gusaling yan dahil natatakot ako, kung sa kanilang may kinalaman
nga ang lalaking yan sa pag kawala ng mga kabigan namin ni sherry. pakiusap lang sana mahuli niyo siya.
Kyro:Ganon ba
sige na iintindihan ko...dumito ka nalang sa sasakyan kami na ang papasok sa
loob ng gusali..tayo na marina.
______________________________________________________
Sakay ng elevator narating nila
Kyro ang floor kung saan nadodoon ang sinasabing binata.
Kyro:
Eto na yun...room 305.
TOK! TOK! TOK!
Kinatok ni Kyro ang pintuaan ng
silid
Kyro:
Mark Martinez nadiyan ka ba?
TOK! TOK!
Kyro:
Mark Martinez...mag detective kami mula sa GINGA, kailangan kalang namin matanong tungkol sa
isang bagay.
Tila nag tataka na si marina kung
bakit wala parin sagot.
Marina:
Mukang walang tao sa loob...ano na ang gagawin natin?
Kyro:
Wala ng ibang choice...sirain natin ang pinto.
BAAAAAKKKK
Sinira nila Kyro ang pintuan ng
silid at sabay tutok ng baril nila. At napansin nila na bukas ang
bintana.
Marina:
Kyro bukas ang bintana!?
Agad naman tiningnan ito nila
marina at laking gulat nila na may lalaking tumatakbo sa emergency exit.
Kyro:
Ayon siya habulin natin!!
Akmang hahabulin nila kyro ang
binata ngunit pinigilan ito ni marina at ang sabi nito ay...
Marina:
Ako na ang bahala sa kanya...humanap ka nalang ng ebidensiya.
Kyro:
Sige walang problema.
Agad lumabas sa bintana si marina
at hinabol ang tumatakas na binata. Samantala hinalughog ni kyro ang silid ng
binata at nag hanap ng ebidensiya, ngunit tila wala siyang napansin na kakaiba
dito.
Nag palutoy lang si kyro sa
kanyang pag hananapa at hanggang sa may napansin na siyang isang bagay.
Kyro:
Isang kahon?
Akmang bubuksan ito ni kyro para
tingnan pero lingind sa kaalaman niya na may taong naka masid sa likod niya na
may hawak ng isang patalim.
Nag tagumpay siyang buksan ito at
nakita niya ang mga larawan ng mga babaeng nasabing nawawala kasama na rito ang
letrato ni Sherry.
Kyro:
Si Sherry?
Habang tinitingnan ni kyro ang
mga litrato ay biglang.
SLASSSSSHHHHH
Sinaksak patalikod si kyro ngunit
mabilis niya itong naramdaman at nailagan.
Kyro:
Muntik na ako doon ah....alam mo bang kanina pa kita pinakikiramdaman!
Isang nilalang na may hawak na
patalim at nakasuot nang maskara na ginagamit sa mga Halloween party.
Kyro:
Hoy malayo pa ang holloween! Pero ang aga mo naman atang manakot.
Nag salita ang nilalang.
Nilalang:
Tumahimik ka!!!!
Inatake nito si kyro at napalabas
sila sa bintana.
BRAAAACCCCKKK
______________________________________
Hinabol ni marina ang bitang
suspect sa itaas ng mga gusali.
Marina:
(Tumatakbo) Tumigil ka!
Mark:
(Tumatakbo) Wag! Wag! ka ng sumunod nag mamakaawa ako wala akong kasalanan!
Marina:
Ayaw mong mag pahuli hah!
Humanap si marina ng alternatibong
daan para masukol niya ang bintang tumatakbo...nag
lambintin siya sa mga poste
na naroon at ginamit pa niya ang lambot ng katawan para makaraan sa mga sikip
na daan, at hanggang sa masukol na niya ang binata.
Marina:
Huli ka!
Mark: Hindi!!
Akmang tatakbo pa ang binata para
tumakas ngunit mabilis na nahawakan ni marina ang mga braso nito at itinumba
saka nilagyan ng posas.
Mark:
Wag pakawalan niyo ako! Wala akong kasalanan...nag mamakaawa ako inosente ako.
Marina:
Mamaya ka na mag paliwanag! Sa ngayon sumama ka sa amin sa presinto.
_________________________________________________
Bumagsak sila Kyro sa mga
Emergency exit at doon nag laban ng nilalang iniwasiwas sa kanya ang patalim na
hawak nito.
Ngunit sinalag lang ito ni kyro
gamit ang husay niya sa pag depensa.
Kyro:
Makulit ka hah!...eto ang sayo!
BOOOGGG
Sinuntok ni kyro ang nilalang at
nagawa niyang pabagsakin sa lupa.
BAAAAAGGGG
Bumagsak ang nilalang sa isang
sasakyan na nakaparada...at bumaba naman si Kyro para tingnan kung buhay pa ang
nasabing nilalang.
Sinipa sipa ni kyro ang nilalang at akmang tatangalin ang maskara ngunit ilang sandali ay.
SLAAAASSSSHH
Kyro:
Anong!
Bumangon muli ito at sinubukan
putulin ang kamay ni kyro ngunit bigo ang nilalang.
Kyro:
Hoy ano bang klaseng nilalang ka? Sabihin mo!
Nilalang:
Wala ka ng pakialam doon!
Inilabas ng nilalang ang isang
asul na likido na kalagay sa injection tube at saka isinak-sak niya ito sa sarili
niya, at ilang sandali ay nag bago ang kanyang anyo at nabalutan ng mga bakal ang
katawan na puro tusok.
Kyro: Negative? Mukang may kinalaman sila sa nang-yayari...pero ayos narin, hindi rin pala masama na tinangap ko ang kasong ito.
Inilabas ni Kyro ang kanyang
Gundriver at isinigaw ang katagang.
Kyro: Gun CHANGER!
Nabalutan ng pulang liwanag si
Kyro at naging si Special Detective Gunver.
Gunver: Ngayun
humanda ka!
Nilusob ni Gunver ang negative gamit ang kanyang Gundriver.
BANG!-BANG!-BANG!
Nilalang:
Ano yan lang ba ang kaya mo?
Gunver: Tumahimik
ka Taong Asero!...Bullet Change Rapid!
Gundriver Female voice: Bullet Change Affirmative.
Pinaltan ni Gunver ang kanyang
bala. Mula sa pistol mode ginamit naman niya ang rapid mode.
BRATATATATA
Pinag babaril ni Gunver ang
nilalang hanggang sa ma aptras ito at mapaluhod.
Gunver: Ayos
eto na ang pag kakataon...Bullet Change Blast!
Gundriver Femal Voice: Bullet Change Affirmative.
Inipon ni Gunver ang enerhiya ng
Gundriver para pakawalan ang final attack nito.
Gunver: Heto na Gun
Final Blast!!
Pinakawalan ni Gunver ang kanyang
huling atake sa nilalang ngunit ilang sandali pa ay.
SLASSSSHHHH
Gunver: Anong!!
Hinati pa ng isang nilalang ang
atake na ginawa ni Gunver at ang nilalang na ito ay si walang iba kung hindi si Levaiton.
Gunver: Sino
ka!?.... Mag pakilala ka!
Nag salita si Levaiton
Levaiton:
Ako si Levaiton at ako ang mensahero at tapat na alagad ng Dranixs...Detective
Kyro Anjelo ikinagagalak kitang makilala...Scalpel tumayo ka na diyan! Ako na
ang bahala sa kanya, gawin mo nalang ang nais mo.
Scalpel:
Masusunod.
Agad nag laho ang kinalaban ni
Gunver na Negative at naiwan silang dalawa ni Levaiton.
Gunver: Sandali! Asar sabihin mo
ikaw ba ang may pakana sa pag labas ng mga Negative...sagutin mo ako!
Levaiton:
Eh ano naman kung ako...may magagawa ka ba?
Gunver: Nang-aasar ka ata...sige aarestuhin nalang kita!
Akmang susugurin sana ni Gunver
si Levaiton ngunit lumundag ito sa itaas nang gusali.
Gunver: Hoy
bumaba ka dito duwag!
Levaiton:
Wala akong balak na makipag laban sa iyo Detective....nais ko lang na mag
pakilala sayo yun lang, hanggang sa muli.
Tuluyan ng nawala si Levaiton at
na iwan naman si Gunver...ilang sandali pa ay bumalik na sa
pagiging kyro ang
special detective.
Kyro:
Malas....Dranixs ano ba talaga kayo?
DETECTIVE KYRO!
Ilang sandali isang sigaw ang
narinig ni Kyro papalapit sa kanya at ang sigaw na ito ay kay Michelle.
Kyro:
Michelle!?
Michell:
Teka anong nang yari dito?...nasaan si mark at yung si Agent Marina?
Kyro:
Mahabang kuwento...pero sa tingin ko na huli na ni marina ang binatang
yun...sige na bumalik (hinawakan sa braso ang dalaga) ka na muna sa sa inyo ako
na ang bahala sa kanya tatanungin ko siya kung may kinalaman nga siya sa mga
nang yayari ngayun.
Michelle:
Sige po.
Tila may napansin si kyro na
kakaiba sa dalaga noong hinawakan niya ang braso nito.
________________________________________
Sa Interrogation Room ng GINGA
under ground base nila Kyro. Piniga nila Marina ang suspect na nahuli niya.
Marina:
Sabihin mo nasaan ang mga babaeng ito....mag tapat kana bago pa lumaki ang kaso
mo.
Mark:
Wala akong alam sa mga yan kung bakit sila nawawala, totoo sasabihin ko sayo
isa akong stalker ng mga babaeng yan, pero never ko silang binalakang ng masama
malinis ang konsiyensa ko.
Marina:
Ano sabi mo?
Mark:
Yang mga Letratong nakuha niyo sa akin?...kumukuha ako ng patago ng mga
letrato nila pero hindi ko inisip na kidnapin sila...lalo na si sherry hindi ko
alam kung bakit ako nasangkot sa kasong ito.
Marina:
Kung ganon bakit ka tumakas kanina... kung wala ka naman kasalanan?
Mark:
Nabigla ako kaya ko nagawa yun..nitong mga nakaraang araw kasi may nag tangka
rin sa buhay ko. dahil sa pag-kawala nila ako ang pinag-hihinalaang dumukot sa kanila. Pero maniwala kayo, wala akong kasalanan.
Ilang sandali pa ay pumasok si
kyro para sabihin ang isang bagay.
Kyro:
Sandali marina itigil mo muna yan...
Marina:
Kyro?
Kyro:
Kanina nalang noong hinabol mo siya...may nakaharap akong isanag Negative at
nakipag laban ako sa kanya...pero nakatakas lang siya dahil sa isang nag
nga-ngalang Levaiton.
Marina:
Levaiton?...sino naman yun.
Kyro:
Sinasabi niya na alagad siya ng Dranixs....hindi ko maintindihan kung ano ang
balak nila pero sa nakikita ko, sila ang lahat ng ugat ng mga ito, ang
pag-sulpot ng mga Negative.
Marina:
Kung ganon sangkot din dito ang mga Negative sa kasong ito...at ang lalaking
ito sinasabi mo na isang normal lang na stalker?
Kyro:
Parang ganon na nga...pero under investigation parin siya kaugnay sa mga nang
yayari.
Mark:
Ano bakit naman?!
Kyro:
Pasensiya na pero yun ang batas...kailangan ka munang manatili dito hanggang sa
hindi pa natatapos ang kasong ito...marina may pa iimbestigahan ako sayong mga
tao na maaaring may kinalaman sa mga nang yayari.
Kinuha ni Kyro ang dalawang
litrato sa kanyang bulsa
Marina:Teka
sigurado ka ba dito?....parang imposible naman ata ito.
Kyro: Sigurado
ako diyan sa panahon ngayun wala ng inosente....lahat puwede ng maging sangkot
sa isang krimen.
Marina:
Sige na iintindihan ko...gagawin ko sinasabi mo.
______________________________________________
Samantala kinahapunan nakipag
kita muli si Sherry kay Kyro sa GINGA Coffee Shop para kumustahin ang kasong
pinapaimbestigahan sa kanya.
Sherry:
Detective kumusta na po?
Kyro:
Sa ngayun nahuli na namin si Mark Martinez...at under investigation pa
siya---pero hindi ko masasabi na siya ang Possible suspect sa mga nang yayaring
pag kawala ng mga kaibigan mo.
Sherry:
Ganon po ba...pero, pero may pag-asa bang ma-ibalik ang mga kaibigan ko... tama po
ba?
Kyro: Sigurado
yan dahil may possible suspect na ako sa mga nang yayaring ito, ipinaiimbestigahan ko na siya kay Agent Asol sa ngayun, mag hintay nalang
tayo ng report niya.
_______________________________________________
Samantala patagong
iniimbestigahan ni Marina ang taong nasa letrato at ang tinutukoy dito ay si
Michelle Gonzaga.
Marina:
Bakit kaya pinaghinalaan ni kyro ang babaeng ito bilang isang possible suspect?
Akmang sumakay ng sasakyan ang dalaga at umalis...at ganon din ang ginawa ng Agent sumakay siya sa kanyang sport car at sinundan niya ito.
Marina:
Ano ba ang itinatago mo...Michelle Gonzaga.
Habang sinusudan nito ang dalaga
ay lumiko ito sa isang kanto...ganon din ang ginawa ni marina ngunit sa pag
liko niya ay biglang.
BAAAAAAGGGGGG
Marina:
Anong!
Isang nilalang ang na puno ng
bakal ang katawan ang umatake sa kanya,at ang nilalang na ito ay ang nakalaban
kanina ni Gunver... ito ay ang negative na si Scalpel.
Scalpel: Kumusta!
Agad bumaba si marina sa kanyang
sasakyan at hinarap niya ang negative.
Marina:
Anong!?...isa negative pero papaanong... kung ganon.
Scalpel:
Na paka ganda naman ng mukha mo...puwede ko kayang kunin yan para maging
dag-dag sa collection ko?
Marina:
Subukan mo lang.
Inilabas ni Marina ang kanyang
Dual Hand Guns at nag simula ng makipag laban sa nilalang.
________________________________________________
Dumating naman ang signal mula sa
location ni marina sa GINGA Cafe.
Mei:
Kyro...mukang may kinahaharap si marina ngayun sa Area 12, mukang isang negative
ang kalaban niya doon, bilisan mo at puntahan mo na siya... ito yung same negative
na kinalaban mo kaninang umaga.
Kyro:
Naloko na...sige ate mei papunta na ako Ms. Sherry dumito ka nalang muna.
Agad ng umalis si Kyro para
tingnan ang nang yayaring laban ni marina sa negative.
____________________________________________
Sa bilis ng pag papatakbo ni kyro
ng kanyang Gun cycle ay nakarating siya sa location ni marina. Ngunit wala na
siyang inabutan doon kung hindi ang sirang sasakyan nito.
Kyro:
Naloko na mukang na huli ako...
Sino nga ba talaga ang taong nasa
likod nito at ano ang binabalak niya kay marina at sa iba pa niyang biktima
. Magawa kayang maresolba ni kyro ang kasong hinahawakan niya ngayun?
Case Continued …
No comments:
Post a Comment