Saturday, January 31, 2015

Case 5: Stalker





Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement 


Ang nakaraan sa special detective gunver.

Nagawang magtulungan nila  marina at kyro sa unang pag-kakataon upang magapi ang negative na si dynamite, gamit ang kanilang teamwork tuluyan nilang na sukol ang kahinaan ng nasabing nilalang.

At dahil din sa kanilang pag-tutulungan, natangap na ni marina si Kyro bilang kanyang partner.

GINGA Coffee Shop...

Abala sila Kyro at Marina sa pag S-serve sa mga costumer nila...si mei naman ay nasa counter at bar para asikasuhin ang mga costumer na nakaupo doon.

Costumer1: Ah Miss isang creamer  nga dito (tinawag si marina)

Marina: Sige po sir... inaabot ko nalang.

Lumakas lalo ang kita ni Mei dahil sa pag pasok ni marina bilang isang serbidora nila doon...dahil sa ganda nito na nakaka akit sa mga kalalakihan.

Marina:  Eto na po ang creamer niyo...salamat po sa pag-hihintay.

Pumunta naman si Kyro sa bar ng kanyang ate mei at na upo ito para mag pahinga ng pansamantala.

Kyro: Grabe ang daming costumer ngayun...at napapansin ko puro lalaki pa---simula ng tumira dito si marina lalong dumami ang mga pumupunta dito ate mei.

Mei: (Nag bibilang ng kita) Ayaw mo noon...at least may kinikita tayo kahit na wala tayong trabaho ngayun...

Kyro: Pero hindi naman ito ang profession ko...gusto kong lumutas ng kaso at sumipa ng tumbong ng mga Negative...hay sana kasama nalang ako ni Kaiza sa Hawk Squad para may aksiyon palagi.

Mei: Tumigil ka na nga diyan, sige na mag serve ka na muna sa mga ibang costumer...tulungan mo si marina....

Marina: Hoy Kyro paki bigyan mo naman ng Sugar cubes dito sa table 1.

Kyro: Oo na...papunta na.

Kumuha ng isang jar ng sugar cube si kyro para ibigay sa costumer...maya-maya pa ay may 
isang pumasok na costumer at isa itong babae na college student at tila may hinahanap ito...i-ni welcome naman kagaad ito ni mei.

Mei: Welcome to GINGA cafe...Ma’am.

Babae: Ah excuse me po...dito po ba ang GINGA Detective Agency ni Detective Kyro Anjelo?

Agad naman tumugon si Kyro sa humahanap sakanya.

Kyro: Yes! Anong ma ipapag linkod ko sa inyo Miss.Beautiful?


Babae: Nais ko po sanang….mag pa imbestiga tungkol sa isang kaso.



Case 5: Stalker 

Mula sa opisina nila Kyro pinag usapan nila ang kasong gustong ipa-imbestiga ng babaeng kleyente.

Binigyan ni Mei ng isang tasa ng kape ang babae.

Mei: So ano ba ang gusto mong pa imbestigahan sa amin?

Nag pakilala ang babae sa kanila.

Sherry: Ako si Sherry Anne Jimenez. Isa akong  nursing  studen sa UST...nais ko sanang ipa-imbestiga sa inyo ang taong ito.

Ipinakita ni Shery ang isang Litrato ng isang lalaki.

Mei: Teka sino naman ito?

Sherry: Siya si Mark Jules Martinez...sa maniwala kayo oh sa hindi isa siyang stalker.

Tila naman nagulat si mei sa sinabi ng dalaga.

Mei: Teka Stalker?...ang ibig mong sabihin gusto mong mag pa-imbestiga ng isang nang-iistalk sayo ganon? Sa nakikita ko naman maganda ka at itong lalaking nasa litrato may ka guwapuhan din...so ano ang point?  

Sherry: Ganito po kasi yun...ang gusto kong sabihin sa inyo, siya ang suspect sa pag kawala ng mga kaibigan ko ilang buwan na ang nakakaraan...kama-kaylan lang kasi noong sinimulan niyang subay-bayan ang mga kaibigan ko isa-isa na silang nawala---at malakas ang pakiramdam namin na siya ang may gawa ng lahat. 

Mei: Teka naguguluhan ako...so ibig sabihin lumalabas na kinidnap nang lalaking ito ang mga kaibigan mo? 

Napansin naman ni mei si kyro na nakatitig lang sa babae.

Mei: Sandali nga... hoy kyro bakit ako ang kumakausap dito...diba ikaw ang detective dito?  Kaya ikaw ang makipag usap sa kanya.

Kyro: Ah pasensiya na....hehehe pasensiya na talaga...sige ituloy mo lang baka sa kaling makatulong ako.

Shery: Detective natatakot ako...kamakailan lang kasi pag katapos mawala ang mga kaibigan  ko pakiramdam ko ako na ang sinusundan niya...kung saan ako pumunta naroon siya...hindi ko alam ang gagawin ko---isa pa gusto kong malaman kung buhay pa ang mga kaibigan ko dahil matagal nang nag aalala ang mga magulang nila saka nila.

Maya-Maya pa ay pumasok si Marina

Marina: Mukang malalim ang kasong yaan ah...

Kyro: Marina?

Marina: Nakalimutan kong sabihin yan...ilang buwan na ang nakakaraan isa-isang nawawala ang mga babaeng college student sa university na nabangit mo ---ayon sa report hindi malaman kung saan ang exact time kung saan sila nawala dahil maraming haka-haka ang mga pulis tungkol diyan...at ang pinag tataka nila bakit mga magagandang babae lang ang nabibiktima? Isa pa walang possible suspect ang mga pulis kaaugnay niyan. At kung yaan lalaking yan ang suspect na sinasabi mo kailangan makita namin siya para i-interrogate.  

Sherry: Nakikiusap ako sa inyo...alam ko na kayo lang ang maasahan ko pag dating sa bagay na ito, handa akong mag bayad ng malaki ma resolba lang ang kasong ito.

Tila napasubo na si Kyro sa bagay na ito at isa pa hindi niya matangihan ang dalaga dahil sa kita nito na takot siya at nag aalala.

Marina: Ano kyro tatangapin mo ba?

Kyro: Mukang hindi naman ito related sa Negative case na hawak ko ngayun...pero sige tatangapin ko na, mas gusto ko pang mag resolba ng isang kaso kesa mag serve sa mga Costumer dito na taga hanga mo.
___________________________________________________

Dranix Aquarium Base

Sa loob ng kanilang Briefing Room muling nag pulong-pulong ang tinaguriang mga pinuno ng organization.

Quwarta: Primo mukang patuloy parin ang ginagawang pakikielam sa atin ng Detective nayun…wala ka bang gagawin paraan para masukol natin ang taon yan?

Primo: Malaki na ang atraso niya sa atin...dalawa na sa mga evolving species ang nawawala sa atin, at pag nag patuloy pa ito baka wala ng mangyari sa hinaharap ng ating samahan.

Segundo: Kung ang GINGA ang inaalala niyo...ako na mismo ang bahala sa kanila, basta gawin lang natin ang mga bagay na ini-ataw sa atin. walang mang-yayari kung aalalahanin niyo ang problemang yan. 

Primo: Tama ka...
_________________________________________________

Sakay ng kaniyang Gun cycle at nang sport car pumunta si Kyro kasama sila marina sa lugar kung saan huling nakita ang mga kaibigan ni sherry.

Kyro: Buti pa mag tanong-tanong tayo baka sa kaling may nalalaman ang mga tao dito.

Marina: Mabuti pa nga.

Agad nag tanong-tanong sila Kyro at marina sa taong pinag hihinalaan ni sherry. Ngunit tila ata walang nakakakilala dito. Pero nag patuloy parin ang dalawa sa pag tatanong.

Lumapit si Kyro sa isang groupo ng mga estudiyante na kumakain.

Kyro: Ah mga miss excuse me...pero maaari ko ba kayong ma istorbo?

Student 1: Sige ano yun?

Kyro: Isa akong Detective baka na kikilala niyo ang lalaking ito (ipinakita ni kyro ang letrato)

Tila naman napapaisip ang mga estudiyante sa ipinakita ni kyro at nag salita ito.

Student2: Teka kilala ko ito ah?!

Kyro: Teka sigurado ka ba miss?

Student2: Hindi ako nag kakamali siya si Mark Jules Martinez....ang tagal na niyang hindi nag 
papakita ngayun dito sa university.

Kyro: Kung ganon kilala mo nga siya? ...idinulong sa amin ito  ni sherry anne jimenez isa din siyang studiyante dito. Sa tingin ko kilala niyo rin siya.

Student2: Si Sherry teka nasaan siya ngayun?...ah oo nga pala bago ko makalimutan ako si Michelle Gonzaga kaibigan ako ni shery...at tulad niya gusto ko rin malaman kung nasaan ang mga kabigan namin. Mukang gumawa na siya nang hakbang para matapos ang gulo. 

Kyro: Kung ganon kaibigan ka ni sherry...may alam ka ba kung saan namin matatagpuan ang 
lalaking ito?...ipapatawag ko si sherry kung sakali. 

Michell: Sige walang problema... alam ko kung saan siya nag lalagi. pero hindi ko lang sigurado kung nadoon pa siya, dahil simula nang mga nang-yaring pag-kawala, hindi na siya nag-pakita. 
_________________________________________________

Pinauntahan ni Kyro at marina kasama si michell ang apartment kung saan nag lalagi ang sinasabing binata.

Marina: Dito na ba yun?

Michelle: Dito na nga po...ah sir ayaw kong pumasok sa loob ng gusaling yan dahil  natatakot ako, kung sa kanilang may kinalaman nga ang lalaking yan sa pag kawala ng mga kabigan namin ni sherry. pakiusap lang sana mahuli niyo siya. 

Kyro:Ganon ba sige na iintindihan ko...dumito ka nalang sa sasakyan kami na ang papasok sa loob ng gusali..tayo na marina.
______________________________________________________

Sakay ng elevator narating nila Kyro ang floor kung saan nadodoon ang sinasabing binata.

Kyro: Eto na yun...room 305.

TOK! TOK! TOK!

Kinatok ni Kyro ang pintuaan ng silid

Kyro: Mark Martinez nadiyan ka ba?

TOK! TOK!

Kyro: Mark Martinez...mag detective kami mula sa GINGA,  kailangan kalang namin matanong tungkol sa isang bagay.

Tila nag tataka na si marina kung bakit wala parin sagot.

Marina: Mukang walang tao sa loob...ano na ang gagawin natin?  

Kyro: Wala ng ibang choice...sirain natin ang pinto.

BAAAAAKKKK

Sinira nila Kyro ang pintuan ng silid at sabay tutok ng baril nila. At napansin nila na bukas ang bintana.

Marina: Kyro bukas ang bintana!?

Agad naman tiningnan ito nila marina at laking gulat nila na may lalaking tumatakbo sa emergency exit.

Kyro: Ayon siya habulin natin!!  

Akmang hahabulin nila kyro ang binata ngunit pinigilan ito ni marina at ang sabi nito ay...

Marina: Ako na ang bahala sa kanya...humanap ka nalang ng ebidensiya.

Kyro: Sige walang problema.

Agad lumabas sa bintana si marina at hinabol ang tumatakas na binata. Samantala hinalughog ni kyro ang silid ng binata at nag hanap ng ebidensiya, ngunit tila wala siyang napansin na kakaiba dito.

Nag palutoy lang si kyro sa kanyang pag  hananapa at hanggang sa may napansin na siyang isang bagay.

Kyro: Isang kahon?

Akmang bubuksan ito ni kyro para tingnan pero lingind sa kaalaman niya na may taong naka masid sa likod niya na may hawak ng isang patalim.

Nag tagumpay siyang buksan ito at nakita niya ang mga larawan ng mga babaeng nasabing nawawala kasama na rito ang letrato ni Sherry.

Kyro: Si Sherry?

Habang tinitingnan ni kyro ang mga litrato ay biglang.

SLASSSSSHHHHH

Sinaksak patalikod si kyro ngunit mabilis niya itong naramdaman at nailagan.

Kyro: Muntik na ako doon ah....alam mo bang kanina pa kita pinakikiramdaman!

Isang nilalang na may hawak na patalim at nakasuot nang maskara na ginagamit sa mga Halloween party. 

Kyro: Hoy malayo pa ang holloween! Pero ang aga mo naman atang manakot.

Nag salita ang nilalang.

Nilalang: Tumahimik ka!!!!

Inatake nito si kyro at napalabas sila sa bintana.

BRAAAACCCCKKK

______________________________________ 

Hinabol ni marina ang bitang suspect sa itaas ng mga gusali.

Marina: (Tumatakbo) Tumigil ka!

Mark: (Tumatakbo) Wag! Wag! ka ng sumunod nag mamakaawa ako wala akong kasalanan!

Marina: Ayaw mong mag pahuli hah!

Humanap si marina ng alternatibong daan para masukol niya ang bintang tumatakbo...nag 
lambintin siya sa mga poste na naroon at ginamit pa niya ang lambot ng katawan para makaraan sa mga sikip na daan, at hanggang sa masukol na niya ang binata.

Marina: Huli ka!

Mark: Hindi!!

Akmang tatakbo pa ang binata para tumakas ngunit mabilis na nahawakan ni marina ang mga braso nito at itinumba saka nilagyan ng posas.

Mark: Wag pakawalan niyo ako! Wala akong kasalanan...nag mamakaawa ako inosente ako.

Marina: Mamaya ka na mag paliwanag! Sa ngayon sumama ka sa amin sa presinto.
_________________________________________________

Bumagsak sila Kyro sa mga Emergency exit at doon nag laban ng nilalang iniwasiwas sa kanya ang patalim na hawak nito.

Ngunit sinalag lang ito ni kyro gamit ang husay niya sa pag depensa.

Kyro: Makulit ka hah!...eto ang sayo!

BOOOGGG

Sinuntok ni kyro ang nilalang at nagawa niyang pabagsakin sa lupa.

BAAAAAGGGG

Bumagsak ang nilalang sa isang sasakyan na nakaparada...at bumaba naman si Kyro para tingnan kung buhay pa ang nasabing nilalang.

Sinipa sipa ni kyro ang nilalang at akmang tatangalin ang maskara ngunit ilang sandali ay.

SLAAAASSSSHH

Kyro: Anong!

Bumangon muli ito at sinubukan putulin ang kamay ni kyro ngunit bigo ang nilalang.

Kyro: Hoy ano bang klaseng nilalang ka? Sabihin mo!

Nilalang: Wala ka ng pakialam doon!

Inilabas ng nilalang ang isang asul na likido na kalagay sa injection tube at saka isinak-sak niya ito sa sarili niya, at ilang sandali ay nag bago ang  kanyang anyo  at nabalutan ng mga bakal ang katawan na puro tusok. 

Kyro: Negative? Mukang may kinalaman sila sa nang-yayari...pero ayos narin, hindi rin pala masama na tinangap ko ang kasong ito.

Inilabas ni Kyro ang kanyang Gundriver at isinigaw ang katagang.

Kyro: Gun CHANGER!

Nabalutan ng pulang liwanag si Kyro at naging si Special Detective Gunver.


Gunver: Ngayun humanda ka!

Nilusob ni Gunver ang negative gamit ang kanyang Gundriver.

BANG!-BANG!-BANG!

Nilalang: Ano yan lang ba ang kaya mo? 

Gunver: Tumahimik ka Taong Asero!...Bullet Change Rapid!

Gundriver Female voice: Bullet Change Affirmative.

Pinaltan ni Gunver ang kanyang bala. Mula sa pistol mode ginamit naman niya ang rapid mode.

BRATATATATA

Pinag babaril ni Gunver ang nilalang hanggang sa ma aptras ito at mapaluhod.

Gunver: Ayos eto na ang pag kakataon...Bullet Change Blast!

Gundriver Femal Voice: Bullet Change Affirmative.

Inipon ni Gunver ang enerhiya ng Gundriver para pakawalan ang final attack nito.

Gunver: Heto na Gun Final Blast!!

Pinakawalan ni Gunver ang kanyang huling atake sa nilalang ngunit ilang sandali pa ay.

SLASSSSHHHH

Gunver: Anong!!

Hinati pa ng isang nilalang ang atake na ginawa ni Gunver at ang nilalang na ito ay si walang iba kung hindi si Levaiton.

Gunver: Sino ka!?.... Mag pakilala ka!

Nag salita si Levaiton

Levaiton: Ako si Levaiton at ako ang mensahero at tapat na alagad ng Dranixs...Detective Kyro Anjelo ikinagagalak kitang makilala...Scalpel tumayo ka na diyan! Ako na ang bahala sa kanya, gawin mo nalang ang nais mo.  

Scalpel: Masusunod. 

Agad nag laho ang kinalaban ni Gunver na Negative at naiwan silang dalawa ni Levaiton.

Gunver: Sandali! Asar sabihin mo ikaw ba ang may pakana sa pag labas ng mga Negative...sagutin mo ako!

Levaiton: Eh ano naman kung ako...may magagawa ka ba? 

Gunver: Nang-aasar ka ata...sige aarestuhin nalang kita!

Akmang susugurin sana ni Gunver si Levaiton ngunit lumundag ito sa itaas nang gusali.

Gunver: Hoy bumaba ka dito duwag!

Levaiton: Wala akong balak na makipag laban sa iyo Detective....nais ko lang na mag pakilala sayo yun lang, hanggang sa muli.

Tuluyan ng nawala si Levaiton at na iwan naman si Gunver...ilang sandali pa ay bumalik na sa 
pagiging kyro ang special detective.

Kyro: Malas....Dranixs ano ba talaga kayo?

DETECTIVE KYRO!

Ilang sandali isang sigaw ang narinig ni Kyro papalapit sa kanya at ang sigaw na ito ay kay Michelle.

Kyro: Michelle!?

Michell: Teka anong nang yari dito?...nasaan si mark at yung si Agent Marina?

Kyro: Mahabang kuwento...pero sa tingin ko na huli na ni marina ang binatang yun...sige na bumalik (hinawakan sa braso ang dalaga) ka na muna sa sa inyo ako na ang bahala sa kanya tatanungin ko siya kung may kinalaman nga siya sa mga nang yayari ngayun.

Michelle: Sige po.

Tila may napansin si kyro na kakaiba sa dalaga noong hinawakan niya ang braso nito.
________________________________________

Sa Interrogation Room ng GINGA under ground base nila Kyro. Piniga nila Marina ang suspect na nahuli niya.

Marina: Sabihin mo nasaan ang mga babaeng ito....mag tapat kana bago pa lumaki ang kaso mo.

Mark: Wala akong alam sa mga yan kung bakit sila nawawala, totoo sasabihin ko sayo isa akong stalker ng mga babaeng yan, pero never ko silang binalakang ng masama malinis ang konsiyensa ko.

Marina: Ano sabi mo? 

Mark: Yang mga Letratong nakuha niyo sa akin?...kumukuha ako ng patago ng mga letrato nila pero hindi ko inisip na kidnapin sila...lalo na si sherry hindi ko alam kung bakit ako nasangkot sa kasong ito. 

Marina: Kung ganon bakit ka tumakas kanina... kung wala ka naman kasalanan?

Mark: Nabigla ako kaya ko nagawa yun..nitong mga nakaraang araw kasi may nag tangka rin sa buhay ko. dahil sa pag-kawala nila ako ang pinag-hihinalaang dumukot sa kanila. Pero maniwala kayo, wala akong kasalanan.

Ilang sandali pa ay pumasok si kyro para sabihin ang isang bagay.

Kyro: Sandali marina itigil mo muna yan...

Marina: Kyro?

Kyro: Kanina nalang noong hinabol mo siya...may nakaharap akong isanag Negative at nakipag laban ako sa kanya...pero nakatakas lang siya dahil sa isang nag nga-ngalang Levaiton.

Marina: Levaiton?...sino naman yun.

Kyro: Sinasabi niya na alagad siya ng Dranixs....hindi ko maintindihan kung ano ang balak nila pero sa nakikita ko, sila ang lahat ng ugat ng mga ito, ang pag-sulpot ng mga Negative.

Marina: Kung ganon sangkot din dito ang mga Negative sa kasong ito...at ang lalaking ito sinasabi mo na isang normal lang na stalker?

Kyro: Parang ganon na nga...pero under investigation parin siya kaugnay sa mga nang yayari.

Mark: Ano bakit naman?!

Kyro: Pasensiya na pero yun ang batas...kailangan ka munang manatili dito hanggang sa hindi pa natatapos ang kasong ito...marina may pa iimbestigahan ako sayong mga tao na maaaring may kinalaman sa mga nang yayari. 

Kinuha ni Kyro ang dalawang litrato sa kanyang bulsa

Marina:Teka sigurado ka ba dito?....parang imposible naman ata ito. 

Kyro: Sigurado ako diyan sa panahon ngayun wala ng inosente....lahat puwede ng maging sangkot sa isang krimen.

Marina: Sige na iintindihan ko...gagawin ko sinasabi mo.  
______________________________________________

Samantala kinahapunan nakipag kita muli si Sherry kay Kyro sa GINGA Coffee Shop para kumustahin ang kasong pinapaimbestigahan sa kanya.

Sherry: Detective kumusta na po?

Kyro: Sa ngayun nahuli na namin si Mark Martinez...at under investigation pa siya---pero hindi ko masasabi na siya ang Possible suspect sa mga nang yayaring pag kawala ng mga kaibigan mo.

Sherry: Ganon po ba...pero, pero may pag-asa bang ma-ibalik ang mga kaibigan ko... tama po ba?

Kyro: Sigurado yan dahil may possible suspect na ako sa mga nang yayaring ito, ipinaiimbestigahan ko na siya kay Agent Asol sa ngayun, mag hintay nalang tayo ng report niya.
_______________________________________________

Samantala patagong iniimbestigahan ni Marina ang taong nasa letrato at ang tinutukoy dito ay si Michelle Gonzaga.

Marina: Bakit kaya pinaghinalaan ni kyro ang babaeng ito bilang isang possible suspect?

Akmang sumakay ng sasakyan ang dalaga at umalis...at ganon din ang ginawa ng Agent sumakay siya sa kanyang sport car at sinundan niya ito.

Marina: Ano ba ang itinatago mo...Michelle Gonzaga.

Habang sinusudan nito ang dalaga ay lumiko ito sa isang kanto...ganon din ang ginawa ni marina ngunit sa pag liko niya ay biglang.

BAAAAAAGGGGGG

Marina: Anong!

Isang nilalang ang na puno ng bakal ang katawan ang umatake sa kanya,at ang nilalang na ito ay ang nakalaban kanina ni Gunver... ito ay ang negative na si Scalpel.

Scalpel: Kumusta! 

Agad bumaba si marina sa kanyang sasakyan at hinarap niya ang negative.

Marina: Anong!?...isa negative pero papaanong... kung ganon. 

Scalpel: Na paka ganda naman ng mukha mo...puwede ko kayang kunin yan para maging dag-dag sa collection ko?

Marina: Subukan mo lang. 

Inilabas ni Marina ang kanyang Dual Hand Guns at nag simula ng makipag laban sa nilalang.
________________________________________________

Dumating naman ang signal mula sa location ni marina sa GINGA Cafe.

Mei: Kyro...mukang may kinahaharap si marina ngayun sa Area 12, mukang isang negative ang kalaban niya doon, bilisan mo at puntahan mo na siya... ito yung same negative na kinalaban mo kaninang umaga.

Kyro: Naloko na...sige ate mei papunta na ako Ms. Sherry dumito ka nalang muna.

Agad ng umalis si Kyro para tingnan ang nang yayaring laban ni marina sa negative.
____________________________________________

Sa bilis ng pag papatakbo ni kyro ng kanyang Gun cycle ay nakarating siya sa location ni marina. Ngunit wala na siyang inabutan doon kung hindi ang sirang sasakyan nito.

Kyro: Naloko na mukang na huli ako...

Sino nga ba talaga ang taong nasa likod nito at ano ang binabalak niya kay marina at sa iba pa niyang biktima . Magawa kayang maresolba ni kyro ang kasong hinahawakan niya ngayun? 

Case Continued …