All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Tuluyan nang
napasakamay sa Neo-GINGA ang buong GINGA HQ, at ngayon si Gen. Olivares ay
nag-banta sa gobyerno nang pilipinas, na kung hindi nila isusuko ang kanilang
mga sarili ay mapipilitan siyang gumawa nang dahas at isang digmaan sa pagitan
nang kapwa kababayan.
Samantala,
natuklasan naman nila Blake McKinly ang tungkol sa files na nakuha ni tina mula
sa hinack niyang data files mula sa heneral. At dahil doon hinahap siya nang
mga ito tapusin.
Hindi
nag-tagal ay napag-alaman nilang nasa GINGA cafe ito nag-tatago, at dahil doon nalalagay narin ang groupo nila Mei sa
peligro.
Inilabas ni
Lt. Blake ang kanyang asul na badge, at ilang sandali, ay nag-salaita siya nang
isang kataga.
Lambert...Change!
Pag-pindot
palang ni Lt.Blake sa kanyang badge, at sa ilang sandali ay nabalutan siya nang
asul na liwanag, hanggang sa mag-bago ang kanyang anyo na pamilyar kay mei
noon.
Siya na
ngayon si...Special Police Lambert.
Mei: (Gulat) Lambert!!
Case 43: Counter-plan
Nagulat si
mei na mag-bago nang anyo ang isa sa mga kalaban nila bilang si Special Police
Lambert. Ang special police na
tinalo noon ni Gaider.
Lambert: Mag-paalam ka na!
Inihanda
nito ang kanyang dalawang Gatling gun sa kanyang shoulder armor, at kaagad
pinaputakan nito si mei.
BRATATATATATATATATATATA
Ngunit
mabilis na umiwas ang veteranang agent, at inilabas din niya ang kanyang
sariling Badge.
Mei: Mukang walang ibang choice!
Tumayo
kaagad si Mei, at inihanda ang sarili para sa pag-babago nang anyo bilang si
Galathea.
G...Badge...On!!!
Pinindot
nito ang button nang G-Badge, at ilang sandali pa ay nabalutan siya nang pulang
liwanag, at nag-bago siya bilang si Special Police Galathea.
Tila nagulat
din si Lambert sa kanyang nakita, dahil kaharap niya ang isa sa mga taong
nag-pabagsak sa kanyang ama.
Lambert: Aba! Tingnan mo nga naman, hindi ko akalain
na dito pa kita makakaharap, ang isa sa mga responsable sa pag-kamatay nang aking
ama, Agent Maria “mei” Martin, o mas kilala bilang Special Police Galathea.
Teka nasaan ang nga pala ang asawa mo? Si Capt. Kaiza Anjelo.
Galathea: Kung ganon ikaw pala ang anak ni Edward
McKinly, puwes humanda ka ngayon...dahil sa kulungan ang bagsak mo!
Biglang
umatake nang buong tapang si Galathea kay Lambert. At inilabas niya ang kanyang
G-Crossbow.
Lambert: Mukang hindi niya narinig ang sinabi ko.
Pero
inihanda kaagad ni Lambert ang ilang mga sandata sa kanyang armor. At sabay
pinaputukan si Galathea.
BRATATATATATATATATATATA
_________________________________________
Patuloy
naman ang pag-lalaban ni Draiger at Snider, at nasaksihan din nito ang
kakaibang kalaban ni Galathea.
Draiger: Ms. Mei!!
Snider: Sa akin ka lang tumingin!!!
Biglang
binulaga ni Snider nang isang malakas na suntok sa mukha si Draiger.
BOOOOGGGG
Bumulagta
ito at halos nayanig ang kanyang ulo sa lakas nang suntok.
Draiger: Errr, buwiset!
Ngunit
kaagad naman tumayo si Draiger, para muling labanan si snider.
Draiger: Hindi na ako mag-pipigil sayo, Clyde!!
Inilabas na
nang binatang pulis ang kanyang sandata, at humanda muli sa pag-sugod niya kay
snider.
__________________________________________
Samantala sa
loob naman nang Cafe, pinapanood nila Marion ang pakikipag-laban nang dalawa
nilang kasama. Ngunit tila nag-aalala na si sherry sa kalagayan ngayon.
Sherry: Clyde, bakit kailangan mong gawin ito.
Marion: Masama ito, napapaligiran parin tayo nang
mga tauhan nang Neo-GINGA.
Anna: Kailangan maka-alis tayo dito.
Marion: Tama ka (Napansin ang Gun trailer) mag-handa
kayo bilis!
__________________________________
Samantala
patuloy namang nakiki pag-palitan nang putok si tina sa mga kalabang Neo-GINGA,
at napansin niyang sa dami nito ay na uubos na pala ang balang dala niya.
BANG-BANG
Tina: Asar.
Patuloy
parin siyang nirarat-rat nang mga kalaban sa kanyang pinag-tataguan. At si
Galathea ay nakita ang hinarap na dinaranas ngayon nang kasama.
Galathea: Tina!
Akma niya
itong tutulungan, ngunit bigla siyang pinaputakan ni Lambert.
BRATATATATATATATA
Lambert: At saan ka pupunta?!
Walang
nagawa si Galathea kung hindi ang makipag-sabayan nalang kay Lambert. Gamit ang
husay nito sa Judo.
Isang
malakas na sipa ang ginawa ni Galathea kay Lambert, para kumuha nang
pag-kakataon upang gamitin ang kanyang sandatang G-Crossbow.
Inipon niya
ang enerhiya para sa kanyang pakakawalang atake. Ngunit inunahan na siya ni
Lambert gamit ang mga bala nang Grenade Launcher.
Lambert: Mabagal!
BOOOOOOOMMMMSSS
Galathea: AAAAAAHHHH
Tumalsik si
Galathea, at bumalik sa pagiging Mei.
Tina: Hindi... Mei!
Tutulungan
din sana ni Tina si Mei, pero pinaputukan siya nang mga kalaban.
BANG!-BANG!
At ganon din
sana ang gagawin ni Draiger, ang kaso ay naiipit siya sa laban niya kay snider,
kaya wala din siyang magawa.
Draiger: Ms. Mei! Asar, Clyde bakit ba kailangan mong
gawin pa ang mga bagay na ito?! Sagutin mo ako bakit!
Snider: Manahimik ka nalang!
Inilabas ni
Snider ang kanyang Driver, at sunod-sunod niyang pinaputukan ang kanyang katungali.
BANG!-BANG!
Ngunit
umiwas lang si Draiger, at saka din siya gumanti nang putok gamit din nang
kanyang
Driver.
BANG!-BANG!
___________________________________
Unti-unti
namang lumapit si Lmabert, sa sugatang agent na si mei para tapusin ito. Pero
pinipilit niyang kunin ang kanyang sandatang G-Crossbow sa malapit. Ngunit
dahil sa kanyang pinsala ay hindi niya maabot ito.
Mei: Errr...
Lambert: Huwag mo nang sayangin ang lakas mo...dahil
ngayon palang, papatayin na kita!
Inihanda ni
Lambert ang kanyang Shoulder Gatling para tuluyan nang patayin si Mei.
Lambert: Paalam na...Galathea-----
Pero ilang
sandali ay.....
BBBBBRRRUUUUUMMMMMM
Dumating ang
Gun Racer, at inilabas nito ang mga sandatang itinatago. Saka pinag-babaril ang
mga taong humaharang sa kanilang daraanan. At si lambert ay binanga nila at
tumalsik sa isang katapat na shop.
BBBAAAAAAGGGGG
BRATATATATATATATATA
At dahil sa
pag-dating nila nahinto ang pag-tapos ni Lambert kay Mei. Nag-pakawala din sila
nang smoke grenade sa bawat paligid.
Upang
pag-takpan ang kanilang pag-takas. At doon kaagad bumaba ang dalawa nila Gunver
at Zhapyra.
Tinulungan
ni Zhapyra si Mei at ganon din si Tina.
Zhapyra:
Ms. Mei! Agent Shen!
Mei: M-Marina?
Zhapyra:
Kailangan na nating umalis dito!
Maya-maya ay
lumabas na ang Gun trailer mula sa grahe nito, at mabilis na isinakay ni
Zhapyara ang dalawa.
Marion: Bilisan niyo!!!Bilis!
Bumaba si
Anna para alalayan ang mga ito. At nang-makasakay ang tatlo ay nag-madaling
umalis ang Gun Trailer sa lugar.
_________________________________________
Si Draiger
naman ay nahihirapan na sa mas agresibong si Snider, ngunit bigla nalang
nag-pakita si Gunver at tinulungan ang kanyang kasama.
BANG!-BANG!
Draiger: Kyro!
Snider: Anjelo!!! Ikaw!
Gunver: Pasensiya na Clyde, pero wala akong ganang
makipag-laro sayo, kaya apg-pasensiyahan mo nalang ang gagawin ko!
Mabilis na
bumaril si Gunver nang Smoke Bullet mula sa kanyang Gun Driver, at ito ang
ginamit nilang pag-kakataon para tumakas sila ni Draiger.
Gunver: Tayo na!
Pero mabilis
na lumabas sa usok si Snider, ngunit sa mabilis na naka-sakay ang dalawang
pulis sa Gun Racer, at umalis upang sundan ang Gun Trailer.
Snider: Buwiset ka talaga Anjelo, hindi pa tayo
tapos!
_________________________________________
Malacanang
Palace.
Halos
nag-kakagulo ngayon sa palasiyo nang presidente, dahil sa tangka nang Neo-GINGA
sa bansa. Nag-sagawa ngayon nang isang press-con ang palasiyo kaugnay sa
nang-yayari.
Reporter 1: Mr. President, anong hakbang ang gagawin
niyo sa nang-yayaring krisis ngayon.
Reporter 2: May plano na po ba kayong isuko ang gobyerno
sa GINGA?
Reporter 3: Ano po ba ang ginagawang hakbang nang
palasiyo at Militar para hindi na mauwi sa digmaan ang ito?
Nag-salita
na ang presidente kaugnay sa nang-yayari ngayon.
President Macasero: Ang totoo hindi namin alam kung ano ang
nang-yayari sa loob nang GINGA, dahil simula’t sapul palamang ay hindi na ito nag-exist
sa ilalim nang gobyerno, pero kaugnay sa mga sinabi ni Gen. Zandro Olivares
nang kanilang organisasyon, ay walang
balak ang gobyerno para sundin ang mga utos niya. Kung kailangan naming harapin siya, ay gagawin
namin....huwag lang mag-tagumpay ang binabalak niya.
Nag-patuloy
lang sa pag-tatanong ang mga press kay President Macario Macasero.
_______________________________________
Habang
nag-sasagawa nang press-con ang malacanang, ay pinapanuod naman sila ni
Gen.Olivares mula sa television. At hindi niya maiwasan ang tumawa.
Gen. Olivares: Hahahahahaha, mga baliw....wala kayong
magagawa laban sa taglay na lakas nang organisasyong ito!
Ilang
sandali naman ay...
Tok!-Tok!
Pumasok si
Lt. McKinly kasama si Clyde para mag-ulat sa Heneral.
Blake: (Sumaludo) Sir!
Gen. Olivares: Mukang napasugod ata kayo. Lt. McKinly, saan
ba kayo galing kanina? Bakit wala kayo sa statement na ginawa ko.
Blake: Sir, pasensiya na kung hindi namin
nasaksihan ito, pero meron kayong dapat malaman.
Gen. Olivares: Ano naman yun?
Blake: Si Agent Christina Shen, nang special
investigation unit, meron siyang nakuhang ilang evidence files mula sa inyong
secret data base.
Gen. Olivares: Ganon ba, hindi na ako mag-tataka kung
mang-yari yun...dahil kilala si Agent Shen, na isa sa magaling na hacker dito
sa GINGA.
Clyde: General, kasalukuyang kasama niya ngayon ang
groupo ni Detective Kyro Anjelo, at mula sa kanilang HQ, tumakas sila. Pero
huwag kayong mag-alala. Dahil kasalukuyan na silang hinahanap ngayon nang ilang
tauhan natin.
Gen. Olivares: Mukang magiging banta sila sa atin, puwes
siguraduhin niyong makikita niyo ang mga yun. Dahil ayaw kong may sisira sa mga
plano ko.
Blake/Clyde: (Sumaludo) Yes sir!
Tiningnan ni
Gen. Olivares ang kanyang oras, at halos 20 hours nalang ang natitirang palugit
para sa ginawa niyang kasunduan sa gobyerno.
Gen. Olivares: Malapit na, konting oras nalang ang
hihintayin ko.
____________________________________
Samantala
nag-iisip naman si Andrew kung papaano makakatakas sa selda niya. Kumukuha
palang siya nang tamang tiyempo para gawin ito. Dahil gusto niyang sabihin ang
ilang mga bagay na kanyang nalalaman.
Andrew: (Sa sarili) Kailangan maka-alis ako dito.
Hindi puwedeng mang-yari ang iniisip ni
Olivares. Hindi ako makakapayag.
Naka-tingin
lang si andrew sa guwardiyang nag-babantay sa kanya.
____________________________________
Sa isang
secret hideout na pinuntahan nila Mei, kasalukuyang dito muna sila nag-tago
para maka-layo at makapag-isip nang plano laban sa binabalak nang Neo-GINGA.
Tinanong ni
Kyro si Mei kung ano ba talaga ang nang-yayari ngayon.
Kyro: Ate mei, ano ba ang nang-yayari ngayon?
Bakit hinamon ni Olivares ang Gobyerno. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako.
Mei: Mukang wala ka ngang alam, at saan ba kayo
galing ni marina buong araw?
Kyro: Hindi na importante yun, ang gusto kong
malaman, bakit si clyde, bakit niya tayo inatake, at sino yung isang special
police na papatay sana sa iyo?
Mei: Si
Lambert yun, ang special police na nilikha nang Neo-GINGA na tinalo na noon ni
Kaiza, pero nag-tataka lang ako kung bakit buo parin ang badge na iyun. Dahil ang sa pag-kakaalam ko winasak na ni
kaiza ang bagay na iyun noon.
Sumabat
naman si tina tungkol sa pinag-uusapa nila ni kyro at mei.
Tina: Alam niyo hindi na dapat natin inaalala ang
bagay na iyan, ang pag-isipan natin nang paraan kung paano natin magagawang
mapasok ang HQ, dahil sa mga oras na ito hawak nila ang ilang sa mga opisyales
natin, at huwag niyo ring kalilimutan na tumatakbo ang oras. Kung hindi natin
mapipigilan si Olivares, mag-kakaroon nang digmaan sa buong bansa.
Hindi alam
ni mei kung saan mag-sisimula para pigilan ang plano ni olivares.
________________________________________
Balik muli
sa selda ni Andrew, naka-isip na siya nang pag-kakataon para makalabas sa
kanyang selda. At ito ay ang mag-sakit-sakitan para makuha ang atensiyon nang
guwardiya.
Andrew: AAAAAARRRHHHHHH!!!
Napansin din
ito nang mga katapat niyang nasa selda. At ang guwardiya ay napilitang pumasok
sa loob nang kulungan nito.
Neo-GINGA Police: Sandali anong nang-yayari sayo!!!!
Andrew: AAAAAARRRRGGHHHHH!!!
Pumasok ang
guwardiya upang tingnan ang kalagayan nang kanilang bihag.
Neo-GINGA: Hoy! Ayos ka lang ba? Hoy!
Pero ilang
sandali lang ay...biglang hinawakan ni Andrew ang likudan nang Guwardiya, at pag-katapos
ay ibinalibag niya ito nang malakas upang mawalan ito nang malay tao.
BBBBAAAAAAAGGGGG.
Andrew: Amateur...
Pag-tapos
niyang pag-papatulog, kinuha kaagad ni andrew ang ilang gamit nito, kagaya nang
baril at pati na ang susi sa bawat selda.
Col. Alejandro: Major, anong binabalak mo?
Andrew: Pasensiya na Ma’am, hindi ko muna kayong
puwedeng pakawalan dito...
Chief Insp. Marcus: Pero bakit? Ano bang binabalak mo...
Andrew: Saka ko na sasabihin sa inyo, ang mahalaga
dumito muna kayo, Ma’am kunin niyo itong susi, at sa oras na marinig niyo ang
alarm nang buong base. Saka kayo lumabas sa mga selda na ito.
Col. Alejandro: Kung ano man yang binabalak mo sige ikaw na
ang bahala, pero siguraduhin mo lang na maging ligtas ka.
Andrew: Yes Ma’am....
Kaagad
umalis si andrew para isagawa ang kanyang naiisip na plano.
___________________________________
Nang
makalabas sa Kulungan ay Muling nag pangap si Andrew bilang Neo-GINGA police,
at unang tumatakbo sa isipan niya ay ang padalhan nang mensahe ang ilang mga
kasama nila sa labas.
Ngunit
nag-iingat major sa kanyang kilos, dahil sa oras na mahuli siyang muli ay
siguradong katapusan na niya.
Ilang
sandali pa ay nakarating siya sa kinaroroonan nang kanyang opisina. Pero hindi
ata magiging madali ang lahat para sa kanya, dahil merong mga rouge cop na umaalig-alig
sa lugar.
Pansamantalang
huminto si andrew para kumuha nang pag-kakataon, hinintay niya na mawala ang
ilang mga tauhan nang Neo-GINGA sa paligid, upang mapasok niya ang kanyang
opisina.
Andrew: Pag-kakataon ko na!
At
nang-makakuha na nang pag-kakataon si Andrew, ay nag-madali na siyang pumasok
sa loob nang kanilang opisina. at saka nag-tungo siya kaagad sa kanyang table.
Tiningnan
niya muna ang kanyang mga gamit kung meron bang na wala, at ang
pinaka-importante ay ang kanyang badge, kung saan itinago niya ito sa isang
secret case.
Andrew: Ayos mukang hindi nila nakita.
Binuksan na
ni andrew ang kanyang computer, upang hanapin ang signal, at ang signal na
kanyang hinahanap ay walang iba kung hindi kay tina, na alam niyang nagawang
makatakas mula sa kamay nang Neo-GINGA.
Andrew: Ayun...huli ka!
______________________________________
Sa
pinag-tataguan nila Mei, nag-iisip na sila nang paraan para masulusiyonan ang
nang-yayari.
Kyro: Walang mang-yayari sa atin kung tutunga-nga
tayo dito. Kailangan may-gawin na tayo para mapigilan ang nang-yayari.
Miguel: Pero papaano, hawak ngayon nang Neo-GINGA
ang buong HQ, at nakaka-sigurado ako na bihag nila ang karamihan sa mga agent
at pulis natin doon.
Habang
nag-iisip, ay siya namang pumasok ang video call ni andrew mula sa HQ. At
nagulat nalang silang lahat nang makita siya nang mga ito.
Andrew: (Monitor) Tina...ayos lang ba kayo diyan?!
Tina: (Gulat) Andrew!
Anna: (Gulat) Major!
Mei: Sandali andrew, nasaan ka ba ngayon? At ano
na ang nang-yayari ngayon diyan!
Andrew: (Sa lugar niya) Huwag na kayong mag-taka
kung bakit ko kayo nakaka-usap ngayon, Mei, tina makinig kayong mabuti, at
siguradong alam niyo na si olivares ang may-utak nang lahat nang ito!
Mei: Oo alam na namin yun, at nag-deklara siya
nang isang digmaan sa gobyerno natin. Pero bakit, bakit niya kailangan idamay
ang walang kinalaman dito?
Andrew: (Monitor) Mahabang kuwento pa kung
ipapaliwanag ko sa inyo, basta ang importante na malaman niyo ito....tungkol
ito kay clyde!
Sherry: Kay clyde?
Anna: Ano naman ang tungkol sa kanya Major?
Andrew: (Monitor) Si Clyde, ginigipit lang siya ni
olivares para sumunod sa kanya, ginagamit niya ang kanyang naka-babatang
kapatid para lang sundin lahat ni clyde ang inuutos sa kanya. kailangan may-gawin kayo para ma-iligtas
siya. Dahil si clyde lang ang pag-asa natin dito.
Kyro: Ano? Si clyde!
Habang
nag-sasalita pa si andrew ay naramdaman niyang merong paparating sa kanilang
opisina.
Andrew: Wala na akong oras para mag-paliwanag pa,
mei, tina...kung binabalak niyong pasukin ang HQ, gawin niyo lang...tinitiyak
ko sa inyo, merong tulong na darating!
At
pag-katapos sabihin ni andrew ang mga bagay na ito ay kaagad na nawala na ang
imahe niya sa monitor.
Tina: Sandali andrew!!!
Anna: Kung ganon, sa buong oras na ito ginigipit
lang siya ni olivares?
Marina: Ms. Mei...anong balak natin?
Tiningnan ni
Mei ang Gun Trailer, at tila meron siyang naiisip na isang bagay.
Mei: Kung papasukin natin ang HQ...kailangan
natin nang mas malaki.
________________________________________
Sa opisina
muli ni Andrew, kaagad siyang nag-tago, dahil sa biglaan na pag-pasok nang
ilang mga tauhan nang Neo-GINGA.
Andrew: (Nakatago at sa sarli) Kayo na ang bahala sa
lahat....tina, mei! ______________________________________
Kuya! Kuya!
Isang
babaeng sumisigaw nang Kuya sa isang lalaki, at ang lalaking ito ay walang iba
kung hindi si clyde.
Clyde: Miya!?
At ang
babaeng ito pala ay si miya, ang kanyang naka-babatang kapatid.
Miya: Kuya..tulungan mo ako! Tulungan mo ako!
Clyde: Miya...Oo nadiyan na ako!
Tumakbo si
Clyde patungo kay miya, ngunit nang naka-lapit na siya ay merong ilang armadong
lalaki ang humarang sa kanya, at ang kapatid niya ay nilapitan nang isang
pamilyar na imahe, at ito ay walang iba kung hindi si Gen. Zandro Olivares. Na
habang hawak ang kanyang kapatid ay naka-ngiti pa ito sa kanya.
Clyde: Anong ginagawa niyo? Tumabi kayo diyan!
Miya: KUYAAAA!!!!!
Clyde: MIYAAAA!!!!!
At doon
tuluyan nang kinuha si miya sa kanya....at ilang sandali naman.
Clyde: MIYA!!!
Ang lahat
nang ito ay isang bangunot lang pala ni clyde.
*Mukang
napasarap ang pag-tulog mo...Sargent.*
Clyde: Lieutenant...
Naroon pala
si Blake McKinly sa loob nang silid ni Clyde.
Clyde: Pasensiya na kung naka-tulog ako nang
bahagya. Patawad hindi na mauulit.
Blake: Ayos lang yun, kailangan mo nang pahingan,
dahil isang malaking digmaan ang kahaharapin natin bukas, may ilang oras nalang
tayo para isa gawa ang plano, at ikaw sargent silva ang inaasahan ko at ni Gen.
Olivares na mag-dadala nang tagumpay para sa ating samahan.
Clyde: Naiintindihan ko.
Ngunit hindi
maka-limutan ni clyde ang bangungot na yun.
____________________________________
Sakay muli
nang Gun trailer, nag-tungo sila Mei sa isang lugar kung saan hindi pa ito
nalalaman nang kahit na sino.
At nang
bumukas ang pinto, saka sila pumasok sa loob, at bumaba sa kanilang sinasakyan.
Miguel: Teka nasaan ba tayo?
Kyro: Hindi ko rin alam...ate mei!
Mei: Marion...kumusta na?
Marion: Ok malapit na ito....heto na!!
Ilang
sandali ay bumukas ang ilaw nang buong silid, at pag-kabukas nito ay tumambad
sa kanila ang isang bagay. Na ikinagulat nilang lahat.
Miguel: Sandali, yan ang?
Kyro: Ang patrol trailer!
Manghang-manha
ang ilan sa kanila dahil nakita nila ang isa sa mga sasakyan na ginamit nila
Mei noon, upang pabag-sakin ang hukbo nang Kyujuu.
Sherry: Grabe ang laki, totoo ba ito?
Kyro: Ate mei...sigurado ka ba dito? Hindi ba
masyadong malaki ang patrol trailer para
sumugod sa HQ?
Mei: Sigurado ako dito, mag-kakaroon tayo nang
advantage kung ito ang gagamitin natin sa direktang pag-pasok sa HQ. Dahil isang
natitiyak kong isang giyera ang nag-hihintay
sa atin sa oras na maka-rating tayo doon.
Marina: Mukang sarap patakbuhin nito ah...
Tina: Mei, sabihin mo na ang plano natin.
Mei: Sige makinig kayo.
Sinabi na ni
mei isa-isa ang kanilang gagawing plano laban sa Neo-GINGA, at isa sa mga ito
ay ang balaan ang Gobyerno.
Mei: Una kailangan nating tawagan ang presidente upang
sabihin natin sa kanya na tayo na ang bahala sa lahat. Malaking peligro kung
makikisali pa sila sa gulo natin.
At ang
pangalawa, Tina...anna, puntahan niyo ang kapatid ni Clyde na si Miya Silva, at
siguraduhin niyong maiiligtas siya sa kamay nang mga tauhan ni olivares doon.
Sherry: Sandali ate mei!
Mei: Bakit sherry?
Sherry: Kung balak niyong iligtas si miya, puwede ba
akong sumama sa kanila?
Mei: Ano?
Anna: Sandali...sherry masyadong delikado kung
sasama ka sa amin. Nakita mo naman bantay sarado kay miya ang mga guwardiya
doon.
Sherry: Alam ko yun...alam ko, kaya gusto kong
sumama, upang makasigurado ako na sa oras na mailigtas natin si miya, sasama na
sa atin si clyde.
Marion: Mukang may punto si sherry.
Mei: Marion?
Marion: May
pakiramdam akong merong mali sa nang-yayari sa kapatid niya, at yun ang dapat
nating alamin.
Tina: Teka huwag mong sabihin na sasama karin?
Marion: Mismo, at huwag niyo akong alalahanin, dahil
kaya ko ang sarili ko...kaya marina, ipinauubaya ko na sayo ang pag-mamaneho
nang patrol trailer.
Marina: Walang problema sa akin.
Mei: Sandali marion...dalawa ang kailangan
mag-maneho nito, kung aalis ka...sino ang gagawa?
Anna: Ako nalang!
Marina: Ikaw?
Anna: Wala sa itsura ko, pero isa akong racer
bago pa ako naging GINGA police. Kaya ipa-ubaya niyo nalang sa akin ang isang
upuan para mag-maneho nito.
Tina: Mei? Anong sa tingin mo.
Mei: Mukang wala na akong magagawa, sige ito na
ang finale...sisimulan na natin ang operation, at meron lang tayong 19hours
para tapusin ang kalokohan ni Olivares.
_____________________________________
Halos hindi
na matapos ang trabaho nang mga taga malacanang at ilang sangay nang militar
dahil sa banta nang Neo-GINGA sa buong bansa. At halos meron nalang 19hours na
palugit para gawin ang kundisyon sa kanila nang mga ito.
Sa opisina
nang pangulo... kasalukuyang kausap ngayon niya ang kanyang heneral at ilang
tauhan upang hingiin ang utos na pasukin nila ang GINGA nang buong puwersa.
General: Mr. President… sir! Utos niyo nalang ang
hinihintay ko para pasukin ang kuta nila, hindi natin puwedeng hayaan na sila
mismo ang mag-dikta sa gusto nilang mang-yari!
Pres. Macasero: Alam mong hindi natin puwedeng gawin yan
nang walang sapat na impormation, hindi natin alam kung ano ba talaga ang
nang-yayari sa loob nang kanilang kampo. At kung gagawin natin yang sinasabi
mo, malamang mas lalo pang lalaki ang problema natin. Dahil hindi natin alam
kung ano ba ang sasalubong sa mga sundalo natin kung direkta nating papasukin
ang GINGA!
Napaisip
nang konti ang presidente. At sinabi niya ang isang bagay na.
Pres. Macasero: Kilala ko si Director Ratio kilalang-kilala
ko siya, hindi niya magagawa ang ganitong bagay para lang sa sarili niyang
interes. Hindi...
Na niniwala
si Pres. Macasero na meron pang ibang paraan para hindi mang-yari ang gusto
nang kanilang kalaban, at ilan sandali pa...dumating ang kanyang secretarya
para sabihin ang isang bagay.
Female Secretary: Mr. President! Meron kayong tawag.
Pres. Macasero: Sandali kanino naman?
Female Secretary: Mula kay Agent Maria Martin nang GINGA
Special investigation unit. May gusto sabihin tungkol sa kudetang nang-yayari sa loob nang kanilang
kampo.
Pres. Macasero: Sige gusto ko siyang maka-usap...ikonekta mo
ako sa kanya.
Female Secretary: Sige po....
Kinonekta
nang secretary ni president macasero ang linya, upang maka-usap niya nang
harapan si Mei tungkol sa nang-yayari.
At mula sa
monitor, lumabas ang kanyang imahe.
Mei:( Monitor) Magandang umaga sa inyo Mr.
President...
Pres. Macasero: Agent, sabihin mo ano ba ang nang-yayari
ngayon sa loob nang GINGA? Hindi namin alam ang gagawin dahil wala kaming sapat
na impormation sa nang-yayari.
Mei: Mr. President huminahon lang kayo, hayaan
niyong ipaliwanag ko sa inyo ang konting detalye na nakuha ko mula sa kasamahan
kong nasa loob. Sir, na-comprimaside ang GINGA, at ang taong nasa likod nang
lahat nang ito ay walang iba kung hindi si General Zandro Olivares. Walang
kinalaman dito sila Gen. Ratio at ang iba naming opisyales.
Ang samahan
na nag-banta sa inyo ay walang iba kung hindi ang Neo-GINGA. May mga binabalak
sila na hindi namin sakop. Sa kanilang agenda.
General: Hindi niyo sakop? Teka niloloko niyo ba
kami? Isang organisasyon lang kayo, at hindi kayo hawak nang kahit anong
gobyerno. Tapos sasabihin niyo hindi niyo sakop ang binabalak nila.
Mei: Kung yun ang iniisip niyo wala akong
magagawa.
Pres. Macasero: Sandali, Agent Martin? Sabihin mo ang tunay
na pakay mo kung bakit ka tumawag.
Mei: Sir, nais kong sabihin sa inyo, na huwag na
kayong makielam sa problema nang samahan namin, kami na nang mga kasama ko ang
bahala sa nang-yayari ngayon, gulo namin ito at kami mismo ang tatapos...
General: Gulo niyo? Pero binigyan niyo nang problema
ang buong sambayanan, karamihan sa mga tao ngayon ay hindi makatulog dahil sa
takot na sumiklab ang digmaan ano mang oras. Tapos sasabihin niyo na wala
kaming gawin----
Pres. Macasero: General, hayaan mong patapusin sa
pag-sasalita si Agent Martin.
Mei: Mr. President, ipinapangako ko sa inyo, bago
pa matapos ang bentequatro oras, hindi nila magagalaw ang mga sibilyan mula sa
labas. At isang pabor lang ang hinihingi ko sa inyo, ipaubaya niyo nalang sa
amin ang lahat.
Nag-isip-isip
ang presidente nang ilang segundo, at pag-katapos noon ay kaagad siyang
nag-salita tungkol sa pabor na hinihingi sa kanya.
Pres.
Macasero: Bueno, kung
talagang mapilit ka, sige kayo na ang bahala na umayos sa sarili niyong gulo,
ngunit sa oras na mabalitaan ko na ni-isang sibilyan ang madamay sa problema
niyo, wala na kaming magagawa kung hindi ang sumaw-saw na sa mga nang-yayari.
Mei: Naiintindihan namin.
Pag-katapos
mag-salita ni mei ay namatay na ang monitor. At ang presidenteng si Macasero ay
napapaisip parin sa sitwasyon ngayon.
General: Mr. President, sigurado ba kayo dito?
Pres. Macasero: Wala na tayong magagawa, kung hindi ang
mag-tiwala sa kanila.
_______________________________
Samantala,
sa opisina ni General Olivares, habang hinihintay ang oras sa kanilang
pag-salakay, ay bigla namang lumabas ang hologram image ni Primo sa kanyang
harapan.
Primo: Segundo....
Gen. Olivares: Mukang, natuto ka na ata kung paano
mang-gulat, Primo...teka ano ba ang kailangan mo?
Primo: D-deretsohin na kita, hindi ko gusto ang
biglaang pag-papasiya mo. Hindi pa ito
ang tamang oras para tuluyang bumagsak sa kamay natin ang GINGA. Meron tayong
usapan-----
Gen. Olivares: (Ngumiti) Primo...Primo... Primo relax,
hawak ko ang sitwasyon ngayon...ang lahat ay umaayon lang sa aking mga plano,
sa oras na sumuko ang lahat sa gobyerno, tinitiyak ko sa inyo na ang career
mo....bilang isang politiko ay aabot na sa pinaka-mataas sa lahat. At baka
nakakalimutan mo, pangalawa ako sa samahan, kaya may karapatan akong gumawa
nang sarili kong plano. Kung hindi mo-mamasamain, marami pa akong kailangan
gawin.
Primo: Segundo, binalaan na kita...huwag mo sanang
pag-sisihan ang mga sinabi ko.
Pag-katapos
mag-usap ay tuluyang nawala ang hologram image ni Primo. At si Olivares naman
ay tumayo sa kanyang inuupuan, at sumilip sa bintana. Tiningnan niya ang
pag-hahanda nang mga tauhan niya na para pasukin ang buong siyudad.
Gen. Olivares: Konting oras nalang...konting nalang. (Evil
smile)
Halos
papalapit na ang takdang oras na sinabi ni olivares, magawa kaya nila Kyro at
mga kasama niya na pigilin ang kasamaan nang heneral?
At magawa
rin kaya nilang maibalik sa liwanag si clyde.
Ngayon,
meron nalang silang labing walang oras, para tapusin ito....
Case
continued.....
No comments:
Post a Comment