All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Sa
pag-papatuloy ng kuwento.....
Matapos
silang salakayin nang Neo-GINGA, nag-tungo sila mei sa isa sa mga sikretong
taguan nila, kung-saan bumuo sila nang plano upang hindi matuloy ang
nag-babadyang digmaan sa pagitan nang GINGA at gobyerno nang pilipinas.
Samantala
napag-alaman din nila na ang tungkol kay clyde, na ito ay ginigipit lamang ito
nang heneral upang sumunod sa kanya.
At ngayon,
nakahanda na ang lahat....mag-sisimula na ang laban sa pagitan nang huwad na
batas laban sa tunay na hustisya.
Case 44: Ang pag-pasok sa sariling bakuran
Mei: Ok handa na ba ang lahat!
Ito ang
sinabi ni mei na nasa loob na nang cockpit nang Patrol Trailer. Kasama niya
rito ang kanyang mga tauhan, na meron ding kanya-kanyang papel sa operation.
Marina: All Weapons is ready, ammunition is full
load.
Anna: All system green engine is ready to go!
Mei: Ok patrol trailer...moving out!!
Mula sa
grahe nito ay lumabas ang patrol trailer, at nag-tungo na ito sa GINGA HQ.
Samantala si kyro naman ay hawak ang isang bagong SD card na ibinigay sa kanya
ni Marion bago ito umalis, kasama ni tina.
______________________________________
Flash
back...
Sampung
minuto bago umalis sila Tina at nang mga kasama niya, ibinigay ni Marion ang
bagong SD card na kung tawagin ay Launcher form.
Kyro: Launcher Form?
Marion: Yan ang pinaka-bago SD na dinevelop ko
nitong nakaraang araw, magagamit mo ang kakayahan niyan sa isang warfare na
kagaya nito. Nag-lalaman ang card nayan nang mga samu’t saring sandata, alam mo
sa totoo lang...parang yan na ang pinaka-malakas na SD na nagawa ko, kung
ikukumpara mo sa mga gamit mo ngayon kyro.
Kyro: Ganon ba...maraming salamat dito, asahan mo
gagamitin ko ito!
________________________________________
Back to
present...
Nag-salita
naman si mei tungkol sa kanya-kanyang gagawin pag-dating sa HQ.
Mei: Ok listen up....nasabi ko na ang plano natin
kanina, at kung ano ang gagampanan niyo sa pag-dating natin doon.
Hindi biro
ang papasukin natin dahil sa mga Knuckle titan at ilang mga sundalo at agent na
haharang sa atin, gusto ko lang maging malinaw ang lahat.
Kyro....ikaw
ang siyang inatasan ko puntahan si Gen. Olivares para hulihin, gamitin mo ang
sarili nating Knuckle titan para maka-lusot. At nakaka-sigurado ako na naroon
si clyde, ito ang pag-kakataong para
kumbinsihin siya.
Anna at Marina...mag-tulungan
kayo, bibigyan natin si Kyro nang daan mula sa ibaba, gamit ang mga sasakyan na
dala natin dito. Dahil sa limitado tayo, kailangan doublehin natin ang mga
kilos natin. Maliwanag ba!
All: Yes ma’am!
Samantala
napansin naman ni Kyro, na wala si miguel sa paligid. At doon na itangon ni
kyro kung nasaan ba ito.
Kyro: Teka ate mei...nasaan nga pala si miguel?
Marina: Oo nga ano, bakit parang wala siya dito?
Mei: Pasensiya na kung nakalimutan ko, kasama nga
pala nila tina si Miguel papuntang ospital. Naki-usap siya kung maaari siya
nalang ang umalalay sa kanila.
__________________________________________
Sakay nang kanilang
Gun Trailer na nakaparada sa hindi kalayuan, pinuntahan nila tina ang nasabing
ospital. Kung saan naroon ang kapatid ni Clyde. Na binabantayan naman nang mga
tauhan nang Neo-GINGA.
Sherry: Narito na tayo...
Miguel: Ayos, gawin na natin ito....sherry, ang
mabuti pa dumito ka nalang muna. Kami nalang ang papasok sa loob.
Sherry: Ayaw ko!
Miguel: Hah? Pero bakit? Alam mo bang masyadong
delikado sa loob.
Sherry: Gusto kong iligtas ang kapatid niya, at
ipamukha sa kanya mali ang ginagawa niya. Saka isa akong nurse, gusto kong
malaman kung bakit siya nag-kakaganon. Ito lang ang paraan ko para makatulong
kaya nakikiusap ako, hayaan niyo ako
Miguel: Sherry?
Tina: Tama si sherry, may dahilan kung bakit siya
kasama natin ngayon, sayo ko nalang siya ipauubaya kung sakaling mag-kagulo.
Sherry: Ano pa ang hinihintay natin...tayo Mr.
Bodyguard!
Bumaba si
sherry sa kanilang owner type jeep, at nag-tungo ito sa loob nang ospital ng
patago.
______________________________________________
Sampung oras
nalang ang nalalabi, upang sumuko ang mga tauhan nang Gobyerno sa Neo-GINGA.
Ngunit tila nag-tataka si Olivares kung bakit wala pang sagot sa kanila ang mga
taga Malacanang.
Habang-minomonitor nila ang nang-yayari sa
buong siyudad, ay bigla nalang silang ginulantang nang isang balita mula sa
palasiyo nang pangulo.
Neo-GINGA Police: Sir mukang meron nanamang press-con sa
palasiyo.
Gen. Olivares: Sige tingnan ko.
Isang
press-con ang kasalukuyang ginagawa doon. At mula sa malacanang palace.
Pres. Macasero: Makinig kayong mabuti, hinding-hindi susuko
ang gobyerno natin laban sa mga mananakop, at lalong-lalo na sa isang corrupt
lang na kagaya ni Gen. Zandro Olivares, kaya meron akong mensahe para sa
kanya....Gen. Olivares, makikita mo, ang pag-kakaisa nang sambayanan upang
hindi ka mag-tagumpay sa binabalak mo! Hindi kami natatakot sa libo-libo mong
sundalo. At tandaan mo mag-isa kalang, milyon kami! -----
Pinatay ni
olivares ang monitor, at makikita sa sa mukha ang pag-kainis.
Gen. Olivares: Talagang, iniinis ako nang taong ito
ah...Lt. McKinly!
Blake: General?!
Gen. Olivares: Hindi na natin hihintayin ang 24 hours na
palugit sa kanila, ihanda niyo ang
lahat nang kagamitan pati na ang mga tauhan
natin! Pababagsakin natin ang palasiyo ngayon din mismo!
Pero bigla,
may-nasagap na signal ang base, na paparating sa kanila.
Neo-GINGA: Sir, may unknown signal na papalapit sa HQ,
mabilis siya at mukang malaki!
Gen. Olivares: Ipakita mo sa akin!
Pag-bukas
palang nang monitor ay, tumambad sa kanila ang sinasabi nilang mabilis at
malaki, ito ang patrol trailer na minamaneho nila kyro.
Blake: Anong!
Clyde: Ang patrol trailer?!
Gen. Olivares: Hindi maaari ito! Bilisan niyo huwag niyo
silang hayaan makapasok. Paputukan sila kaagad!
Neo-GINGA: Roger!
Calling all
units, calling all units...please proceed to your following position, we are
under attack by a group of hostile...i reapet!
Samantala
patago paring gumala si andrew sa buong HQ, at narinig niya ang alarma sa buong
base. Ang iba ay kumuha nang kani-kanilang sandata, at ang iba ay sumakay sa
mga knuckle titan.
Andrew: Mukang gumawa na sila nang hakbang!
________________________________________
Kaagad
inihanda nang mga HQ ang kanilang mga kanyon at pam-pasabog, upang pigilan ang
pag-dating nang Patrol trailer.
Ngunit kita
nila ang pag-hahanda nito laban sa kanila.
Kyro: Ate mei!
Mei: Alam ko! Anna bilisan niyo pa!
Anna: Roger!
At doon
sinimulan nilang paputukan ang trailer.
________________________________________
Gen. Olivares: Isara niyo ang gate bilisan niyo!!!
Neo-GINGA Police: Opo!!
Ipinag-utos
ni Gen. Olivares na ipasara ang gate.
_________________________________________
Marina: Nag-sasarado na ang gate!
Anna: Hindi uubra sa akin yan!!! Kumapit kayong
mabuti.
Kyro: Sandali! Sandali!
Binilisan pa
lalo nang patrol trailer ang pag-takbo nito, at sa bilis nito, ang papasarang
gate nang GINGA HQ ay nawasak lang, at saka iniharang nila ang laki nang
trailer sa mismong main
entrance upang hindi magawang maka-labas ang mga tauhan
nang Neo-GINGA.
BBBBAAAAAAGGGGGGG
Halos
nayanig nang husto ang buong HQ pati na ang trailer sa pag-salpok nito mula sa
main entrance gate.
Neo-GINGA Police: Sir, tuluyan na nilang na-breach ang main
entrance!
Gen. Olivares: Talagang sinusubukan nila ako, Lt. McKinly,
humanda ka, sasalubungin natin sila sa
oras na pumasok sila dito.
Blake: Roger!
__________________________________________
Sa labas,
pinalibutan nang mga taga Neo-GINGA ang patrol trailer, tinutukan sila nang mga baril ng mga ito. At
ganon din ang mga sandata nang HQ.
Kyro: Na loko na, napapaligiran nila tayo?
Mei: Easy lang, alam niyo naman ang plano diba?
Gawin nalang natin yun.
___________________________________________
Sa labas
naman...
Neo-GINGA Police: Kayo diyan sa loob! Napapaligiran na namin
kayo, sumuko nalang kayo nang matiwasay kung ayaw niyong masaktan!!
__________________________________________
Samantala sa
ospital, nag-pangap ang groupo nila miguel bilang mga tauhan nang ospital upang
hindi sila mahalata nang mga tauhan nang Neo-GINGA.
Sakay nang
elevator, narating nila ang lugar kung nasaan ang naka-confine si miya. Tumingin-tingin
muna sila sa paligid habang nag-lalakad.
Tina: Merong sampung bantay sa ospital na ito,
kagaya nang plano...kailangan mag-hiwa-hiwalay tayo, miguel alam mo na ang
gagawin mo, si marion at sherry naman sila ang papasok sa loob nang silid para
kunin doon si miya...maliwanag ba?
Miguel: Roger that.
Tumango ang
dalawa ni marion at sherry bilang sa pag-sangayon sa plano, at doon sinimulan
na nila ang hakbang para sa pag-liligtas sa naka-babatang kapatid ni clyde.
Dumeretso
ang dalawa ni marion at sherry sa loob nang silid, at ang dalawa ni miguel at
tina ay nag-hiwalay para bantayan ang lugar.
Hinarang
muna ang dalawa nang mga guwardiya, pero kaagad ipinakita ni marion ang kanyang
I.D. at ilang mga medical exam paper para sa pasiyente.
Neo-GINGA Police: Sandali! Parang ngayon ko lang kayo nakita
dito. Sige ipakita niyo muna ang I.D. niyo.
Marion: Heto. Paki bilisan lang kailangan na namin
tingnan ang pasiyente.
Sinipat muna
nila itong mabuti, at ilang sandali ay pinayagan din sila nang mga ito
makapasok.
Neo-GINGA Police: Dr. Hernandez...ok puwede ka nang maka
pasok...
Marion: Maraming salamat.
At
pag-katapos tingnan ang I.D. nila marion ay nag-tagumpay silang maka-pasok.
Tina: Ayos nagawa nila...miguel, stand by lang
tayo.
Miguel: Roger that
_________________________________________
Sa loob nang
silid ni Miya, kaagad nag-simula sila Sherry para tingnan ang lagay nang
babaeng pasiyente.
Marion: Ok tingnan natin kung ano ang makikita natin
dito.
Sinuri
nilang mabuti ang bawat detalye, at pati narin ang mga sanhi kung ano ba talaga
ang sakit nito.
Inihanda ni
Marion ang kanyang sariling kagamitan para malaman ang dahilan nang sakit ni
miya.
__________________________________________
Balik sa HQ,
binilangan na nang mga Neo-GINGA ang mga sakay nang Patrol trailer.
Neo-GINGA Police: Matigas ang mga ulo niyo, puwes pasensiyahan
nalang tayo. Paputukan sila!-----
Neo-GINGA Police 2: Teka sandali!
Akmang
mag-papaputok ang mga Neo-GINGA, pero biglang bumukas ang likod nang trailer.
At ang mga pulis ay tila kinabahan sa mang-yayari.
At ilang sandali ay....
*Bulaga!!!!*
Biglang
lumabas ang Knuckle Titan ni Gunver, at nag-pasabog siya nang smoke grenade. Upang
pa-atrasin ang mga nakaharang sa kanila.
Neo-GINGA Police: Isang Knuckle titan! Paputukan niyo!
BRATATATATATATATATATATA
Pina-ulanan
nang bala ang Knuckle titan, at ang ilang knuckle titan nang kalaban ay umatake
narin sa kanya.
Naki
pag-sabayan ang Knuckle titan ni Gunver sa kalaban ding knuckle titan.
_______________________________________
Sa mga selda
kung saan naka-kulong ang mga opisiyales at ilang mga pulis pati na agent. Dito
na nila narinig ang nasabing alarma ni andrew. At ito ang hudyat nila para
lumabas.
Col. Alejandro: Ito na ang alarm na sinasabi ni Major!
Chief Insp. Marcus: Ayos, sige ihanda niyo na ang mga sarili
niyo!
Gamit ang
susi na kinuha ni andrew mula sa guwardiyang pinatulog nito. At doon isa-isang lumabas ang mga bihag nilang
tunay na alagad nang batas.
Col. Alejandro: Bilisan niyo! Bilis!
At dahil din
sa nang-yari sinagupa nila ang mga bantay nang kulungan at pina-tulog ang mga
ito.
Chief Insp. Marcus: Alejandro! Ang mabuti pa tulungan niyo
nalang si major sa labas, hahanapin ko si Gen. Ratio...
Col. Alejandro: Sige naiintindihan ko!
Nag-tungo
ang ilang mga pulis nang GINGA sa weapon room, at ang iba naman ay
nakipag-palitan na nang putok sa mga Neo-GINGA.
_____________________________________
Na-alarma na
ang mga tao sa loob nang Command Room, dahil sa pag-pasok nang groupo ni
Mei,
at ang pag-takas nang mga bihag nilang opisyales.
Neo-GINGA: Sir, masamang balita...mukang
naka-takas ang mga preso mula sa kanilang mga detention cell. At ang iba ay
papalapit na dito para pasukin tayo!
Gen. Olivares: Talagang inuubos nila ang pasensiya ko,
Sgt. Silva, alam mo na ang gagawin mo...huwag mo silang hahayaan na maka-pasok
dito sa loob nang command center.
Clyde: Na-iintindihan ko!
Lumabas si
clyde sa loob nang Command Room para harangin ang ilang mga GINGA police na
mag-tatangka na pumasok command room.
________________________________________
BOOM!-BOOM!
BAG!-BLAM!-BOG!
Sinalubong
nang malalakas na suntok at sinamahan pa nang pam-pasabog ang mga knuckle titan
na kalaban ni Gunver.
Ngunit
parang hindi siya maka-abante dahil sa dami nila.
Gunver (Knuckle Titan): Asar, hindi ako maka-abante!
Habang
nakikipag-laban napansin niya na ang ibang mga Neo-GINGA agents ay
nag-tatangkang pumasok sa loob nang Patrol Trailer.
Gunver (Knuckle Titan): Hindi ang trailer!! Tumabi kayo diyan!!!
Pero ilang
sandali ay...
BANG!-BANG!-BANG!
Naka-rinig
nang putok si Gunver mula sa loob nang kanyang Knuckle titan.
Gunver (Knuckle Titan): Ate Mei!!!
*Kyro Huwag
kang mag-alala sa amin....*
Bigla nalang
kumonekta si mei sa linya ni Gunver, para sabihing ayos lang sila.
Gunver (Knuckle Titan): Ate mei!
Mei: (Sa kabilang linya) Huwag kang mag-alala sa
amin, kami na ang bahala dito...sige na puntahan mo na si olivares!
Gunver (Knuckle Titan): Sige naiintindihan ko!! Mag-ingat kayo!
Kaagad
tumakbo ang knuckle titan, at ang mga kagaya nitong humanoid armored ay
sinalubong lang ang detective nang mga pam-pasabog.
__________________________________________
Papalabas
palang nang patrol trailer ang dalawang babaeng agent na si Mei at Marina, ay
napalibutan na kaagad sila nang mga tauhan nang Neo-GINGA.
Neo-GINGA Police: Hanggang diyan nalang kayo! Ibaba niyo ang
mga sandata niyo bilis!!
Sinunod
naman nang dalawa ang sinabi nito, ngunit ang hindi nila alam.
Mei: Pasensiya na... pero asawa ko lang ang
sinusunod ko! (Ngumiti)
Neo-GINGA Police: Ano?!
Bigla nalang
lumabas si Anna mula sa itaas, at pinag-babaril ang mga kalabang pulis na
pumapalibot sa kanyang mga kasama.
BRATATATATATATATATA
Ligtas na
naka-baba si Anna, at sabay nitong nag-reload nang kanyang dalawang P-90.
Anna: Phew...matagal-tagal narin...(tumingin sa
dalawang kasama)
Marina: Nice...
Maya-maya ay
merong ilang mga groupo ang lumapit sa kanila, na-alarma ang tatlong babaeng
agent. Ngunit kaagad nag-pakilala ang mga ito.
Anna: Kalaban?
GINGA Police: Sandali, hindi kami mga kalaban...kami ang
mga ikinulong nang Neo-GINGA, naka-takas lang kami sa tulong nila Chief Insp.
Marcus at Col. Alejandro. Narito kami para tumulong!
Mei: Si papa? Kung ganon....ligtas siya.
GINGA Police: Agent Martin....kumilos na tayo, bago pa
lumala ang sitwasyon.
Mei: Sige naiintindihan ko! Tayo na!
Kumilos
narin ang mga tunay na alagad nang batas, para pigilan ang samahan nang
Neo-
GINGA. Na tinatangkang pabagsakin ang Gobyerno.
__________________________________________
Balik sa
ospital, nalaman na nila marion kung ano ang sanhi sa pag-kaka comatose nang
kapatid ni Clyde. At ito ay dahil sa naka-lagay sa utak niyang isang Brain
implant chip device. Kung saan pinahihinto nito ang pag-kilos nang isang tao.
At higit sa
lahat ang pag-kontrol buhay at kamatayan.
Marion: Masama ito....
Sherry: Bakit kuya marion? Anong nakita mo.
Marion: Isang Brain implant chip device ang
naka-lagay sa utak ni miya, ito ang dahilan kung bakit hindi siya nag-kakaroon
nang malay tao. Dahil pinipigilan nang device na ito kung anong gustong mong
gawin.
Sherry: Teka, paano naman natin ito tatangalin?
Marion: Masyadong delikado kung dito natin isasagawa
ang operation, isa lang ang na-iisip ko at yun ay-----
TOK!-TOK!
Nag-iisip
palang si Marion kung ano ang gagawin para tangalin ang brain implant chip
device sa utak ni miya, nang-biglang kumatok ang mga guwardiya sa pinto.
Pumasok ito
at tinanong ang dalawa.
Neo-GINGA Police: Mawalang galang na doctor, pero parang
pansin ko kanina pa kayo dito ah....(May napansin) Sandali ano yang itinatago
niyo?
Ngunit tila
naka-halata ang guwardiya kay marion na parang pamilyar sa kanya ito.
Neo-GINGA Police: Teka, parang na-mumukaan kita? Ikaw si
Professor Marion Hernandez! (tinutukan nang baril)
Sherry: Kuya marion!
Pero ilang
sandali lang ay....
BBBBBAAAAAAGGGGGG
Neo-GINGA Police: AAAHHHHH
Isang
malakas na hampas sa ulo ang nag-patulog sa guwardiya. At kagagawan ito ni
Tina.
Tina: Marion...Kailangan na nating umalis dito!
Marion: Ah...Oo!
Tina: Miguel! Tulungan mo si marion.
Miguel: Okay!
Kaagad
tinulungan ni miguel si marion upang tangalin ang mga aparato sa katawan ni
Miya. At sa tulong naman na dala niyang portable life support, ikinabit ito
nang batang professor, upang hindi mamiligro ang buhay nang dalaga sa kanilang
pag-alis.
Marion: Bilisan natin!
______________________________________
Nakarating
naman si Gunver sa main floor nang HQ,
at doon bumaba kaagad siya sa kanyang knuckle titan upang pasukin ang loob.
Pero sa
pag-baba palang niya ay meron nang nag-aantay sa kanyang pag-dating.
BANG!-BANG!
Umiwas
nalang si Gunver sa mga balang sumalubong sa kanya. at nag-salita ang may gawa
nito.
Gunver: Teka sino ka naman!?
Blake: Hindi kita hahayaan na maka-lampas dito.
Si Blake
ito, at inilabas niya ang kulay asul na badge, at nag-handa para mag-bago nang
anyo.
Gunver: Isang badge? Kung ganon isa kang special
police! Puwes hindi rin kita hahayaan sa gusto mo!
Sumugod si
Gunver para pigilan ang pag-babagong anyo na binabalak gawin ni Blake, at
pag-lapit palang niya ay sinalubong na niya ito nang isang suntok! Ngunit
binulaga siya nang tatlong sunod na putok galing sa kanyang Hand Gun, at dahil
doon napa-atras si Gunver.
BANG!-BANG!
Gunver: Errrr....
Blake: Hmp...huwag mo naman akong maliitin! Lambert
change!!
Sa
pag-bangit nang kataga at pag-pindot nang button, nag-bago si Lt. Blake nang
anyo, bilang si Special Police Lambert.
Nagulat
naman si Gunver sa kanyang nasaksihan sa kalaban.
Lambert: Simulan na natin ito!
Inihanda ni
Lambert ang dalawang Shoulder Gatling Gun at pinuntirya niya si Gunver.
BRATATATATATATATATATATATA
Pero nagawa
namang maka pag-tago kaagad ng Detective, at nag-isip siya nang paraan para
malampasan ang kalaban niyang ito.
Gunver: Kailangan kong malampasan ang isang
ito....kahit na anong mang-yari!
Nakarating
na si Gunver sa unang palapag nang GINGA HQ, ngunit hindi niya inaasahan ang
pag-sulpot ni Lambert.
At ang
groupo nila miguel ay sinimulan nang itakas ang naka-babatang kapatid ni clyde
mula sa kamay nang mga Neo-GINGA Police.
Ano kaya ang
mga tagpong mang-yayari, sa lumalalang sitwasyon ngayon?
Case
continued....
No comments:
Post a Comment