All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Sa
pag-papatuloy nang kuwento....
Si General
Zandro Olivares nang Section zero, ay nag-sagawa nang isang kilusan upang kunin
ang pag-kontrol sa buong GINGA kay Director General Emillio Ratio.
At ito ay sa
pamamagitan nang dati nilang samahan, ang Neo-GINGA. Na dating pinataob na noon
nila Gaider at nang mga kasama niya.
Pero bukod
sa Neo-GINGA tila nag-alangan sa unang pag-kakataon si clyde na sundin ang isa
sa mga utos nang heneral. Dahil sa ito ay hawak nila ang kanyang naka-babatang
kapatid.
Magawa kaya
nilang sulusiyunan ang nang-yayaring pag-aaklas? At malaman din kaya nila ang katotohanan sa likod nito.
Case 42: Hidden Agenda
Sa loob nang
GINGA, ipinasok nang mga miyembro nang Neo-GINGA ang mga opisyales nang samahan
sa mga selda.
At isa doon
si andrew, na napuno na ang latay ang katawan dahil sa pam-bubug-bog sa kanya
nang mga taga Neo-GINGA.
Andrew: Asar! Kailangan kong makatakas
dito...kailangan malaman nila ang tungkol dito.
Maya-maya pa
ay meron nanamang ipinasok na isa sa katapat na selda ni Andrew, at ito ay
walang iba kung hindi si Colonel Glenda Alejandro.
Col. Alejandro: Bitawan niyo ako!
Neo-GINGA Police: Sige pasok!
Sa pilitang
ipinasok ang babaeng opisyal sa loob nang selda. at kaagad siyang iniwan nang
mga ito.
Andrew: Teka...Col. Alejandro?
Col. Alejandro: Major Mendoza? Anong ginagawa mo dito?
Andrew: Mahaba pong kuwento, Ma’am makinig kayong
mabuti, si General Olivares ang may pasimuno nang lahat nang ito. At isa siya sa mga utak nang Neo-GINGA.
Col. Alejandro: Ano? Pero papaano?
Andrew: Mahabang kuwento po ito i-isa-isahin ko, ang
kailangan nating gawin ay maka-alis dito, para balaan ang iba nating mga kasama
sa labas.
____________________________________
Sa opisina
ni General Olivares, dinala si Director General Ratio sa kanyang harapan na
naka-posas, at itinulak papasok sa opisina ang heneral.
Blake: Pasok!
BBBAAAAAGGGG
Gen. Ratio: AAARRRGGHHH
Gen. Olivares: Well well, ang dakilang director nang GINGA,
General Emillio Ratio...kumusta, anong masasabi mo sa aking opisina? Diba
ibang-iba ito sa iyo?
Gen. Ratio: Olivares? Ikaw...
Gen. Olivares: Ako nga, wala nang iba. Ang iniwang desipolo
ni Director Edward McKinly, upang ipag-patuloy ang kanyang nasimulan. Kasama
ang anak niya... Si Lt Blake McKinly.
Tumingin si
Gen. Ratio kay Blake McKinly habang naka-tutok sa kanya ang baril nito.
Gen. Ratio: Anong ibig-sabihin nito? Ang Neo-GINGA ba?
Sabihin mo may kinalaman karin ba sa pag-bebenta nang mga armas sa mga
terrorista.
Gen. Olivares: Ano naman kung may kinalaman nga ako,
natural bahagi yun nang aming negosiyo, kasama ang dranixs.
Gen. Ratio: Ano! Ang dranixs?!
Tila nabigla
si Gen. Ratio sa kanyang narinig na kasabwat ng Neo-GINGA ang dranixs, sa
pag-bebenta nang mga armas na nag-galing sa GINGA.
Gen. Olivares: Mukang nabigla ka, hayaan mong ikuwento ko
sa iyo ang lahat.
_______________________________________
Sa kulungan
muli ni andrew.
Ina-alala
niya kung paano ba sila makaka-labas sa selda, at kung ano na ba ang nang-yari
kay Tina.
Andrew: (Sa sarili) Masama ito, mukang hawak na nang
Neo-GINGA ang buong base, si tina nalang ang natitira kong pag-asa. Sana naman
nagawa niya ang pinagagawa ko.
Pero habang
iniisip ni andrew ang mga bagay na kanyang gagawin, ay siya namang dumating
muli ang ilang miyembro nang Neo-GINGA, at muli silang nag-pasok nang mga nahuli
nilang tauhan ng GINGA pati na ang mga ilang opisyales.
Andrew: Sandali, Chief insp. Marcus!
Chief Insp. Marcus: Andrew!
Si Chief
Insp. Marcus ang bagong ikinulong nang Neo-GINGA sa selda, at ang nag-kulong sa
kanya ay walang iba kung hindi si clyde.
Clyde: Tumahimik ka kung ayaw mong patayin kita
dito mismo.
Andrew: Clyde?
Akmang aalis
na si Clyde, pero tinawag muli siya ni Andrew.
Andrew: Clyde...alam ko na ang dahilan mo! Hawak ni olivares ang kapatid mong si miya,
at alam kong ginigipit ka lang niya. Kaya nakikiusap ako sa iyo, hayaan mong
tulungan kita.
Lumapit
naman si clyde kay andrew, at binuksan nito ang kanyang selda. saka niya
pinag-susuntok at tinadyakan ang dati niyang superior.
BAG-BOG
Andrew: Arrrrgghhhh
Col. Alejandro: Major!
Clyde: Tumahimik ka na lang, wala ka nang pakielam
sa akin. At kung mag-babalak kang tumakas, sinisigurado ko sayong ako mismo ang
papatay sayo.
Lumabas si
Clyde sa labas nang selda ni Andrew na lupasay ito.
Clyde: Kayong dalawa, bantayan niyo siyang mabuti.
Huwag niyo siyang hahayaang gawin ang gusto niya, at sa oras na makatakas siya.
Mananagot kayo sa akin.
Neo-GINGA Police: Roger!
Iniwan ni
clyde ang cell room, at pinabantayan niya si andrew sa dalawang Neo-GINGA
Police.
Chief Insp. Marcus: Andrew...ayos ka lang ba?
Andrew: Ayos lang po ako...Errr. ang batang yun, ano
ba ang iniisip niya.
___________________________________________________________
Balik sa
opisina ni Gen. Olivares.
Inilahad
niya kay Director Gen. Ratio ang buong katotohanan sa likod nang Neo-GINGA at
nang Dranixs.
Gen. Olivares: Alam mo Ratio, may dahilan kung bakit ko
ipinag-pilitan itayo ang section zero.
Kahit na alam kong tututol ka.
Gen. Ratio: Ano ?
Gen. Olivares: Ang dahilan sa pag-tatatag ko nang
departamentong yun, ay upang walisin ang
lahat ang puwedeng maging ebidensiya laban sa amin. At alam ko na sa
simula palang ay makikeelam na ang GINGA sa mga bagay na babalakin pa
namin. Nang na-ilunsad niyo ang dalawang
pinaka-bagong driver, ginawa ko ang makakaya ko na makuha ang isa, at yun ay
ang Gun Snider ni Sgt. Silva.
Siya ang ginamit ko upang harangin ang special investigation
unit, sa kanilang pag-iimbestiga sa Dranixs at sa mga evolving species. Sa talento
at husay niya nag-tagumpay ang mga isa sa mga gusto kong mang-yari.
Gen. Ratio: Kung ganon yan pala ang dahilan mo, pero
sino ka bang talaga...olivares? At ano ang papel mo sa Dranixs at sa Neo-GINGA!
Gen. Olivares: Gusto mo ba talagang malaman? Puwes hayaan
mong ipakilala ko sa iyo, ang
isa sa mga katayuan ko.
Inilabas ni
Gen.Olivares ang isang switch button, at pinindot niya ito, at ilang sandali pa
ay, unti-unti siyang nabalutan nang kakaibang uri nang baluti. Hanggang sa
matapos ito. Ay tinawag niya ang sarili niya bilang si.
Segundo: Ako lang naman ang nag-iisang heneral nang
Dranixs, at ako si Generico De Segundo.
Gen. Ratio: Segundo?
Muling
ibinalik ni segundo ang kanyang dating anyo bilang si Gen. Olivares, at
pinag-patuloy lang niya ang mga bagay tungkol sa dranixs at Neo-GINGA.
Gen. Olivares: Ngayon na kita mo na ang isa sa pag-katao
ko? Pero ang totoo niyan si Edward McKinly ang tunay na segundo, ngunit nang
malaman niyang gumagawa rin kayo nang
hakbang laban sa kanya, nag-pasiya siya
na ibigay ang titolong yun sa akin, at ganon din ang pagiging heneral ko.
Gen. Ratio: Bakit mo ba sa akin sinasabi ang mga bagay
na ito? At sa anong dahilan.
Gen. Olivares: Dahilan? Well binabawi lang namin ang dapat
na talaga’y sa amin at isa pa war is my business, kung wala ang mga santada
nang GINGA wala ring laman ang bulsa namin, at baka-nakakalimutan mo din isa si
Dr. Helsmith sa mga nag-taguyod nang organisasyong ito na siya ding nag-taguyod
nang Dranixs. Nahati lang naman ito dahil sa pumagitna si Director Antonio
Zerino. Kaming mga Neo-GINGA ay
nag-tatrabaho mula sa dilim, at kayo lantaran kayong nakaka-kilos sa kahit na
anong oras niyo gustuhin.
Gen. Ratio: Hindi maaari ito, kung ganon gagamitin niyo
lang ang GINGA para maging pabrika lang nang mga delikadong sandata! Hindi ako makakapayag
sa gusto niyo!
Gen. Oliver: Hmp! Tingnan natin kung may magagawa ka pa.
Gen. Ratio: Hindi kayo mag-tatagumpay sa binabalak
niyo!---Arrrggg
Isang
malakas na suntok sa sikmura ang ginawa ni blake sa heneral upang mawalan ito
nang malay tao. Pero may naisip si Blake na mas tila epektibo na bagay, at yun
ay patayin na si Gen. Ratio ngayon mismo.
Blake: Ang mabuti pa mamatay ka nalang!---
Pero
maya-maya ay isang tauhan nila ang pumasok upang sabihin na handa na ang lahat,
para sa gagawing live speech ni Gen. Olivares sa buong bansa.
Neo-GINGA Police: Sir naka handa na po ang lahat sa stage hall.
Kayo na lang po ang hinihintay
Gen. Olivares: Ganon ba, sige papunta na ako...kayo dalhin
niyo na ang lalaking yan sa isang espesiyal na kulungan. May kailangan pa akong
asikasuhin sa ngayon----
Blake: Sandali General, bakit pa kailangan nating
isama ito sa kapwa niya opisyales? Bakit hindi nalang natin patayin ang
matandang ito ngayon mismo? Alam niyo
naman siguro na malaki ang utang sa akin nito, dahil siya ang pumatay sa ama
ko.
Gen. Olivares: Huminahon ka lang Lt. McKinly, may oras pa
tayo diyan. Sa ngayon may kailangan lang
tayong ayusin. Nais kong sabihan sa publiko ang naputol na talumpati nang iyong
ama noon.
Blake: Kung yan ba ang gusto mo...sige ikaw ang
masusunod...
_________________________________________
GINGA
Cafe...
Noong gabing
din yun ay bumalik si sherry kila mei at kasama niya si Anna para sabihin ang
nang-yayari.
Mei: Kung ganon pinaalis ka nang mga taga section
zero sa ospital kung saan sila na ang mag-babantay sa kapatid ni Clyde? Teka
anong ibig-sabihin noon?
Nag-salita
si anna tungkol sa bagay na ito.
Anna: Pasensiya na po agent martin sa abala ko,
nakiusap lang ako kay sherry na isama ako dito.
Mei: Wala yun sa akin, pero hindi ko
maintindihan, bakit hinayaan lang ni clyde ang mga bagay na ito, talaga bang
nilamon na siya nang systema nang section zero?
Sherry: Ate, ang totoo po niyan, si clyde ang
nakiusap na huwag nang pakielamanan si miya, pero nag-pumilit ang section zero
na kunin ang seguridad nito mula kay anna.
Mei: Ano! Teka alam na ba ni andrew ito?
Anna: Hindi po, kanina binalak kong tawagan si
Major tungkol sa bagay na ito, ngunit hindi ko
siya ma-contact.
Mei: Hindi ma-contact?
Tila
napa-isip si mei kung ano ang nang-yari kay andrew,dahil sa tagal na nilang
mag-kakilala ay malabong hindi nito sagutin ang bawat tawag sa kanya, lalo na
kung ito ay malapit na kasama o kaibigan.
Mei: Ang mabuti pa, mag-pahinga na kayo...bukas
na bukas pupuntahan ko si andrew HQ.
Sherry: Mabuti pa nga po....
Nang-matapos
ang kanilang pag-uusap, ay siya namang tumunog ang intruder alarm sa
kanilang
underground base, at nag-mula ito sa itaas nang kanilang cafe.
Intruder Alert...Intruder Alert...
Mei: Marion!
Marion: Mukang merong naka-pasok sa itaas, hindi ko
ma-ditect kung sino siya.
Mei: Ang mabuti pa, ako na ang aakyat...sige na
dito nalang muna kayo.
Dali-daling
sumakay sa elevator si mei, papunta sa itaas nang kanilang base. At ilang
sandali pa ay mabilis siyang nakarating sa kanilang cafe.
Dahan-dahang
nag-lakad si mei patungong switch para buksan ang ilaw habang naka-tutok ang
kanyang baril. Dahil isang tao ang nasa bar kung saan binubungkal nito ang
laman nang ref.
At
nang-maabot na ni mei ang switch ay binigla niyang binuksan ang ilaw, at
pag-bukas na pag-bukas palang nito ay nagulat nalang silang pareho.
*Diyos ko
po!*
Mei: Tina!?
Si tina pala
ito na halatang pagod dahil sa pag-hahalungkat nito sa ref nila mei.
Tina: Mei, nakaka-gulat ka naman....
Mei: Ikaw nga itong nakaka-gulat, alam mo bang
muntik ko nang kalabitin itong baril ko. Ang akala ko kasi kung sino.
Tina: Pasensiya na kung na-bigla kita...medyo
gutom at pagod na kasi ako.
Maya-maya
rin lang ay umakyat rin si anna, kasama si sherry at marion.
Anna: Agent Shen!
Nagulat din
si tina nang, makita niya si anna na dating tauhan ni andrew sa beta squad.
Tina: Anna...anong ginagawa mo dito?
Anna: Mahaba pong kuwento. Teka nasaan po ba si
Major Mendoza? Gusto ko siyang maka-usap tungkol kay clyde.
Para namang
nag-bago ang timpla ni tina nang marinig niya ang tungkol kay clyde.
Tina: Tungkol kay andrew, meron dapat kayong
malaman ngayon.
Mei: At ano naman yun?
Tina: Hali kayo...meron akong isang bagay na
nalaman. Na ika-gugulat niyo.
_________________________________________
GINGA stage
hall....
Kasalukuyang
nag-hahanda si Gen.Olivares para sa kanyang talumpating gagawin, dahil gusto
niyang iproklama ang pag-babago sa takbo nang GINGA, at sa lahat nang sangay
nang ibang ahensiya nang gobyerno.
At si Gen.
Ratio naman ay idineretso sa isang bartulina. At doon siya ikinulong.
Samantala
ang iba naman ay, siyang nag-papatrolya sa buong base, at pati narin sa loob
nang mga opisna na nag-babakasakali na meron pang nag-tatago sa ilang mga
tauhan nang GINGA.
Isang
Neo-GINGA police ang pumasok sa investigation room, kung saan dito naka-lagay
ang ilang files nang ilang mga bigating kriminal o mga hindi maresolbang kaso
sa ngayon. At dito rin ginawa ni tina ang pag-hahack sa data files ni Gen.
Olivares.
Napansin
nang isang neo-police ang computer ni tina na bukas, at nang makita niya ito ay
tumambad ang mga samut-saring
impormation tungkol sa section zero pati narin sa Neo-GINGA.
Neo-GINGA Police: Sandali, ang mga natatagong files ni General
Olivares, bakit nari-rito?
Neo-GiNGA Police 2: Teka, (napansin ang table na may pangalan)
Kay Agent Cristina Shen ang lamesang ito, mukang nagawa niyang ma-hack ang
personal data ni General. Olivares.
Neo-GINGA Police: Sandali, narito pa ba siya?
Neo-GINGA Police2: Mukang wala na, kilala mo naman ang mga
agent na yun, mabilis silang pumuga....hali kana, ipa-alam natin ito kila General.
Umalis ang
dalawang Neo-Police upang ipag-bigay alam na wala na sa base si agent shen.
_____________________________________
Balik muli
sa GINGA Hall.
Halos
patapos na ang preparation ni Gen. Olivares para sa kanyang Live speech na
gagawin. Ngunit dumating ang dalawang Neo-Police na nag-mula sa investigation
office upang sabihin nila ang kanilang nalaman.
Pero
napansin ni Lt. Blake na nag-mamadali ang mga ito, at dahil doon tinawag niya
ang dalawa.
Blake: Hoy kayong dalawa. Anong sa tingin niyo ang
ginagawa niyo?
Neo-GINGA Police: Pasensiya na...Lieutenant, nag-mamadali lang
kami nang kasama ko para ibigay ang isang mahalagang balita kay General.
Olivares.
Blake: At ano naman yun?
Neo-GINGA Police 2: Nalaman po namin na, nakuha ni Agent Shen
ang ilang data file ni General Olivares.
At sa tingin ko mukang papunta siya sa isa sa mga dati niyang kasamahan
para ipag-bigay alam ang bagay na ito.
Blake: Hmp, ganon ba...pero bakit niyo pa inaalala
ang bagay na iyan, alam niyo bang ibubulgar din niya ang baho niya sa
publiko...dahil sawa na siyang mag-tago at gusto na niyang akinin ang lahat na
puwede niyang kunin...kaya sa nakikita ko wala nang say-say pa sa atin na
pag-kaabalahan siya nang panahon.
Dahil sa mga
sinabi ni Blake, nag-salita si Clyde tungkol kay tina.
Clyde: Lieutenant, kung ako sa iyo hindi ko mamaliitin
ang kakayhan ni Agent Shen.
Blake: Bakit naman sino ba siya para matakot tayo?
Clyde: Isa siya sa pinaka-magaling na hacker at
agent dito sa GINGA, at matalas ang pang-amoy niya kagaya ni Major Mendoza.
Kung tutuusin isa siya sa mga kandidato upang maging isang special police.
Ngunit tinangihan lang niya ito dahil sa magiging pabigat lang ito sa kanyang
trabaho.
Kaya
nasisiguro ko, kung ano man ang files na nakuha niya, puwede niya itong
gamiting ebidensiya laban sa atin. At laban kay General. Olivares.
Tila
napa-isip si Blake sa mga sinabi ni Clyde, at dahil doon nag-pasiya siya na
hulihin ang ito.
Blake: Puwes, kung malaki nga ang banta niya, saan
naman natin siya makikita? Sgt. Silva.
Clyde: Alam ko kung saan sila matatagpuan. At kung
hindi ako nag-kakamali...hindi lang isang isda ang mahuhuli natin.
________________________________________________________________
Sa
underground base nang GINGA, pinulong ni Tina ang lahat na naroon sa cafe,
upang sabihin niya ang lahat nang kanyang nalaman. Ngunit tila wala parin sila
Kyro at Marina sa mga oras na ito.
Tina: Sandali, nadito na ba ang lahat? Teka nasaan
ba sila kyro at marina...parang hindi ko pa sila nakikita dito ah.
Mei: Mukan meron nilakad ang dalawang yun, pero
hayaan mo...kung ano man yang sasabihin mo, ipapaabot ko nalang...
Ilang
sandali naman ay bumaba narin si miguel mula sa kanyang silid, dahil sa
kagigising lang nito mula sa kanyang pag-tulog.
Miguel: (Kagigising lang) Teka...ano bang
nang-yayari....mag-aalmusal na ba?
Sherry: Buti naman at nagising ka pa, alam mo bang
may problemang kinahaharap tayo ngayon?
Miguel: Teka ano naman yun?
Mei: Mabuti pa miguel ay maupo ka na...kailangan
nating simulan ito kahit na wala pa sila kyro, sige na tina simulan mo na kung
ano man yun.
Tina: Sige, marion...heto ang flash drive.
Marion: Ok sige!
Akmang
isa-sak-sak na ni Marion ang flash drive na ibinigay ni Tina, ay siya namang
bumulaga ang isang pamilyar na imahe kay mei at marion.
Marion: Teka! Ang simbolong yan.
Miguel: Sandali ano ba ang simbolong yan? Yan ba ang
bagong logo nang GINGA?
Mei: Yan ang...Neo-GINGA, Tina anong ibig-sabihin
nito?
Pero ilang sandali lang ay nawala ang simbolo,
at lumabas ang imahe ni Gen.Zandro Olivares sa monitor, at halos lahat nang
television, radio, o sa social media ay makikita ang imahe nang heneral. Na
tila meron siyang ipapahayag na isang malaking bagay.
Tina: Si General. Olivares...ang pinuno nang
Neo-GINGA!
_________________________________________
Mula sa
GINGA HQ, nag-salita nang ilang mga bagay si General. Olivares tungkol sa mga
bagay na kanyang gagawin, sa pag-hawak niya sa buong organisasyon at ilang
sangay nang batas.
Gen. Olivares: Magandang gabi sa inyo, mga mahal kong
kababayan. Pasensiya na kung bigla kong naputol ang inyong mga ginagawa sa
ngayon. Ako nga pala si General Zandro Olivares, nang GINGA Section Zero. Nais
ko lang ipahayag sa inyo ang isang magandang balita tungkol sa aming
organisasyon.
Habang
nag-sasalita si Olivares ay ang ilang mga personalidad, kagaya nang pangulo
nang pilipinas, mga mamayan, at mismo si Primo ay nakikinig sa mga bawat bagay
na sasabihin ni Olivares.
Sa Dranixs
base.
Primo: Mukang itutuloy mo nga ito....Olivares.
Nag-patuloy
si Gen.Olivares sa kanyang pag-tatalumpati sa buong nasyon.
Gen. Olivares: Ang director nang GINGA na si General
Emillio Ratio, ay tuluyan ko nang pinalitan, at ang pangalang GINGA ay tuluyan
naring babaguhin sa pangalang Neo-GINGA. May mga bagong batas at layunin kaming
ipatutupad bilang isang organisasyon.
At yun ang,
alisin ang lahat nang sangay ng gobyerno dito sa bansa.
Parang
nagulat ang ilang mga tao sa sinabi nang heneral. Lalo na ang pangunlo nang
pilippinas.
President Macasero: Anong ibig sabihin nito?
Ganon din si
Andrew at ilang mga taong kasama niya sa selda. dinig nila ang sinasabi ni
Olivares.
Andrew: Hayop ka talaga olivares....(Naka-tingin sa
guwardiyang nag-babantay sa kanya)
At habang
nasa biyahe naman sila kyro pabalik kila mei, ay naririnig din nila ang
sinasabi nang heneral.
Kyro: Teka ano na ba ang nang-yayari ngayon?
Marina: Masama ang kutob ko, bilisan natin kyro.
Kyro: Oo!
Hinarurot ni
kyro ang kanilang Gun Racer, pabalik sa GINGA Cafe, para alamin ang tunay na
nang-yayari.
________________________________________________
Gen. Olivares: Masyado nang bulok ang ating systema, ang
mga tauhan sa gobyerno ay nag-bubulag-bulagan sa kanilang mga nakikita.
Kahirapan, koraption, at higit pa sa lahat ang terrorismo at krimen na
nang-yayari sa ating bansa.
Kaya
nag-desisyon ang organisasyon ito, na patalsikin ang lahat nang sangay nang
gobyerno dito, upang sa ganon. Kami na ang siyang mabibigay sa inyo nang-tamang
landas patungo sa kaunlaran. Pero bago ko tapusin ang talumpating ito.
Mag-bibigay
ako nang palugit, sa loob nang 24 oras, isuko niyo lahat nang tauhan niyo mula
sa mga kapulisan at mga sundalo. At ang lahat nang militar na nasa lalawigan
nang mindanao ay paalisin niyo rin. Dahil kung hindi niyo gagawin ang mga
pinag-uutos niyo.
Sisiklab ang
isang digmaan dito mismo sa bansa natin. Filipino laban sa kapwa niya
filipino.
Ipinakita ni
Gen. Olivares ang mga larawan nang kanyang mga tauhan, na armado nang mga
bigating sandata.
___________________________________________
Natapos ang
isang maliit na talumpati ni Gen. Olivares. Ay
tinanong na ni mei kung bakit nag-balik ang Neo-GINGA ngayon.
Mei: Anong ibig-sabihin nito tina? Anong
nang-yayari sa base ngayon!
Tina: Yun na nga ang dapat na sasabihin ko at
tungkol sa laman nang flash drive na iyan! Mukang isang kudeta ang nang-yayari
ngayon. Dahil ang totoo niyan, na-pag alaman ko na si Gen. Olivares ay ang
siyang nag-bebenta nang mga higly classified arsenal sa mga bigating
terrorista. At isa pa malaki ang connection niya sa dating director na si
Edward McKinly.
Miguel: Kung ganon, binabalak niyang pasukuin ang
gobyerno natin? Sa paraang terrorismo? At ano naman ang sinasabi niyang
pag-babago sa mga taong bayan? Parang wala akong nakikita doon.
Tina: Sa katunayan, konting impormation lang ang
nakuha ko , malamang meron nang nalaman si andrew tungkol kay Gen. Olivares,
pero ang kaso, mukang nahuli siya nang mga tauhan nito. Masuwerte lang ako
dahil naka-takas ako bago pa nang-yari ang lahat.
Tila naman
merong naiisip si Anna nang mga sandaling ito. At ito ay tungkol kay miya.
Sherry: Sandali, anong iniisip mo anna?
Anna: Hindi, kaya...may dahilan kung bakit tayo sa
pilitang pinaalis sa ospital.
Tina: Anong ibig-mong sabihin?
Anna: Tungkol kay clyde, sigurado ako na gagamitin
siya nang Neo-GINGA laban sa mga taong mag-tatangkang lumaban sa kanila. At si
Miya ang gagamitin nila para lang sumunod sa kanila si clyde!
Mei: Ano!?
_____________________________________________
Pero habang
nag-uusap sila tungkol sa kanilang gagawin, ay hindi nila alam na dalawang
armored van unit ang dumating, at sakay nila ang mga tauhan nang Neo-GINGA
kasama si Lt. Blake at Clyde. Dahil natitiyak nang binatang pulis na narito sa
GINGA-Cafe si Agent Shen.
Blake: Sige, pasukin niyo na.
Mabilis na
pinasok nang mga Neo-GINGA Police ang lugar.
Sa
underground base kasalukuyang nag-iisip parin sila mei nang plano na kanilang
gagawin. Pero muling tumunog ang alarm nila. At sa pag-kakataong ito hindi na kaibigan
ang pumasok.
Intruder alert...Intruder alert...
Mei: Marion anong nang-yayari?
Marion: Sandali titingnan ko ulit!
Kaagad
tiningnan ni marion ang kanilang surivaillance camera sa labas, at nakita nila
na napapalibutan sila nang groupo nang mga taga Neo-GINGA.
Tina: Masama ito, mukang nalaman nila na naka-kuha
ako nang isang impormation tungkol kay olivares!
Napansin
naman ni sherry sa survaillance na kasama si clyde nang mga naturang pulis.
Sherry: Si clyde?! Kasama siya nang mga taong yan!
Anna: Ano? (Napatingin sa monitor)
Mei: Kayo diyan, Marion, Anna, Sherry....dumito
na muna kayo. Kami na ang bahala sa mga taong yan, Tina, Miguel sumama kayo sa
akin!
Tina: Sige!
Gagamitin
nila mei ang isang pinto papuntang labas, upang sagupain ang mga kalaban..ngunit
nag-prisinta si anna na sumama.
Anna: Sandali lang, gusto kong sumama sa inyo!
Tina: Anna?
Anna: Si Clyde, kasama nang mga taong yan, gusto
kong makasiguro na walang mang-yayari sa kanyang masama!
Mei: Walang mang-yayari sa kanya. Ipinapangako ko
yan. Dahil kasama ang tingin ko sa
kanya. kaya nakiki-usap ako...dumito ka nalang protektahan mo si sherry at ang
base na ito. Tayo na!
Miguel: Sige maiwan na muna namin kayo!
_______________________________________
Tagumpay na
naka-labas sa isang alternative way sila mei patungong labas. At doon nakita
nila na pinalilibutan nang mga taga Neo-GINGA ang kanilang cafe.
Mei: Maraming kalaban dito. Kung kikilos tayo
nang paharap, siguradong tapos tayo.
Miguel: Paharap ba kamo? Ako na ang bahala.
Inilabas ni
miguel ang tatlong smoke bomb, at isinuot niya ang kanyang Gun Vision Shade. At
pag-katapos noon ay ibinato niya ito sa harap nang mga Neo-GINGA na nasa labas.
BOOOOOOOOMMMMMSSSSS
ARRRRGGHHHH!
Miguel: Puwesto na!
Dahil sa
ginawa ni Miguel na alarma ang mga ito, at nag-sipag handa narin sila para
hanapin ang kanilang target.
At mula sa
sasakyan nila Blake at Clyde. Nakita narin nila ang nang-yayaring putukan sa
lugar.
Blake: Hmp, mukang hindi natin ito inaasahan ah.
Clyde: Lieutenant, ang mabuti pa kumilos na tayo,
bago pa maubos ang mga tauhan mo...(Inilabas ang kanyang driver)
Blake: Ganon ba....(Inilabas ang isang asul na
badge) Mukang ito na ang oras para gamitin ko ito.
__________________________________
Nag-papatuloy
ang umaatikabong putukan sa harap nang cafe ni Mei, at hindi rin maiwasan nang
babaeng agent na magalit dahil sa nasisirang mga kagamitan.
Mei: Buwiset, hindi pa naka-insure ang mga ito!
BANG!-BANG!-BANG!
Tina: Pasensiya na sa ginawa kong abala! (Gumanti
nang putok)
Mei: Wala yun tina...sisingilin ko nalang ito sa
main office nang GINGA!
Ngumiti
naman si tina, at doon nakipag-palitan nang putok ang dalawa sa mga tauhan nang
Neo-GINGA. At ilan sa mga ito ay napatumba nila nang walang hirap.
___________________________________
At samantala
si Miguel ay nag-patuloy sa kanyang pakiki-pag palitan ang putok, ngunit nang nakakita
ang ilang neo-police para sukulin siya.
Papalapit
palang sa kanya ang mga ito, ay kaagad silang nagamitan nang binatang pulis
nang
husay niya sa combat knife skill.
Pinag-sasaksak
niya ang mga nag-tangka sa kanya nang walang hirap. Ngunit isa muling
Neo-police ang nag-tangkang lumapit sa kanya para barilin siya.
BRATATATATATATATATA
Naka-iwas si
Miguel, at sabay humugot nang isang throwing knife saka ibinato ito sa kanyang
kalaban.
ZAP!
Sapul sa
leeg ang naturang Neo-Police.
Miguel: Ayos!
Ngunit hindi
pa dito natatapos ay bigla namang meron umatake muli sa kanya.
*Grenade
Launcher!*
BOOOMMMMMSSSS
Isang
malakas na pag-sabog ang yumanig, at ito ay kagagawan ni clyde.
Miguel: C-Clyde?!
Matagumpay
naman naka-ligtas si miguel mula sa pag-sabog, at ngayon nasa harapan naman
niya si clyde na tila nakahanda nang mag-bagong anyo bilang si snider.
Clyde: Katapusan mo na ngayon...Knives!
DNA Scan
Complete...ito ang sabi nang kanyang male voice mula sa kanyang driver. At
ilang sandali pa ay kinalabit niya ang gatilyo at isinigaw ang katagang.
Snider
Change!
Nabalutan
nang asul na liwanag si Clyde at tuluyan na nag-bago nang anyo bilang si
Snider. At pag-katapos pinag-babaril niya si miguel.
BANG!-BANG!-BANG!
Muli namang
umiwas si miguel, at sa pag-kakataong ito, tila naiisip din niya ang ginawa ni
clyde, ang labanan siya nang harapan.
Miguel: Kung yan ang gusto mo...pag-bibigyan kita!
Inilabas
narin ni Miguel ang kanyang Driver, at inihanda ang pag-babago nang-anyo.
Ngunit habang gagawin niya yun, ay nag-tangka na si snider na tapusin si miguel
habang hindi pa ito nakaka-pag-palit bilang si draiger.
Snider: Hindi kita mapapayagan!
*Grenade
Launcher!*
BOOOOOMMMSSSS
Miguel: Draiger Change!
Sumabog ang
kinatatayuan ni miguel, pero nag-tagumpay ang binata sa kanyang pag-babagong
anyo bilang si Draiger. At mula sa apoy na gawa nang pam-pasabog ay lumundag
siya at inatake niya nang buong husay at tapang si Snider.
Draiger: YAAAAHHHHHHH.
______________________________________
Nag-patuloy
lang ang kanilang pakikipag-palitan nang putok ang mga babaeng agent sa mga
Neo-Police. Pero tila nahinto ang kanilang-pag-papaputok, at dahil doon
nag-taka sila mei at tina. Kaya tiningnan nila ito kung naubos na nga nila.
Tina: Sandali, tapos na ba?
Mei: Hindi ko alam....ang mabuti pa titingnan ko.
Lumabas si
mei sa kanilang tinataguan. At pag-labas niya dito, ay nagulat nalang siya na
wala na ang mga taong bumabaril sa kanila. Dahil sa isang lalaki nalang ang
naka-tayo mula sa kinatatayuan nang mga kalaban nila.
Mei: Teka sino ka naman?
Blake: Mukang nag-tataka ka kung bakit ako nalang
ang narito. Para sabihin ko sa iyo, kaya kong wasakin ang lugar na kinatatayuan
niyo kahit na ako lang mag-isa.
Tila
nakaramdam si mei nang isang kakaibang aura sa lalaking kaharap niya ngayon.
Mei: Ang lalaking ito, hindi siya pangkaraniwan.
Blake: (Ngumiti) Oras na...para sa isang magandang
palabas!
Mei: Isang badge! Anong ibig sabihin nito?
Inilabas ni
Lt. Blake ang kanyang asul na badge, at ilang sandali, ay nag-salaita siya nang
isang kataga.
Lambert...Change!
Pag-pindot
palang ni Lt.Blake sa kanyang badge, at sa ilang sandali ay nabalutan siya nang
asul na liwanag, hanggang sa mag-bago ang kanyang anyo na pamilyar kay mei
noon.
Siya na
ngayon si...Special Police Lambert.
Mei: (Gulat) Lambert!!
_____________________________________
Nag-deklara
si Gen. Olivares nang isang digmaan sa pagitan nang gobyerno sa pilipinas, na
kung hindi sila susuko ay gagawin nito ang mga binabalak niya.
At si Clyde
naman, magawa pa kaya nilang makuha siya sa kuko nang kaaway? O manatili siya
bilang isang sundalong sunod-sunuran?
Case continued.....
No comments:
Post a Comment