All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Ang
nakaraan....
Tuluyan nang
nag-paalam si Liam kay marina, pero bago siya malagutan ng hininga, ay nagawa
pa niyang ituwid ang pag-kakamali niya, at gawin ang tama bilang isang alagad
nang batas.
At
pag-katapos isang pangako naman ang gusto niyang tuparin ni kyro, at yun ay ang
protektahan si marina sa habang panahon.
Ngunit sa
kabila ng pag-luluksa, isang panibagong pag-subok at banta ngayon ang darating
sa ating mga bayani.
Gen. Olivares: Siguro alam mo na kung bakit kita
ipinatawag ngayon, dahil panahon na para kunin ang dapat ay sa atin.
Blake: Huwag kayong mag-alala, dahil ang pangarap
ng ama, ay pangarap din ng anak.
Sino ba si
Blake McKinly at ano ang magiging parte niya sa mga susunod na pang-yayari.
Case 41: Ang muling pag-aaklas.
Manila north
cemetery.
Kasalukuyang
naroon si marina, upang dalawin ang namayapang si Liam. Nilagyan niya ng
bulaklak at sindi ng kandila ang puntod nito. At saka nag-bigay ng maikling
dasal sa kanyang isipan.
At habang
mataimtim na nag-darasal, ay siya namang lumapit si Kyro sa kanya.
Kyro: Mukang malalim ang iniisip mo diyan ah.
Marina: Kyro?
Kyro: Agent Liam Henderson, isa sa mga top class
cadet ng GINGA noon, kinuha siya ng special investigation unit, dahil sa aking
galing at talino. Kung tutuusin, puwede siyang maging si Gunver, kung wala lang
nang-yari sa kanya.
Marina: Yun lang ba ang sasabihin mo sa kanya? Ano
bang naging pakiramdam mo noong nakasama mo siya.
Kyro: Mabuti siyang tao, at totoo sa kanyang
sarili...at higit sa lahat, ang tungkulin niya bilang isang agent, at ang
maging mabuting kasintahan sayo. Yan ang
lumalarawan sa akin kay liam noong panahong nakasama ko siya.
Marina: Ganon ba, natutuwa akong marinig yan, pero
nang-hihinayang lang ako...dahil sa huli, hindi ko parin siya nagawang
iligtas----
Kyro: Nag-kakamali ka, iniligtas mo siya.
Marina: Ano?
Kyro: Iniligtas mo siya, ikaw ang dahilan kung
bakit bumalik siya sa dati niyang katauhan. Dahil sa pag-mamahal niya sayo ng
lubos.
Marina: Kyro...
Kyro: Hahahaha, hindi ko alam kung ano ang
pinag-sasabi kong dahilan, ang pag-mamahal mo ang nag-ligtas sa
kanya.....(tiningnan ang orasan) Ang
mabuti pa, bumalik na tayo. May kailangan pa akong asikasuhin sa HQ.
Marina: Sige....(Tumingin sa puntod ni Liam)
Umalis ang
dalawa sa sementeryo, ngunit sa kanilang pag-alis, ay mananatili ang ibang
ala-ala na ginawa ni liam sa kanila bilang isang alagad ng batas, at bilang
tao.
_____________________________________________
GINGA
underground base.
Kasalukuyan
ngayong humahanap ng impormation si miguel tungkol sa taong pumaslang kay Liam
Henderson noong nakaraan.
Ngunit ni
isang lead ay wala siyang makita para makita o malaman kung sino ito.
Miguel: Pambihira, wala din akong makitang sapat na
impormation tungkol sa taong yun. Kahit na halukayan ko pa ang buong data
report ng GINGA, ni isa ata walang lalabas.
Marion: Easy kalang, siguro meron siyang nalalaman
kung bakit niya tuluyang tinapos si Liam Henderson. at natitiyak ko, kasama
siya ng dranixs.
Miguel: Kung sabagay may punto ka...(Napansin ang
ginagawa ni marion) Teka marion, ano naman yang ginagawa mo?
Marion: Eto ba? Bago SD upgrade forms...
Miguel: Talaga patingin nga!
Lumapit si
miguel upang tingnan ang ginagawa ni marion sa kanyang computer.
Miguel: Sandali sino naman ang gagamit niyan? Si
kyro nanaman ba?
Marion: Ahm....ang totoo wala pa akong idea kung
sino ang puwede, kasi meron naman ginagamit si
kyro na bagong SD, at kung kay marina, hindi ito magiging compatible dahil
sa mechanics ng kanyang armor.
Miguel: Ganon ba…so sa puwede pala sa akin yan!
Marion: Nope....
Miguel: Bakit naman? Eh sa wala pa akong upgrade
form kagaya ng kay kyro, kanino mo ba balak ibigay yan?
Marion: Una, masyadong malakas ang sd form na ito,
mukang hindi ito kakayahin ng draig driver. At pangalawa...masyadong mabigat
ito para sa katawan mo na flexible, kaya hindi talaga pupuwede. Ang kailangan
ko ditto, yung kayang makipag-sabayan sa mga mabibigat na laban.
Miguel: Sayang naman....
Tila
nang-hinayang si miguel na hindi niya magagamit ang bagong sd card na
dinedevelop ni marion, pero habang sila ay nag-uusap...siya namang pumasok si
mei para tawagin si miguel.
Mei: Miguel, puwede ka bang maistorbo?
Miguel: Bakit Ms. Mei?
Mei: Wala si Marina at Kyro, mukang meron silang
inaasikaso, kung puwede pakitulungan mo nalang ako sa itaas, marami akong
delivery na dumating.
Miguel: Sandali, meron pa akong inaasikaso dito,
teka nasaan ba si sherry ngayon?
Mei: Wala rin ngayon si sherry, nag-simula na ang
OJT niya sa isang ospital. Kaya ikaw lang ang puwede kong asahan ngayon dito.
Sige na kumilos ka na. Kung ayaw mong magalit ako sayo.
Marion: Hahaha, sige na miguel, sundin mo na si ate
mei. Sige ka baka kung ano ang magawa sa iyo niyan kapag nagalit.
Miguel: Haaayyy...sige na nga. Mukang wala naman
akong pamimilian.
Wala nang
nagawa si miguel kung hindi sumunod nalang kay mei para tulungan ito sa mga
gawain sa cafe.
_______________________________________________
Sa
sinasabing ospital ni mei, naroon si sherry na hindi makapaniwala sa kanyang
pinuntahan.
Sherry: Seryoso? Nag-bibiro ba sila.
Nagulat ang
dalaga sa kanyang lugar na pinuntahan nito, ito pala ay ang ospital na kung
saan na roon ang kapatid ni clyde. At
iniisip ni sherry na makikita niya ang masungit na pulis nayun.
Sherry: Bahala na nga....sana naman wala siya dito.
Akmang
papasok si sherry sa nasabing ospital, ngunit meron tumawag sa kanya na tila
pamilyar sa kanya.
*Sandali!*
Napa hinto
si sherry sa babaeng tumawag sa kanya, at ang babaeng ito ay walang iba kung
hindi si.
Sherry: Teka ikaw? Ms. Anna Sales...
Anna: Kumusta.
Si anna pala
ito ang dating kasamahan ni clyde sa beta squad, at siya ang kasalukuyang
nag-babantay sa kapatid ni clyde na si miya.
________________________________________________
GINGA HQ...
Kasalukuyang
ipinatawag ngayon ni Director General ang mga ilang matataas na opisyal sa
GINGA kabilang na si Major Andrew Mendoza, at si Chief Inspector Arthur Marcus.
Upang
pag-usapan ang tungkol sa lumalalang sitwasyon na digmaan at terrorismo na dulot
ng ilang Islamic terrorist group.
Nag-bigay ng
konting salita si director general ratio kaugnay sa mga nang-yayari.
Gen. Ratio: Gentlemen, pasensiya ng kung biglaan ang
pag-papatawag ng meeting na ito. Alam niyo naman siguro na kahit hindi tayo direct
order nang gobyerno, ay tungkulin parin natin tulungan ang ilang mga sangay
nila, lalo na sa digmaan o kriminalidad.
Nag-salita
ang isa sa mga matataas na opisyal nang GINGA na si Col. Glenda Alejandro.
Miyembro ng GINGA Special Intelligent Unit. At isa sa mga babae na nasa mataas
na posisyon ng organisasyon.
Col. Alejandro: General, ano ba ang ibig mong sabihin?
Gen. Ratio: Hayaan niyong si Major Mendoza ang
mag-paliwanag sa ibig kong sabihin. Major.
Andrew: Yer sir...
Tumayo si
andrew sa kanyang kinauupuan. Upang ibigay ang kanyang pahayag.
Andrew: Magandang araw uli’t sa inyo, sir siguro
aware na tayo sa mga nang-yayari. Dahil isang malaking krisis ngayon ang
kinahaharap ng ating mundo laban sa banta nang mga terorrista na merong
kinalaman sa islamic state o sa iba pang groupo. Sunod-sunod ang pambobomba sa mga bansa at
pangi-ngikil. Pero ang pinag-tataka namin saan at ano? Papaano nag-karoon ng
mga ganitong klaseng sandata ang mga kagaya nilang terrorista.
Ipinakita ni
andrew ang mga larawan nang mga terrorista na merong mga gamit na sandata na
halos kagaya ng sa kanila.
Tila nagulat
ang iba sa kanilang nasaksihan. Dahil ang isa sa kanila ay pamilyar.
Chief Insp. Marcus: Teka, pamilyar sa akin ang bagay na yan! Ang
knuckle titan ni Detective Anjelo? Isang highly classified ang armor nayan, At ang
totoo niyan pinilit ko lang si director general ratio na ibigay sa amin ang isa
sa mga unit upang magamit ni detective sa kanyang pakikipaglaban sa dranixs.
Pero bakit, hindi ako makapaniwala na mag-kakaroon nang ganyan ang mga taong tulad
nila.
Andrew: Chief Inspector, yan ang dahilan kung bakit
ka isinama ni General dito. Dahil kakailanganin niya ang tulong ng special
investigation unit sa nang-yayari.
General1: Teka parang lumalayo na tayo sa usapan ah?
Ano ba talagang nang-yayari? At saan nakukuha ng mga terroristang yan ang
sandata nang kagaya sa atin.
Col. Alejandro: Director General?
Gen. Ratio: Tatapatin ko na kayo...malaking banta na ang
nang-yayari ngayon, at kahit ang UN o ang america ay hindi magawang sugpuin ang
lumalalang terrorismo sa bawat panig nang mundo...kaya naisipan ko na-----
TTTAAACCKK
Hindi pa
tapos mag-salita si General Ratio ay biglang bumukas ang pintuan ng kanilang
meeting room.
At ang may
kagagawan nito ay walang iba kung hindi si...
*Aba...hindi
ko akalain na meron palang ginaganap na pag-pupulong ngayon.*
Andrew: General Zandro Olivares...
Gen. Ratio: Olivares, ano naman ang ginagawa mo dito?
Nag-tuloy-tuloy
sa kanyang pag-pasok ang General ng Section Zero. Upang makisaw-saw sa mga
usapin ng kanilang organisasyon.
Gen. Olivares: Anong ginagawa ko? Bakit wala ba akong
karapatan sa pag-pupulong na ito? Tandaan mo miyembro parin ako ng board at isa
sa ako sa mga pinaka-mataas na opisyal ng samahang ito. Kaya may karaptan akong
sumama sa usaping ito, so director...ano ba ito at tungkol saan?
Andrew: General, with all due respect...wala talaga
kayong karapatan sa usaping ito, dahil
unang-una, hindi nakikipag-coordinate ang section zero sa bawat operation na
ginagawa ng ibang departamento. Kaya sa nang-yayari ngayon imposible na may
pakielam pa kayo.
Lumapit nang
bahagya si General Olivares kay Major Mendoza,
at nag-titigan sila saka nag-salita ito ng ilang mga salita sa harap ni andrew.
Gen. Olivares: Ang talas ng dila mo bata, baka
nakakalimutan mo, heneral ako major ka lang, baka gusto mong ipatangal kita sa
puwesto mo...Major Andrew Mendoza.
Andrew: Hindi ikaw ang mag-dedesisyon niyan, at wala
ka sa lugar para takutin mo ako. Gaya nang ginawa mo sa tauhan kong si Sgt.
Silva.
Halos
nabalutan na nang tensiyon ang loob ng meeting room dahil sa palitan ng salita
nang dalawang opisyal.
Ngunit nang
mag-salita si Gen. Director. Ratio. Ay
natigil din sila.
Gen. Ratio: Gentlemen! Itigil niyo na ito igalang niyo
ang bawat isa, hindi masusulusiyonan ang problema kung tayo-tayo mismo ang
mag-aaway.
Gen. Olivares: Pasensiya na Ratio kung nabastos ko ang
pag-pupulong na ito, hayaan mo hindi na ito mauulit. At ikaw major mendoza,
ayusin mo sa susunod ang pananalita mo. Dahil hindi mo kilala kung sino ang
binabanga mo...Lieutenant tayo na.
Umalis ang
dalawa ng walang anu-ano, ngunit sa pag-talikod ni Gen. Olivares, isang bagay
lang ang tumatakbo sa isipan niya. At yun
ay tuparin ang plano na matagal na niyang itinatago.
Bumalik ang
mga opisyal sa kanilang pag-uusap, at humingi ng patawad si Major Mendoza sa
nang-yari.
Andrew: General, patawad kung medyo nabastos ko ang
pag-pupulong na ito.
Gen. Ratio: Huwag mo nang-intindihin yun, ang mahalaga,
masulusiyunan natin ang problemang ito sa lalong madaling panahon.
_______________________________________
Sa opisina
ni Gen.Olivares.
PAK!
Napa-palo
nalang si Gen.Olivares sa kanyang lamesa, at dahil ito sa inis niya sa
nang-yari sa pang-hihimasok niya sa pag-pupulong nang mga ibang opisyal ng
GINGA.
Blake: Mukang sinasagad kayo ng mga yun. General...
Gen.Olivares: Hindi lang nila ako sinasagad, kung hindi
pinu-puno narin nila ako, kailangan may gawin na tayo, bago pa mahuli ang
lahat.
Blake: Tama, dahil na nga-ngati na ako na patayin
ang matandang yun, Si Director General Ratio. Siya ang dahilan kung bakit ako
nawalan ng ama. Humanda siya . Dahil malapit na ang pag-huhukom ko sa kanya.
Gen. Olivares: Ipatatawag ko si Sgt. Silva, at sa loob ng
24 hours sisimulan na natin ang naudlot na plano noon.
_______________________________________________
Global city
hospital.
Kasalukuyang
kasama ni sherry si anna habang nag-lalakad patungo sa silid ni miya. At
natanong narin ng dalagang nurse ang lagay nito.
Anna: Mukang pinag-lalaruan ka talaga ng tadhana
ah, biruin mo kasama mo na ang ilan sa mga kilalang pulis sa GINGA, at ngayon
dito ka pa na-assign para mag-ojt.
Sherry: Ganon ba? Siguro meron lang sinadya para sa
akin kung bakit ko nakasama ang ilan sa mga kagaya mo. Ah sandali, kumusta na
ba ang kapatid ni clyde?
Anna: Natanong mo narin lang yan, parang mas
lumalala pa ang kondisyon niya nitong mga nakaraang araw, hindi maintindihan ng
mga doctor kung ano ang sakit niya. At si clyde naman, patuloy lang nag-aalala
sa lagay niya. Ewan ba pero pakiramdam ko merong itinatago sa akin ang lalaking
yun. Hindi naman siya talagang dating ganyan.
Maya-maya pa
ay nakarating na ang dalawa sa silid ni miya, at nakita ni sherry ang patuloy
na pag-hihirap ng nasabing batang babae.
Anna: Heto na tayo, teka mukang nagulat ka ah?
Sherry: Wala naman, parang na ninibago ako sa kanya
simula noong huli ko siyang nakita. Parang mas pumapayat pa ang katawan niya
kung para noong nakaraan.
Anna: Yun nga ang pinag-tataka ko, pero alam mo
kung tutuusin...puwedeng gamutin ng GINGA medical center ang kapatid niya,
dahil sa advance medical technology na meron sila. Ngunit ang hindi ko
maintindihan, bakit pinag-pipilitan ni clyde ang kapatid niya dito?
Parang
napapaisip si sherry kung ano ang nang-yayari sa kapatid ni clyde, ngunit ilang
sandali ay dumating hindi inaasahan.
*Anna!*
Anna: Clyde?
Dumating si
clyde, at nagulat doon si sherry.
Sherry: Clyde?
Clyde: Ikaw?
______________________________________________
GINGA
special investigation unit.
Pinuntahan
ni andrew si tina, kung saan may lihim itong ipinagawa sa kanya. at yun ay ang
pag-iimbestiga ng patago kay General Zandro Olivares.
Andrew: Kumusta na!
Tina: Oh ikaw pala, mukang napad-pad ka dito ah.
Ano ang sa atin?
Andrew: Natatandaan mo pa ba yung pinapagawa ko sa
iyo?
Tina: Ang alin?
Andrew: Ang tungkol kay General Olivares,
pina-iimbesitagahan ko siya sayo, noong mga panahong nasa kanya nang puder si
clyde.
Tina: Yung tungkol ba doon?
Andrew: Kanina kasi nag-sagawa ang ilang mga major
officer ng GINGA, tungkol sa mga lumalalang terrorist attack sa bawat panig ng
mundo, at ayun sa isang intelligent report, ilang sa mga GINGA arsenal ang
ngayon ay ginagamit ng mga terroristang yan, lalo na ang Islamic state. Kaya
pinaiimbestigahan ko sayo ang katayuan ngayon ni Gen. Olivares, dahil malakas
ang kutob kong may kinalaman siya dito.
Tina: Sa totoo niyan andrew, hindi ko masyadong
makuha ang ilang impormation kay Gen. Olivares. Masyadong high profiled ang kanyang database,
ni ang salary account niya or
personal na buhay hindi ko mahalungkat. Mukang
talagang meron siyang itinatago sa buong organisasyon.
Andrew: Ganon ba...
Tina: Pasensiya ka na...pero hayaan mo susubukan
ko parin, kahit na marami pa akong ginagawang follow up report sa mga nakaraang
kaso.
Andrew: Mukang wala na akong ibang pamimilian… kung
hindi mo makuha, dadaanin natin sa paraang alam natin.
Tina: Anong ibig mong sabihin?
Andrew: Police Work.
Nag-iisip si
andrew kung ano ang gagawin niya para makakuha ng isang sapat na ebidensiya
upang mapatunayan si General Olivares ang sangkot sa lahat ng ito.
Andrew: (Sa sarili) Alam kong may itinatago ka
olivares, at yun ang aalamin ko.
________________________________________________
Balik muli
sa opisina ni General Olivares.
Tila malalim
ang iniisip ng veteranong heneral nang mga oras na ito, at ito ay ang tungkol
sa nakaraan niya limang taon na ang nakakaraan.
Kinuha ni
Olivares ang isang larawan, isang larawan na meron siyang kasama.
Gen. Olivares: Limang taon na ang nakakaraan. Tanda ko pa
na ikaw mismo ang nag-lagay sa akin sa puwestong ito, bilang si segundo at
bilang isang heneral ng GINGA. Edward...
Ang lalaking
kasama ni Olivares sa larawan ay si Edward McKinly, ang dating director ng
GINGA, binalak ni McKinly noon na i-take over ang GINGA upang gawing isang anti-goverment
at nutorius group, na kung tawagin din ay Neo-GINGA, pero hindi siya
nag-tagumpay dahil sa pag-pigil sa kanya noon ni Gaider, at Commander Ratio na
ngayon ay siya na ang Director ng organisasyon.
____________________________________________________________________
5 Years
ago...
Kasalukuyang
ipinatawag ni Edward McKinly si Zandro Olivares, hindi pa siya ganap na heneral
ng mga panahong ito, at kasalukuyang Colonel pa ang kanyang rango.
Kinausap
siya ni McKinly tungkol sa isang bagay.
Col. Olivares: Ano?
Seryoso ba yan?
Edward: Oo, i-tatake over natin ang GINGA, at ito
ang kautusan mula sa itaas. Gusto ni primo na gawin ang organisasyong ito na
isa sa mga top supplyer ng pinaka-malalakas na sandata sa mga terroristang na
nga-ngailangan.
Col. Olivares: Pero papaano naman kung pumalpak ito? Alam
naman natin na nariyan ang mga Special Police para pigilan ka, at nadiyan din
si Commander Emillio Ratio. Tiyak gagawa sila ng paraan para hindi matuloy ang
plano mo.
Edward: Huwag kang mag-alala, dahil na-pag handaan
ko na ang parteng yan, kung sa kaling may mang-yari sa akin, itatalaga kita
bilang isang Heneral.
Col. Olivares: Ano?
Edward: At hindi lang yun, gusto ko ikaw ang siyang
maging si segundo, nang-saganon mag-patuloy pa ang mga plano ko kung sa kaling
wala na ako...
________________________________________________________
Back to
present..
*Mag-tayo ka
ng isang departamento, na siyang gagawa ng kilusan upang kunin ang nararapat ay
sa atin.*
Ito ang
kasalukuyang boses na tumatakbo sa isipan ni Gen. Olivares. Ang huling habilin
sa kanya ni Director Edward McKinly.
Gen. Olivares: Pangako edward, itutuloy ko ang naudlot
nating plano.
________________________________________________________
Samantala,
ipinag-patuloy ni Tina ang pinapagawa sa kanya ni Andrew, ang pag-hahanap ng
ilang tagong impormation tungkol kay Gen. Olivares.
At si Andrew
naman ay pumunta sa departamento ng section zero, upang alamin din ang
itinatago ng heneral sa kanila.
Andrew: (Sa sarili) Nakakapag-taka ang biglaan
pag-sulpot noon ng section zero, at higit sa lahat, hindi ko gusto ang
pamamalakad nila, kaya kailangan malaman ko kung ano ba talaga ang itinatago ng
mga taong nasa likod ng samahang ito. Nang-saganon mabawi ko na si clyde sa
kanila.
Itinuloy ni
andrew ang pag-pasok ng palihim sa naturang departamento.
________________________________________________
Sa ospital,
kinausap ni Sherry si Clyde. Nag-tanong siya ng mga bagay-bagay kaugnay sa
kanyang nakaraan at trabaho.
Sherry:
Clyde, puwede ba akong mag-tanong?
Clyde: Ano naman yun?
Sherry: Tungkol ito sa katayuan mo ngayon bilang
isang pulis, sabihin mo hanggang kailan ka susunod sa mga utos sa iyo ng
superior mo?
Clyde: Anong sabi mo?
Sherry: Bakit kailangan mong sumunod sa mga bagay na
labag naman sayo? Pansin ko hindi mo naman talaga gusto ang ginagawa mo. At
hindi ikaw yung tipo ng tao na gagawa ng isang bagay na ikakasama ng iba. Kaya
bakit? Anong dahilan.
Clyde: Sandali, nag-punta ka ba dito para gawin ang
trabaho mo? O nag-punta ka lang dito para pag-sabihan ako. Kung ano man ang dahilan ko kung bakit ko
ginagawa yun, wala ka na doon. Ang utos ay utos hindi kailangan baliin ito sa
pag-kat parang itong isang pangako. Na sa oras na baliin mo mawawala na ang
say-say nito.
Sherry: Pero mali! Sa ginagawa mo lalong nahihirapan
ang kapatid mo, at pati na ang sarili mo...bakit hindi mo nalang gawin ang
nararapat? Tulungan mo ang iba, tulungan mo sila kuya kyro para protektahan ang
iba. Hindi yung pang-sariling interes lang na dahil sa inutos sa iyo.
Clyde: Mukang walang kuwenta ang usapan na ito...
Sherry: Gumising kana sa katotohanan! Na hindi ka
nabubuhay upang sundin lang ang isang utos! Clyde!
Akmang aalis
si clyde upang iwasan ang sinasabi sa kanya ni sherry, nang-bigla namang may
nag-pakita sa kanya na dalawang lalaking armado at naka-suot ito ng GINGA
uniform.
GINGA Police: Sgt. Clyde Silva...
Clyde: Anong kailangan niyo?
GINGA Police: Ipinatatawag ka ngayon ni General Olivares
in ASAP...may kailangan kayong pag-usapan para sa isang operation na gagawin.
Sumulyap si
clyde kay sherry, at sabay harap muli sa dalawang pulis na naroon.
Clyde: Sige, sasama ako...tayo na.
Sumama si
clyde sa mga pulis, at nang-mapa daan ito sa silid ni miya ay naroon si anna na
tila nagulat din sa pag-dating ng mga nasabing kapwa nila pulis GINGA.
Anna: Teka sandali...clyde saan ka pupunta?
Clyde: Ikaw muna ang bahala kay miya,
may-aasikasuhin lang ako.
Nag-salita
muli ang isang pulis, at sinabi nito kay anna na...
GINGA Police: Sgt. Anna Sales, kailangan niyo nang umalis
sa lugar na ito, dahil ang Section zero na ang siyang bahalang mag-bantay sa
kalagayan ni Miya Silva.
Nagulat
nalang si anna sa sinabi ng isang GINGA Police sa kanya. at ilang sandali pa
dumating pa ang dalawang pulis upang sila na ang mag-bantay sa nasabing kapatid
ni Clyde.
Anna: Teka anong ibig sabihin nito? Clyde...
Clyde: Sandali...totoo ba ito?
GINGA Police: That’s an order...sumunod nalang kayo dahil
yun ang utos ni General. Kaya sargent sumama ka na dahil kailangan na ka ni
General in time.
Wala nang
nagawa si clyde kung hindi sumama, at si anna ay napilitang umalis dahil sa
utos ng heneral na si Zandro Olivares.
Anna: Sandali clyde!
Humarang ang
dalawang GINGA police at natumba si Anna, at sabay noon dumating si sherry.
Sherry:
Anna!
Kaagad
niyang tinulungan ang babaeng pulis.
GINGA Police: Kung ako sa iyo sargent, umalis ka na dahil
hindi ka na kailangan dito....
Sherry: Anna ayos ka lang?
Tila
nag-hinala na si anna na parang merong hindi magandang nang-yayari.
Anna: Masama ang kutob ko dito....kailangan
malaman ito ni Major Mendoza!
_____________________________________________________
Nag-tagumpay
naman si andrew na pasukin ang deparment office ng section zero, at sa kanyang
pag-pasok ay natunton niya ang bodega kung saan nilalagay ang mga sandata.
Nagulat din
si Andrew sa mga nakita niya.
Andrew: Sandali? Tama ba ang nakikita ko?
Tumambad sa
harap ni andrew ang mga samut-saring sandata ng kanilang organisasyon. Naroon
ang mga malalakas na dekalibre na baril, ilang pam-pasabog. Ang mga sasakyan ng
GINGA kagaya ng Patrol trailer. At ang mas ikinagulat niya ay ang...
Andrew: Ang knuckle titan? Pero papaano? Tanging ang
warfare unit lang ang meron nito.
At maya-maya
meron pang pumukaw sa atensiyon ni andrew, at ito ay ang isang silid na tila
merong itinatago sa likod.
Binuksan ni
andrew ang nasabing silid, at sa pag-bukas nito ay mas nagulat siya sa nakita.
Andrew: Imposible ito!? Ang mga...mechandro bots.
Sa silid
nayun naroon ang pagawaan nang mga mechandro bots o kung tawagin ay isang
humanoid mecha soldier na binuo nang GINGA noon limang taon na ang nakakaraan,
ngunit sa binalak na gawin ni Edward McKinly sa mga makinang ito, ay inihinto
nila ang pag-papalabas ng naturang bagay. At isa lang ang sumagi sa isip ni
Andrew nang makita niya ang mga bagay na ito.
Andrew: Ang Neo-GINGA? Kailangan malaman ito ni
General!
Akmang
lalabas si andrew sa loob ng weapon room, ngunit nakarinig siya ng mga yabag,
na papunta sa lugar na kinaroroonan niya. At dahil doon nag-madali siyang
nag-tago.
GINGA Police: Mukang seryoso si General na ipatawag tayong
lahat ah...ano kayang meron?
GINGA Police: Malay ko, baka meron siyang gustong ipagawa
sa atin, kaya ganoon.
GINGA Police: Sabagay, medyo matagal-tagal narin noong
huling operation. Mukang malakihan ang isang ito.
Inihahanda
nang dalawang Pulis ang mga sandatang naroroon.
GINGA Police: Kumpleto na itong mga ito.
GINGA Police: Ganon ba...sige tayo na.
Lumabas ang
dalawang pulis pag-katapos tingnan ang kanilang mga kagamitan. At sabay noon
lumabas si andrew sa kanyang pinag-tataguan.
Andrew: Ano kaya ang binabalak nila? (tumingin sa
paligid)
Tumingin-tingin
si andrew sa kanyang paligid na para bang meron siyang hinahanap na isang
bagay.
Andrew: Isa lang ang paraan para malaman ko...
Kinuha ng
vetaranong pulis ang bagay na kanyang nakita, isa pala itong uniform na kagaya
ng isinusuot ng mga taga section zero.
Kaagad siyang
nag-palit at lumabas sa weapon room upang hindi siya mahalata.
____________________________________________
Sa table ni
tina, nag-papatuloy parin siya sa pag-hahalungkat ng mga profile ni Gen.
Olivares, sa simula ng kanyang career hanggang sa pagiging heneral.
Hanggang sa
makita niya ang isang file at ilang mga larawan nang nakaraan nito.
Tina: Sandali, ang larawang ito, si general
olivares at ang director ng GINGA na si Edward McKinly. Ano kaya ang ibig
sabihin nito?
Ipinag-patuloy
lang ni tina ang kanyang pag-hahanap sa kanyang computer ng kasagutan.
_____________________________________________
Kinagabihan
tinipon lahat ni General Olivares ang mga tauhan niya sa section zero, upang
mag-bigay ng konting pahayag sa gagawin nilang isang operation.
At naroon
din sa hall nayun si Andrew na naka-damit section zero.
Andrew: (Sa sarili) Si olivares?
Gen. Olivares: Ehm...Maganda gabi sa inyo, alam kong
nag-tataka kayo kung bakit ipinatawag ko kayong lahat dito. Nais ko lang
sabihin sa inyo na ito na ang tamang panahon, para isa katuparan ang tunay na
intensiyon ng departamentong ito.
Ang GINGA,
na siyang minamaliit tayo ay nalalapit nang mag-tapos, limang taon na ang
nakakaraan nang tinangka ni Edward McKinly na kunin ang nararapat ay sa kanya,
ngunit sa kasamaang palad ay nabigo siya, kaya nadito tayo upang ipag-patuloy
ang pangarap niyang yun. Ang bawiin at kunin ang dapat ay sa atin. Tayo dapat
ang namamahala sa organisasyong ito at tayo dapat ang siyang kumokontrol sa
mundo!
Andrew: (Sa sarili) Kung ganon, may kinalaman din
dito si McKinly?
Gen. Olivares: Alam ko ang iba sa inyo ay sawang-sawa na sa
kakarampot niyong sahod bilang isang pulis, na minsan ay mitsa pa nang ating
buhay, ngunit kung mababawi natin ang nararapat ay sa atin, maaaring nanating
baguhin ang takbo ng ating buhay, at ito ay gamit ang mga advance at makabagong
sandata, na puwede natin ibahagi sa mga taong na nga-ngailangan nito.
Konting
katahimikan ang naganap, pero ilang sandali ay muling nag-salita si Olivares.
Gen. Olivares: Buhay at pawis ang naging puhunan ko para
lang masa ikatuparan ang planong ito, kaya
kung sino man ang suma-sangayon sa akin, ay tinitiyak kong mag-babago
ang inyong buhay sa isang iglap lang...para sa atin bagong kinabukas, heto na
ang simula para sa bagong...Neo-GINGA!
Pag-bangit
ni Gen. Olivares nang salitang Neo-GINGA ay lumabas sa kanyang likuran ang
bandila at symbolo ng kanilang samahan.
NEO-GINGA!
NEO-GINGA! NEO-GINGA!
Ito ang
sigaw ng mga tauhan ni General Olivares, na sinosoportahan nila ang bagay na
gustong mang-yari ng heneral.
Halos gulat
na gulat si andrew ng makita niya ang bagay na ito, dahil ang buong akala niya
ay nagawa na nilang pabagsakin ang samahang ito na muntik nang bumura sa isang
siyudad.
Andrew: (Sa sarili at gulat) Hindi maaari....
Nang-matapos
ang pag-sasalita ni Gen.Olivares ay lumapit sa kanya si Lt. McKinly, at may
ibinulong siya dito.
Blake: General...narito na ang hinihintay mo...
Gen. Olivares: Ganon ba, (Tinawag ang isang pulis) Hoy
ikaw....
Neo-GINGA Police: Yes sir!
Gen. Olivares: Ihanda mo na ang mga tao, dahil sa loob ng
60 minutes, sisimulan na natin ang operation. Naiitindihan mo.
Neo-GINGA Police: Opo!
Gen. Olivares: Lt. McKinly, samahan mo ako...
Blake: Yes sir!
Bumaba sa
stage si Gen. Olivares upang bumalik sa kanyang opisina, pero si andrew ay
gumawa muli ng kanyang kilos nang-hindi nahahalata.
______________________________________________
Pumunta sa
kanyang opisina ang heneral, upang tagpuin si Sgt. Silva. Nang-pumasok siya sa
loob ay nag-bigay kaagad ito ng saludo bilang pag-respeto sa nakakataas sa
kanya.
Clyde: Sir!
Ngunit ang
hindi alam nila ay naka-sunod si andrew upang makinig sa kanilang pag-uusapan.
Andrew: (Sa sarili) Clyde?
Gen. Olivares: Sgt. Silva Mabuti at nakarating ka...alam mo
na siguro kung bakit kita ipinatawag ngayon.
Clyde: General, may-itatanong lang po ako sa inyo,
bakit niyo kailangan pakielamanan ang pag-babantay ni Sargent Anna Sales sa
aking naka-babatang kapatid?
Gen. Olivares: Huwag mo nang-intindihin ang bagay na
iyun----
Clyde: Pero sir, sa kanya ko lang ipinag-kakatiwala
ang pag-babantay sa kapatid ko, at bukod doon wala nang iba. Kaya bakit
kailangan niyo pa siyang pakielamanan?
Gen. Olivares: Pinag-dududahan mo ba ang kakayahan nang
mga tauhan ko sargent?
Clyde: Hindi naman po sa ganon sir, pero si anna na
ang naging responsable sa lahat ng bagay pag-dating sa kapatid ko. Kaya hindi
ko mapapatawad ang kahit na sino man kung may mang-yari sa kanya!
Parang namang nainsulto ang heneral sa sinabi
sa kanya. at dahil sa sinabi niya, isang malakas na suntok sa sikmura ang
ginawa sa kanya.
BOOOGGGG
Clyde: Arrrghhh.
Andrew: (Sa sarili) Clyde!
Napaluhod si clyde sa sakit, at si andrew
naman mula sa kanyang pinag-tataguan ay taimtim lang pinapanuod ang lahat.
Lumuhod din ang general habang may kinukuha
siyang isang bagay.
Gen. Olivares: Sargent. Silva, diba sinabi ko na sa iyo
noon, na oras na pumasok ka sa aking departamento ay kalilimutan mo na ang
lahat, kaibigan man o kadugo. At ang tanging ranson lang kung bakit ka na
bubuhay ay ang sumunod sa mga utos ko. Pinag-bigyan lang kita sa gusto mo,
nang-sa ganon sumunod ka sa lahat ng gusto ko...at kung susuwayin mo ako, merong mang-yayaring masama sa pinaka-mamahal
mong kapatid, dahil baka nakakalimutan mo, hawak ko ang susi upang muli siyang
magising!
Habang-nakikinig si andrew sa usapan, ay
hindi niya mapigilan ang magalit, dahil ngayon ay alam na niya ang isa sa
katotohanan na ginigipit lang si clyde ng section zero, upang mag-trabaho sa
kanila.
Andrew: (Sa sarili) Clyde! Kung ganon ginigipit ka
lang siya ni olivares!
Ngunit hindi niya namalayan, na dumating si
Lt. McKinly sa kanyang likuran, at kaagad siyang sinuntok papasok sa loob ng
opisina.
BBBAAAAAAGGGGG
Andrew: AAAAHHHH
Clyde: Major?!
Bumulagta sa gitna si andrew kila
Gen.Olivares at Clyde na naka-luhod parin hanggang ngayon.
Gen. Olivares: Oh what do we have here, hindi ko akalain na
tinuruan ka pala ni Director Ratio na maging spy? Major Andrew Mendoza.
Itinayo si andrew ng mga tauhan ng heneral at
hinawakan siya ng mahigpit upang hindi maka-laban.
Andrew: Hayop ka olivares sinasabi ko na nga ba na
ikaw ang utak sa pag-bebenta ng sandata sa ilang terrorista! At isa pa ikaw ang iniwang anino
ni Edward McKinly sa mga masasamang hangarin niya...
Gen. Olivares: Eh ano kung ako nga? Tinutupad ko lang
naman ang aking pangako, upang maiahon ko ang samahang ito mula sa kalugmukan.
Nang-sa ganon ang Neo-GINGA na ang siyang k-kontrol sa lahat ng gawain ng mga
terrorista at nang ilang sangay sa militar.
Andrew: Kung mag-tatagumpay ka...(tumingin kay
clyde) pinabagsak nanamin kayo noon, puwes magagawa uli’t namin yun ngayon!
Ilang sandali pa ay pumasok na ang isang Neo-GINGA Police upang sabihan ang heneral na
naka-handa na ang lahat para sa kanilang pag-takeover sa GINGA HQ.
Neo-GINGA Police: Sir nakahanda na po ang lahat ng ating mga
kasama, para sa takeover operation.
Gen. Olivares: (Tumingin sa kanyang orasan) Just in time,
Sargent tumayo ka diyan, i said stand up!
Pinilit tumayo si Clyde ng heneral, at muling
pinag-sabihan siya upang sundin ang kanyang pinag-uutos.
Gen. Olivares: Uulitin ko ito sargent! Kung hindi ka
susunod sa mga pinag-uutos ko, papatayin ko ang kapatid mo...at kahit ang
hinahangaan mong si Major Mendoza ay papatayin ko ora mismo, kaya mamili ka...buhay
nila o ang utos ko!
Andrew: Huwag kang makinig sa sinasabi nila Clyde!
Tandaan mo isa kang special police, at meron kang isang prinsipyo na mas higit
pa sa iba!
Blake: Tumahimik ka!
BBBBAAAAAAGGGG
Isang malakas na batok ang ginawa ni Blake
kay Andrew upang patahimikin ito, at hanggang sa mawalan siya ng malay.
Blake: Masyado kang maingay! Sige dalhin yan sa
selda!
Gen. Olivares: Ano sargent, susunod ka ba!? I need your
goddamn answer!
Clyde: R-Roger that!
Gen. Olivares: Yan! Yan ang gusto ko sa iyo...sige ihanda
niyo na ang lahat. Ito na ang simula nang ating pag-takeover sa GINGA!
All: Roger!
__________________________________________________
Gabi sa GINGA HQ
Halos walang ka alam-alam ang mga taong
natitira doon na meron palang isang coup deta ang mang-yayari.
Dahan-dahang pinasok ng mga tauhan ng
Neo-GINGA ang ilang mga silid sa HQ, at ang ilang mga guwardiya dito ay tahimik
nilang pinatay.
Sumunod na pinasok nang Neo-GINGA ang opisina
ni Col. Glenda Alejandro.
BBBAAAAAAKKKKK
Col. Alejandro: What’s the meaning of this!
Tinutukan kaagad siya nang baril ng mga
Neo-GINGA Police.
Neo-GINGA Police: Huwag ka nang maraming tanong sumama ka
nalang!
Col. Alejandro: Sandali bitawan niyo ako!
Sa pilitang inilabas ng mga Neo-GINGA Police
ang colonel sa kanyang opisina.
____________________________________________________
At sa kanilang pag-pasok, sinunod-sunod na
nila ang pag-huli sa ilang mga matataas na opisyal nang organisasyon.
Isa narin rito si Chief Insp. Marcus...at
samantala si tina naman ay nag-papatuloy sa kanyang sarilinang pag-iimbestiga,
nang-mapansin niya na tila nag-kakagulo sa labas.
Tina: Sandali anong nang-yayari?
Nakita niya na hinuhuli ang kanilang kasama
nang kapwa GINGA Police.
Tina: Masama ang kutob ko dito.
Kaagad kinuha ni tina ang kanyang flash drive
at isinaksak niya ito sa computer upang kopyahin ang data na nakita niya.
Pero habang ginagawa yun, ay siya namang
paparating ang dalawang tauhan ng Neo-GINGA para pasukin ang investigation
room.
BBBBAAAAAAAGGGGG
Sinipa nila ang pintuan, ngunit wala silang
na-abutan kahit na isa. Pero sa pag-talikod nila hindi nila alam na naroon si
Tina, at naka-tutok ang kanyang handgun na merong silencer saka niya
pinag-babaril ang mga ito.
BANG!-BANG!
Sakto nang mapatay ni Tina ang mga rouge cop
na ito ay natapos na ang kanyang data file na kinokopya niya sa kanyang
computer.
Tina: Kailangan malaman ni mei ang nang-yayari
ngayon.
________________________________________________
BREACHING!
BBBBAAAAAGGG
Pinasabog nang mga rouge cop ang pintuan nang
opisina ni Gen. Director Ratio. At si kris ang kanyang secretary na akmang
babarilin ang mga ito ay kaagad binaril.
BANG!
Gen. Ratio: Kris!
Ang gumawa nito ay walang iba kung hindi si
Blake McKinly....kasama si Clyde.
Blake: Kumusta na...Director?
Gen. Ratio: Anong ibig sabihin nito? (Napansin ang
symbolo sa kanilang mga suot) Ang Neo-
GINGA?
Blake: Mukang pamilyar ang logong nakikita mo sa
mga damit namin, ito lang naman ang samahang binuo nang ama ko, na pinatay mo!
Gen. Ratio: Si Edward McKinly?
Blake: Kung ganon tanda mo pa-pala ang taong yun,
puwes malapit na muli kayong mag-kita.
Sige na damputin na siya....at yung
sugatang babae, dalhin niyo siya sa kulungan nila.
Sa utos ni Blake, ay dinampot narin si Gen.
Ratio...upang ikulong at isama sa ilang kapwa niya opisyal.
_______________________________________________
At nag-simula na nga ang pag-kuha muli sa
kapangyarihan ng GINGA, at ang kanilang mga bandila ng organisasyon at bansa ay
pinaltan din.
Ano kaya ang magiging kapalaran nang mga
taong hinuli nila? Magawa pa kaya nilang bawiin muli sa kamay ng huwad na
samahan ang kanilang organisasyon?
At si Clyde, na tila nag-dadalawang isip sa
kanyang pag-sunod sa utos upang mailigtas lamang ang buhay nang kanyang
nakababatang kapatid. Ay magawa kayang makalusot sa nang-yayaring pag-ipit sa
kanya?
Case continued....
No comments:
Post a Comment