Saturday, August 22, 2015

Case 32: Pag-dududa




All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.


Isinarado na ni Kaiza ang kaso na hawak niya tungkol sa bio weapons na kumakalat sa pilipinas, at dahil ito sa tulong ng bagong henerasyon ng GINGA.

Ngunit bigo din silang makakuha ng ibang impormation sa kalaban, at lalo na sa dranixs.

Samantala sa aquarium base ng dranixs, inutusan ni quinta si Knives para gamitin ang isa sa mas malakas at mas-mabagsik na Zero Injection. Upang pabag-sakin na ang sumisira sa kanilang adhikain.

Pero tila isang malaking pag-dududa naman ang na-bubuo kay Levaiton.


Levaiton: (Sa sarili) Alam kong ikaw ang nag-sumbong sa GINGA kung bakit nila nalaman ang deal na isinagawa natin, ngayon ikaw naman ang huhulihin ko sa sarili mong laro. 


Case 32: Pag-dududa 

Sa isang underground cell ng Dranixs, nag-tungo si Knives para sunduin ang isang tao.

Knives: Akalain mo nga naman, meron palang itinatagong selda ang mga iyun dito.

Nag-lakad-lakad pa si knives ng makita na niya ang kanyang hinahanap na selda. At ilang sandali pa nakita na niya ang kanyang hinahanap.

Knives: Mukang ito na ang hinahanp ko, cell number 567.

Kinuha ni Knives ang susi, at binuksan niya ang nasabing selda. Pero tila hindi rin siya makapaniwala sa kanyang nakitang nilalang na nasa loob.

Knives: (Gulat) Mukang babalik tayo sa mundo ng extinction. (Hawak ang Upgrade Zero Injection)

Ano kaya ang nilalang na nakita niya sa loob? At bakit tila ata gulat na gulat si Knives sa kanyang nakita.
____________________________________________________

GINGA simulation training field.

Kasalukuyan ngayon sinasanay ni Kyro ang pinaka bago niyang form na Cross Line, kung saan hindi niya ito nagamit ng husto noong nakaraang laban.

BLLLLAAASSSSSSTTTTTT

Pinatumba lahat ni Gunver Cross Line ang mga hologram image ng mga kriminal. Gamit ang kanyang Mega Drive Shooter.

*Training simulation is over *

Ito ang sabi ng simulation voice command sa katatapos lang na traning ni Gunver. At maya-maya ay pumasok na si Marion sa loob ng simulation room para sabihin ang resulta ng traning na ginawa nila.

Marion: Mukang maganda ang ipinakita mo sa bahaging ito, sa nakikita ko kaya mo nang-gamitin ang bagong form na yan sa mismong actual na laban.

Gunver Cross Line: (hinubad ang helmet) Tama ka, ang Cross Line Zone, malaki ang ma-itutulong nito sa mga laban pang darating. Sana lang nagamit ko ng mabuti ito noong nakaraang operation, para mas napabilis ang pag-huli namin kay riley. Ang kaso huli na ito. 

Marion: Pasensiya na kung hindi ko  nasabi ang buong detalye sa bagong SD card na yan, pero kita mo naman ang naging resulta, mas lumakas ka pa at natitiyak kong kaya mo nang-patumbahin ang isa sa mga big boss ng dranixs.

Gunver Cross Line: Sana nga, dahil malaki ng abala ang ginagawa nila.

Kita sa mata ni Kyro ang determination dahil sa nakikita niya na mas lumalakas na siya. Ilang sandali pa nag-balik na siya sa dati niyang anyo, at kumuha ng isang tawel at ipinunas niya ito sa kanyang mukha.

Kyro: Marion, mauna na muna ako...may kailangan pa akong asikasuhin sa cafe sige kita nalang tayo mamaya!

Marion: Ok mag-ingat ka.

Lumabas si Kyro at nag-tungo sa locker room para mag-palit, at ilang sandali pa lumabas na siya at nag-tungo sa parking lot at sumakay sa kanyang Gun Cycle at umalis.
_________________________________________________________________

Nakarating si Kyro sa isang Highway at tumigil ito dahil sa red traffic light na signal.
At habang pinag-mamasdan ang mga sasakyan na dumadaan sa harapan niya, ay tila nakakita siya ng isang nilalang na nasa gitna nito.

Isang lalaki na nakasuot ng itim na sleeveless na maong na jacket, at tad-tad ito ng peklat sa katawan.

Kyro: Anong ginagawa ng lalaking ito? Masyadong delikado ang ginagawa niya.

Nag-lakad ang nasabing lalaki habang Go pa ang kabilang kalsada, at habang papalapit ito, tila isang masamang kutob ang sumagi kay kyro. At maya-maya pa ay inilabas na nito isang bagay na nag-pagulat sa kanya.

Kyro: Isang injection tube!                

Nang-itinurok ng lalaki ang zero injection upgrade sa kanyang batok, ay nag-bago ng bahagya ang anyo ng kanyang mga braso, naging kulay itim ito na merong mahahabang kuko, at ang kanyang mukha ay nag-bago na parang isang dinosaur.

Sinuntok niya ang isang paparating na kotse at tumalsik ito, dahil doon nag-kagulo ang mga tao sa nang-yari at nag-kabuhol-buhol ang daloy ng trapiko.

BBBBBAAAAAAAAGGGGGG

Kyro: Masama ito! Isang negative.

Kaagad kumilos si Kyro para pigilan ang nag-aamok na nilalang. Pina-arangkada niya kaagad ang kanyang Gun Cycle, at binunot ang kanyang Gun Driver. Saka pinag-babaril ang nasabing negative.

BANG!-BANG!-BANG!

Pero-tila hindi tinablan ang negative, dahil sa balat na meron ito, at dahil doon ito naman ang gumanti gamit ang kanyang pag-hampas ng buntot.

Kyro: Anong!? BWAAAAAAHHHHH

BAAAAMMMMM

Tinamaan si Kyro ng buntot ng negative, at tumalsik siya sa isang poste at ang kanyang motor naman ay natumba at bumanga sa isang sasakyan.

Kyro: Errrr...asar!

Unti-unting lumapit sa kanya ang negative, pero si kyro ay mabilis na tumayo para harapin ito. Muli niyang inilabas ang kanyang Gun Driver para labanan ang nilalang.

*DNA SCAN COMPLETE!*

Kyro: Gun Changer!

Nag-bago ng anyo si Kyro bilang si Gunver, at kaagad niyang sinugod ang Negative at naki pag-laban ng buong tapang.


_____________________________________________________________

Samantala nasa hindi kalayuan naman si Knives at pinapanuod nito ang laban ng negative na ipinadala niya, habang kumakain ito ng burger.

Knives: Hmp! Tingnan nga natin ang kakayahan ng bagong upgrade zero injection. Ano kaya ang gagawin mo… Detective Kyro Anjelo.

Ngunit sa hindi rin kalayuan naroon din si levaiton at pinag-mamasdan ang mga hakbang na ginagawa niya.

_______________________________________________________________

BANG!-BANG!

Walang humpay na pinaputukan ni Gunver ang Negative, at pag-katapos ay sumugod siya ng bahagya at ginamitan naman niya ng husay sa mix martial arts.

Sunod-sunod na suntok at sipa ang pinakawalan niya, ngunit sinasalag lang ito ng negative.

Gunver: Asar! Matigas ka ha! (sa sarili) Ayun!

Tila nakakita ng butas si Gunver para patamaan ng kanyang malakas na suntok ang nilalang, ngunit gagawin palang nito ang kanyang plano ay biglang.

SSSRRCCCAAARRTTHHCC

Gunver: AAAAAARRRHHHH

Isang malakas na kalmot ang natangap ng detective, at dahil doon labis na nasira ang body armor ni Gunver at napaluhod nalang ito.

Gunver: Bumababa ang energy level ko!

At dahil walang defensa, umatake muli sa kanya ang negative na si tyrano. At sinuntok naman siya sa kanyang mukha.

BBBBBAAAAAAAGGGGG

Gunver: BWAAAAAAHHHH

Tumalsik si Gunver sa isang pader at nasira ito, Halos mawasak naman ng nilalang ang helmet ng detective dahil sa lakas ng kanyang suntok sa kanya.

RRRRRRAAAAAAAAAHHHHH
____________________________________________________________

Knives: Aba mukang matatapos na ang laro dito, magaling tyrano!

Tila tuwang-tuwa na si knives sa kanyang nakikitang pag-katalo ng detective.

____________________________________________________________

Halos nang-hihina na si Gunver at hindi na makatayo dahil sa mga pinsalang natamo niya, pero pinipilit niyang kunin ang isang SD card mula sa kanyang side pocket armor.

Ngunit nasa kalapit na niya ang negative para tapusin siya.

RAAAAAAAAAHHHHHHH

Lalong tumalas ang kuko ni tyrano at itutusok na ito sa detective para patayin, ngunit ilang sandali lang ay.

Isang bilog na bagay ang biglang lumabas, at bigla itong sumabog.

BOOOOOMMMMSSS

Nag-labas ito ng makapal na usok at natakpan ang buong lugar.

Zhapyra: Kyro bilis!

Gunver: Marina?!

Si Marina pala ito na nasa anyo bilang si Zhapyra. Kaagad niyang tinulungan ang kanyang partner at sumakay sa Gun Racer at nag-madaling umalis.

Nag-amok ang negative at umalis sa gitna ng usok, tumingin tingin siya sa kanyang paligid ngunit wala na si Gunver dahil nakatakas na ito.

RRRRAAAAAAAAAAAHHHHHH
____________________________________________________

Sa itaas ng isang gusali. Tila nang hinayang naman si knives dahil nakatakas ang detective sa kamay ng kanyang pinakawalang negative.

Knives: Mukang sinusuwerte nanaman ang detective na yun,

Pero tila nakaramdam ng isang presensiya si knives mula sa paligid.

Knives: Alam kong nariyan kalang, at kanina mo pa ako sinusubay-bayan...Levaiton.

Lumabas si Levaiton mula sa kanyang pinag-tataguan.

Levaiton: Knives, gusto kang maka-usap ni Master Quinta.
___________________________________________________

GINGA Cafe

Ginamot ni Sherry ang mga naging sugat at pasa ni Kyro kanina. Kita naman ni marina ang pang-hihina ng kanyang partner. 

Kyro: Huf...Huf...anong klaseng negative yun.  Buwiset!

Sherry: Kuya Kyro relax lang. Baka lalong lumala ang mga sugat mo.

Ilang sandali pa lumapit naman si Marion kay Mei, upang sabihin nito ang kalagayan naman ng Gun Driver.

Mei: Marion...kumusta ang Gun Driver?

Marion: Mukang ma-ayos naman ang Gun Driver at walang nakitang pinsala dito, pero body armor at main system ng suit, tila ata malaki ang naging sira, pero walang dapat ipag-alala, dahil madali lang naman itong ayusin, bigyan niyo lang ako ng sapat na oras para gawin ito.

Mei: Ganon ba, salamat naman kung ganon. (Tumingin kay Kyro)
Nilapitan naman ni Marina si Sherry at sinabihan ito.

Marina: Sherry, ang mabuti pa ibigay mo na muna sa akin yan, ako na ang gagawa. Asikasuhin mo nalang ang mga costumer sa itaas.

Sherry: Ah…Opo ate.

Ipinaubaya ni sherry ang pag-gagamot kay marina, ngunit tila naman napapansin ng babaeng agent na nanginginig ang kanyang partner.

Marina: (sa sarili) Na-nginginig siya? Ngayon ko lang nakitang ganito si Kyro.

Tila nakakaramdam ngayon ng takot si Kyro, dahil sa unang pag-kakataon ay kamuntikan na siyang mamatay sa laban.
_______________________________________________________

Dranixs aquarium base.   

Ipinatawag ni Quinta si Knives, sa isang bagay na kanyang sasabihin dito.

Levaiton: Master Quinta, narito na po si Knives.

Quinta: Magaling kung ganon.

Bumalik naman sa kanyang normal na anyo si Quinta bilang si Dr. Hamilton.

Knives: Dr. Hamilton, ano bang kailangan mo? alam niyo namang nasa kalagitnaan ako ng inuutos mo sa akin, Meron bang problema?

Dr. Hamilton: Wala naman, nais ko lang sabihin sayo, nitong mga nakaraang buwan pinatunayan mo na isa kang tapat at maasahang tauhan ng Dranixs, kaya siguro nararapat lang ding malaman mo kung ano ba talaga ang mithiin ng samahang ito.

Knives: Alam niyo, matagal ko na nang gustong malaman ang bagay na iyan. At ngayon sinasabi niyo na sa akin bakit hindi niyo pa ipag-patuloy.

Dr. Hamilton: Kung ganon sumunod ka sa akin. Malalaman mo ang gusto mong malaman.

Lumabas ng kanyang opisina si Dr. Hamilton at Knives, pero malaki ang pag-dududa ni levaiton sa kasamahan. At hindi niya maintindihan kung ano ang binabalak ng doctor kung ano ang ipapakita nito.
___________________________________________________________

Samantala sa GINGA cafe, kasalukuyang inaayos ni Marion ang Armor ni Gunver, at si marina naman ay tila nag-aalala sa kalagayan ng kanyang partner dahil sa tinamo nitong mga pinsala.

Mei: Kumusta Marion...malapit na bang matapos ang yan?

Marion: Malapit na ito ate mei, pasalamat nalang tayo at hindi naging malaki ang sira ng body armor at ng ilang system ng suit. Hindi ako makapaniwala na ganon lang niya inilampaso si Kyro.

Mei: Oo nga, kahit ako nag-aalala sa nang-yari sa kanya kanina, tingin ko nag-karon lang konting troma si kyro kaya siya nag-kakaganyan, pero alam kong malalampasan niya ang bagay na ito.
_________________________________________________________

Balik sa Aquarium Base ng Dranixs.

Tila hindi makapaniwala si Knives sa kanyang nakita, halos mapaluwa ang mata niya dahil sa mga bagay na ito.

Knives: Anong? Anong mga bagay na iyan!

Daan-daagn capsule glass ang tumambang sa kanyang harapan. At nag-lalaman ito ng samu’t saring mga bagay sa loob.

Knives: Yan ba ang?                                 

Dr. Hamilton: Mga Evolving species?  Tama ka sila nga yan, dito namin isinasagawa ang pag-babago sa isang namayapang tao.

Knives: Namayapang tao? Anong ibig niyong sabihin.

Levaiton: Sila ang ginagawang pangunahing sangkap sa pag-gawa ng naturang bagong nilalang, ang mga evolving species na nakakalaban ng Detective na iyun, ay matagal ng patay.

Dr. Hamilton: At tanging mga DNA manipulation lang ang nag-bibigay buhay sa kanila.  Na nag-bibigay sa kanila ng kakaibang lakas at kapangyarihan para mabuhay.  At gamit ang zero at blue injection napapalabas nila ang tunay nilang katangian at anyo.

Si Dr. Jon Helsmith ang unang taong bumuo ng samahang Dranixs, kasama ang ilan sa mga illuminati na gustong patakbuhin ang mundo mula sa ilalim. Isa ang Evolving species sa naging proyekto ng organization. At sa pamumuno ni Dr. Jon Helsmith, unti-unti nilang na unawaan ang pag-babago ng isang tao pamula sa pag-mamanipula ng DNA at genes nito.

At dahil sa ilang mga tagumpay niya, ipinag-patuloy ng ilang illuminati ang pag-supporta sa kanyang proyekto, kahit na isinakripisyo pa nito ang kanyang mga mahal sa buhay.  

Knives: Dr. Jon Helsmith? Kung ganon ang pamilya niya ay?

Dr. Hamilton: Tama ang hinala mo, ginamit ni Dr. Helsimth ang katawan ng pamilya niya para gawing elite at makapangyarihan sa lahat, pero ng dumating ang araw na yun. Ang araw kung saan nalaman ng GINGA ang sikretong ginagawang pag-eexperimento ng samahan.

Knives: Paano naman nalaman ng GINGA ang tungkol sa bagay na ito, diba sinabi mo nga na illuminati ang samahang ito? At ibig sabihin lang nito, patago kayo kung gumawa.

Dr. Hamilton: Ang totoo niyan, nag-trabaho din si Dr. Helsmith sa GINGA noon, bilang isang imbentor at co-founder. Siya ang halos gumawa ng lahat ng tecnolohiyang ginagamit nila, at kahit na mismo ang mga Special Police siya ang gumawa.

Knives: Ano?!

Dr. Hamilton: Naging malapit na mag-kaibigan ang director ng GINGA na si Antonio Zerino, at Dr. Helsmith. At halos mag-kapatid na ang turingan nilang dalawa. Ngunit ng pumutok ang balita sa pag-kawala ng mga tao, meron nakapag-sabi kay zerino na si Dr. Helsmith ang isa sa mga utak ng nasabing insidente.

Taon ng 1988 buwan ng septyembre 16, nakatangap ng impormation ang GINGA tungkol sa lihim na labaratoryo ni Dr. Helsmith. Pinasok ito ni zerino at nag-bigay ng warrant para arrestuhin si Helsmith, kitang-kita ng Director ng GINGA ang ginawa ng kanyang dating kaibigan. At dahil sa nag-matigas si Dr. Helsmith, pinatay siya mismo ni zerino ng walang pag-aalinlangan.

Ngayon Knives, alam mo na ang isa sa mga sikreto ng Dranixs, patunayan mo ang pagiging tapat mo sa samahang ito, patunayan mong isa kang tunay na sundalo ng Dranixs, at makikita mo ang isang gantimpala na hindi mo natangap sa buong buhay mo ang darating. Tapusin mo ang sumisira sa plano ng ating samahan! Tapusin mo

Knives: Ngayong alam ko na ang isa sa mga kuwento niyo, sige gagawin ko ang makakaya ko para pabagsakin si Gunver at ang mga kasama niya, para hindi na maulit ang nang-yari noon. Para sa dranixs gagawin ko ang makakaya ko! Para patunayan ang aking pag-katapat!
Umalis si Knives sa nasabing labaratoryo at iniwan ang dalawa ni Levaiton at Dr. Hamilton.

Levaiton: Sigurado po ba kayo sa mga sinabi niyo, master quinta? Ang totoo po niyan malaki ang pag-dududa ko sa taong yan simula ng dumating siya dito.

Dr. Hamilton: Huwag kang mag-alala Levaiton. Kung tra-traydorin man niya tayo, alam mo na ang gagawin mo. kaya ko lang sinabi ang mga bagay na iyun para malaman ko kung ano ba talaga ang tunay niyang kulay.  Dito natin malalaman, kung tapat nga siya sa samahang ito.

___________________________________________________________

Kinabukasan sa GINGA cafe.

Kaagad kinumusta ni kyro ang lagay ng kanyang Gun Driver.

Kyro: Marion...kumusta ang Gun Driver?

Marion: Kyro, ikaw pala...ayos na siya ngayon at puwede mo na siyang gamitin. Teka wag mong sabihin na?

Kyro: Tama ka, masyado akong pinahiya ng negative na yun noong isang araw, humanda siya sa akin, gagawin ko siyang inihaw na butiki!

Nag-taka naman si Marion sa ipanapakitang sigla ng binata. Na ang akala ni Mei ay nag-karoon ng troma dahil sa muntik na siyang mapatay nito.

Marion: Teka ang akala ko ba, na troma ka dahil sa muntik ka ng mapatay ng negative kahapon? Eh bakit parang ang sigla mo.  

Kyro: Troma? Nag-papatawa ka ba! Hindi uso sa akin yun, ang totoo niyang galit na galit ako sa lintik na dinosaur na yun, nag ngi-nginig ang buong kalamnan ko dahil sa galit at sa pag-papahiya na ginawa niya sa akin. Humanda siya pupulbusin ko ang negative na iyun sa oras na lumabas siya.

Ngunit ang hindi alam ni Kyro ay nakikinig naman si Marina at Mei sa likuran, at tila napahiya ng bahagya si mei dahil sa mga sinabi niya.

Marina: Teka diba sinabi niyo na nag-karoon ng konting troma si kyro kahapon?

Mei: Ah eh...hindi ko rin alam, hehehe, nakalimutan ko, wala nga palang kinakatukan ang batang yan, maliban lang sayo.

Napasimangot nalang si marina dahil baliwala lang pala ang naging pag-aalala niya sa kanyang partner.

Marina: Buwiset na lalaking yan. Nasayang lang ang pag-aalala ko sa kanya.

Ngunit ilang sandali lang ay tumunog ang alarm ng Base, at ito na ang pinaka-hihintay ni Kyro. Ang sipain ang tumbong ng negative na nakalaban niya kahapon.

Kyro: Heto na siya! Marina tayo na bago pa tayo maunahan ni clyde!
Sabay labas si marina sa likuran, at kaagad kumilos upang umalis

Marina: Oo!

Sumakay ang dalawa sa Gun Racer at nag-madaling pumunta sa lugar kung nasaan ang negative.
_____________________________________________________

Luneta park manila,

Sinalakay ng skullz at ng negative na si tyrano ang buong parke sa pamumuno ni knives.

Ilang mga sibilyan ang nasaktan at napatay dahil sa kanilang pananalasa. At ang mga guwardiya at ilang mga pulis ay wala namang nagawa dahil sa lakas at bagsik ng negative na si tyrano.

BANG!-BANG!

Dalawang pulis ng PNP ang buong tapang na humarap sa mga kalaban, pero sa lakas at bilis ni tyrano kagaad silang sinungaban at akmang papatayin.

PNP Police1: AHHHHH tulungan niyo kami!
Papatayin na sana sila ni tyrano ng biglang.

*Shoot gun mode!*

BANG!-BANG!

Dalawang putok ng bala ng shoot gun ang tumama sa nilalang, na siyang nag-pa atras dito at nag-pabitaw sa mga kawawang pulis. Tila nagulat naman si knives sa pag-dating ng isa pang kilalang mukha.

Knives: Hindi ko inaasahan na mag-papakita ka dito, Snider.

Clyde: Knives!

Si clyde ang dumating, ngunit maya-maya lang ay dumating na rin ang dalawa ni marina at kyro sakay ng kanilang gun racer, pag-katapos ay kaagad silang bumaba ng mabilis.

Kyro: Knives!

Knives: Aba-aba narito na pala ang hinihintay ko, tamang-tama lang  pala ang dating niyo, dahil kumpleto kayo, puwede na kayong kainin ng buo ni tyrano.

Kyro: Cylde, maraming salamat sa pag-responde, pero may-utang pa siya na kailangan bayaran sa akin, kaya ako na ang bahala dito.

Clyde: Hmp! Tumahimik ka nga, ako ang na una dito, kaya ako ang may-karapatan na humuli sa kanila, kayo ang umalis dahil makakasagabal lang kayo dito.

Mag-babangayan pa ang dalawa nila clyde at kyro, ngunit tila na-inis naman si Knives, at siya na mismo ang umatake sa kanilang tatlo.

Marina: Mga kasama ilag!

BANG!-BANG!

Knives: Kung mag-dadaldalan lang kayo diyan, ang mabuti pa mamatay nalang kayo ngayon mismo! Nakakairita ang kaingayan niyo.

Kyro: Nakakaasar na ito, wala nalang pakielamanan, humanda ka na marina tayo na.

Marina: Roger!

Inilabas ng dalawa ang kanilang driver, at kasabay ni clyde, nag-bago sila ng anyo bilang mga special detective at police.

Gun Changer!
Zhapyra Change!
Snider Change!



Tagumpay ang pag-papalit nila ng anyo, at nakahanda na silang umatake.

Knives: Magaling, mukang kailangan na nating mag-seryoso, tyrano tapusi mo na sila!

Unting-unti nag-lakad si tyrano sa may likuran  ni knives, ngunit nakahanda naman ang tatlong pulis sa paparating na negative.

Ngunit ikinagulat nila ang sumunod na nang-yari.

TSSSAAAAAKKKKKKKK

Gunver/Snider/Zhapyra: (Gulat) Anong!!!

AAAARRRRHHHHH

Sinak-sak ni tyrano sa likod si knives, na halos ikabutas na ng kanyang katawan.

Knives: (Hirapan) Anong-anong ibig sabihin nito?

*HAHAHAHAHAHAHAHA yan ang kabayaran sa mga traydor na kagaya mo, Knives. *

Isang boses ang nag-salita at nagulat nalang sila sa pag-labas ni.

Zhapyra: Levaiton!

Knives: (Lubhang nasaktan) Levaiton....hayop ka!

Levaiton: Yan lang ang nararapat sayo, traydor...alam kong ikaw ang nag-bigay ng 
impormation sa GINGA kung bakit nila nalaman ang taguan ng apocalypse, at may ebidensiya ako laban sayo.

Gunver: Anong sabi niya?! Si knives.

Tila nagulat si Gunver sa kanyang narinig, dahil ang taong nag-padala sa kanila ng package noon ay walang iba kung hindi si knives.

Levaiton: Ngayon, dito na mag-sisimula ang tunay na kamatayan niyo!
Biglang nag-labasan ang mga skullz sa paligid at nakahanda na silang umatake sa tatlo. 

Gunver: Humanda kayo narito na sila!

Ano na kaya ang mang-yayari ngayon, na si knives ang nag-bigay ng Impormation sa GINGA noong nakaraang operation. Magawa kaya nila malampasan ang pag-hihiganti ng dranixs sa kanila? At ano ang mang-yayari kay knives.  

Case continued….


No comments:

Post a Comment