All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Sinimulan na ng GINGA ang kanilang operation para arestuhin ang kilalang Rouge Scientist na si Dr. Laser
Riley, at kasabay sa kanyang pag-aresto ang kanya ring pag-takas kasama ang
dalawa sa mga miyembro ng Dranixs na sila Quwarta at Quinta.
Magawa kaya nila Kaiza at Kyro na pigilan ang masamang
balak ng doctor? At magawa rin ng mga kasamahan nila na nakikipag-laban ang
malusutan ang mahigpit na defensa ng mga ito.
Case 31: Final Clash
part 2
Nakikipag-habulan parin ang Vulture ngayon sa chopper
na sina-sakyan nila Dr. Riley at ng dalawang miyembro ng Dranixs na sila
Quwarta at Quinta.
Dr. Riley: Ang kukulit ng mga
ito! Hoy ikaw patahimikin mo nga sila!
Apocalypse soldier: Opo!
Inutusan ni
Dr. Riley ang isa sa mga kanyang sundalo na pabagsakin ang vulture na
sinasakyan nila Kaiza at Kyro gamit ang RPG.
Pinakawalan
ng sundalo ang bala ng kanyang RPG at derektang patatamaan ang chopper ng GINGA.
Kaiza: Tina RPG!
Tina: Alam ko yun!
Mabilis na
minaneobra ni Tina ang control ng Vulture upang hindi sila tamaan ng nasabing
pam-pasabog.
BOOOOOOMMMMMSSSS
Kyro: Ayos!
Tina: Kumapit lang kayo, tayo naman ang aatake!
Inis-scan ni
tina ang buong chopper ng kalaban upang patamaan nito ng missile. at ng mahuli na niya ito sa guhit ay dito na
niya sinimulang pakawalan ang kanilang pam-pasabog bilang ganti.
Tina: Target lock on! Tangapin niyo!
Nag-pakawala
na si tina ng missile para pabag-sakin ang kanilang target, at dahil sa hindi
pa nakahanda ang naturang chopper ng apocalypse ay matagumpay na tinamaan ng
vulture ang kanilang target sa may bandang buntot.
BBBBOOOOMMMMSSSS
Ilang
sandali pa ay tuluyan ng bumagsak ang naturang chopper ng kalaban sa isang
highway na siyang naging dahilan upang mag-karoon ng aberya sa daloy ng
trapiko.
Bumaba naman
ng bahagya ang vulture ng GINGA upang tingnan ang lagay ng chopper ng
apocalypse.
Bumunot ng
kanilang mga baril sila Kaiza at Kyro upang gamitin ito kung sa kaling buhay pa
ang mga kalaban.
Kaiza: Kyro ihanda mo sarili mo.
Kyro: Oo!
Unti-unting
lumapit ang dalawang pulis para siguraduhing napabagsak na nga nila ang mga
sakay ng chopper. Pero ilang sandali lang ay.
Nakapansin
si kaiza ng kakaibang bagay na tila mas nag-liliwanag ang naturang sasakyan na
bumagsak. At kaagad niyang pina-ilag ang kanyang kapatid.
Kaiza: Kyro ilag!
BBBRRRRUUUUNNNNNNN
Isang
malakas na apoy ang biglang sumalubong sa kanila na muntik na nilang ikamatay.
Pero sa kabutihang palad mabilis na naka-iwas ang dalawa nila Kaiza at Kyro.
Nag-takbuhan
naman ang mga tao dahil sa kanilang nasaksihan at ang ilang mga sasakyan ay
nasunog dahil sa lakas ng apoy na iyun.
Kyro: Anong klaseng atake yun!?
Kaiza: Ewan ko?---teka tingnan mo!
Mula sa
nasirang chopper lumabas doon ang nilalang na may kagagawan ng pag-papakawala
ng malakas na apoy.
Dr. Riley: Aba hindi ko akalain na meron ka palang
ganyang kalakas na kapangyarihan. Fiamma de Quwarta. Mukang kakaiba ka sa lahat
ng dranixs.
Kaiza: Buhay pa sila!
Quwarta: Quinta ang mabuti pa dalhin mo na sa base
ang mga zero injection. Ako na ang bahala sa kanila.
Quinta: Kung yan ang gusto mo, sige ipapatawag ko
nalang si Knives at Levaiton kung mag-kaproblema ka man.
Kaagad
tumakas si Quinta sa battlefield gamit ang kanyang teleportation device. At
naiwan naman si Quwarta at Dr. Riley na kaharap sila Kaiza at Kyro.
Kyro: Tumatakas siya!
Kaiza: Pabayaan mo na siya, ang mahalaga matalo
natin ang dalawang ito. Dahil nakay riley ang susi para matigil ang countdown.
Dr. Riley: Sa tingin niyo ba hahayaan kong mang-yari
yun? Ang lugar na ito ang siyang pinaka-magandang gawing test subject sa mga
experemento ko! Humanda kayo dahil magiging seryoso na ako sa oras na ito.
Inilabas ni
Dr. Riley ang isa sa mga Neuron Bio Toxin na kanyang ginawa. At ilang sandali
lang ay hinubad niya ang kanyang damit at itinurok niya sa kanyang sarili ang
substance.
Kyro: Anong!
Kaiza: Itinurok niya sa kanyang sarili!
Maya-maya
lang ay unti-unti ng nag-babago ng anyo si Dr. Riley halos natutuklap na ang
balat nito at lumalaki rin ang kanyang katawan. at ilang sandali pa ay tuluyan
na siyang nag-bago ng anyo bilang isang Mutated gill foot.
Mutated Riley: Pag-masdan niyo ang kapangyarihan na nilikha
ko!!!
Kyro: Masama na ito! Kaiza siguro naman hindi ka
natatakot?
Kaiza: Ako? Wag mo nga akong patawanin kyro, baka
ikaw ang natatakot diyan, matagal na akong sanay sa mga ganitong klaseng
sitwasyon.
Kyro: Kung ganon. Alam mo na ang gagawin mo!
Inilabas ni
Kyro ang kanyang Gun Driver, at ang kay Kaiza naman ay ang kanyang dating
badge.
Kaiza: Gawin na natin!
GAIDER
EQUIP!
GUN CHANGER!
GUN CHANGER!
Nag-bago ng
anyo ang dalawa at nabalutan ng liwanag, ngunit habang nag-babago sila ng
kanilang anyo ay siya namang lumusob si Mutated Riley sa kanila.
Mutated Riley: (Evil Voice) Hindi ko kayo hahayaan!
Ngunit ng
makalapit na ang nilalang sa kanila ay biglang.
BAAAAAAAANNNNNNNGGGGGG
Isang
malakas na blast ang sumalubong sa kanya at ito ay kagagawan ni.
Gaider: Special Police Gaider!
Gulat na
gulat ang kanilang mga kalaban sa kanilang nasaksihan. Dahil ang pag-sulpot ng
sinasabing alamat ay dumating na.
Gaider: Medyo
matagal-tagal narin ng huling ginamit ko ang armor na ito. Ngayon masusubukan
ko uli ang galing nito!
Quwarta: Ang isa sa mga alamat ng GINGA! Ang taong
nag-pabagsak sa kyujuu. Si Gaider!
Gunver: Hindi na masama kaiza, pero mas astig parin
ang armor ko sayo.
Gaider: Tama na yan. Mag-seryoso ka na! Tayo na!
Gunver: Oo!
Sabay
suumugod ang dalawang alagad ng batas upang tapusin na ang kanilang mga
kalaban. Ngunit nakahanda narin ang dalawa nilang kalaban para salubungin
sila.
___________________________________________________________
Lumapag
naman si Tina sa isang helipad, at kaagad niyang kinuha ang kanyang sniper
rifle. Tiningnan rin niya ang lugar kung saan nakikipag-laban ngayon sila Kaiza
at Kyro bilang mga special police.
Sumilip sa
telescope ng kanyang sniper si tina. At tila meron itong napansin sa kanilang
kalaban.
Tina: Baka yun na ang bagay na iyun?
Tumingin sa
kanyang orasan.
Tina: Siyam na minuto. May oras pa ako para
pigilan ang countdown!
Kumilos
kaagad si Tina at bahagyang lumapit sa pinang-yayarihan ng kaguluhan gamit ang
kanyang grappling hooked.
_____________________________________________________________
Sa pier kung
saan nakikipag-laban ang apat na special police sa mga kalaban na iniwan ng
kanilang mga boss.
Kaharap
parin ng dalawang babaeng Special Police sila Knives at Levaiton ng dranixs, at
ang dalawa naman nila Snider at Beta ay ang mga Bio weapons na kung tawagin ay
tangkor.
ZAP!-ZAP!
Dalawang
sunod ng throwing knife ang binato ni knives para sa kanyang kalaban na si
Galathea. Ngunit sa galing na umiwas at lambot ng katawan ng babaeng agent ay
ni isang atake sa kanya ay walang tumama.
Pag-katapos
ng atake ng kanyang kalaban ay siya naman ang gumamit ng offensa.
Galathea: G-Crossbow!
Nag-pakawala
ng isang malakas na laser arrow ang G-crossbow ng veteranang police sa kanyang
kalaban na si Knives. At dahil doon hindi na nagawang maka-iwas ang kriminal at
tumalsik pa ito sa lakas ng pag-kakatama sa kanya.
ZZZZAAAAAAPPPPP
Knives: AAAAHHHHHHH
BBBBBOOOOOGGG
Knives: Asar kang babae ka! Humanda ka sa akin!
Hindi pa
natapos si Galathea ay gumawa naman ito ng isang flying kick na sana ay tatama muli
kay Knives. Pero sa pag-kakataong ito umiwas narin ang mandirigma at
nag-regroup ito. Nag-labas muli siya ng dalawang dagger at sinugod niya ng
buong tapang si Galathea. At doon nag-simula muli ang kanilang mano-manong
labanan.
_______________________________________________________________________
Aikido laban
sa Aikido, ito ang namayani sa muli nilang pag-haharap ni Levaiton at Zhapyra.
Parehong
magaling at hindi nag-papaiwan ang dalawang mandirigma, ngunit isang malakas na
sipa ang natangap ni zhapyra sa kanyang kalaban at tumalsik ito sa isang bunton
ng mga drum.
BBBBBBOOOOOOGGGGG
Levaiton: Mukang humina ka ata ngayon, Agent Asol, oh
mas maganda kung marina nalang kaya.
BBBAAAAAMMMMM
Biglang
tumayo si Zhapyra mula sa kanyang kinalugmukan gamit ang matindi niyang lakas
para ma-alis ang mga bagay na naka-dagaan sa kanya.
Zhapyra: Anong karapatan mong...tawagin ako sa
pangalan ko!
Inilabas ni
Zhapyra ang Sd Memory na ibinigay sa kanya ni Marion, at inilagay niya ito sa
kanyang Driver.
*SD Memory In...Rod Night Stick*
Mula sa
kanyang Leg-armor lumabas ang dalawang maka bagong sandata ni Zhapyra, ang rod
night stick na siyang gagamitin niya para tapusin si Levaiton.
Zhapyra:
Humanda ka sa akin Levaiton! YYYYYYAAAAAAAAHHHHHH
Sumugod ng
buong tapang muli si Zhapyra. At gamit ang kanyang booster sa likod, lumipad
ito ng bahagya para atakehin ang kanyang kalaban.
Nakahanda
naman si Levaiton para salubungin ito. Ngunit
Levaiton: Anong!?
Zhapyra:
YYYYAAAAAAAHHHHH
SSSPPPPAAARRRRKKK
Biglang
nag-laho si Zhapyra sa kanyang harapan dahil sa likod ito napapunta. Isang
malakas na hampas ng Rod Night Stick ang ginawa ng babaeng agent, na halos
ikasira naman ng system ni Levaiton dahil sa electrical voltage na naka paloob
sa mismong sandata.
Levaiton: AAAARRRRGGGHHHH
Bumaba ang
agent upang harapin na ng harapan si Levaiton.
Levaiton: Ang lakas ng loob mong gawin sa akin ito!
Zhapyra: Tama na ang sat-sat mo! sige laban na!
Sumugod muli
ng buong tapang si Zhapyra, iniwasiwas lang niya ang kanyang Night Rod Stick at
sinamahan pa niya ng husay sa aikido, wala namang magawa si Levaiton kung hindi
ang umilag lang. Dahil tila ata nasira ng babaeng agent ang kanyang main
system.
Levaiton: Asar!-BBBWWAAAAHHHHH
Isang
malakas na sipa at ang natangap niya kay zhapyra, at hindi pa natapos dito ang
babaeng agent. Ay umatake muli siya gamit muli ang Rod Night Stick. At isang
malakas na hampas sa
katawan ang ginawa niya na tuluyan ikinatalo ni Levaiton.
Levaiton: Zhapyra!----
AAAAAAHHHHHHH
BOOOOOOGGGGG
Akma pang tatayo
si Levaiton para atakehin si Zhapyra. Ngunit biglang tumalsik sa kanya si
Knives mula sa kawalan, At ito ay kagagawan ni Galathea.
Zhapyra:
Ms. Mei!
Galathea: Yan na ba ang pinag-mamalaki niyo? Nakakatawa
lang kayo dahil natalo kayo ng mga babaeng kagaya namin.
Knives: Buwiset!
Levaiton: Humanda kayo sa amin!
Aatake pa
sana ang dalawa para makabawi sa ginawa ng dalawang babaeng agent. Pero isang
tawag ang dumating, at ito ay nag-mula kay Quinta.
Quinta: (Sa kibilang linya) Knives, Levaiton...itigil
niyo na iyan. Nakikipaglaban ngayon si
Quwarta kasama ang walang kuwentang
doctor na yun, kailangan niyo siyang tulungan. Bilisan niyo!
Masamang
tingin lang ang iginanti ni Levaiton sa kanilang dalawa. At dahil sa utos ng
nakakataas sa kanila, nag-pasiya na silang umatras at puntahan ang isa pa
nilang pinuno.
Levaiton: Hind pa tayo tapos! Mag-tutuos parin tayo Marina!
Nag bato ng
smoke grenade si Knives at tuluyan na silang tumakas.
Zhapyra:
Ms. Mei tumakas na sila!
Galathea: Alam ko yun, at kailangan natin silang
sundan. Bilisan natin alam ko kung saan sila pupunta. At yun ay ang lugar kung
nasaan sila Kaiza at kyro!
Zhapyra: Opo!
______________________________________________________________
BRATATATATATATATATATA
BOOM!-BOOM!-BOOM!
BOOM!-BOOM!-BOOM!
Mag-kakabilang
pag-sabog at putukan ang namayani naman sa groupo nila Beta at Snider.
Samantala
ang kalaban nilang tangkor ay nag-buhat ng isang malaking sasakyan na ibabato
sana sa mga pulis na naroon. Pero kaagad rumesponde si Beta para pigilan ito.
Gamit ang
kanyang Beta Gunler pinasabog niya ang naturang sasakyan.
BOOOOOOOMMMMSSSS
Beta: Ayos! Clyde gawin mo na!
Snider: Wag mo akong inuutusan!
Gamit naman
ang kanyang Snide Grenade Launcher, ginamit ni snider ang pag-kakataon para
patumbahin ang isang Tangkor na windang pa sa mga nang-yari. Pinuntirya ng
batang pulis ang ulo nito, upang tuluyan na siyang mamatay.
Snider: Kainin mo ito!
BOOOOOOOMMMMMMSSSSS
Sabog at nag
ka gutay-gutay ang ulo ng kalaban nilang tangkor, pero hindi pa tapos ang
kanilang laban. Dahil meron pang natitirang dalawa sa mga ito.
Beta: Hindi pa tapos! Clyde wag mong ibababa ang
armas mo!
Snider: Alam ko yun, hindi mo na kailangan sabihan!
Ng dahil sa
ginawa nila napunta sa kanila ang atensiyon ng dalawa pang natitirang tangkor,
at inatake sila ng mabilis.
Beta: Ilag!
BOOOOGGGGG
Isang
malakas na suntok sana ang sumalubong sa dalawang pulis na siyang ikinadurog ng
sahig, pero mabilis na nakaiwas ang dalawa.
Beta: Masama ito mukang kailangan kong gamitin ang
bagay na iyun.
Tumayo si Beta
at mula sa kanyang teleportation helmet ay lumabas ang isang bagay.
At ito pala
ay ang Arm Bullet (Sub Machine Gun) at pinag-sama niya ito sa Beta Gunler,
upang mag upgrade sa isa pang antas, bilang si
Beta Bullet.
Beta Bullet: Ayos!
Nirat-rat ni
Beta Bullet ang Tangkor na pumupuntirya sa kanya. At pina atras niya ito.
Samantala si
Snider naman ay tumingin sa paligid, at hanggang sa nakita niya ang isang
malaking bagay na puwedeng makatulong sa kanya.
Umatake muli
sa kanya ang Tangkor gamit ang malaking kamao nito.
BOOGGG
Gumamit lang
ng kanyang defensa ang binatang pulis, at pag-katapos noon ay bigla nalang
siyang tumakbo.
Tila
nag-taka naman ang nilalang na kalaban niya, at ganon din si Beta Bullet mula
sa hindi kalayuan.
Beta Bullet: Teka saan pupunta ang batang yun?
Akma namang
umatake sa kanya ang kahapar niyang tangkor, pero mabilis siyang umiwas at
gumanti ng putok gamit ang kanyang Arm Gunler.
BRATATATATATATATATATA
Beta Bullet: Tapos ka dito! Arm Gunler target lock on!
FATAL SHOOT!
Inipon ni
Beta Bullet ang buong enerhiya niya mula sa kanyang armor at ibinuhos lahat ito
sa kanyang sandata. At ilang sandali lang ay pinakawalan niya ito at pinuntirya
ang kanyang kalabang tangkor.
BBBBBBLLLLAAAASSSSSTTTT
Tagumpay na
tinamaan ni Beta Bullet ang ulo ng kanyang kalabang tangkor, at tuluyan na
itong namatay.
Beta Bullet: Para yan sa mga kasamahan ko!
Ngunit ng
matalo niya ang kalaban niya, sa kanya naman bumaling ang atensiyon ng kalaban
ni snider, at siya ang inatake nito.
BOOOOOGGGGG
AAAAAHHHHHH
Tinamaan si
Beta Bullet ng malakas na suntok ng tangkor at tumalsik siya sa isang container
at bumalik sa pagiging normal na beta.
Beta: Errrr...asar.
Unti-unting
lumapit ang tangkor sa kanya para tuluyan na siyang tapusin. Ngunit ilang sandali
lang ito na ang nang-yari
BOOOOOMMMMM!
Beta: Anong!?
Nagluat
nalang si Beta ng makitang tumumba ang kanilang kalabang tangkor. At ng
tumingin siya sa may bandang kanan, ito pala ay ang armored bison. Na
minamaneho ng walang iba kung hindi si snider.
Snider: Kahit kailan talaga ayaw ko ng may sagabal sa
akin.
Tumayo si
Beta sa kanyang kinalugmukan, at ilang sandali pa ay tumawag si Galathea sa
kanya.
Beta: Clyde?
Galathea: (sa kabilang linya) Andrew tapus na ba kayo
diyan? Kung tapos na kayo bilisan niyo na, papunta na kami ni marina kung
nasaan si Kaiza at Kyro, wala na tayong oras kailangan mapigilan si riley kahit
na anong mang-yari.
Beta: Naiintindihan ko, sige susunod na kami
diyan....Clyde!
Snider: Alam ko yun! Sumakay ka na kung ayaw mong
iwanan kita diyan!
Kaagad
sumakay si Beta sa Armored Bison at nag-madaling umalis, ipinaubaya nalang niya
sa mga kasamahan ang hide out ng kalaban para pag-kunan ng ibidensiya laban sa
apocalypse.
__________________________________________________________________
Bullet
change Rapid!
Bullet change affirmative...
Ito ang
sigaw ni Gunver ng binago niya ang kanyang bala sa kanyang Gun Driver gamit ang
voice command.
Pinag-babaril
ni Gunver ang kalaban niyang si Quwarta habang lumalapit ito sa kanya. Ngunit
iniiwasan lang ng Dranixs Boss ang kanyang atake.
Bahagyang
nakalapit ang Detective at akma niyang susuntukin ang kalaban. Pero naharang ni
Quwarta ang kanyang kamao gamit ang kanya ring kamao.
Gunver: Anong!
Quwarta: Wag mo akong minamaliit!
Biglang
nag-liyab ang kamao ni Quwarta at unti-unting tinutunaw ang armor ni Gunver.
Gunver: Aray ang init! Aray!
Kaagad
sinipa papalayo ng detective ang kanyang kalaban. At nag-regroup ito. Maya-maya
pa ay tumalsik nalang si Gaider mula kung saan dahil sa pakikipag-laban niya sa
mutated na si Dr. Riley.
BOOOOOOMMMMSSSS!
AAAAAAAHHHHHHHH!
BAAAAAAAGGGGGGGG!
AAAAAAAHHHHHHHH!
BAAAAAAAGGGGGGGG!
Gunver: Kaiza!
Tinulungan
ni Gunver na makatayo ang kanyang kapatid.
Gaider: Salamat, kyro hindi na biro ang mga ito.
Kailangan may gawin natayo bago pa maubos ang oras natin!
Gunver: Tama ka, meron nalang tayong apat na minuto,
para pigilan ang countdown.
Tila may
naalala naman si Gaider na isang bagay na nakalimutan niyang ibigay para kay
Gunver, kinuha niya ito sa kanyang side pocket ng armor, at ibinigay niya ito
sa kanyang kapatid.
Gaider: Kyro kunin mo ito!
Gunver: Isang SD card? Saan galing ito?
Gaider: Kay marion, ibinigay ko na kay marina ang
isa, ewan ko kung anong kakayahan meron ang memory card na iyan, pero wala na
tayong oras para alamin pa iyun gamitin mo na yan!
Mutated Riley: Ano mag-kukuwentuhan lang ba kayo diyan!
YYYYAAAAAAAAHHHH
Biglang
nag-labas ng mga spike sa katawan si Dr. Riley at pinaulan niya ito sa dalawang
pulis. Pero mabilis na umiwas ang dalawa at muling pumuwesto.
Gaider: Gawin ulit natin!
Gunver: Naiintindihan ko!
Inihanda ni
Gunver ang kanyang Gun Driver pati narin ang kanyang bagong SD Card, at si
Gaider ay ang kanyang Heavy Gatling at ang isa pa niyang badge, ang battle
badge.
*SD Memory in...Cross Line Form*.
Nag-bago ang
anyo ni Gunver bilang Cross Line form. At Gaider naman ay naging Battle Gaider.
Gunver Cross Line: Ayos
ito! Panibagong upgrade.
Hindi lang
ang armor ang nag-bago kay Gunver pati narin ang kanyang Gun Driver, ay
nag-bago rin sa pagiging Mega Shoot Driver.
Mutated Riley: Kahit mag-bago pa kayo ng anyo! Wala parin
yan RAAAAAAHHHHHH
BRATATATATATATATA
Sumugod muli
si Dr. Riley kila Gunver at Gaider, pero nag-paulan ng bala si Battle Gaider
mula sa kanyang shoulder cannon at napa-atras nito si Dr. Riley.
Gaider: Kyro kumilos ka na. Pipilitin kong kunin ang
control ng missile, ikaw naman subukan mo na talunin siya!
Gunver Cross Line: Naiintindihan ko!
Sabay na
sumugod ang dalawang pulis sa pareho nilang kalaban. Kay Gunver Cross Line ay
si Quwarta at si Battle Gaider naman ay kay Dr. Riley.
________________________________________________________
Samantala
pumuwesto naman si Tina sa kalapit ng pinag-lalabanan nila Gaider.
Tina: Kailangan makuha ni Kaiza ang bagay nayun,
may tatlong minuto pa, bago ang launching.
Inihanda ni
tina ang kanyang sniper rifle.
_______________________________________________________
Nag-pakawala
ng kanyang mga spike si Dr. Riley laban kay Gaider, ngunit gumamit naman ng
kanyang mini-booster sa likod ang veteranong pulis at saka gumanti ng kanyang
Battle Blaster.
Sunod-sunod
na pag-papakawala ng blast ang ginawa niya.
Mutated Riley: Kinikiliti mo ba ako?! kung ganon ako naman
uli!
Biglang
lumundag ang doctor at sinalubong niya ng isang malakas na suntok ang pulis mula
sa ere.
BBBBAAAAAAAAGGGGG
Sapul si
Gaider sa katawan na siyang ikinabagsak niya mula sa ere.
ARRRRGGGHHH
Unti-unting
nilapitan ni Dr. Riley ang nakalugmok na si Gaider. At inihahanda niya ang
kanyang panapos dito.
Mutated Riley: Alam mo hindi pa ito ang tunay na anyo at
lakas ng isang bio weapons, para sabihin ko sa iyo, isang perpektong nilalang
ang mga taong nag-tataglay ng kapangyarihang ito, mas malakas pa kami kung
ikukumpara sa isang nuclear missile at kahit libu-libong sundalo pa ang ipadala
niyo, hinding-hindi niyo magagapi ang isang ka tulad ko. Kahit na kayong mga
taga GINGA na may advance technology. Ay walang magagawa mula sa perpektong
sandata!
Gaider: (Tumatayo) Talaga lang ha? (napansin si Tina)
Puwes patunayan mo na kayo ang mga makabagong sandata.
Mutated Riley:Talagang sinusubukan mo ako, puwes mamatay ka
na ngayon!! YYYYAAAAAAHHH
Akmang
isusuntok ni Dr. Riley ang kanyang malaking kamao kay Gaider upang tuluyan na
siyang tapusin nito.
Ngunit ilang
sandali lang ay.
BAAAAAANNNNNGGGGGGG
Isang tama
ng bala ang nag-bigay ng attensiyon sa kanya, at ang may kagagawan nito ay
walang iba kung hindi si tina.
Mutated Riley: Anong! Sino namang ang pakielamerang ito.
Nakita ni
Dr. Riley si tina, at nilapitan niya ito para tapusin din. Pero ang hindi rin
niya alam ay merong inihahandang supresa sa kanya si Gaider.
Gaider: Magaling tina, talagang ikaw nga nararapat
para kay andrew. Ngayon ako naman!
Nag-palit
ulit ng anyo si Gaider bilang defender form. At isang mabilis na kilos ang
ginawa niya para kunin ang computer device na siyang nag-kokontrol sa countdown
ng missile launching.
Mutated Riley: Mamatay ka na! ----anong!
ZZZZZZOOOOOOOOOOMMMMM
Gaider: Hoy panget! Itong kainin mo! Defender
Cannon!
Inipon ni
Gaider ang enerhiya ng kanyang defender cannon at itinira ito kay Dr. Riley.
BBBBBBLLLAAASSSSSTTTT.
AAAAAAHHHHHHH
Tumalsik si
Dr. Riley sa isang nakaparandang kotse at dumeretcho ito sa isang binta ng
isang shop na tuluyang gumuho dahil sa lakas ng kanyang pag-atake.
Kaagad
namang ibinigay ni Gaider ang Computer Device kay tina.
Gaider: Tina kunin mo!
Tina: Salamat! Isang minuto nalang ang natitira..
Maya-maya pa
ay dumating narin sila Beta at Snider sakay ng kanilang armored bison. Kaagad silang bumaba at pinuntahan si Gaider.
Beta: Kaiza! Tina!
Tina: Andrew!
Beta: Kumusta ang sitwasyon dito?
Tina: Heto pipilitin kong i-dsolve ang countdown.
Meron nalang tayong isang minuto bago ang launching, kapag hindi ko nagawang
pigilan ito, siguradong katapusan na nating lahat.
Maya-maya pa
ay muling bumangon si Dr. Riley mula sa kanyang kinalugmukan.
Mutated Riley: Mga pangahas kayo!
Snider: Ang mabuti
pa tapusin na natin ito----
Gaider: Sandali, kami na ang bahala ni Andrew,
tulungan mo nalang si kyro kalaban ang isa sa mga boss ng dranixs, sige na.
Snider: At sino ka naman para utusan ako----
Beta: Clyde makinig ka nalang! Hindi ito ang oras
para pairalin yang pride mo. Sige na kami na ang bahala sa kanya.
Snider: Tch, bahala kayo diyan…
Tila na inis
si Snider sa sinabi ng mga mas nakakataas sa kanya. Pero wala siyang nagawa
kung hindi sumunod nalang dahil sampit lang siya sa operation na ito.
Mutated Riley: Aba nag-sama ka nanaman ng isang basura! Ano
naman ang magagawa ng isang yan?
Beta: Tumahimik ka pag-babayaran mo ang ginawa mo
sa mga tauhan ko! Kaiza tapusin na natin ito!
Sumugod si
Beta ng buong tapang kay Riley, at si Gaider naman ay nag-palit muli ng anyo
bilang heavy.
Samantala si
tina ay pilit paring dinidisolba ang countdown ng missile, at meron nalang
siyang isang minuto para gawin yun.
____________________________________________________________________
Panay-iwas
naman ang ginawa ni Gunver Cross Line sa kanyang kalabang si Quwarta. Pero
gumaganti naman siya ng putok mula sa kanyang Mega shoot driver.
Gunver Cross Line: Asar sa
susunod na mag-bibigay ka ng bagong memory card, wag naman sa alanganing
oras marion! Hindi ko pa masyadong gamay ang weapon configuration nito.
Quwarta: Ano mag-iiwasan lang ba tayo? Sinayang mo
lang ang oras ko bata!
Gunver Cross Line: Tumahimik ka tanda!
Biglang
umatake muli si Gunver Cross Line kay Quwarta, at habang papalusob ito ay
nag-papakawala siya ng mga bala.
BANG!-BANG!-BANG!
Ng makalapit
si Gunver Cross Line sa kanya ay sinalubong niya ito ng isang suntok, pero
naharang ito ni Quwarta at gumanti din ng isang suntok.
BOOOGG.
ERRR.
Ngunit hindi
ininda ni Gunver cross Line ang suntok na yun bagkos, gumanti muli siya ng isa
namang malakas na sipa at napa-atras niya ang kanyang kalaban.
At dahil
doon ginamit ng detective ang pag-kakataong ito para tapusin ang kalaban. Pero
Gunver Cross Line: Yari ka ngayon!-----
BOOM!-BOOM!
Dalawang
pag-sabog ang nang-yari na sana ay si Gunver ang gagawa, at pag-tingin ni
Gunver sa bandang kanan, ay si snider pala ang may kagagawan ng pag-sabog na
yun.
Gunver Cross Line: Snider! Ikaw anong ginawa mo!
Snider: Masyado kang mabagal, kaya inunahan na kita.
KYRO!
Gunver Cross Line: Marina!
Ilang
sandali lang din ay dumating din si Zhapyra. Ngunit pag-dating palang niya ay
kaagad na bumangon si Quwarta at nakahanda na itong umatake.
Snider: Mukang mapuputol ang yapakan niyong
mag-partner, dahil meron pang mas malaking problema.
Na alerto
naman ang tatlong pulis sa paparating na atake sa kanila.
Quwarta: Pag-babayarin niyo ang ginawa niyo! Humanda
kayo sa kaparusahan ng panginoon!
Nag-pakawala
ng kanyang malalakas na apoy si Quwarta, at pinatamaan nito ang tatlo, pero
mabilis silang umiwas at nag-sagawa ng pag-atake.
Tumira ng
kanyang grenade launcher si Snider ngunit sinalubong lang ito ng mga apoy ni
Quwarta, pag-katapos si Zhapyra naman ay siyang umatake ng malapitan gamit ang
kanyang Rod Night Stick, iniwasiwas ito ng babaeng agent, ngunit nasasalag lang
ng boss ng dranixs ang kanyang ginagawa at dahil doon isang malakas na sipa ang
ginawa niya sa kanya.
Zhapyra: AAAHHHHH....Kyro gawin mo na habang wala pa
siyang defensa!
Gunver Cross Line: Oo! Mega shooter, Target lock on!
Inipon ng
mega shooter ni Gunver Cross Line ang kanyang enerhiya, at gamit din ang
kanyang computer helmet, pinuntirya niya ang weakspot ng boss ng dranixs.
FIRE!!
Pinakawalan
ng Detective ang kanyang atake sa isang iglap lang, pero hindi rin niya
inaasahan ang nang-yari.
Snider/Zhapyra/Gunver: Anong!
Dumating ang dalawa ni Knives at Levaiton at hinarang
nila ang atakeng ginawa ni Gunver na sana ay tatapos kay Quwarta.
Zhapyra: Sila
Levaiton!
Levaiton: Master
Quwarta, kailangan na nating umalis dito, hindi niyo kailangan aksayahin ang
oras niyo sa mga walang kuwentang yan.
Quwarta: Kung ganon,
sige medyo napapagod narin ako sa pakikipaglaro sa kanila. Kayong mga tauhan ng
GINGA, hintayin niyo ang hatol sa inyo ng aming panginoon. Ang banal niyang
kasabihan ang siyang tatapos sa inyo!
Biglang
nawala nalang ang tatlo at umatras na ito. Nag-tataka naman kung sila Gunver
Cross Line kung ano ang sinabi sa kanila ng isa sa mga big boss ng dranixs.
Gunver: Banal na kasabihan? Ano naman yun?
Snider: Hoy wala ka ng oras para isipin pa ang bagay
na iyan, nakikipag-laban pa ngayon si Gaider kasama si Beta, at malamang naroon
narin si Galathea.
Gunver: Tama ka! Pati narin ang countdown!
Nag-madali
ang tatlo at umalis para puntahan sila Gaider sa karatig lugar na
pinag-lalabanan nila.
_________________________________________________________
BOOST ON!
Sinalubong
ni Heavy Gaider ng isang malakas na suntok si Dr. Riley. Ngunit nahawakan niya
ang kamao ng pulis at pinag-babalibag ito.
BAG!-BOG!-BAM!
Beta: Hindi Kaiza! Tina ano na yan kumusta ang
countdown!?
Tina: Sandali nalang, masyadong ma detalye ang main
system para dito, meron nalang tayong 30 second para sa launching.
Beta: Asar! Sige ipag-patuloy mo lang ang bagay na
iyan! Pipigilan ko siya kahit na anong mang-yari.
Inilabas ni
Beta ang kanyang Beat Magnum, at sinabayan niya muli si Dr. Riley,
Mutated Riley: Ang akala niyo ba madali niyong lang
ma-didisolve ang main system para sa launching? Puwes nag-kakamali kayo. Dahil
ilang sandali nalang magiging sample paradise na ang lugar na ito!
*Yan ang
hindi ko hahayaan!*
Muling
bumangon si Heavy Gaider at nag-pakawala muli siya ng malalakas na blast at
panira.
Beta: Kaiza! Ayos ka lang?
Gaider: Ayos lang ako, pero ang countdown?
*Ako na ang
bahala sa bagay na ito.*
Gaider: Mei!
Tina: Mei?!
At sa wakas
dumating din si Galathea para tulungan ang kanyang mga kasama. Kaagad niyang
kinuha ang computer device na siyang nag-papatakbo ng countdown para sa
launching.
Galathea: Tina ibigay mo na sa akin yan bilis!
Tina: O-Oo!
Kaagad
ibinigay ni Tina ang Device kay Galathea, at siya na mismo ang gumawa ng
dsolving process.
Samantala
unti-unti namang tumatayo si Dr. Riley mula sa mga atake na ginawa sa kanya ni
Heavy Gaider kanina.
Mutated Riley: Hindi ako makakapayag sa gusto niyo!
RAAAAAAAHHHHH
Muling nag-bago ng anyo si Dr. Riley, at tila
mas lumalaki pa ang katawan nito kung ikukumpara kanina, habang nakikipaglaban
sila dito, nag-karoon na ito ng buntot mas matatalas na kuko at buto. at higit
sa lahat mas mabangis na ito at wala na sa kanyang katinuan.
Balik kila
tina…
Tina: labing limang segundo nalang!
Halos
segundo nalang ang nalalabi para sa countdown, at si Galathea na ang gumawa
para pigilan ito.
Galathea: Easy ka lang.
Tina: ten
second...10...9...8...7...6...5...4...3...2...
Galathea: Heto na!
Tina: One!
Halos 1.5
second nalang ang natira sa coundown, pero salamat kay Galathea at napigilan
ito.
Tina: Ayos nagawa mo mei!
Mula sa loob
ng helmet ng agent ngumiti siya.
Gaider: Ah honey...puwedeng humingi ng tulong sayo!
BBBBAAAAAAAAAGGGG
Tumalsik ang
dalawa ni Heavy Gaider at si Beta mula sa atake na ginawa ni Dr. Riley.
Kaagad
tumayo si Galathea para tulungan ang dalawa niyang kasama, gumanti kaagad siya
ng kanyang G-Crossbow para pabagalin kahit papaano ang pag-lakad ni Dr. Riley.
Galathea: Kaiza! Andrew! Bilisan niyo tumayo na kayo.
Nag-madaling
tumayo ang tatlo.
Dr. Riley: (evil voice) Hindi ko kayo mapapatawad sa
ginawa niyo! Tatapusin ko na kayo ngayon!!!
Akmang
tatapusin ni Dr. Riley ang tatlong special police, ngunit tila iba ang
nang-yari.
BLAST!-BLAST!
BOOMS!-BOOMS!
BOOMS!-BOOMS!
Sunod-sunod
muling blast at pam-pasabog ang tumama sa nasabing doctor. Ng lumingon ang
tatlo, nakita nila ang may kagagawan ng mga yun, at ito ay walang iba kung
hindi ang bagong henerasyon ng mga Special Police na sila Gunver, Snider at
Zhapyra.
Gaider: Kyro!
Beta: Clyde!
Galathea: Marina!
Tumayo naman
kaagad ang tatlo at sinalubong sila ng tatlo pa nilang kasama.
Gunver: Masyado talaga kayong nag-papabaya, palibhasa
tumatanda na kayo kaya ganyan.
Gaider: Hmp! Tumahimik ka nga rookie. Mas angat parin
kami sa inyo at mas lamang sa experience.
Beta: Tama siya, dahil kahit anong sitwasyon pa ang
kaharapin namin, kaya naming lusutan.
Snider: Hmp! Masyado kayong mga bilid sa sarili niyo.
Kinumusta
naman ni Zhapyra ang lagay ni Galathea.
Zhapyra: Ayos lang po ba kayo Ms. Mei?
Galathea: Ayos lang ako, maraming salamat sa tulong
niyo.
Maya-maya pa
ay unti-unti muling tumatayo ang kanilang kalaban. At tila mas nagalit pa ito
dahil sa dumating pa ang tatlong special police.
Mutated Riley: (Evil Voice) Mga buwiset kayong mga taga
GINGA!
Gunver: Hindi ka ba talaga nag-sasawa? Ilang beses ka
ng napatumba tumatayo ka parin!
Kung ako sayo susuko nalang ako! Ng hindi na
ako mahirapan pa.
Bumalik
naman si Gaider sa normal na form, at tinapik niya ang braso ni Gunver.
Gaider: Kyro, gawin natin ito ng
mag-kakasama...hindi na makikinig sa atin ang halimaw nayan, dahil wala na siya
sa katinua. Andrew, Mei, handa na ba kayo?
Beta: Ako pa!
Galathea: Sinabi mo pa darling.
Gaider: Ngayon! Task force 1 humanda na kayo!
Gunver: Tayo din!
Humilera
ngayon ang unang henerasyon at ang bagong henerasyon ng GINGA, upang tapusin na
ang kasamaan na dinadala ni Dr. Riley sa sangkatauhan.
Mutated Riley: Kahit na mas marami kayo, hinding-hindi niyo
ako mapapabagsak! Humanda kayo ngayon!
Unang
umatake si Dr. Riley sa kanila, at nag-palabas niya ng madaming spike para
tapusin na ang mga pulis na pumipigil sa kanya.
Pero mabilis
nila itong naiwasan. At umatake ang dalawang babaeng pulis gamit ang kanilang
mga booster sa likuran.
Galathea: Rave Booster! G-Crossbow!
Nag-pakawala
ng sunod-sunod na laser arrow si Galathea hanggang sa mapayuko niya si Dr.
Riley. At sumunod namang umatake si Zhapyra.
Zhpayra: Rod Night Stick!
Pinag-hahampas
niya ng kanyang bagong sandata ang doctor na may kasamang kuryente, halos
ikaliyo na nito ang ginagawa ng babaeng agent sa kanya.
Beta: Mei! Marina! Kami naman!
Zhapyra: Ok!
Beta: Clyde Tayo na!
Inipon ng
dalawang pulis ang mga enerhiya ng kanilang sandata, at itinira ito sa
nakaluhod na si Dr. Riley.
Beta/Snider: YYYYYAAAAAAAHHHHHH
BLLLLAASSSSSSTTTTTTTT
Gumawa ng
kanyang pang-defensa ang doctor, ngunit sa lakas ng blast na tumama sa kanya,
ay nagawa nitong butasin ang kanyang kanang dib-dib at tuluyan na itong nang-hina.
Mutated Riley: ARRRRRRRGGGGGGHHHH
Beta: Kaiza!
Snider: Kyro!
Galathea/Zhapyra: Kayo na ang
bahala!
Inihanda ng
dalawa ang kanilang mga sandatang gagamitin. Gamit ngayon ni Gaider ang kanyang
Heavy gatling at kay Gunver naman ay ang kanyang Gun Driver.
Gunver: Heto na!
Gaider: Katapusan mo na ngayon!
YYYYYYAAAAAAAAHHHHHHHH
Pinakawalan
ng dalawang pulis ang kanilang mga atake, at papatama na ito sa nang-hihinang
si Dr. Riley.
Mutated Riley: Hindi! HINDI!!!!!!
BOOOOOOOOMMMMSSSSS
Tuluyan ng
sumabog at natalo ng mga special police ang kanilang kalaban na muntik ng
mag-pabagsak sa sangkatauhan.
Tina: Nagawa nila! Nagawa nila!
Gunver: Ayos!
Gaider: Magaling ang ginawa niyo!
Ilang
sandali ay dumating na rin sa eksena ang ilang sa mga pulis ng GINGA at ilan
din sa mga taga PNP, para tingnan ang nang-yari.
Napatingin
nalang si Gaider sa bangkay at tila meron din itong pang-hihinayang.
Gaider: Sayang ang isang taong kagaya mo, kung
gunamit mo lang ang katalinuhan mo para
sa kabutihan. Siguro marami kang nailigtas na buhay.
Pero sa muli
nag-tagumpay nanaman ang kabutihan laban sa kasamaan.
_____________________________________________________
Sa Aquarium
base ng Dranixs,
Tila galit
na galit si Quwarta ng dumating dito, dahil sa muntik narin siyang matalo ng
mga Special Police sa kanilang laban.
Quwarta: Buwiset! Buwiset! Pag-babayaran nila ang
ginawang ito sa akin, ang mga hampas lupang nilalang na yun!
Knives: Huminahon lang kayo master, magagawa niyo
rin ang bagay na iyun.
Tersera: Aba mukang galit na galit ngayon ang
pinaka-mabait dito ah! Kumusta naman ang anak ng diyos master Quwarta?
Quwarta: Tumahimik ka Tersera! Baka nakakalimutan mong
mas mataas parin ako sayo, kahit na mag-kaiba tayo ng numero, baka hindi ako
makapag-pigil sunugin din kita!
Tersera: Oh easy lang, parang kinukumusta lang kita.
Quinta: Quwarta, konting hinanon, alam kong magagawa
natin silang magapi, at meron akong solusiyon para diyan!
Ipinakita ni
Quinta ang Zero Injection na ipinagawa nila kay Dr. Riley. At tila isang bagay
lang ang iniisip nito.
Quinta: Knives.
Knives: Ano po iyun?
Quinta: Alam mo na ang gagawin mo, gusto kong sa
lalong madaling panahon, mapabagsak ang mga walang kuwentang yun.
Knives: Masusunod, master.
Kinuha ni
Knives ang Zero Injection. Ngunit hindi maganda ang tingin ni Levaiton sa
kanya.
Levaiton: (Sa sarili) Alam kong ikaw ang nag-sumbong
sa GINGA kung bakit nila nalaman ang deal na isinagawa natin, ngayon ikaw naman
ang huhulihin ko sa sarili mong laro.
__________________________________________________________
Ilang araw
ang naka-lipas,
Hinalugad ng
buong special investigation unit ang lugar kung saan nag-tatago ang mga
apocalpyse, bawat ebidensiya ay kinuha nila para gamitin laban sa mga ito,
ngunit ang pinag-tataka ng iba ang pag-kabura ng files ng lahat ng information
tungkol sa iba pang miyembro ng apocalypse, at ganon din ang files ka-ugnay sa
Dranixs.
Sa makatuwid
bigo din silang makakuha ng information tungkol sa mga ito.
________________________________________________________
GINGA
Landing port....
Mag-kakasama
ngayon ang groupo nila Kyro upang ihatid si Kaiza. Dahil papaalis na ulit ito.
Kyro: Pambihira, wala man lang tayong nakuhang
ebidensiya kahit na katiting man lang.
Marina: Sa tingin ko may kinalaman din dito ang
pag-kamatay ni Dr. Riley, lumalabas na nasa katawan niya ang main system ng
bawat files, at sa oras na mamatay siya, paniguradong burado lang ang mga ebidensiyang
puwede nating makuha, napakatalino nga niya para gawin ang mga bagay na iyun.
Kyro: Siguro nga, pero hindi tayo mag-papatalo sa
kanila, at sa oras na mag-pakita ulit ang organization na yun, ako na mismo ang
mag-papabagsak sa kanila.
Kaiza: Kyro.
Kyro: Kaiza?
Kaiza: Tandaan mo lahat ng sinabi ko, at wag kang
mag-papabaya, babalik ako sa oras na matapos ko ang trabaho ko sa kanila, pero
sa ngayon kailangan ko munang mag-report,
Marion: Mag-iingat ka lagi kuya kaiza,
Kaiza: Oo marion, salamat din at ginawa mo ang
badge ko, malaking tulong yun sa mga operation ko pang gagawin.
Nilapitan
naman ni Kaiza ang kanyang asawa na si Mei.
Kaiza: Mei, pasensiya na kung aalis uli’t ako, pero
pangako babalik kaagad ako, alam mo naman ang trabaho natin masyadong abala----
Mei: Wag ka ng mag-salita, basta ang ipangako mo
lang, babalik ka parin ng ligtas.
Kaiza: (sumaludo) Yes ma’am!
Lumapit si
Kaiza ng bahagya at hinalikan niya ang kanyang asawa sa labi, nagulat naman si
Kyro doon.
Kaiza: Sige kailangan ko ng umalis! Paalam muna sa
inyo! Paki sabi nalang kila andrew salamat.
Mei: Naiintindihan ko. Mag-ingat ka.
Sumakay na
si Kaiza sa private plane ng GINGA at tuluyan na itong umalis. Habang naka
sakay sa eroplano ay naka dungaw si Kaiza at pinag-mamasdan ang kanyang
nakakabatang kapatid.
Kaiza: (sa sarili) Alam kong malalampasan mo pa
ako...kyro….pero, hinihintay ko ang pag-dating na isa pa. dito ko malalaman
kung sino ang mas angat sa inyo.
Hawak ni
kyro ang isang litrato at ang naturang larawan ay ang grupo niyang hawk squad. At
pinag-mamasdan ang isang tao dito.
__________________________________________
Balik sa
ibaba.
Kyro: Marina.
Marina: Ano yun?
Kyro: Puwede bang pa-kiss din? Kahit isa lang
nang-gigigil kasi ako sa mga labi mo na kay ganda, reward lang para sa sarili
ko sige na!
Marina: Kiss ba ka mo? Sige pumikit ka muna!
BAAAAAAAAGGGG
AAAARRRAAAAYYYY!
Isang
malakas na suntok sa labi ang inabot ni kyro sa kanyang partner.
Kyro: Pambihira naman wala ba akong reward?
Marina: Hmp, buti nga sayo manyak.
Mei: ( Sa sarili) Kaiza, mag-hihintay ako.
______________________________________________________________________________
GINGA HQ
Sa opisina
ni Gen. Ratio isang atache case ang dumating at binuksan niya ito, ng biglang
pumasok ang dalawa ni Andrew at Tina.
Sumaludo ang
dalawa bilang pag-bigay ng galang sa nakakataas.
Andrew: Sir.
Gen.Ratio: Mukang naka-alis na si Captain Anjelo,
sayang at hindi niya nakita ito.
Tina: Ano po ba iyan sir?
Ipinakita ni
Gen.Ratio ang laman ng Case, at laking gulat niya na isang kakaibang driver
pala ang naroon.
Andrew: Isang Driver? Kagaya ng kila kyro at Clyde?
Tina: Pero parang kakaiba siya kung ikukumpara sa
mga gamit nila.
Andrew: Sir sino ang candidate para sa driver na
ito?
Gen. Ratio: Malalaman niyo rin sa takdang panahon,
malapit na, makikilala niyo na siya. (sa
sarili) Mukang umaayon lahat sa plano. Sa nalang mag-patuloy pa ang ginagawa
niya.
Isang
panibagong driver ang dumating, ngunit sino ang taong gagamit nito?
Case continued....
No comments:
Post a Comment