All the characters in this series have no existence whatsoever outside the
imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or
names. They are not even distantly
inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely
invention.
Sa
pag-papatuloy ng kuwento....
Isang
warrant sana ang isasagawa ng groupo ng special war fare unit sa pamumuno ni
major andrew mendoz, upang arestohin ang sinasabing big time terrorist na si
Jamir Iquadal.
Ngunit sa
kasamaang palad, isang hindi inaasahang pang-yayari ang naganap, ang terorista
nasa ay aarestuhin nila ay pinaslang ng mga tauhan ng dranixs sa pamumuno naman
ni Levaiton, hindi rin inikala ni andrew na sila pala talaga ang pakay ng
nasabing groupo.
Nakipag-laban
si andrew bilang si beta kay Levaiton. At naging matindi ang kanilang sagupaan.
Levaiton: Kung ganon, nasa harapan ko pala ang isa sa
mga alamat ng GINGA, special police beta. Mukang magiging masaya ito.
Beta: Ang dami mo pang sinasabi! Lumaban ka nalang.
Pero sa huli nabigo ang veteranong pulis at
dinukot ng mga taga dranixs ang kanyang mga kasama,
Samantala napagtanto ni kyro na tila meron
ngang kinalaman ang dranixs sa nang-yayaring kaso ngayon, at si knives naman ay
nag-nakaw ng isang napaka halagang information sa groupong apocalypse.
Knives: Ano kayang magandang gawin ko dito? Mukang
hindi naman masaya kung hindi malalaman ng GINGA ang tungkol dito, sa tingin ko
may karapatan silang malaman ito, gusto kong makakita ng isang malaking
laro...hahahahahahaha
Case 29: Information
Sa labaratoryo ng apocalypse, abala parin si
Dr. Riley sa kanyang isinasagawang experimento, at ito ay sa pamamagitan ng mga
nahuli niyang pulis ng GINGA.
GINGA WAR
POLICE: (Pasigaw)
Mga hayop kayo! Sa tingin niyo ba mapapalampas namin ang mga ginagawa niyo, sa
oras na makawala kami dito, tinitiyak kong dudurugin namin ang mga pag-mumukha
niyo!
Nag-sisigaw
ang isang pulis dahil sa mga nasasaksihan niyang pag-papahirap sa kanyang mga
kasama, at ang mas malala pa, sa oras na pumalya ang experemento sa katawan ng
tao ay mamatay na ito. At wala ng pakinabang sa kanila.
Ito na ang
sinapit ng ibang kasamahang pulis ni andrew, at iilan nalang ang natitira sa
kanilang buhay.
BBBBBBAAAAAAGGGGGG
Pinalo ng
isang guwardiya ang selda ng mga kawawang pulis.
Apocalypse Solider: Puwede bang tumahimik kayo! Kung ayaw niyo
mismo na ako ang tumapos sa buhay niyo!
Napa-atras
nalang ang pulis dahil sa banta ng sundalo.
Nalungkot
nalang ang ilan sa kanila at tila tangap na ang kanilang sasapitin.
___________________________________________________
Sa opisina
naman ni Dr. Riley, muling dumating si quwarta kasama si levaiton at knives,
para pag-kasunduan ang kanilang deal.
Dr. Riley: Master Quwarta
Quwarta: Riley, naparito ako upang malaman kung
kailan natin isasagawa ang deal, siguro naman tapos na ang pinapagawa namin sa
inyo?
Dr. Riley: Syempre naman, tapos na at pulidong pulido
ang pag-kakagawa sa mas pinalakas niyong Zero Injection, (tumingin kay knives
at levaiton) makakaasa kayo bukas na bukas din makukuha niyo na ang
pinaka-hihintay niyong bagong kapangyarihan.
Quwarta: Magling kung ganon, inaasahan kita bukas,
hayaan mo dou-doublehin namin ang gantimpala na ibibigay namin sa iyo.
Dr. Riley: Dapat lang! Dahil ito naman talaga ang
puno’t dulo ng kasunduang ito, ang pera ninyo....bueno kung mamarapatin niyo
lang, marami pa akong kailangan asikasuhin, kailangan ko pang matapos ang isa
sa mga experimento ko, kung hindi niyo mamasamain kailangan ko ng umalis.
Lumabas ng
kanyang opisina si Dr. Riley ngunit habang papalabas ito ay, naka tingin naman
si knives sa kanya.
___________________________________________________
GINGA Cafe
underground base
Humahanap
parin si kyro kahit na katiting na lead upang mapabulanan na meron ngang
kinalaman ang dranixs sa nang-yayari.
Habang abala
siya sa pag-ssearch sa kanyang computer ay siya namang binigyan ni marina ng
isang tasang tsokolate para ma relax ito kahit papaano.
Marina: Kyro inumin mo muna ito.
Kyro: Ah salamat...(Kinuha ang tasa ng tsokolate
at ininom) sakit na talaga sa ulo ang ginagawa ng dranixs, bakit pa nilang
naisipang makipag-aliyansa sa mga kagaya ng apocalypse? Sa tingin ko naman kaya
nila ang kahit na anong bagay, kahit na walang tulong sa organization yun!
Napahawak
nalang si Kyro sa kanyang noo na tila sumasakit ito, ngunit lumapit naman si
marina sa kanyang likuran at ikinagulat ni kyro ang ginawa ng kanyang partner.
Kyro: (Gulat) Teka anong ginagawa mo?
Minamasahe
ni marina ang ulo ni kyro, ng kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito.
Marina: Bakit ayaw mo ba? Alam ko na marami kang
ginagawa diyan, at pinag-pilitan mo pa ang sarili mo sa kasong ito kahit na
hawak na ito ng kapatid mo, pero sana naman wag mong puwersahin ang sarili mo,
ng dahil lang meron kang gustong mapatunayan, kailangan mo ring naman alagaan
ang sarili mo.
Kyro: (tumingala) Marina? Salamat sa pag-alala
Marina: Wala yun...partner tayo diba? Natural lang
na alalahanin din kita.
Habang
minamasahe ni marina ang sintido ni kyro, bigla namang pumasok sila mei at
kaiza na ikinagulat ang ginagawa ng dalawa.
Mei: Teka anong ginagawa niyo!?
Nagulat din
naman ang dalawa, at kaagad itinigil ang ginagawa.
Kaiza: Aba mukang abala kayo diyan ah!
Kyro: Ah eh! Humahanap lang ako ng lead kung saan
natin puwedeng matag-puan ang kuta ng apocalypse, pinag-aaralan ko kasi yung
mga nakaraang engkuwentro natin sa kanila.
Kaiza: Ganon ba, mabuti yan kung ganon.
Tila may
napansin naman si marina na dala ni mei na isang maliit na kahon, at tinanong
niya ito kung ano ba ang bagay nayun.
Marina: Ms. Mei ano ang kahong yan?
Mei: Ito ba? Ang totoo niyan may nag padala lang
dito sa shop, hindi sinabi ang pangalan at kung anong address kung saan ito
galing.
Kyro: Mukang nakababahala ang kahong iyan ah
binuksan niyo na ba ang loob niyan?
Mei: Hindi pa, gusto ko ring malaman ang laman ng
kahong ito at kung saan ito nang-galing.
Kaiza: Ang mabuti pa i-scan muna natin ang bagay
nayan bago natin buksan, mahirap na baka isang delikadong bagay pa ang laman
niyan.
Mei: Mabuti pa nga.
Kaagad
inilagay ni mei ang kahon na ipinadala sa kanila sa isang scanner, upang
siguruhin na walang dalang kapahamakan ang bagay na ito.
______________________________________________________
Samantala sa
GINGA Research Lab
AYOS NAGAWA
KO NANAMAN!
Napasigaw si
Marion ng matapos niya ang isang bagay, nilapitan naman siya ni kris ang secretary
ni General Ratio para kumustahin.
Kris: Aba wala ka talagang kupas, sigurado ka bang
nagawa mo ng mabuti yan?
Marion: Hahahahaha syempre naman ate kris, ang
bagong SD Card na para kay Gunver, Ang Cross Line SD Card, at ang bagong
sandata naman para kay zhapyra. Ang rod night stick, at ito ang pinakang huli,
ang bagde ni Gaider, na-ayos ko na siya ng tuluyan at puwede na muli siyang
gamitin para sa laban.
Kris: Mukang magandang balita ngayan, ang badge ni
Gaider, muling nag-babalik.
Marion: Tama ka, ngayon mas mapapabilis na ang
kasong hinahawakan ngayon ni kuya kaiza, gamit ito.
________________________________________________________
Natapos ang
ginagawang pag-iiscan nila kyro sa naturang kahon na ipinadala sa kanila.
*Scan complete, ito ang sabi ng scaner nila
kyro*
Kyro: Mukang wala namang kahina-hinala dito, ang
mabuti pa tingnan natin ang laman nito kung ano man.
Kaiza: Mabuti pa nga.
Binuksan
nila Kyro ang naturang kahon, at ilang sandali ay tumambad sa kanila ang isang
cellphone at isang flash drive, ipinag-taka naman ito ng mga taong nag-bukas ng
kahon.
Marina: Isang cellphone? At isang flash drive? Anong
ibig-sabihin nito.
Maya-maya pa
ay nag-ring ang cellphone na nasa kahon.
*Ring...Ring...Ring*
Mei: Nag-riring siya!
Kyro: Ako na ang sasagot!
Kaagad
kinuha ni kyro ang nasabing telepono, at sinagot niya ito.
Kyro: Sino ito?
Maya-maya ay
sumagot ang nasa kabilang linya ng cellphone, ngunit gumagamit ito ng voice
changing device upang hindi ito makilala.
Box messenger: Oh buti naman at nakuha niyo ang ipinadala
ko sa inyo?
Kyro: Sabihin mo sino ka ba? At anong ibig-sabihin
ng mga pinadala mong ito?
____________________________________________________
Mula sa
kanyang lugar ang nilalang na nag-padala ng kahon kila Kyro ay nasa isang
abandonadong ware house habang kina-kausap sila kyro mula sa kabilang linya.
Box messenger: Hindi na mahalaga kung sino ako, ang
mahalaga ay natangap niyo ang package na ipinadala ko sa inyo.
Kyro: (Sa kanyang lugar) Deretchohin mo na nga
ako, ano ba talaga ang gusto mong mang-yari at para saan ba talaga ang bagay na
ito?
Box Messenger: Kung makikita niyo ang flash drive na kasama
noong telepono, yun ang pinakang issue dito, walang kaso ang teleponong hawak
mo ngayon, dahil yan ang ang susi ko para kontakin kayo, gusto kong malaman
niyo na....yang flash drive na iyan ang makakapag-turo kung nasaan ang hide out
ng apocalypse dito sa pilipinas.
__________________________________________________
Ikinagulat
nila Kyro ang bagay na sinabi ng nilalang sa kanila.
Kyro: (Gulat) Ano totoo bang sinabi mo? (Hawak ang
flash drive)
Box Messenger: Totoo ang sinabi ko, nariyan lahat ng
information tungkol sa kanila, pamula sa mga balak nito dito sa bansa, at
maging ang dranixs ay sangkot sa kalakaran na ginagawa nila ngayon.
Nagulat muli
si Kyro at ang iba sa sinabi ng kausap nila sa telepono.
Kyro: Ang dranixs!
Kaiza: Kung ganon tama ka nga, may-kinalaman ang
mga yun sa kasong ito.
Box Messenger: (sa kanyang lugar) Kung ako sa inyo, hindi
na ako mag-aaksaya ng oras, dahil bukas na bukas sisimulan na nilang tapusin
ang deal, at kapag nang-yari yun. Katapusan na nating lahat.
Kyro: Ano!
Box Messenger: (Sa kanyang lugar) Opps, mukang malaki na
ang babayaran ko nito, paano ba iyan, good luck nalang sa inyo. Kayo nalang ang
bahalang rumesolba ng iba hah! Bye!
Pinutol na
ng lalaki ang kanyang pakikipag-usap kila kyro.
Kyro: Hello! Hello! Buwiset sino naman kaya ang
isang yun?
Kaiza: (hinawakan ang bilikat ni kyro) Kyro ang
mabuti pa dalhin natin sa HQ ang bagay na iyan, para mas mapag-handaan pa
natin, kung totoo nga ang sinasabi ng taong nag-padala nito. Baka yan na talaga
ang magiging susi natin laban sa apocalypse.
Kyro: Mabuti pa nga.
___________________________________________________________________
Sa ware
houses
HAHAHAHAHAHAHAHA
Halos
mapatawa nalang ang nilalang na nag-padala ng package kila kyro, at ang
nilalang na ito ay walang iba kung hindi si knives.
Knives: Magiging masaya ito, mukang mapapadali ang
trabaho ko dito....hahahahaha.
Ngunit ang
hindi alam ni knives ay merong isang maliit na bugging device, na nag-mamasid
sa kanya. At kanino naman kaya ang bagay na ito?
_________________________________________________________________
GINGA HQ
Pinulong ni
Kaiza at Kyro ang mga taong puwedeng makatulong sa kanila. Kasama dito sila
Gen. Ratio at Chief inspector. Marcus .
At dala nila
ang susi upang matapos ang kasong ito.
Gen. Ratio: Hindi ko inaasahan na merong mag-papadala sa
ating ng information na kagaya nito?
Chief Insp. Marcus: Tama ka, sa tingin mo kaiza, may kinalaman
kaya ang taong yun sa mga nang-yayari?
Kaiza: Hindi ko po sigurado, pero kung totoo nga
ang bagay na narito sa loob ng flash drive na ito, malaking tulong na ito para
mapabagsak natin ang mga miyembro ng organization na iyun.
Kyro: Kaiza, simulan na natin ito.
Kaiza: Oo.
Inabot ni
kaiza ang flash drive kay mei, at isinaksak ito sa isang computer.
Mei: Heto na.
Binuksan ni
mei ang file, mula sa holographic monitor, bumungad sa kanila ang
kahindik-hindik na pang-yayari sa loob ng kuta ng organization kung tawagin ay apocalypse.
Marina: Diyos ko po ano ang mga bagay na iyan?
Gen. Ratio: Hindi ako makapaniwala.
Chief Insp. Marcus: Mga tao pa ba ang gumagawa nito?
Bumungad sa
kanila ang mga kalunos-lunos na ginagawa ng mga miyembro ng apocalypse sa mga
tao, bilang isang test subject.
Kaiza: Mei, tingnan mo kung meron pang ibang files
sa loob.
Mei: Sige titingnan ko.
Sinubukan ni
mei na humanap ng iba pang files na puwede nilang magamit, at isang test video
subject ang kanilang nakita.
Mei: Heto na, mukang isang test subject video ito.
Kaiza: Sige tingnan mo.
Binuksan ni
Mei ang nasabing video file, at ang taong na nasabing video ay walang iba kung
hindi si Dr. Riley.
Dr. Riley: Day 1 sa unang-araw pinakabagong
experementong gagawin ko, mag-sisimula tayo mula sa isang ordinaryong tao sa
pagiging super natural, dito natin malalaman kung may kakayanan ba silang
maging sandata o hindi...kaya sisimulan ko na ang pag-sasa processo.
Lumapit si
Dr. Riley sa nasabing test subject, at isa itong kawawang lalaki na halos puno
ng sugat at latay sa katawan, kinuha siya ng mga tauhan ng doctor at inihiga
ito saka itinali ang mga paa at kamay.
Dr. Riley: Ito ang isa sa neuron bio toxin na ginawa
ko, makikita natin kung eepekto nga ang
bagay na ito sa isang taong kagaya
niya, at sa oras na gumana ito, isang kahindik-hindik na sandata ang lalabas.
Itinurok ng
doctor ang nasabing neuron bio toxin sa lalaki, at ilang sandali pa, ay tila na
ngisay ito at nag-pupumiglas sa kanyang hinihigaan.
Pero ilang
sandali lang ang lalaking tinurukan ng gamot ay hindi kinaya, bagkos ay na
ngitim ang katawan nito at nag-suka ito ng dugo, at maya-maya lang ay tuluyan
na siyang namatay at nalusaw na parang isang abo.
Tila
kinilabutan naman ang mga taong nasa loob ng briefing room.
Kyro: Hindi na makatao ito!
Marina: Napakasama nila, anong tingin nila sa mga
tao...isang daga na puwede nilang pag-ekperementohan?! Hindi ko sila
mapapatawad dito.
Nag-salita
muli si mei dahil meron pa siyang nakitang ilang mga files.
Mei: Sandali meron pa akong nakitang mahalagang information.
Kaiza: Sige tingnan natin.
Mei: Ang una ang kinaroroonan ng pinag-tataguan
ng mga apocalypse. Nasa point 24 ito sa may bandang manila area sa isang
abandonadong pier.
Ipinakita ni
mei ang larawan ng nasabing pier.
Kyro: Mukang hindi nga talaga mahahalata yan,
dahil sa sira na ito at nabubulok na ang lugar, magaling silang mag-hanap ng
mapag-tataguan, ate mei ano pa yung isa?
Sinabi ni
mei ang huling files na nakita niya.
Mei: Ang huli, mukang ito yung sinasabi ng
nag-padala sa atin ng flash drive na ito, balak ng apocalypse na pakawalan ang
isang neuron bio toxin mula sa buong kamaynilaan at karatig
bayan nito gamit
ang isang missile.
Ikinagulat
ng mga taong nasa loob ang sinabi ni mei.
Gen. Ratio: Ano!
Chief Insp. Marcus: At kapag nang-yari yun?
Marina: Malalagay sa buong alanganin ang siyudad, at
pamumugaran ito ng mga nilalang na yun. At magiging isang malaking quarantine
ang buong maynila.
Kaiza: Kung ganon ito ang plano nila, ang maging
sample ang mga taong nasa siyudad para sa kanilang mga ekperemento.
Gen. Ratio: Captain anong balak mo?
Kaiza: (tumingin kay kyro) may naiisip ako. At alam
kong magagawa natin ito kapag-nag tulong tulong tayo.
____________________________________________________________
Sa
labaratoryo nila Dr. Riley.
Abala ang
nasabing doctor sa kanyang isinasagawang pag-kakarga ng missile na puno ng
neuron bio toxin.
Dr. Riley: Malapit na. Ilang oras nalang ang nalalabi, gagawin
kong isang malaking quarantine ang buong kamaynilaan, at ditto lalabas ang mga
mababangis na sandata.
Mula sa
likuran ng doctor, lumapit ang tatlong nag-lalakihang nilalang na merong mga
matutulis at bakal na kamay, at tinawag niya itong.
Dr.Riley: Handa na ba kayo? Mga tankor!
____________________________________________________________
Kinabukasan
ipinatawag muli ni Kaiza ang mga taong puwede niyang makasama sa operation na
ito.
Ipinakita
niya ang mapa at ilang information tungkol sa gagawin nilang operation.
Kaiza: Makinig kayo, ito ang ating gagawin follow
up operation upang hulihin ang nasa litratong ito.
Ipinakita ni
Kaiza ang litrato ni Dr. Riley sa kanyang mga tauhan,
Kaiza: Siya si Dr. Laser Riley, siya ang
itinuturong utak ng lahat ng nang-yayaring ito sa pag-kalat ng nasabing bio
weapons, kailangan natin siyang mahuli ng buhay, upang mapag-kunan pa ng sapat
na information tungkol sa kanila.
Pag-katapos
mag-salita ni kaiza, si kyro naman ang nag-bigay ng kanyang salay-say sa plano
Kyro: Ito ang mapa ng gagawin natin sa operation,
nakakasiguro ako na hindi man halata, maraming bantay ang nasa paligid nito, si
Agent Asol ang bahala sa mga nasabing bantay gamit ang sniper sa hindi
kalayuan, at wag kayong mabahala, meron tayong back-up at mula ito sa itaas,
gagamitin ni ate mei ang isa sa mga chopper ng GINGA para i-monitor ang mga
pang-yayari sa ibaba, at kung mag-ka aberya tayo, siya ang bahala.
Kaiza: Kailangan ko ng cooperation sa bawat isa sa
inyo, hindi lang ang organization na ito ang kalaban natin, maaaring makasagupa
din natin ang dranixs dito, na kinakalaban ni detective anjelo sa ngayon, kung
meron pa kayong tanong sabihin niyo lang.
At habang
nag-tatanong si Kaiza mula sa kanyang mga kasamahan, siya namang pumasok ang
hindi inaasahang bisita.
*Ako! May
taong ako*
Ikinagulat
ni kaiza ang pag-pasok ng isang matalik na kaibigan, at walang iba kung hindi
si Andrew.
Kaiza: Andrew? Teka anong ginagawa mo dito?
Kasama rin
ni andrew si tina.
Tina: Pasensiya na kaiza, hindi siya nag-papaawat
eh? Noong malaman niya ang tungkol sa information na hawak niyo, nag-pumilit
siyang maka alis sa ward niya para lang makasama sa operationg na gagawin niyo.
Andrew: Hindi ko mapapatawad ang ginawa ng dranixs
sa tauhan ko, ng marinig kong may kinalaman sila hindi na ako nag-aksaya ng
panahon para lang mag-pagaling sa mga
sugat na ito. Kaiza nakikiusap ako sayo, gusto kong iligtas ang mga kasamahan
ko, gusto kong malaman kung maayos lang sila. Dahil hindi ko mapapatawad ang
sarili ko kapag may nang-yari nanaman sa mga tauhan ko!
Tinapik
naman ni Kaiza ang braso ng kaibigan.
Kaiza: Naiintindihan kita, mahalaga sayo ang mga
tauhan mo, pero sana mag-iingat ka sa operation na ito, dahil hindi magiging
madali ang lahat.
Andrew: Naiintindihan ko. Sanay nanaman ako sa mga ganito.
Kaiza: (tumingin kay tina) Tina samahan mo nalang
si Mei para maging co-pilot niya sa GINGA vulture. Maasahan ko ang ability mo
sa pag-papalipad ng chopper.
Mei: Teka parang wala kang tiwala sa misis mo ah,
pero sige kakailanganin ko nga ng isang magaling na co-pilot, payag ka ba tina?
Tina: Oo naman. Maasahan mo ako Mrs. Anjelo.
Tila naman
na out of place ang dalawa nila Kyro at marina, dahil sa nakikita nila ang
unang batch ng mga special police na lumaban noon sa kasamaan ng kyujuu.
Kyro: Mukang na out of place na tayo dito ah.
Marina: Oo nga, ang unang batch ng mga special
police, ay nag-sama sama ngayon sa unang pag-kakataon.
Kyro: Pero hindi naman tayo mag-papatalo sa
kanila...diba partner?
Marina: Oo naman, dahil palabas natin ito.
Ngunit
habang nag-uusap ang dalawang mag-partner ay hindi nila namamalayan na
nakikinig sa kanilang bandang likuran si clyde, na tila ata merong binabalak na
sumama sa gagawin nilang operation.
Clyde: Ganon pala hah? Puwes hindi ko hahayaan na
kayo lang ang lalabas sa nang-yayaring kasiyahan na ito.
Nag-salita
muli si Kaiza.
Kaiza: Ok sa loob ng 15 minutes aalis na tayo, at
pipigilan natin ang binabalak ng mga ka-away! Humanda na kayo sa isang laban
para sa kaligtasan ng lahat!
ROGER!
Nag-sipag
handa na ang mga tauhan ng GINGA para tugisin ang organization apocalypse,
kasama sila Kyro at Marina magawa na kaya nilantg matuklasan ang mysterio sa
kasong ito?
Case
Continued.