All the characters in this series
have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no
relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention
Ang nakaraan
sa Special Detective Gunver
Isa-isang
binibiktima ng isang negative ang mga kasapi ng isang party list group, dahil
ito sa utos ni primo. Si Kyro at Marina ay na-atasan para imbestigahan ang
nang-yayari, ngunit hindi rin nila inaasahan na makikielam sila Knives at
Levaiton.
At habang
nakikipag-laban sila dito, tila nabunyag ang tunay na katauhan ni Levaiton
dahil ito sa ginawang pag-basag ni Gunver sa kanyang mascara. Na siyang
ikinagulat ni marina
Marina: (Umiiyak) Hindi ako maaring
mag-kamali...hindi puwede...Liam
GINGA
isang organizationg binubuo ng mga dalubhasa at mga kakaibang antas ng
kapulisan.Sila ang nag papanatili at kaayusan ng sangkatauhan...at kung saan
may nag babadyang panganid dumarating sila para ilagtas ang walang laban at
sila ang tinatawag na mga Special Police
Case 22: Ang dahilan para lumaban
GINGA Cafe
Kinagabihan
noong matapos ang operation nila Kyro at Marina sa Field
*TOK-TOK-TOK*
Mei: Marina! Buksan mo ang pinto! Marina!
Kinakatok ni
Mei ang pintuan ng kuwarto ni Marina, dahil balisa ito ng dumating sa kanila
Mei: Kyro ano bang nang-yari? Sabihin mo may
ginawa ka nanamang ba?!
Kyro: Wala akong ginagawa ate mei...
Mei: Hindi ko maintindihan ang batang ito...hindi
naman siya ganyan kapag-may problema siya, Marina buksan mo na ito...sabihin mo
sa akin kung anong problema!!
Kyro:Sa tingin ko may kinalama ang nang-yaring
laban kanina.noong aatakehin ko na si Levaiton para tapusin na ito, biglang
humarang si marina...at tila gulat na gulat siya...at pag-katapos noon patuloy
niyang binabangit ang pangalang “Liam”...ate mei sino ba talaga ito? At parang
ang laking epekto nito kay Marina.
Tila
nag-aalangan si Mei na sabihin niya ang totoo sa nakaraan ni Marina, ngunit
naka pag-pasiya ito na sabihin narin niya sa kanyang kapatid
Mei: Mukang wala na akong magagawa...sumunod ka
sa akin
Umalis sila
Mei sa harapan ng pintuan ni Marina at nag-tungo sila sa Underground base
_______________________________________________________
Sa loob ng
kuwarto ni Marina. Patuloy parin ang pag-luha niya
Marina: (Umiiyak) Kasinungalingan....hindi ito totoo
Nasa isip
parin niya kasi ang imahe sa likod ng maskara ni Levaiton, at na-aalala niya
ang nang-yari sa lalaking si Liam dalawang taon na ang nakakaraan
Marina: (Umiiyak) Liam
Umiiyak si
marina habang hawak ang litrato nila ni Liam na mag-kasama ___________________________________________________________
Samantala
nag-babantay naman ang ilang tauhan ng Elite Task Force ng GINGA kasama ang
ilang tauhan ng Special Investigation unit sa isa mga target ng negative
Ngunit sa
hindi kalayuan, dumating ang negative na si Bloodsuck upang isa-gawa ang
kanyang misyon na patayin ang isa sa mga representative
Bloodsuck: Hmmmmpp...mukang hindi magiging madali ito,
pero
Ilang
sandali pa ay nag-bago ng anyo si Bloodsuck bilang anyong paniki at ibinuka
nito ang kanyang pak-pak
Bloodsuck: Hindi ko puwedeng palampasin ang isang
masarap na panang-hapunan!!
Biglang
lumipad si Bloodsuck at nag-tungo ito sa kanyang target
_____________________________________________________________
Kinuwento ni
Mei ang nang-yari kay Marina dalawang taon na ang nakakaraan...kinuha muna nito
ang isang larawan na kagaya na meron si Marina at ipinakita nito kay Kyro
Kyro: Teka...ito yung larawang nakita ko sa
document files ko, so ito pala si Liam? Kasapi ba siya sa GINGA?
Mei: Dalawang taon na ang nakakaraan...isang
operation ang ginawa ko kasama si Marina at Liam Henderson sa bansang Russia,
kung saan hinahabol namin ang isang groupo na nag-babalak mag-kalat ng isang
toxin virus sa buong mundo.
Mga rookie
palang sila na ipinaubaya sa akin...talentado, matalino, at higit sa lahat
mapag-kumbaba si Liam...samantalang si marina seryoso at bibihira mo itong
makitang ngumiti...ngunit sa pag-daan ng panahon,unting-unting nabago nito ang
buhay na seryoso ni Marina...dahil sa kakaibang karisma nito
Kyro: So ibig sabihin
Mei: Tama ang iniisip mo...si Liam Henderson ay
kasintahan noon ni Marina, kaya siya nag-kakagayan dahil sa hindi siya
makapaniwala na matay ang kanyang nobyo sa harap niya mismo, sa kalagitnaan ng
misyon namin noon. Nag-sakripisyo siya para lang ma-iligtas kami sa mga
kalaban...kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano siya sumabog dahil isang
RPG na tumama sa kanya noon.
At dahil sa
mga nang-yari nawala na ng tuluyan ang ngiti ni Marina. At itinuon nalang niya
ang buong atensiyon sa trabaho
So Narinig
mo na ang ilang bahagi ng kuwento ng buhay niya? Anong masasabi mo?
Tila Hindi
naman maka-paniwala si Kyro sa kanyang mga naka-rinig, at nag-salita ito
Kyro: Hindi ko alam...Hindi ko alam ate mei, gusto
kong maki-simpatiya sa mga nararamdaman niya ngayon, ayaw ko siyang nakikitang
nasasaktan....bilang partner niya obligation ko na protektahan ang mga
nararamdaman niya.
Na-alala ni
Kyro ng unang beses niyang nakitang ngumiti si Marina
Kyro: Ngayon may dahilan na ako para lumaban ng
seryoso...Lalaban ako para protektahan ang ngiting yun, ang ngiting
nag-papabago ng lahat ng sama sa mundo, hindi ko na ito hahayaan pang mawala!
Parang-kakaibang
kyro naman ang nakita ni Mei, dahil madalas nitong sabihin ay puro’s
kawalang-hiyaan at kabastusan, ngayon ay nakita niyang nag-matured ng konti si
Kyro
Ngunit ang
hindi alam nila Mei at Kyro ay nakikinig si Marina sa likuran, at patuloy parin
itong na-papaiyak
Mei: (Sa sarili) Hay habang tumatagal nagi-ging
mas matured na ang batang ito kesa noong una siyang tumapak sa GINGA, hanggang
saan kaya ang mararating ng batang ito malampasan
pa kaya niya ang ginawa ng
kapatid niya sa hinaharap?!
Habang
patuloy ang pag-uusap siya namang
pumasok si Marion mula sa Command room dala ang isang balita
Marion: Malaking Problema!
Kyro: Marion ano yun?!
Marion: Tumawag sa akin si Ate tina, inatake ang isa
sa mga representative ng party list, mag-madali na kayo bago pa mahuli ang lahat!!
Kyro: Ano! ...sige naiintindihan ko! Ate mei ikaw
na muna bahala kay marina
Akmang aalis
si Kyro para puntahan ang nasabing lugar, ngunit may biglang na-alala si Marion
na dapat ibibigay niya
Marion: Sandali lang Kyro!!
Kyro: Bakit?!
Inilabas ni
Marion ang dalawang SD card at ibinigay niya ito kay Kyro
Marion: Yan ang SD Drill at Chain Hook! Maga-gamit
mo yan sa labang ito...
Kyro: Maraming salamat!!
Kaagad
umalis si Kyro at sumakay sa kanyang Gun Cycle
Naka-masid
naman si Marina sa papaalis na si Kyro mula sa bintana
_______________________________________________________
Sa isang
subdivision sa Mandaluyong
Nag-karoon
ng isang engkuwentro sa pagitan ng GINGA at sa pagitan ng nag-iisang negative
na si Bloodsuck
Halos
nalagasan na ang ilang tauhan ng elite task force dahil sa lakas at bilis ni
Bloodsuck
BRATATATATATATATATA
GINGA POLICE1: Agent Shen! Hindi na kakayanin ng mga
natitirang tauhan natin ang lakas ng Negative na ito? Paparating na ba ang back-up?
Tina: Konting tiis nalang...tumawag mula sa GINGA
Underground base, paparating na si Gunver para tulungan tayo!!!
Bloodsuck: Masyado niyo na akong inaabala sa hapunan
ko!!! humanda kayo sa kaparusahan niyo!!!
Nag-pakawala
ng isang malakas na sonic wave si Bloodsuck at ito ang dahilan sa pag-kabasag
ng salamin at pag-katumba ng ilang elite task force
Dahil sa
lakas ng ingay ay halos nag-dudugo na ang mga tenga ng mga pulis na naroon
Tina: AAAAAAAHHHHHHHH!!
Habang
patuloy ang pag-gawa ng nakakabinging ingay ang negative, siya namang dumating
si Kyro sakay ng kanyang Gun Cycle at binanga niya si bloodsuck at tumalsik sa
isang sasakyan
BBBBBBBBAAAAAAAAAAGGGGG
Doon lang
natigil ang ingay sa pag-dating ni Kyro, at ang ilang tauhan ng GINGA ay na
iligtas
Bloodsuck: Ikaw!?
Kyro: Tina ayos lang ba kayo?!
Tina: Salamat naman at dumating ka, malaking
perhisyo na ang ginagawa sa amin ng paniking yan
Kyro: Mukang na mumuro ka na nga, sige na ilayo
niyo na ang target dito, ako na ang bahala sa kanya!
Tina: Naiintindihan ko! Men follow me!
Kaagad
sumunod ang ilang tauhan ng elite task force kay tina. At naiwan naman sila
Kyro at ang negative na si Bloodsuck sa gitna ng battle site
Bloodsuck: Hindi ka talaga na-dadala, sa tingin mo ba
magagawa mo akong talunin!
Inilabas ni
Kyro ang kanyang Gundriver
Kyro: Hindi natin malalaman kung hindi pa natin
susubukan...humanda ka na at aarestuhin na kita!
Gun Driver Female Voice: DNA SCAN complete!
Kyro: Gun Changer!!!
pag-ka
kalabit ni kyro ng gatilyo, siya namang nag-bago ng anyo ito bilang si Gunver
Gunver: Humanda ka ngayon!!
Inatake ni
Gunver si Bloodsuck gamit ang husay niya sa Mix Martial Arts, mag-kakabilang
suntok at sipa ang ginawa niya.pero nasasalag lang ito ng negative at nag-bigay
siya ng sonic wave na siyang ikinatalsik ng detective
Naka-back
flit naman si Gunver at naka-bagsak din ng maayos
Gunver: Buwiset! Nakaka-bingi yang ginawa mo!
Patatamihimikin na kita bago pa mabasag ang eardrum ko sayo!!
Mula sa
kanyang Side pocket kinuha ni Gunver ang SD card na ibinigay sa kanya ni Marion
kanina
Gun Driver Female Voice: SD Memory In! Armor Changing-Drill!
Nag-bago ang
kanang braso ni Gunver sa pagiging Drill Arm
Muling
umatake si Gunver ng buong tapang sa kanyang kalaban gamit ang pinaka-bago
niyang Drill Arm
____________________________________________________________
Samantala
balik sa GINGA cafe
Pinapanuod
nila Mei at Marion ang kasalukuyang pakiki-pag laban ni Gunver sa Negative
Mei: Mukang hindi nag-papatalo ngayon si Kyro...
sa negative na ito
Marion: Sa tingin ko nga, mukang malaking tulong ang
naibigay ng mga bagong SD Card sa kanya...sana naman matalo na niya ng tuluyan
ang halimaw nayan para matapos na ang kasong ito!
Habang
patuloy ang panunuod nila, ay laking gulat naman nila na biglang bumukad-kad
ang pak-pak ni Bloodsuck, at inatake niya ng buong tapang ang batang detective
Tila
na-bahala naman sila Mei at Marion, dahil muling lumalamang ang kalaban
Mei: Nako hindi! Kyro!
Sabay labas
naman si Marina dahil tila na tatalo ang kanyang partner sa laban
Mei: Marina?!
Marina: Sira ulo!
Mei: Eh? Anong sina-sabi mo?
Marina: Yan ba ang gustong protektahan ang bawat
ngiti ng tao! Kung mag-papatalo karin lang sa paniking yan...mabuti pang wag ka
ng mag-pakita dito lalong-lalo na sa akin!!
Tila
naguguluhan naman sila Mei at Marion sa sinasabi ni Marina, at pag-katapos
niyang sabihin ang mga bagay na ito ay nag-pasiya siyang umalis para puntahan
ang kanyang partner
Marion: Sandali saan ka naman pupunta?!
Marina: Tuturuan ko lang kung paano lumaban ang
lalaking yan,
Kaagad
sumakay si Marina sa Gun Racer at nag-punta na ito sa lugar kung nasaan si Kyro
___________________________________________________________
SLASH!!!
AAAARRRRHHHH
Tumalsik si
Gunver dahil sa lakas ng kalmot na ginawa ni Bloodsuck
Bloodsuck: Ano kaya mo pa ba hah! Detective
Gunver: Tumahimik ka! Ngayon palang ako nag-sisimula!
Tumayo muli
si Gunver at sa pag-kakataong ito ay inipon niya ang buong enerhiya niya
Gunver: Tapos ka ngayon! Gun Driller Punch!!!
Uamatake si
Gunver pasulong gamit ang kanyang Drill arm akma namang iiwasan ito ng kalaban
pero huli na dahil sa mas-naging agresibo ang detective sa pag-kakataong ito
GGGGGRRRRIIIINNNDDD
AAAAHHHHH
Dahil doon
lubhang na sugatan ang Negative
Bloodsuck: Ikaw! Pag-babayaran mo ang ginawa mong ito!
Muling
bumukad-kad ang pak-pak ni Bloodsuck at lumipad ito papalayo sa battlefield
Gunver: Hindi ka makakatakas!! (Tumingin sa kanyang
Gun Cycle)
Kaagad
sumakay si Gunver sa kanyang Gun cycle at hinabol niya ang Negative
Sa kahabaan
ng Shaw Blvd Highway naki-pag habulan si Gunver
sa kanyang hinuhuling kriminal
Maraming
nagulat sa nang-yayari na akala mo ay merong isang pelikulang kinukunan, ngunit
hindi alintala ng mga tao ang panganib na nang-yayaring habulan sa pagitan ng
detective at ng negative
Gunver: Makulit kang paniki ka hah!
Habang
lumilipad si Bloodsuck ay nag-pakawala ito ng sonic wave, pero iniwasan ito ni
Gunver at tinamaan naman ang ilang sasakyan
BOOOOOMMMMM
Gunver: Sakit ka na sa ulo!
Maya-maya pa
ay tumawag si Marion mula sa GINGA Cafe, at sinabihan niya ito sa isang bagay
Marion: (Sa kabilang linya) Kyro!
Gunver: Marion ano yun?!
Marion: (Sa Lugar niya) Makinig ka mabuti sa
sasabihin ko! gamitin mo ang Winged mode ng Gun Cycle, pag-katapos noon hulihin
mo siya sa pamamagitan ng SD card na Chain Hooked, doon may-pag-asa kang
talunin siya sa ere! Heto na ilalagay ko na ang data mula sa Gun Cycle para sa
winged mode
Gunver: Nakuha ko! salamat!!
Ilang-sandali
pa ay dumating na ang data at naka-handa na ang Gun Cycle para sa winged mode!
Gunver: Heto na! Gun Cycle Winged Mode!!
Kaagad
nag-bago ng anyo ang Motorsiklo ni Gunver mula sa pagiging pang-lupa ay naging
pang-ere ito, at dahil doon naging patas na ang habulan
Gulat naman
si Bloodsuck sa kanyang nakita, maging ang mga tao na naka-sakay sa MRT at
nag-aabang ng tren ay nakita ang pang-yayaring ito
Bloodsuck: Nakaka-asar ka na!!!
Nag-pakawala
muli ng sonic wave si Bloodsuck pero iniwasan muli ito ni Gunver
Gunver: Sobra ka na! Tapusin na natin ito!!
Muling
nag-labas si Gunver ng isang SD card at ito na ang chain hooked,
*SD MEMORY
IN! Amor Change Chain Hooked! *
Nag-bago ang
kaliwang wrist armor ni Gunver at naging chain hooked
Gunver: Huhulihin na kita!!
pinindot ni
Gunver ang isang button at humaba ang kadena nito mula sa kanyang braso, ngunit
sa unang subok ay hindi nito nagawang mahuli si Bloodsuck
Bloodsuck: Ha Ha Ha! Hindi mo ako magagawang mahuli
kahit anong gawin mo!
Gunver: Ganon pala hah! Tingnan natin
Ginamit ni
Gunver ang auto self drive ng kanyang Gun Cycle at binunot niya ang kanyang Gun
Driver at nag-bago ito ng Bala
Gunver: Electric Bullet!
Nag-pakawala
ito ng electrical bullet at nagawa niyang matamaan si Bloodsuck,
AAAAAAAAHHHHHHHHH
Gunver: Ayos! Pag-kakataun ko na!
Dahil sa
ginawang pag-atake ni Gunver ay bumagsak sa ere si Bloodsuck ng pa-uti-uti at
doon ginamit ni Gunver ang Chain Hooked upang hulihin ito
Nag-tagumpay
siyang hulihin ang Negative sa pamamagitan ng bago niyang SD card, at maya-maya
pa ay unti-unting bumaba si Gunver sa isang Factory Site at nilapitan kaagad
niya ang kanyang na-arestong Negative
Gunver: (Nag-labas ng posas) Ngayon arestado
kana----!
Ngunit
biglang
BBBBBBBOOOOOOOMMMMMSSSS
AAAARRRRRRGGGGGHHHHHHH
AAAARRRRRRGGGGGHHHHHHH
Biglang
merong isang pam-pasabog ang tumama kay Bloodsuck na siyang ikinamatay nito, at
ang detective na si Gunver ay tumalsik sa isang pader dahil sa lakas ng
pag-sabog
Gunver: (Lubhang nasaktan) H-Hindi! Ang negative!
Sino ang may gawa nito!
*Humanda ka
ngayon Detective Anjelo! Ito na ang magiging huling hininga mo dito sa mundo!!!
*
Pag-lingon
ni Gunver sa bandang kaliwa niya ay nakita niya si Levaiton na papalapit sa
kanya na merong hawak na isang Bazooka, at nakahanda na itong ipatama sa kanya
Levaiton: Mag-paalam ka na!!!
ZZZZZOOOOOOOOMMMMM
Itinira na
ni Levaiton ang bala ng bazooka para kay Gunver ngunit mabilis na naka-tayo ito
pero bahagya din siyang natamaan ng impact ng pag-sabog dahilan kung bakit
nabasag ang kalahati ng Maskara ng kanyang Helmet
BOOOOOOMMMMMSSSSS
AAAAAAHHHHH
AAAAAAHHHHH
Levaiton: Tch!
Gunver: Asar...bumababa ang armor capability ko,
mukang desperado siya na tapusin ako dito
Levaiton: Kung hindi kita madadaan dito, mabuti pang
tapusin kita sa paraang mas-magaling ako!! YAAAAAAAAHHHHHHHH
Muling
umatake si Levaiton kay Gunver, ngunit sa pag-kakataong ito ginamit na niya ang
husay sa Aikido, at naki-pag mano-mano siya sa Detective
Puro defensa
lang ang ginagawa ni Gunver dahil sa marami na siyang pinsalang natamo buhat ng
pakikipag-laban niya kay Bloodsuck
Levaiton: Ano puro defensa na lang ba ang gagawin mo!?
Mag-kakasunod
na suntok at sipa ang ginawa ni Levaiton kay Gunver, dahil doon halos na hilo
ang Detective, at sumunod ay inipon lahat ni Levaiton ang kanyang enerhiya mula
sa kanyang kamao at sinuntok niya ang dib-dib ni Gunver ng malakas at tumalsik
ito sa isang pader at nawasak ito.
BBBBBBBBBBBOOOOOOGGGGGG
AAAAAAHHHH
Levaiton: (Unting-unti na lumapit kay Gunver) Wala
kang kuwenta, anong dahilan mo kung bakit ka lumalaban?! Sabihin mo! Bakit
patuloy ka paring tumatayo kahit na wala kang dahilan!!! Kaming mga Dranixs,
lumalaban kami para sa kinabukasan ng aming lahi. Para sa bagong mundong
pinanagrap ng bawat isa sa amin! Ikaw anong pinag-lalaban mo! ANO!!
Kahit na hihirapan na ay unti-unting tumayo si Gunver at sinabi niya ang isang bagay kung anong dahilan niya para lumaban
Gunver: (Nahihirapan) Simple lang ang sagot
ko....Lumalaban ako para protektahan ang...bawat ngiti ng mga tao dito!
Levaiton: Anong sabi mo!?
Gunver: Hindi mo ako maiintindihan dahil kahit
kailang walang ngiting lumalabas diyan sa mga labi mo, sa bawat ngiti ng tao ay
katumbas nito ay kaligayahan na tila ba wala ng problemang darating, itong
mabisang sandata namin para kalimutan ang kahit anong lunkot at hinanakit sa
sarili...ang ngiting yun, ang ngiting yun na ang pinaka-magandang na nakita ko
sa lahat....kaya pro-protektahan ko ang ngiting yun kahit na buhay ko pa ang
kapalit!!!!
Levaiton: Mukang nababaliw ka na nga! Yun ang dahilan
mo para lumaban, ang protektahan ang isang ngiti!? Hahahahahahahaha kung ganon
wala ka ngang kuwenta!!
Biglang
bumunot si Levaiton ng isang Hand Pistol mula sa kanyang Leg Armor at akma
niyang ipuputok ito kay Gunver
Levaiton: Mag-paalam ka na!!
BBBBBAAAAANNNNNNGGGG
Ipinutok ni
Levaiton ang kanyang Baril derekta kay Gunver ngunit ilang sandali lang ay
BBBBBRRRRRRUUUUUMMMMM
Biglang
nawasak ang pintuan ng Factory at dumating ang Gun Racer, at hinarangan nito si
Gunver, imbes na siya ang tamaan ng bala ay ang sasakyan na bagong datin ang
sumalo nito. Kaagad bumaba si Marina at kinumusta nito ang lagay ng kanyang
Partner
Marina: Kyro! Kyro ayos ka lang?!
Gunver: (Lubhang nasaktan) Ayos lang ako, ang galing
ng tayming mo! He He He
Marina: Mag-pahinga ka muna dito, ako na ang bahala
sa kanya
Isinandal ni
Marina si Gunver sa likuran ng sasakyan nila at kaagad siyang tumayo para
harapin si Levaiton
Levaiton: Kung ganon, nag-pakita ka narin sa akin
Agent Asol!
Marina: Sabihin mo! Ikaw ba talaga si liam?! Sagutin
mo ako! Tangalin mo ang maskarang
bumabalot sa mukang yan...at harapin mo ako
mata sa mata
Levaiton:
Bueno sige pag-bibigyan kita!!!
Tinangal ni
Levaiton ang kanyang maskara, at laking gulat niya ng makita ang nasa likod
nito
Marina: (Gulat) Hindi maaari!!
Levaiton: Ano nagulat ka ba?!
Ang nilalang
na nasa likod ng maskara ni Levaiton ay walang iba kung hindi ang dating
kasintahan ni Marina na si...Liam Henderson
Levaiton: Matagal na akong nag-tatago sa anino ng
mukang ito, ang pangalang Liam Henderson ay matagal ng wala dito!!!
Tila hindi
maka-pag pigil si Marina sa kanyang nararamdaman, mag-kahalong galit at inis
ang dumadaloy sa buong emotion niya ngayon
Marina: Hindi kita mapapatawad sa pag-sira sa
ala-ala ng taong mahalaga sa akin!!! Humanda ka pag-babayaran mo ng malaki ang
pag-tapak sa kanyang pag-katao!!!!
Binunot ni
Marina ang dalawang Driver niya at nag-bago ng anyo bilang si Zhapyra, at dahil
sa galit niya walang ano-anu ay sinugod niya si Levaiton gamit din ang husay
niya sa Aikido
Nag-palitan
sila ng matitinding sipa at suntok, na halos parehas lang sila ng galaw, walang
nag patalo sa kanila sa galing at husay
Isang suntok
ang natamo ni Levaiton sa sikmura na lubha niyang kinasaktan. Samantalang isang
malakas na sipa ang natangap ni Zhapyra sa kanyang dib-dib na ikinatalsik niya
Zhapyra:
Ahhhhh!!
Gunver: Marina!!!
Binuo ni
Zhapyra ang kanyang Driver para lumabas ang Trail Blaster , at ganon din si
Levaiton kinuha niya ang kanyang Hand Pistol at inipon niya ang enerhiya nito
Zhaypra: Humanda ka!!!
Levaiton: Mag-paalam kana!!!
Sabay
pinakawalan ng dalawa ang kanilang mga huling atake, at nag-salubong ito, at
dahil doon naka buo ng isang malaking shock wave ang parehong puwersa, tumalsik
si Zhapyra sa isang pader, at samantalang si Levaiton naman ay lubhang nasira
ang baluti, dahil naging mas lamang ang atake na ginawa ng babaeng agent sa
kanya
Tumayo naman
si Gunver at pinuntahan niya ang bumagsak na partner
Gunver: Marina ayos ka lang ba!?
Zhapyra: A-ayos lang ako, medyo nahirapan lang ako sa
kanya ng bahagya
Gunver: Mabuti naman, sandali lang mukang ito na ang
pag-kakataon natin para arestohin si
Levaiton. Dito ka nalang muna
Inilabas ni
Gunver ang kanyang posas at lumapit siya kay Levaiton
Gunver: Levaiton, arestado ka ngayon---
BBBBLLLLAAASSSSTTT
AAAHHHHHHH
Hindi
nagawang maka lapit ni Gunver mula kay Levaiton dahil sa isang malakas na shock
wave ang bumulaga sa kanya, at kagagawan ito ng bagong dating na si
Levaiton: Master Quinta...Master Tersera!!
Gunver: Anong sino naman sila?!
Tersera: Hay!!!
Quinta: Masyado kang naging agresibo Levaiton, ang
mabuti pa umatras ka muna.... (Tumingin kay Gunver) Gunver tandaan mo ang araw
na ito, kami ang Big Five Dranixs...sa pag-kakataon na ito makikita mo na ang
lakas ng isang tunay na Evolving Species...tersera kunin mo na siya!
Tersera: Hay! Sa susunod mag-ingat ka na Levaiton,
Ikaw Mister Detective mag-kikita pa tayo, gusto kong iparinig sayo ang
magandang boses na ibinigay sa akin ng panginoon
Kaagad
dinampot ni Tersera si Levaiton at nawala ang mga ito gamit ang teleportation
Gunver: Sandali!!!! Eerrrrhhh
Dahil sa
pinsalang natamo niya, bumalik si Gunver sa dati niyang anyo bilang si Kyro
Marina: Big Five Dranixs?
Kyro: Kung ganon sila commander ng mga Evolving
Species?
Nag-pakita
na kila Kyro ang tunay nilang kalaban, ang mga heneral ng naturang groupong
Dranixs. Samantala nagawang matalo ni Zhapyra si Levaiton dahil sa kakaibang
tapang na ipinakia niya sa laban
Ano kaya ang
susunod na hakbang ng Dranixs para ma isakatuparan ang kanilang mga plano, upang
baguhin ang mundo
Case Continued....