Saturday, April 25, 2015

Case 17: Mud Killer





All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention 

Ang nakaraan sa special detective gunver......

Isinilang na ang pinaka bagong special detective na si zhapyra sa katauhan ni marina, at dahil sa kanyang aking abilidad, nagawa nilang matalo ang isa sa mga pinadala ni levaiton na negative, ngunit dito palang nag-sisismula ang totoong laban sa kasagutan.
_________________________________________________________

Sa isang lugar sa probinsiya Subic. 

Isang nilalang ang nasa gitna ng dilim at tila meron itong ginagawa. May hawak ito na isang pala na tila meron itong tinatabunan.

Nilalang: Ito na ang pang-sampu sa mga biktima ko ngayun linggo.Bwahahaha.

Tila nakakapangilabot ang pag-tawa ng nilalang. At maya-maya ay pa isang katawan ng babae ang kanyang inilagay sa hukay.

Nilalang: Paalam na!

Ilang sandali pa ay meron lumabas na kakaibang bagay sa kanyang mga kamay. At ito ay isang putik. At mabilis  niyang tinabunan ang bangkay ng babae habang ito ay tumatawa.

Nilalang: Hahahahahahaha! Hahahahahahahaha!




Case 17: Mud Killer  

GINGA HQ

Kasalukuyang nag-sasanay ngayun si Marina at Kyro gamit ang kanilang mga Driver, at nag-laban sila ng mano-mano.

Gunver: Humanda ka marina! Heto na ako yaaaahhhh!

Nag-sasanay ngayun ang dalawa para mas-maging bihasa pa si Marina sa pag-gamit ng kapangyarihan ng Driver.

Pa-atake palang si Gunver ng biglang lumipad si Zhapyra pa-itaas.

Gunver: Anong!                        

At pag-katapos sabay nitong sinipa si Gunver at tumalsik ito . Akma namang aatake muli si Zhapyra sa kanyang partner, pero bigla namang tumayo kaagad si Gunver at inunahan na nito ang babaeng partner. Gamit ang kanyang Gun Dagger, pero naka-tutok din ang Zhapya Drive ni Zhapyra sa katawan ni Gunver.

*Training Simulation is over*

Ito ang sabi ng Radio Voice ng silid, at ilang sandali pa pumasok sila Mei at Marion sa loob ng simulation room para kumustahin ang dalawa. Bumalik naman sila sa dati nilang anyo bilang si Kyro at Marina.

Marion: Ok eto na muna sa ngayun!

Mei: Magaling ang ipinakita niyo Marina! Kyro...lalo kana marina sa nakikita ko mabilis mong natutunan ang pag-gamit  ng kapangyarihan ng driver na iyan. Pag-butihan mo pa.

Marina: Salamat po! Sisiguraduhin ko po sa inyo na...mas magiging mahusay papo ako kesa kay kyro. 

Kyro: Anong sabi mo? Ulitin mo nga! Hahahahaha kahit saan tingnan second hero ka lang , at ako ang main hero dito! HAH kahit na mag-sama pa kayo ni Snider ako parin ang mas-angat sa inyo! 

Marina: Hay nako...siguro nga marami pa akong kailangan matutunan! Pero ito lang ang pag-kakatandaan mo! Balang araw ako na ang masusunod sa lahat. Kaya lubus-lubusin mo na ang pagiging "Main Hero" mo kyro.

Kyro: Ano!?---

*Buti Naman at narito kayong lahat*

Sasabat pa sana si Kyro ng biglang dumating si Chief Inspector Marcus kasama si Tina.

Mei: Papa!

Marion: (Sumaludo) Sir!

Sabay naman sumaludo sila Marina at Kyro.

Kyro: Aba narito pala ang babaeng amazona na merong bondieng buhok! Tina kumusta na?

PPPPAAAAAAAAKKKK

Isang malakas na sapak ang ibinigay ni Tina kay Kyro dahil sa pang-aasar nito.

Tina: Tigilan mo na ako diyan!

Kyro: Aray naman!?

Mei: Papa ano ang kailangan mo ngayun?

Chief Insp. Marcus: D-Deretsohin ko na kayo, Detective Anjelo, At Agent Asol... isang krimen ngayun ang nang-yayari sa subic zambales, kakaibang uri ng pag-patay ang ginagawa ng salarin...heto kunin niyo.

Ibinigay ni Chief Insp. Marcus ang isang Flash Drive, at dito nakalagay ang buong impormation sa kasong hahawakan nila ngayun

Chief Insp.Marcus: Pumunta na kayo ngayun! Diyan niyo malalaman ang ibang coordinates tungkol sa kasong ito, malakas ang hinala ko na isang negative ang nasa likod ng krimen na ito. At wag kayong mag-alala merong taong aalalay sa inyo pag-dating niyo doon. 

Kyro: Naiintindihan po naming…tayo na marina.

Marina: Oo.

Kaagad nag-handa sila Marina at Kyro patungo sa kanilang gagawing imbestigasyon.
_____________________________________________________________

Sakay ng Gun Trailer, nag-biyahe sila Marina at Kyro patungo sa probinsiya na sinasabing, merong nagaganap na kakaibang patayan doon.

Gamit ang computer, tiningnan nila ang Intel sa flash drive na ibinigay sa kanila ni Chief Insp.Marcus.

Marina: Tingnan natin kung ano ang meron dito.

Pag-bukas palang ni Marina sa Files ay kaagad ng lambot ang katawan nito sa mga nakita niya.

Marina: Anong!?

Kyro: Teka anong problema.... (tiningna ang monitor ng computer) Anong!

Nakita nila ang mga larawan ng mga biktima na halos wala ng mata, at balot ang putik ang katawan, at ipinakita rin dito ang pag-aautopsy sa katawan ng bawat biktima ay wala ng mga lamang-loob kung hindi puro putik na lang ang laman.

Marina: Sa buong buhay ko ngayun lang ako nasuka ng ganito, grabe mas-malala pa ata ito kay Scalpel!

Kyro: Mukang isang negative nga ang may kagagawan ng lahat ng ito. 

__________________________________________________________ 

Samantala sa isang tagong lugar, isang nilalang ang tila abala sa kanyang ginagawa. At ito ay ang pag-huhulma ng isang bagay mula sa putik.

Nilalang:  Malapit na! Malapit ka na muling mabuo...konting panahon nalang, mag-kakasama na muli tayo. 
___________________________________________________________

Makalipas ang ilang Oras na pag-bibiyahe nila Kyro at Marina. Nakarating na sila sa probinsiya ng Subic. At sinalubong sila ng dalawang Detective na sila Inspector James Aguilar, at Inspector Ryan Flores.

Kaagad bumaba sila Kyro at Marina sa Gun Trailer, at nakipag-kamay ang dalawang Detective ng GINGA sa mga tauhan ng Task For Investigative ng Subic police department.

Insp. James: (Nakipag-kamay) Kumusta kayo siguro ang mga Detectives mula sa GINGA? Ako si Inspector James Aguilar, at siya naman ang partner ko na si Inspector Ryan Flores.

Kyro: Detective Kyro Anjelo! At siya naman si Agent Marina Asol ang partner ko, kinagagalak ko kayong makilala.

Insp. Ryan: Aguilar! Puwede ba mamaya na ang pag-papakilala niyo! Marami pa tayong kailangang gawin, pupuntahan pa natin ang latest na biktima sa may resort. kaya bilisan niyo na diyan.

Tila hindi naman nagustuhan ni Kyro ang pananalita ng Inspector na si Flores.

Kyro: Teka anong problema noon?

Insp. James: Wag mo na siyang intindihin, ganyan lang siya medyo mainipin, sige na pumunta na tayo sa crime scene para maimbestigahan na natin ang pinaka-bagong biktima,

Kyro: Mabuti pa nga.

Kaagad ibinaba nila Kyro ang Gun Racer nila sa kanilang Gun Trailer, at sumunod sila sa dalawang Detective na sumundo sa kanila.
_______________________________________________________________

Sa isang sikat na resort sa Subic, dumeretso sila Kyro, at dito na-abutan nila ang mga taga S.O.C.O at ilang tauhan ng PNP na nag-iimbestiga sa crime scene. 

Insp. James: Chief Jacinto!

Chief Jacinto: O Aguilar, Flores narito na pala kayo?  Teka sila ba ang mga taga GINGA? 

Ipinakita ni Kyro at Marina ang kanilang mga Badge na nag-papatunay na sila nga ang mga tauhan ng GINGA.

Kyro: Detective Kyro Anjelo, siya naman si Agent Marina Asol...Sir ano po ba ang nang-yayari dito?

Ipinaliwanag ni Chief Jacinto ang mga nang-yayari.

Chief Jacinto: Mahigit anim na buwan na naming tinututukan ang kasong ito, hindi namin malaman kung sino talaga ang gumagawa ng ganitong klaseng pag-paslang, ang masasabi ko lang kakaiba siya. Dahil sa bawat autopsiya namin sa mga katawan ng biktima. Halos puno ito ng putik sa loob ng kanyang katawan, na babahala kami maraming torista ang nawawala sa lugar namin dahil sa kasong ito, kaya kailangan namin ang tulong niyo.

Tinanong ni Kyro kung ano ang nagiging madalas na biktima sa krimen.

Kyro: Sir anong madalas na maging biktima sa Krimen na ito? Noong kasing binigay sa aking report, karamihan puro babae. Anong klaseng mga babae ba sila?

Chief Jacinto: Tama ang sinabi mo, karamihan ng Biktima ay puro babae, pero madalas mga GRO sa mga bar, at isa sa mga latest na biktima ngayon ay isang GRO uli.

Tila naman merong naiisip na idea si Kyro para malutas ang kaso.

Kyro: GRO hah? (Tumingin kay Marina)

Marina: Bakit ka na katingin sa akin ng ganyan?

Kyro: Alam ko na!
____________________________________________________________________

Kinagabihan

ANO!

Ito ang sigaw ni Marina ng sinabi ni Kyro na siya ang gagawing pain para sa kanilang Imbestigation.

Marina: Bakit sa dami-dami ng gagawin ko ito pa? Hindi naman ako mukang GRO ah!

Kyro: Tama na nga ang reklamo mo, wala na tayong ibang choice kung hindi gawin ito, kung gusto mong matapos kaagad ang kasong ito sumunod ka nalang sa akin puwede.

Tila na hihiya si Marina sa kanyang suot na pang-GRO dahil sa ikli ng palda nito at kita na halos ang kanyang dib-dib. Wala silang ibang pamimiliin dahil ito lang ang nakikitang paraan ni Kyro. Para malaman kung sino ang salarin.

Marina: ( Namumula) Pero...nakakahiya...ngayun lang kasi ako nag-suot ng ganitong klaseng damit, tapos ikaw pa ang nasa harap ko! Mayankis.


Kyro: Hay nako, hindi ito ang oras para tawagin mo ako ng ganyan, ang totoo ginawa na ni ate mei yan noon, mas wild pa nga eh. Kaya kung gusto mong wag-magsuot niyan! Tapusin na natin ang kasong ito ora mismo. 
________________________________________________________________

Sa isang Bar dito sinasabi na madalas ang mga nagiging biktima ng pamamaslang, dito pumunta sila Marina para gawin ang kanilang plano.

Samantala si Kyro naman ay umupo sa isang upuan at umorder ng isang tasa nang kape para mag-matiyag, at si marina naman ay nakiki-pagusap sa mga iba’t ibang costumer.

Kyro: (Uminom ng kape at sa sarili) Sino kaya siya? At anong klaseng Negative ang kalaban namin ngayon? 

Nakipag-usap naman si Marina sa mga taong naka-table niya, at tila nakikiramdam din siya kung isa sa mga kausap niya ang kalaban.

Marina: (Sa sarili) Sino? Sino kaya sa kanila ang kalaban?

Lalaki: Hoy may problema ka ba? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo.

Marina: Ah wala naman! Meron lang akong nalaalala...sige wag mo ng problemahin yun! uminom ka lang

Habang nag kakasiyahan ang iba, at abala sa kanilang pag-inom hindi nila alam ang panganib na nag-babadya. Para sa kanila.

Nilalang: Kung ganon, nakita ko na ang susunod kong target?

Nag-labas ng isang Injection Tube ang nilalang, at itinurok niya ito sa kanyang sarili, maya-maya pa ay nag-bago ang anyo niya na parang isang taong putik, o mas kilala bilang si Mud Face.

Mud Face: Simulan na natin!

BBBBBBBBAAAAAAAAAAGGGGGGG
AAAAAAHHHHHHHHHHHH

Bigla nitong winasak ang pinto ng Bar, at inatake nito ang mga taong nasa loob.

Kyro: Anak ng! Bakit biglaan naman ang naging pag-atake niya?

Marina: Kyro!

Kyro: Marina paalisin mo muna ang mga tao dito! Ako na muna ang bahala sa kanya!

Marina: Naiitindihan ko!

Kaagad tinulungan ni Marina na maka-labas ang mga tao, samantala hinarap ni Kyro ang Negative na nag-wawala at sumulpot nalang.

BANG!-BANG!-BANG!

Kyro: Hoy itigil mo yan!

Binaril ni Kyro ang Negative na merong hawak na bangkay ng isang tao, at pinapakaain niya ito ng putik hanggang sa pinapatay.

Mud Face:  Ang lakas ng loob mo na gawin sa akin ang bagay nayan!

Kyro: Tumahimik ka nalang! 

Gun Driver Female Voice: DNA SCAN Complete!

Kyro: Gun Changer!!!

Nag-bago ng anyo si Kyro Bilang si Gunver at nag-simula na ang labanan nila.
_____________________________________________

SLAAASSSSHHH

Isang slash ang ginawa ni Gunver gamit ang kanyang Gun Dagger, pero hindi ito umepekto dahil sa malambot na putik na katawan ni Mud Face.

Gunver: Asar! Hindi umeepekto?

Mud Face: Ano yan lang ba ang kaya mo? Puwes ako naman!

Nag-pakawala ng mga putik sa kanyang mga braso si Mud Face at sa oras na matamaan ka nito, ay maninigas ka na parang isang bato.

Pero iniwasan kaagad ito ni Gunver at gumanti ng kanyang atake na Flying Kick.

BBBBBBBAAAAAAAGGGGGG

Tinamaan ni Gunver ang Negative at sinunod-sunod na niya ang kanyang pag-opensa, mag-kakaliwa't kanan na suntok at sipa ang ginawa niya. Pero tila ata lumulubog lang ang kanyang mga atake sa katawan ng kanyang kalaban.

Gunver: Hindi umeepekto ang lahat nang atake ko sa kanya. 

Mud Face: Nakakasawa na ang ginagawa mo! Alam mo bang malaking abala ang mga pinag-gagawa mo sa akin! Puwes kailangan mo ng manahimik!

Biglang nahumla na parang isang malaking kamao ang kamay ni Mud Face, at kaagad niya itong isinalubong sa Detctive.

BBBBBBBBAAAAAAAAAAAGGGGGG

Gunver: AAAAAAHHHHHHHHH.

Sa lakas at laki ng kamao ni Mud Face, tumalsik si Gunver sa isang naka-paradang sasakyan at halos nawasak ito. Nabalutan naman ng putik ang buong armor ng detective. At tila napapansin narin ni Gunver ang unti-unting pag-tigas ng mga ito sa kanyang katawan.

Gunver: Hindi! Ang armor  ko tumitigas dahil sa mga putik! 

Hindi maka-galaw si Gunver dahil sa naka dikit sa kanya, at unting-unti namang lumalapit si Mud face para tapusin na ang kanyang kalaban.

Mud Face: Abala ka sa obrang ginagawa ko! Humanda ka ngayun sa katapusan mo----

BANG!-BANG!-BANG!

Tatlong sunod na putok ng baril ang tumama kay Mud Face at ang may kagagawan nito ay si Zhapyra

Zhapyra: Ikaw! Itigil mo na yan!

Gunver: Marina! Mag-ingat ka masyadong malakas ang isang yan!

Mud Face: Nag-pakita ka narin sa wakas!

Zhapyra: Tumahimik ka! Arestado ka ngayon!

Inilagay ni Zhapyra sa kanyang Leg armor ang dalawang Zhapy Driver at inatake niya ang kanyang kalaban, gamit ang husay sa aikido, pero kagaya nang naunan hindi tumalab sa kanya ang atake na ginawa niya, bagkos sinipa siya ng Negative papalayo.

Zhapyra: Errrrr....ang lakas nga niya!

Lumapit si Mud Face kay zhpayra para kunin ito, ngunit tila nakaramdam siya nang pag-kahina. 

Mud Face: Mukang naubusan na ako nang lakas, sa susunod makukuha na kita! 

Biglang nabalutan ng mga kakaibang putik si Mud Face, at hanggang sa mawala na ito ng tuluyan sa harap nila Gunver at Zhapyra.

Tumayo naman si Gunver sa kanyang kinabagsakan at bumalik sa pagiging Kyro, at tinagpo si Zhapyra na bumalik sa pagiging marina.

Kyro: Nakatakas siya!?

Marina: Sa tingin ko meron siyang target sa Bar nayun, pero hindi ko alam kung sino. Dahil biglaan ang mga nang-yari.

Kyro: Ang mabuti pa bumalik na tayo sa Bar, baka nadoon na ang ibang Investigation Unit para tingnan ang nang-yari.

Marina: Mabuti pa nga.
____________________________________________________________________________ 

Bumalik sila Marina sa pinang-yarihan ng pag-atake at inabutan nila ang ilang mga Detective at Pulis na nag-sasagawa ng kanilang mga imbestigation.

Kyro: Sir Jacinto!

Chief Jacinto: Kayo pala? Ano ba ang nang-yari dito? Bakit tila ata binagyo ang lugar na ito.

Kyro: Biglaan ang nangyari sir! Hindi namin inaasahan na biglang susulpot ang Negative na yun.

Chief Jacinto: Negative? Ano naman ang ibig-sabihin niyo dito.

Marina: Yun po ay isang klase ng nilalang na may mga kakaibang katanginaan, katangian na wala ang isang normal na tao. Sa makatuwid isa silang mga halimaw. Hindi lang namin na mawari kung bakit deretso siyang umatake dito.

Chief Jacinto: Kung ganon hindi nga isang tao ang may gawa nito----

Kahit na hindi isang tao ang may gawa nito! Dapat hindi niyo hinayaan mag-kaganito dito.

Biglang nag-salita si Insp. Ryan habang nag-uusap sila Kyro at Chief Jacinto.

Chief Jacinto: Flores anong sinasabi mo?

Insp. Ryan: Mga taga GINGA nga naman! Halos umaasa kayo sa mga teknolohiya niyo para mapadali ang imbestigasyon! Nang dahil sa pag-dating niyo dito, ngayun naging agresibo na ang kriminal nayun! At sigurado ako na hindi siya titigil hanggang hindi nila kayo napapabagsak! Sir hindi naman natin sila kailangan dito, ano pang silbi nila!?

Kaagad umalis si Insp. Ryan ng padabog at binanga nito si Kyro.

Chief Jacinto: Flores umayos ka! At saan ka pupunta?!

Insp. James: Tol saan ka pupunta! Hoy hintayin mo ako! Sir pasensiya na ako na muna ang bahala sa kanya.

Chief Jacinto: Pasensiya ka na sa inasal ng Tauhan ko...Detective Anjelo.

Kyro: Sir ano po ba ang problema noon? tila ata banas na banas siya sa amin noong dumating kami dito? Meron po bang nang-yari sa kanya? 

Chief Jacinto: Siguro kailangan niyo rin malaman ang bagay na ito tungkol kay Flores.
___________________________________________________________________

Samantala sa may dalampasigan nag-lakad lakad si Ryan para makapag-isip isip, at ilang sandali pa ay tumigil siya sa may tabi para tingnan ang buwan.

Chief Jacinto: Alam niyo kasi...ikakasal na dapat si Flores nitong nakaraang anim na buwan. Pero sa hindi inaasahan, namatay ang kanyang nobya dahil sa kagagawan ng sinasabi niyong Negative. Tulad ng mga nakaraang biktima, halos puno ng putik ang kanyang buong katawan ng inotopsiya naming siya. Hindi siya makapanilawa na wala na ang kanyang babaeng minamahal ng higit sampung taon.

Ryan: Pangako ka sayo Kathy, huhulihin ko ang taong may kagagawan nito sayo! Isinusumpa ko yan bilang isang alagad ng batas!

________________________________________________________________

Kyro: Kung ganon pinatay ng negative ang kasintahan ni insp.flores? 

Chief Jacinto: Oo tama ka! At kahit na paka delikado ng kasong ito. Pilit parin niyang nilulutas ma-bigyan lamang ng katarungan ang kanyang minamahal.

Tila napapaisip si kyro sa isang bagay.
_________________________________________________________________

Kinabukasan sa Gun trailer, inalam ni Kyro ang naging buhay ni Ryan at ang naging nobya niya.

Kyro: Kung ganon ito ang kanyang Nobya, si Katherine Miles. Marcelo. Isang manager ng isang sikat na hotel and resort dito sa subic. Nag-tapos siya ng Sumacumlaude sa Mataas na unibersidad sa maynila. Noon palang nobya na niya si Flores. Teka anong ginagawa ni Aguilar 
dito?

Marina: (Uminom ng kape) Mukang abala ka diyan ah? May suspect ka na ba?

Kyro: Ang totoo medyo naguguluhan ako dito? Sampung taon na naging mag-kasintahan sila Flores at ang nobya niyang si Marcelo, pero anong kinalaman ni Augilar dito? Wala namang nag-sasabi na naging parte siya ng naging relasyon ng dalawa, at hindi rin sila naging mag-kaibigan noong sampung taon na ang nakakaraan.

Marina: Ang mabuti pa simulan ko narin ang pag-iimbestiga, kung sa tingin mong may hinala ka kay Aguilar isama mo siya sa mga suspect, pupuntahan ko ang Resort na pinag-trabahuhan ni Marcelo noon, ikaw naman kausapin mo at hingan ng statement ang mga GRO na nasa bar na yun kagabi.

Kyro: Sige naiintindihan ko.

Kaagad kumilos sila Kyro at Marina para gawin ang kanilang pag-iimbestiga.
_______________________________________________________________________

Sakay ng kanyang Gun Cycle nag-tungo muli si Kyro sa lugar na pinang-yarihan ng pag-atake.
At sakay naman ng Gun Racer pinuntahan ni Marina ang Resort kung saan sinasabing doon nag-tratrabaho ang Nobya ni Flores na si Katherine Marcelo.

Marina: So dito pala yun...ang white rock beach resort.

Papasok palang si Marina sa loob ng Resort ng biglang.

BBBBBBBAAAAAAGGGG

Isang malaking bato ang muntik ng tumama sa kanya, at sa kabutihang palad mabilis itong naka-iwas at tinamaan ang isang sasakyan. Nag-takbuhan naman ang mga tao dahil sa pag-sulpot ng isang nilalang at ito ay si Mud Face.

Mud Face: Nag kita muli tayo!  

Marina: Ikaw nanaman? Sabihin mo! Ikaw ba ang may kagagawan sa pagkamatay ng Nobya ni Inspector Ryan Flores? Mag salita ka!

Mud Face: Tingnan mo nga naman! Hahahahaha hindi ko akalain na malalaman ng GINGA ang tungkol doon. Kaya kailangan na talaga kayong mawala bago pa lumantad ang buong katotohanan!

Marina: Hindi kita mapapatawad sa mga ginagawa mo!

Inilabas ni Marina ang kanyang Zhapy Driver.

Zhapy Driver Female voice: DNA Scan Complete.

Marina: Zhapyra CHANGE!


Nag bago ng anyo si Marina at naging si Zhapyra, at dito nag-simula ng makipag laban si Zhapyra sa Negative gamit ang kanyang husay sa aikido.

Zhapyra: Kailangan malaman ito ni Kyro!
________________________________________________________________________________

Samantala nag-tanong tanong si Kyro sa mga taong nasa bar, ngunit sarado ang mga bibig nila sa mga nang-yayari at ayaw nilang makielam.

Kyro: Pambihira! Bakit ba ayaw makipag-tulungan ng mga ito?

Ilang sandali pa ay tumunog ang communication device ni Kyro at si Marina ang nasa kabilang linya.

BLEEP!-BLEEP!

Kyro: Si Marina? Marina anong problema?

Zhapyra: (Sa kabilang linya) Kyro! Mag madali ka kailangan ko ng tulong mo! Ang Negative narito siya!

Kyro: Ano! Sige papunta na ako diyan!

Sasakay palang si Kyro sa kanyang Gun Cycle ng biglang!

BBBBBBBBAAAAAAAAMMMMM

Biglang may-umatake sa kanya at ang may kagagawan nito ay isang Negative din.

Kyro: Teka ano naman ang isang ito? Isang taong putik din!

Inatake muli si Kyro ng isang Negative na kagaya ni Mud Face, pero naka-ilag muli ang detective, at sabay kinuha ang kanyang Gun Driver at nag bago ng anyo.

Kyro: Wala akong panahon para makipag-laro sa inyo!

GUN DRIVER FEMALE VOICE: DNA SCAN COMPLETE!

Kyro: Gun Changer!!!



Nag bago ng anyo si Kyro Bilang Gunver, at sinugod niya ang kanyang kalaban.

Gunver: Humanda kayo!
___________________________________________________________________

BBBBBAAAAAAAAGGGGG

Isang malakas na sipa ang natangap ni Zhapyra mula sa kanyang kalabang negative, at dahil doon bumalik siya sa dati niyang anyo bilang Marina at nabitawan pa niya ang kanyang driver.

Marina: (Namimilipit sa sakit) Errr...Kyro....(pilit na inaabot ang Driver)

Mud Face: Hahahahaha ngayun mapapabilang ka na sa mga biktima ko! Humanda ka sa mga parusa na ibibigay ko sa iyo!

Marina: Hindi!

Ano na kaya ang mang-yayari kay Marina na ngayon ay nasa gitna siya ng matinding panganib? 
May magagawa pa kaya si Kyro para tulungan ang kanyang partner? Samantalang abala siya sa pakikipag-laban sa mga Negative na sumulpot nalamang?

Case Continued.....