Saturday, March 21, 2015

Case 12: Team-up!



Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement


Inilabas na ng Dranixs ang isa sa kanilang experemento at ito ang Rapandol, Sa bangis at liksi nito marami inosenteng sibilyan ang nasaktan at namatay.

Piniglan ito ni Gunver, ngunit hindi rin naging madali sa kanya ang pag-harap sa nasabing nilalang. At habang nakikipaglaban si Gunver ay dumating si Snider para tuparin ang kanyang misyon.

Ngunit...

Napansin ni Gunver na merong isang batang babae sa loob ng isang sasakyan na nakaparada, at tila humihingi ito ng tulong.

Gunver: ITIGIL MO YAN!

Halos malapit ng matamaan ni Snider ang sasakyan kung nasaan ang nasabing bata, ngunit tila hindi ito pansin ng pulis kaya tuloy-tuloy lang siya sa pag-baril.

Guver: HUWAG!!!





Case 12: Team-up!

Gunver: HUWAG!

BRATATATATATATA

Walang humapay sa pamamaril si Snider para lamang mapa bagsak  ang kanyang target, hindi na niya iniintindi ang mga nasa paligid niya, isang sasakyan kung saan may nakasakay na isang bata ang humihingi ng tulong para makalabas, at kaagad itong napansin ng detective, walang anu-ano ay kaagad siyang nag tungo sa sasakyan at winasak ang pinto nito, at inilabas ang bata.

Ilang sandali pa sakto ang pag-labas ni Gunver sa bata bago pa sumabog ang sasakyan dahil sa pamamaril ni Snider.

BOOOOOOOMMMMSSS

Halos umiiyak ang batang babae ng inilabas ni Gunver.

Gunver: Ayos ka lang ba?

Bata: Hu...Hu...Hu...salamat po...

Kaagad binaba ni Gunver ang bata at hinawakan ang ulo nito, napansin naman ito Snider.

Gunver: Ligtas ka na! Dito ka nalang muna siguro mamaya darating na ang mama mo para kunin ka... sa ngayun patatahimikin ko lang muna ang halimaw na yun!

Snider: (Sa isipan niya) Ligtas kana Miya!—(sa sarili) Miya!

Bahagyang nawala sa sarili si Snider at tumigil ito sa kanyang pag-papaputok ng makita niya si Gunver na hinawakan sa ulo ang bata, na tila may naalala siya.

Ginamit naman ng rapandol ang pag-kakataon para atakehin si Snider, at dahil sa tila wala siya sa sarili, sinungaban niya ang pulis at pinag-kakalmot ito gamit ang mahahaba niyang kuko!

BAAAAGGGGGG
SCCCRRRAAAATTTCCCHH

Snider: AAAARRRGGGHHHH...(sa sarili) Miya! 

Halos walang magawa si Snider kung hindi i-depensa lang ang kanyang mga braso, dahil sa lakas at bigat ng kalmot na ibinibigay ng Rapandol sa kanya, at halos ikasira na ito ng kanyang Body Armor, habang nang yayari sa kanya ang mga bagay na ito, iisa lang ang tumatakbo sa isip niya, isang taong napakahalaga sa kanya.

Ngunit ilang sandali lamang ay...

*GUN FINAL BLAST!*

Isang malakas na blast ang tumama sa halimaw, at napatalsik ito sa pader, at ang nag-pakawala nito ay si Gunver.

Kaagad nilapitan ni Gunver si Snider para tingnan ang kalagayan nito.

Gunver: (Inabot ang kamay) Ayos kalang?

Nakatingin lang si Snider kay Gunver, ngunit sa halip na abutin nito ang kamay ni Gunver ay tinapik lang niya ito at tumayo ng mag-isa.

Snider: Hmp! Tigilan mo nga yan, kaya kong makatayo ng mag-isa.

Gunver: Ang yabang mo! Ikaw na nga ang tinulungan ikaw pa ang may ganang magalit!

Maya-maya pa ay tumayo na muli ang evolving species mula sa kanyang kinabagsakan, at naging alerto naman ang dalawang pulis, ngunit sa pag-kakataong ito umatras muna ito gamit ang kakayahan niyang mag-laho.

Gunver: Nawala na siya?
____________________________________________________ 


Nakikipag-laban parin si Marina kay Levaiton.

Halos pareho lang sila ng galing at kilos, at pinag-tataka naman ito ni Marina.

Marina: (Sa sarili) Papaano, halos kagaya lang niya ako sa pakikipag-laban?

Mag-kasanga lang ang mga kamao nila Marina at Levaiton, hanggang sa sinipa ni Levaiton ang sikmura ni Marina, at napa-atras ito  sa sakit.

BAAAAAGGGG

Marina: Err...sabihin mo sino ka? 

Levation: Wala kang pakielam kung sino ako, Agent Marina hanggang dito nalang muna pero mag-kikita pa muli tayo!

Nag-laho at tuluyan ng nag teleport si Levaiton at iniwan si Marina, Tumayo ang babaeng agent mula sa kanyang pag kaka-luhod.

Marina: Levaiton? 
_________________________________________________

Bumalik naman sa pagiging normal na anyo si Gunver at Snider bilang Kyro at Clyde.

Kyro: Hoy ikaw, hanggang kailan ka ba susunod sa mga maling utos sayo? Alam mo bang nag-aalala ngayun sayo si Major Mendoza?

Clyde: Tumahimik ka.

Kyro: Ang yabang mong mag-salita! Kala mo naman kung sino ito, bagsak karin naman kanina ah!

Clyde: Kahit hindi mo ako tinulungan kaya kong makaligtas. 

Dumating naman si Marina para maki pag-regroup kay Kyro.

Marina: Kyro!

Kyro: Clyde tandaan mo ang sasabihin ko, walang maidudulot sayong maganda kung kalilimutan mo lang ang mahahalaga sayo, kahit na ano pang gawin mo pag-bura sa kanila sa iyong sarili, parte parin sila ng buhay mo!

Clyde: (Nakatalikod) Hmp! Wala kang alam kaya wag ka ng makielam.

Umalis na si Clyde at sumakay na sa kanyang Snide Cycle, samantala naiwan naman sila Kyro at Marina sa lugar na halos sirang-sira ang paligid.
________________________________________________

Dranix Aquarium Base

Nasaksihan ng Big Five ang naging unang pananalasa ng kanilang experemento na Rapandol, tila ata parang may nakitang kulang si Primo sa experemento na ito.

Primo: Kulang pa.

Quinta: Ano pa ang kulang sa kanya? Nakita mo naman halos lahat ng tao sa lugar nayun ay pinatay niya, hindi pa ba sapat ang lakas niya para talunin ang mga taga GINGA? Kita mo rin diba? Kung paano niya nilampaso ang mga pulis nayun! 

Segundo: Parang sa nakikita ko meron ka nanamang binabalak, Primo?

Primo: (Hawak ang isang Injection Tube) Leavaiton!

Sa isang tawag ni Primo lumabas si Levaiton.

Levaiton: (Lumuhod) Ano po iyon Master Primo?

Ibinigay ni Primo ang Zero Injection na kagaya noong ginamit ni Wood Crop. 

Primo: Siguraduhin mong maituturok mo yan sa Rapandol..gusto kong makita ang tunay na potensiyal niya.

Levaiton: Masusunod po!

Kaagad umalis si Levaiton para simulan ang inuutos sa kanya ni Primo, si Segundo naman ay umalis din.

Primo: Saan ka naman pupunta Sengundo?

Segundo: May-aasikasuhin lang ako, maiwan ko nalang muna kayo.
___________________________________________

GINGA HQ

Nag-report sila Kyro at Marina, kaugnay sa nang yaring pag-atake ng rapandol.

Chief Insp.Marcus: Mukang lumalala na ang sitwasyon ngayun, hindi ko akalain na gumagawa din pala sila ng ganyang klaseng uri ng nilalang,

Kyro: Nakakabahala na nga po sir, pero kailangan natin pigilan ang bagay nayan kahit na anong mang-yari, sa ngayun po humingi na ng request for man haunt operation si Ms.Mei sa ilang tauhan ng Elite Task Force. para sa ikahuhuli nang nilalang na yan. 

Chief Insp.Marcus: Mabuti naman kung ganon, siguro nahihirapan din kayo, dahil alam naman natin na tungkulin ng Elite Task Force ang pakikipag-laban sa mga ganitong uri ng nilalang. 

Marina: Hindi naman po sa ganon sir, sa katunayan nga po, halos konektado lang ang lahat sa mga nang yayari ngayun, ang Dranixs ang lahat ng may-pakana nito, at sa nakikita ko meron pa silang pasabog para sa atin. 
_____________________________________________ 

Kuya Clyde! Kuya Clyde!

Ito ang mga boses na naririnig ni Clyde, at ito ang kanyang nakakabatang kapatid na babae na si Miya, nasa isang parke sila ngayun at naka-upo.

Clyde: Miya? Ikaw ba iyan!

Miya: Kuya Clyde! Hi Hi Hi hindi ka parin talaga nag babago, mabait at medyo suplado ka parin! Pero alam mo kuya yan ang isa sa mga katangian na gusto ko sayo,mahal na mahal kita Kuya sana lagi tayong mag-kasama Hi Hi Hi!

Clyde: Hindi kita iiwan...pangako yan—teka saan ka naman pupunta?

Miya: Hi Hi Hi...Pasensiya na kuya, pero kailangan ko na munang iwan ka sa oras na ito, pero pangako mo diba na hindi mo ako iiwanan at palagi akong nasa isipan at puso mo...mag hihintay lang  ako! Sa araw na mag-kakasama tayong muli.

Clyde: Sandali Miya!! Saan ka pupunta? Miya! Miya! 

Ikinagulat ni Clyde na unting-unti na nag lalaho ang katawan ni Miya, at ilang sandali lang ay.

Clyde: MIYAAAAA!!!!.....( Humihingal) Huf...Huf....Huf  panaginip lang pala,bakit, bakit, bakit hindi ko makalimutan si Miya?
_________________________________________________

Kinabukasan

Sa GINGA cafe pinag-aralan ni Mei ang mga posibleng pinuntahan ng rapandol na nakalaban nila Kyro noong gabi.

Kyro: (kumakain ng Brownies) Ate mei may nakuha ka na bang lead?

Mei: Wala pa eh, mag-damag na nga akong naka bantay pero wala parin sign kung saan nag tatago ang nilalang nayun, tulad nga ng sinabi niyo mukang ginagamit niya ang kakayahan para maka-pag Camouflaged.

Napansin naman ni Mei na Brownies ang kinakain ni Kyro.

Mei: Teka parang kilala ko ang Brownies nayan ah?

Kyro: Ah Eto ba, kinuha ko ito sa Reff ngayun lang, He He He grabe ang sarap nito ngayun ah! Ikaw ba ang gumawa nito—

Tila nag iba ang aura ni Mei sa paningi ni Kyro,

Mei: (Galit) Bakit mo kinain yan! Para sa costumer ang mga yan!!!

Kyro: (napalunok) Gulf....lagot nanaman ako.

BBBBAAAAAAAGGGGG
ARRRRRAAAAAYYYYYY !!!

Isang malakas na suntok ang tinangap ni Kyro dahil sa pagkain nito sa Brownies na sana ay para sa mga costumer ng Cafe.
__________________________________________________

Sa ilalim ng Sewer.  

Nakita ni Levation ang Rapandol, habang kumakain ito ng isang patay na tao na kanyang na biktima.

Levation: Mukang naka-biktima ka nanaman nang bago? 

Akma namang lalapitan ni Levaiton ang rapandol dahil sa akala nito ay aagawin niya ang kanyang kinakaing tao.

ROOOAAARR

Levaiton: Sandali lang, hindi kita aagawan, naparito ako para bigyan kita ng bagong lakas. 

Ibinala ni Levation ang Zero Injection sa isang Gun Tranquilizer, at kaagad nitong ibinaril sa rapandol.

At maya-maya pa ay tila nag bigay ng bagong hugis at anyo ang Rapandol, ang dating nakakatakot na halimaw ay mas na dag-dagan ng talim ang mga kuko at buto, ang mga pangil naman nito ay mas humaba pa, ang panga-ngatawan naman ay tila naging parang isang tao, imbes na paga-pang ito kapag nakatayo ay, deretso na siya kung tumindig,at higit sa lahat mas malakas na ito kung ikukumpara dati.

Levation: Nagawa ko na ang trabaho ko, ngayon, gawin mo ang ipag-uutos sa iyo! Rapandol X!

Rapandol X: RRRRRAAAAAHHHHHH
_____________________________________________

San Juan Greenhills

Halos maraming tao ang nag-punta sa mall noong araw nayun, maraming tao ang masayang namimili ng mga kanilang gusto, ang iba naman ay kumakain sa food Court, namamasyal, 
pero  isang panganib ang naka ambang sa kanila, mula sa ilalim ng Manhole. Lumabas ang nilalang na Rapandol na nag bago na ng anyo, bilang Rapandol X.

Ikinagulat ng mga tao ang pag-kawasak ng Manhole at ang paglabas ng halimaw,kaagad niyang inatake ang mga taong makita niya at ang mga sasakyan ay sinira gamit ang kanyang matutulis na kuko.

Kita sa mga mata nito na gutom na gutom at uhaw sa dugo, kaya wala siyang pinalampas na kahit na sino.

AAAAAAHHHHHH TAKBO!!!
ISANG HALIMAW TUMAKBO NA KAYO!!!

Sa itaas ng gusali ng mall, pinag-mamasdan ni Levation ang pananalasa ng Rapandol X, halos dumanak na ang dugo dahil sa pag-aamok nito

Levation: Ganyan nga, sige kumain ka lang hanggang sa mabusog ka at sa oras na mag-pakita ang mga walang kuwentang pulis nayun tapusin mo sila.

Dumating sa eksena ang Elite Task Force na humahanap sa halimaw, at kaagad silang bumaba sa mga Patrol Vehicle nila para pigilan ang nag-wawalang nilalang.

GINGA POLICE1: Ito na ba yung halimaw na sinasabi ni Agent Martin? Parang nag-iba ata ang itsura niya?

GINGA POLICE2: Kahit ano pa ang itsura niya, paputukan na siya! 

Kaagad kumuha ng mga bigating sandata ang mga Pulis ng GINGA at pinaputukan ang Rapandol X.

BRATATATATATATATATA
_______________________________________________

Samantala natangap naman ng Base nila Kyro ang tawag mula sa Elite Task Force, na umaatake ang halimaw.

Alert! Alert!

Kyro: Ate Mei!

Mei: Oo alam ko!

Kita naman kay Kyro ang bakas ng Black Eye na ginawa ni Mei dahil sa pag-kain nito ng brownies

Mei: Mukang nag pakita na siya, pero ang masama mukang  nag-bago na siya ng anyo.

Ikinagulat naman nila Kyro at Marina ang pag-babago ng anyo ng Rapandol.

Marina: Mas nakakatakot na siya ngayun, at nakakapangilabot.

Kyro: Wala akong pakielam sa kanya, kailangan nating mapigilan ang Halimaw na yan kahit na anong mang-yari, Tayo na!

Akmang aalis sana si Marina at Kyro ng bigla naman silang pinigilan ni Mei, para ibigay ang isang bagay.

Mei: Kyro sandali lang!

Kyro: Ate Mei?

Mei: Kunin mo ito (Ibinigay ang isang SD Card)

Kyro: Isa nanamang SD Card? Huhulaan ko galing nanaman to kay Marion? Kung bakit kasi pa-isa-isa siya kung mag-padala ng ganito, pero alamat ate mei aalis na muna kami, marina tayo na.

Mei: Mag-ingat kayo.

Kaagad sumakay sa kanilang mga Patrol Vehicle sila Kyro at Marina, at nag-tungo sa pinang-yayarihan ng kaguluhan.
_____________________________________________________

Balik sa Greenhills

Halos karamihan sa Elite Task Force ay napatay na ng Rapandol X, iilan na lamang sila, pero wala parin silang magawa dahil sa lakas at bilis na taglay nito.

GINGA POLICE1: Masama ito, halos paubos na ang mga tauhan natin, hindi ko na kayo puwedeng isakripisyo para lamang matalo natin ang nilalang nayan.

Habang nakatago naman ang mga GINGA Police mula sa kabilang pintuan ng kanilang mga patrol vehicle, walang-kaalam alam ang mga ito na papalapit na ang rapandol x at handa na silang patayin nito.

Pero ilang sandali lang ay.

BBBBAAAAAAAGGGGGG

Binuhat ng rapandol ang patrol vehicle na pinag-tataguan ng mga GINGA Police, at akma naman itong ibabato sa mga kawawang pulis.

GINGA POLICE2: Naloko na!

Ngunit biglang

*CYCLE LASER!*
BLAST!-BLAST!

Dalawang sunod na blast ang nag-paatras sa halimaw, at ito ay kagagawan ng bagong dating na si Cylde sakay ng kanyang Snide Cycle

Gulat naman ang mga GINGA POLICE sa pag-dating ng binatang pulis, na ang buong akala nila ay si Detective Kyro Anjelo ang dumating para tulungan sila, pero hindi isang taga section zero pala ito

GINGA POLICE1: Ang markang yun! Taga section zero siya!

Clyde: Kayo diyan! Umalis muna kayo, ayaw kong may sagabal sa gagawin kong pag-tapos sa kanya.

GINGA POLICE1: S-Sige naiintindihan namin! Tayo na mga kasama, tulungan nalang natin ang mga sugatan sa paligid.

ALL: Roger That!

Kaagad naman sumunod ang mga pulis sa pinag uutos ni Clyde, ngunit ilang sandali lang din ay dumating na si Kyro sakay ng kanyang Gun cycle at huminto ito sa harapan ni Clyde.

Kyro: (Bumaba at hinubad ang Helmet) Clyde!

Clyde: Anong ginagawa mo dito?!

Kyro: Syempre tungkulin ko rin na pigilan ang nilalang nayan! Clyde Nakikiusap ako sa iyo, kahit ngayun lang mag-tulungan tayo. Para sa ikakaligtas ng lahat.

Tila naman napapaisip si Clyde sa sinabi ni Kyro, at parang may pumapasok sa isipan ni Clyde na nag-tutulak sa kanya na kahit ngayun lang ay makipag tulungan siya sa Detective na ito

Clyde: (Sa isipan niya) Kuya Clyde pangako mo na pro-protektahan mo rin ang ibang tao, dahil yun ang tungkulin mo bilang isang Hero! Hi Hi Hi! ….( Sa Sarili) Miya.

Kyro: Clyde!

Sumagot si Clyde

Clyde: Sige pumapayag ako,pero sa pag-kakataong lang ito, pag-katapos nito mag-kanya-kanya na tayo. 

Kyro: Sige ba! Marina alalayan mo nalang ang mga Elite Task Force, kailangan nila ang tulong mo, malaki ang possibilidad na mag pakita si Levaiton dito.

Marina: Sige na iintindihan ko.

Sinunod ni Marina ang utos ni Kyro,at kaagad niyang tinulungan ang mga Elite Task Force para gabayan ang mga sugatan.

Kyro: Gawin na natin Clyde!

Clyde: Oo!

Habang hilo pa ang rapandol, inilabas nila Kyro at Clyde ang kanilang mga Drivers

Gun Driver Female Voice: DNA SCAN COMPLETE!
Gun Snider Male Voice: DNA SCAN COMPLETE!

Kyro: GUN CHANGER!
Clyde: SNIDER CHANGE!


Sabay nagbago ang anyo ni Kyro at Clyde bilang mga Special Police at Detective, at ng humupa ang liwanag na bumabalot sa kanila,tumambad ang dalawang Metallic Warrior na siyang haharap sa mapanirang si Rapandol X.

Gunver: Tayo na Clyde!

Snider: Sige!

Umatake ng sabay si Gunver at Snider kay rapandol X, ginamit ni Gunver ang Gun Dagger at binigyan niya ng Slash ang kalaban, ngunit na hawakan siya ni rapandol X at ibinalibag siya.

BAAAAAGGGGG

Gunver: AAARRGGHH

Snider: Kainin mo ito!

Gamit naman ang Gun Snider pinag babaril ni Snider ang Halimaw, ngunit ginamit naman nito ang kakaibang bilis at inatake niya ang pulis gamit ang matutulis niyang kuko.

Snider: Anong! Bwaaaahhhh!!!
________________________________________________

Samantala kasama ang Elite Task Force, tinulungan nila Marina ang mga sugatang sibilyan. At mga tauhan nito, ngunit sa hindi nga inaasahan ang pag-papakita ni Levaiton at kaagad niyang 
inatake ang ilan sa mga Pulis ng GINGA.

Gamit ang dagger nito pinag-sasaksak niya ang mga pulis  na kaagad kinamatay ng mga ito

Marina: Levaiton!

Levaiton: Kumusta! 

Inatake ni Levation si Marina gamit ang kanyang Dagger, ngunit nasalag ng babaeng agent ang ginawa niya at gumanti naman ng putok.

BANG!

Sabay yuko at ginawa ang swipe kick! Ngunit naiwasan din ito ng cyborg warrior.

Marina: Kayo diyan! Wag kayong tumunganga! Tulungan niyo nalang ang mga taong nasugatan, ako na ang bahala sa kanya.

GINGA POLICE1: Roger Ma’am!

Kaagad naman sinunod ng mga pulis ang utos ni Marina, at muling nag-sagupaan ang dalawa pero hindi siya nag palamang kay Levaiton.

_________________________________________________________

HETO ANG SAYO!

Isang flying Kick ang ginawa ni Gunver sa kalabang Rapandol X, at natamaan niya ng bahagya ang kalaban sa dib-dib at napaatras ito.

Snider: Hindi na masama.

Gunver: Gulat ka ba! Buti pa hanapin na natin ang Weakspot niya para matapos na! Gun Ana—

ZZZZOOOOOOMMM

Muling umatake ng napakabilis ang Rapadol X at napatilapon si Gunver at Snider, halos masira ang kanilang body armor sa talas ng kuko na ginagamit ng halimaw.

SCCCCRRRAAAAATTTTCCHHH

Gunver: Pambihira, kailan ba balak mag pa pedicure ang kumag na ito? Halos nasira na ang body armor ko ng dahil sa talas ng kuko niya!

Tila naman may iniisip na paraan si Snider para matalo ang halimaw, at napansin niya ang isang water tank  na nasa paligid. Tumayo muli ang dalawang Special Police at sinabi na ni Snider ang kanyang plano.

Snider: Anjelo nakikita mo ba ang tanke ng tubig na yun?

Gunver: Oo hindi naman ako bulag ano…teka may naiisip ka na bang paraan?

Snider: Ang totoo meron, hindi tayo mananalo kung hindi natin masasabayan ang bilis niya, pero kaya naman natin siyang pabagalin gamit ang idea na naiisip ko.

Gunver: Sige ano yun?

Snider: Sisirain ko ang tangken yun para lumabas ang tubig, at ikaw naman siguraduhin mo na pupunta siya doon, at gamitin mo ang electrical bullet na meron ka, ng saganon mapa bagal natin ang takbo niya, para magawa na natin siyang iligpit!

Gunver: Nakuha ko na! Sige gawin na natin! Hoy shit face akong harapin mo!

Muling inatake ni Gunver ang halimaw gamit ang kanyang Gun Dagger, nakipag sabayan siya para papuntahin ang halimaw sa target nila.

Samantala si snider naman ay pinuntirya ang paanan ng tanke ng tubig

Gun Snider Male Voice: SD Memroy In, Change Grenade Launcher.

Nag bago ang Gun Snider at naging Grenade Launcher ito

Snider: Target Lock on! Anjelo humanda ka na!

BBBOOOOMMMM

BBBBAAAAAGGGGGG
SPPPLLLLAAAASSHHH

Nag pakawala ng bala si Snider at ilang sandali lang natumba ang Tanke ng tubig, at sumabog ito saka nag-baha ng tubig ang buong kalsada.

Kaagad naman tumalon si Snider at Gunver sa maatas na lugar para hindi sila madamay sa gagawing atake nila.

Gunver: Ako naman! Bullet Change! Electrict!

Gun Driver Female Voice: Bullet Change Affirmative.

Gunver: Tapos ka ngayon!

SSSSPPPPPAAAAAARRRRRKKKK

Mula sa Gun Driver pinakawalan ni Gunver ang Electrical Bullet at ito ang naging dahilan kung bakit bumagal ang takbo ng halimaw, ng dahil doon napaluhod ito at na ngisay.

Snider: Ano pang hinihintay mo! Tapusin mo na siya!

Gunver: Sinabi mo eh!

Inilabas ni Gunver ang bagong SD Card niya, at kaagad ginamit

Gun Driver Female Voice:  SD Memory In, Armor Change Chest Cannon

Nag karon ng isang Chest Cannon sa Dib-dib ni Gunver, at ikinagulat niya ito.

Gunver:  Kung ganon ito ang bagong SD Card! sige tapusin na natin ito! 

Inipon ni Gunver ang enerhiya mula sa kanyang armor at inilagay itong lahat sa Chest Cannon, at ilang sandali pa ay.

BBBBBBLLLLAAAAASSSSTTTTTTT
BBBBBBOOOOOOOOMMMMMMMSSS

Nagawang tapusin ni Gunver ang halimaw gamit ang kanyang bagong final attack, at dahil din sa pag-tutulungan nila ni Snider.

Gunver: AYOS!

Snider: .......
__________________________________________________

Lumundag si Marina at pinag babaril niya si Levation,

BANG!-BANG!-BANG!

At pag-lapag niya isang spining kick ang iginanti pa niya sa cyborg warrior, lubhang nasira ang armor ni Levaiton. 

Marina: Ano yan nalang ba ang kaya mo?

Levation: Hindi pa ako tapos sa iyo...babalikan kita!

Nag-teleport at tuluyan ng umatras si Levation sa laban nila ni Marina.

Marina: Levaiton!!
_________________________________________________

Bumalik naman sa dati nilang anyo si Clyde at Kyro, nilapitan ng Detective ang Pulis.

Kyro: (Nakikipag kamay) Clyde maraming salamat, hindi natin matatalo ang halimaw nayun kung hindi tayo nag-tulungan.

Ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ni Kyro at nag-lakad na ito palayo, pero nag salita siya bago sumakay sa kanyang motorsiklo.

Clyde: Anjelo, tandaan mo itong sasabihin ko ngayun sayo, kahit kailan hindi kita ituturing na kakampi o kaibigan. Nag kataon lang na kailangan natin ma kipag-cooperate sa isa’t isa para sa ikakatagumpay ng misyon. Sa muli nating pag-kikita sa battle field mag kalaban na muli tayo.

Kyro: Kung yan ang paniniwala mo! Sige hindi kita pipilitin na maging mag-kakampi tayo,pero tandaan mo din hindi kita hahayaan sa gusto mo.

Clyde: Hmp(Isinuot ang Helmet at umalis)

Ilang sandali pa tinagpo ni Marina si Kyro.

Marina: Kyro!

Kyro: Marina…

Marina: Mukang nagawa niyong mag-tulungan sa pag kakataong ito, kumusta ang pakikipag team up mo sa kanya?

Kyro: Ayos naman, magaling siya at mabilis makapag-isip, pero wala parin siyang balak makipag tulungan sa atin…..haaaayyy ang mabuti pa bumalik na tayo sa Base, ipaubaya nalang natin sa Elite Task force ang cleaning operation.

Umalis narin si Marina at Kyro sa lugar at pinaubaya na sa Elite Task Force ang cleaning operation.
________________________________________________

Pag-kabalik ni Clyde sa Base ng Section Zero, pinag-sabihan siya ni Gen.Olivares tungkol sa ginawa niyang pakikipag-cooperate kay Detective Anjelo.

Gen.Olivares: Anong iniisip mo? Bakit ka nakipag tulungan kay Detective Anjelo?

Clyde: Sir wala naman pong dahilan, kailangan ko lang pong gawin yun para mas madali kong matatalo ang nilalang nayun ng mabilis.

Gen.Olivares: So sina-sabi mo na hindi sapat ang kakayahan mo kaya kailangan mo ng tulong kay Detective Anjelo? O kaya naman dahil sa naalala mo ang kapatid mo? Sargent.

Nagulat si Clyde sa sinabi ni Gen.Olivares

Clyde: Hindi po sir, wala po akong iniisip na bagay na ganon.

Gen.Olivares: Siguraduhin mo lang, ayaw kong makasagabal ang emosiyon at pag-mamahal mo sa kapatid mo, at kung susuwayin mo ako ipinapangako ko sa iyo na, ang pinaka mamahal mong kapatid ay mawawala na ng tuluyan.

Tila na bahala naman si Clyde sa sinabi ng heneral.

Clyde: Gagawin ko po ang makakaya ko, at pangako hindi na ako mag-papadala sa emosyon ko…(Sa sarili) Miya...

Gen.Olivares: Magaling, Sige Dismissed.

Sumaludo si Clyde at lumabas na ng opisina ni Gen.Olivare, tila isang makahulugang ngiti 
naman ang bakas sa mukha ng heneral

Gen.Olivares: (Sa sarili) Ganyan nga, tangalin mo lang ang emosyon mo. At balang araw ikaw ang gagamitin ko para sa mga plano ko Sargent Clyde Silva.

Muli nag-tagumpay sila Kyro sa pag-sugpo ng kasamaan, ngunit hanggang saan nakatali si Clyde sa kadena ng kadiliman? Magawa kaya niyang makawala dito para sa kanyang kapatid, O tuluyan na siyang lamunin ng dilim?

Case Continued…..




No comments:

Post a Comment