Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga
kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang
mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na
magkaroon ng copyright infringement
Isang supresa
ang dumating mula sa shop nila mei, hindi nila inaasahan na mag-papakita si
andrew ng araw nayun. ang dati sa mga kasamahan nila noon sa elite task force.
Mei: So ano naman ang pinunta mo dito? Wag mong
sabihin na sa-saw-saw narin ang Warfare unit sa kasong ito?
Andrew: Hindi yun ang dahilan kung bakit ako
naparito.
Mei: Kung ganon ano?
Andrew: Siguro naman hindi lingid sa ka alaman niyo
na tatlo lang ang Department na bumubuo sa GINGA, Ang Elite Task Force, Ang Special Investigation Unit, At ang GINGA
Warfare, pero itong mga nakaraang buwan lamang, isang bagong department ang
binuo ng GINGA. At ito ang Section Zero.
_________________________________________
Kasalukuyan
ngayun nakikipaglaban si Gunver at Marina sa isang Negative, ngunit hindi rin
niya inaasahan ang pag labas ng isang bagong special police.
Snider: (ipinakita
ang badge) Special
Police Snider ng Section Zero, inaaresto kita sa salang
pang-gugulo sa lugar na
ito, kung ayaw masaktan sumama ka ng maaayos.
Hindi makapaniwala si Marina at Gunver sa kanilang nakita.
Gunver: Section Zero!
Marina: Isang Special Police!?
Case 10: Ang Pag-pasok ng Section Zero
Gunver: Teka? Anong sabi niya isa siyang taga Section
Zero!?
Marina: Kung ganon siya yung sinasabi na special
police ni major mendoza, ang pinakabagong modelo ng combat suit.
Wood Crop: Wala akong pakielam kung sino ka! Kaya huwag kang makielam!
Biglang
humaba ang mga sanga nito salikod at akmang inatake ang mga pulis.
Gunver: Ilag!
Mabilis na
inilagan nila Marina at Gunver ang atake, ngunit nakatayo lamang si Snider. At tila sasalubungin niya ang pag-atake.
Snider: Ang Bagal!
Gun Snider Male Voice: SD Memory In. Change Rifle.
Isang SD
Card ang inilagay ni Snider sa kanyang Driver, at imbes na isang sandata para
sa armor niya. Ay nag bago ng hugis ang kanyang Driver at naging Rifle mode
ito. Ikinagulat naman ni Gunver at Marina ang nakitang pag-babago ng Gun Driver
ng special police.
BRATATATATATATATATATATAT
Nirat-rat ni
Snider ang mga sanga na umatake sa kanila, at halos wala ng natira dito.
Wood Crop: Pangahas ka!
Snider: Masyado ka ng maraming nasisira dito. Kailangan
na kitang patahimikin!
Umatake ng pasulong si snider sa kalaban, at habang tumatakbo ito ay binabaril niya ang negative.
BRATATATATATATATATA
Walang
magawa si wood crop kung hindi dumepensa, at napag-isip-isip niya na kailangan
na muna niyang umatras.
Wood Crop: Masama ito masyado na akong maraming nagamit
na lakas. Kailangan ko munang umatras!
Gamit ang
mga ugat niya sa paa, nag hukay siya pailalim. At dito dumaan para tumakas.
Snider: Nakatakas siya!
Ilang
sandali pa lumapit si Gunver at kinumusta niya ang special police.
Gunver: Sandali! Maraming salamat sa tulong mo,
(Nakikipagkamay) Ako nga pala si Detective Kyro Anjelo. Salamat sa cooperation
mo.
Tila walang
sagot ang lumabas kay Snider, pero ito ang sinabi niya.
Snider: Wala akong pakielam sa iyo.
Gunver: Anong Sabi mo!?
Snider:
Detective Anjelo, tandaan mo ang sasabihin ko sa iyo, wag kang
makikielam sa trabaho namin. Kung hindi ituturing ka naming kalaban. Kahit na
kapwa pa tayo GINGA.
Kaagad
umalis si snider. At iniwan ang dalawa nila Gunver at Marina. Bumalik naman sa
dati niyang anyo si Kyro, at tila inis na inis siya sa sinabi ng pulis.
Kyro: Ang yabang niya! Sino ba siya sa akala niya!
Marina: Kung ganon totoo nga ang sinasabi ni Major,
mukang hindi marunong makipag-cooperate ang mga taga section zero. Kyro ang
mabuti pa bumalik muna tayo, medyo malala
ang nakuha mong pinsala.
Kyro: Teka nag-aalala ka ba sa akin? Nako naman
nakakahiya kung ikaw ang mag-aasikaso sa akin pero sige total naman matagal ko
ng gusto-
BAAAAAAGGGGG
Isang batok
ang ibinigay ni Marina kay Kyro.
Kyro: Aray naman! Kita mo namang halos puro pasa
ang katawan ko!
Marina: (Inis) Hindi yun ang ibig kong sabihin!
Halikana para ma-ireport natin ang bagay na ito.
_____________________________________________
Dranix Aquarium Base
Saksi sila
sa pag labas ng pinakabagong special police na si sinder, at tila nababahala si
tersera sa pag-dating nito.
Tersera: Oh my! Isa nanaman special police! Mukang
banta nanaman siya laban sa atin, anong sa tingin mo master primo?
Primo: Hindi ko nakikita na isang banta siya, at sa
nakikita ko sa nilalang nayan. Na hindi siya marunong makipag tulungan sa iba.
Madali lang natin siyang maitutumba. Tama ba ako segundo?
Segundo: Sinabi mo pa.
CLICK!!
Sa isang
pitik ng daliri ni Primo lumabas si Levaiton
Levaiton: (lumuhod) Ano pong maipaglilingkod ko sa
inyo master primo?
Inilabas ang isang uri ng injection tube, ngunit sa pag-kakataong ito kulay violet ang laman nito.
Primo: Nais kong ibigay mo ito sa evolving species
na si wood crop. Gusto kong masubukan ang bagong tuklas ni Quinta.
Ikinagulat
ni Levaiton ang kanyang nakita.
Levaiton: Kung ganon! Nag tagumpay na si Master Quinta
sa pag-buo nito...Ang Zero Injection
_____________________________________________
GINGA HQ
Ipinatawag
sila ni Chief Insp. Marcus para ibahagi ang kanilang nalaman.
Chief Insp. Marcus: Ganon ba... mukang gumagawa narin sila ng
hakbang.
Kyro: Sir bakit naman po ganon! Diba kapwa nating
GINGA ang mga yun. Parang nakikita ko sa kanila wala silang balak
makipag-cooperate, at tingin nila sa atin hostile din.
Chief Insp. Marcus: Kaya siguro ganyan ang Section Zero, dahil ito sa namumuno sa kanila na si Gen. Zandro Olivares.
Marina: Nabangit nga ni Major Mendoza ang pangalan
na iyan. Pero ano bang klaseng pamamalakad niya sa mga tauhan niya? Kung bakit
ganon nalang ang pag-uugali ng special police na si Snider?
Chief Insp. Marcus: Para sabihin ko sa inyo, na si Gen. Zandro
Olivares ay isang heneral na iisa lamang ang sinusunod na batas.
Kyro: Batas?
At ano naman yun?
Chief Insp.Marcus: Isang Code, Code na kailangan sundin ng mga
tauhan niya, Isa sa halimbawa ng Code na iyun ay ang hindi pa-kikipag cooperate
sa iba. Ayun sa mga impormation na natangap ko. Ang layunin lamang ng Section
Zero ay tapusin ang kanilang misyon ng walang sagabal, at alisin ang bahid ng
ano mang emosiyon, at wasakin ang ebidensiya.
Marina: Ibig Sabihin po ba noon ay?!
Chief Insp. Marcus: Tama ka ituturing mo ang sarili mo na walang
nakaraan at walang hinaharap, mababalot ka lang lagi sa kadiliman... Detective
at ikaw agent, siguraduhin niyong mag-iingat kayo sa kanila. Posible na
ituring din nila kayong hostile.
Kyro: Gagawin po namin, Pero hindi ko rin na
hahayaan na sila lamang ang makinabang sa kasong ito.... dahil sa simula palang
tayo na ang may hawak ng lahat ng ito.
________________________________________________
Lumabas ng
Opisina sila Marina at Kyro, at habang nag lalakad ito ay may isang lalaking
nakabungo si Kyro sa Hallway ng GINGA... natumba pareho ang lalaki, ngunit
lingid sa
kaalaman niya na ang lalaking ito ay si clyde o si special police
snider.
BAAAAGGG
Kyro: Aray! Pasensiya na hindi ko sinasadya.
Agad tumayo
si Kyro para tulungan ang nakabanga niya... pero hindi niya ito pinansin at
tumayo nalang siya ng sarili niya.
Nagsalita si
clyde.
Clyde: Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan
mo...masyado kang nakakaabala.
Umalis si clyde pag-katapos nitong sabihin ang mga bagay nayun kay Kyro.
Kyro: Loko ito ah! Siya na ngang tutulungan siya
pa ang may ganang mag-salita ng ganyan!
Marina: Kyro hayaan mo na siya...ang mabuti pa bumalik na lang tayo sa cafe.
Kyro: Sige tayo na.
Umalis narin
si Kyro at marina.
_____________________________________________________
Sa kagubatan
kung saan nag tatago si Wood Crop, bakas sa kanya ang mga sugat na tinamo. Mula
sa pakikipag laban kay Snider.
Wood Crop: Mukang may panibago akong problema. Ang lalaking yun, mukang hindi siya pangkaraniwan...
Maya-maya pa lumabas muli si Levaiton.
Levaiton: Mukang malaki ang problema mo...wood crop.
Wood Crop: Ikaw pala! Ano naman ang sadya mo ngayun
Levaiton?
Levaiton: Wala naman... nais lang ni master primo na
ibigay sayo ang bagay na ito(Inilabas ang injection Tube)
Ikinagulat
ni Wood Crop ang sinabi ni Levaiton
Wood Crop: Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Si master
primo nang-bagay na ito?
Levaiton: Tama ka at ang bagay na iyan ay kung tawagin
na zero injection, mas malakas ang magiging epekto nito kung para sa blue
injection na itinurok mo sa sarili mo. Gamitin mo ito at pabagsakin ang mga
taga GINGA.
Wood Crop: Mukang interesante, sige makakaasa ka.
_______________________________________________
Kinagabihan
sa opisina ni Andrew, ginamit niya ang kanyang computer at nag-hahanap siya ng
impormation tungkol sa taong gumagamit ng Snider Drive.
Habang
nag-tytype ay napansin niya ang isang picture frame, kung saan nakalarawan dito
ang Beta Squad. tiningnan niya nang mabuti ang litrato, at napansin niya ang isa sa mga naging tauhan niya noon na pingarap na maging special police na kagaya niya.
Andrew: Posible kaya na sumali siya
sa section zero?
Pagkatapos noon ay kinuha ni Andrew ang isang Silver rosary sa kanyang drawer.
Andrew: Clyde...
________________________________________________
Kinabukasan.
Wood Crop: Nasusuka talaga ako sa ganitong klaseng
paligid, mukang ito na ang panahon para baguhin na ito.
Sa isang
central plaza sa isang lugar sa QC muling nag pakita si wood crop. At inatake
niya ang mga taong naroon.
AAAAAHHHHHH!!!
TAAKKKBBOOOO!!!
Humaba ang
mga sanga niya at hinigop ang mga dugo ng tao, at pag katapos nag pakawala muli
siya ng mga Root Seed. At umatake din ito sa mga kawawang sibilyan.
__________________________________________________
Nakatangap
naman ng signal ang GINGA underground basement nila Mei, na inaatake ang isang
plaza ng isang Negative.
Mei: Kyro Umaatake nanaman ang negative na si wood crop.
Kyro: Ok Ate Mei papunta na kami doon! Tayo na
marina!
Marina: Roger!
Aalis nasa
sina Marina at Kyro ng biglang may naalala si mei na isang bagay.
Mei: Sandali Kyro! Kunin mo ito (ibinigay ang
isang SD Card)
Kyro: Isang SD Card?
Mei: Pinadala yan kahapon ni Marion mula sa US. Gamitin mo yan.
Kyro: Opo! Aalis na kami.
Sumakay
kaagad sa GUN Racer sila Marina at Kyro para mag-tungo sa pinang yayarihan ng
gulo.
________________________________________________
BOOOOOOMMMSS
Dumating ang
mga tauhan ng PNP at ng GINGA para pigilan ang nang yayaring kaguluhan sa
plaza, ngunit sa lakas ng negative na si Wood Crop ay wala silang nagawa, kung
hindi umatras. Ang iba sa kanila ay naging kahoy at ang iba ay natuyo dahil sa
pag-sip-sip ng dugo sa kanila.
GINGA POLICE1: Masama ito kung mag papatuloy siya ng
ganyan. Maaaring ma wipe-out ang buong unit natin!
Ilang
sandali pa Dumating na ang Gun Racer nila Kyro at Marina. At kaagad bumaba ang
dalawa.
Kyro: Kayo diyan! Ano na ang status?
GINGA POLICE: Detective! Salamat sa diyos at dumating na
kayo. Hindi na namin alam ang gagawin namin sa lakas ng pinapakita ng negative nayan.
Marami na po sa kasamahan ko ang namatay ng dahil sa kanya.
Kyro: Ganon ba... marina! Ikaw na muna ang bahala sa
kanila, ako na ang haharap sa isang ito.
Marina: Naiintindihan ko!
Pumunta sa
harapan si Kyro at inilabas niya ang kanyang Gun Driver.
Wood Crop: Ang akala ko hindi ka na mag papakita! Pero
hindi ko inaasahan na ikaw parin ang makakaharap ko! Nasaan na ang kasamahan mo
na naka asul na baluti!
Kyro: Pasensiya na hindi ko siya kasamahan, ako
lang naparito para itumba ka!
Gun Driver Female Voice: DNA scan complete!
Kyro: GUN CHANGER
Pag kalabit
ng gatilyo ni Kyro ay siyang nag bago ang kanyang anyo bilang si Special
Detective Gunver.
Gunver: (Ipinakita ang badge) Special Detective
Gunver ng GINGA special investigation unit 6! Inaatresto kita sa salang
pang-gugulo sa tahimik na lugar na ito, at pag patay sa mga inosenteng tao!
Sumaka sa akin kung ayaw mong masaktan!
Wood Crop: Nag papatawa ka ba! Sige mga sigurin siya!
Umatake ang
mga tauhan ni wood crop na root seed kay Gunver.
Gunver: Hindi umubra ang negotation. Kung ganon wala
na akong magagawa kung hindi sapilitan kang hulihin!
Gamit ang
kanyang Gun driver pinag babaril niya ang mga root seed, at kasabay noon sipa
at tadyak ang ginagawa ng detective sa kanyang mga kalaban.
BANG!-BANG!-BANG!
BAAAAGGG
BOOOOOGG
BOOOOOGG
Ilan sa mga
ito ay mabilis niyang napatumba, ngunit hindi alam ni Gunver na merong palihim
na aatake sa kanyang likod, pero ilang sandali lang ay.
BAAAAANNNNGGG
Isang tama
ng baril ang tumama dito dahilan ng pag-katumba ng root seed. At ang may
kagagawan nito ay si Marina.
Gunver: Marina!
Marina: Mag-focus ka sa laban! Ipaubaya mo na
sa akin ang mga ito. Harapin mo na siya bago pa dumating ang Section zero!
Gunver: Sige naiintindihan ko!
At iniwan na
ni Gunver si marina para harapin ang negative na si wood crop. Gamit ang galing
niya sa aikido at sa pag-hawak ng baril nakipag sabayan siya sa mga ito kahit na
wala siyang kakayahan maka-pag palit ng anyo bilang isang Special Detective.
Nilundag ni
Gunver si Wood Crop pag katapos ay pinag babaril niya ito.
BANG!-BANG!
Napa-atras
ng bahagya ang negative sa ginawa ng detective. At walang humpay niyang inatake
ito gamit naman ang mga kamao niya at paa.
BOOOOOGG
BAAAAAGG
Wood Crop: Errr... mukang ito na ang simula para sa isang mataas na antas.
Gunver: Anong ibig mong sabihin?!
Wood Crop: Pag-masdan mo ang tunay kong kapangyarihan!!
Inilabas ni Wood
crop ang zero injection at ito'y itinurok niya sa kanyang sarili. At ilang
sandali pa isang mas nakakapangilabot na itsura ang nasaksihan ni Gunver.
Ang
dating si normal na laki ni Wood Crop ay tila mas naging double. At ang mga
ugat niya sa kanyang mga paa ay tila dumikit na sa lupa. Ngayun ganap na itong
tunay na evolving species.
Wood Crop: Ngayun ito na ang magiging katapusan mo!
Inihampas ni
Wood Crop ang kanyang mga kamay na sanga sa sahig at pinuntirya niya ang
detective. Pero mabilis itong naka-iwas at saka gumanti ng putok mula sakanyang
Gun Driver
BANG!-BANG!
Gunver: Buwiset! Mas malakas na siya kesa ngayun!
Tila
may-naalala si Gunver na isang bagay, at yun ay ang SD Card na ibinigay sa
kanya ni Mei.
Gunver: Sandali! Ang SD Card na ibinigay ni Ate Mei!
Baka puwede yun
Kinuha ni
Gunver ang bagong SD Card mula sa side pocket ng kanyang armor, at kaagad
nitong inilagay sa kanyang Gun Driver.
Gun Driver Female Voice: SD Memory In. Changing Form Saber Mode.
Ilang sandali
pa nag bago ang armor ni Gunver at na bigyan siya ng panibagong sandata, ito
ang Gun Saber.
Ikinagulat
naman mismo ni Gunver ang pag-babago
nito ng anyo mula sa ibang antas ng pagiging special detective.
Ang dating
kulay pula at silver na si Gunver ay naging kulay berde.
Gunver Saber: Ayos ito! Kung ganon ito ang isa sa mga
sinasabi ni marion na kulang…. ayos tapusin na natin ito!
Wood Crop: Ang akala mo ba masisindak mo ako sa ganyang
klase ng anyo mo! Puwes ito na ang magiging katapusan mo!
Lumabas ang
mga ugat ni Wood Crop sa lupa, at dahil dito nasawak ang sahig at pilit nitong
hinuli si Gunver Saber, ngunit mabilis na slash ang ginawa niya para putulin
ang mga ugat nito.
SLASH!!!
Gunver Saber: Ako naman!
Lumundag si
Gunver Saber at pinag-puputol niya ang mga ugat ng negative na si Wood Crop,
isang slash sa ugat , isang slash sa sanga, at isang slash sa katawan, halos
maputol na ni Gunver Saber ang lahat ng parte ng katawan ni Wood Crop.
Wood Crop: Arrrrggghhh!!! Anong nang yayari! Bakit
ganito ? Parang hindi na maganda ang pakiramdam ng katawan ko!
Ilang
sandali pa tila napapansin ni Gunver Saber na unting-unti na nabibitak ang katawan ng negative.
Gunver Saber: Masama ang pakiramdam ko dito! Mabuti pa
gawin ko na ito! Gun analyzing!
Gamit
ang Gun Analyzing sa loob ng computer helmet ni Gunver kinukuha niya ang data
or weak spot ng kanyang kalaban upang malaman ang kahinaan nito.
Ikinagulat
niya na merong kakaibang nang yayari sa katawan ni Wood Crop, na tila may na
bubuong nilalang sa loob ng katawan nito.
Gunver Saber: Masama ito! Kailangan ko ng tapusin
siya.
Hindi
na nag atubili si Gunver Saber at kaagad niyang isinagawa ang kanayang atake.
Gunver Saber: Gun Saber! Light SLASH!
Inipon
nito ang enerhiya sa kanyang light saber, at isang malakas at mapaminsalang
atake ang ginawa niya sa negative, at dahil dito ay.
Wood Crop: HINDI!!!!!!!
SLAAAASSSSSHHHH!!!
BOOOOOOOMMMMS
Tuluyan
ng natalo ni Gunver Saber ang Evolving species, ngunit bigo siya na mahuli ito.
___________________________________________
Nakikipag
laban parin si Marina sa mga Root Seed
BAAAAANNNNNGGGG!!!
Natalo
niya mag-isa ang mga tauhan ni Wood Crop, gamit ang kanyang husay sa aikido at
pag-gamit ng sandata.
Marina: Mukang nag tagumpay si Kyro.
____________________________________________
Nilapitan
ni Gunver Saber ang labi ni Wood Crop, pero tulad ng inaasahan. Naging abo na
ito.
Gunver Saber: Sayang nanaman ang isang huli, Lagot nanaman ako kay ate mei nito.
Habang
nakatalikod si Gunver Saber, ay walang ka-alam alam ito na meron palang aatake
sakanya. At ilang sandali pa ay.
BOOOOOOOMMMMSSSS
Dalawang bala ng grenade launcher ang sumabog sa likuran niya, dahilan kung
bakit siya tumalsik.
Gunver Saber: AAARRRRHHHHHH!!!
At ang
may kagagawan nito ay si...
Snider: Diba sinabi ko naman sa iyo na wag
kang makikielam!
Gunver Saber: (Nakadapa) Ikaw! Ughh... anong ibig
sabihin nito! Mag-kabaro naman tayo ah!
Snider: Hindi kita itinuturing na kakampi,
tanging mga utos lamang ni general ang sinusunod ko...humanda ka dahil sa
ginawa mong pakikielam tatapusin kita!
Gun Snider Male Voice: SD Memor In, Change Rifle.
BRATATATATATATATATA
Pinag
babaril ni Snider si Gunver saber, ngunit mabilis itong nakatayo, at nag balik
muli sa dating anyo na Gunver.
Gunver: Hindi ko alam kung ano ang inutos sayo!
Pero hindi ako makakapayag na gawin mo ang gusto mo!
Inilabas
ni Gunver ang kanyang Gun Driver. At nakipag-palitan na ito ng putok mula kay
Snider.
Gunver: HUMANDA KA!!!
Case
Continued
No comments:
Post a Comment