All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Mall of Asia
Arena...
Isang
concert ngayon ang kasalukuyang nagaganap, at ang nag-tatanghal nito dito ay
walang iba kung hindi ang isa sa mga kilalang Singer ngayon na si Misa.
Encore!
Encore!
Ito ang
isinisigaw nang mga manunuod sa naturang concert. At mula naman sa dressing room nang singer,
nag-hahanda na siya para sa huling palabas.
Staff: Misa, get ready in 2 minutes.
Misa: Okay!
Nag-lalagay
muli nang bagong make-up si Misa at nag-ayos ng kanyang sarili, ngunit tila bigla
nalang namatay-matay ang ilaw sa hindi malamang dahilan.
Misa: Teka anong nang-yayari? Jed!
Ilang
sandali pa ay tuluyang bumalik sa normal ang ilaw. Pero nag-tataka parin ang
babaeng singer kung bakit nag-kaganon.
Misa: Siguro na ayos na nila.
Muling
Humarap sa salamin si Misa para tapusin ang kanyang pag-m-make-up. Pero.....
CLACK!
Namatay muli
ang ilaw sa kanyang dressing room, at akma siyang sisigaw para tumawag nang
kanyang kasama, nang-bigla namang.
Misa: Ano bang nang-yayari? Hoy hindi na magandang
biro ito, kailangan ko nang matapos dito!
At ilang
sandali ay muling nabuhay ang ilaw.... Ngunit.
Misa: Hay salamat----AAAAAAAAAAHHHHHHHH!
SSSSSSLLLLAAAASSSSSHHHH!
Isang
nilalang ang biglang sumulpot mula sa likuran ni Misa, at kaagad siyang
sinaksak sa leeg nito.
Narinig
naman nang mga tauhan sa labas ang pag-sigaw nang dalaga, at kaagad silang
nag-punta dito.
At pag-pasok
nila sa dressing room ng singer.
Staff: Misa!--- Anong!
Staff: AAAAAAHHHHHHHHHHH
Laking gulat
nalang nila ang singer na si Misa, ay patay na at las-las ang leeg nito.
Case 55: Celebrity issue.
GINGA
Cafe...
Ilang araw
matapos ang malaking pang-yayari sa japan at pilipinas. Kasalukuyan ngayong na
nunuod nang balita si Mei, tungkol sa magaganap na snap election sa pagitan nila.
Senate President William Delfine, at Vice. President Allan Corales.
Senate President William Delfine, at Vice. President Allan Corales.
Kamakailan
lang noong mamatay ang dating Presidente na si Macario Macasero mula sa
pag-atake nang Civil Apocalypse sa lunsod. Sa pag-kakaalam nang nakaka-rami, si
Corales na ang dapat na susunod na presidente, ngunit hindi pumayag ang partido
ni Delfine, kaya hinamon niya ito nang isang election.
May
nakaka-pag-sabi na malaking pag-kakamali kung ang magiging bagong presidente
nang bansa ay si Corales, dahil sa marami itong kinahaharap na kaso nang
pandarambong at corruption.
Magaganap
ang snap election sa loob nang dalawang linggong para makapag-handa ang mga
kandidato.
Kyro: Kung ganon, mauuwi sa snap election ang
lahat?
Mei: Muka nga, pero sa nakikita ko kahit na matalo si Corales, ay siya parin
naman ang bise. Pero duda ako na mananalo si Senator Delfine.
Kyro: Panay pulitika nalang ang laman nang balita,
wala na ba silang ibang puwedeng ibalita na may kinalaman sa atin?
News
Flash....
Singer and Pop
Idol Misa, natagpuang patay sa loob nang kanyang Dressing room.
Biglang
natuon ang atensiyon ni Kyro sa balitang lumabas.
Mei: O teka, parang nag-bago ata ang mood mo
diyan?
Kasalukuyang pinapanuod ni Kyro ang balita, at sabi dito.
Isa nanaman
pong sikat na celebrity ang siyang bagong biktima nang serial killer na ito, si
Marisa Luna, o mas kilala sa stage niyang si Misa ay natagpuang patay sa
kanyang dressing room. Ayon sa autopsy report isang malalim na saksak mula sa
kanyang leeg ang kumitil sa kanya, at kapareho ito nang ilang kaso nang mga
celebrity nitong nakaraan. Samantala sa ibang mga balita-----
Pinatay ni
Kyro ang kanilang T.V.
Kyro: Ate Mei, ilang linggo na ang kasong ito?
Mei: Teka parang naging interesado ka ata diyan
ah?
Kyro: Pakiramdam ko may tumatawag sa akin para
lutasin ang lahat nang ito.
Mei: Kung tinatanong mo kung kailan nag-simula
ang mga yan, siguro may mga isang buwan narin. Karamihan sa mga biktima nang
serial killer na yan ay mga kilalang singer o artista dito sa atin. Masiyado
kasi tayong naging abala nitong mga nakaraang araw, kaya hindi mo na namalayan
na meron nang-yayaring kagaya nito.
_________________________________________________
Total mukang
interesado ka naman, puwede nating kunin ang kasong ito mula sa mga
imbestigador nang PNP, dahil karamihan sa mga tauhan nila ay sumuko na sa
pag-tuklas nang katotohanan, at takot din silang madamay.
Sakay nang
kanyang Gun Cycle, nag-tungo si Kyro sa burol ng sikat na singer na si Misa.
Dumating siya sa naturang lugar, at dumagsa ang mga taga supporta at ilang mga
fans niya.
Meron ding
bumisita na mga kilalang artista at mga kapwa singer ni Misa.
Bumaba ang
Detective sa kanyang sinasakyang motorsiklo, at hindi rin niya maiwasang
humanga sa dami nang kilalang personalidad na narito.
Kyro: Grabe, mukang sikat na sikat talaga si Misa.
Nag-kalad si
Kyro patungo sa chapel kung saan naka-burol ang singer, nang biglang meron
itong naka-bungo.
BBBAAAAAAAAGGGG
Nabitawan
nang nakabungo ni Kyro ang kanyang dalang tablet.
Kyro: Ah pasensiya na!---Teka Louie?
Ang babaeng
nakabanga ni Kyro ay ang kilalang Pop Idol na si Louie, na minsan na niyang
tinulungan sa isang request na ginawa nito sa detective, ngunit hindi ata
maintindihan nang babae kung bakit siya tinawag sa pangalang ito.
Kyro: Nasaktan ka ba Louie?
Babae: Louie? Anong sinasabi mo?
Nag-taka si
Kyro kung bakit tila hindi nito naiintindihan ang pag-tawag sa kanya nang
pangalang ito.
Kyro: Hah? Hindi mo na ba ako nakikilala? Ako si
Detective Kyro Anjelo, ang bilis mo naman atang maka-limot, sa bagay isa ka nga
palang super star, kaya imposible mong ma-alala ang isang ordinaryong fans na
kagaya ko.
Babae: Hindi kita maintindihan sa mga sinasabi mo,
pero sa mga pananalita mo, mukang kilala mo ang kakambal ko.
Kyro: Kakambal?
Nag-pakilala
na ang babaeng inakala ni Kyro na si Louie.
Babae: Ako si Marry Anne Morales, ang manager ni
Misa. At kakambal ni Louise Anne Morales.
__________________________________________________________
Sa isang
madilim na silid, masugid na sinusubay-bayan ni Louie ang lamay ni Misa na
ipinapalabas ngayon sa telebision. Hanggang sa merong pumukaw sa kanya.
Louie: Huli ka...(Ngumiti)
Samantala
nasa bandang likuran naman si Quwarta, at tila binabantayan nito ang mga
ginagawang kilos ni Tersera.
Ano ba
talagang balak ni Tersera sa mga pag-kakataong ito?
_________________________________________________________
Nang-makilala
ni Kyro ang kakambal ni Louie na si Mari, ay sumilip muna siya sa kabaong ni
Misa, at pag-katapos nito, ay lumayo muna sila sa chapel para makapag-usap.
Mari: So anong ipinagawa sa iyo nang magaling kong
ka-kambal?
Kyro: Isang security assignment, noong panahong
kasing yun, may nag-banta sa buhay niya na isang negative.
Mari: Negative?
Kyro: Mga tao sila na may kakaibang uri nang
abilidad na wala ang isang ordinaryong tao, pero ang plot twist sa kasong yun,
kaibigan niya ang gustong tumapos sa kanya.
Mari: Hmp, mukang hindi na siya nawalan nang
problema simula nang talikuran niya kami.
Kyro: Talikuran?
Mari: Huwag mo nang intindihin ang sinabi ko,
family issue namin kaya labas ang pagiging detective mo, ang gusto kong
malaman. Ikaw ba talaga ang mag-reresolba nang kasong ito, tungkol sa pag-paslang
nang mga kilalang celebrity?
Kyro: Seryoso ako, mukang hindi naman gagawin nang
investigation team ng PNP ang parte nila, kaya ako nalang ang kukuha, sa kaso
ni Misa, at ng iba pa.
Mari: Kung ganon, maasahan mo ako. Sige... sa
pag-kakataong ito, ako naman ang kukuha nang serbisyo mo.
_______________________________________________________
Samantala
isang lalaki ang umalis na sa burol ni Misa, at ang naturang lalaki na ito ay
walang iba kung hindi si Sandro Manalo, isang sikat na vocalista at artista,
nag-tungo siya sa parking lot at sumakay
sa kanyang kotse.
Kinuha niya
ang kanyang susi sa bulsa, at ng isa-sak-sak na niya ito sa keyhole ay bigla
naman itong nahulog.
Sandro: Tch, ano ba naman...
Yumuko si
Sandro at kinuha niya ang kanyang susi. At kaagad inilagay sa keyhole.
Sandro: Kung kailan ako nag-mamadali.
Nag-start na
ang kotse niya, at pina-andar niya ito, ngunit ang hindi niya alam...
Isang
nilalang ang biglang nag-pakita sa likuran niya gamit ang salamin sa loob, at
ito ay ikinagulat niya.
Sandro: Anong!
SSSSSSTTTREEECCCHHH.
Napatingin
nalang si Sandro sa kanyang likuran, dahil sa nakita niya.
Sandro: Namalik mata lang ata ako...
Pero sa
pag-lingon niya, ay nang-laki nalang ang mga mata niya dahil sa isang nilalang
ang ngayon ay nasa harapan niya.
BRAAAAACCCCKKKKKK
Sandro: Arrrrrgghhh!
Bigla nalang
siyang sinaksak nito mula sa labas saka sumirit ang dugo sa loob nang sasakyan,
gamit ang matatalas niyang kuko. At si Sandro, ay tuluyan nang namata.
______________________________________________________
GINGA
cafe....
Kasama ni
Kyro si Mari, bumalik sila doon, para alamin ang ilang mahalagang impormation
tungkol sa kaso.
Miguel: Mukang napa-balik ka ata nang maaga ah.
Kyro: Nadito na ba si Marion?
Marina: Wala pa siya, kasalukuyang nasa world health
organization siya para sa vaccine nang black c virus. So matatagalan pa siya
bago maka-balik...Teka sino naman yang kasama mo? Teka si Louie ba iyan?
Ipinakilala
ni Kyro ang kanyang kasama.
Kyro: Ah siya ba?
Nag-pakilala
ito...at si Miguel ay tila nagulat.
Mari: Ako si Marry Anne Morales, ikinagagalak ko
kayong makilala. Tawagin niyo nalang ako
Mari.
Marina: Marry Anne Morales? Sigurado ka ba...hindi
ba siya si Louie?
Kyro: Naka-limutan ko...nag-tataka kayo kung
bakit, kamukha niya si Louie, siya ang kakambal ni Louie. At manager ni Misa.
Marina: Ano kakambal ni Louie?
Mari: Saka ko na ipapaliwanag ang bagay na yan, sa
ngayon gusto kong kunin ang serbisyo niyo, para matapos na ang lahat nang mysteryo
sa nang pag-patay sa mga celebrity.
Kyro: Kailangan ko nang ilang information at
listahan nang mga celebrity, kung bakit sila pinatay at ano ang motibo nang
suspect. Meron ba tayo sa data files?
Marina: Wala ata, pero posible na makakuha tayo sa
mga taong unang humawak sa kaso. At sa ilang mga reporter.
Kyro: Sige ako na ang bahala doon, Miguel puwede
mo ba akong samahan?
Tila tahimik
lang si Miguel, ngunit tinapik siya nang malakas ni Kyro.
Kyro: Miguel!
Miguel: Ah...pasensiya na, may iniisip lang ako.
Kyro: Kailangan ko ang tulong mo dito, alam kong
marami kang connection sa labas. At kung ano man yung iniisip mo, isang tabi mo
muna.
Miguel: Sige pasensiya na uli.
Ngunit ang
talagang iniisip ni Miguel, ay ang babaeng kasama nila ngayon na si Mari.
_________________________________________________
Kikilos na
sana sila Kyro para mag-hanap nang impormation, nang bigla nalang humabol si
Mei para ipakita ang isang bagay.
Mei: Kyro!
Kyro: Ate Mei?
Mei: Kailangan niyong makita ito.
Kaagad
nag-tungo sila Kyro sa loob, at sa kanilang T.V. Isang balita nanaman nang
pag-patay sa isang celebrity ang naganap, at ito ay sa lugar kung saan malapit
nakaburol si Misa.
Patay na
nang matagpuan si Sandro Manalo sa isang parking lot na malapit sa chapel kung
saan nakaburol din si Misa. Lumalabas sa imbestigastion na tatlong oras na
patay na ang singer sa lood nang kanyang sasakyan.
Kyro: Hindi na puwede ito...kailangan may gawin na
tayo.
Pag-katapos
mapanuod ang balita, ay kaagad nang umalis ang groupo nila Kyro para puntahan
ang crime scene.
____________________________________________
Sa Crime
scene....
Kagad
nakarating sa lugar si Kyro, bumaba sila sa kanilang patrol vehicle at ipinakita
nila ang chapa nila.
Kyro: Taga GINGA kami, Detective Kyro Anjelo. Ano
ang status?
Investigator: Narito ang autopsy report, at kagaya nang
naunang mga kaso, panay sa lalamunan ang saksak naginagawa nang suspect.
Kyro: May possible suspect na ba?
Investigator: Wala kaming makuha na possible suspect.
Masiyadong malinis mag-trabaho ang isang ito.
Pumasok si
Kyro sa loob nang Crime Scene, at isinuot niya ang kanyang Vision Shade, upang
kumuha nang ebidensiya.
Ini-scan
niya ang buong crime scene, para makaku nang lead. Pero nang matapos siya ay
wala siyang nakuhang bakas sa salarin.
Miguel: Ano may nakuha ka?
Kyro: Wala malinis ang pag-kakagawa niya, mukang
professional ang killer na ito.
Miguel: Kung wala tayong makukuha, hindi natin
masisimulan ang kasong ito.
Marina: Ang mabuti pa ipadala niyo na sa morgue ang
katawan niya para sa other autopsy.
Kyro: Sige.
Kinuha
kaagad nang S.O.C.O ang katawan nang patay na singer, at inilagay ito sa body
bag, ngunit hindi kumbinsido si Kyro nawala siyang makukuhang lead, at
nag-pasiya siyang halungkatin ang puwedeng makita sa sasakyan nito.
Mula sa
compartment, at ilang box nang sasakyan. Hanggang sa makita niya ang isang
bagay na naka-tago sa pinakasulok. Kinuha niya ito at saka tiningnan.
Marina: Sandali ano yang nakuha mo?
Miguel: Isang litrato?
Isang
litrato ang nakuha ni Kyro sa loob nang sasakyan, at nang tingnan naman ito ni
Miguel ay parang nag-hinala na siya dito.
At si Kyro
ay napapaisip din.
Kyro: Teka ito si Misa? At ito naman si Sandro.
Marina: Sandali, si Louie ba ito o si Mari?
Kyro: Hindi ko alam, ang mabuti pa puntahan natin uli
siya, mukang ito na ang magiging susi natin sa kasong ito.
Umalis na si
Kyro at kanyang mga kasama. Ngunit tila merong nakamasid sa kanila. At lumabas
ito sa aninong pinag-tataguan niya.
Ito ay
walang iba kung hindi si atemis. Ang Serial Killer na ipnadala ni Tersera.
______________________________________________________
Kinabukasan,
ipinatawag ni Kyro ang isa sa posible na maka-tulong sa kanila, at ito ay
walang iba kung hindi si.
*Kai! Kai!*
Ito ay
walang iba kung hindi si Krishia.
Marina: Yan ba ang pag-kukunan mo nang intel?
Kyro: Wala na tayong ibang choice.
Krishia: Kumusta na?
Kyro: Mabuti naman, nakuha mo na ba ang pinapakuha
ko sa iyo?
Krishia: Nakuha ko, heto ang listahan nang lahat nang
singer at artista na pinatay nitong mga nakaraang buwan.
Inilabas ni
Krishia ang isang folder, at pag-buklat ni Kyro nakita niya ang mga larawan
nang mga ito.
Kyro: Sandali, si Misa, at ito si Sandro?
Tila merong
napansin si Kyro na kakaiba sa mga larawan, kaya kaagad niyang kinuha ang
litratong nakuha niya sa sasakyan ni Sandro.
Marina: May nakita ka ba?
Kyro:
Tingnan niyong mabuti ito. Ang mga tao na nasa litratong ito, at ang mga taong
pinatay nitong nakaraang buwan lang. Kasama sila Misa at Sandro, ay narito
lahat sa iisang larawan!
Tiningnan
din ni Marina ang nasabing larawan at tama ang lahat nang sinabi ni Kyro.
Marina: Tama ka nga, pero teka halos lahat patay
na...maliban nalang sa isa.
Kyro: Si Louie?
Nakita nila
sa larawan na kasama si Louie.
Kyro: Kung ganon siya ang isusunod?
Krishia: Sandali, hayaan mo munang ipaliwanag ko ang
natuklasan ko.
Kyro: Sige ano yun, baka sa kaling makatulong
yan.
Krishia: Ang larawan na hawak mo Kyro, karamihan sa
kanila ay miyembro dati nang isang banda.
Marina: Banda?
Krishia: Sila Misa, Louie, at Sandro...miyembro sila
nang iisang banda noon bago pa sila sumikat, pero merong lumabas na balita na
merong skandalo sa banda nila kaya sila nag-disband.
Marina: Anong klaseng eskandalo naman ang
kinasangkutan nila?
Krishia: Hindi ko alam, pero maraming lumalabas na
chismis na lulong daw ang kanilang manager sa drugs, meron naman naka-pag sabi
na nasangkot ang isa sa kanila sa isang sex scandal.
Kyro: Puwede na yung narinig ko, sa ngayon ang
natitirang buhay nalang sa kanila ay si Louie, pero ang gusto ko talagang
malaman, kung sino ba ang talagang pumapatay sa kanila. At anong motibo niya
kung bakit niya ini-isa-isa ang mga ito.
Pero bago
yan, mukang kailangan kong tanungin si Mari, natitiyak kong may alam siya sa bagay
na ito.
Krishia: Mari?
Marina: Siya ang manager ni Misa, at siya din ang
kakambal ni Louie.
Kyro: Sige aalis muna ako. Paki sabihan nalang si
Miguel na sumunod sa akin.
_______________________________________________
Tinawagan ni
Kyro si Mari upang makipag kita. At sakaya nang kanyang Gun Cycle, Ngunit sa
hindi inaasahan.
BBBBBBOOOOOOOMMMMSSSS
Biglang
sumabog ang isang sasakyan mula sa harapan niya, at kaagad siyang napahinto.
Kyro: Anong!
Ang
pag-sabog ay kagagawan nang isang nilalang, at ito ay ang serial killer na si Atemis.
Kyro: Sino naman ang isang ito?
Nang makita
niya si Kyro, ay kaagad niyang inatake ito, pero mabilis na umiwas ang
Detective, at saka ginantihan niya nang putok.
BANG!-BANG!
Hindi ito
tinablan nang bala, at nakita ni Kyro ang matatalas na kuko nito.
Kyro: Ang mga kuko niya? Hindi kaya.
Akma muling
aatake sa kanya si Atemis, pero mabilis na nag-bago nang anyo si Kyro bilang si
Gunver.
GUN CHANGER!
At
nag-salubong silang pareho! Malaman kaya ni Kyro na ito ang nilalang na
pumapaslang?
Case
Continued...
No comments:
Post a Comment