Saturday, February 25, 2017

Case 56: Debut







All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.

Sa isang bar, isang babae ang siyang kumakanta sa stage, habang kinakanta niya ang kanyang awitin hindi naman mag-kamayaw ang mga tao sa pag-indak mula sa kaniyang musika.
At nang matapos ang kanyang kinakanta, ay nag-sigawan ang mga manunuod.

WWWWHHHHOOOOOOO...

Ang galing mo Louie!!

Louie!!!!!

Ang mang-aawit na ito ay walang iba kung hindi si Louie, noong mga panahong wala pa siya sa kanyang major debut.

Louie: (Sa sarili) Hindi ito sapat...gusto kong abutin ang tuktok, sa kahit anong paraan.

Habang nag-sisigawan ang mga tao, isa sa mga audience niya ay tila meron iniisip. 


Case 56: Debut

Kasalukuyan nakikipag-laban parin ngayon si Gunver sa nilalang na sumalakay sa kanya. At pinaputukan niya ito nang pinaputukan.

BANG!-BANG!-BANG!

Pero sinalag lang nito ang kanyang mga bala, gamit nang kanyang bakal na kamay.

Gunver: Tch...pang-asar na ito...Anong!!

Pag-katapos umatake ni Gunver, ay siya naman ang siyang umatake sa kanya, at hinabol siya nang isang malakas na slash and detective.

Ngunit umiwas ang detective sa mga atake, at nang maka-hanap siya nang butas, ginamit niya ang kanyang isa sa mga SD card, at ito ay ang chain saw.

Sinipa niya muna ito papalayo, at dito na siya muling sumugod.

Gunver: YAAAHHH

GGGGGRRRRIIIIINNNNNN

Pinigilan parin ito nang kalaban niya, ngunit sa pag-kakataong ito, nagawang maputol ni Gunver ang mga kamay nito. Kaya napa-atras niya ang nilalang.

Gunver: Tapos ka na ngayon!  

Pero ilang sandali lang ay dumating na sila Draiger at Zhapyra.

Zhapyra: Kyro!

Gunver: Kayo pala!

Draiger: Teka sino naman ang isang yan?

Gunver: Hindi ko alam, pero malakas ang kutob ko na may kinalaman siya sa pag-paslang na nang-yayari.

Zhapyra: Kung ganon kailangan natin siyang hulin!

Gunver: Ganon na nga, tayo na!

Umatake muli si Gunver kasama ang dalawa pang Special Police, ngunit hindi naman nila inaasahan ang pag-dating nang isang kakampi nang kanilang kalaban.

SSSSSSHHHHHHHOOOCCCCCKKKKK

Isang shock wave ang nag-patalsik sa tatlo.

Gunver: BWAAAAAAAHHHHHH

Hay...Hay...Tama na ang palabas.

Nagulat nalang sila sa pag-dating ni Tersera.

Draiger: I-ikaw! Tersera

Tersera: Wow...naa-alala mo ako, Mr. Knives...

Gunver: Anong ginagawa mo dito?!

Tersera: Ako? Ummppp...sinusundo ko lang ang alaga ko, dahil mukang sinaktan mo siya nang husto.

Gunver: Sabihin mo, may kinalaman ba kayo sa mga pag-paslang na nagaganap?

Tersera: Nasaktan ka ba atemis? Ohhhh kawawa ka naman.

Gunver: Hoy! Makinig ka!

Binalingan muli ni Tersera sila Gunver dahil sa pag-sigaw sa kanya nito.

Tersera: Puwede bang huwag mo akong sigawan.

Gunver: Sagutin mo ako nang maayos, ikaw ba ang may gawa nang lahat nang ito!?

Tersera: Eh ano naman kung ako...bakit may magagawa ka?

Gunver: Ano? Kung ganon ikaw?

Tersera: Syempre naman, at wala ng iba.

Tahasang sinabi ni Tersera na siya nga ang gumagawa nang pag-paslang sa mga sikat na mang-aawit at artista.

Tersera: Masiyado na silang sagabal sa akin, kaya kailangan mag-bawas na ako. Hindi naman ata puwedeng may ako kahati sa iisang entablado. Dahil ako lang, ang siyang dapat ang nasa tuktok...

At dahil sa mga sinabi at pag-amin ni Tersera na siya ang gumagawa nang pag-paslang, hindi nag-dalawang isip si Gunver na atakehin ito para hulihin.

Gunver: Ang sama mo...Ang sama mo!!!!!

YYYYAAAAAAAHHHHHH

Zhapyra: Sandali Kyro!

Tersera: Hmp....

Pero biglang.....

SSSSHHHHOOOCCCCCCKKKKKKKKK

Isa muling malakas na shock wave ang siyang lumabas sa armor ni Tersera, na ikinatalsik ni Gunver papalayo sa kanya.

Gunver: Errrrr.....

Tersera: Pasensiya na pero...hindi ako makakapayag na mahuli niyo ako o kahit na itong si atemis, kaya mag-papaalam muna ako.

Gunver: S-Sandali!

Nag-pakawala muli nang isang shock wave si Tersera at, doon na siya tuluyang tumakas.
__________________________________________________

Sa bahay ni Mari, habang siya ay nag-aayos sa silid niya ay aksidenteng nahulog nito ang picture frame, muli niya itong pinulot, at nakita niya ang larawan nila nang kakambal na si Louie.

Tila nasariwa kay Mari ang lahat nang mga pang-yayari noong mag-kasama pa sila ni Louie sa iisang bahay.

Dahil ang silid na kanyang kinatatayuan ngayon, ay ang silid  nilang pareho.

Mari: Louie...
_________________________________________________

Bumalik si Tersera sa kanilang himpilan, at nag-tungo ito sa kaniyang silid.  At saka siya bumalik sa tunay niyang anyo bilang si Louie.

At sa pag-pasok niya, ay nakita rin niya ang isang larawan na naka-kalat sa silid. Pinulot niya ito at pinag-masdan, ito rin ang larawan na kagaya nang kay Mari.
________________________________________________

3 years ago...Merong isang simple at payak na pamilya sila Mari at Louie. At higit sa lahat ang isang pangarap na gustong matupad.

Mari: Louie! Hoy Louie!

Kasalukuyang natutulog ngayon si Louie sa kanilang silid, at ginigising siya ni Mari.

Louie: Tumahimik ka nga, alam mo namang nag-papahinga pa ako.

Mari: Ano ka ba, hindi ka ba papasok? May report tayong kailangang gawin. Ikaw ang inaasahan ko dito.

Louie: Shut up...

Mari: Hmp...bahala ka, kung hindi ka papasok, sinasabi ko sa iyo, i-c-cancel ko ang gig nang banda niyo.

Bigla nalang napatayo si Louie sa sinabi ni Mari.

Louie: Hah! Nag-bibiro ka ba?!

Mari: Seryoso ako, kung hindi ka papasok dahil lang sa dahilan mong wala kang tulog, puwes mabuti pang itigil mo na ang pag-kanta. Alam mo naman hindi lang dapat yan ang pinag-tutuunan mo nang pansin, mahalaga rin na may natapos ka.

Louie: Ikaw naman, sige hintayin mo nalang ako sa ibaba, maliligo lang ako. 

Ngumiti si Mari matapos niyang mapapayag na pumasok ang kapatid.
_______________________________________________________________

Sabay pumasok ang dalawa, at masaya silang binate nang mga taong nakaka-salubong nila.

Louie: Grabe, ang daming bumabati sa akin simula nang dumating tayo dito.

Mari: Ayaw mo noon, at least kahit pa-unti-unti makikilala na kayo.

Louie: Hindi ko naman sinabi na i-upload mo sa account mo ang gig na yun.

Mari: Hi Hi...hayaan mo na lang.

Maya-maya ay pumasok na sila sa kanilang class room, at binati sila nang isa sa mga ka-klase nila.

*Good morning!*

Mari: Ah good morning Misa!

Si Misa pala ito at kasama siya sa kanilang banda bilang  guitarista at second vocalist.

Mari: Mukang hindi ka ata na puyat ah.

Misa: Hindi naman masiyado, ang totoo hype parin ako hanggang ngayon.

Mari: Parang baliktad ata kayo ni Louie, siya medyo pagod at hindi pa masiyadong naka-tulog.

Misa: Konting tiis nalang naman ito at makaka-graduate na tayo. Nasasa atin na yun kung itutuloy pa natin ang pag-babanda.

Nag-salita naman si Louie tungkol sa sinabi ni Misa.

Louie: Tutuloy ako.

Misa: Ano?

Louie: Tutuloy ako, mag-kakameron ako nang major debut, at makakapag-concert sa isang malaking stage. Yun ang pangarap ko. At walang makakapigil doon.

Natahimik nalang si Misa at Mari sa mga sinabi ni Louie, at makikita sa mga mata niya ang pagiging seryoso nito.

Mari: Syempre, kasama mo ako... hanggang sa huli.

Louie: Oo naman.
___________________________________________________

Hindi matatawaran ang samahan nang kambal, ngunit sa pag-daan nang mga araw, hindi nila inaasahan ang mga pag-subok na darating sa kanilang buhay.

Habang nasa klase ang dalawa, ay meron isang teacher ang nag-mamadali, at kaagad niyang tinawag ang dalawa.

Professor: (Humihingal) Huf...Huf...

Female Prof: Teka sir anong ginagawa niyo? Bakit ata hingal na hingal kayo?

Professor: Pasensiya na...emergency lang ito, narito ba ang dalawang nila  Mari at Louie Morales? 

Napalingon ang dalawa sa pag-tawag nang kanilang pangalan. At sumagot sila.

Mari: Bakit po?

Professor: Ang mama niyo, dinala siya ngayon sa ospital!  

Nabigla ang dalawa, sa kanilang narinig.
_______________________________________________

Sa isang ospital sa Q.C. nag-tungo ang dalawa, at kaagad nilang pinuntahan ang kanilang ina.

Louie: Mama!

Kaagad pumasok ang dalawa, at naabutan nila ang kanilang ama na si Ben at kausap ang doctor.

Mari: Papa, anong nang-yari kay mama?

Ben: Mari, Louie...

Louie: Anong nang-yari sa kanya, sabihin niyo!

Tinapik nang doctor ang balikat nang kanilang ama, para sabihin sa dalawa ang buong katotohanan.

Ben: Louie, Mari...Ang totoo niyan, si Mama...hindi na siya mag-tatagal.

Tila gumuho ang mundo nang kambal nang marinig ang sinabing katotohanan nang ama sa kanila.

Louie: I-Imposible, nag-bibiro ka lang diba...papa?

Mari: Oo nga, ang lakas pa ni mama nitong nakaraang araw, at na nuod pa siya nang concert ni Louie.

Doctor: Mga bata, ang totoo niyan meron brain cancer ang mama niyo, nasa stage 4 na ito at binibigyan nalang siya nang anim o limang buwan para mabuhay.

Napapaiyak na ang dalawa sa kanilang mga narinig.

Louie: (Napapaiyak) Sinungaling! Hindi yan totoo, mabubuhay si mama, at makikita niya akong 
mag debut at kumanta sa pinaka malaking stage! Hindi yan totoo...Hindi yan totoo. 

WAAAAAAHHHHH!!

Mari: (Naiyak) Louie...

Louie: (Naiyak) Nag-mamakaawa ako, pagalingin niyo ang mama ko, pagalingin niyo siya!!
_________________________________________________

Matapos malaman ang nang-yari sa kanilang ina, tila nag-iisip si Louie nang ibang paraan para mailigtas ang ina nito mula sa tiyak ka kamatayan.

At sa terrace nang kanilang bahay.

Naroon si  Louie, at pinag-mamasdan ang mga bituin sa langit. Nilapitan siya ni Mari para kausapin ito.

Mari: Narito ka lang pala.

Louie: Ikaw pala...

Mari: Louie, anong iniisip mo ngayon? 

Louie: Iniisip ko kung papaano natin mapapagaling si mama, kung may pag-asa pa siyang gumaling.

Mari: Louie...hindi mo ba narinig ang sinabi nang doctor? Hindi na mag-tatagal si mama, meron nalang siyang ilang buwan para mabuhay, at kung lalo pang sasama ang kondisiyon niya, baka hanggang ngayon nalang siya o bukas-----

Louie: Tumahimik ka! Hindi siya mamatay...makikita pa niya uli akong kumanta, at sa isang malaking stage kagaya nang Philippine arena, kung saan isinisigaw nila ang pangalan ko, kung saan ipinag-mamalaki niya ako, at kasama karin doon! Ayaw mo ba siyang gumaling at makasama pa nang mas matagal?!

Tila namunuo muli ang mga luha sa mga mata ni Louie.

Mari: Hindi naman sa ganon, pero...ito ang katotohanan, imposible na Louie.

At doon tuluyan na muling pumatak ang kanyang luha, dahil sa tila tanggap na ni Mari ang sasapitin nang kanilang ina.

Louie: Ayaw ko sayo...

Mari: Ano?

Louie: (Umiiyak) Ayaw ko na sa iyo!

Pag-katapos sabihin ni Louie ang mga bagay na ito ay iniwan niya si Mari.

Mari: Sandali, Louie!!

Umalis si Louie sa kanilang bahay na merong sama nang loob sa kanyang kakambal.
_______________________________________________________

Dalawang araw na ang nakaka-lipas matapos ang kanilang hindi pag-kakaunawaan, hindi pa muli nag-papakita si Louie sa kanya.

Misa: Teka, hindi parin pumapasok si Louie? Nasaan ba siya ngayon?

Mari: Hindi ko rin alam, tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot ang phone niya. Nag-aalala na nga ako.

Misa: Hindi naman kaya, kasama siya Sandro o yung ibang band mate natin? Baka nasa studio siya para mag-rehears, dahil may gig tayo bukas diba?

Mari: Posible, sige mamaya punta tayo sa studio para tingnan siya.
_______________________________________________

Kasalukuyang nasa isang studio si Louie ngayon, at todo ang kaniyang pag-r-rehears para sa kanilang gig bukas.

At nang matapos sila, ay naupo muna si Louie sa isang tabi upang mag-pahinga. Saka naman siya inabutan ni Sandro nang bottle water.

Sandro: Heto...

Louie: Ah salamat...

Kinuha ni Louie ang tubig, saka niya ito ininom. At habang nag-papahinga sila kinausap siya ni Sandro, at nabangit ang ilang bagay para sa kanilang career.

Sandro: Nabalitaan ko ang tungkol sa mama mo...kumusta na siya?

Louie: Ah, nasa ospital parin siya hanggang ngayon. Ewan ko ba, hindi ko rin alam ang gagawin ko. 

Sandro: Buti hindi ka na-aapektuhan sa mga nang-yayari.

Louie: Hindi talaga, dahil alam kong gagaling pa siya, at makikita niya ako muling kumanta.

Sandro: Dapat lang, dahil konti nalang, malapit na nating maabot ang pangarap natin.
Pinag-masdan ni Sandro si Louie, pero tila malungkot parin ito.

Sandro: Ah siya nga pala, kung wala kang gagawin ngayon, puwede mo ba akong samahan, meron kasi akong sinusulat na bagong kanta, gusto ko sanang ikaw ang unang makakita nito.

Louie: Sige...
_______________________________________________________

Makalipas ang ilang oras...

Dumating naman si Mari at Misa sa studio kung saan nag-re-rehears ang kanilang mga kasama, ngunit sa hindi inaasahan.

Mari: Ano, naka-alis na sila?

Band mate: Oo, ang sabi ni Sandro, may kailangan silang gawin. Meron daw siyang bagong sinulat na kanta na para lang daw kay Louie.

Tila hindi naman makapaniwala si Mari, dahil ang alam nito, hindi siya sumasama sa kahit na sinong lalaki nang mag-isa, kahit mismo kaibigan pa niya ito.
_____________________________________________________

Sa apartment ni Sandro...

Sumama si Louie, para tingnan ang sinasabi niyang bagong kanta.

Louie: Sandro, puwedeng pakibilisan nalang natin, kailangan kong puntahan si Mama, at maka-usap si Mari.

Sandro: Walang problema...

Sinarado ni Sandro ang pintuan, at ikinandado niya ito.

Sandro: Nasa kuwarto ko yung note pati yung gitara ko. Doon na natin kantahin.
Pero tila meron isang maka-hulugang ngiti si Sandro, na para bang may binabalak ito.
Nang nakapasok si Louie sa kuwarto ni Sandro, ay nakita niya ang sinasabing note pad ni Sandro, at kaagad niya itong kinuha at binuklat.

Louie: Eto na ba yun?

Binasa niya pauti-uti ang bawat lyrics nang kanta, at nag-bigay siya nang konting komento.

Louie: Ang ganda, okay ito mukang puwede natin itong isama sa demo-----

Pero bigla nalang siyang niyakap ni Sandro nang mahigpit na tila meron kasamang pag-nanasa.

Louie: S-Sandro? Anong ginagawa mo?

Sandro: Huwag ka nalang maingay, alam mo matagal ko nang gustong gawin ito, hindi lang ako makakuha nang tamang pag-kakataon.

Louie: A-Ano ba ang sinasabi mo? Bitawan mo ako!

Sandro: Noong una tinangihan ako nang kapatid mo, pero sana naman huwag mong gawin sa akin ito, Louie...gusto kita. Kung may mang-yari man pananagutan ko.

Louie: Tumigil ka, isipin mo ang sinasabi mo. Hindi ito ang dahilan ko kung bakit ako sumali sa bandang ito, at isa pa malaking problema ang kinahaharap namin ngayon, kaya puwede bang bitawan mo ako!!

BAAAAAAGGG

Tinapakan ni Louie nang malakas ang paa ni Sandro, at nakawala siya sa pag-kakahawak nito.

Sandro: ARRRR...Sandali, Louie!

Tumakbo si Louie nang merong tumutulong luha sa kanyang mga mata.

Louie: (Sa sarili) Bakit, bakit ganito, ano bang ginawa ko?! Bakit!

At matapos niyang makalayo, pansamantalang huminto ang dalaga sa isang tabi, at nag-simula namang pumatak ang ulan.

WWWAAAAAAAAHHHHHHHH

Nag-patuloy siya sa pag-iyak, dahil sa mga pinag-daraanan niya. Ngunit sa pag-iyak niya, ay merong isang tao na tila dumamay sa kaniya.

Inabutan siya nito nang payong, at sinabi sa kanya na.

??: Sige ilabas mo lang yan, ilabas mo lang ang nararamdaman mo.

Napatingin si Louie sa lalaking nag-bigay sa kanya nang payong na susukuban, ngunit sino kaya ito? At ano ang magiging papel niya.

Case Continued... 

No comments:

Post a Comment