Saturday, December 17, 2016

Case 54: Ang mundong kontrolado.





All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.



....Breaking News, Tokyo Japan terrorist attack....

The president of America declares an all-out war against the terrorist group Al Shaytan.

President Macario Macasero, killed in terrorist attack...

Kasalukuyan ang mundo ay nasa malalang sitwasyon ngayon nang karahasan at digmaan, habang ang iba naman ay nakikinabang sa mga ito?

Ano nga ba ang dahilan? At sino ang mga taong nakikinabang sa lahat ng ito? 



Case 54: Ang mundong kontrolado.

Dranixs Base....

Kasalukuyang pinapanood lahat ni Primo ang mga pang-yayari sa bawat bansa, ang sunod-sunod na pambobomba, pag-atake nang ilang terrorista sa panig nang mundo. At kung ano-ano pang kaganapan.

Habang pinapanuod niya ito, napapaisip siya. Tungkol sa mga adhikain nang kanilang samahan.

Primo: Ang mga tao, ay sadiyang mga walang alam at madalas na nag-papaloko, sa mga paniniwala nila at sa pag-kakaiba.

Patuloy ang digmaan sa bawat panig nang mundo, corruption sa gobyerno, biased na media. Pati na ang pag-kakaiba nang relihiyon, Lahat ito ay pawang kontrolado lang nang iisang nilalang. Ngunit ano nga ba talaga ang dahilan?

Ano ang puno’t dulo nang lahat nang ito?
____________________________________________

28 years ago....

Sa isang malaking bulwagan, isang tao ang siyang nasa gitna na tila nasa isang pag-huhukom.
Ang lalaking ito ay walang iba kung hindi si... Dr. Jon Hellsmith. Ang head researcher nang GINGA.

Nilalang: Sige Dr. Hellsmith, gusto kong marinig ang mga hinaing mo at dahilan kung bakit karapat-dapat kang mapasama sa samahang ito?

Dr. Hellsmith: Hayaan niyong sabihin ko sa inyo, ang isa sa mga plano ko sa hinaharap. Ang baguhin ang sangkatauhan, mula sa mabagal nitong pag-unlad.
Ang era nang mga hinirang, ang mga evolving species!

Tila nahiwagaan ang mga taong ito sa sinabi nang doctor.

Nilalang: Sige ipag-patuloy mo. 

Dr. Hellsmith: Maraming salamat po.

Inilabas ni Hellsmith ang isang malaking bagay na natatakpan nang isang tela. At ilang sandali pa ay tinangal niya ito, at ipinakita sa mga taong nakakataas.

Nilalang: Anong gusto mong palabasin Dr. Hellsmith, ano ba talaga ang layunin mo?  

Dr. Hellsmith: Tulad nang sinabi ko, gusto kong baguhin ang buong lahi nang mga tao, mula sa mabagal nitong pag-unlad. Maging superior, na higit pa sa diyos na kinikilala nila. Na walang kahit na anong karamdaman, gusto kong tuklasan pa, gusto kong malaman kung makakaya nang tao na mabuhay sa mas mahabang panahon. O maging immortal.  At alam ko ang iba sa inyo, ay matagal naring hinahangad ito.

Parang nakukumbinsi ni Dr. Hellsmith ang mga taong nasa harapan niya.

Nilalang: Sabihin mo Hellsmith, isa ba ito sa mga paraan mo para makasali sa bloodline?

Dr. Hellsmith: Sabihin na natin na gusto kong makapasok sa samahan niyo, pero meron pa akong mas mahalagang pabor para sa inyo.

Nilalang: Sabihin mo kung ano, baka sakaling makatulong kami.

Dr. Helsmith: Gusto kong pondohan niyo ako sa proyektong ito, at ipinapangako ko sa inyo, na sa oras na mag-tagumpay ako. Ang buhay na walang hanggang ay makakamit niyo na.
_______________________________________________

Primo: Dalawangput walong taon na ang nakakaraan, nang simulan ni Dr. Hellsmith ang proyektong ito.  Ngunit, patuloy parin ang kanyang pag-hahanap sa mga sagot.

Isinakripisyo niya ang lahat, ang mga kaibigan niya, pati na pamilya. Makita lang ang sagot na hinahanap niya. Sa buhay na walang hanggan.
Ngunit sa bandang huli, hindi niya ito natagpuan.  
________________________________________________

Sa labaratoryo ni Dr. Hellsmith.

Tinipon niya ang ilan sa mga kilala niyang tauhan, na makaka-tulong niya sa proyektong gusto niyang matupad.

Narito sila para buoin ang isang groupo na gustong gawin nang Bloodline, ang Dranixs.

Dr. Hellsmith: Dumating din kayo sa wakas, kayo ang napili ko para sa aking gagawing pag-babago sa mundo.  Ang aking philosopiya at mga paniniwala ay kailangan kong maiparating sa mga taong ito, pero bago ko magawa ang mga bagay na yun, haharapin ko muna ang mga pag-subok na darating.

Kasama sa mga pinili ni Dr. Hellsmith ay ang batang doctor na si Ferdinand Hamilton.

Dr. Hamilton: Maasahan mo ako Dr. Hellsmith, buong buhay ko ay ilalaan ko para matupad lang ang paniniwala at philosopiya mo.

Dr. Hellsmith: Maraming salamat Hamilton, isa kang mahusay na estudiyante at ipinag-mamalaki kita.

Nag-salita naman ang isa sa mga tauhan ni Helsmith, at tungkol ito sa GINGA director na si Antonio Zerino.

Dranixs 1:  Pero papaano ang GINGA? Papaano ang matalik mong kaibigan na si Zerion?  Alam kong tututol siya sa mga gusto mong mang-yari, dahil sa simula palang, labag na ito sa batas.

Dr. Hellsmith: Batas lang nang tao ang sinusunod nila, tayo bilang kasapi nang Bloodline, may sarili tayong batas na sinusunod. At yun ang dapat matupad.
____________________________________________________

Primo: Noong panahon yun, doon nabuo ang dranixs, ang samahan na ni recomenda nang bloodline .Binigyan nila kami nang pondo at pasilidad, upang isakatuparan ang lahat nang mithiin ni Dr. Helsmith.

At sa utos niya, dumukot kami nang mga tao, upang gawin ang kanyang ekperemento, ngunit sa unang pag-kakataon, hindi siya nag-tagumpay...hanggang sa paulit-ulit na namin itong ginagawa. At hindi nag-tagal nakarating na sa GINGA at ilang sangay ng gobyerno ang bagay na ito.
____________________________________________________

GINGA HQ...

Nag-karoon nang pulong ang ilan sa mga nakatataas nang GINGA tungkol sa kasong ito. Na ikinababahala na nang mga tao.

Nag-salita si Antonio Zerino tungkol sa kasong ito.

Antonio: Pasensiya na sa biglaan kong pag-tawag sa inyo, pero isang malaking kababalaghan ngayon ang ikinababahala nang publiko. Tungkol ito sa sunod-sunod na pag-kawala nang mga tao.

Binuksan ni Zerino ang holographic projector, at narito ang lahat nang listahan nang mga taong nawawala.

Ilan dito ay mga estudiyante, kilalang personalidad at pati na mga politiko.

Antonio: Humihingi na nang tulong ang PNP, at ang gobyerno sa mga kaso nang kidnapping.

Major: Director, may lead na ba kung sino ang gumagawa nang mga ganitong bagay?

Antonio:  Wala pa sa ngayon, pero tinitiyak kong iisang groupo lang ang gumagawa nito, ngunit ang hindi ko lang sigurado ay kung ano ang binabalak nila sa mga taong ito wala naman lumalabas na humihingi sila ng ransom money kapalit ng mga biktima? Yun ang gumugulo sa isip ko. Sa ngayon gumawa na ako nang task force na mag-iimbestiga sa kaso.

Kailangan malaman natin kung sino ang nasa likod nang kidnaping case na ito.
___________________________________________________

Natapos ang pulong nang mga ilang GINGA official, at si Antonio Zerino ay nag-tungo sa lab ni Dr. Hellsmith para kumustahin ang bagay na kanyang ginagawa.

Pero, wala ang naturang doctor sa loob nang kanyang labaratoryo.

Antonio: Jon narito ka ba? Jon? 
Nag-libot libot si Antonio sa buong labaratoryo, hanggang sa makita niya ang isa sa mga proyekto na ginagawa nang GINGA para sa hinaharap.

Ang Project SPCS, ang Gaider... pinag-masdan itong mabuti ni Zerino na may kasamang pag-kamangha.

Dahil ito ang isa sa mga gusto niyang mang-yari sa hinaharap. Ang combat suit na Gaider na siyang pro-protekta sa buong sangkatauhan.
Pero hindi niya napansin na dumating na pala si Jon Hellsmith.

Dr. Hellsmith: Mukang napasyal ka ata dito.

Antonio: Jon.

Dr. Hellsmith: Hindi ko inaasahan ito bihira ka lang kasing mag-tungo dito para tingnan ang mga ginagawa ko.

Antonio: Bakit masama ba?

Dr. Hellsmith: Naninibago lang ako sa iyo.

Antonio: Gusto ko lang kumustahin ang bagay na ito, kung meron na bang progress?

Dr. Hellsmith: Sa katunayan medyo nahihirapan akong buoin ang bagay na yan, maraming kailangan ilagay at isa ayos ang isang yan, pamula sa weapon’s arsenal, at ang plasma detector niya. Mukang aabutin pa ako nang isang taon bago tuluyan siyang matapos.

Antonio: Take your time, siguro magagawa din siya sa tamang panahon. At malaki ang inaasahan ko sa bagay na ito, at pati na sa iyo.

Dr. Hellsmith: May kailangan ka pa ba? May gagawin pa kasi ako...ayaw kong maistorbo.

Antonio: Masiyado ka talagang mahiwaga Jon, kahit ilang taon na tayong mag-kakilala ganyan ka parin. Pero sige, maiwan na kita. May kailangan parin akong gawin. Mamaya nalang.

Umalis si Zerino sa labaratoryo ni Jon Hellsmith, ngunit ang doctor ay tila merong kakaibang aura.
_________________________________________________

Primo: Dumaan ang mga araw na hindi na pumapasok si Dr. Hellsmith sa kanyang labaratoryo sa GINGA, at si Zerino, ay tila nag-tataka na kung bakit madalas itong wala.

Dahil noong mga panahong wala siya, ay nasa labaratoryo siya nang Dranixs. At patuloy parin siya sa kanyang pag-sasaliksik.

Patuloy parin siyang nabigo, nang-paulit-ulit.
_________________________________________________

Dr. Hellsmith: Hindi ito...hindi ito! Bakit hindi ko makuha nang tama ang formula, naka-salalay sa akin ang kinabukasan nang mga taong hinirang. Ang DNA manipulation.

Kasalukuyang pinag-aaralan parin ni Hellsmith, ang pag-babago nang DNA nang isang tao, mula sa ultimate form. Ngunit hindi niya makuha nang tama ang kanyang ginagawa.

Dr. Hellsmith: Kung kinakailangan kong kumuha pa nang maraming test subject. Hamilton!

Dr. Hamilton: Ano po yun?

Dr. Hellsmith: Humanap pa kayo nang test subject, bata man o kahit na sino. Basta kailangan kong matapos ito, sa lalong madaling panahon!

Dr. Hamilton: Naiintindihan ko po.
__________________________________________________
Nag-patuloy ang pag-dukot at pag-kawala nang mga tao. Hanggang sa hindi na nagustuhan ni Zerino ang mga pang-yayari.

Dahil ang mga nakaraang nawawalang tao, ay itinapon nalang ito kung saan-saan.
Nag-tungo si Zerino sa crime scene, kung saan itinapon nang naturang bangkay.
Sumaludo ang isa nilang tauhan, sa special investigation.

Investigator: (Sumaludo) Sir!

Antonio: Kumusta dito?

Investigator: Sir, isang babae ang biktima dito... isang estudiyante na nawawala noong nakaraang buwan. At ayon sa report na ito, parang-pinag-aralan nang suspect ang buong katawan nito, kasama ang mga lamang loob. Dadalhin na namin siya sa morge para ma ipag-patuloy ang autopsy.

Maya-maya naman ay meron pang dumating na isang pulis nang GINGA, at nag-report ito tungkol naman sa isa pang bangkay na nakuha.

GINGA Police: Director, meron nanaman pong natagpuan na isang bangkay malapit sa pasig river! Isang batang lalaki ito at kagaya rin nang kaso dito.

Antonio: Ano?

Dahil sa sunod-sunod na pag-sulpot nang mga bangkay na nawawalang tao. Kaagad nag-patawag si Zerino emergency meeting. Para sa kanyang task force na bubuoin.
Galit na pumasok si Zerino sa kanilang breefing room.

Antonio: Makinig kayong lahat! Mag-sasagawa tayo nang malawakang operation sa posible suspect. Gusto kong isa-isahin niyo ang gropong gumagawa nang Kidnapping, na merong kinalaman sa organs selling. Or kahit na ano!

Hindi tayo mag-papahinga hanggang hindi natin nakikita kung sino ang may kagagawan nang lahat nang ito!

Humingi na ako nang tulong sa ilang taga NBI at PNP, para sa joint operation. Nag-file narin ako nang warrant para sa mga suspect! Para matigil na ang kahayupan nang mga ito.

ALL: Roger!

Agad nag-sikilos ang mga tauhan nang GINGA para arestuhin ang lahat nang possible suspect kaugnay sa kidnapping at lalo na sa organs selling.
Hindi sila tumigil hanggang hindi nila napapaamin ang ilan sa kanila. 
_________________________________________________________

Ngunit si Dr. Hellsmith...

Dr. Helsmith: (Sa sarili) Pasensiya ka na Zerino, pero para ito sa kinabukasan nang lahat, para ito sa bagong mundo na gusto kong buoin.

Nag-patuloy din si Dr. Hellsmith sa kanyang pag-sasaliksik. Ngunit merong hindi inaasahan na merong mag-sasalita na mag-papatigil sa kanya.

Female: Papa...hindi na ba kayo titigil?

Dr. Hellsmith: Olga, buti naman at dumating ka na...kumusta ang ipinapagawa ko sa iyo?
Tinawag ni Dr. Hellsmith ang babaeng dumating na si Olga, siya ang nakatatandang anak ni Dr. Helsmith. Na nakaka-alam nang kanyang maitim na lihim.

Olga: Tama na ito...tama na! Hanggang kailang mo gagawin ito? Para sa kinabukasan nang lahat? Para sa bagong mundo, hindi yun ang nakikita ko....nakikita kong isang malaking kabaliwan ang lahat nang ginagawa mo! 

Dr. Hellsmith: Tumahimik ka! Hindi mo alam kung gaano ako nag-sakripisyo para lang mabuo ang research na ito. Para ito sa ina mo, at para narin sa naka-babata mong kapatid na iniwan tayo! Makikita mo, mag-kakasama muli tayo. Lilikha ako nang isang mundo na kasama sila at kahit kailan, ay hindi na mawawala pa!

Olga: Hindi...hindi ito ang gusto ni Mama at Apollo, hindi!

Tumakbo papalabas nang labaratoryo si Olga dahil sa sama nang loob sa kanyang ama. Hanggang sa makitaan nang makahulugang ngiti sa kanyang mga mukha ang docotor.

Dr. Hellsmith: Tagumpay ako! Tagumpay ako!  
___________________________________________________________

Nag-tungo si Dr. Helsmith sa kanilang himpilan, at muli niyang ipinatawag ang ilan sa mga masugid niyang tauhan.

Dr. Helsmith: Mabuti naman at dumating na kayo. Hamilton, at kayong dalawa, Primo at Quwarta.

Primo: Anong kailangan mo sa amin ngayon Hellsmith? May ipapagawa ka ba uli para diyan sa experemento mo?

Dr. Hamilton: Primo, konting respeto sa pag-sasalita!

Dr. Hellsmith: Hayaan mo siya Hamilton. Yan ang katangian na gusto ko sa kaniya.  Pero hindi yan ang gusto nating pag-usapan ngayon, nais kong ibahagi sa inyo ang mga bagay na ito.
Ipinakita na ni Dr. Hellsmith ang kanyang nilikhang mag-papabago sa buong sangkatauhan.

Dr. Hellsmith: Pag-masdan niyo, ang kapangyarihang mag-papabago sa mundo mula sa mabagal nitong pag-unlad. Ito ang...supreme serum, ang Deimos!

Tila na mangha ang tatlo nila Hamilton at Primo sa nilikha ni Dr. Hellsmith.
________________________________________________________

Primo: Nag-tagumpay si Dr. Helsmith sa kanyang experimento, ang anim na Deimos serum na kanyang ginawa, ay ibinigay sa amin bilang tanda nang pagiging hinirang niya. Na kami ang siyang mag-babago nang mundong ito mula sa mabagal na pag-unlad.

Ngunit hindi nag-tagal ang lahat nang ito.
___________________________________________________

Dr. Hellsmith: Primo, may gusto akong sabihin sa iyo.

Kasalukuyang nasa lab ang dalawa nila Primo at Dr. Hellsmith, at nasa harap nila ang isang incubator na tila merong isang nilalang ang nasa loob nito.

Primo: Sige sabihin mo kung ano yun.  

Dr. Hellsmith: Meron lang akong gustong ihabilin na ikaw lang ang tangi kong pag-katiwalaan.

Primo: Ihabilin?

Dr. Hellsmith: Alam mo, ginawa ang lahat nang ito para lang sa pamilya ko, gusto ko silang muling maibalik. Ang asawa at anak ko, sila ang lahat para sa akin. Ngunit kinuha sila sa akin sa isang kisapmata lang. Kaya nag-sumikap ako makuha lang ang susi mula sa buhay na walang hanggang, na ang kahit na ang patay, ay muling babangon sa hukay.

Pero ang kapalit nito, marami akong na isakripisyong buhay, makamit ko lang ang mithiin ko.

Primo: Hellsmith, tapatin mo na ako.

Dr. Hellsmith: Gusto ko ikaw ang siyang mamuno nang organisasyong ito, sa oras na mawala ako. Gusto kong ipag-patuloy niyo ang mga bagay na nasimulan ko. Bawiin ang GINGA sa kamay ni Zerino, at ipakilala tayo sa buong mundo tayo ang nararapat na mabago nito.

Bilang kasapi nang Bloodline dapat matupad natin ang mithiin natin para sa ating organisasyon.
________________________________________________


Primo: Matapos na sabihin sa akin ni Hellsmith ang mga bagay na yun, ay nag-pasiya na kami na isalin ang kapangyarihang binuo niya. Pero hindi rin namin inaasahan na malalaman nang GINGA ang buong katotohanan, nang merong mag-bigay sa kanila nang isang impormation.
Pinasok nila ang labaratoryo nito. At doon tumambad ang buong katotohanan. Na ang kaibigan nang director nang GINGA, ay siya pala ang utak nang krimen.

At pag-katapos ng nang-yari kay Dr. Hellsmith, ay nag-pasiya muna kaming itago ang lahat. Humanap kami nang mga miyembro na karapat-dapat, at gumawa nang mga pananaliksik upang mas mapalawak ang ginawa niya.

Hindi nag-tagal, nabuo namin ang mga Evolving Species, na siyang magiging taga-paghatid nang mensahe namin sa mga tao.

Pero sa kasabay nang pag-usbong namin mula sa anino, dumating naman ang iba’t ibang banta, at ang mga taong pumipigil sa kanila.

Ang New World Order namin, ang pag-usbong nang bagong sangkatauhan, ang magiging susi nang aming tagumpay.

At para sa tryador na ito, malapit na ang kanyang pag-huhukom. Alam kong mag-papakita ka uli sa amin, Olga Hellsmith...
__________________________________________________

Ilang sandali naman ay pumasok si Quwarta sa silid ni Primo, at tinawag niya ito.

Quwarta: Wala ka bang balak na makisali sa gulo?

Primo: Anong kailangan mo sa akin ngayon Quwarta.

Quwarta: Wala na si Macasero sa puwesto niya, dahil sa nang-yaring pag-atake nang mga miyembro nang Civil Apocalypse. Pag-kakataon mo na para kunin ito...William.

Tumayo si Primo sa kanyang kinauupuan, at tinawag siya nito bilang si Willaim. At nang mawala ang suot niyang baluti, dito na nakita ang buong pag-katao nang pinuno nang Dranixs.
Siya ay walang iba kung hindi si...Senator. William Delfine.

William: Kung ganon, kailangan ko nang gumawa nang hakbang, para makuha ang posisyon.
Lumabas si William sa kanyang silid. At sumunod sa kanya si Quwarta.

William: Ito palang ang simula...
___________________________________________________

Sa silid naman ni Tersera, abala siya sa isang listahan. At habang na nunuod ito sa kanyang monitor tungkol sa ilang pag-kakapatay sa ilang showbiz personality.

Tersera: Mukang kailangan ko nang mag-bawas nang ilan pa. (Lumingon) Atemis?

Isang nilalang ang lumabas mula sa ikuran ni Tersera, at ipinakita nito ang kanyang matalim na mga daliri.

Ano naman kaya ang binabalak nito?

Case Continued...







No comments:

Post a Comment