Saturday, December 3, 2016

Case 53: Double team!









All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.

Sa hide out ni Contreras, nag-tungo ang groupo nang NBI kasama si Miguel, para iligtas ang anak ni Albert Brilliantes. Ngunit sa hindi inaasahan, si Contreras ay isa palang negative.

Nakipag-laban si Miguel bilang si Draiger, pero sa lakas nang kapangyarihan ni Contreras ay hindi ito kinaya nang binatang pulis.

Ngunit salamat nalang at dumating si Snider, para sa back-up, pero ano kaya talaga ang iniisip ni Clyde sa mga oras na ito? Ang ituloy ang pustahan nila ni Miguel?




Case 53: Double team!

Kasalukuyang nakikipag-laban si snider sa kriminal at negative na si Contreras. Nag-pakawala ito nang matitinding atake gamit ang kanyang kuryente.

Panay naman ang iwas nang pulis sa mga atake nito.

Contreras: Ano panay iwas nalang ba ang gagawin mo?

Snider: Yun ang akala mo!

Weak spot confirmed! Ito ang sabi nang boses mula sa loob nang computer helmet ni Snider, na nagawang makita ang kahinaan nang negative.

Snider: Huli ka!

Akmang patatamaan ni Snider ang weak spot ni Contreras, at ito ay sa kanyang noo, pero sa hindi inaasahan.

SSSSSPPPAAARRRRRKKKKKKK!!

Snider: AAAAAHHHHHHH!!

Isang malakas na boltahe nang kuryente ang tumama sa kanya, at ito ay galing sa.

Draiger: Anong, Hindi lang siya nag-iisa?!

Ito ay galing sa mga kapwa niya negative, ang mga tauhan ni Contreras. Napapalibutan ngayon sila Snider at Draiger nang mga ito.

Electro Negative: Boss!

Contreras: Tamang-tama ang dating niyo, nasaan ang bata?

Electro Negative: Na-ilayo na namin siya dito.

Contreras: Kung ganon.

Nag-ipon nang napakalakas na kuryente si Contreras, at sabay namang dumating si Mihandra.

Capt. Ricky: Sandali tumigil kayo!

Draiger: Mihandra huwag mong gawin yan!!

Pinakawalan na ni Contreras ang kanyang napakalakas na boltahe nang kuryente, at ang kanyang puntirya ay ang mga special police.

SSSSPPPAAARRRRRRKKKKKKKK

Pero mabilis na umiwas si Snider, at si Draiger ay kaagad kumilos para mailigtas si Capt. Mihandra nang NBI. Lumundag ang mga ito palabas nang gusali. At si Contreras ay tuluyan nang tumakas.
____________________________________________

At sa ibaba naman, ligtas na naka-baba ang dalawa ni Draiger at Snider, kasama si Mihandra, pero ganon paman, bigo sila na mahuli si Contreras at Mailigtas ang bata.

Draiger: Nakatakas sila.

Snider: Asar!
____________________________________________ 

Nang-matapos ang insidente, bumalik sila Miguel at Clyde sa mansiyon nila Brilliantes, at ang dalawang special police ay nag-report kay Mei tungkol sa nang-yari.  

Mei: Kung ganon, isang negative si Mike Contreras?

Miguel: Opo, pero hindi lang po yun, pati ang mga kasama niya tila ganon din, at ang masama pa. Hawak parin nila ang anak ni Mr. Brilliantes.

Mei: Nakakapagtaka naman ata. Parang ngayon ko lang uli nakita ang Negative sa eksena. May kinalaman kaya ang dranixs sa nang-yayari?

Miguel: Hindi po kami nakaka-sigurado kung may kinalaman po sila.

Mei: …Bueno, kung ganon, ipag-patuloy niyo lang ang ginagawa niyo ni Clyde. Kailangan mailigtas ang hostage nila, at mapigilan si Contreras.

Miguel: Roger that.

Tinapos na nila Miguel at Mei ang kanilang kominikasiyon.
_______________________________________

Sa underground base, napapaisip si Mei kung ano pa ang dapat gawin, dahil pakiramdam niya ay hindi parin mag-kakasundo sila Miguel at Clyde sa pag-kakataong ito.

Pero ang isa pang bumabagabag sa kanya, ay ang negative na sinasabi nila na nasa anyo bilang si Mike Contreras.

Mei: Isang negative, May kinalaman kaya ang dranixs dito?
Maya-maya habang napapa-isip, ay merong hindi inaasahang bisita na dumating.

Mei: Oh mukang na abala ata kita.
Sino naman kaya ito?
____________________________________________

Balik kila Clyde....

Miguel: Mukang mag-sisimula nanaman tayo sa wala.

Capt. Ricky: Kasalanan niyo ito...

Nag-salita si Ricky at pinupukol niya ang pag-kamatay nang ilang sa mga tauhan niya, dahil sa kagagawan nila Clyde at Miguel.

Clyde: Ano?

Capt. Ricky: Kasalanan niyo ito, kung hindi dahil sa inyo, hindi mamatay ang mga tauhan ko!

Miguel: Sandali lang, walang dapat sisihin sa mga nang-yari, hindi rin namin alam na isang negative ang taong yun.  
Capt. Ricky: Negative? Huwag niyo nga akong niloloko, kayo talaga ang may kasalanan, kayo!!! Kung hindi lang kayo nang-himasok sa trabaho namin, hindi sana mang-yayari ito...Mga walang kuwenta-----
Habang nag-sasalita pa si Mihandra, ay siya namang tumayo si Clyde, at isang malakas na suntok ang ibinigay niya dito.

BBBBAAAAAAAAAGGGG

Miguel: Teka clyde!

Clyde: Kung isinisisi mo sa iba ang pag-kawala nang mga kasama mo, bakit hindi mo muna tanungin ang sarili mo?

Capt. Ricky: Ano?

Clyde: Bakit, yung ang tanong bakit ko pinabayaan ang mga kasama ko na gawin ang isang bagay, puwes hayaan mong sagutin ko...dahil kasama yun sa kanilang sinumpaan, ang mamatay at ang pumatay nang may rason. Alam mo sa simula pa lang, sa ganitong klaseng trabaho, kalahati na nang buhay mo ang nasa hukay. At kung isisi mo naman ang pag-kakamali mo sa iba, wala kang karapatan na gawin ang isang tungkulin na iniataw sa iyo nang buo.

Miguel: Clyde, tama siya...hindi ko dapat sinisisi ang sarili ko sa pang-yayari, dahil sa umpisa palang, walang may alam kung ano ba ang puwedeng maganap.

Capt. Ricky: Wala akong pakielam sa mga sinasabi niyo! Basta sapat na kayo ang maging dahilan kung bakit namatay ang mga kasama ko!

Clyde: Diba sinabi mo na wala kaming kuwenta, puwes mas wala kang kuwenta kung ikukumpara sa amin. Dahil hindi mo kayang tumangap nang responsibilida, at pati na ang realidad. Kung ako sa iyo, isuko mo nalang ang baril at chapa mo. At ibigay ito sa mas karapat-dapat.

Umalis nalang si Clyde, at iniwan sila Miguel sa loob nang mansiyon.

Miguel: Sandali Clyde, saan ka naman pupunta?

Clyde: Hahanapin ko si Contreras, at ililigtas ang bata...at huwag mong kalimutan, meron pa tayong usapan. Aalis ang sino mang matatalo.

Sumakay si Clyde sa patrol car na gamit niya at umalis ito. At habang nag-mamaneho siya, inaalam niya muli ang posibleng pag-taguan ni Contreras.

At naisip rin niya na hindi pa tapos ang kompetisyon nila pareho nila Clyde.

Bumalik sa loob nang mansiyon si Miguel, at ilang sandali pa ay tumunog muli ang telepono.

Kaagad naman itong sinago ni Mr. Brilliantes. At ang nasa kabilang linya ay si Contreras.

Albert: Hello?
Hinanda naman kaagad ni Miguel ang kanyang sequencer, para i-trace ang signal nito.

Contreras: (Sa Lugar niya) Hindi ko inakala na kukuha ka nang mga GINGA agent para lang sa ikaliligtas nang anak 
mo. Brilliantes. 

Albert: Contreras, pakiusap...huwag mong sasaktan ang anak ko, kahit mag-kano ibibigay ko sa iyo, huwag mo lang siyang saktan!

Contreras: Huli na para sa mag-sisi ka, dahil dito ko na tatapusin ang usapang ito.

Albert: Contreras huwag!-----

Bigla nalang pinutol ni Contreras ang usapan nila ni brilliantes.

Miguel: Malas, hindi ko na kumpleto...
Hindi ring nakumpleto ni Miguel ang pag-track sa signal, dahil sa biglaang naputol ang usapan nila.

Albert: Ano na ang gagawin natin? Baka patayin niya ang anak ko.

Miguel: Huminahon lang kayo, gagawa ako nang paraan. Sa ngayon kalahati lang nang data ang nakuha ko sa signal, pero puwede narin ito. I-iin-encrypted ko nalang ang data nito mula sa server namin. Mr. Brilliantes, kikilos na ako para iligtas ang anak mo. (Tumingin kay Mihandra).

Albert: Sige, umaasa ako sa iyo, ikaw nalang ang pag-asa namin.  

Kumilos na si Miguel, pero bago yun itinawag muna niya ang kakaramput na data na nakuha niya sa HQ.

Miguel: Marion…

Mula naman sa GINGA Under Ground base, sumagot si marion.

Marion: Miguel, ano ang kailangan mo?  

Miguel: Marion, meron akong ipapadala na maliit na data mula sa signal na nakuha ko kay Mike Contreras. Gusto kong hanapin mo ang exact location niya ASAP.

Pinadala na ni miguel ang data kay marion.

Marion: Copy that. Sige i-sesend ko nalang uli sa iyo ito.

Miguel: At isa pa, pakisabi kay Agent Martin na kailangan ko nang back-up dito, at pakibigay narin kay Clyde ang impormation na yan.

Marion: Roger that!

Miguel: Sige, Miguel out...

Tinapos na nila Miguel ang kanilang konbersasiyon, at umalis sakay nang kanyang Draig Cycle.
_____________________________________________
Underground base...

Marion: Ate Mei, kumikilos na muli sila Miguel.

Mei: Magaling kung ganon, naka-handa na ang back-up para sa kanila.

Marion: Ok, ito nalang data ang gagawin ko, e-encrypted ko na ito para ma ipadala sa kanila.

Kaagad sinimula ni Marion ang pag-encryption nang data.
____________________________________________

Sa lugar kung saan nag-tatago sila Contreras. Tila merong iniisip itong isang bagay, nang meron namang nag-pakita sa kanyang isang nilalang.

Contreras: Mukang hindi ka tinuruan nang magulang mo nang tamang asal.  
Nag-salita ang nilalang, at nag-pakita ito sa kanya. Ngunit nasa ilalim siya nang anino nang sinag nang araw.

Nilalang: Mike Contreras, hindi ito ang pinag-usapan natin. Hindi kita binigyan nang pangalawang buhay para gawin ang mga naka-ugalian mo. May kasunduan tayo, tutulungan mo ako sa aking misyon.

Contreras: Misyon? Nag-papatawa ka bang babae ka? Sa mga tulad naming kriminal, hindi kami gagawa nang isang trabaho kung walang kapalit, tapos na ang kontrata natin, malaya na ako. At gagawin ko kung ano man ang gugustuhin ko.

Tila wala nang magagawa ang babae, kung hindi hayaan nalang si Contreras sa gusto niya.

Nilalang: Kung ganon, tapos na ang kontrata, pero tandaan mo, may kapalit lahat nang mga pinag-gagawa mo.

Umalis na ang babae, at iniwan si Contreras. Ngunit sino kaya ito? At ano ang sinasabi niyang misyon.
___________________________________________

Ilang minuto ang lumipas nakuha ni Marion buong location kung saan naroon si Mike Contreras.

Marion: Nakuha ko na, Miguel, nasa pier 04 tondo manila.

Habang nag-momotor si miguel, natangap na niya ang data na ipinadala nito.

Miguel: Copy that, papunta na ako doon, ipadala mo narin kay clyde ang Intel na yan.

Nag-mamaneho si Clyde nang kanyang Patrol Car, ng matangap niya ang impormation mula kay Marion.

Marion: Clyde, be advised nasa pier 04 ang suspect na si Mike Contreras. Papunta naroon si Miguel para iligtas ang kanilang hostage.

Clyde: ...Ang lalaking yun, Sige Roger that papunta na ako sa lugar.

Dahil sa narinig niyang papunta na si miguel sa lugar, kaagad nag-madali narin si clyde, para hindi siya maunahan ni miguel.
____________________________________________

Sa bilis ni Miguel ay nakarating na siya sa naturang lugar, at maya-maya pa ay dumating narin ang patrol car ni Clyde.

Miguel: (Hinubad ang helmet) Ang bilis mo ah...

Bumaba naman si Clyde sa kanyang sasakyan.

Clyde: Hmp...Lilinawin ko lang, hindi pa tayo tapos dito.

Miguel: Bahala ka, gagawin ko nalang ang trabaho ko, kesa makipag-kompitensiya sa iyo.

Binunot nang dalawa ang kanilang mga Gun Driver’s at pinasok nila ang loob nang isang abandonadong barko.
Ngunit naka-abang na pala ang ilang mga tauhan ni Contreras, para sa isang ambush.

Henchman: Tulad nang inaasahan makikita nila ang lugar na ito. Gawin niyo na!

Biglang nag-liwanag ang katawan nang mga tauhan ni Contreras, at nabalutan ito nang mga kuryente.
At maya-maya pa ay inatake nila ang dalawa ni Clyde at Miguel.

Miguel: Ambush!

Napatingala ang dalawa, sa ambush na nang-yari, nag-pakawala ang mga henchman nang kanilang mga kuryente para atakehin ang dalawang pulis.

SSSSPPPPAAAARRRRKKKK

Pero mabilis namang naka-iwas si Miguel at Clyde, saka gumanti nang putok sa mga ito.

BANG!-BANG!-BANG!

Ngunit hindi tumatalab ang bala sa kanila.

Miguel: Hindi parin tumatalab sa kanila!

Clyde: Tumabi ka diyan!

Kaagad sumugod nang pasulong si Clyde, at sabay scans nang DNA para sa pag-babago nang anyo niya.

Clyde: Snider Change!


Nag-bago nang anyo si Clyde bilang si Snider, at nilabanan niya ang mga Electro Negative.

Miguel: Mukang hindi rin siya nag-iisip...

DNA Scan Complete...DRAIGER CHANGE!



Nag-bago narin nang anyo si Miguel bilang si Draiger, at sumali na siya sa laban.
_________________________________________

Kita naman ni Contreras ang nagaganap na labanan sa kanyang teritoryo.

Contreras: Nadito na sila…Ikaw diyan bantayan mong mabuti ang bata!

Henchman: Masusunod boss!

Tila nag-hahanda rin si Contreras sa labanang nagaganap.
__________________________________________

ZAP!-ZAP!-ZAP!

Nag-bato nang tatlong throwing dagger si Draiger sa kaniyang mga kalaban, Pero sinira lang ito nang mga kalaban niya gamit ang kuryente.

Draiger: Malas!

Snider: Hoy! Kung wala kang gagawing matino, umalis ka nalang...masiyado kang nakakasagabal sa labang ito.

Draiger: Puwede bang tumahimik ka nalang at mag-concentrate sa laban.

Tila napansin nang mga Electric Negative na hindi mag-kasundo ang dalawa, kaya ginamit nila itong pag-kakataon para itumba ang mga ito.

Electro Negative: Masiyado na kayong maingay!

Snider: Ikaw ang tumahimik!!

Akma sanang a-atake ang isa sa mga Negative kila Draiger, nang bigla namang baguhin ni Snider ang kanyang, Gun Snider bilang Grenade Launcher, tumama ito sa katawan nang naturang Negative at sumabog ito.

BBBBBOOOOOMMMMSSSS

Gulat naman ang mga kasama nito sa ginawa nang pulis. At tila hindi nila ito nagustuhan.

Electric Negative: Ikaw pag-babayaran mo ang ginawa mo! Patayin sila!

Isa-isa nang nag-labas ang iba pang Negative, at kinuyog na silang pareho. Ngunit nag-labas si Snider nang kanyang Smoke Grenade, at lumusot ito sa mga dumagsang Electro Negative.

Draiger: Teka anong binabalak nang isang ito?

Iniwan ni Snider si Draiger na mag-isa.

Snider: Ikaw na ang bahala sa kanila...

Draiger: Sandali Clyde!

Umatake nang sabay-sabay ang mga electro negative sa kanya, ngunit gumamit si Draiger nang husay niya sa pro-wrestling at combat knife para defensahan ang sarili.

Draiger: Clyde!
______________________________________________________

Nag-tungo si Snider sa lugar kung nasaan nag-tatago si Contreras at ang kanyang Hostage na bata.

Gamit ang police mode scanner sa kanyang computer helmet, inisa-isa niya ang mga lugar sa naturang abandonadong barko.

Hanggang sa makasagap siya nang isang Heat signal sa isa sa mga silid.

Snider: Mukang narito na ang hinahanap ko.

Pinasabog ni Snider ang pintuan at kaagad itong pumasok sa loob.

BOOOOMMMSSSSSSS

Pero, hindi niya inaasahan ang isang bagay sa pag-pasok niya.  

Snider: Contreras!

Contreras: Ibang klase, hindi ko akalain na makikita mo ang lugar na ito, ibang klase nga talaga kayong mga taga GINGA, walang impormation ang hindi nakaka-lusot sa inyo.

Nasalikuran ngayon ni Contreras ang batang kinidnapp nila.

Batang Babae: Pakiusap tulungan niyo ako! Gusto ko nang umuwi!

Snider: Contreras, sumuko ka na ano mang oras ay paparating na ang ilang mga kasama ko para hulihin kayo!

Contreras: Sumuko? Papaano kung ayaw ko.

Snider: Puwes mapipilitan akong dalhin ka nang sapilitan!

Biglang sumugod si Snider kay Contreras, pero biglang humarang ang dalawa niyang tauhan para pigilan siya,
Pero pinasabog lang niya ito gamit ang kanyang Grenade Launcher!

Snider: Tumabi kayo!

BOOM!-BOOM!

Nang malapit na si Snider sa bata, ay si Contreras na ang humarang sa kanya.

Snider: Anong!

Contreras: Tapos ka ngayon!

SSSPPPPAAAAARRRRRRKKKKKKK

Snider: AAAAAAARRRRRR

Ginamit ni Contreras ang kanyang mga kamay na nababalutan nang malakas na boltahe nang kuryente. Na naka-sira sa armor nito.
________________________________________________________

BBBAAAAAAAGGGGG

Nakikipag-laban parin nang mag-isa si Draiger sa mga tauhan ni Contreras.

Draiger: Ang Clyde na yun, seryos siya sa mga bagay na gusto niyang mang-yari.

Akmang may-aatake sa kanyang likuran ngunit na detect kaagad niya ito, at madali siyang naka-iwas.

BANG!-BANG!

Draiger: Masiyadong madami ang mga ito.

Napapalibutan na si Draiger nang mga negative ni Contreras, at wala siyang maisip kung papaano ito malulusutan.

Electro Negative: Tapusin na siya!

*Miguel Hooked Up!*

Bigla nalang may tumawag kay Draiger mula sa kabilang linya, at laking gulat niya na nakita niya sa itaas si Beta.

Draiger: Major Mendoza!

Dumating si Beta para tulungan ang mga ito, at ito rin siguro ang tinutukoy ni Mei na back up nila.

At samantala napansin nang binatang pulis na tila may itinatanim ang mga tauhan ni beta sa bawat sulok. Kaya nag-pasiya na siyang gawin ang sinasabi nito.

Draiger: Sige na iintindihan ko!

Ginamit niya ang kanyang Driver, para mag hook pa itaas.

Nang mag-tagumpay si Draiger sa kanyang pag-hook, ay siya namang ibinigay ni Beta ang kanyang signal, para pasabugin ang ilang parte nang barko.


Beta: Gawin niyo na!

GINGA SWAT: Roger!

Pinindot nang isang miyembro nang GINGA SWAT ang button, at saka sumabog ang naturang mga pader.

Electro Negative: Teka anong nang-yayari?

Electro Negative: Tingnan niyo! Pumapasok ang tubig sa loob!

Unti-unting pumapasok ang tubig sa loob, nang pasabugin nang GINAG SWAT ang ilang parte nang barko.
_____________________________________________________

Naramdaman din nila Snider ang pag-yanig mula sa pag-sabog.

Contreras: Anong nang-yayari?

Si Snider ay lugmok parin mula sa atake sa kanya ni Contreras, Ngunit tila merong iniisip itong paraan para tuluyan nang mahuli ito.
____________________________________________________

Ilang sandali pa ay tuluyan nang pumasok ang tubig sa buong lugar, at ang mga Electro Negative ay tila na ngisay dahil sa tubig alat na pumasok. At ang ilan sa kanila ay namatay dahil sa mismong kuryente nila.

Draiger: Kung ganon ito pala yun...Major, salamat sa tulong, kayo ba tinutukoy ni Agent Martin na back-up?

Beta: Ako nga, gusto niyang maka-sigurado na nag-tra-trabaho kayong mabuti ni Clyde bilang isang team. Pero mukang hindi nang-yayari yun ayon sa mga nakikita ko. Miguel, tulungan mo si Clyde, at ipaintindi ang salitang team work. Alam kong magagawa mo na yun sa pag-kakataong ito. Kami na ang bahala dito para i-secure ang area.

Draiger: Naiintindihan ko po!

Kaagad umalis si Draiger para puntahan si Snider.
____________________________________________________

Nag-madali naman ang isa sa mga tauhan ni Contreras para sabihan  na nasa delikado na silang sitwasyon.

Electro Negative: Boss, Delikado na tayo ditto, unti-unti ng lumulubog ang barkong ito.  

Contreras: Umalis na kayo, at dalhin niyo ang bata…may kailangan lang akong tapusin dito.

Snider: Errrr....

Hindi makatayo si Snider dahil sa pinsalang tinamo niya. At nakahanda na siyang tapusin ni Contreras. Ngunit....

AAAAAARRRRRHHHHHH

Bigla nalang natumba ang kanyang kasamahan, at si Draiger ang may kagagawan nito.

Contreras: Anong!

Draiger: Kumusta!

Hindi lang yun, dahil nagawang iligtas na nito ang batang babae na hostage nila.

Draiger: Ayos ka lang ba bata?

Batang Babae: Opo, maraming salamat po...

Draiger: Sige tumabi ka muna, tatalunin lang ni kuya ang isang ito. Diba Clyde!

YYYYAAAAAAAAHHHHHH

Biglaan nalang tumayo si Snider, at inatake sa likod si Contreras nang isang malakas na suntok. At tumalsik ito.

BBBBAAAAAAAGGGGGGGG

Contreras: AAAAARRRRR.

Lumapit naman si Draiger kay Snider, para kumustahin ang lagay nito.

Draiger: Ano ayos ka lang ba?

Snider: Hindi ko kailangan nang pag-aalala mo.

Draiger: Nako naman, tigilan mo na ang pagiging ma pride, Narito si Major Mendoza para tulungan tayo. Ano mang oras, lulubog na ang barkong ito. Kailangan nating talunin si contreras, bilang isang team...Naiintindihan mo! At kung hindi tayo mag-tutulungan, walang magiging kinabuksan ang samahang ito.

Napaisip si Snider sa mga sinabi sa kanya ni Draiger. Ang tungkol sa team.

Unti-unti nang tumatayo si Contreras sa kanyang kinabagsakan.

Contreras: Mga walang hiya kayo! RRRAAAAAAHHHHH

SSSSSPPPAAARRRRRRKKKKK

Nabalutan nang malakas na boltahe nang kuryente si Contreras.

Draiger: Heto na siya! Humanda ka na Clyde.

Snider: Hindi mo na kailangan sabihin!

Pinakawalan ni Contreras ang kanyang malakas na kuryente, at dumaloy ito sa sahig. Ngunit sabay lumundag ang dalawa, at nauna si Snider na umatake.

Change...Grenade Launcher!

Nag-bago ang kanyang sandata bilang Grenade Launcher, Pinuntirya niya si Contreras, gamit ito

BBBBLLAAASSSSSTTTT

BOOM!-BOOM!

Ngunit, umiwas ito sa atake na ginawa niya....

Contreras: (Ngumiti) Heh!

Pero iba pala ang nasa isip nang mga ito.

Draiger: Salamat sa opening!

Binabalak palang gamitin ni Draiger ang kanyang Draig Zone. Pinakawalan niya  ang plasma energy mula sa kanyang Draig blade, at tumama ito kay Contreras. Nang dahil doon hindi na ito makagalaw pa. At ito ang tinatawag niyang draig zone.

Contreras: Hindi ako makawala!!!

Draiger: Checkmate!

Umatake ng buong tapang si Draiger, at ng makarating siya sa zone, ay bigla nalang siyang tumagos sa katawan ng negative, at tuluyan na niya itong natalo.

SSSLLLAAASSSHHHH...

AAAARRRRRGGHHHH

At dahil din sa team work nila ni Snider, nagawa nilang matalo Contreras at mailigtas ang bata.
___________________________________________________________

Natapos naman ang trabaho nang GINGA SWAT, at pakiramdam ni Beta na nag-tagumpay sila Draiger at Snider bilang isang team.

Beta: Mukang ayos na ang lahat.....
___________________________________________________________

Mula sa labas, pinag-mamasdan nang nilalang na nag-bigay nang kapangyarihan kay Contreras ang barko nito.

Nilalang: Mike Contreras....Mukang hindi siya kuwalipikado bilang alagad ko, Hindi ko mabubuo ang mga plano ko kung walang isang malakas na kasama.

Sino ba ang babaeng ito?
________________________________________________________

Ilang araw ang naka-lipas....

Sinabi nang hindi dito yan!

Ang kulit mo...marunong ka pa sa tumitira dito!

Tila nag-aaway parin ang dalawa ni Clyde at Miguel, dahil sa maliit na bagay na inuutos sa kanila. At ang mga babaeng kasama nila ay tila wala naring magagawa.

Miya: Nag-aayaw nanaman ba sila?

Sherry: Parang...

Marion: Hayaan niyo nalang sila, sa tingin ko nag-kakasundo narin sila.

Samantala kausap naman ni Mei si Albert Brilliantes para mag-pasalamat sa lahat nang na itulong sa kanila.

Albert: Maraming salamat sa inyo, malaki ang utang na loob ko sa pag-kakaligtas niyo sa nag-iisa kong anak, bilang pabuya heto ang reward money na ibinibigay ko para sa inyo.

Mei: Ah, Hindi ko po matatangap yan, unang-una tungkulin namin yun na tulungan ang kahit na sinong na nga-ngailangan. Ang mabuti pa po, itago niyo nalang ang perang yan, ilaan niyo sa mga taong puwede niyong matulungan.

Albert: Ganon ba, puwes maraming salamat parin...hindi ko makakalimutan ang bagay na ito.

Mei: Huwag niyo akong pasalamatan, ang dalawang yun ang siyang gumawa nang lahat, para lang mailigtas ang anak niyo.

Habang nag-uusap sila Mei at ang ama nang batang babae, ay lumapit naman ito sa dalawa. Para mag-pasalamat din nang personal.

Batang Babae: Mga kuya, maraming salamat po!

Natigil ang dalawa sa kanilang pag-babangayan.

Miguel: Walang ano man yun, basta kung kailangan mo lang nang-tulong, tawagin mo lang kami okay!

Batang Babae: Opo!

Clyde: Hmp! Naka chamba kalang kaya nasa iyo ang lahat nang credits, pero sa susunod...ako na ang mananalo!

Miguel: Tumigil ka na nga!

Nag-patuloy parin ang dalawa sa kanilang pag-babangyan. Hanggang sa dumatin na si Kyro at Marina mula sa GINGA Medical Center.

Kyro: Nandito na ako---Teka anong nang-yayari dito?

Marina: Ewan? 

Kyro: Mukang wrong timing tayo sa pag-uwi!

Naabutan nila na nag-aayaw sila Miguel at Clyde.

Case Continued.....








No comments:

Post a Comment