Saturday, November 12, 2016

Case 52: Isang pustahan








All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.

Kasalukuyang nasa ospital parin ngayon si Kyro, at nag-papagaling ito.

Pero sa GINGA Cafe....

BWAAAAAHHHHHHHHH

Humikap si Miguel na tila nakakaramdam nang pag-kabagot.

Miguel: Nakakatamad ngayon araw, halos wala ng negative na nag-papakita hindi kaya tinamad na ang dranixs mag-padala?  

Sherry: Marami ka pa namang puwedeng gawin dito, puwede mong tulungan si Kuya Marion, o kaya naman tulungan mo kami dito sa cafe.

Miguel: Tinatamad talaga ako, ayaw kong ubusin ang buong araw ko sa pag-sisilbi sa mga taong wala alam kung hindi mag-pasosiyal.

*Kung ganon, bakit narito ka pa at tumutuloy dito?*

Wala ka-alam alam si Miguel na naroon pala si Clyde, na naka-upo sa isang tabi at habang umiinom ng kape.

Miguel: Teka ano naman ang ginagawa mo dito?

Clyde: Bakit, masama bang bisitahin ko ang kapatid ko, at uminom nang kape dito?

Miguel: Wala akong sinasabing ganon, pero sa pananalita mo...parang may gusto kang palabasin.

Clyde: Meron nga, sa tingin ko kasi...masiyado mong sinasawalang bahala ang trabaho mo. Parang lumalabas tuloy na wala kang silbi sa mga sinabi mo.

Miguel: (Galit) Anong sabi mo!

Tila nag-kakameron nang tensiyon sa dalawang lalaki.  Kaya pumagitna kaagad si Sherry at Miya para pigilan ang mga ito.

Sherry: Sandali, konting hinahon lang naman...

Miya: Oo nga kuya, hindi mo naman siguro gustong sabihin yun kay Kuya Miguel diba...hindi mo naman sinasadya,

Sherry: Wala si Kuya Kyro dito ngayon, at kayo lang puwedeng asahan. Kaya pakiusap huwag naman kayong ganyan.  

Clyde: Wala akong pakielam. At saka baka nakakalimutan mo, marami ka pang atraso sa akin. Knives!

Miguel: Talagang sumosbra ka na!!

Susugurin sana ni Miguel si Clyde dahil sa mga masamang sinabi niya, ngunit biglang nag-pakita si Mei, at pinigilan ito.

Mei: HAY TAMA NA YAN!

Natigilan lang ang dalawa nang mag-pakita si Mei.

Miguel: Ms. Mei?

Clyde: ......

Mei: Sakto pala at narito kayong dalawa, total wala si Kyro...baka puwede ko kayong ipadala sa operation na ito.

Clyde: Teka ano naman yun?

Nag-taka ang dalawa sa sinabi ni mei, at kung ano ang operation na sinasabi niya.

Mei: Heto basahin niyo!

Ibinigay Mei ang folder sa kanila, at ikinagulat nilang pareho ang laman nang folder.

Miguel/ Clyde: ANO! HINDI AKO PAPAYAG DITO!

Ano naman kaya ang laman nang folder na ito? At ano ang operation na kanilang gagawin. 




Case 52: Isang pustahan.

Hindi makapaniwala si Miguel at Clyde na pinag-sama sila ni Mei para sa iisang misyon, at ang misyon nila ay hanapin at hulihin ang tanong nasa information report.
Bago pa sila umalis sinabi ni Mei ang magiging objective ng misyon.

Mei: Heto ang magiging assignment niyong dalawa, kilala ang taong yan bilang master mind sa mga kidnap for ransom. Siya si Mike Contreras, isa siyang dating miyembro nang Philippine army, ngunit tinagal siya sa serbisyo dahil sa mga paglabag niya sa mga alituntunin at kasong AWOL.

Clyde: Isang dating sundalo. Sisiw lang ito sa akin.

Miguel: Huwag mong mamaliitin ang isang kagaya niya.

Mei: Bago ko makalimutan, hawak niya ang isang batang babae na anak nang isang kilalang negosiyante dito sa atin. Mag-babayad siya nang malaki sa atin kung mababawi niyo ang anak niya nang ligtas. Ipapasa ko nalang sa inyong mga sequencer ang info tungkol sa bata.

At nang matapos ang pag-br-briefing ni Mei sa dalawa ay umalis na kaagad ang mga ito.  Ngunit tila may pangamba ang dalawa ni Miya at Sherry na baka hindi mag-kasundo ang mga ito.

Sherry: Ate Mei, sigurado po ba kayo dito?  Pag-sasamahin niyo sila sa isang misyon na wala si Kuya Kyro.

Miya: Hindi maganda ang kutob ko dito. Mainitin pamandin ang ulo ni Kuya at ayaw niyang pina-ngungunahan siya.

Mei: May dahilan ako kung bakit ko ginawa ito. Makikita niyo, magiging maayos din sila.
______________________________________

Sakay nang isang GINGA Patrol car, Habang nag-mamaneho si Clyde ay siya namang natangap ni Miguel ang info sa bata at possible location sa mga suspect.

Miguel: Heto na ang info na ipinasa ni Ms. Mei, ayon dito ang pangalan nang bata Macy Brilliantes 10 years old, anak siya nang isang kilalang billionario na si Albert brilliantes at Cindy brilliantes, ayon sa nakaraang report, mahigit isang linggo ng bihag ang bata, kinidnap siya sa harapan nang kaniyang eskuwelahan bandang 10 a.m. pag-katapos niya nang klase, pinatay ang driver nito at maid ng mga tauhan ni Contreras.

Grabe sobra naman ata ang hinihingi nilang ransom money, mahigit 100 milyon php ang hinihingi nila kapalit ang buhay ng bata.

Nag-salita si clyde tungkol sa mga sinabi ni miguel.

Clyde: Wala akong pakielam.

Miguel: Ano? Teka wala kang pakielam, pero bakit ka sumama dito?

Clyde: Wala akong pakielam sa Intel na yan at kung sino ang suspect, ang gusto ko lang ay huwag kang makikielam sa mga bagay na gagawin ko.
Tila hindi naman nagustuhan ni Miguel ang sinabi ni Clyde sa kanya.

Miguel: Sandali, umiiral nanaman yang pagiging expendables mo, hoy hindi ka na miyembro nang section zero at wala ka na sa puder nila, nasa panga-ngalaga ka na ngayon ni Agent Martin, at sa ayaw mo’t sa gusto, team tayo. At mag-tutulungan sa ayaw at sa gusto mo.

Clyde: Team? Huwag kang mag-patawa, kahit kailan hindi kita maituturing kakampi o kasamahan... o kahit na kaibigan, hinding-hindi. Wala akong tiwala sa mga taong itinatago ang nakaraan niya.

Miguel: Ah ganon pala, sige fine!  Mag-kanya kanya tayo, kung sino man ang hindi makahuli sa suspect at hindi mailigtas ang bata, aalis sa grupo at isusuko ang pagiging Special Police.

Clyde: Sinabi mo yan, at pag-ako ang nanalo. Tutuparin mo ang sinabi mo.

Miguel:  Ganon din ang gagawin mo!

Isang kasunduan ang ginawa nila Clyde at Miguel, na kung sino ang hindi makaka-huli sa suspect o sa makakapag-ligtas ng bata ay siyang aalis sa grupo at isusuko na ang pagiging Special Police.

Nguinit tila merong isang malaking mang-yayari na mag-papabago sa kasong ito.
____________________________________________________________

Samantala nakarating naman sila sa bahay nang mga brilliantes. Para ipaalam na gagawin na nang GINGA ang operation para sa pag-liligtas sa kanilang anak.

Albert: Mabuti naman at dumating na kayo, alam kong kayo lang ang makakatulong sa amin.

Clyde: Kami ang pinadala nang special task force nang GINGA para sa kaso nang anak niyo, Mr. Brilliantes...Bago ko makalimutan, ako si Sgt. Clyde Silva.

Parang wala namang balak na ipakilala ni Clyde si Miguel sa mga ito.

Miguel: Ah ako naman po si Corporal Miguel Fajardo.

Albert: Alam ko na mahalaga ang bawat oras ng mga tao sa GINGA, pero nag-mamakaawa kami nang asawa ko, pakiusap… iligtas niyo ang nag-iisang anak ko. Siya lang talaga ang para sa amin, mag-babayad ako kahit na gaano pa kalaki. Mailigtas lamang siya.

Clyde: Gagawin ko po ang makakaya ko, para sa ikalulutas nang kaso.

Ngunit bago matapos ang pakikipag-pulong nila sa mga magulang nang bata, ay siya namang dumating ang mga taga NBI.

*Aba-Aba tingnan mo nga naman, meron palang naliligaw na mga taga GINGA dito? *

Napalingon ang dalawa sa taong dumating.

Albert: Ah bago ko makalimutan, sila ang kasalukuyang humahawak sa kaso ng anak ko, siya si Capt. Ricky 
Mihandra. Siya ang na mumuno sa criminal intelligent division 04 ng NBI.  

Clyde: Hindi ko alam na meron pala tayong makakasamang mga taga NBI.

Miguel:  Kami nga pala ang pinadala dito nang GINGA para tumulong sa kaso ni-----

Capt. Ricky: Mr. Brilliantes, diba may usapan tayo na kami na ang bahala sa kasong ito? Bakit tumawag pa kayo nang mga taga GINGA? Eh halos umaasa lang naman sila sa teknolohiya nila sa pag-lutas nang kaso.

Napapatawa naman ang ilang  miyembro nang NBI sa sinabi nang kanilang kapitan, ngunit hindi nagustuhan ni Clyde ang sinabi nang mga ito.

Clyde: Anong sabi mo?

Capt. Ricky: Totoo naman diba, ang organisasyon niyo, ay umaasa lang sa mga teknolohiya, kaya madali niyong nalulutas ang isang kaso, at ang kagaya nang mga special police niyo, para lang silang mga clown sa pambatang palabas, na kailangan pang mag-suot nang baduy na armor. Diba nakakatawa yun.

Clyde: Nang-iinsulto ka ba! Baka gusto mong!----

Miguel: Sandali, hindi naman ata maganda ang pananalita mo sa amin, narito lang kami para tumulong sa kaso, kung inaalala niyo yung reward money, sige sa inyo na yun. Ang gusto lang namin dito, magawa ang serbisyo na hinilang sa amin, yun lang!  

Capt. Ricky: Hmp, ganon ba...total alam niyo rin pala ang tungkol sa reward money ni Mr. Brilliantes, sige pumapayag ako. Puwede tayong joint operation, pero sa oras na gumawa kayo nang hakbang na hindi ko magugustuhan, tapos kayo.

Pag-katapos nang usapan nila ay umalis ang groupo nang mga taga NBI, at si Clyde naman ay umalis rin, para simulan na ang trabaho nila.

Miguel: Pasensiya na po Mr. Brilliantes sa nang-yari. Hayaan niyo po, gagawin namin ang makakaya namin para lang maibalik nang ligtas ang anak niyo.
_____________________________________________________

Sinundan naman ni miguel si clyde na papasakay sa kanilang patrol vehicle.

Miguel: Sandali clyde! Sandali lang!

Clyde: Ano nanaman?

Miguel: Alam kong nakakairita yung sinabi nang taong yun, sana lang huwag kang mag-paapekto sa mga sinabi niya. At isa pa, kalimutan nalang natin yung mga pinag-usapan natin kanina, kalimutan natin ang pustahan na yun...mag-tulungan tayo, patunayan natin sa kanya na mali siya. At hindi basta-basta minamaliit ang mga taga GINGA.

Tila napaisip si Clyde sa mga sinabi ni Miguel sa kanya...Ngunit.

Clyde: Wala akong pakielam sa mga sinasabi mo...

Miguel: Ano!

Clyde: Tuloy ang usapan na yun, aalis ang hindi makaka-huli sa suspect.

Sumukay si Clyde sa patrol vehicle, at iniwan si Miguel.

Miguel: Clyde...ano bang iniisip mo?

___________________________________________________

Sa pinag-tataugan nang groupo ni Contreras... kasalukuyang tumawag muli ito sa mga magulang nang kanilang bihag. At humihingi ito nang dagdag para sa buhay nang bata.

Contreras: Mr. Brilliantes, kumusta na? Nagawa mo na ba ang hinihiling ko sa inyo?

Sa bahay ni Albert brilliantes, kasalukuyang trinatrack nang NBI ang lugar kung nasaan siya. Habang kausap ni brilliantes ang suspect sa telepono.

Alberto: Konting panahon pa, nakikiusap ako...hindi biro ang halaga nang hinihingi mo.

Pumasok naman si Miguel sa loob nang mansion. Ngunit nakita niya na gumagawa na nang hakbang ang NBI para sa pag-trace nang lugar.

Balik kila contreras....

Contreras: Hay...medyo nababagot na ako sa mga sagot mo Mr. Brilliantes. Sa tingin ko pinapaikot mo lang ako, 
(sumesenyas) pero pag-bibigyan kita, total meron pa naman natitirang kabutihan dito sa puso ko.

Albert: Hindi! Hindi sa ganon, talaga lang pinag-hahandaan ko ang pera para sa inyo, basta ipangako niyo lang, huwag niyong sasaktan ang anak ko.

Maya-maya pa ay, biglang nag-sisigaw ang bata na narinig niya mula sa telepono.

*Daddy! Daddy! Tulungan niyo ako daddy!*

Albert: Baby! Huwag kang mag-alala gumagawa na nang paraan si daddy. Konting tiis nalang.
Pag-katapos na marinig ni Albert ang boses nang kanyang anak, ay inilayo na ni Contreras ang telepono sa bata.

Contreras: Narinig mo na ang boses nang anak mo, bibigyan kita nang bente quatro oras para ibigay ang hinihingi ko. 200 Million kapalit nang buhay nang anak mo. Dalian mo dahil tumatagal na ang negosasiyong ito. Tatawag muli ako sa loob nang limang oras, ibibigay ko sa iyo ang exact location ng drop point.

Pag-katapos noon pinutol na ni Contreras ang kaniyang pakikipag-usap.
_______________________________________________

Henchman: Boss, papaano kung humingi siya nang tulong sa NBI o sa GINGA? Anong gagawin natin.

Contreras: Madali lang ang sagot sa tanong mo, nakakalimutan mo na ba kung ano ako.

Tila merong inilalabas na isang bagay si Contreras sa kanyang bulsa, at ipinakita niya ito sa kanyang mga tauhan.

Contreras: Siguradong hindi mag-tatagal, lalangoy nanaman tayo sa limpak-limpak na salapi.
________________________________________________

Capt. Ricky: Ano nakuha niyo ba?

NBI Agent: Sorry sir, masiyadong mabilis ang naging transaction nila, ang problema merong gumugulo sa linya.

Albert: Kapitan, meron nalang tayong 24 hours para maibigay ang ransom money para sa kanila, anog agawin natin? Seryoso na si Contreras na patayin ang anak ko.

Capt. Ricky: Gumagawa na kami nang paraan, sa ngayon ang maipapayo ko lang ay ilabas ang perang hinihingi niya, at sa oras na tumawag siya doon na kami gagawa nang plano.

Pero ilang sandali lang....

Miguel: Nakuha ko na!

Gamit ang Sequencer niya nagawang ma track ni Miguel ang exact location kung nasaan si Contreras.

Capt. Ricky: Ano!?

Alberto: Anong ibig mong sabihin?

Miguel: Nakuha ko na ang location nila Contreras, kaya hindi niyo siguro makuha ang signal niya, dahil merong humaharang sa tracking signal niyo. Mautak ang taong yun, dahil ayaw niyang may makikielam sa mga balak niya.

Capt. Ricky: Pero papaano mo naman nagawa yun?

Miguel: Minaliit mo ang GINGA, oo nga karamihan sa amin ay umaasa lang sa technology, pero ibahin mo kami. Hindi lang kami sa technology naka depende, ginagamitan din namin ito nang utak.

Parang nainsulto naman ang kapitan nang NBI sa mga sinabi ni miguel sa kanila.

Albert: Kung ganon, nasaan siya?

Miguel: Nasa....
___________________________________________

Clyde: Kung ganon narito siya.

At ganon din pala ang ginawa ni Clyde, hinanap niya ang full Intel ni Contreras, at nakita niya ang lugar kung nasaan ito.

Clyde: Point 1632, New Lower Bicutan, sa isang under contraction building.

Kasalukuyang kausap ni Clyde si Mei, para sa ilang pang further instruction.

Mei: Kung ganon alam mo na kung saan matatagpuan si Contreras?

Clyde: Hindi mahirap sa akin yun, at isa pa, kilala ang taong yun bilang isang top class na kriminal. Kaya madali lang makuha ang intel kung saan siya mismo nag-tatago.

Mei: (Sa lugar niya) Magaling kung ganon, pero teka nasaan si Miguel, parang hindi ko siya nakikita diyan?

Clyde: Hindi ko siya kailangan dito.

Mei: Ano?! Teka kayong dalawa ang na-assign sa kasong yan, dapat mag-kasama kayo sa kahit anong sitwasyon. Ano bang problema niyo pareho?

Clyde: Marami, at hindi ko talagang masisikmura na makipag-tulungan sa kanya. Sige na...may kailangan pa akong gawin, titingnan ko kung tama ang Intel na nakuha ko.

Mei: Sandali clyde! Clyde!------

Pinutol ni Clyde ang pakikipag-usap niya kay Mei. At nag-tungo na ito sa lugar kung nasaan ang suspect.
________________________________________

Samantala si Mei.

Marion: Mukang magiging problema ang dalawang yun.

Mei: Mukang wala na akong magagawa, kailangan ko na siyang tawagan para bantayan ang dalawang yun.

Marion: Teka sino naman?

Sino kaya ang ipapatawag ni mei para mag-bantay kay Miguel at Clyde.
__________________________________________________

Tatlong oras na ang nakaka-lipas, at nag-tungo ang groupo nang NBI kasama si Miguel sa lugar na hinihinalang hideout nang mga kidnappers.

Miguel: Heto na yun.

Capt. Ricky: Sige mag-sikalat kayo.

Inutusan ni Capt. Ricky ang kanyang mga tauhan na mag-siklat para halughugin ang lugar.

Capt. Ricky: Sandali, ikaw.

Miguel: Ano yun?

Capt. Ricky: Lilinawan ko lang, wala akong tiwala sa mga kagaya niyo, pero buhay ang pinag-uusapan natin dito. 
Kaya sa oras na pinaiikot mo lang kami... mananagot ka.

Miguel: Ganon ba, o sige kung yan ang paniniwala mo wala akong magagawa.

Nang-matapos silang mag-usap, sumunod narin si Capt. Ricky sa kanyang mga tauhan. At si Miguel naman ay kumilos narin nang kanya.
____________________________________________________

Pero ang hindi nila alam, nakita sila nang isa sa mga tauhan ni Contreras, at kaagad siyang nag-madali para sabihan ang kanyang boss.

Henchman: Boss! Boss...pinasok tayo nang NBI!

Contreras: Ano? Papaano nang yari yun?

Henchman: Hindi ko po alam.

Contreras: Mukang wala tayong magagawa kung hindi ang harapin sila, itago niyo ang bata. Ako ang haharap sa mga taga NBI na iyan.

Inilabas ni contreras ang isang bagay mula sa kanyang bulsa.
__________________________________________________

Nag-sikalat na ang ilang NBI agent, para hanpin ang kanilang target.

CLEAR!

CLEAR!

CLEAR!

Bawat silid ay pinuntahan nila.

NBI Agent: Kapitan, wala dito ang bata pati na ang suspect.

Capt. Ricky: Ganon ba, team 2, ito si Mihandra ano ang status niyo?

NBI Agent: (Sa kabilang linya) Negative sir, wala dito ang-----ARRRRRHHHHH!!

Nakarinig nalang sila nang ingay at sigaw mula sa kabilang linya.

Capt. Ricky: Teka anong nang-yayari sa inyo, sumagot kayo! Team 2!

At dahil sa nang-yari, nabahala si Miguel, kaya nag-pasiya siyang puntahan ang lugar kung nasaan ang ibang NBI agent.

Capt. Ricky: Hoy saan ka pupunta?

Miguel: Masama ang kutob ko dito.
___________________________________________________________

Sa bilis at pag-mamadali ni Miguel, narating niya kaagad ang kinaroroonan nang ilang NBI Agent. Ngunit nang dumating siya doon, ay huli na dahil patay na silang lahat.

Nagulat si Miguel sa kanyang nasaksihan. Dahil ang may kagagawan nang lahat nang ito… ay isang.

Miguel: Isang negative?

Ang negative na ito ay walang iba kung hindi si Mike Contreras, ang lider nang kidnapp for ransom group. At may kakayahan siyang gamitin ang kapangyarihan nang kuryente.

Napansin ni Contreras ang suot ni miguel, at napag-tanto niya na kaya sila nakita nang mga taga NBI, ay dahil sa kaniya.

Contreras: Mukang alam ko na kung bakit kami natagpuan nang mga taga NBI, siguro dahil sa iyo. Isang GINGA Police!

Miguel: Sabihin mo, nasaan ang bata!

Contreras: Bakit kailangan kong sabihin sa iyo, ano ako hibang. Ang mabuti pa, mawala ka nalang!!

Biglang nag-pakawala nang kuryente si Contreras at itinira ito kay Miguel. Pero umiwas kaagad ang batang pulis, at saka kinuha ang kanyang driver.

Miguel: Mukang wala na akong magagawa.

DNA SCAN COMPLETE...ito ang sinabi nang male voice nang driver.

DRAIGER CHANGE!!

Nag-bago nang anyo si Miguel bilang si Draiger. At pag-katapos kaagad niyang inatake ang negative.



Contreras: Kung ganon isa ka palang isang special police, Mukang magiging masaya ito!

Itinurok ni Contreras ang blue injection sa kanyang batok, at nag-bago na siya nang anyo bilang isang evolving species.

Nag-sagupaan ang dalawa. At naging matindi ang kanilang pag-lalaban.
_________________________________________________

Nakarating naman sa lugar si Clyde, at napansin niya na una na pala ang groupo nang NBI.

Clyde: Kung ganon nadito na sila, Ang lalaking yun.

Bumaba kaagad si Clyde sa kanyang patrol car, at nag-tungo na sa loob.
________________________________________________

BAG!-BAM!-BOG!

Sunod-sunod na nawasak ang mga pader, dahil sa matinding pag-lalaban nang dalawa, samantala nakarating naman si Mihandra sa lugar kung nasaan ang kanyang mga tauhan. Ngunit hindi siya makapaniwala na patay na ang mga ito.  

Capt. Ricky: Hindi! Ang taong yun, mag-babayad siya!

Tumayo muli siya, at pumunta sa lugar kung saan nag-lalaban ang dalawa.
_________________________________________________

Pinag-susuntok ni Draiger si Contreras, ngunit nag-pakawala nang matinding kuryente ito at nasaktan si Draiger.

Draiger: AAAAAAAHHHHHHHHHH

Napaluhod si Draiger dahil sa lakas nang kuryenteng tumama sa kanya.  At doon bahagyang bumaba ang nasira ang energy level nang armor niya.

Contreras: Ngayon, mag-paalam ka na!

Inipon ni Contreras ang kuryente sa kanyang kanang braso, at akma niyang gagamitin ito sa nakaluhod na si Draiger.

Ngunit sa hindi inaasahan.

BAAAANNNNNGGGGG!!!!!

Isang malakas na tira ang tumama kay Contreras, na dahilan nang pag-kaka udlot sa pag-tapos niya kay Draiger.
Nang lumingon si Draiger, nakita niya kung sino ang may-kagagawan nito.

Draiger: I-Ikaw! Clyde!

Si Clyde ito na nasa anyo ni Snider.




Snider: Kung ganon, isang negative pala ang primary suspect, matagal-tagal narin nang huli akong lumaban sa isang negative.

Contreras: Isa nanamang Special Police?!

Snider: Arestado ka ngayon!  

Dumating si Snider sa lugar, ngunit magawa kaya nilang mag-tulungan ni Draiger para sa ika-liligtas nang batang hawak nang mga suspect?

Case continued....




















No comments:

Post a Comment