Saturday, November 21, 2015

Case 39: Ang nakaraan na pag-ibig.





All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.

Ang nakaraan sa Special Detective Gunver....

Miguel: Katapusan mo...Dr. Hamilton! 

Tuluyan nang nagapi ang isa sa mga itinuturong pinuno ng dranixs na si rettile de quinta, oh mas kilala bilang si Dr. Ferdinand Hamilton. At kasama rin ang cyborg warrior na si levaiton. Na tinalo naman ni Zhapyra.

Ngunit sa kabila ng pag-kakapaslang sa kanila, ay ang pag-kasira naman himpilan na puwede sana nilang gamitin ebidensiya laban sa dranixs.

At kasabay nito ay ang pag-lubog ng kanilang natatanging pag-asa upang matapos na ang kasong ito.
__________________________________________________________________________

Manila Bay...

Isang groupo ng coast guard ang nag-lalayag sa karagatan ng manila bay, kung saan nang-yari ang pag-sabog. Sa itinuturing aqua park sa lugar, at sa pag-papatuloy nilang pag-mamatiyag, tila merong nakita ang isa sa mga coast guard na isang bagay na palutang-lutang.

Coast Guard1: Teka ano yun?

Napansin din ito ng isa pa niyang kasama, at parang nakita niya ng mabuti na isa pala itong 
katawan ng tao na palutang-lutang sa karagatan.

Coast Guard2: Teka tao yun ah! Halika puntahan natin.

Kaagad naman nilapitan ng patrol boat  ang nasabing katawan, at nang makalapit na sila sa mismong katawan ng tao, ay mabilis nilang iniahon ito, isa itong lalaki na halos putla na ang buong katawan, tiningnan nila ang pulso nito.  

Coast Guard1: Wala nang pulso ito. gagamitan ko siya ng CPR.

Tinangka pang gamitan ng CPR ang nasabing  lalaki, ngunit nang mag-sisimula palang siya ay.....

Coast Guard 2: Anong!!

Coast Guard1: B-Buhay pa siya!?

Napatigil nalang sila at nagulat ng biglang gumalaw ang kamay ng lalaki at hinawakan nito ang braso ng isa sa mga coast guard.

Lalaki: Ma-Marina....

Isang pangalan ang kanyang binangit at pag-katapos ay tuluyan na muli siyang nawalan ng malay. 


Case 39: Ang nakaraan na pag-ibig.

Ilang araw ang nakalilipas ng pabagsakin nila Kyro ang isa sa mga big boss ng dranixs. Laman parin sa mga diyaryo, television, social media at radyo ang pag-sabog sa sinasabing aqua park sa maynila. At maraming haka-hakang lumalabas kaugnay sa balitang ito.

Ngunit pinili nalang muna na itago ng GINGA at ilang sangay ng otoridad ang totoong nang-yari. Upang hindi ma-alarma ang mga simpleng mamamayan sa possibilidad na mas matinding kaguluhan.

Samantala, abala si kyro sa kanyang panonood ng tv, habang umiinom ng kanyang mainit na tsokolate.

Hanggang ngayon ay bali parin ang kanang braso nang detective, buhat noong nakaraang laban nila sa dranixs.

Kyro: Mukang magiging permanente ang pag-sasara ng aqua park, pero hindi ko talaga lubos na maisip na ang simpleng lugar na pasyalan ay pugad pala ng mga demonyong yun. (Uminom ng tsokolate) Miguel, anong sa tingin mo! May posibilidad bang malapit lang dito ang kinaroroonan nang bagong base nila? 

Miguel: Hindi ko sigurado ang bagay na yan, basta ang alam ko yung ang katotohanan lang sa likod ni Dr. Hamilton, na siya ang isa sa mga pinaka malakas na evolving species. At kahit na noong nabibilang pa ako sa dranixs, iisang taguan lang talaga ang inuuwian ko sa kanila. At yun nga ang aqua park na pinasabog ni hamilton.

Habang nag-uusap ang dalawa. Ay siya namang sumingit si Marion sa kanilang pinag-uusapan.

Marion: Speaking of Dr. Hamilton.

Kyro:  Ano yun marion?

Marion: Mukang maraming nag-hahanap sa kanya sa pag-kakataon na ito.

Lumapit ang dalawa ni kyro at miguel para tingnan ang laptop na ginagamit ni marion.

Miguel: Aba, hindi ko akalain na meron charity work pala ang doctor nayun.  

Marion: Kaya nga, at ngayon hindi nila alam ang gagawin dahil sa wala si Dr. Hamilton, na siyang tumatayong head ng charity work na ito para sa mga may malulubhang sakit.  Lumapit na ang ilang sa nag-oorganized ng charity na ito sa ilang investigation office para alamin kung nasaan si Dr. Hamilton, at kahit sa GINGA lumapit narin sila. Pero sa ngayon mukang malabo na ang hiling nilang ito.

Kyro: Sa tingin ko skim lang ang bagay nayan, kilala mo naman kung anong klaseng tao si Dr. Hamilton, kinain na siya ng huwad na paniniwala niya kay Dr. Helsmith, at tinitiyak kong isa sa charity niya ay ang pinag-kukunan nang sangkap sa pag-gawa ng evolving species.

Miguel: May punto ka doon kyro. At malamang meron pang ibang utak sa gawaing ito.

Kyro: Kaya kailangan mahanap na natin ang iba sa kanila sa lalong madaling panahon!

Maya-maya pa ay pumasok naman si marina sa loob ng cafe kasama si sherry. At tinawag niya ang mga lalaking nasa loob para paki-tulungan sa mga binili nila na nasa labas.  

Marion: Marina! Sherry!

Sherry: Kuya Marion, Kuya Kyro, Migs...puwede bang paki-kuha yung mga pinamili namin sa labas. Masyado kasing mabigat.

Kyro: Teka niloloko mo ba ako sherry! Kita mo namang bali ang nang braso ko tapos pag-bubuhatin mo pa ako ng mga-yan! Maawa ka naman sa akin!

Parang nainis si kyro nang utusan siya ni sherry.

Sherry: Ay pasensiya na kuya, nakalimutan ko hihihi....

Kyro: Hay nako....

Marion: Ang mabuti pa kami nalang ni Miguel, sige diyan ka nalang muna kyro. Miguel tayo na.

Miguel: Oo!

Lumabas ang tatlo nila sherry kasama ang dalawa ni miguel at marion, at samantala naiwan naman ang dalawa ni Marina at Kyro sa loob ng cafe, at kapansin-pansin ang tila pag-babago ni marina nitong mga nakaraang araw.

Tila ba mas madalas na siyang ngumiti ngayon, at hindi na madalas sumimangot at magalit. Pero para bang na ninibago si kyro sa kinikilos ng kanyang partner.

Kyro: Aba, mukang madalas ata ang good mood natin ngayon ah...

Marina: Teka ano naman ang ibig mong sabihin? (ngumiti)

Kyro: Yang pag-ngiti mo, parang madalas ko nang nakikita ngayon, hindi kagaya dati na parang ang asim ng mukha mo dahil sa laging nakasimangot.

Marina: Sira, masaya lang ako ngayon, dahil sa wakas hindi ko na makikita na ginagamit ng dranixs ang katawan ni liam para sa kanilang masamang gawain. Ngayon matatahimik na ang kaluluwa niya, at puwede na muli akong mag-simula ng panibagong bukas. 

Kyro: Panibagong bukas, kung ganon masaya ako para sayo. (Ngumiti)

Marina: Salamat kyro.

Pero sa isipan ni kyro, pag-kakataon na ito para gawin ang gusto niyang gawin kay marina.
___________________________________________________________

GINGA HQ

Ipinatawag si Mei kaugnay sa isang bagay, at ito ay ang pag-kakatuklas sa isang lalaking palutang-lutang sa bay-bayin ng manila bay kung saan doon sumabog ang aqua park na siyang himpilan ng dranixs.

Dumating si mei sa infirmary section ng HQ at sinalubong siya ng kanyang ama kasama si tina.

Mei: Papa!

Chief Insp. Marcus: Mabuti naman at dumating kana.

Mei: Teka ano po ba ang pag-uusapan natin, at bakit dito pa tayo sa infirmary section nag-kita? Meron po bang problema.

Tumingin si Chief Insp. Marcus kay tina. Para ito na mismo ang mag-sabi.

Tina: Ang mabuti pa sumunod ka nalang sa amin.
Nag-lakad sila tina at sumunod naman si mei upang mag-tungo sa isang kuwarto.

Mei: Papa may problema ba? Bakit parang ang seryoso ng mga mukha niyo?

Nakarating ang tatlo sinasabing kuwarto, at pag-bukas palang ni Tina sa pinto ay laking gulat niya na tumambad kay mei ang isang pamilyar na imahe.

Mei: (Gulat) Imposible ito!
___________________________________________________________

Sa bagong himpilan ng dranixs.

Kasalukuyang nag-pupulong ang apat na boss nang organisasyon kaugnay sa nang-yari kay Quinta.

Quwarta: Masyadong naging pabaya si quinta, hindi niya inisip na puwede niyang ikapahamak ang ginawa niyang pag-sasakripisyo para lang  ma-protektahan ang lihim.

Segundo: Pero tama lang naman din ang ginawa niya, dahil sinusunod lang niya ang idolohiya ni Dr. Helsmith,  kailangan mag-tagumpay ang mithiin niya, at kailangan natin kontrolin ang mundo mula sa ilalim.

Quwarta: Kung sabagay may punto ka segundo, ano pa ang silbi nang ipinag-kaloob sa ating kapangyarihan kung hindi naman natin ito gagamitin para sa ating mga paniniwala.

Segundo: Basta, ihanda natin ang mga sarili natin sa susunod na puwedeng mang-yari, dahil natitiyak kong malapit nang bumagsak ang mga pangahas na iyun.
____________________________________________________________

Balik sa GINGA Medical center.

Gulat na gulat si mei nang makita niya ang dati niyang subordinate na si Liam Henderson, sa pag-kakaalam ng babaeng agent ay namatay ito sa isang operation nila noon sa russia, at higit sa lahat ang alam din nito ang isa pa niyang pag-katao bilang si Levaiton ng Dranixs.

Mei: Imposible ito? Ang akala ko tinapos na siya ni marina. Pero bakit parang bumalik siya sa dati niyang pag-katao!

Chief. Insp Marcus: Hindi namin alam ang buong detalye, isinorrender lang siya sa amin ng mga taga coast guard noong nakita siyang palutang-lutang sa aqua park kung saan nakatayo sa ilalim ng dagat ang himpilan ng dranixs. 

Tina: Hindi namin tiyak kung ano ba talaga ang nang-yari sa kanya, pero noong i-niscann namin ang buong katawan niya, lumalabas sa analysis na purong makina ang nag-papatakbo sa buong katawan niya, pero ang pinag-tataka ko bakit ang utak niya? Ay na nanatiling tao. At noong dinala siya dito, walang ibang bukang bibig ang lalaking ito kung hindi si marina.

Mei: Si Marina?  (Tumingin kay liam)

Chief Insp. Marcus: Well anyway, hindi natin alam kung ano ang mysterio sa likod ng nang-yayari kay Liam Henderson kung bakit siya bumalik sa dati niyang katauhan, ang mabuti pa siguro mei, malaman ni agent asol ang nang-yayari ngayon dito. Baka sakaling makatulong ang dati niyang kasama sa kasong hawak nila ngayon.

Mei: Naiintindihan ko po....sige ipapatawag ko ngayon din si marina---

Marina...Marina...

Habang nag-uusap ang tatlo, ay hindi nila namalayan na nagising na pala si Liam ng bahagya, at ang tanging bukang bibig lang nito ay ang pangalan ni marina.

Mei: Liam?!

Liam: Agent...Martin...

Nakatingin lang si Mei sa kanyang dating subordinate. Pero tila isang malaking pag-aalinlangan ang
_____________________________________________________________________

Balik sa GINGA Cafe.

Abala naman sila Sherry sa pag-aasikaso sa mga dumating na customer sa kanilang shop. Sila sherry, marina at marion ang nag bibigay ng mga panga-nga ilangan ng mga coustomer, at 
samantala si miguel at kyro naman ay nasa cashier at bar, kung saan sila ang nag-titimpla ng kape na order sa kanila.

Pero si Kyro, ay tila panay ang tingin kay marina, dahil sa hindi siya makapaniwala na madalas na ngayon ang pag-ngiti ni marina.

At habang pinag-mamasdan niya ang kanyang partner. Siya namang sumingit si miguel sa view ng kanyang tinitingnan.

Miguel: Hoy!

Nagulat naman si kyro sa biglaang pag-singit ni miguel.

Kyro: (Nagulat) Ano ka ba naman! Muntik mo nang maipit ang braso ko.

Miguel: Hehehe pasensiya na, teka parang napapansin ko madalas ang pag-titig mo kay marina ah, parang may iniisip ka nanaman ata na masama.

Tila na inis si kyro sa sinabi sa kanya ni miguel.

Kyro: (Inisi) Ano sabi mo!

Miguel: Oh easy lang...ano ba talaga ang dahilan? In love ka na ba sa kanya?  Kung sa bagay ang ganda ni marina, isang badass fighter, hot agent, with a red hair, big boobs and nice ass...Emmp nakakapang-gigil!

Kyro: Tigilan mo ngayan, kung ayaw mong marinig niya ang pinag-sasabi mo.  

Miguel: Sorry...Pero ano ba talaga ang dahilan?

Kyro: Wala naman, madalas ko na kasi siyang nakikitang naka ngiti ngayon, hindi kagaya dati, madalas sa akin umiinit ang ulo niya sa konting pag-kakamali na nagagawa ko.

Miguel: Sabagay may punto ka nga, simula ng dumating ako dito, naka-simangot na siya palagi,  pero ngayon parang ibang-iba siya.

Kyro: Sa tingin ko, dahil sa tuluyan na siyang nakawala sa anino ni Liam, tuluyan na niyang natangap sa sarili niya na wala na ang lalaking minahal niya noon, at ngayon handa na siyang harapin ang bago niyang bukas.

Miguel: Parang nag-papahiwatig ka ata ah!

Kyro: Ano?

Miguel: Basa na kita, ngayon naka-move on na si marina sa nang-yari sa kanya noon, parang iniisip mo na may pag-kakataon ka na para gawin ang gusto mo.

Kyro: Hindi ko alam, sa ngayon wala na muna sa isip ko ang mga bagay na yan dahil nasa priority ko ang kasong hawak natin ngayon, siguro kapag natapos ang lahat baka puwede na. Kung handa din siya.

Habang nag-uusap ang dalawa, siya tumunog ang telepono ng kanilang shop.

Marina: Kyro! Yung telepono, pakisagot nalang muna,

Kyro: Oo sige.

Sinagot ni kyro ang telepono.

Kyro: Hello GINGA cafe...

Ngunit ang nasa kabilang linya pala ay walang iba kung hindi si mei.

Mei: (Sa kabilang linya) Kyro! Mabuti naman at ikaw ang naka-sagot.

Kyro: Ate mei, may problema ba?

Mei: (Sa lugar niya) Makinig kang mabuti, pumunta ka ngayon din dito sa GINGA HQ, isama mo si miguel, at huwag mong ipapa-alam kay marina ang gagawin niyo.

Kyro: (Pabulong sa telepono) Huwag pa-alam kay marina? Ano ba ang ibig niyong sabihin.

Mei: Huwag ka nang maraming tanong, sumunod ka nalang at bilisan niyo.

Ibinaba ni mei ang telepono mula sa kabilang linya.  At si kyro naman ay pinuntahan kaagad si miguel para samahan siya papunta sa HQ.

Kinuha kaagad ni kyro ang kanyang racing jacket at isinakbit niya ito sa kanyang balikat. At ang kasama na ang kanyang driver.

Kyro: Miguel, samahan mo ako, may-pupuntahan tayo.

Migue: Teka saan tayo pupunta?

Kyro: Huwag ka naring mag-tanong. Sumama ka nalang.

Sumunod nalang si miguel sa sinabi ni kyro, pero napansin kaagad ito ni marina. At tinanong sila ng babaeng agent.

Marina: Teka saan naman kayo pupunta? Marami pa tayong kailangan gawin.

Kyro: Pasensiya na, pero may kailangan lang kaming asikasuhin pareho ni miguel. Sige ma-iwan na muna kayo, tayo na miguel.

Miguel: Sige...

Kaagad nag-tungo si kyro a miguel sa grahe ng Gun Racer.

Marina: Teka hoy! Sandali, kyro! 

At pag-katapos ay nag-madali na silang umalis at nag-tungo sa HQ ng hindi sinasabi kay marina.

Marina: Saan naman pupunta ang lalaking yun?
______________________________________________________________

GINGA HQ

Mabilis na nakarating sila Kyro at Miguel sakay ng kanilang Gun Racer. At nag-tungo kaagad sila sa lugar kung saan na doon sila mei at mga kasama nito.

Miguel: Teka ano ba ang ginagawa natin dito sa medical center ng GINGA?  Ipapagamot mo ba yang braso mo, kung yan lang din ang problema, bakit hindi si marina nalang ang isinama mo.

Kyro: Hindi yun ang pinunta natin dito, diba sinabi ko naman sayo kanina habang nasa daan tayo na ipinatawag ako ni ate mei, baka may sasabihin lang siyang napakahalaga. Kaya bilisan mo nalang. 

Ilang sandali pa ay nakarating din sila sa silid kung saan nag-hihintay si mei sa labas nito at kasama niya si tina.

Kyro: Ate mei!

Mei: Miguel, kyro buti naman at nadito na kayo.

Kyro: Ano bang problema ate mei? Bakit nadito tayo ngayon sa medical center ng HQ?  At bakit ayaw mong sabihin kay marina na pumunta kami dito.

Naki sabat naman si Tina sa usapan nila. At nag-tataka ito dahil sa si kyro ang pinapunta nito imbes si marina.

Tina: Teka, mei bakit si kyro ang pinapunta mo dito? Diba dapat may karapatan si marina na malaman ito... ano ba ang iniisip mo?---

Kyro: Sandali nga, ano ba ang nang-yayari dito? Sabihin niyo nga, at bakit parang may itinatago kayong malaking bagay diyan sa likod ng silid na iyan.

Hindi nalang nag-salita sila tina dahil sa tila na-inis si kyro sa nang-yayari. At nag-pasiya naman si mei na sabihin ang katotohanan kay kyro.

Mei: Kyro...basta ipangako mo sa akin na hindi makakarating sa labas ang lahat ng makikita mo,  sa loob ng silid na ito. Lalo na kay marina.

Kyro: Hindi ko kayo maintindihan, pero sige...ipinapangako ko sa inyo.

Mei: Sige pumasok na kayo...

Dahan-dahan pumasok ang dalawa ni miguel at kyro sa loob ng silid. At pag-pasok nila ay ikinagulat nila ang kanilang nakita. Dahil sa isang pamilyar na imahe.

Miguel: (Gulat) I-Ikaw!

Kyro: (Gulat) Imposible...papaanong

Nag-salita si Liam ng makita niya ang dalawa nila kyro sa loob, na para bang nakakita sila ng multo.

Liam: Teka...sino ba kayo? Anong ginagawa niyo sa silid ko.

Kyro: (Hindi makapaniwala) Hindi maaari...Liam...Henderson.
______________________________________________________________________

Sa isang network studio, isang dalaga ang abala sa kanyang pictorial na ginagawa para sa kanyang bagong album na lalabas.

At ang babaeng ito ay walang iba kung hindi si Louise Anne Morales o mas kilala bilang si Louie. Ngunit ang hindi alam ng mga taong ito ay isa siya sa miyembro ng samahan ng Dranixs bilang si tersera.

Ok ...good...good...napakaganda mo talaga Louie, keep it up!

Patuloy siyang kinukunan ng litrato ng isang photograper.

Ok one last shoot for this day.

CLICK!!
__________________________________________________________________

Hindi naman makapaniwala si kyro at miguel na ang dati nilang mortal na kalaban na si levaiton ay nasa harap nila ngayon bilang si Liam Henderson.

Kyro: Imposible ito...buhay ka pa!

Liam: Teka sino ba kayo! At ano ba ang kailangan niyo sa akin! Sabihin niyo nasaan si marina! Ilabas niyo siya.

Maya-maya pa ay pumasok na si mei at tina para paliitin ang tensiyon sa loob.

Mei: Sandali nga huminahon lang kayo!

Liam: Agent Martin...sino ba ang mga taong ito, at ano ang ginagawa nila dito? Nasaan na ba si marina. Gusto ko siyang Makita.

Tila nag-tataka si kyro sa ikinikilos ni Levaiton sa kanila, dahil tila hindi ito nakaka-alala. At ang tanging bukang bibig kung hindi si marina.

at dahil doon hinatak ni mei palabas si kyro at miguel.

Mei: Miguel! Kyro sumunod muna kayo sa akin. Tina maiwan ka muna dito. Bantayan mo si liam.

Liam: Sandali Agent Martin----arrrgghhhhh.

Tila sumakit ng bahagya ang ulo ni Liam ng lumabas sila Mei sa kanyang silid.
_________________________________________________________

Sa Bagong himpilan ng Dranixs.

Tila napansin ni Segundo ang pag-ilaw ng life signal ni Levaiton mula sa kanilang computer.

Segundo: Ang Life signal ni Levaiton?

Quwarta: Bakit may problema ba?

Segundo: Tingnan mong mabuti, ang Life signal ni Levaiton, muling lumabas, at ayon sa nasasagap nang-radar, mula sa GINGA nang-gagaling ang signal. Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Napapaisip naman si Quwarta kung ano ba ang ibig sabihin ng life signal na nasagap nila.

Quwarta: Hindi naman kaya, buhay pa siya at bumalik siya sa dati niyang pag-katao?

Segundo: Anong ibig mong sabihin!

Quwarta: Ang totoo niyan, kasama ako ni Quinta noong panahong binubuo niya ang cyborg warrior na si levaiton, ngunit merong malaking butas ang pag-kakalikha sa kanya.

Segundo: Malaking butas?

Quwarta: Lahat ng program at data na meron si levaiton ay na-ipasok lahat ni quinta, pamula sa fighting ability, weaponary, at higit sa lahat ang pagiging A.I. or artificial intelligent. Ngunit may mga bagay na hindi na ilagay si quinta sa program niya. At yun ang memory transfusion. Dahil hindi compatible ang lahat ng cybernetic brain na puwedeng gamitin ni quinta, kaya nag-desisyon siya na gamitin ang sarili nalang nitong utak ang gamitin.

Nag-lagay si quinta ng ilang micro chips sa utak ni Liam Henderson, upang maging ganap siya bilang si Levaiton.

Segundo: Ibig sabihin lang nito?

Quwarta: Na reboot ang micro chips na nasa utak niya, at bumalik siya sa dati niyang pag-katao na si Liam Henderson.

*Kung ganon nasa malaking alanganin nanaman tayo....*.

Habang nag-uusap ang dalawa ay siya namang pumasok si Primo sa loob ng kanilang  HQ.

Segundo: Primo!

Primo: Maaaring bumalik ang ala-ala niya ng pagiging tao, at dahil sa dati siyang alagad ng batas, paniguradong makikipag-tulungan muli siya sa mga dati niyang kasama, upang ituro ang ilang mga sikreto natin.

Quwarta: Pero imposible yun, na-reebot ang brain micro chip na nasa utak niya.

Primo: Walang imposible sa mga panahong ngayon, making kayo ayaw ko nang makakita ng kapalpakan kagaya nalang ng ginawa ni Hamilton, kaya iligpit niyo na ang natitira niyang basura. Ipatawag niyo si tersera, dahil sa pag-kakataong ito tayo nang mga Dice leader ang kikilos.

Habang hawak-hawak ang isang Dice, Ipinag-utos ni primo na ipatawag si tersera para patayin ang natitirang ala-ala ni Dr. Hamilton.
________________________________________________________

Nag-tungo naman ang tatlo nila Mei, kyro at miguel sa roof top ng medical center. Upang pag-usapan ang kalagayan ni Levaiton o mas kilala bilang si Liam.

BBBBAAAAGGGGG

Sinipa ni Kyro ang isang basurahan dahil sa inis niya.

Kyro: Bakit, bakit kailangan pa niyang bumalik! Ngayon maligaya na si marina at nakawala na sa anino niya, bakit ganon...ate mei sabihin mo ano ba ang ibig-sabihin nito!

Mei: Hindi ko alam, nagulat din ako noong makita ko si Liam na buhay na buhay. Na para bang walang bahid nang nakaraan niya bilang si levaiton.

Miguel: Ewan ba pero, malakas ang kutob ko na merong isang malaking gulo ang mang-yayari habang nadito si levaiton sa atin.

Mei: May punto ka miguel, pero ang pinaka issue dito, ay si marina. Kailangan maitago natin ang katotohanan sa kanya na buhay si levaiton, at bumalik siya sa dati niyang pag-katao bilang si liam, hindi natin alam ang mysterio sa loob nito. Ngunit sana maintindihan niyo, lalo kana kyro. Na hindi puwedeng makarating kay marina ang bagay na ito, dahil ayaw ko siyang makitang malungkot muli. 

Kyro: Ganon talaga ang gagawin ko. Tama na, sawa na ako na merong nasasaktan sa mga kasama ko.

Parang isang panibagong hadlang nanaman ang humarang kay kyro dahil sa pag-babalik ni liam, at  si miguel tila isang panganib ang nararamdaman.
_________________________________________________________________________

Sa studio kung saan nag-tratrabaho si Louie, katatapos lang nang-kanyang pictorial ng araw na ito, kaagad siyang nag-tungo sa kanyang make-up table. At tumingin siya sa salamin.

Louie: Haaayyyyy, medyo napagod ako sa araw na ito, pero sulit naman. Pero kung tutuusin hindi ko naman kailangan pang gawin ito, dahil ang studio na ito…ay hawak namin.

Maya-maya pa ay merong isang malaking lalaki ang lumapit sa kanya, at tinawag si Louie para ibigay ang isang bagay.

 Nag-salita ang lalaki, upang ibigay kay louie ang isang bagay.

Lalaki: Ms. Louie, may tawag po kayo...

Louie: Ikaw pala George, sino naman yan?

Lumapit ng bahagya ang body guard ni Louie na si George, at ibinulong niya ang nilalaman ng tawag.

George: Ipinapatawag ka ni Master Primo, isang trabaho ang ipagagawa sa inyo ngayon bilang si tersera.

Tila nagulat si Louie sa sinabi sa kanya ng body guard niya.

Louie: (Ngumiti) Mukang sa akin na ipauubaya ni Master Primo ang isang mabigat na trabaho, George...ihanda mo rin ang sarili mo, dahil isang malaking palabas ang mang-yayari ngayon.

Kinuha ni Louie ang cellphone na gamit niya, at tiningnan ang laman ng impormation tungkol sa kanyang gagawing trabaho.

Louie: Kung ganon, siya pala...(Ngumiti) Liam Henderson…
_________________________________________________________________________

Sa ward ni Liam, tila tinitiis niya ang sakit sa ulo na kanyang nararamdaman. Ngunit sa tindi ng sakit ay napasigaw nalang ito.

Liam: AAAAAHHHHHH!!

Tina: Teka anong nang-yayari sayo?!

Nabahala naman si tina sa nang-yayari sa binata. Pero maya-maya rin lang ay dumating na ang tatlo nila kyro at pumasok sila sa ward nito na inabutang sumasakit ang ulo.

Mei: Teka anong nang-yayari?

Tina: Hindi ko alam, pero kanina pa siya dumadaing nang sakit nang ulo.

Liam: Ang ulo ko....aaahhhhhhh.

Nakatingin lang si kyro at miguel sa nang-yayari sa binatang si liam.

Mei: Kyro tawagin mo ang doctor bilisan mo!

Kyro: Ah oo sige!

Ngunit papalabas palang si kyro sa loob ng ward ni liam, ay siya namang tumunog ang alarm ng buong HQ.

Alert-Alert-

Miguel: Teka ano naman ito?!

Calling all units were under attack by a unknown hostile in the main entrance, please proceed to your own position and prepare for combat. I repeat calling all units---

Kyro: Ano inaatake ang base? Ate mei!

Mei: Sige ako na ang bahala dito, tulungan niyo ang mga kasamahan natin na nasa labas ng field.

Kyro/ Miguel: Roger that!

Kyro: Tayo na!

Sumulyap muna si kyro kay Liam, at kaagad silang nag-madaling lumabas para tingnan ang nang-yayari sa main entrance ng kanilang HQ.
______________________________________________________________

Sa Command Room.

Dumating si Gen. Ratio para tingnan ang nang-yayari sa labas ng HQ.

Gen. Ratio: Anong na status?

GINGA Agent: Sir isang unknown hostile ang biglang nag-pakita sa labas ng main entrance, at kasalukuyan niyang winawasak ang mga bagay na nasa paligid niya. Dumating na po ang ilang unit ng agents para pigilan ang pag-aamok nito.  

GINGA Agent2: Sir papunta narin sa main entrance ang dalawa ni Detective Anjelo, at corporal fajardo.  Para tulungan ang mga fellow agents sa field.

Gen. Ratio: Magaling kung ganon, siguraduhin niyo lang na hindi makakapasok sa loob ang intruder, in any cost!

ALL: Roger!
_____________________________________________________________

Isang lalaki na may pambihirang lakas na sumira sa buong main entrance ng GINGA ang kasalukuyang pinipigilan ngayon ng mga tauhan ng organisasyon.

BRATATATATATATATATATA

patuloy nila itong pinapa-ulanan ng kanilang mga bala, pero sa suot niyang kakaibang baluti, ni ang mga balang tumatama sa kanya ay na-yuyupi lang nito dahil sa tigas ng kanyang suot.

GINGA POLICE: Hindi natin mapenetrate ang armor na suot niya!

GINGA POLICE2: Ituloy niyo lang sige!
BRATATATATATATATATATATA

Itinuloy lang nang mga GINGA police ang kanilang pag-papaputok sa nilalang na nag-wawala, pero sa pag-kakataong ito. Tila gagamit narin ang nilalang para tapusin na ang mga humaharang sa kanya.

Nakita nito ang isang nakarapadang patrol truck ng GINGA, at binuhat niya ito at akmang ibabato sa mga pulis na nasa harapan niya.

GINGA POLICE: Atras! Atras! Bilisan niyo! Atras!!!

Ibabato na nang nilalang ang buhat-buhat niyang patrol truck sa mga pulis, ngunit biglang.

BLLLLAAAASSSSTTTT!!!

Isang malakas na blast ang tumama sa katawan ng nilalang, na siyang dahilan kung bakit siya tumalsik at nabitawan ang kanyang hawak hawak na patrol truck.

 Kagagawan ito ng bagong dating na sila Miguel at Kyro.

GINGA POLICE: Mabuti naman at dumating kayo.

Kyro: Teka may nasaktan ba sa inyo?

GINGA POLICE: Ayos lang kami, medyo meron lang ilang sugatan sa amin.
Napansin naman ni miguel na muling bumabangon ang nilalang na pinatumba nila kanina.

Miguel: Kyro! Heto na uli’t siya!

Kyro: Sige, ilayo niyo muna ang mga sugatan, kami na ang bahala dito.

Lumayo muna ang mga pulis na rumesponde sa pag-wawala ng nilalang mula sa main entrance. At naiwan doon ang dalawa ni kyro at miguel para pigilan ang nang-yayaring kaguluhan.

Kyro: Tayo na miguel!

Miguel: Oo!

Inihanda ng dalawa ang kanilang mga driver, at sabay nag-scan upang mag-bago ng anyo.

DNA Scan complete...
DNA Scan complete...

Ito ang sabi ng mga boses ng dalawang driver. 

Kyro: Gun changer!

Miguel: Draig changer!

Sabay nag-bago ang anyo ng dalawa, at naging special police. Pero si kyro mula sa loob ng kanyang helmet ay ininda ang sakit mula sa baling nang kanang braso buhat sa kanyang pag-babagong anyo.







Draiger: Tayo na!

Gunver: Sige!

Sumugod ang dalawa para harapin ang nilalang na sumalakay sa HQ.
________________________________________________________________________

Ngunit sa ward ni Liam, walang ka alam-alam ang dalawa ni tina at mei na meron isang paparating na panganib sa kanila.

At si marina malaman kaya niya na ang dati niyang minamahal ay nag-balik? Ano ang mang-yayari sa oras na malaman niya ang buong nang-yayari.

Case Continued....



















No comments:

Post a Comment