Saturday, November 14, 2015

Case 38: Rettile De Quinta



All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention. 

Sa pag-papatuloy ng kuwento...

Sinabi na ni miguel ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa dranixs, at nalaman nila na ang isa sa nag-taguyod ng GINGA na si Dr. Jon Helsmith na siya ring utak dito, kabilang rin sa ibinunyag niya ang tungkol sa sikreto ng evolving species at gawing isang new world order ang sangkatauhan.

Ngunit ang mas ikinagulat nila ay ang tunay na katauhan ng isa sa mga big boss ng organisasyon, ay si quinta bilang si Dr. Ferdinand Hamilton na nakilala noon nila kyro  at nag-tiwala kay miguel ng buong-buo bilang si Knives.

At ngayon nag-sipag handa ang tatlo nila kyro upang pasukin na ang kuta ng kanilang kalaban, ngunit ano ang nag-hihintay sa kanila? 


Case 38:  Rettile De Quinta

Sa isang Aqua park sa lunsod ng maynila, nakarating ang tatlo nila kyro.
Kaagad hinubad ni kyro ang kanyang helmet, na tila nag-tataka sa lugar.

Kyro: Teka...seryoso ka bang dito ang base niya?

Bumaba si miguel sa kanyang draig cycle.

Miguel: Sa maniwala ka’t sa hindi...dito nga, yan ang isa sa mga HQ ng dranixs, hindi mo mahahalata dahil sa isang theme park ito, ngunit sa kaloob-looban nitomakikita natin ang hindi makataong pag-trato nila.

Marina: Tama na yan, pumasok na tayo...tapusin na natin kasong ito dito.

Kyro: Tama ka, ihanda niyo ang sarili niyo, baka ito na ang maging huling laban natin sa kanila.

Inihanda nila kyro ang kanilang sarili sa kanilang pag-pasok sa kuta ng kalaban. Mag-kahalong kaba at takot din ang kanilang nararamdaman dahil sa hindi nila alam ang sasalubong sa kanila sa loob.
_____________________________________________________________________

Ngunit sa loob ng base ng dranixs, kita na ni quinta ang mga bagong dating na pulis habang papasok na ang mga ito sa kanilang base.

Quinta: Nadito na sila...tamang-tama, Levaiton.

Mula sa likuran ni Quinta nag-pakita si levaiton, at bumalik ang big boss sa dating anyo bilang si Dr. Ferdinand Hamilton.

Levaiton: Master quinta...

Dr. Hamilton: Ikaw ang isa sa mga pinaka tapat kong alagad, simula ng kunin kita at muling binuhay, hindi mo ako binigo...ngayon ito na ang magiging huli nating laban sa mga taong binuo ng ating taga pag-likha, masasamahan mo ba ako hanggang sa huli?

Levaiton: Nang muli niyo akong binuo, bilang si levaiton, sinabi ko sa sarili ko na pag-sisilbihan ko kayo ng buo, hanggang sa huli kasama niyo ako...ipinapangako ko na ibibigay ko sa inyo ang isa sa mga ulo ng mga tauhan ng GINGA, at mag-tatagumpay pa sa mga susunod na misyon.

Dr. Hamilton: Magaling, kung ganon, ihanda mo na ang lahat dahil ito na ang kanilang magiging katapusan.

Levaiton: Opo!

Umalis si levaiton para sundin ang utos ng kanyang master, si Dr. Hamilton naman ay hawak ang isang bagay, at tila merong kakaibang nang-yayari sa kanyang braso na para bang nababalutan ito ng kaliskis ng isang butiki.
______________________________________________________________

Samantala tuluyan namang nakapasok ang tatlo sa loob ng himpilan ng dranixs, at pag-pasok palang nila, ay tila namangha sila at nag-taka narin.

Namangha dahil sa nasa ilalim sila ng mismong dagat naroon, at nag-taka dahil sa walang ni isang bantay ang sumalubong sa kanila.

Marina: Ang ganda naman dito, sigurado ka bang sa dranixs ang nag-mamayari nito?
Nakatutok lang ang kanilang mga driver kung sa kaling merong umatake sa kanila. Isinuot ni kyro ang kanyang Gun Shade Vision sa kaliwang tenga, at tingnan ang life frequency ng paligid.

Kyro: Nakaka pag-taka wala akong masagap na life frequency dito, kahit na mismo ang mga cyborg na yun hindi ko madetec... at ni isang bantay or security system walang sumalubong sa atin...sigurado ka ba talaga dito miguel?

Miguel: Sigurado ako, dahil dito na mismo ang briefing room nila sa maginagawa nilang operation. Pero nakakapag-taka nga na ni isa wala sa kanila ditto.

Marina: Baka naman napag-handaan na nila ang pag-dating natin. At tumakas na sila para lumipat ng ibang HQ.

Miguel: Siguro nga, pero hindi pa tayo nakakasigurado...ang mabuti pa halug-hugin natin ang buong lugar.

Kyro: Mabuti pa nga! Baka sa kaling isa sa mga silid naroon ang isa sa kanila, pero talasan niyo ang pakiramdam niyo.
________________________________________________________

Hinaluhog nila kyro ang bawat silid ng himpilan. Tiningnan nila ang bawat silid na baka sakaling naroon ang isa sa mga pakay nilang boss ng dranixs.

Ngunit ang hindi nila alam ay isang mata ang nakasunod sa kanila para tingnan ang mga aksyon na kanilang ginagawa.

Pumasok si kyro sa isang silid, at tiningnan ang loob nito.

Kyro: (nakatutok ang driver) Clear!

Ganon din ang ginawa ni marina, pinasok din niya ang isa sa mga silid, ngunit wala silang nakita na kahit ano.

Marina: (Itinutok ang driver) Clear!

Muling nag-regroup ang tatlo, dahil sa walang nakitang bakas ng kanilang kalaban.

Kyro: Ano may nakita kayo?

Marina: Wala eh, halos puro walang laman ang ibang silid dito, at sa dami pa ng silid na narito, baka hindi na tayo matapos sa pag-hahanap.

Kyro: Miguel ano na?

Tila malalim ang iniisip ni miguel. At mukang sumagi sa isipan niya na isang tao lang ang hindi aalis sa lugar nayun.

Miguel: Meron pang isang lugar dito, at sigurado akong naroon lang siya, bilisan natin!
Kaagad tumakbo si miguel patungo sa sinasabi niyang lugar, at sumunod naman din agad ang dalawa ni marina at kyro.

Kyro: Tayo na!
___________________________________________________________________

Nagmadali ang tatlong makapunta sa lugar na sinasabi ni miguel. Sumakay sila sa isang elevator pa puntang ibaba.

At ng makarating sila sa mismong silid, ay tumambang sa kanila ang mga bagay na nakita na noon ni miguel bilang si knives.

Kyro: (Gulat) Anong lugar ito?

Marina: (Gulat) Imposible ito.  

Nag-salita si miguel tungkol sa mga bagay na kanilang nakita sa loob ng silid.

Miguel: Yan ang mga negative, o mas tinatawag na evolving species. Dito nila isinasagawa ang pag-buhay sa mga patay, gamit ang DNA Manipulation at gene transfer. 

Marina: Anong balak nila sa mga bagay na ito?

Kyro: Hindi natin alam, pero kailangan natin wasakin ang lahat ng ito...

*Anong sabi mo...wasakin?*

Isang boses ang nag-salita, at lumabas ang may ari nito na ikinagulat muli nila kyro.

Kyro: Ikaw!

Marina: Hindi maaari....

Miguel: Sa wakas nag pakita ka narin....Dr. Ferdinand Hamilton. Oh mas kilala bilang si rettile de quinta. Sabihin mo nasaan ang iba mo pang kasamahan!

Dr. Hamilton: Inaasahan ko na ikaw na mismo ang pupunta dito, kaya naman pinag-handaan ko na ang lahat....(Pumitik ng daliri).

Sa isang pitik ng daliri ni Dr. Hamilton ay lumabas si Levaiton, at ang ilang sa mga Incubator Glass ay nagigising at isa-isa silang lumabas.

Kyro: Hindi isa itong ambush!

Dr. Hamilton: Masaya ako at narito din kayo, Detective Anjelo, at Agent Asol...pero pasensiya na dahil hindi na kayo makakalabas dito ng buhay.

Marina: Kyro!

Kyro: Ihanda niyo ang mga sarili niyo!

Inilabas ni Dr. Hamilton ang tatlong Upgrade Zero Injection. At sabay-sabay niya itong itinurok sa tatlong evolving species na kalalabas palang sa incubator glass.

Dr. Hamilton: Sapat na ang tatlong ito para sa inyo...at pag-masdan niyo, ang mga sundalong ito na ginawa ng aming taga-paglikha!

Nang ma iturok na ang mga upgrade zero injection, ang mga evolving species ay nag-bago sila ng anyo bilang mutated na mga nilalang. Kung saan mas mabagsik at mas nakakatakot ang kanilang itsura.

Kyro: Paputukan sila!

Pinaputukan kaagad ng tatlo ang tatlong mutated na evolving species, ngunit tila walang naging epekto ang mga balang kanilang pinakakawalan.

Umatake ang tatlong nilalang sa tatlong pulis habang pinag-babaril sila ng mga ito, at ng maka-abot sila sa ay tinangka kaagad silang tapusin gamit ang kanilang mga pambihirang kakayahan.

Si kyro ay akma ng susunugin ng isang nilalang na itsurang dragon, na may kakayhang mag-pakawala ng apoy.

Pero mabilis umiwas ang detective saka gumanti ng putok.

BANG!-BANG!

Kyro: Hindi umeepekto ang driver, marina...miguel huwag kayong mag-papabaya. Gawin na natin ito!

Marina: Oo

Miguel: Sige!

Sabay-sabay nag-scan ng kanilang mga finger print sila kyro sa kanilang mga driver, at ilang sandali lang ay isinigaw nila ang kanilang mga katagan upang makapag-bago ng anyo.

DNA Scan complete.....

GUN CHANGER!
ZHAPYRA CHANGE!
DRAIG CHANGER!

Nabalutan sila ng liwanag, at nag-bago bilang mga special police.




Gunver: Tayo na!

Sabay-sabay ding sumugod ang tatlong pulis sa kanilang mga kalaban.
Hinarap parin ni Gunver ang Dragon negative, at naki pag-sabayan siya dito. Si Zhapyra naman ay kaharap ang isang snake type na negative. At ang pang-huli ay si Draiger na kaharap naman ang isang Komodo Negative.

Pawang mga reptile type ang  negative na kasalukuyang kinakaharap ngayon ng tatlo. Samantala pinapanood naman sila ni Dr.Hamilton sa hindi kalayuan kasama si Levaiton.

Dr. Hamilton: Levaiton, isarado mo ang main door ng silid na ito, at siguraduhin mong hindi na sila makakalabas pa dito.  Dahil pasasabugin ko ang buong lugar na ito. Kasama sila.

Levaiton: Masusunod.
__________________________________________________________

GINGA Cafe

Paikot-ikot naman si mei na parang hindi mapakali, kasama si tina tila kita nito sa kaibigan na nag-aalala sa kanyang mga subordinate.

Tina: Mei, parang kanina ka pa hindi mapakali diyan ah? Inaalala mo ba ang mga batang yun.

Mei: Hindi ko alam, may tiwala naman ako sa kanila, pero sa kasong ito parang hindi maganda ang kutob ko. Lalo na kay kyro, baka merong masamang mang-yari sa kanya, lagot ako sa kuya niya kapag merong nang-yari sa kanya ng hindi maganda.

Tina: Kung inaalala mo sila, bakit hindi mo sila sundan...total naman ikaw ang tumatayong mentor ng mga yun, kaya obligation mo rin sila.

Mei: Pero sinabi nila miguel na huwag nang makielam sa operation na ito, baka mas marami lang mapahapak kung mag-kataon.

Tumayo si tina sa kanyang kinatatayuan at nilapitan ang kaibigan.

Tina: Alam mong walang mang-yayari kung mag-aalala ka lang sa mga sinabi ng mga batang yun, ikaw ang mas nakakataas kaya ikaw ang masusunod. Kung alam mong nasa panganib sila, puwes ano pang itinatayo -ayo mo diyan, gawin mo ang nararapat bilang mentor, at bilang nakaka-tandang kapatid din sa kanya. 

Mei: Tina?

Tina: Tayo na...siguro naman alam mo ang exact location ng pinuntahan nilang operation. Susundan natin sila para tulungan.
__________________________________________________________

BBBBAAAAAAMMMMMM

Gunver: AAAAAHHHHHH!!

Tumalsik si Gunver sa isang pader ng silid at nawasak ito.

Zhapyra: Kyro!

Akma namang tutulungan ni Zhapyra ang kanyang partner, ngunit inatake siya ng kanyang kalabang snake negative.

Pinahaba nito ang kanyang mga kamay at pinuluputan ang buong katawan at saka iinangat paitaas.

Zhapyra: AAAAAARRRGGGHHHH.

Unting-unti na humihigpit ang pag-kapulupot ng mga kamay ng snake negative kay zhapyra, at halos masira na ang ang kanyang armor .

Gunver: Hindi marina!

Akmang tatayo naman muli si Gunver para tulungan sa pag-kakataong ito ang kanyang partner, ngunit hindi siya pinalampas nang kalabang negative.

BBBBBAAAAAAAMMMMMM

Ngunit mabilis na umiwas ang batang detective sa atake na ginawa sa kanya, pero nag-aalala parin siya sa kalagayan ng kanyang partner.

Napansin naman kaagad ni Draiger na nga-nganib ang kanyang kasama, at dahil doon ay sinipa niya ang kanyang kalabang negative at pinag-babaril upang mapa-atras, upang kumuha ng pag-kakataon para iligtas ang kanyang zhapyra.  

BLADE MODE...ito ang sabi ng Draig driver. Saka inatake ni Draiger ng buong tapang ang kalabang snake negative ni zhapyara.

Lumundag si Draiger at hinati niya ang mahabang kamay na pumupulupot ng mahigpit sa 
kanyang kasama.

SLASH!

Bumagsak si Zhapyra ng ligtas at kaagad niyang tinangal ang mga brasong pumulupot sa kanya.

Draiger: Ayos ka lang ba ate marina?

Zhapyra: Ayos lang ako, maraming salamat.

Draiger: Tapusin mo na siya habang may pag-kakataon!

Zhapyra: Naiintindihan ko!

Inihanda ni zhapyara ang kanyang sarili para tapusin ang kanyang kalabang negative, inilabas niya ang kanyang rod night stick, at sinugod ng buong tapang ang kalaban.

Mag-kakabilang hampas na merong dumadaloy na kuryente ang tumama sa nilalang, na halos ika-pinsala nito. At pag-katapos noon sinahaman niya ito ng husay sa aikido. Malalakas namang sipa ang pinakawalan niya, side kick at spinning kick, at ang pang-finale ay ang round houses kick si zhapyra  na ikinatalsik ng negative sa isang pader.

Pag-katapos noon pinag-sama ng babaeng agent ang kanyang dalawang driver, para mabuo ang Trail Blaster.

Inipon ni zhapyara ang buong enerhiya ng kanyang sandata, at sa isang kalabit ng kanyang sandata ay nag-pakawala ito ng malakas at makapangyarihang blast.

BLLLLAAASSSSTTTTT

Tumama ang blast na pinakawala ng babaeng agent mula sa kanyang driver, at tumama ito sa kanyang kalabang negative na tuluyang tumapos sa kanya.

Zhapyra:Magaling! dalawa nalang!

Ngunit napansin ni zhapyara na tila merong ginagawa si Levaiton mula sa isa sa mga control panels, at ilang sandali pa ay nag-sara ang pintong kanilang dinaanan kanina.

Zhapyra: Hindi ang main gate! Levaiton.

Ng masaraduhan ni Levaiton ang daanan na kanilang pinasukan ay pinaputukan niya kaagad si zhapyara.

BANG!-BANG!

Pero kaagad umiwas ang babaeng agent at gumanti din ng putok sa kanyang kalaban.

BANG!-BANG!
_____________________________________________________

Nag-pakawala ng sunod-sunod na fire breath ang dragon negative na kalaban ni Gunver, at ang matamaan nito ay kaagad nasusunog at nagiging abo.

BRRRUUUNNNNN

Gumulong at umiwas lang ang batang detective sa atake na ginawa sa kanya uli. At sa pag-
kakataong ito gumanti muli siya ng putok.

BANG!-BANG!-BANG!

Pero gumamit muli ng fire breath ang negative at ang balang pinakawalan ni Gunver ay nalusaw lang, ngunit lumundag ang batang detective ang pinuntirya niya ang ulo ng kanyang kalaban.

Gunver: BULLET CHANGE! BLAST!

Bullet change affirmative...ito ang sabi ng Gun Driver female voice, at habang nasa ere si Gunver, inipon niya ang buong enerhiya ng kanyang sandata, at mabilis niya itong pinakawalan.

BLLLAAAASSSSTTTTTTT

Tumama sa ulo ng negative ang atake na ginawa ng batang detective, at dahil doon tila nawindang at hilo ito ng bahagya.

Gunver: Hindi pa ako tapos!

Sumunod ay inilabas naman ni Gunver ang isa sa kanyang mga SD card, at muli siyang nag-bago ng baluti bilang  Saber form.

Gunver Saber: LIGHT SLASH!

Isang nag-liliwanag at puno ng enerhiysa talim ng gun saber ang inihiwa ni Gunver sa kanyang kalabang Negative.

Una muna niyang pinutol ang mga braso nito, at pag-katapos ay ang ulo na mismo nito ang kanyang pinuntirya.

SLASH!

Putol ang ulo ng dragon negative at tuluyan na itong namatay.  
___________________________________________________________________

ZAP!-ZAP!

Nag-bato ng nag-bato si Draiger ng kanyang mga throwing dagger sa kalabang komodo negative. At bawat piraso ng patalim ay nag-lalaman ng pam-pasabog.

BOOMS-BOOMS-BOOMS

Pero nagawang maka-iwas ang komodo. At nag-buga naman siya ng nakakapasong acido na kayang lumusaw ng kahit anong bakal.

Draiger: Hindi!

Papaatake sana si Draiger, ngunit wala siyang defensa para protektahan ang kanyang sarili, ng matamaan siya sa kanang braso ng acido mula sa komodo negative.

Dahil doon nasira ng bahagya ang kanyang armor sa kanang braso.

Draiger: Delikado ang isang ito, kailangan tapusin ko na kaagad siya bago pa ako ang maunahan.... (Tumingin kay Dr.Hamilton sa itaas) Humanda ka Draig Zone Activate!
Isinagawa ni Draiger ang kanyang Draig Zone, kung saan hindi na makakakilos pa ang kanyang kalaban sa loob nito.

BLADE MODE!

Muli niyang binago ang kanyang driver pamula sa baril hanggang sa pagiging talim. Nabalutan ang talim ng plasma energy, at pinakawala ito ng batang pulis na siyang tumama sa kanyang kalabang negative.

Tumakbo si draiger ng buong tapang sa loob ng kanyang zone, at ng makarating na siya sa 
kalaban ay kaagad niyang isinagawa ang panapos.

SLASH!

Tumagos ang binatang pulis mula sa katawan ng negative, at tuluyan na itong natalo ni Draiger.

Ilang sandali pa lumapit naman si Gunver Saber, para kumustahin si Draiger.

Gunver Saber: Miguel!

Draiger: Siya nalang ang natitira, tapusin na natin siya dito ngayon kyro.

Gunver Saber:Oo sige tayo na!
___________________________________________________________

Samantala sa kinatatayuan ni Dr.Hamilton ay naka-ngiti lang ito.

Dr. Hamilton: Sige ipakita niyo sa akin kung hanggang saan ang kaya niyo! 

Nabalutan si Dr. Hamilton ng kanyang baluti, at siya na ang sumalubong sa kanyang mga kalaban na sila Gunver at Draiger.

Nagulat nalang ang dalawang pulis sa pag-salubong sa kanila ng isa sa mga boss ng dranixs.

Draiger: Anong!

Gunver Saber:Ang bilis!

Quinta: Tapos na kayo!

Isang malakas na suntok ang sumalubong sa kay Gunver Saber, pero akma naman niyang sasalagin ito gamit ang kanyang Gun Saber, ngunit nagawa nitong masira ni quinta at bumalik siya sa pagiging normal na Gunver.

BAAAAAGGGGG

Tumalsik si Gunver sa lakas ng suntok na ginawa ni quinta sa kanya. Na tila tumama ito sa kanyang kanang braso at nabali pa ito.

Gunver Saber: AAAARRRGGHHHH

Draiger: Hindi kyro!

Quinta: At saan ka tumitingin! Ako ang harapin mo!

Nakatangap din ng isang malakas na atake si draiger mula kay quinta, pero pinag-handaan niya ito,at naka-paglabas ng kanyang dalawang throwing Dagger.

BAAAAAMMMMM

Hinarang ng binatang pulis ang kamao na tatama sana sa kanya. At ito ay sa pamamagitan ng kanyang dalawang dagger, ngunit tila kakaibang lakas ang ipinapakita ni quinta sa kanya.

At dahil doon nagawa niyang mabasag ang defensa ni draiger sa pamamagitan ng kanyang kamao lang.

Napa-atras nalang si draiger, pero muli siyang umatake at nag-bato na ng kanyang throwing dagger bilang pam-pasabog.

ZAP!-ZAP!

Nabalutan ng usok si quinta ng tumama sa kanya ang mga patalim na pam-pasabog ni draiger. At dahil doon ginamit na niya itong pag-kakataon para talunin ang kanyang kalaban.
Ginamit ni Draiger ang kanyang Driver, at inipon niya ang enerhiya nito.
Energy full! ....ito ang sabi ng Draig Driver.

Draiger: Tapos ka na!

BLLAAAASSSSTTTT

Kinalabit ni draiger ang gatilyo ng kanyang driver, at nag-pakalawa ito ng napakalakas na blast, tumama ito kay quinta ng deretso.

Draiger: Ayos nagawa ko!...anong!

Pero ang buong akala ni Draiger ay nagawa na niyang tapusin si quinta, ngunit nasagap niya sa kanyang computer helmet na isang life span ang papalapit sa kanya.

Bigla siya nitong intake gamit ang isang mahaba at matalas na bagay. At tinamaan siya sa tagiliran.

ZZZAAAPPPPPP

Draiger: AAAAARRRRGGGHHH!

Ng unti-unting humupa ang usok, isang nilalang naman na nababalutan ng kaliskis, merong mahahabang kuko, buntot at mabagsik na itsura ang nasaharap niya, at ang nilalang na ito ay walang iba kung hindi si Rettile De Quinta.

Quinta: Kung inakala mo sa ganong atake lang ay magagawa mo na akong matalo, puwes nag-kakamali ka, dahil isa ako sa mga itinuturing limang pinaka-matataas, at meron akong kapangyarihan na hindi taglay ng mga evolving species na kinalaban niyo noon. Kaya  pag-masdan mo ang tunay na kapangyarihan ng isang hinirang! 

Ang lahat ng baluti sa katawan ni Quinta ay tuluyan ng nasisira, habang patuloy ang kanyang pag-babago ng anyo bilang isang anyong dinosaur o butiki, at si draiger naman ay patuloy na tumatayo mula sa kanyang pag-kabagsak, dahil sa atakeng ginawa sa kanya ni quinta.

Draiger:Buwiset, anong klaseng nilalang ba siya?
__________________________________________________________

Nag-patuloy ang pag-lalaban ng dalawang mahusay sa pag-gamit ng aikido.  Nag-palitan si zhapyra at levaiton ng matitinding sipa at suntok.

Isang spining kick ang ginawa ng cyborg warrior sa babaeng agent, at nagawa niyang matamaan ito saka napa-atras.

Agad naman umatake muli si levaiton upang tapusin ang kanyang kalabang si zhapyra, ngunit inilabas niya ang kanyang driver upang gumanti ng putok.

BANG!-BANG!

Pero mabilis na umiwas si levaiton sa atakeng ginawa ni zhapyra, ngunit nag-patuloy lang ang babaeng agent sa kanyang pag-baril, at ganon din naman ang ginawa ni levaiton, nag-patuloy lang siya sa pag-iwas.

Levaiton: Hindi ko hahayaan na magawa niyo ang gusto niyo!

Sa pag-kakataong ito  sinalubong na ni levaiton ang ginagawang pag-atake sa kanya ni zhapyra. Pero patuloy lang sa pag-baril ang babaeng agent habang sinasanga lang ng cyborg warrior ang mga balang tumatama sa kanya.

At dahil doon nagawa niyang maka-lapit muli kay zhapyra at sinipa ang driver nito papalayo. Isang suntok ang binalak gawin ni levaiton, ngunit naka-paghanda ng defensa si zhapyra laban sa kanya.

Levaiton: Hindi ko puwedeng hayaan na mawala dito si master quinta, dahil siya mismo ang nag-balik sa akin mula sa hukay!

Zhapyra: Kung ganon, dapat ko lang siyang arrestuhin, dahil siya ang dahilan kung bakit ka nag-kaganyan, Liam!

Levaiton: Huwag mo akong tawagin sa pangalang iyan!!!

Tila lumakas ng bahagya si levaiton ng marinig niya ang datin niyang pangalan. Isang malakas na sipa ang ginawa niya sa babaeng agent at bumulagta ito.

BBBBAAAAAGGGGGGG.

Zhapyra: AHHHH!

Tumalsik  si zhapyara, ngunit sa pag-talsik niya ay nakita niya ang kanyang driver. At kaagad niya itong kinuha habang papalapit palang sa kanya si Levaiton sa kanya.

Levaiton: Ito na ang magiging katapusan mo, Agent Asol!

Zhapyra: Yun ang akala mo!  

Pinag-dugtong ni Zhapyra ang kanyang dalawang driver, at itinira niya ito kay levaiton.

FREEZING BLAST!

Pinakawalan ni Zhapyra ang isa sa kanyang malakas na atake, ang freezing blast, tumama ang bala sa main system ng cyborg warrior, at unti-unting binabalot ng yelo ang buong katawan nito.

Levaiton: Imposible! Hindi! Anong ginawa mo?!

Zhapyra: Masyado mo akong minaliit, hindi mo alam ng mga oras na inaatake kita ay kinukuha ko na ang data ng iyong main system, at dahil doon nakagawa ako ng counter attack laban sayo.

Levaiton: Hindi! HINDI!!! HINDI!!!

Tuluyan ng naging yelo ang katawan ni levaiton, at namatay na ang kanyang main system dahil sa lamig.

Zhapyra: Ngayon matatahimik na ang kaluluwa mo, liam...(Napansin si Draiger) Miguel!

Kaagad nag-tungo si Zhapyra kung nasaan ang kanyang mga kasama. At iniwan niya ang nag-yeyelong  katawan ni levaiton.
__________________________________________________________

RRRROOOAAARRR

Akmang hahapyutin ni Quinta ng kanyang mahabang buntot si Draiger, pero umiwas ang binatang pulis, at gumanti ng putok laban sa big boss.

BANG!-BANG!

Ngunit walang naging epekto ang pag-atake na ginawa ni Draiger sa kanya.

Quinta: Ano, yan nalang ba ang kaya mo? Puwes kung wala ka ng gagawin, papatayin na kita ngayon din!

Tumakbo ng pasulong si Quinta patungo kay Draiger, pero tila ata wala ng maisip na paraan para tapatan pa nito ang mga pag-atake na ginagawa sa kanya ng mas makapangyarihan na si quinta ngayon.

Quinta: Tapos ka na knives!!

Pero ilang sandali lang ay!

BANG!-BANG!
BLLLAAASSSTTTTTT

Dalawang sunod na putok at isang malakas na blast ang tumama kay Quinta, na nag-pahinto sa kanya para tapusin si Draiger.

At kagagawan ito nila Gunver at Zhapyra.

Gunver: Miguel, ayos ka lang ba?

Draiger: Ayos lang ako...salamat sa inyo.

Napansin naman ni zhapyra na tila lanta ang braso ni gunver at hindi niya ito ma-iangat ng mabuti.

Zhapyra: Kyro...ang braso mo?

Gunver: Ayos lang ito, huwag mo na akong alalahanin, papalapit na ulit siya, ihanda niyo ang sarili niyo.

Kaagad naman tumayo si Draiger at humanay ang tatlong special police para labanan at tapusin na si Quinta.

Quinta: Hmp! kahit mag-sama pa kayong tatlo, wala na kayong magagawa laban sa akin, dahil hawak ko ang isa sa pinaka-malakas na kapangyarihan na ipinag-kaloob ng aming tagapaglikha. Humanda na kayo sa magiging katapusan niyo...GINGA!!!

Gunver: Heto na siya!

Muling tumakbo si Quinta para tapusin ang kanyang mga kalaban. pero kaagad nag-handa ang tatlo para sa kanyang pag-salakay.

Binilisan ni draiger ang kanyang kilos, at lumundag ito para mag-hagis ng kanyang Throwing Dagger.

ZAP!-ZAP!-ZAP!

Pag-kahagis niya ito ay sinanga naman ni quinta gamit ng kanyang makapal na braso, ngunit kaagad naman itong sumabog. Sa pag-pindot ng binatang pulis ng button.

BOOOOMMMMSSSSS

Draiger: Hindi pa ako tapos!

Sumugod ng pasulong ang binaatang pulis sa kanya, at muling lumundag para isagawa ang isang super punch.

BBBAAAAAAAGGGGGG

Napa-atras naman nito si Quinta, pero nakatayo parin ito.

Quinta: Ginagalit niyo talaga ako!

Draiger:Kayo na ang bahal,Marina! Kyro!

Gunver: Oo!

Inilabas ni Gunver ang isang SD card, at binago ang isa sa mga bahagi ng kanyang armor.
SD memory in… armor changing-chest cannon...ito ang sabi ng Gun Driver.

Nabigyan ng bagong hugis ang chest armor ni Gunver at naging cannon ito. hindi pa tapos ang ginawang pag-hahanda ni Gunver ay binago din niya ang kanyang driver sa pagiging Mega Shoot Driver.

Gunver: Marina saluhin mo!

Zhapyra: Ok!

Dahil sa hindi ito magagamit ni Gunver, ibinigay niya kay zhapyra ang kanyang sandata. At nakahanda na silang tumira ng sabay.

Gunver: TAYO NA!

Zhapyra: Oo!

BLAAASSSSSTTTTTT

Pinakawalan ng mag-partner ang kanilang mga atake gamit ang kanilang mga sandata, at tumama ito sa windang na si quinta.

Quinta: AAAAARRRRGGGGHHHHHHH!!

Mas pinalakas pa ng dalawa ang kanilang mga pinapakawalang enerhiya. Hanggang sa humupa na ang kanilang pag-salakay.

Bagsak si quinta sa ginawa ng dalawang pulis sa kanya.

Gunver:Huf...Huf...Huf...nagawa ba natin?

Draiger: Hindi ko alam, pero kailangan parin nating maka-siguro.

Dahan-dahang lumapit ang tatlo upang tingnan kung buhay pa si Quinta, at ng makalapit sila aay sinipa ito ni Draiger para malaman kung buhay pa ito.

Ngunit tila hindi na gumagalaw ang nilalang, dahil sa pinsala narin siguro na kanyang natamo.

Draiger:Mukang wala na siya, tagumpay tayo...ngayon masisimulan natin ang pag-iimbestiga natin sa lugar na ito.

Pero ilang sandali lang ay, biglang mu-mulat si Quinta, habang nag-sasalita si Draiger sa kanyang mga kasama ay wala silang-kaalam-alam na buhay pa ang kanilang kalaban.

Gunver: Ang mabuti pa tumawag na tayo sa HQ, para makahingi narin nang tulong.

Zhapyra: Mabuti pa nga, para matingnan narin yang braso mo...

Gunver: Kung ganon tayo na.

Nag-lakad ang tatlo para umalis sa silid, ngunit ito na ang nang-yari. Biglang tumayo si quinta, at akma  niyang dinampot ang dalawa ni Gunver at Zhapyra sa leeg.

Gunver:AAAARRRGGGHH

Zhapyra:(Nahihirapan) H-Hindi!

Draiger: Hindi Kyro! Marina!

Hindi naman makapaniwala ang binatang pulis na buhay pa ang kanilang kalaban, sa lahat ng ginawa nila ay wala ding nang-yari.

Tutulungan sana ni Draiger ang dalawa niyang kasama ngunit, hinampas siya ng buntot nito saka tumalsik at bumalik sa pagiging miguel.

Miguel: AAAAGGHHHH

Quinta: Hindi ko kayo hahayaang makalabas pa dito ng buhay, isasama ko kayo sa pag-lubog ng himpilang ito, upang hindi lumabas ang tinatagong sikreto ng aming samahan.... mamatay kayo, mamataya kayo!!

Unti-unting hinihigpitan ni Quinta ang pag-hawak sa leeg ng dalawang pulis, hanggang sa bumalik na sila sa dati nilang anyo, bilang si kyro at marina.

Kyro: (Nahihirapan) H-Hindi!

Samantala si miguel, ay muling tumayo sa pag-katumba, at nakita niya ang kanyang driver na tumalsik kasama niya.

Quinta: Mag-paalam na kayo, kasama ng lugar na ito!

Miguel: Hindi kita hahayaan!! YYYYAAAAAHHHHHHH

Sumugod si Miguel ng buong tapang, habang hawak niya ang kanyang driver, at binago bilang Blade mode.

Lumundag ang binatang pulis, at pinuntirya nito ang dalawang braso na humahawak kila kyro at marina. At saka niya ito pinutol ng sabay.

SLASH!

Quinta: AAAARRRGGGGHHHHHH.

Nabitawan niya ang dalawa, na halos nag-hihingalo dahil sa pag-kakasakal sa kanila.

Miguel: Katapusan mo... Hamilton! 

Tumakbong pasulong si Miguel, at sa pag-kakataong ito dalawang throwing dagger ang kanyang inilabas, at lumundag siya upang puntiryahin ang ulo ng kalaban.

Miguel: YYYYAAAAAAAAHHHHHHH

Quinta: RRRAAAAAHHHHHH

TTTTTSAAAAAKKKKKKKK

Sapulo sa ulo si quinta, at bumaon ang dalawang dagger na isinaksak ni miguel sa kanya, at hindi pa ito natapos ay pinasabog pa ng binatang pulis ang mga binaon niyang patalim sa kalabang doctor.

BOOOOOOMMMMMSSSSSSS

Dahil doon tuluyan ng natalo ang isa sa mga pinakamalakas na pinuno ng dranixs, na si rettile de quinta. Oh mas kilala bilang sa pagkataong si Dr. Ferdinand Hamilton.

Miguel: Huf...Huf...

Kaagad namang tumayo ang dalawa, saka pinuntahan ang kanilang kasama.

Kyro: Miguel!

Marina: Nagawa mo!

Migue: Oo, salamat nalang naging ligtas din kayo.

Kyro: Maraming salamat, pero kailangan na nating umalis dito, may pakiramdam akong hindi na ligtas sa lugar na ito.

Miguel: Mabuti pa nga.

Pa-alis na sana ang tatlo ng bigla namang, na activate ang self destruct ng buong base, at sa loob ng dalawang minuto, sasabog ang buong pasilidad.

Self Destruct Activate...countdown in 2:00 minutes start now.

Nagulat nalang sila ng marinig ang katangang yun, at kagaad silang nag-madaling nag-tungo sa labasan.

Marina: Ano yun?

Miguel: Isang self destruction, sasabog ang lugar na ito sa loob ng dalawang minuto, talagang mautak ang doctor na ito, hindi niya tayo palalabasin ng buhay sa lugar na ito.

Kyro: Mamaya na yan, kailangan makalabas na tayo dito ng mabilis!

Ngunit ng makarating sila sa kanilang pinasukan, ay hindi nila ito magawang mabuksan dahil sa naka-kandado ito ng husto, gamit ang higly security system na nilikha ni Dr. Hamilton.

Kyro: Anak ng hindi mabuksan!

Marina: Papaano na ito...wala ng enerhiya ang mga driver natin, hindi na ito sapat para makapag-palabas ng mas malakas na pam-pasabog para sirain ang pintong yan.

Kyro: Asar paano na...hindi rin gumagana ang Gun Sequencer dahil sa hindi nito masagap ang security pass na ginawa ng doctor nayun!

1 minute remaining....

Isang minuto nalang ang nalalabi para sa countdown, at tila hindi na alam ng tatlo ang kanilang gagawin para maka-alis sa loob ng labaratoryo ni Dr. Hamilton.

Pero tila merong napansin si Miguel na kakaibang nang-yayari sa pinto, at kaagad niyang pinalayo ang dalawa niyang kasama.

Miguel: Sandali, lumayo muna kayo! Bilis!

Kaagad namang sumunod ang dalawa sa sinabi ni miguel, at ilang sandali lang ay.

BOOOOOOOOMMMMSSSSS

Sumabog ang pinto, at laking gulat nila na ang may kagagawan nito ay walang iba kung hindi si.

Kyro: Ate Mei!?

Marina: Ms. Mei!

Si Mei, na sinundan pala sila upang siguraduhing ligtas ang mga ito.

Mei: Bilisan niyo tayo na!

Nag-madaling lumabas ang tatlo para umalis na sa naturang lugar, ngunit naka-titig si miguel sa bangkay ni Dr. Hamilton habang bumibilang ang countdown. Pero tinawag siya ni kyro para umalis na dahil malapit na ang pag-sabog ng buong lugar.

Kyro: Miguel! Ano pang itinatanga mo diyan? Tayo na!

Miguel: Oo nadiyan na!

Sumunod na si miguel sa kanyang mga kasama, at maya-maya rin lang ay....

BOOOOOOOOMMMMMSSSSSS

Tuluyan ng sumabog ang buong lugar, at hanggang sa lumubog na ito sa ilalim ng tubig.
_______________________________________________________________________

Samantala, sa isang sikretong taguan ng Dranixs. Tila natangap din nila kaagad ang pag-kasira ng kanilang unang himpilan.

Segundo: Mukang nag-tagumpay si Quinta na pasabugin ang lugar, pero mukang hindi siya pinalad na makaligtas, maging si levaiton ay ganon din.

Quwarta: Pinanindigan lang niya ang kanyang pagiging tapat sa samahang ito, ginawa niya yun, para hindi kumalat ang tunay na sikreto ng ating samahan, ng saganon mapag-handaan pa natin ang mga susunod na hakbang para sa hinaharap. At kahit na alam na ng GINGA ang tungkol sa ibang impormation tungkol sa atin, hindi ito magiging sapat para pabagsakin tayo ng tuluyan.

Primo: Wala na akong masasabi sa ngayon, pero kailangan nating ihanda pa ang mga sarili natin, para hindi masayang ang pag-sasakripisyo na ginawa ni Quinta para sa atin. Isa siyang tapat at maasahang kaibigan ng organisayong ito. hindi tayo titigil hanggang sa hindi natin napapatumba ang may mga sala.
_________________________________________________________________________________

Aqua Park Manila, dumating ang ilang sangay ng GINGA para mag-imbestiga pa, ngunit dahil sa sumabog na ng tuluyan ang base ng dranixs ay wala na silang makukuha pa ni isang ibedensiya laban sa kanila.

Kasalukuyan namang ginagamot ang mga sugat nila kyro dahil sa pinsalang natamo nila, lalo na ang detective dahil sa bali ng kanyang braso na natamo.
Nadoon din si Chief Insp Marcus at Director General. Emilio Ratio.

Chief Insp Marcus: Binabati ko kayo, dahil isa sa pinaka delikadong pinuno ng dranixs ay wala na, ngunti nang-hihinayang parin ako dahil karamihan sa mga ibedensiya na puwede nating makuha ay na wala lang ng parang isang bula.

Miguel: Sir, talagang siniguro lang nila na hindi natin malalaman pa ang tunay nilang intensition at itinatago, pakiramdam ko mas malaki pang kaguluhan ang magaganap, dahil sa pag-kamatay ni Dr. Hamilton.

Gen. Ratio: Ganon din ang pakiramdam ko Fajardo, kaya lagi niyong ihanda ang mga sarili niyo, dahil isang digmaan ang tiyak na mang-yayari.

Chief Insp Marcus: Mei, mabuti nalang  dumating ka, kung hindi dahil sayo hindi maililigtas ang mga best agents ng ating departamento.

Mei: Ginawa ko lang ang nararapat, bilang isang superior, at bilang sister in law narin. Malulungkot lang ang asawa ko kapag meron lang nang-yaring masama kay kyro. Oh kahit na sino sa mga batang ito.

Samantala napansin naman ni Kyro na nakatingin sa dagat si Marina, at nilapitan niya ito saka hinubad ang kanyang racing jacket at isinuot sa balikat ng kanyang partner.

Na-bigla naman si Marina sa ginawa ng kanyang partner.

Marina: (Nagulat) Kyro?

Kyro: Sayo muna yan, hindi ko maisusuot dahil may benda ang kanang braso ko...
Napansin din nito na tila malalim ang iniisip ni marina.

Kyro: Mukang malalim ang iniisip mo ah?  Si Liam ba? 

Marina: Oo, sa tingin ko nabigyan ko na ng hustisya ang pag-kamatay niya, matatahimik narin ngayon ang kaluluwa ni Liam. At handa narin akong mag-move on.

Kyro: Ganon ba, masaya ako para sa iyo. Dahil sa wakas wala ka ng sakit na dinadala diyan sa dib-dib mo.

Marina: Salamat din kyro, at palagi kang na diyan para sa akin.
Sabay lang nilang pinag-mamasdan ang dagat ng mag-kasama, habang pinag-mamasdan naman sila ni mei at miguel.
______________________________________________________________

Habang patuloy na lumulubog ang buong base ng dranixs. Sa kaibuturan ng dagat, nadoon ang katawan ni Levaiton, at ilang sandali ay minulat nito ang kanyang mga mata.

Ngayon ay wala na ang isa sa mga pinuno ng dranixs, ano na kaya ang susunod na mang-yayari? Magawa kaya nila kyro na tapusin na ang laban sa pagitan ng GINGA at ng samahang Dranixs.

Mag-sisimula na ba ang isang malawakang digmaan?

Case continued....










No comments:

Post a Comment