Saturday, November 7, 2015

Case 37: Ang katotohanan sa likod nang Dranixs




All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.



Ang nakaraan sa Special Dective Gunver....

Isang kaso ang tagumpay na naisarado nila Kyro dahil sa tulong ni Miguel.  Ngunit sa kabila ng kanilang tagumpay, isa nanamang panganib ang nakahandang sumalubong sa kanila.

Dranix Aquariume Base.

Quinta: Tapos na...tapos na....dito na matatapos ang buhay mo, Miguel Fajardo!

Isang bagay ang hawak ni quinta na tila ba meron siyang masamang balak.



Case 37: Ang katotohanan sa likod nang Dranixs.

GINGA Cafe.

Kasalukuyang nag-lilinis ngayon sila Kyro at ng kanyang mga kasamahan ng shop ni mei, ngunit tila hindi naman mapakali ang detective na tila na-aasar din.

Kyro: Walang mang-yayari kung hindi ko siya kukulitin. 

Nilapitan ni Kyro si Miguel dahil sa gusto niyang makuha ang sagot na matagal na niyang hinahanap.

Kyro: Miguel!

Miguel: Kyro anong problema?

PAK!

Pinalo ni kyro ang lamesa, at bahagya naman nagulat sila Sherry.

Sherry: (Nagulat) Ay nako kalabaw!

Kyro: Anong sinasabi mong problema? Malaki! Malaking problema, diba na ngako ka sa amin na sasabihin mo kung ano ba talaga ang lihim ng dranixs sa oras na matapos natin ang kaso? Pero ngayon ano, wala parin...pinapaasa mo lang ata kami dito eh!

Miguel: Easy ka lang, bakit hindi mo nalang enjoyin yang perang nakuha mo doon sa nakaraang kaso? I-date mo si marina, malay mo maka-isa ka.

Kyro: Huwag mo nga akong pinapatawa...may oras sa bagay nayan, pero ang kailangan ko ngayon ay ang sagot. Sagot sa mysterio na tinatago nila, sagot kung sino ba sila. maraming tao na ang nag-sasakripisyo ng dahil lang sa kanila. Sabihin mo may balak ka bang talagang ibunyag ang lahat? Oh pinapaikot mo lang kami.

Sandaling katahimikan ang nang-yari. Ngunit kaagad naman nag-salita si Miguel.

Miguel: Kung masyado kang atat, ang mabuti pa ikaw ang humanap ng sagot, sinabi ko naman sayo diba...sa tamang panahon, sasabihin ko sayo ang lahat. Well kung hindi ka mag-papapigil. Bahala ka na.

Binitawan ni miguel ang gamit niyang map, at saka kinuha ang kanyang jacket at helmet, at umalis.

Kyro: Nakaka-Buwiset! Baki pa kasi tinangap yan dito.  

Mei: Kyro, hayaan mo na muna siya.  Ang mabuti pa ituloy mo nalang ang ginagawa mo. Siguro nag-iisip lang siya ng magandang pag-kakataon para sabihin sa atin ang lahat. Kahit naman ako gusto ko ng malaman kung ano ba talaga ang itinatago ng dranixs sa atin.

Marina: Tama si Ms. Mei, siguro kailangan lang niya ng konting pahanon, at saka may dahilan naman siya kung bakit patuloy parin siyang tumitira dito sa atin.

Kyro: Hay nako! Bahala na nga rin kayo diyan, kung gusto niyong hintayin ang kasagutan niya, mag-hahanap nalang ako! Hindi ko kailangan ng punyetang impormation niya.

Binitawan ni Kyro ang mga gamit niyang pang-linis, at kagaya ni miguel kinuha din niya ang kanyang jacket at helmet, at saka umalis.

Marina: Sandali kyro! Saan ka pupunta?

Kyro: Sa HQ! Mag-hahanap ng sagot sa tanong ko!

Mei: Hay nako ang batang ito talaga.
_________________________________________________________

Sakay ng kanyang draig cycle, binabagtas ni Miguel ang kahabaan ng highway sa Roxas Blvd.Ngunit sa itaas ng isang gusali. Naroroon ang isang nilalang na tila nag-aantay sa kanya. At ang nilalang na ito ay walang iba kung hindi si Quinta.

Quinta: Sa wakas dumating ka din, ito na ang oras para mawala ka sa landas namin...Miguel Fajardo!

Kinuha ni Quinta ang isang Rocket Launcher, at tinarget niya si Miguel habang nag-mamaneho ito ng kanyang motorsiklo.

ZOOM!

Pinakawalan ni Quinta ang bala ng kanyang Rocket Launcher na derektang tatama kay Miguel, ngunit napansin ito agad ng binatang pulis, at mabilis na naka-iwas sa pag-atake.

BOOOOOOMMMMSSSS

Nag-kagulo ang mga tao sa paligid ng mang-yari ang pag-sabog.

Imbes na tumama sa kanya ang pam-pasabog ay sa isang truck na kasunod niya ito tumama. Kaagad naman siyang huminto para tingnan ang nang-yari.

Miguel: (Hinubad ang helmet) Teka saan galing yun!?

Ngunit pag-tingala ni Miguel ay merong papabulusok mula sa itaas, at tila siya ang puntirya muli nito. Kaagad muling umiwas ang binatang pulis, at ilang sandali pa bumagsak na ito sa lupa na dahil sa lakas ng impact ay halos nawasak ito.

BBBBBBAAAAAAAGGGGGGG.

Kaagad inihanda ni miguel ang kanyang driver.  Ngunit tila pamilyar sa kanya ang bumagsak.

Miguel: Errr...ikaw!

Quinta: Hmp, tulad ng inaasahan, magaling ka talaga...Knives, oh mas bagay ata na tawagin kitang, Corporal Miguel Fajardo. At bilang si Special Police Draiger!

Miguel: Quinta...ah mali pala...Dr. Ferdinand Hamilton!

Quinta: Kung pumalpak si Levaiton na tapusin ka...sinisigurado ko sayo na dito ka na mamatay!  Kasama nang aming sikreto!

Biglang sumugod si Quinta kay Miguel, ngunit kaagad nag-paputok ang batang pulis sa papasugod na kalaban, pero mabilis lang iniwasan ni quinta ang kanyang mga atake, at kaagad niyang sinalubong ng malakas na suntok si miguel.

Sunod-sunod na suntok ang ginawa ni Quinta kay Miguel pero dumepensa ang binatang pulis sa kanya, at gumanti ng isang malakas na super kick sa big boss ng dranixs.

BBBAAAAAAAGGGG

Napa-atras nito ang big boss, at inihanda ang sarili para sa pag-babago.

DNA SCAN Complete...ito ang sabi ng draig driver.

Miguel: Draig Changer!

Kinalabit ni Miguel ang gatilyo ng Draig Driver, at nabalutan siya ng dilaw na liwanag, at nag-bago bilang si special police draiger.



Quinta: Mamatay ka na!

Inilabas naman ni Quinta ang kanyang, dalawang sandatang Laser Knife, at inatake niya ang kapapalit palang ng anyo na si Draiger.

Draiger: Sakit  ka talaga sa ulo!

Nag-labas din ng kanyang Throwing Knife si Draiger, at nag-salubungan silang dalawa.
__________________________________________________________

Samantala, patungo sana si Kyro sa HQ para mag-hanap ng kasagutan, ngunit biglang tumunog ang sonar radar ng kanyang Gun Cycle, at  ito pala ay isang emergency, at ang nasa nasabing signal ay si draiger na nakikipag-laban sa isang unknown signal.

Kyro: Si Miguel? Ano naman ang ginagawa ng mokong na ito?

Maya-maya pa ay isang signal muli ang pumasok, at ito ay nag-mula naman sa mga GINGA Highway patrol na nasa paligid.

Calling all unit’s in near vicinity merong isang shoot out na nagagana  malapit sa Roxas blvd, i repeat there a shoot out in roxas blvd.

Kyro: Roxas Blvd? Malapit lang ako dito... asar talaga ang mokong nayun.

Kaagad hinarurot ni kyro ang kanyang Gun Cycle, at nag-tungo sa sinasabing lugar sa Roxas Blvd.
________________________________________________________

SLASH!

Draiger: Arrrrggghhhhh.

Tumalsik si Draiger sa pader ng sea side at dumeretso ito sa dagat. Sa lakas ng slash na ginawa ni quinta sa kanya, halos nasira ang body armor nito.  

Dahang-dahan naman lumapit si Quinta sa kanya, at inilabas naman ang kanyang Baril para tapusin na ang dating kasamahan.

Quinta: Isang kasalanan malaking kasalanan talaga ang pag-katiwalaan kita ng buo, ang akala ko ikaw ang isa sa mga taong mag-bibigay ng tagumpay ng aming mithiin, ngunit nag-kamali ako, dahil trinaydor mo lang ako...kaya ito ang magiging kabayaran mo...ang kamatayan! 

Nakatutok parin ang baril ni Quinta, ngunit sa dami ng sinabi nito, ay nakapag-handa na si draiger, para umoffensa.

Draiger:Madami ka pang sinasabi!

Hinugot ni Draiger ang kanyang Draig Driver sa kanyang likuran, at pinag-babaril nito si quinta, upang mapa atras ito.

BANG!-BANG!

Mabilis na tumayo si Draiger at kinuha nito ang pag-kakataon para atakehin si Quinta.
Blade Mode...Sabi ng Draig Driver.

Binago nito ang kanyang Driver mula sa baril, sa pagiging talim. At dito na isasagawa ni Draiger ang kanyang finale.

Draiger: Draig zone activate!

Nabalutan ng plasma energy ang buong talim ng Draig Driver, at akma nitong ibabato sa kalaban niyang si quinta, para ma isagawa ang draig zone.

ZAAAAPPPPPP

Pinakawalan ni Draiger ang enerhiya, at tagumpay itong tumama kay Quinta.

Quinta: ARRRGGHHH.

Draiger: Draig Slash!

Umatake ng pasulong si Draiger habang nakakulong si Quinta sa kanyang Zone, at ng makalapit na siya upang tapusin na ang kalaban ay bigla nalang ito ang nang-yari.

SLASH!

Draiger: Anong!?

Quinta: Levaiton!

Levaiton: Hindi kita hahayaan sa gusto mo!

Dumating si Levaiton at hinarang nito ang ginawang atake ni Draiger, sinipa siya ng cyborg warrior ng papalayo at saka isang slash muli ang natangap niya sa kanyang katawan at napaluhod nalang ito.

Draiger:ARRGGHH!

Nakawala naman si Quinta sa Draig zone na ginawa ni Draiger, at dahil dito ay siya naman ang kumuha muli ng pag-kakataon para tapusin na ang pulis.

Quinta: Masyado mong pinasasakit ang ulo ko! Ngayon wala nang makakapigil sa akin, dahil tapos ka na!

Itinutok muli ni Quinta ang kanyang baril kay draiger upang tapusin na ito, pero ilang sandali lang ay.

BLAST-BLAST!-BLAST

Tatlong sunod-sunod na blast ang tumama sa kinatatayuan nila Quinta, at ito ay nag-mula sa bagong dating na si Gunver sakay ng kanyang Gun Cycle.

Napa-atras naman ang dalawang miyembro ng dranixs dahil sa ginawa ng detective.  At kaagad naman itong bumaba sa kanyang motorsiklo para tingnan ang nang-yari sa kasama.

Gunver: Miguel!---ikaw?

Nabaling naman ang tingin ni Gunver sa kaharap ni Draiger, dahil hindi niya inaasahan na nasa harapan niya ngayon si Quinta.

Levaiton: Master, masama na ito...kailangan na muna nating umatras sa pag-kakataong ito. 
May panahon pa naman para tapusin natin sila ng sabay.

Quinta: Sige naiintindihan ko...Draiger...may araw ka rin!

Gunver: (Itinutok ang Driver) Hanggang diyan nalang kayo!

Nag-teleport at tuluyan ng tumakas sila Quinta at Levaiton, akma naman silang pipigilan ni Gunver ngunit naging matagumpay ang pag-takas nila.

Gunver: Asar nakatakas sila...(Nabaling kay draiger ang atensiyon) Miguel! Ayos ka lang ba?
Tinangal ni Draiger ang kanyang maskara.

Draiger:Ayos lang ako...salamat kyro... grabe hindi ko akalain na ganon kalakas ang doctor na yun. Mukang desidido na siyang patayin ako dahil sa nalalaman ko tungkol sa kanya at sa dranixs. 

Gunver: Miguel...sabihin mo na kung ano ba talaga ang balak ng dranixs. At kung ano ba talaga sila. nakikiusap ako. Para sa mga inosenteng taong puwede pa nilang maging biktima.

Tila nag-iisip si Draiger kung sasabihin na ba niya ang tungkol sa dranixs.

Draiger: Tawagin mo sila ate marina, Ms. Mei....papuntahin mo silang dalawa sa HQ.

Gunver: Sige...
________________________________________________________________

Dranixs Aquariume base...

Dumating sila Quinta at Levaiton galing sa sagupaan nila ni  Draiger, ngunit balisa ang pang-limang boss ng ito ay bumalik sa kanilang himpilan.

Quinta: EEEERRRR...

Nag-salita naman si Tersera tungkol sa nang-yari kay Quinta.

Tersera: Teka, bakit parang balisa ka Mr. Hamilton? Sabihin mo, may nang-yari ba.

Quinta: Puwede ba tersera, tumahimik ka nalang kung wala karin lang sasabihin na hindi maganda.

Tersera: Ok fine, tatahimik na...pero hindi ko talaga mapigilan na ma-aawa sayo, dahil mukang pumalpak nanaman ang binabalak mo.

Quinta: Kung maaari, tumigil ka na dahil malaking problema ang kinahaharap natin ngayon, nakakasigurado akong alam na ng GINGA ang buong katotohanan sa atin, kaya kailangan maka-isip ako ng paraan para hindi mang-yari yun.

Quinta!

Maya-maya pa ay lumabas na si Primo kasama si Segundo. Upang sabihin ang isang bagay.

Quinta: Primo!

Primo: Hindi ka parin tapos sa problemang yan, hindi ako makapaniwala na ang isang kagaya mo ay pahihirapan lang ng isang hamak na tao lang, tandaan mo isa kang dakilang tagasunod ng ating panginoon, na siyang nararapat lang mag-hari dito sa mundo, at baguhin ang sanlibutan sa iisang systema. Kaya kailangan mong mag-tagumpay sa kahit na anong paraan. Kailangan mawala ang sagabal sa atin.

Segundo: May-panibago ka na bang naiisip para hindi kumalat ang impormation na hawak ng batang pulis nayun? Kasi kung ako ang tatanungin mo, may paraan pa ako para tuluyan na silang mawala lahat.

Tumingin sa paligid si Quinta, at tila nag-iisip ito ng isang bagay na puwedeng mang-yari.

Quinta: Kung hindi ko sila mahuli sa paraan na alam ko, hayaan natin na ang daga ang lumapit sa kanyang patibong.
__________________________________________________________________

GINGA HQ

Ipinatawag ni Miguel ang mga taong dapat na maka-alam kung ano ba talaga ang itinatago ng Dranixs. Kasama dito sila Chief Insp. Marcus, Tina, Gen. Ratio, Marina, at si Mei na siyang na mamahala sa kasong hinahawakan ngayon ni Kyro tungkol sa dranixs.

Kyro: Miguel, narito na ang lahat…kaya sige na sabihin mo na ang nalalaman mo, ano ba talaga ang itinatago ng dranixs? Saan ba sila nag mula, at ano ang illuminating sinasabi mo?

Miguel: Pambihira ka naman, parang isa naman akong kriminal na ineenterogate mo, puwede bang mag-dahan-dahan ka naman sa pananalita mo, sasabihin ko naman kung ano talaga ang itinatago nila, at ang totoo niyan sa tamang panahon, pero ngayon na tilang desidido na si Quinta na tapusin ako, ang mabuti pa sabihin ko na ang totoo, bago pa niya ako maunahan.

Gen. Ratio: Sige na, Corporal, may karapatan silang malaman ang buong katotohanan, dahil sa simula palang sila na ang may hawak ng kasong ito.

Miguel: Opo..makinig kayong mabuti sa sasabihin ko, hindi ko na titiyak kung kumpleto ba talaga ang sinabi sa akin ni Quinta noon. Pero siguro naman ang malaki narin ang maitutulong nito para pag-tagpi-tagpiin ang mga nang-yayari.

Sisimulan na ni miguel ang pag-sasabi tungkol sa impormation na hawak niya tungkol sa dranixs.

Miguel: Una...ang mga kadalasan ninyon nakakasagupa noon, ang mga evolving species o mas tinatawag niyong negative, maniniwala ba kayo na ang mga nilalang nayun, ay matagal ng patay.

Tila nagulat naman sila sa sinabi ni miguel.

Marina: Mga patay?

Kyro: Anong ibig mong sabihin? Parang hindi kapanipaniwala.

Gen. Ratio: Totoo ang sinasabi ni corporal, dahil sa akin siya nag r-report tungkol sa mga nang-yayari. Sige corporal ipag-patuloy mo.

Miguel: Sige po...sige bumalik tayo sa pinag-uusapan natin, sinabi sa akin ni quinta ang tungkol sa mga evolving species, ang pag-buhay nila sa mga namayapang tao, ang pag-mamanipula ng kanilang DNA, pinapaltan nila ang kanilang lumang DNA at nilalagyan nila highly genetic DNA. Sa madaling salita, isang malakas at bagong nilalang na ang isinilang. Ang zero at blue injection tube, ay susi lamang para mabuksan ang natatagong kapangyarihan ng mga negative. At ang taong nasa likod nito...ay walang iba kung hindi si Dr. Jon Helsmith!

Parang hindi naman makapaniwala si Chief Insp. Marcus sa kanyang narinig, dahil noong simula palang  tila alam na niya na konektado ang mga negative kay Dr. Jon Helsmith.

Chief Insp. Marcus: Anong sabi mo? si Dr. Jon Helsmith!

Mei: Bakit papa kilala mo ba siya?

Chief Insp. Marcus: Oo, at kilala din siya ni Gen. Ratio...isa siya sa mga founder ng GINGA kasama si Director Antonio Zerino, isang insidente noon ang nang-yari, nalaman ni Director Zerino na si Helsmith ay gumagawa ng ilegal na pag-eexperimento sa mga katawan ng tao, noong panahong iyun sunod-sunod ang pag-kawala. Nag-hinala ang director ng GINGA kung bakit nang-yayari ang mga bagay na ito, kaya minabuti niya na imbestigahan mismo ang matalik niyang kaibigan.

Miguel: Meron pa pong isa, Pinatay ni Dr. Helsmith ang kanyang pamilya para ma isakutuparan lang ang kanyang experemento, taon 1988, sa tulong ng isang impormante pinasok ni Director Zerino ang labaratoryo ni Dr. Helsmith, at doon natuklasan niya ang karumaldumal na ginagawa niyang krimen, ang pag-dukot, ang pag-patay at pag-eexperemento na parang hayop.

Kyro: Impormante? Teka sino naman yun.

Nag-salita naman si Gen. Ratio tungkol dito.

Gen. Ratio: Walang impormation tungkol sa impormanteng yun, basta ito lang ang masasabi ko, kahit na si Dr. Helsmith ang utak sa technolohiya ng GINGA, tingangal siya dahil sa kasalanang ginawa niya, labag sa karapatang tao at labag sa batas ng diyos ang ginawa niya.

Mei: So Ibig-sabihin, siya ang gumawa ng technology sa likod ng GINGA? Kagaya ng mga Special Police suit?

Gen. Ratio: Tama ka...Agent Maria.

Kyro: Kung ganon, si Dr. Helsmith ang isa sa mga utak ng GINGA, at ang isa sa nag-tatag nito, pero ano ang kinalaman niya sa Dranixs? At ano ang tinutukoy mong illuminati.

Tina: Base sa nalalaman ko, ang Illuminati ay isang samahan na pinapatakbo ang mundo ng pailalim, at base sa kasaysayan, gusto nilang mag-karoon ng isang mundo ng iisang gobyerno lang ang mamamahala, marami silang ibang bersion at pamamalakad, pero tila iisa lang ang mithiin nila.

Miguel: Tama sinabi ni Agent Shen, isa lang sa hakbang ni Dr. Helsmith ang pag-gawa ng mga evolving speicies, at yun para palabasin nila na darating na ang  hukom ng mga tao. Ang panginoon na sinasabi nila. Kaya kung mapapansin niyo hindi kayo makahuli ng kahit na isang Negative, ay dahil sa pinoprotektahan nila ang kanilang lihim, at dahil yun sa limang  malalaking boss ng kasaysayan ng Dranixs, si Quinta, Quwarta, Tersera, Segundo, at ang namumuno sa kanila na si primo.

Marina: Ngayon alam na natin kung ano ba talaga sila, ano na ang plano natin?

Kyro: Miguel alam mo ba kung saan ang kuta nila.

Miguel: Ang totoo niyan kyro, hindi pa talaga sapat ang impormation na hawak natin tungkol sa kanila, marami pa silang itinatago, lalo na sa pag-katao ng limang boss, pero alam ko ang kuta nila at kung sino ang isa sa kanila.

Mei: Sino naman?

Miguel: Maniniwala ba kayo, na kilalang-kilala niyo siya noon.
___________________________________________________________________

Balik sa Dranixs Aquarium Base,

Tila isang malaking pag-hahanda ang ginagawa ngayon ni Quinta, para sa pag-haharap nila ni Miguel. Ngunit habang nag-hahanda siya ay tila merong bumabalik sa kanyang nakaraan.

Quinta:Tatlong pu’t limang  taon, noong naging estudiyante ako ng kilalang si Dr. Helsmith, simula noon inilaan ko na sa sarili ko na susundan ko ang mga yapak niya, upang ma-isakaturapan ko lang ang kanyang mithiin sa samahang ito.  At ngayon dumating ang araw na kailangan kong patunayan pa sa panginoon na lumikha ng lahat ang aking katapatan. Ipinapangako ko na itatayo ko ang bandila ng Dranixs, sa ngalan ng pangalan ng aming diyos. At mag-babayad lahat ng may sala!

Nag-balik sa kanyang dating anyo si Quinta at naging si Dr. Ferdinand Hamilton. Habang hawak ang isang injection tube.
____________________________________________________________________

ANO!

Nagulat ang lahat ng sinabi ni Miguel ang katotoohanan sa likod ng pag-katao ng isa sa mga boss ng dranixs.

Kyro: Teka seryoso ka ba sa sinasabi mo?

Marina: Si...Dr. Ferdinand Hamilton...ay Quinta?

Miguel: Totoo, hindi mo aakalain ang isang imbentor na kagaya niya ay merong palang maduming pag-katao na itinatago. Lahat ng imbensiyon niya at lahat ng papakitang tao niya, ay isang malaking palabas lang. Ang totoo niyan natitiyak ko na hindi lang siya ang kilalang personalidad na kabilang sa dranixs, natitiyak kong meron pa na mas kilala pa natin. At nakakasalamuha sa pang-araw-araw.

Mei: Sino naman ang iba pa.

Miguel: Kinalulungkot ko, pero si Dr. Hamilton lang ang siyang naging malapit sa akin, siya lang ang nag-pakita sa akin ng tunay niyang pag-katao...

Kyro: Kung si Dr. Hamilton nga si Quinta, kailangan mahuli natin siya, at tanungin pa ng ilang mga bagay.

Miguel: Mukang impossible yun, pero subukan parin natin...mag-handa na tayo, papasukin natin ang kuta ng kalaban.
____________________________________________________________________

Nag-handa ang tatlong special police para sa kanilang operation na gagawin. Ngunit tila nakiusap si Miguel na sila nalang tatlo ang kumilos, dahil sa tila mapanganib ito para sa mga tauhan nila.

Kyro: Miguel...bakit wala tayong isasamang mga tauhan man lang? Para sa back-up.

Marina: Oo nga, kakayanin ba natin ito ng tayong tatlo lang?

Miguel: Tama na sigurong tayong tatlo lang, masyadong delikado ang lugar nayun para sa kanila. Hindi natin alam ang binabalak ni quinta kung sa kaling mag-kagulom pa. Kailangan maging handa tayo, dahil sa oras na ito iniisip na niya na alam niyo na ang sikreto na meron sila.

Sabay-sabay natapos ang tatlo sa kanilang pag-aayos ng kagamitan. at pag-katapos, pumunta sila sa grahe at sumakay sa kanilang mga patrol vehicle.

Pero bago sila umalis, sinabihan sila ni mei.

Mei: ( Sa kabilang linya) Kyro, Marina, Miguel...mag-iingat kayo, narito lang kami ni marion para i-monitor kayo,  kung sa kaling hindi niyo na kayanin, wala akong magagawa kung hindi ipa-abort ang mission. Na iintindihan niyo ba?

Kyro: Oo ate mei.

Marina: Roger that.

Miguel: Masusunod...

Mei: (Sa kabilang linya) Kung ganon, sige na kumilos na kayo! Hulihin niyo si Dr. Ferdinand Hamilton.

Isinuot nila Miguel at Kyro ang kanilang Helmet, at lumabas na ito sa grahe ng Shop, at kasunod nito ay si marina sakay ng Gun Racer.

At ngayon patungo na sila sa kuta ng kalaban, ang tinatawag na Aquarium Park.
_______________________________________________________________

Nakapaghanda  narin si Dr. Hamilton para sa mang-yayaring laban, at alam niya na papunta sa kuta nila ang mga Special Police.

Dr. Hamilton: Dito na mag-tatapos ang lahat, ako ang siyang mag-huhusga sa inyo. At mag-dadala sa inyo mula sa kamatayan!

Tila isang malaking laban ang mang-yayari sa pagitan ng mga Special Police at ng isa sa mga big boss ng Dranixs.

Magawa kaya nila kyro na lampasan ang isang malaking pag-subok na ito?

Case Continued....









No comments:

Post a Comment