All the characters in this series have no existence whatsoever outside the
imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or
names. They are not even distantly
inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely
invention.
Ang nakaraan
sa special detective gunver....
Si knives
isang free lancer criminal, na siyang kinuha ng dranixs upang mag-trabaho sa
kanila dahil sa taglay nitong talento at husay sa pakikipag-laban, ay
inakusahan ni levaiton na isang traydor, dahil sa pag-bibigay nito ng iimpormation
tungkol sa nakaraan pakikipag-pulong ng dranixs sa groupong apocalypse.
Knives: (Lubhang nasaktan) Levaiton....hayop ka!
Levaiton: Yan lang ang nararapat sayo, traydor...alam
kong ikaw ang nag-bigay ng
impormation sa GINGA kung bakit nila nalaman ang
taguan ng apocalypse, at may ebidensiya ako dito.
Gunver: Anong sabi niya?! Si knives.
Tila
ikinagulat ng tatlong GINGA police ang kanilang narinig tungkol kay knives.
Levaiton: Ngayon, dito na mag-sisimula ang tunay na
kamatayan niyo!
Biglang
nag-labasan ang mga skullz sa paligid at nakahanda na silang umatake sa
tatlo.
Gunver: Humanda kayo narito na sila!
Case 33: Free Lancer
Nag-simula
na ang nag-aatikabong bak-bakan sa pagitan ng tatlong GINGA Police laban sa mga
tauhan ng Dranixs kasama si Levaiton.
Samantala si
Knives naman ay pinipilit makatayo mula sa kanyang sugat na natamo.
Knives: Buwiset
ka levaiton! Buwiset!
____________________________________________________________
BANG!-BANG!
Pinag-babaril
ni snider ang mga skullz na lumapit sa kanya, at sinahaman pa niya ito ng husay
sa taekwondo. Malulupit at malalakas na sipa ang ginawa niya sa mga kalaban na
siyang nag-patumba sa mga ito ng mabilis.
Snider: Mga walang kuwenta!
Ipinag-patuloy
lang ni snider ang kanyang pakikipag-laban sa mga skullz.
Samantala
hinarap ni zhpayra ng buong tapang ang kanyang mortal na katungali na si
levaiton. At katulad ng dati aikido laban sa aikido ang pinamalas ng dalawang
mandirigma. Isang suntok ang tinangap ng babaeng agent sa kanyang kalaban.
Ngunit kaagad gumanti ito ng isang malakas na sipa sa tiyan at ikinaurong ito
ng cyborg warrior.
Levaiton: Errrr...
Zhapyra: Hindi pa ako tapos!
Lumundag si
zhapyra at pinag-sama niya ang kanyang dalawang driver upang mabuo ang trail
drive. Malalakas na blast ang pinaka-walan niya sa kalabang si levaiton. At
tinamaan niya ang ilang parte ng katawan nito.
Zhapyra: Sumuko ka na liam!
Levaiton: Huwag mo akong tinatawag sa pangalan na yan!
YAAAAAAAHHHHHH
Sa
pag-kakataong ito si Levaiton naman ang umatake, pero-nakahanda na ang babaeng
agent
sa kanyang pag-dating.
Nag-patuloy
lang ang kanilang pakikipag-laban sa isa’t isa.
_________________________________________________________
*Tapos ka na
ngayon!*
Ito ang
sigaw ni Gunver sa kanyang kalabang negative na si tyranno. Gamit ang kanyang Gun Dagger. Inatake niya
ito ng buong lakas kahit na natalo siya dito ng unang beses.
Mabibilis na
slash ang ginawa niya sa kalaban. At
pag-katapos noon isang malakas na spinning kick ang ginawa niya, ngunit
nahawakan ito ng negative at itinulak siya papalayo.
Gunver: Anong! AAAHHHHHH.
Ligtas naman
si Gunver na nakatayo, at sabay niyang binago ang driver niya bilang Gun mode.
At pinag babaril niya ang kalaban.
BANG!-BANG!-BANG!
Pero walang
naging epekto sa kalaban ang ginawa niyang pag-atake.
Tyrrano: ROOOOOOAAAARRRRR.
Sa
pag-kakataong ito ang negative naman ang umatake ng pasulong sa batang detective.
Pero mabilis na umiwas si Gunver sa kanya at nag-handa.
Gunver: Pang-asar na ito! Pero tingnan natin ang
tapang mo dito!
Inilabas ni
Gunver ang isang SD card, at inilagay ito sa kanyang Gun Driver.
*SD Memory in...Cross line form* sabi ng female voice ng Gun Driver.
Muling
nag-bago ng anyo si Gunver bilang cross line form. At kaagad niyang ginamit ang
kanyang mega shoot driver.
Kaagad
pinaputukan ni Gunver cross line ng kanyang mega shoot driver ang kalaban. At
dalawang bala sa katawan nito ang bumaon.
Nang dahil
sa ginawa ng detective. Ginalit niya ang kanyang kalabang negative at sumugod
ito sa kanya.
Gunver Cross Line: Heto na siya!
Mula sa
kanyang side leg armor, inilabas ni Gunver ang isang bagay. At kaagad niya
itong ibinato paharap. At ilang sandali pa lumabas ang mga dilaw na linya na
merong tatak na police line. At ikinulong niya ang kalabang negative sa loob
kasama siya.
Gunver Cross Line: Heto na ang tinatawag na cross line! Kainin
mo ito!
Inipon ng
detective ang buong lakas at kapang-yarihan ng kanyang sandata. At itinira ito
sa kanyang kalabang negative.
BBBBBAAAAAAAAANNNNNNNGGGGGG
Isang
malakas na putok ang pinakawalan ni Gunver na tumama sa kanyang kalabang
negative.
RRROOOOOAAARRRR
Dahil doon
tuluyan na niyang natalo ang negative na muntik ng pumatay sa kanya noong
nakaraan.
Maya-maya pa
ay nawala na ang cross line zone ng detective, at tumagpo naman ang kanyang
partner at si snider sa kanya.
Gunver Cross Line: Marina! At ikaw clyde.
Zhapyra: Nagawa mo kyro, pero hindi pa ito tapos.
Snider: Ikaw nalang ang natitira. Kaya humanda ka
ngayon!
Si Levaiton
nalang ang natitira sa mga dranixs na dumating. Ngunit tila hindi na siya
puwedeng makipag-laban dahil sa mga pinsalang natamo rin niya.
Levaiton: Hindi pa dito natatapos...babalikan ko kayo!
Biglang nag-laho si Levaiton gamit ang isang teleportation
device upang umatras. Bumalik naman sa dati nilang anyo ang tatlo.
Kyro: Tumakas nanaman siya...ano ito lokohan?
Samantala
napansin naman ni marina na wala na roon si knives na kanina ay sugatan dahil
sa pa-traydor na pag-atake sa kanya.
Marina: Teka...nasaan si knives?
Nilapitan ni
marina ang lugar kung saan itong huling bumagsak, ngunit wala na ito at tila
nakatakas narin papalayo.
Kyro: Ang taong yun, sino ba talaga siya?
_________________________________________________________
Sa isang
abandonadong ware houses, dito na nakarating si knives na sugatan.Tinangal ng
kriminal ang kanyang suot na hood jacket.
At sa pag-kakataong ito unang nasilayan ang kanyang pag-mumukha bilang
isang tao.
Knives: Asar...hindi ko inaasahan
ito....hahaha...kailangan ko paring mag-handa...dahil natitiyak kong babalikan
ako ng mga yun.
Kumuha si
Knives sa kanyang taguan ng benda at ginamot niya ang mga sugat sa kanyang
katawan.
_________________________________________________________
Dranix
aquarium base.
*PESTE!*
Ito ang
sigaw ni Dr. Hamilton ng malaman niyang isang traydor ang nakapasok sa kanilang
pinaka-iingatang taguan.
Quwarta: Ano na ang gagawin mo hamilton? Ngayon alam
mo na ang taong dinala mo dito ay isang traydor?
Dr. Hamilton: Ang lalaking yun, pag-katapos kong
ipag-katiwala sa kanya ang mga bagay na dapat ay hindi malaman, ay ganon lang
pala ang gagawin niya sa atin! Kung alam ko lang na meron siyang binabalak na
ganon laban sa atin, sana noon palang tinapos ko na siya.
Segundo: Hmp! Yan ang napapala mo sa sobrang
pag-titiwala sa iba, alam mo namang kailangan maitago ang lihim natin kahit na
anong mang-yari, ng dahil sa ginawa mo ngayon ay nag-aalala ako na baka sabihin
ng knives na yun ang lahat ng nalaman niya sa atin. Lalo na sa GINGA, ang
tungkol sa mga evolving species, pati narin kay Dr. Helsmith at pati na sa
himpilan ito. At Lalo ka na hamilton, alam ni knives ang buo mong pag-katao bilang
si quinta.
Dr. Hamilton: Segundo! Sa tingin mo ba...merong galamay na
nag-papakilos sa kanya?
Segundo: Hindi ko masisigurado ang bagay na iyan.
Pero meron akong isang bagay na maimumungkahi
ko sayo.
Dr. Hamilton: Kung ganon tatangapin ko ang mungkahi mo,
para lang mawala sa landas ko ang traydor nayan.
______________________________________________________________
GINGA HQ
Pinag-bigay
alam nila marina at kyro ang kanilang nalaman tungkol sa isang miyembro ng
dranixs na si knives.
Ipinahanap
nila ang files at criminal record nito, ngunit tila bigo sila sa inmpormation
na gusto nilang makuha.
Kris: Wala, wala akong nakuha kahit na isang files
at record niya.
Kyro: Pero isa siyang kriminal, bakit ni isang
criminal record ay wala siya? Imposible ito.
Ano ba talagang nang-yayari...bakit ginawa ni knives na ibigay ang impormation
sa atin noon laban sa samahan niya? Ano ba ang dahilan niya. Naguguluhan na ako.
Gen. Ratio: Detective.
Maya-maya pa
ay dumating si General Director. Emilio Ratio. Nag-bigay naman ng saludo ang
dalawan nila marina at kyro bilang pag-galang nila sa nakakataas.
Kyro: Sir kayo po pala...pasensiya na po kung
medyo magulo kami ngayon dito. Meron lang po akong inaalam tungkol sa isang
kriminal.
Gen. Ratio: Kriminal? At sino naman yun.
Nag-salita
naman si marina tungkol sa bagay na ito.
Marina: Si Knives, siya yung sinasabing free lancer
criminal na nag-trabaho na sa mga sikat at kilalang sindikato sa mundo, at sa
kasalukuyan kasama siya ng dranixs, ngunit sa hindi namin maintindihan na
dahilan...inatake siya ng sarili niyang mga kasamahan, sa salang pag-bibigay sa
amin ng impormation tungkol sa kasunduan na ginawa ng apocalypse at dranixs
noon.
Tila nag-iba
ang paningin ni Gen. Ratio sa kanyang narinig.
Kyro: Kaya kailangan kong malaman ang panig niya.
Kung sino ba talaga siya at kung anong binabalak pa niya.
Muling nag-salita
si Gen. Ratio.
Gen. Ratio: Detective, anong gagawin mo kung sa kaling
isang kriminal ang tumulong sa inyo para mailigtas ang mundo mula sa
pag-kawasak...tatangapin mo ba siya bilang isang kasama, oh tutuparin mo parin
ang tungkulin mo bilang isang alagad ng batas na gawin ang tama.
Nag-taka
naman si kyro at marina sa sinabi ng heneral sa kanila.
Kyro: Teka ano po ba ang ibig niyong sabihin?
Gen. Ratio: Diba ikaw na mismo ang nag-sabi, na siya ang
nag-bigay sa inyo ng isang impormation para mapigilan ang napipintong
pag-kawasak ng mundo noong nakaraan. Kaya isipin mong mabuti. Kung ano ba
talaga ang ibig sabihin ng tanong ko.
Umalis
nalang ang heneral at ang kanyang secretary ng walang sabi-sabi, at naiwan ang
dalawa nila marina at kyro.
Marina: Heto nanaman tayo, isang tanong nanaman na
kailangan nating sagutin. Ano kyro, ano na ang balak mo?
Kyro: Bahala na, aalamin natin kung ano ba talaga
ang nang-yayari, pero bago yun kailangan nating hanapin si knives.
_________________________________________________________________
GINGA
section zero department.
Ipinatawag
ni Gen. Zandro Olivares ang kanyang pinakamahusay na tauhan na si Clyde. At ang
dahilan ay upang bigyan ito ng isang mahalagang misyon na kailangan niyang
matupad.
Gen. Olivares: Sargent,
may-mahalaga akong ipapagawa sayo. Kaya siguraduhin mong sa pag-kakataong ito
mag-tatagumpay ka sa misyon na naka-ataw sayo.
Clyde: Ano po iyun general?
Gen. Olivares: Gusto kong tapusin mo na ora mismo ang taong
ito.
Ipinakita ng
heneral ang imahe ng kanyang target, at ang taong ito ay walang iba kung hindi
si Knives.
Gen. Olivares: Siguro kilala mo na siya, siya ay kabilang
sa samahan ng dranixs na kasalukuyang iniimbestiganhan ngayon ng special
investigation unit, siya si knives. Walang malinaw na record tungkol sa kanya
at kung saan siya nag-mula, pero isa lang ang alam ko...mapanganib siya at
kailangan na niyang mawala mismo ngayon.
Inilabas ng
heneral ang isang SD card, at ibinigay ito sa kanyang tauhan.
Gen. Olivares: Narito ang intel report na nag-lalaman kung
saan siya matatagpuan, patayin mo siya at huwag na huwag mo siyang hahayaan na
makatakas, at kung sino man ang makielam sa gagawin mong misyon, ituring mo
ring siyang kalaban...naiintindihan mo ba, sargent silva!
Clyde: (Sumaludo) Opo!
Umalis ang
binatang pulis sa loob ng opisna ng heneral, ngunit kakaibang timpla sa kanyang
mga mata ang makikita dito.
Gen. Olivares: Kailangan na malawa ng salot nayun, dahil
hindi ko hahayaan na malagay sa alanganing sitwasyon ang mga binabalak ng organisasyon.
_______________________________________________________________________
Samantala
sakay ng kanyang Gun Cycle, binaybay ni kyro ang buong lugar upang hanapin si
knives.
Pansamantalang
huminto ang detective upang-makapag isip-isip.
Kyro: Isang kriminal, ang taong tumulong sa amin
para mailigtas ang mundo, ano ba talaga ang pag-katao mo...knives. hindi ko maintindihan, ngunit hindi lahat ng
tao ay ipinanganak ng masama. Siguro may pag-kakataon lang ang mga bagay na
nang-yayari sa mga tao.
Kung ano man
ang dahilan niya, kailangan kong malaman yun. Natitiyak kong hindi lubos
na siyang masama, at sinisigurado kong
aalamin ko ang buong katotohanan.
Muling
tumayo si Kyro sa kanyang kinauupuan, at muli siyang sumakay sa kanyang gun
cycle, ng isusuot na niya ang kanyang helmet. Nakita niya si clyde na sakay
naman ng kanyang snide cycle na tila meron itong pupuntahan.
Kyro: Si clyde? Saan naman siya pupunta…hindi
naman kaya!
Kaagad
isinuot ni kyro ang kanyang helmet nag-pasiya si kyro na sundan si clyde.
_____________________________________________________________
Sa
abandonadong ware houses kung saan nag-tatago si knives. Dumating si clyde
sakay ng kanyang snide cycle at bumaba ito.
Clyde: (Hawak ang locator device) Kung ganon, ito na
ang lugar na itinuturo ng HQ.
Kaagad
sinimulan ni clyde ang kanyang misyon na tapusin si knives. At ilang sandali pa
dumating naman si kyro dahil sa pag-sunod niya kay clyde. Bumaba ito agad sa
kanyang gun cycle, at sinundan din ang binatang puli sa loob.
Kyro: Ang lugar na ito? Baka naman.
_____________________________________________________________
Sa loob ng
naturang ware houses, natapos ng gamutin ni knives ang kanyang sarili, at
mabilis niyang isinuot ang kanyang damit at hoody jacket, ngunit tila
nakaramdam siya ng isang presensiya na papalapit sa kanya.
*Hanggang
diyan ka nalang! Humarap ka dito ngayon din*
Itinaas ni
knives ang kanyang mga kamay at humarap ito.
Knives: Hindi ko inaasahan na makikita mo ang lugar
ko dito, Sargent. Clyde Silva.
Clyde: Kung ganon ikaw si knives, sa wakas nakita ko
narin ang pag-mumukha mo! Ngayon oras na para mamatay ka!
Knives: Huhulaan ko, ipinag-utos ng superior mo na
tapusin na ako tama ba? Ang sakit naman, ako na nga ang tumulong sa inyo,
ganito pa ang gagawin niyo sa akin.
Clyde: Marami ka pang sinasabi! Ang utos ay utos,
hindi kailangan baliin ito...ngayon mamatay ka na kriminal!
*Sandali!*
Akmang
babarilin na ni clyde si knives , ngunit dumating si kyro at pinigilan ito.
Humarang ang detective para protektahan ang kriminal.
Clyde: Ikaw? Anjelo! Anong ginagawa mo dito.
Kyro: Sandali clyde, itigil mo iyan, meron pa
akong kailangan malaman sa kanya, hindi siya puwedeng mamatay! Meron dahilan
kung bakit niya kami tinulungan noong nakaraan. At yun ang gusto kong malaman.
Clyde: Nahihibang ka na ba? Isa siyang kriminal! At
dapat lang na mamatay siya!
Kyro: Ikaw ang nahihibang! Hindi lahat ng sinasabi
mong kriminal ay lubos na masama, merong mga pag-kakataon na nakakagawa ng
masama ang isang tao dahil sa mga
nang-yayari sa kanila. Kaya nainiwala ako na hindi lubos na masama ang taong
ito!
Pero habang
nag-tatalo ang dalawang pulis kay knives ay hindi nila alintala na meron ng
papalapit sa kanila, at ito ay ang groupo ni Levaiton.
Clyde: Umalis ka diyan! Kung ayaw mong ikaw ang
patayin ko bago siya!
Tila meron
muling naramdaman si knives na papalapit sa kanila, at ilang sandali pa ay.
Knives: Umiwas kayo bilis!
Maya-maya pa
ay merong biglang umatake sa kanila at winasak ang pader ng ware houses.
BOOOOOOOGGGGGG
Mabilis
naman naka-iwas ang dalawang pulis at si knives naman ay sinimulan niyang
mag-bago ng anyo.
Kyro: Teka ano iyun?!
Clyde: Isang negative!
Isang
negative pala ang sumalakay sa kanila, merong itong tatlong sungay at malaking
pangangatawan, isa itong uri ng extinct type, at ito ay kung tawagin ay tricera
isa muling uri ng dinosaur.
Levaiton: Mukang tama ang hinala ko! Dito lang kita
matatagpuan knives, ngayon katapusan mo na kasama ng mga pulis nayan!
Biglang
nag-labasan ang mga skullz at inatake ang tatlo nila kyro.
Clyde: Mga pakielamero kayo!
*DNA SCAN COMPLETE!* sabi ng male voice ng gun snider.
Clyde: Snider Change!
Nag-bago ng
anyo si clyde bilang snider, at pag-katapos ay inatake niya ang mga skullz ng
buong husay.
Tumayo naman
si kyro at binunot ang kanyang Gun Driver.
*DNA SCAN COMPLETE!* ito ang sabi ng female voice ng gun driver.
Kyro: Gun Changer!
Nag-bago rin
ng anyo si kyro bilang si Gunver, at sumugod din sa kanyang mga kalaban. Pero
kaagad siyang hinarang ng tricera negative. Ngunit sumalubong naman siya ng
isang malakas na power paunch.
Gunver: Tumabi ka diyan!
BBBBBBAAAAAAGGGGG
Ngunit
nasalag ito ng negative at sinuwag siya patungo sa isang pader.
Gunver: AAAAAAAAHHHHH
BBBBBBBAAAAAAAAMMMM
Halos
nawasak ang buong pader dahil sa ginawang atake ng tricera negative kay Gunver.
At tila napansin naman ng batang detective si knives.
Gunver: Knives!...tumakas ka na!
Habang naka-ipit si Gunver sa malalaking kamao at
sungay ng negative, sinasabihan niya na tumakas na si knives. Pero hindi ito
hinayaan ni Levaiton, bagkos ay nag-madali itong makalapitt kay knives upang
tapusin na ito.
Levaiton: At saan ka naman pupunta! Sa tingin mo ba
hahayaan kitang makatakas! Dito ka na mamatay knives!
Bumunot ng
kanyang baril si Levaiton at pinaputukan ang kriminal, pero mabilis na kilos
ang ginawa niya upang maiwasan ang mga atake na ginagawa sa kanya.
BANG!-BANG!
At habang
kumikilos ng napaka bilis, bumunot naman si knives ng kanyang mga trowing
dagger at ito ang ipinanganti sa kanyang kalaban.
Pero binaril
lang ito ni levaiton at tumalsik at ang lahat ng atake ni knives ay isang pain
lang para makalapit siya sa kanyang kalaban.
Knives: Huli ka ngayon!
Lumundag ng
papaikot ang kriminal at akmang sasaksakin ang cyborg warrior para tapusin,
ngunit hindi ito ang nang-yari.
Levaiton: Yun ang akala mo!
BBBBBBBAAAAAAAAAGGGGG.
Biglang
merong umatake kay knives na isang lumilipad na bagay, at isa nanaman itong
negative extinct type na petragon. Inilipad niya ang kriminal at isisubsob ito sa
lupa.
Gunver: Hindi Knives!!!
Knives: AAAAAAAAHHHHHH.
Kaharap
parin ngayon ni Gunver ang mahigpit na tricera na siyang sumisira sa kanyang
katawan. at snider naman ay hinaharap parin mag-isa ang mga skullz.
Levaiton: Ngayon, katapusan niyo na! HAHAHAHAHAHAHAHA.
Ano na ang
mang-yayari kila Gunver? Magawa pa kaya nilang makatakas sa kamay ng dranixs.
At si knives, ano ba ang mga bagay na nililihim niya.
Case continued...