All the characters in this series
have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no
relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Sa
pag-papatuloy ng kaso....
Hinarap ni
Gunver ng buong tapang ang Cyborg Warrior na si Levaiton, at sa pag-papatuloy
ng kanilang matinding sagupaan. Nagawa nitong sugatan ng husto ang batang detective. Ngunit salamat narin kay Marina dahil sa kanyang pag-responde, ay nagawa niyang
tulungan ang kanyang partner.
Ngunit hindi
nag-tagal ay nalaman din niya ang katotohanan na ang kanyang kaharap ngayon ay
ang dati niyang minamahal, at sa hindi rin inaasahan nag pakita narin sa kanila
sa wakas ang mga taong responsable sa lahat ng mga nang-yayari, ang mga pinuno
ng Dranixs.
Quinta: Gunver tandaan mo ang araw na ito, kami ang
Big Five Dranixs...sa pag-kakataon na ito makikita mo na ang lakas ng isang
tunay na Evolving Species.
Marina: Big Five Dranixs?
Kyro: Kung ganon sila commander ng mga Evolving
Species?
______________________________________________________
Samantala
sa isang madilim na daan, isang lalaki ang umaatras at takot na takot dahil
isang nilalang ang tila nag-tatangkang kumitil sa kanyang buhay.
Lalaki: Wag! Wag! Maawa ka! WWWWAAAAAAGGGGGG
Biglang
merong lumabas na maliliit na parang isang insekto sa katawan ng lalaki, at
inatake nito ang lalaking nag-mamakaawa, at maya-maya lang ay dinumog ito ng
mga nasabing insekto, at namatay ito na halos tuloy na at wala ng laman ang
katawan.
Nag
salita ang lalaki
*Kung
ganon ito pala ang kapangyarihan ng isang Evolving species? Napaka husay hahahahaha*
Sino kaya
ang lalaking ito?
GINGA
isang organizationg binubuo ng mga dalubhasa at mga kakaibang antas ng
kapulisan.Sila ang nag papanatili at kaayusan ng sangkatauhan...at kung saan
may nag babadyang panganid dumarating sila para ilagtas ang walang laban at
sila ang tinatawag na mga Special Police
Case 23: Detective Sherry?
GINGA
Medical Center
AAAAARRRRAAAAYYYYYYY!!!
Napasigaw si
Kyro dahil sa aksidenteng nasagi ni Marina ang baling braso nito, kasalukuyang
nag-papagaling dito ang detective dahil sa mga tinamo niyang sugat sa huling
labanan.
Marina: Pasensiya na! Hindi ko naman sinasadya.
Kyro: (Mangiyak-ngiyak) Pambihira ka naman, parang sinadya mo ata!
Marina: Sinabi ko naman sayo, hindi ko sinasadya,
Konting
katahimikan ang sumaglit, at muling nag-salita si Kyro tungkol naman sa
nararamdaman ni Marina.
Kyro: Marina
Marina: Bakit?
Kyro: (Malumanay na Boses) Mabuti naman at ayos ka
lang, talagang nag-alala ako sayo...dahil sa mga nang-yari nitong nakaraan.
Tila na
bigla naman si Marina sa sinabi ng kanyang partner.
Marina: Teka ano bang sinasabi mo diyan? Hindi kita
maintindihan.
Kyro: Ang ibig kong sabihin, mabuti nalampasan mo
ang lungkot at sakit diyan sa puso mo, dahil sa nalaman mo ang buong
katotohanan.
Marina: (Nainis) Ano ba yan sinasabi mo? Siguro nga
na apektuhan ako sa mga nang-yari...pero hindi ibig sabihin noon, mag-papatalo
na ako sa mga nararamdaman ko, matagal ng patay si Liam at kahit na kay
Levaiton pa ang mukha niya....ako ang mag papatumba sa kanya!
Kyro: Yan!
Bumalik narin ang marina na kilala ko! hahahahaha...sana naman makita ko
muli ang mga ngiti mong yan, bihira ko lang kasing makita yun....kung may
pag-kakataon gusto kong makita ang ngiting yun, kahit sandali lang.
Pinilit
namang itinago ni Marina ang kanyang reaction
Marina: (Namula at nag-suplada) Hmp! Ewan ko ba
sayo, hindi ako makikinig sa isang manyak na lalaki na kagaya mo, kala mo
madadala mo ako sa mga salitang yan...bolero.
Kyro: Manyak? Grabe ka naman!
At habang
nag-uusap ang dalawa ay merong kumatok sa pintuan
TOK! TOK!
Kaagad pinag-buksan
ni Marina ng pinto, at sila Mei, at sherry pala ito
Kyro: Ate Mei!
Mei: Buti
naman at ayos ka lang, may balita ako sa inyo.
Marina: Ms. Mei may problema po ba?!
Mei: Pasensiya na Kyro kung maabala ko ang
pag-papahinga mo dito, pero gusto kong makita niyo ito ang bagay na ito!
Binuksan ni
Mei ang kanyang Tablet, at ipinakita niya ang kuha ng satellite video ng GINGA
tungkol sa isang krimen na naganap.
Kyro: Teka ano naman ito?! (Nagulat) Anong!? Anong
klaseng nilalang ito!
Mei: Nagulat ka ba? Kuha yan ng satellite footage
natin mula sa HQ, isang kriminal na pumapatay gamit ang kakaibang uri ng
taktika, ayon sa intelligent report, merong na italang 15 kaso na ang nagaganap
kada araw, mukang isang negative ang isang yan, dahil sa pamamaraan niya.
Kyro: Kung ganon, oras na pala para mag trabaho
uli---eeerrrgghhh
Tila
nasaktan si Kyro sa pag-kilos niya ng bahagya
Sherry: Kuya Kyro!!
Marina: Sira ka ba? Hindi pa kaya ng katawan mo,
ipaubaya mo nalang sa akin ang kasong ito.
Kyro: Pero—
Mei: Kyro, kailangan mo munang mag-pahinga. May
pag-uusapan pa tayo mamaya kasama si Andrew.
Kyro: Si Major?
Napapaisip
naman si Sherry kung ano ba ang gagawin niya at ilang sandali lang ay
nag-salita na ito.
Sherry: Ah...Ms. Mei
Mei: Ano yun?
Sherry: Kung ayos lang sa inyo, gusto kong samahan
si Ate marina sa pag-iimbestiga!
Sandaling
katahimikan ang nang-yari pero biglang.
EEEEEEEEEEEHHHHHHH
Napasigaw
nalang ang mga tao sa loob dahil sa sinabi ng dalagang si Sherry
_____________________________________________________________________
Dranixs
Aquarium Base
Kasalukuyang
pinapanuod ngayon ni Primo ang naging-sagupaan nila Gunver at Levaiton nitong
nakaraan...at maya-maya pa ay lumabas si Quinta.
Primo: Quinta anong ibig sabihin ng mga bagay na
ito?
Quinta: Ipag-patawad mo kung naging pabaya din
ako...primo
Bumalik sa
dating anyo si Quinta bilang si Doctor Ferdinand Hamilton.
Dr. Hamilton: Hindi ko akalain na mag-kakaproblema ang
main system ni Levaiton, kaya wala akong ibang paraan kung hindi ang puntahan
siya doon para kunin, dahil sa oras na mahuli siya ni Detective Anjelo,
malaking sakuna ang mang-yayari sa ating organization, kapag nalaman nila ang
sikreto natin.
Primo: Hmp, sa susunod mag-iingat na kayo ( Bumalik
sa dati niyang anyo ngunit nakatalikod) ayaw kong masira ang plano natin dahil
lamang sa mga walang kuwentang alagad ng batas na yan.
Dr. Hamilton: Oo, patawarin mo uli ako, sa ngayon si
Knives na muna ang pinakilos ko para alalayan ang bagong evolving species na lumabas ngayon, ipag-paumanhin mo pero may
kailangan pa akong gawin sa aking labaratoryo.
Umalis si
Hamilton at iniwan ang nakatalikod na si Primo sa gitna ng Aquarium.
Primo: Hmp, kailangan ng mawala sa landas ko ang
GINGA, sa iyo ko na ipapaubaya ang lahat...Segundo
__________________________________________________________________________
Sa lugar
kung saan naganap ang huling krimen, nag-tungo si Marina kasama si Sherry.
Bumaba ang
dalawa sakay ng Gun racer.
Marina: Sherry, siguro naman alam mo na ang basic?
Sherry: Opo ate, tinuruan lang ako ni kuya Kyro sa
kongting bagay, pero hindi ako lalamampas sa boundary kung saan mas magiging
delikado ang lahat.
Marina: Magaling kung ganon, basta tandaan mo palagi
ang mga binilin ko, at ang mga gadgets na ibinigay sayo ni Kyro, kailangan lagi
mo itong dala sa kahit anong sitwasyon. At ang pinaka-importante wag kang
kikilos ng hindi mo alam. Basta kung meron kang nakitang kahina-hinala tawagan
mo kaagad ako...Ok
Sherry: Opo!
Marina: Magaling. Simulan na natin ang
pag-iimbestiga… Detective Sherry
Napangiti
naman ang dalaga sa sinabi ni Marina
______________________________________________________________________________
Balik sa
GINGA Medical center
Tok! Tok!
Mei: Tuloy
Isang bisita
ang nag-punta sa kuwarto ni Kyro at ito ay si Andrew, kasama sila Tina at Chief
Inspector Arthur Marcus
Andrew: Yo!
Mei: Kayo pala papa, Tina, Andrew
Kyro: Major! Boss! at ang babaeng laging may
regla!
Tina: (Nainis) Anong sabi mo!!! Ang lakas ng loob
mong sabihan ako ng ganyan ah!
Kyro: Hahahaha pasensiya na, ikaw naman kasi lagi
ka nalang nagagalit kapag nakikita mo ako.
Chief Insp. Marcus: Mabuti naman at hindi ka masyadong nasaktan
sa nakaraang laban.
Kyro: Oo nga po, mabuti nalang din at tinulongan
ako ni marina bago pa ako tuluyang mapuruhan...teka lang po alam ko na ang
sadya niyo dito...tama ba?
Andrew: Oo, nabalitaan ko na nag-pakita ang mga mas
nakakataas sa mga Negative, nakung tawagin ay dranixs. Gusto kong makakuha ng
kahit na kongting information sa kanila, para maka-tulong na ang departamento ni
Director Ratio
Kyro: Ang Big five dranixs…
Tina: Sabihin mo kyro, ano bang klaseng nilalang
ang mga yun?
Kyro: Hindi ko maipaliwanag noong nakaharap ko sila,
dalawa lang sila pero,pakiramdam ko nakakapangilabot ang taglay nilang
kapangyarihan. at isa pa hindi lang silang dalawa ang mas angat. Meron
pang tatlo sa kanila na hindi nag-papakita, kung sino man ang tatlong yun
nakakasigurado akong napakadelikado nila.
Andrew: Mukang napaka-mysteryoso nila kung
pakikingan mo, anong sa tingin mo Tina, Mei?
Mei: Muka nga dahil hindi ko alam kung papaano
nilang ginawang buhayin muli ang katawan ng dati kong subordinate na si Liam
Henderson.
Tina: Ang dating kasintahan ni Marina?
Kyro: Oo, gusto ko talagang malaman kung ano ang
lihim nila, at kung bakit nila ginagawa ang mga ganitong klaseng bagay....Sa
oras na nakakatalo ako ng isang negative, hindi ko silang magawang mahuli.
Dahil sa tila ba may kumikitil na sa mga buhay nila. Para sila na mismo ang
pumatay sa sarili nila.
Andrew: So Ang ibig-sabihin niyan, talagang
itinatago nila ang mga information na puwede nating makuha? Mukang madulas
talaga sila pag-dating sa mga bagay na iyan.
Chief Insp. Marcus: Well anyway, mabuti at alam na natin kung
sino ang mga kalaban, ang kailangan nalang nating gawin ngayon, ay hanapin ang
Big Five na iyan, malakas ang kutob ko na, hindi sila basta-basta.
Kyro: Basta sisiguraduhin ko po sa inyo na,
hahanapin ko ang sagot sa mga tanong na ito, at aalamin ko ang sikreto
nila,,,,Kung sino man sila.
Balik kung saan nadoon sila Marina at Sherry upang
mag-imbestiga.
Katatapos
lang mag-tanong ni Sherry sa bawat parte ng lugar, at tila lumalabas ang mga
biktima ay tila iisa lang ang katayuan.
Sherry: Parang tumutugma lahat ng mga sinasabi ng
mga tao dito, parang-iisa lang ang mga
biktima, mga owner ng kilalang cake shop
at coffee shop dito sa lugar na ito...kailangan malaman ito nila Ate Marina!
Agad umalis
sa lugar si sherry para puntahan si Marina sa kanyang lugar, ngunit lingid sa
ka-alaman niya na merong mga matang nag-mamatiyag sa kanya.
Nag-madaling tumakbo ang dalaga ngunit tila
naka-ramdam siya ng kakaibang presensiya sa paligid.
Sherry: Kailangan kong mag-madali!
Tumakbo muli
ang dalaga, ngunit sa pag-takbo niya ay biglang.
BBBBBBAAAAAAGGGG
Meron itong
naka-banga at napa-upo naman si Sherry.
Sherry: Aray naman!
*Hmmp
tumingin ka naman sa dina-daanan mo*
Nagulat
nalang si Sherry ng mag-salita ng ganong klaseng salita ang taong nakabanga sa
kanya, at ang nakabanga niya ay walang iba kung hindi si Clyde
Sherry: Teka bakit ganyan kang mag-salita? Ikaw na
nga itong naka-banga ikaw pa itong may ganang mag-salita ng ganyan? Ayos ka rin
ano!
*Nagsalita
naman si Clyde*
Clyde: Puwede bang wag kang magulo, may kailangan
pa akong asikasuhin, kaya wala akong panahon para makinig sa mga sinasabi mo.
Sherry: Hoy Sandali! Humingi ka nga ng tawad diyan!
-----
Akmang aalis
na si Clyde, ng biglang merong lumabas na mga sandamak-mak na langgam sa pagid
nila at tila hindi alam ni sherry ang kanyang gagawin.
Sherry: Teka ano ang mga ito!?
Clyde: Mukang heto na ang hinahanap ko...hoy alam
kong nariyan ka lang! Mag-pakita kana!
Maya-maya pa
ay lumabas na ang taong may pakana ng lahat ng ito.
Parasite: Hindi ko akalain na meron na palang
bumubuntot sa akin, mga tuta....iba na talaga ang sikat.
Clyde: Hmp! Humanda ka na ngayon, kahit na kulungan
hindi ka na tatangapin!
Inilabas ni
Clyde ang kanyang Gun Snider, at nag-bago siya ng anyo bilang si Snider, gulat
na gulat naman si Sherry sa kanyang nakita.
Clyde: Snider Change!!!
Sherry: Ikaw!? Kung ganon ikaw si snider?
Snider: Hmp! Ang mabuti pa umalis kana bago kapa madamay
dito!
Parasite: Marami ka pang sinasabi! Sige mga alaga ko!
ubusin mo siya!!!
Umatake ang
mga pulang langgam ni Parasite kay snider, pero ginamit naman ng pulis ang
kanyang sandata para tapusin ito, at inatake niya ang negative sa pamamagitan
ng kanyang kamao.
Si Sherry
naman ay nag-tago sa bandang likuran at kinuha niya ang isa sa mga gadget ni
Kyro, para kunan ang lalaking umatake sa kanila
Sherry: Kailangan malaman ito ni Ate marina, mukang
ito na ang suspect na hinahanap namin
Tinawagan ni
Sherry si Marina gamit ang comunication device, si Snider naman ay patuloy na
nakikipag-laban sa Negative na si Parasite.
_________________________________________________________
Katatapos
lang mag-tanong ni Marina sa lugar kung saan kumuha siya ng lead at clue para
sa kasong hawak nila ngayon, pero maya-maya lang ay tumunog ang kanyang
Communicator at si sherry ang nasa kabilang linya.
BLEEP-BLEEP
Marina: Sherry anong problema?
Sherry: (Sa kabilang linya) Ate marina, may
nag-pakitang isang negative!
Marina: Ano?!
Sherry: (Sa kabilang linya) Narito siya sa lugar ko
ngayon, pero narito rin si Snider, at nag-simula na silang mag labang dalawa!!
Marina: Sige papunta na ako diyan! Basta mag-tago
kalang at wag kang lalapit sa kanila!!
Pinutol ni
Marina ang pakikipag-usap kay Sherry at nag-madali itong tumakbo patungo sa
lugar kung saan nadoon si Sherry, ngunit biglang
ZAP!-ZAP!
Dalawang
trowing dagger ang tumama sa lupa na siyang nag-pahinto kay Marina, at ang may
kagagawan nito ay si Knives
Knives: Ui!
Marina: Ikaw?!
Kives: Pasensiya na kung hindi si Levaiton ang
sumalubong sa iyo, dahil sa ngayon inaayos pa siya.hayaan mo muna ako ang maging
kalaro mo, dahil hindi puwedeng masira ang isang magandang palabas!
Marina: Tumahimik ka! Wala akong panahon para makipag
dak-dakan sayo!!!
Inilabas ni
Marina ang kanyang Zhapyra Driver at nag bago din siya ng anyo bilang si
Zhapyra
Marina: Zhapyra change!!!
Kaagad
niyang inatake si Knives, at nag-simula na silang mag-laban gamit ang mano-manong
laban
Zhapyra: (Sa sarili) Sana ayos lang si sherry, wala na
akong ibang pamimilian kung hindi mag-tiwala sa lalaking yun.
Knives: Anong iniisip mo hah! Mag focus ka sa
laban!!!!
BBBBBBAAAAAAAAGGGGG
Isang
matinding super kick ang natamo ni Zhapyra sa kanyang sikmura, dahilan kung
bakit ito napa atras, at hindi pa natapos ang ginawang pag-atake ni Knives,
nag-bato pa siya ng Bomb dagger sa babaeng agent, at tumalsik muli ito.
BBBBBBBOOOOOOOMMMMSSSS
AAAAAAHHHHHHH
Knives: Hmp! Walang kuwenta!
Muling tumayo
si Marina para harapin ang mandirigma,
Zhapyra: Hindi ako mag papatalo sayo! Yyyyaaaaaa
Muling
umatake ng buong tapang si Zhapyra kay Knives, at nag-patuloy ang kanilang
matinding sagupaan.
_____________________________________________________
BANG!-BANG!
Dalawang
sunod na putok ng Driver ni Snider ang ginawa niyang pang-offensa kay paracite,
ngunit hinarangan lang niya ito gamit ang kanyang mga red-ant.
Parasite: Masyado ka ng pang-abala, hindi mo ba alam
na meron pa akong kailangan asikasuhin?
Snider: Wala na akong pakielam, kailangan na kitang
tapusin dito, bago pa lumala ang sitwasyon!!!
Parasite: Hmp! Nakaka-asar na ito! Pero wala na akong
magagawa kung hindi gawin ang nararapat.
Inilabas ni
Parasite ang asul na injection tube, at itinurok niya ito sa kanyang braso, at
maya-maya pa ay unti-unting nag-bago ang anyo niya bilang isang mutated magma
ant.
Nang-diri
naman si Sherry sa kanyang nakita dahil sa pag-tuklap ng balat nito, si snider
naman ay hindi na bago sa nang-yayari.
Snider: Kung ganon yan pala ang tunay na anyo mo?
Walang kuwenta tama lang sa iyo yan isang langgam, madaling tirisin!
Parasite: Tumahimik ka!!!
Umatake ng
buong tapang si parasite kay snider, at gamit ang kanyang matutulis na kamay
walang humpay niyang inatake ang binatang pulis,
Sa kabila
nito gumaganti naman si Snider gamit ang kanyang husay sa taekwondo, gamit ang
matitinding sipa hindi siya nag palamang sa kanyang kalaban.
Isang
malakas na sipa ang binigay ni Snider at dahil doon napa-atras ang Negative.
BBBBBBBAAAAAAAAGGGGG
Pero muling
bumangon ang negative at nag-buga ng nag-babagang likido, muntik ng matamaan si
snider pero mabilis siyang nakalundag, at inilabas ang kanyang Gun Snider at
gumanti ng putok.
BANG!-BANG!-BANG!
Habang
nakikipag-laban si snider nanunuod naman ng mabuti si Sherry pero wala siyang
ka-alam alam na meron palang may mang-yayari sa kanyang masama.
Sherry: Ang tagal naman ni Ate marina....kailangan
ng tulong ni Snider dito.
Akmang
tatayo ang dalaga ngunit ito na ang
nang-yari sa kanya.
Samantala
halos lamang na si Snider sa laban, at inilabas na niya ang kanyang alas
Gun snider: SD Memory in. Change Rifle
Nag-bago ang
sandata ni Snider sa pagiging Hand Gun sa pagiging rifle, at inipon niya ang
buong enerhiya ito saka sana pakakawalan para tapusin na si Parasite, ngunit
biglang
Snider: Anong!?
Biglang
merong sumulpot na isa pang parasite at dala nito si sherry, at dahil doon
napahinto si Snider sa kanyang gagawing atake.
Sherry: AHHHHHH...bitawan mo ako!!
Snider: Ikaw anong ginagawa mo?! Diba sinabi ko na
sayo umalis ka na!
Parasite: Ano GINGA? Kaya mo bang patamaan ang
magandang babaeng ito? Sige tingnan natin ang tapang mo!
Sherry: (Nasasaktan) AAAHHHHHH...tulungan mo ako!
Akmang
mag-papaputok si Snider, ngunit tila merong bumalik sa kanyang ala-ala, na
hindi niya makalimutan sa buong buhay niya, at sa loob ng kanyang helmet
napapikit nalang siya, at bumalik sa normal na anyo.
Parasite: Oh? Mukang masunurin karin naman
pala...gawin mo na!
Biglang
binitawan ng isang parasite si Sherry at ibinigay ito sa orihinal, at inatake
niya si Clyde at pinag-susuntok at pinag-tatadyakan.
Sherry: Tama na! Tama na!!!
Ano na ang
mang-yayari sa kasong hinahawakan ngayon nila marina, makarating pakaya ito sa
lugar kung nasaan si sherry?
Samantala
ano na kaya ang mang-yayari kay clyde, at ngayon ay nasa bingit siya sa isang
delikadong sitwasyon.
AAAAHHHHHHH
Case Continued…
No comments:
Post a Comment