Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga
kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang
mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na
magkaroon ng copyright infringement
Sa unang
pag-kakataon nagawang mag-tulungan ng dalawang
pinakabagong Special Police na si Gunver at Snider. Sa idea ni Snider at
sa Diskarte ni Gunver nagawang matalo nila ang mas pinalakas na Rapandol nang dranixs.
Pero sa
kabila noon wala paring balak na makipag-tulungan si Clyde kay Kyro,dahil yun
sa utos ng kanyang supirior na si Gen.Olivares ng Section Zero.
Gen.Olivares: (Sa sarili) Ganyan nga,
tangalin mo lang ang emosyon mo. At balang araw ikaw ang gagamitin ko para sa
mga plano ko Sargent Clyde Silva.
____________________________________________
GINGA CAFE.
Nag-lilibang
si Kyro gamit ang kanyang Laptop, at ang pinag-kakaabalahan niya ay ang tungkol sa
isang sikat na pop Idol sensation ngayun na si Louise Anne Morales o mas kilala
bilang si Louie.
Enjoy na
enjoy si Kyro habang nag s-soundtrip sa kanyang laptop.
Kyro: Ayos ito, mukang may bagong single nanaman si Louie.
Napansin
naman ni Marina ang kanyang ginagawa.
Marina: Ano nanaman ang ginagawa mo diyan? Siguro
nag D-Download ka ng porn kaya ka abala? Mga lalaki nga naman wala ng ibang
alam kung hindi kahalayan nila sa sarili.
Kyro: Anong sabi mo! Para sabihin ko sayo hindi
porn ang pinag-kakaabalahan ko dito, kita mo namang nakikinig ako ng mga kanta
ni Louie! Palibhasa kasi wala kang hilig sa music kaya ka ganyan kung maka-pag
isip.
Marina: Pakielam ko diyan...kumilos ka nalang diyan
at tulungan mo si Ms.Mei ma-lalate si Sherry ngayun dahil may exam siya.
Habang
patuloy na nag-tatalo ang dalawa, hindi namanalayan nito na may pumasok na
palang costumer, at kaagad naman siyang nasalubong ni Mei.
Mei: Ah Welcome! Miss anong kailangan niyo?
Nag salita
ang babae
*Dito ba ang
Detective Agency ni Detective Kyro Anjelo?*
Mei: Oo dito nga po....Kyro may may nag-hahanap sa iyo ngayon, mukang may bago kang kliyente.
Kyro: Sige ate mei na diyan na.
Kaagad naman pumunta si Kyro sa Bar para tingnan ang kliyente niya.
Kyro: Ano yun ate mei?
Babae: Ikaw ba si Detective Kyro Anjelo?
Kyro: Ako nga....anong maitutulong ko sa iyo?
Tinangal ng
babae ang kanyang sumbrero at shade...at ikinagulat ito ni Kyro.
Kyro: AAAAAAAAAHHHHHHH Ikaw ang pop idol sensation!
Louie!
Case 13: Idol!
Ikinagulat
ni Kyro ang pag-dating ng hinahangaan niyang Idol na si Louie, kaagad niya
itong en-entertain para malaman kung ano ang kailangan nito.
Binigyan ni
Kyro si Louie ng isang tasa ng kape.
Nag kagulo
namang ang ibang costumer sa pag dating nang pop idol.
Kyro: (Nahihiya) Ah eh ano ang ginagawa ng isang
sikat na idol dito sa aming agency?
Louie: (Uminom ng kape) De-deretsohin na kita....gusto
kong kunin kang isa sa security personnel ko sa darating kong big concert.
Kyro: Ako Security Personnel?
Louie: Nabalitaan ko kasi ang mga kasong hinawakan
mo...at hindi lang yun napaka galing mo pala talaga bilang isang detective,
kaya naging interesado ako sa iyo.
____________________________________________
Samantala sa
labas hindi mag-kamayaw ang mga tao dahil sa gusto nilang masilayan si Louie sa
loob ng opisina ni Kyro.
Nahihirapan
naman si Marina at Mei para pakalmahin ang mga ito.
Marina: Pambihira ano bang klase gayuma meron ang
babaeng yun? Eh halos parang na hy-hypnotized na ang mga tao dito!
Mei: Ewan ko ba...basta wag mong hahayaan na
makalapit sila sa opisina, hanggang hindi pa nakakalabas ang kliyente.
_______________________________________________
Kyro: Teka ano ba ang priority ko sa gagawin kong
security?
Louie: Kama kailan lang kasi nakakatangap ako ng mga death
treat o pag babanta nang masama, mula sa mga hindi pa nakikilalang tao. Hindi ko alam ang gagawin ko, natatakot ako na baka isang araw, bigla
nalang nila akong patayin o kung ano man ang gawin nila sa akin...ayaw kong masayang lahat ng pinag-hirapan ko dahil
lang dito, gusto ko pang mabuhay ng matagal at matupad pa ang iba kong mga
pangarap...kaya nakikiusap ako sa iyo Detective Anjelo, kung puwede ikaw muna ang
maging body guard ko hanggang sa dumating ang event.
Tila
pumapalak-pak naman ang tenga ni Kyro, dahil hindi pang-karaniwan ang taong
humihingi sa kanya ng request.
Kyro:
Walang problema! Tungkulin ko na gawin ang bagay nayan! Pangako Ms.Louie
ako ang magiging Body Guard mo! At walang makakapanakit sa iyo.
Tumayo si
Louie at ibinigay niya ang kanyang contact info.
Louie: Aasahan kita Detective...heto ang number ko, sa
iyo ko lang pinag-kakatiwala ang numerong ito... sana pag-kaingatan mo.
Lumabas si
Louie sa opisina ni Kyro, at dahil doon mas nag kagulo ang mga tao sa cafe,
naipit naman si Marina sa pintuan dahil
sa nag kagulo.
LOUIE
PA-AUTOGRAPH NAMAN!
PAPICTURE
NAMAN NA KASAMA KA LOUIE!
Marina: (Naipit sa may pintuan) Ano ba naman ang mga
taong ito....hindi ba sila titigil!
Louie: Hihintayin nalang kita bukas sa
studio...aasahan kita Detective.
Kyro: Walang problema! Sige mag-ingat ka!
Sumakay na
sa kanyang sasakyan si Louie at umalis na ito, nadismaya naman ang mga tao
dahil hindi manlang sila nakakuha ng kahit na isang autograph o picture mula sa
idol.
Nainis naman
si Marina mula sa kanyang pag-kakaip sa pintuan.
Marina: Buti naman at umalis na ang babaeng yun!
Pansin naman
ni Marina ang abot tengang ngiti ni Kyro.
Marina: Hoy! Puwede ba mag-seryoso ka nga kahit
minsan.
Kyro: HAHAHAHA AKO ANG MAGIGING BODY GUARD NI
LOUIE! YES!
Hindi
pinansin ni Kyro si Marina, at muli itong pumasok sa kanyang opisina.
Marina: Mga sira ulo!
________________________________________________
Kinabukasan
sa Studio kung saan nag-rerehers si Louie para sa kanyang Big Event, dumating
si
Kyro kasama si Marina para gawin ang kanilang trabaho na bantayan si Louie.
Sinalubong sila ng isang lalaking Staff ng studio.
Male Staff: Kayo ba ang mga Detective na inupahan para
sa security ni Ms. Louie?
Ipinakita
nila Kyro at Marina ang kanilang mga Chapa,
Kyro: Kami nga, kami ang security personnel na
inupahan para sa seguridad ni Ms. Louie.
Male Staff: Kung ganon sumunod kayo sa akin.
Hindi lingid
sa kaalaman nila na tila may-nag mamasid sa loob ng studio, napansin naman ito
ni marina.
Marina: Guni-guni ko lang siguro.
Kyro: Marina tayo na.
Marina: Oo sige.
Sinamahan ng
male staff sila Kyro at Marina papunta sa visitor area, at doon ginawa nila ang
kanilang trabaho na bantayan ang Idol.
Kyro: Grabe ang galing talaga ni Louie, bigay todo
siya kahit sa rehearsal palang.
Habang pinapanuod
nila Kyro ang rehearsal ni Louie, ay may isang nilalang ang nakatago mula sa
hindi kalayuan, at nag sasabi ito ng mga ilang kataga.
Nilalang: Ako ang dapat na nariyan sa stage, at hindi
ikaw! Louise Anne Morales!
Isang
mahabang spike ang lumabas sa katawan ng
nilalang, at ito ang kanyang gagamitin upang patamaan ang idol na si Louie.
Nilalang: Mag-paalam ka na!
Akmang
ibinato ng nilalang ang kanyang mahabang Spike, at pinuntirya niya ang idol,
ngunit imbes na tamaan si Louie ay isang staff ang biglang humara sa target
point at aksidente itong natamaan ng spike.
TTTTTSSSAAAAAKKKKK
AAAAAARRRRRRGGGGHH
AAAAAARRRRRRGGGGHH
Kyro: Anong!
Marina: Kyro sa itaas!
Ikinagulat
naman ito ng mga tao sa loob ng studio, dahil sa nang yari hindi mapigilan na
mag-panic ng iba at matakot, kaagad naman naging alisto sila Marina at
Kyro....at isang tao na nakasuot ng hoodie jacket ang may kagagawan nito, mabilis itong tumakas
mula sa bintana.
Kyro:
Marina! Ikaw muna ang bahala kay Ms.Louie! Ako na ang hahabol sa Assassin!
Marina: Sige naiintindihan ko!
Kumilos
kaagad si Kyro para habulin ang suspect
_______________________________________________
Sa labas ng
Studio mabilis na hinabol ni Kyro ang salarin.
Kyro: Tigil!!!!
Binunot ni
Kyro ang kanyang Gun Driver para mag-bigay ng isang warning shot.
BBBAAAANNNNGGG!!
Kaagad naman
sumunod ang nilalang sa ginawang pag-papaputok ni Kyro
Kyro: Itaas mo ang kamay mo! At wag kang kikilos
ng masama!!
Akmang
lalapitan ni Kyro ang nilalang, ngunit ilang sandali lang ay
Bigla itong
humarap sa Detective at nag labas ng mga matatalas na Spike na nag galing sa
kanyang katawan, atibinato niya ito sa detective.
ZZZAAAAAPPP
ZZZZAAAAPPP
ZZZZAAAAPPP
Kyro: Anong!
Mabilis
naman na iniwasan ni Kyro ang mga ginawang atake ng nilalang.
Nilalang: Masyado kang pakielameron, (inbilabas ang
blue injection at itinuror sa batok)
Nag bago ng
anyo ang Nilalang at naging isang negative ito.
Kyro: Isang Negative?!
Spiker: Mamatay ka ngayon !
Inatake ni
Spiker ang Detective ngunit mabilis na nakapag bago ito ng anyo bilang si
Gunver.
GUN CHANGER!
Nag-salubong
ang dalawa ng matitinding atake, gamit ni Gunver ang kanyang Gun Dagger, at kay
Spiker naman ang mga matutulis niyang Spike mula sa kanyang likuran.
_________________________________________________
Samantala
nag-aalala naman ang mga tao sa loob ng studio dahil sa nang yari kani-kaninalang
dahil hindi nila alam kung sino ang taong gagawa ng ganitong bagay na ganon.
Kaagad naman
binigyan ng first aid attention ang lalaking nasugatan.
Marina: Ms. Louie ang mabuti pa umalis na muna tayo
dito...masyadong delikado ang sitwasyon kung mananatili pa tayo dito.
Louie: Ayaw ko.
Marina: Pero bakit?
Louie: Kailangan kong matapos ang rehearsal na ito
para sa mga fans, dahil umaasa sila na bibigyan ko sila ng isang napakagandang
palabas, kaya hindi ako aalis kahit na anong mang-yari, kaya nga inupahan ko
kayo para sa proteksiyon ko diba?
________________________________________________
SD MEMORY
IN! ARMOR CHANGE CHAIN SAW!
Gamit ang SD
Card nag-bago ng hugis ang wrist armor ni Gunver sa pagiging Chain Saw, at
iniwasiwas niya ito para maging-pang defensa niya laban sa kalaban.
Gunver: Heto ang sayo!
Umatake ng
pasulong ang Detective, ngunit nag pakawala naman ng matutulis na Spike ang
negative.
Ngunit
hinati lang ito ni Gunver gamit ang kanyang Chainsaw,at isang Slash ang
ibinigay niya sa negative dahilan kung bakit tumalsik ito sa isang Van na ikinasira nito.
SLAAASSSSHHH
BBBBAAAAAGG
Gunver: Oras na!
Kinuha ni
Gunver ang kanyang SD Card na Chest Cannon at inilagay niya ito sa kanyang Gun
Driver.
Gun Driver Female Voice: SD Memory In! Armor Change Chest Cannon.
Nag bago ang
chest armor ni Gunver bilang Chest Cannon, at inipon niya ang enerhiya ng
kanyang armor para ilagay sa sandata, at ilang sandali pa.
Gunver: Target Lock on! Chest Cannon Particle
Blasssstt!!!!
Isang
malakas na Particle Blast ang pinakawalan ng Detective gamit ang kanyang Chest
Cannon, ngunit.
BBBBBBBBOOOOOOOOMMMMM
AAAAAARRRGGGGHHHHHHHHH
AAAAAARRRGGGGHHHHHHHHH
Sumabog ang
van kung saan naka sandal ang negative, at ilang sandali pa ng humupa ang
pag-sabog ay nilapitan ito ng detective para tingnan kung nagawa niyang matalo
ang nilalang, ngunit laking gulat niya na wala ang abo ng Negative na kanyang
kinalaban.
Gunver: Nawala? Pero papaano---teka ano ito?
Napansin ni
Gunver ang isang piraso ng Spike ng
negative, at kaagad niya itong pinulot.
_______________________________________________
Bumalik
naman si Kyro sa Studio para alamin din ang nang yari doon, kaagad naman siyang
tinanong ni marina at Louie.
Marina: Kyro!
Kyro: Marina! Ms. Louie!
Louie: Kumusta na nahuli mo ba ang gumawa nito?
Kyro: Pasensiya na pero nakatakas siya pag-katapos
naming mag-laban, isa palang Negative ang nilalang na yun.
Louie: Negative?
Marina: Isang nilalang na kayang baguhin ang sarili niya, yun ang tawag namin sa mga
nilalang na yun, sa madaling salita hindi sila mga ordinaryong tao.
Kyro: Kaya kailangan maging double----
LOUIE!!!!!
Isang sigaw
ang nag pahinto kila Kyro sa pag-sasalita.
Louie: Alisa?
Dumating ang
kaibigan ni Louie na si Alisa, isa rin itong singer kagaya ni Louie at siya ang
nagiging backup nito sa stage.
Alisa: Teka ano ba ang nang yari dito? Nakarinig
ako ng sigawan noong papasok palang ako dito.
Tila naman
duda si Kyro sa pag-dating ng dalaga.
Louie: Ayos lang ako...wag ka ng mag-alala----
Kyro: Sandali lang...ang mabuti pa Ms.Louie ihinto
mo nalang ang rehearsal ngayun araw.
Louie: Pero bakit?
Kyro: I-imbestigahan ko lang ang lugar na
ito....baka may possible lead na mag-turo sa akin kung sino ang negative nayun.
Marina: Sang-ayon ako mabuti pa huminto muna kayo
ngayun, para narin matingnan nang doctor ang isa mga kasama niyo na nasugatan.
Louie: Kung yan ang gusto niyo sige....Guys pack up
na! Bukas nalang natin ituloy ang rehearsal bago ang concert.
Ibinigay
naman ni Kyro ang spike na nakuha niya mula sa laban nila ng negative.
Kyro: Marina ang mabuti pa dalhin mo muna ito kay
Ate Mei, para makunan natin ng example ng data.
Marina: Sige na iintindihan ko.
Umalis narin
si Marina para ibigay ang sample ng nakuha ni Kyro sa Battle field.
__________________________________________________
Dranix
Aquarium Base
Quwarta: Pansin ko parang ata wala si Tersera? Ano ba
ang pinag-kakaabalahan niya ngayun?
Sengundo: Wala akong alam pag-dating sa personal na
buhay ng babaeng yan....
Primo: Wag niyo ng alalahanin si Tersera...maaaring
siya ang pinakabata sa atin, ngunit isa sa siya sa pinaka malakas sa Big 5.
Quwarta: Kung sabagay hindi siya pipiliin ng ating
panginoon, kung wala siyang pambihirang kakayahan na hindi angat sa iba.
Primo: Sigurado ako kung nasaan man ngayun si
tersera, isang laro ang ginagawa niya gamit ang kanyang tinig.
________________________________________________________
Bumalik
naman si Marina sa GINGA Cafe para pag-aralan ang nakuhang ebidensiya sa
kalaban.
Gamit ang
kanyang Micro Scanner inalam nila kung anong klaseng Spike ang nakuha ni Kyro.
Mei: Isang Porcupine?
Marina: Porcupine?
Mei: Ito ang lumalabas sa result ng scan, isang
uri ng mammal na may kakayahang gamitin ang mga spike nila sa likod bilang
pam-proteksiyon nila sa kanilang mga predator.
Marina: Ms. Mei makakakuha ka ba ng Lead sa bagay na
iyan? Para malaman natin kung ano talaga ang pinag-mumulan nila ng
kapangyarihan para maging isang negative sila?
Mei: Hindi ko sigurado, pero sa nakikita ko lang
sa bagay na ito nag-mula lang siya sa
isang hayop, at yun ang nakakamangha sa kanila, papaano nila nagagawa ang
ganitong klaseng bagay. Marina ang mabuti pa bumalik ka na kung nasaan si Kyro,
tulungan mo na siya sa imbestigation na kanyang ginagawa.
Marina: Sige po
Napapaisip
naman si Mei kung papaano nang yari ang isang Spike ng isang hayop ay sumama sa
tao.
__________________________________________________
Ginamit
naman ni Kyro ang Gun Vision Shade para mag-hanap ng ebidensiya.
Ngunit sa
pag-hahanap niya ay bigla naman itong naputol dahil sa pag-atake sa kanya muli
ng Nilalang na nakalaban lang niya kanina.
ZZZZZAAAAPPP
ZZZZZAAAAPPP
ZZZZZAAAAPPP
Mabilis na
ilagan ni Kyro ang mga Spike na ibinato ni Spiker.
Kyro: Ikaw!
Sabihin mo anong pakaya mo kay Louie!
Spiker: Wala ka nga magagawa doon, papatayin ko si
Louie at kukunin ko ang Spot light sa kanya! Pero bago yun pababagsakin muna
kita!!!
Nag bago ng
anyo ang nilalang na si Spiker at naging isang negative muli na itsurang isang Porcupine,
at inatake nito si Kyro.
Ngunit
mabilis naman itong nailagan ng Detective, at saka gumanti ng Putok gamit ang
kanyang Gun Driver
BANG!-BANG!-BANG!
Hindi
tumalab ang bala na pinakawalan ni Kyro.
Kyro: Oras na para sa phase!
Gun Driver Female Voice: DNA Scan Complete!
Kyro: GUN CHANGER!
Nag bago ng
anyo si Kyro at naging si Special Detective Gunver.
Gunver: Bullet Change! Rapid.
Gun Driver Female Voice: Bullet Change Affirmative.
BRATATATATATA
Gamit ang
rapid mode ng Gun driver, pinag-babaril niya ang negative ngunit gumanti rin
ito ng pag-papakawala ng Spike mula sa kanyang likuran.
Mabilis na
nag-tago si Gunver para hindi siya matamaan ng Spike.
Gunver: Ganon pala hah! tangapin mo ito !
Habang patuloy
lang na nag-papakawala ng Spike si Spiker, siya namang nag-pakawala ng Bullet
Smoke si Gunver, at ginamit niya ang pag-kakataong ito para umatake.
Napanhinto ang Negative dahil sa Usok na ginawa ng detective.
Gunver: Huli ka!
Ginamit ni
Gunver ang kanyang Gun Dagger at pinag-tataga niya ang katawan ng negative.
SLASH!-SLASH!
Habang
nag-bibigay ng Slash si Gunver ay mabilis namang nahawakan ni Spiker ang
kanyang Gun Driver, at mabilis siyang ibinalibag ng kalaban.
BBBAAAAAAGGGGG
Gunver: BBBWWWAAAAHHHH
Spiker: Masyado ka ng pakielamero, kailangan mawala
kana bago pa dumating ang araw na pinaka hihintay ko, ang araw kung saan ako
naman ang hahangaan nila.
Bumilog ang
negative na si Spiker na parang isang malaking Bola, at lumabas ang mga spike
nito sa likod, na tila sasagasaan niya ang detective mula sa pag-gulong niya para
mamatayito gamit ang mga spike sa katawan.
Spiker: Mag paalam ka na!
Gunver: Hindi!
Dahil sa
natamong pinsala ni Gunver, hindi siya basta-basta makatayo at nalagay siya sa
isang delikadong sitwasyon.
Sino nga ba
ang nasa likod ng anyo ni Spiker, at ano ang ibig-sabihin ng kanyang mga
sinasabi?
Case Continued