Saturday, May 19, 2018

Case 61: Night Thief








All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention. 



National Museum Manila...

Kasalukuyang merong dumating na isang artifact sa naturang museo. Gabi ng mga oras na ito, isang guwardiya ang nag-papatrolya sa buong museo. At tiningnan niya ang naturang artifact.
Ngunit nag-pasiya siya umalis muna, upang lumipat sa ibang lugar para mag-patrolya, pero ang hindi niya alam.

Merong isang tao ang siyang nag-babalak na kunin ang bagay na ito. Gamit ang kaniyang teknolohiya, madali lang nitong pinasok ang lugar ng walang kahirap-hirap, hanggang sa nakarating na siya sa lugar kung saan naka-lagay ang nasabing artifact.

Pero bago yun, tinangal niya muna ang mga security system na nakapaligid dito, at ng matangal na ito ay kaagad niyang kinuha ang isang lalagyanan.

Binuksan niya muna ito upang makasigurado, at ng makita niya ang nasa loob ay isang makahulugang ngiti ang makikita sa kaniya.

??: Bingo!

Maya-maya ay bumalik na ang security guard na nag-papatrolya, pero ang taong nag-nakaw ay kaagad nakatakas. At laking gulat nalang ng guwardiya na wala na ang kaniyang mahalagang binabantayan.

Security guard: A-Anong! Naloko na ang artifact! Teka ano yun?
Pero bago yun, nakita nang guwardiya ang isang maliit na papel, pinulot niya ito merong naka-sulat dito.

Security Guard: Lady...Boa? Ang Night Thief?


Case 61: Night Thief  

GINGA Cafe...

Kasalukuyang na nunuod ng balita sila Kyro, habang sila ay nag-aalsumal, tungkol ang balita sa nalalapit na election kaugnay sa pag-pili ng bagong presidente.
Hanggang sa pumasok si Mei, para tawagin si Kyro.

Mei: Kyro.

Kyro: Ate Mei? Anong sa atin ngayon? 

Mei: May kailangan ako sa iyo, heto basahin mo.

Ibinigay ni Mei ang isang newspaper, at kaagad itong binasa ni Kyro.

Kyro: Ano? Ninakawan ang National Museum?!  At sino naman?

Mei: Basahin mo pa...makikita mo kung sino.

Kyro: Night Thief Lady Boa strike again. Teka sino naman ito?

Mei: Hindi ko rin alam, wala pang malinaw na data tungkol sa kaniya, pero isa lang ang masasabi ko hindi siya pang-karaniwang magnanakaw lang.

Kyro: Teka huwag mong sabihin na.

Mei: Tama ang hula mo, sa iyo pinapatrabaho ang isang yan, kailangan mahuli siya sa lalong madaling panahon, dahil ang mga ninanakaw niya ay tatagong yaman ng pilipinas.
___________________________________________________________

Pag-katapos mag-usap niya kay Mei, ay nag-tungo na kaagad si Kyro sa National Museum, upang imbestigahan ang naturang kaso.

Nang makarating siya sa lugar, kaagad siyang bumaba sa Gun Racer kasama si Marina. Pumsok siya sa crime scene at ipinakita niya ang kaniyang Badge.

Security: Kayo ba ang mga taga GINGA?

Kyro: Pinapunta ako dito ng head, sino ba ang puwede kong makausap dito?

Security: Tamang-tama, kanina pa kayo hinihintay ni Director Cosejo. Hali kayo narito siya.
Sumunod sila Kyro para tagpuin ang Director ng Mesuem.

Security: Director, narito na po sila.

Pumasok sa loob ng opisina ang dalawa nila Marina at Kyro. At doon tila hindi alam ng director ng  museo.

Director Cosejo: Salamat sa diyos at dumating na kayo.  Ako nga pala si Christopher Cosejo, ako ngayon ang kasalukuyang Director ng National Museum.

Nakipag kamay sila Marina at Kyro upang mag-pakilala sila sa naturang director.

Kyro: Ako si Detective Kyro Anjelo.

Marina: Agent Marina Asol.

Kyro: Ano po ba ang naging sitwasyon dito?

Cosejo: Malaki, hindi ko na alam ang gagawin ko, ninakaw ang isa sa mga bagong 
artifact. At kapag hindi ito na ibalik, tiyak malalagay sa alanganin ang museo na ito pati na ang posisyon ko bilang director.

Kyro: Teka huminahon lang kayo, puwede niyo bang isa-isahin ang bawat detalye? Sabihin niyo ang bang klaseng artifact ang ninakaw sa inyo ng sinasabing Night Thief?

Sumenyas ang Director sa Security Guard, at sinaraduhan at kinandado ang pinto. Tila ata isang kontrobersiyal na bagay ang nais niyang sabihin kila Kyro.

Kyro: Mukang classified ang isang ito?

Director Cosejo: Ang Night Thief ay patuloy sa kaniyang gawain ng pag-nanakaw sa iba’t ibang museo dito sa bansa, hindi namin alam kung ano ang dahilan niya kung bakit niya ninanakaw ang mga mahahalagang artifacts na merong kinalaman sa kasay-sayan ng bansa.

Marina: Sa mga sinasabi niyo, lumalabas na tila na ngo-ngolekta ang Night thief na ito ng mga history artifact, pero ang gusto namin malaman, anong mga klaseng artifact ang ninanakaw niya?

Kyro: Tama siya gusto kong malaman kung ano ang ninakaw niya, mula noong una hanggang sa kasalukuyan.

Director Cosejo: Hindi ko alam ang ninakaw niya sa mga ibang museo, pero ang masasabi ko lang, kailangan mabawi ang ninakaw niya dito sa amin, dahil napakahalaga nito sa kasay-sayan ng bansa, at ng susunod pang henerasyon.

Kyro: Kung ganon ano nga ito? Paano namin sisimulan ang trabaho namin kung hindi namin alam kung ano ang hinahabol namin?

Mukang wala ng magagawa ang Director kung hindi sabihin ang bagay na ninakaw sa kanila.

Director Cosejo: Ang ninakaw niya mula dito, ay ang agimat na kung tawagin ay Santiago De Galacia.
___________________________________________________________

Matapos makipag usap nila Kyro sa naturang director ng museo, nag-tungo sila sa HQ para pag-aralan sinasabing agimat, at ang ilan sa mga ninakaw nito.

Bago yun hiningi nila ang kopya ng CCTV camera, sinabi sa kanila ng director na nagawang burahin ng Night Thief ang video niya kung saan ginagawa niya ang kaniyang pag-nanakaw.

Kyro: Ibang klase, nagawa niyang ma bypass ang video kung saan na-aktuhan siyang nag-nanakaw, mukang kakaibang mag-nanakaw ito.

Marina: Siguro gumagamit siya ng mga gadget na kagaya ng sa atin, sa pahanon naman ngayon hindi na imposible yun.

Kyro: May punto ka, at ito nga rin pala ang unang beses na hahawak ako ng kaso sa isang tunay na mag-nanakaw, haayyyy mukang nakakalimutan ko na ang kaso ng Dranixs. Buti pa sila Miguel at Clyde relax lang ngayon.

Marina: Sandali, heto na meron akong nakita.
Nakuha ni Marina ang impormation sa nasabing agimat.

Marina: Ang santiago de galacia, ang sinasabing agimat ni andress bonifacio noong panahon ng pananakop ng kastila, may lumabas na haka-haka noon kapag taglay mo ang agimat na ito ay mag-kakaroon ka ng abilidad na hindi masusukat ng kahit na sino, lalo na sa pakikipaglaban.
At hindi lang yun, maaari karing maging isang immortal.

Kyro: Parang hindi naman ata paki-pakinawala yan. Maging immortal? Eh pinapatay nga siya diba? So anong ibig sabihin ninakaw sa kaniya ang agimat ganon?

Marina: Sandali hindi pa tapos, meron pa dito. Hindi lang ito ang agimat na sinasabi, meron din si Antonio Luna na kung tawagin naman ay Virgen Madre, kay Emillio Aguinaldo ang Santisima Trinidad. Base tatlo ang sinasabing Agimat na ito. Na kung mapag-sasama-sama mo ang tatlong ito, gagantimpalaan ka ng walang hanggang na karangyaan at kapangyarihan.

Tila nagiging interesado si Kyro sa mga bagay na ito.

Kyro: Mukang interesante ang bagay na ito. Una muna kailangan natin alamin ang buong kilos ng Night thief na yan, at kung ano ang binabalak niya sa mga agimat, tayo na!

Marina: Teka saan naman tayo pupunta?

Kyro: Sa mga taong may kinalaman sa bagay na ito.
____________________________________________________________

Sa isang silid kasalukuyang isang babae ang naliligo, at ng matapos na siya ay lumabas siya sa banyo, at binuksan niya ang kaniyang computer, at makikita dito ang susunod na event, ang pag-
sasapubliko ng isa pang nawawalang agimat. Pinag-masdan niya ito at sabay ngumiti.

??: Ito na ang susunod kong trabaho.

Tinangal ng babae ang kaniyang suot na tuwalya at nag-simula na siyang mag-bihis.
____________________________________________________________

Muling umalis sila Kyro at nag-tungo sila sa isang.

Marina: Seryoso ka?

Kyro: Saan pa ba tayo kukuha ng magandang source, kung hindi sa taong ito.

Krishia: Kyro!

Pinuntahan nila Kyro si Krishia sa kanilang opisina, upang tanungin tungkol sa tinagurian Night thief.

Krishia: Long time no see, sa iyo din Marina.

Tumango lang si Marina ng batiin siya ni Krishia.

Kyro: Nakuha mo na ba yung kailangan ko?

Krishia: Syempre naman ako pa.

Kyro: Sumama ka muna sa amin, pag-usapan natin ito.

Sumama si Krishia kila Kyro at nag-tungo sila sa GINGA cafe para pag-usapan ang naturang kaso, ngunit tila meron isang taong naka-subay-bay sa kanila. At sino naman kaya ito?
__________________________________________________ 

Sa GINGA Cafe...

Sinabi ni Krishia ang detalye ng nakuha niyang impormation.

Kyro: Kung ganon, merong magaganap na expo sa darating na linggo? At ang dalawang agimat na yan, ay isasapubliko bago ito i-turn over sa National Mesuem?

Krishia: Tama ka, pero malakas ang bulong-bulungan na merong nag-tatangkang kunin ang mga ito.

Kyro: Sino ang Night Theif?

Krishia: Hindi lang ang Night Theif, kung hindi meron pang isang groupo?

Marina: Sino naman yun?

Krishia: Hindi niyo ba sila kilala?

Ipinakita ni Krishia ang litrato ng tinutukoy niya.

Krishia: Siya si Don Nicolas Kitaoski, siya ang kasalukuyang Don ng groupong Red Bullet, kasalukuyan sila ang pinaka notorius na Gang mula sa Italy, US , Russia, at nag-sisimula narin silang gumawa ng ingay dito sa pilipinas. Sangkot sila sa iba’t ibang uri ng krimen. Lalo na sa Drugs at weapon smuggling.

Kyro: Mukang hindi lang ang Night Thief na yun ang problema natin, pati pala itong mga miyembro ng mafia, pero teka bakit naman sila makikisali sa expo na yan?

Krishia: Hindi niyo ba alam, sila mismo ang nag-pondo ng event na ito.

Kyro: Ano?! Sila ang nag-pondo.

Krishia: Kung iyong maitatanong, malaking tagahanga si Don Nicolas sa mga ancient artifact, lalo na kung meron kinalaman sa nakatagong kapangyarihan nito. Siguro alam niyo narin ang tungkol sa mga agimat ng ating mga pambansang bayani.

Kyro: Oo kapag-nakumpleto ang tatlong ito, may gantimpala na nag-hihintay sa iyo, pang-habang buhay at kapangyarihan.

Krishia: Tama ka, kaya gagawin ni Don Nicolas ang lahat para makuha ang mga yan, totoo man o hindi ang tungkol sa mga agimat nay an.

Tila meron naman napansin si Marina sa litrato ng naturang Don.

Marina: Teka, puwede mo bang i-zoom in sa bandang kaliwa ang litrato na yun?

Krishia: Alin ito?

Marina: Oo yan na nga!

Ginawa ni Krishia ang sinabi ni Marina, at ng ma-izoom in niya ito, laking gulat nila nakasama ni Don Nicolas Kitaoski ang Director ng National Museum na si Christoper Cosejo.

Kyro: Si Cosejo? Anong ginagawa niya diyan?

Krishia: Hindi ko napansiyan yan ah. Pero mukang meron kinalaman si Cosejo dito, balita ko malapit na mag kaibigan ang dalawang yan, at ayon sa source si Kitaoski ang dahilan kung bakit nakuha ni Cosejo ang posisyon niya bilang director ng Museo.

Marina: Ano sa tingin mo Kyro?

Na-papaisip si Kyro, sa mga oras na ito.

Kyro: Parang may-mali dito.

Marina: Anong mali?

Kyro: Krishia maikukuha mo ba kami ng access sa gaganapin na expo?

Krishia: Oo naman, walang problema doon, pero ano ang iniisip mo?

Kyro: Basta, mukang meron akong kailanga alamin.
__________________________________________________________

Sa safe houses ng Red Bullet Gang.

BBBBAAAAAAAAGGGGGG

Initulak papasok ng isa sa mga tauhan ni Don Kitaaski si Director Cosejo. At ihinarap siya sa mismong Don.

Thug: Boss heto na ang ipinapatawag niyo.

Director Cosejo: Arrrrrgg

Takot na takot si Cosejo, dahil kaharap niya ang kingpin ng pinaka-kinatatakutang Gang sa buong mundo.

Don Nicolas: Tingnan mo nga naman, hindi ko akalain na mag-kikita tayo ngayon, Director Cosejo. Kumusta ka ngayon? Kumusta ang trabaho natin bilang bagong director ng National Museum? Gusto mo bang uminom.

Nag-salin si Don Nicolas ng brandy sa dalawang hard glass, at ibinigay niya ang isa kay Director Cosejo.

Director Cosejo: Ah...Hindi...okay lang ako, salamat.

Don Nicolas: Huwag kang matakot, wala akong gagawin sa iyo, basta sagutin mo lang ang mga itatanong ko sa iyo. Heto uminom ka muna.

Director Cosejo: S-Salamat.

Don Nicolas: Ngayon mabalik tayo sa pinag-uusapan natin, alam mo naman na malapit na ang expo na ako mismo ang nag-sponsor, inaasahan kong mababawi ko ang lahat ng investment ko sa naturang expo, at kapalit noon ay ang dalawang agimat na tinutukoy mo.

Director Cosejo: N-Naiintindihan ko yun pero, hindi ganon kadali na makuha ang gusto mo.

Don Nicolas: Dahil ano? Dahil sa inupahan mong mga detective?  Ha ha ha, alam mo yun ang isa sa malaki mong pag-kakamali, bakit kailangan mo pang kunin ang serbisyo nila? Baka mamaya niyan maunkat nila ang koneksiyon mo sa akin, at malaman din nila na ako ang dahilan kung bakit ka nasa kinatatayuan mo ngayon.

Director Cosejo: Alam ko naman yun, at hindi ko makakalimutan ang bagay na yun, pero kaya ko lang ginawa ang bagay na yun, upang mabawi ang isa sa mga agimat na ninakaw sa akin ng Night Thief, sa tunlong ng mga detective ng GINGA, tiyak mapapabilis ang pag-bawi ko dito.

Don Nicolas: Ang Night Thief, Teka, alam na ba ng publiko ang tungkol sa bagay na iyan?

Director Cosejo: Hindi pa, tanging ang mga detective lang na yun ang merong nakaka-alam. Wala akong magagawa kung hindi sabihin sa kanila ang mga detalye, at kapag-nag tagumpay sila sa pag-bawi, wala na silang pakielam sa atin, tinitiyak ko sa inyo yun Don Kitaoski.

Don Nicolas: Siguraduhin mo lang na mapapapunta sa akin ang mga orihinal na agimat, kung hindi alam mo na meron kang pag-lalagyan.

Director Cosejo: O-Opo, naiintindihan ko…

Don Nicolas: Ngayon ang problema lang natin ngayon, ang Night Thief.  
__________________________________________________________

Kinabukasan ipinatawag ni Director Cosejo sila Kyro, para bantayan ang bagong mga dating na artifact. At sa pag-kakataong ito, kasama nila si Miguel.

Miguel: Teka bakit niyo ba ako sinama dito? Bakit hindi nalang si Clyde, para may pakinabang naman sa kaniya.

Kyro: Masiyadong abala ang tanong yun, at isa pa mas bagay ka dito dahil sa abilidad mo.  

Miguel: Haaaayyyy ganon ba, pero kung babayaran mo naman ako dahil sa abala mo ayos lang.

Kyro: Muka ka talagang pera, sige na basta gawin mo lang ang trabaho mo.
Maya-maya pa ay dumating na ang naturang kahon na nag-lalagay ng artifact.

Marina: Guys, heto na.

Director Cosejo: Pakiusap lang, gusto kong ingatan niyo ang bagay na ito.

Miguel: Teka puwede po ba namin makita ang bagay na iyan, bago dalhin convention hall?

Kyro: Miguel!

Director Cosejo: Ayos lang, sige heto ipapakita ko sa inyo.

Binuksan ni Director Cosejo ang case, kung saan naka-lagay ang dalawang natitirang agimat. At ng makita nila ito, hindi nila mapigilang humanga sa naturang artifact.

Marina: ...Ang ganda, hindi mo aakalain na isang agimat yan.

Miguel: Tama ka, mas mukha pa siyang alahas kung titingnan, kesa sa agimat.

Kyro: Director, ito rin ba ang ninakaw sa inyo ng Night Thief?

Director Cosejo: Oo ito nga, halos ganito rin ang itsura noon, ah bago ko makalimutan kayo palang ang tanging nakaka-kita nang personal sa bagay na ito. Gusto kong bantayan niyong mabuti ang mga ito, dahil napaka-halaga nila sa kasay-sayan ng ating bansa.

Miguel: Wheeeww, Ang suwerte naman natin, tayo palang ang unang nakakakita niyan, teka mag-kano kaya ang isang yan kapag sinangla mo?

Marina: Puwede bang tigilan mo yang mga biro mong yan.

Director Cosejo: Ang mabuti pa dalhin na natin ito sa convention hall, at ilagay sa kaniyang vault.

Kyro: Mabuti pa nga po.

Muling inilagay ng director ang mga naturang agimat sa case, ngunit biglang.

BBBOOOOOMMMMSSSSSS

Biglang merong sumabog sa kanilang harapan, at isa pala itong pam-pausok.

Miguel: Teka saan galing yun?

Marina: Smoke grenade?

Kyro: Bantayan niyo ang case!

BBBBAAAAAAAAGGGGG

AAAAAAHHHHHH

Marina: Si Director!

Nakarinig nalang sila ng isang sigaw, at nang humupa ang usok, laking gulat nila na wala nang malay ang director, at ang case ay wala na sa kaniya.

Miguel: Nawala ang Case!

Kaagad naman ginamit ni Kyro ang kaniyang Vision Shade, upang alamin kung naasan ang kumuha nito.

At ilang lang sandali pa gamit ang waller mode, nakita niya ang taong may dala-dala ng naturang case.

Kyro: Hindi pa siya nakaka-layo, kayo na muna ang bahala sa kaniya, hahabulin ko ang kumuha sa case!
_____________________________________________________________

Tumatakbo sa itaas ng gusali ang taong kumuha ng case, at ito ay walang iba kung hindi ang Night Theif na si Lady Boa.

Ngunit ilang sandali pa.

BANG!-BANG!-BANG!

Napahinto siya sa kaniyang pag-takbo, dahil sa biglang pag-sulpot ni Gunver, sakay ng kaniyang Gun Cycle winged mode.

Gunver: Hanggang diyan ka nalang!

Nakatutok kay Lady Boa ang mga sandata ng Winged Cycle ni Gunver. At laking gulat naman niya na isang babae pala ang tinaguriang Night Thief.  

Gunver: Teka isang babae?



Kaagad bumaba si Gunver sa kaniyang motorsiklo, at tinutukan niya ng kaniyang Driver si Lady Boa.

Gunver: Ikaw diyan Night Thief, ibaba mo ang hawak mong case, at sumuko ka ng maayos. 
Ngumiti naman babaeng mag-nanakaw sa kaniya.

Lady Boa: Uyy, hindi ko akalain na kilala ako ng sikat na detective na si Kyro Anjelo. Parang na inlove ata ako sa iyo instant.

Gunver: Tumahimik ka, at bakit kilala mo ako?

Lady Boa: Alam ko ang bawat galaw niyo, at kilala ko bawat isa sa inyo, lalo ka na Detective Kyro Anjelo. Parang gusto ata kitang halikan.

Gunver: Tumigil ka na, at ibaba mo nalang ang case na hawak mo! Kung hindi---

Lady Boa: Kung hindi ano? Gagamitan mo ako ng dahas?

Gunver: (Gulat) Anong!? Nasa harap ko na kaagad siya?

Laking gulat nalang ni Gunver, na nasa harap na niya si Lady Boa.  At isang malakas na sipa ang ginawa niya sa detective.

BBBBBBBAAAAAAAAAAAGGGGGG

Gunver: Errrrr.... Hindi ordinaryong sipa ang isang yun!

Lady Boa: Ano tatayo ka nalang ba diyan, o kukunin mo itong case sa akin?

Gunver: Huwag mo akong minamaliit!

Sumugod ng buong tapang si Gunver, at ginamit niya ang husay niya sa MMA, mag-kakasunod na suntok at sipa ang ginawa niya, ngunit ang mga ito ay pawang tumama lang sa hangin.

Gunver: Ang bilis niya.

Lady Boa: Ano hanggang diyan ka nalang ba?

Gunver: Buwiset!!!

Isang spining kick ang ginawa ni Gunver, pero mabilis itong nawala sa kaniyang harapan. At laking gulat nalang niya na nasa likuran niya ito.

Lady Boa: Mabagal...

Gunver: Hindi!

BRATATATATATATATA 

Bigla nalang siyang nirat-rat sa likuran, at doon tuluyan nang bumagsak si Gunver.

Gunver: AAAAAAARRRRRHHHHHHH

Lady Boa: Mukang hindi ka nararapat na mag may-ari ng bagay na yan.

Gunver: Ano! Anong ibig mong sabihin!

Nakaharap ngayon ni Gunver ang tinaguriang si Night Theif o si Lady Boa, ngunit ano ang sinabi niya na hindi siya nararapat na mag-may ari ng bagay na iyan?

Case Continued... 


No comments:

Post a Comment