All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
BWAAAAAAAHHHHHH
Tumilapon si
Gunver at Draiger, mula sa atake sa kanila ni Atemis. Ngunit si Draiger, tila napasama ang tama sa
kaniya.
Power 50% down...sabi ng female voice sa loob ng computer helmet ni Gunver.
Dahil
unti-unti nang bumababa ang kanilang mga enerhiya. At si Atemis naman, ay
unti-unti nang lumalapit sa kanila, para tapusin ang laban.
Dahan-dahan
namang tumayo si Gunver, ngunit si Draiger ay hindi magawang maikilos ang
kaniyang kaliwang paa.
Draiger: Errr....
Gunver: Miguel!
Draiger: Lumayo ka na bilis!
Ngunit
biglang tumakbo ng napaka-bilis si Atemis, para patayin na ang dalawa ni Gunver
at Draiger.
Gunver: Anong! Ang bilis niya!
Mag-hahanda
sana si Gunver sa pag-depensa sa kalabang cyborg warrior, pero huli na dahil
halos paubos na ang enerhiya ng kaniyang armor.
Gunver: Hindi!
Pero...
BLAST!-BLAST!-BLAST!
BOOMS!-BOOMS!
Gunver: BWAAAAAHHHHH
Tatlong
sunod na pag-sabog ang naganap, at ang cyborg warrior na si Atemis ay
humandusay, at bahagyang nasira sa pag-atake
na ginawa ni…
Gunver: Clyde!
Snider: Masiyado ka nang abala!
Dumating si
Snider bilang Launcher mode, upang tulungan sila Gunver. Samantala si Atemis
naman, ay akma muling tatayo, ngunit biglang lumapit si Snider, at tinutukan
ito ng kaniyang Grenade Launcher. At saka pinasabog ito.
BBBBBOOOOOOOOMMMMMSSSSS
Gunver: Teka bakit mo ginawa yan!
Snider: Hindi na natin kailangan ang basurang ito.
Gunver: Sira ka na talaga, hindi mo ba alam na yan
ang isa sa puwedeng makapag-turo kung sino si tersera!---teka si Mari!
Na-alala ni
Gunver na pina-alis nga pala niya ang dalawa ni Marina at Mari.
At
pag-katapos, kaagad niyang pinuntahan ang dalawa.
Case 60: Last song
Nilibot ni
Gunver ang paligid, hanggang sa makita niya si Marina na nakahandusay at walang
malay.
Gunver: Marina!
Tinangal ni
Gunver ang kaniyang helmet, ata saka binuhat si Marina, para gisingin ito.
Gunver: Marina! Gumising ka! Marina!
Dahan-dahan
naman nagising si Marina. At nakaramdam siya ng konting sakit ng katawan.
Marina: Errr.... Kyro?
Gunver: Ayos ka lang? Teka nasaan si Mari?
Marina: Si Mari! Si Mari, kinuha siya ni Tersera.
Gunver: (Gulat) Ano!
Akay-akay
naman ni Clyde si Miguel ng mag-tungo sila sa lugar nila Kyro, at narinig niya
ang sinasabing pag-kawala ni Mari.
Miguel: Hindi magandang balita yan.
Kyro: Tama ka, ano kaya ang binabalak ni Tersera
kay Mari?
Miguel: Hindi lang yan, tandaan mo ang mga magulang
nilang pareho. Narito sila para sa reunion nila, at sa concert ni Louie.
Kyro: May punto ka, at kung malalaman ito ng mga
magulang nila, tiyak isa pang malaking problema ang kahaharapin natin.
Marina: Ano na ang gagawin natin? Saan tayo
mag-sisimula?
Tila
nag-iisip si Kyro kung ano ang gagawin. At tila merong pumasok na idea sa utak
niya.
Kyro: May naisip ako...
_____________________
Sa isang
lugar dinala ni Tersera si Louie. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang
mata, at ng magising siya ay tila nasa isang pamilyar na lugar siya.
Mari: Teka....ang lugar na ito?
Tumayo ang
dalaga, at nag-lakad lakad ito. Hanggang sa nakita niya ang isang bagay na
pamilyar din sa kaniya.
Mari: Sandali?
Dinampot
niya ito at ito pala ay isang microphone.
Mari: Ang mike na ito, kay Louie ito...teka nasa
studio ba ako?
Tila
napag-tanto ni Mari, na nasa dati silang studio, kung saan dito sila
nag-rerehers ng banda nila noon ni Louie, at ilang sandali naman ay biglang
bumukas ang pinto, at merong isang tao ang pumasok.
Nagulat si
Mari sa taong pumasok, dahil kilalang-kilala niya ito. Dahil ito ay si.
Mari: I-Ikaw? Louie!
Louie: (Ngumiti) Kumusta na sis.
Tila naramdam
ng takot at nag-tataka si Mari sa kung ano man ng binabalak gawin ni Louie sa
mga oras na ito.
Louie: Oh teka, bakit parang takot ka ata na makita
ako? May ginawa ba akong hindi maganda.
Mari: Louie ano bang gusto mong mang-yari? Bakit
mo ako dinala dito? Para sa anong dahilan.
Louie: Dahilan? Umm, wala naman partikular na
dahilan, ang gusto ko lang makasama ka para sa pag-tatanghal na gagawin ko.
Mari: Huwag mo na akong paikutin! Sabihin mo
nalang sa akin ang totoo, ikaw ba, ikaw ba ang pumatay kila Misa at sa iba?
Louie: ....
Mari: Sagutin mo ako!
Ilang
sandali pa, tila nag-iba ang aura sa paligid at si Louie ay nag-simulang tumawa
ng merong kahulugan.
Louie: Ha Ha Ha Ha...Napa-kawalang muang mo talaga,
Mari.
Mari: Ano?
Louie: Sige na, mukang hindi ko nanaman kailangan
pang ilihim sa iyo, ako nga ang pumatay kila Sandro at iba pa. Ano ayos ba?
Ikinagulat
ni Mari ang kaniyang narinig na katotohanan, dahil sa mismo sa bibig ng
kaniyang kakambal nag-mula ang mga salitang yun.
Mari: (Takot) Hindi...Pa-paano mo nagawa ang mga
bagay na iyun? Sabihin mo!
Louie: Ginawa ko yun bilang ganti sa pag-talikod
nila sa akin, sa pag-yurak ng pag-katao ko, at sa pag-tangal nila ng pangarap
ko. Kaya dapat lang sa kanila ang mga ginawa ko.
Mari: Kahit na! Mali parin ang ginawa mo, kung
gusto mong gumanti, dapat sa tamang paraan, hindi sa ganito. Louie... Mali ito.
Maling mali.
Louie: Mali na kung mali, hindi mo na iintindihan
ang sitwasyon, at nagawa ko na ang dapat, ngayon hinihintay na ako ng entablado
ko. Gusto kong panoorin mo, ang kantang mag-papabago sa lahat!
Mari: Louie! Saan ka pupunta! LOUIE!
Pag-katapos
nilang mag-usap, iniwan na ni Louie si Mari, at si Mari ay naiwang balisa at
lumuluha.
____________________
Miguel: Yan ang plano mo?
Kyro: Oo, mukang imposible pero sa tingin ko
epektibo naman.
Kasalukuyang
gumawa ng plano si Kyro para sa gagawin hakbang nila laban kay Tersera.
Marina: Teka papaano hindi kita maintindihan. Bakit
gusto mo pang ituloy ang concert na ito, kung alam mo naman na delikado ang
sitwasyon.
Kyro:
Mag-tiwala nalang kayo, isa pa ayaw ko rin naman madismaya ang mga tao. At
makikita niyo, mahuhuli natin si Tersera na walang sino man ang
nasasaktan. Pero bago yan, may kailangan
muna akong kausapin.
Miguel: Teka sino naman?
Kyro: Ako na ang bahala doon, kayong dalawa
Miguel, Clyde, bantayan niyo na ang Philippine Arena. Sigurado akong naroon
lang si Tersera.
Marina: Pero papaano si Mari? Sigurado ka bang nasa
arena rin siya?
Kyro: Hindi na natin siya kailangan hanapin, dahil
siya mismo ang pupunta doon.
Clyde: Sigurado ka?
Kyro: Maniwala ka nalang. Kaya kilos na!
Pag-katapos
makagawa ng plano si Kyro, ay kumilos na sila para sa huling laban para kay
Tersera.
____________________________________________________
Kasalukuyang
nag-sasanay naman ngayon si Louie, para sa kaniyang malaking concert na gagawin
sa Philippine Arena.
At nang
matapos sila, ay nag-tungo siya sa kaniyang dressing room para mag-pahinga ng
saglit. Pero tila napansin niya na merong pumasok sa loob, at kaagad niya itong
sinabihan.
Louie: Talaga bang ganyan ang pag-uugali mo,
Quwarta? Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na mag-paalam muna bago pumasok sa
silid ng may silid.
Quwarta: Gusto ko lang na palalahanan ka, alam kong
alam na ng taga GINGA kung sino ka, dahil sa kapabayaan mo puwede tayong
malagay sa alanganin, kung ako sa iyo hindi ko na itutuloy ito. At itutuon ko
nalang ang pansin sa pag-papabagsak sa kanila.
Louie: Huwag ka ngang hibang, ito na ang isa sa
pinaka malaking concert na mang-yayari sa buhay ko, kaya hindi ko to puwedeng
palampasin. Wala akong pakielam kung alam na nang GINGA ang tunay kong
pag-katao, ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ito. Kaya kung puwede umalis ka
na.
Natahimik
lang si Quwarta sa mga sinabi ni Tersera sa kaniya.
Quwarta: Tandaan mo ito Tersera, merong malaking
kabayaran ang mang-yayari sa iyo, sa oras na pumalpak ka.
Bigla nalang
nawala si Quwarta, at iniwang mag-isa si Louie, ngunit ang dalaga ay tila iisa
lang ang iniisip.
Louie: Alam ko yun...
Ano kaya ang
iniisip ni Louie?
_______________________________________________
Samantala,
nagawa na nila Kyro at ng iba pa ang kanilang mga kanya-kanyang trabaho,
naka-usap ni Kyro ang taong kaniyang binangit, at si Miguel at Clyde ay
nag-tungo na sa mismo sa labas ng Philippine Arena, at nag-simula ng dumagsa
ang mga tao para maunod ng concert.
Clyde: Dumarating na sila.
Miguel: Napansin ko nga, grabe iba ang kalibre at
karisma nitong si Tersera, hindi nila alam na ang taong hinahangaan nila ay
merong madilim na sikreto.
Clyde: Nag-salita ang wala, diba ganon ka rin naman.
Miguel: Tigalan mo nga ako, gusto mo bang mag-simula
ng away!?
Ilang
sandali pa ay dumating na si Kyro, at tinagpo niya ang dalawa ni Clyde at
Miguel.
Kyro: Buti naman at wala kayong ginawang kalokohan
noong wala ako.
Clyde: Tigilan mo na yan, ano ba talaga ang gagawin
natin?
Kyro: Heto...Manonood ng concert.
Clyde: Ano?!
Tila nagulat
si Clyde, na ang malaking plano ni Kyro ay ang manood ng concert ni Louie.
_____________________________________________
Samantala
nag-mumukmok naman si Mari sa isang sulok, at patuloy parin siya sa kaniyang
pag-luha. Hanggang sa merong nag-bukas ng pinto, at ito ay walang iba kung
hindi si Louie.
Louie: Mari...oras na.
Mari: Louie?
Nag-titigan
lang ang dalawa.
Pag-katapos,
isinama na ni Louie si Mari patungo sa arena kung saan gaganapin ang concert,
ngunit ano kaya ang tumatakbo sa isipan ng kaniyang kakambal?
__________________
Makalipas
ang ilang sandali, ay nag-tungo na sa loob ng arena sila Kyro kasama ang
dalawa, pero nag-tanong muli si Miguel kung sino ang kaniyang kinausap.
Miguel: Teka Kyro, sino ba talaga ang kinausap mo?
At huwag mong sabihin na tatapusin natin ang concert na ito bago tayo gumawa ng
action.
Kyro: Ganon na nga siguro, alam ko naman na totoo
ang sinasabi mo na si Louie at si Tersera ay iisa, pero hindi talaga ako
makapaniwala noong una, dahil talagang taga-hanga niya ako. At saka, kailangan
pag-bigyan natin siya, dahil kahit na miyembro siya ng dranixs mahal niya ang
musika.
Clyde: Huwag na kayong maingay, mag-sisimula na.
Maya-maya pa
ay, tuluyan ng namatay ang mga ilaw sa buong arena at nag-simulang pailawin ng
mga manonood ang kanilang light stick.
At ilang
sandali pa, nag-simulang tumugtog ang musika, at nag-labasan na ang mga performer
para sa kanilang sayaw.
WHOOOAAAAA
LOUIE!
LOUIE! I
LOVE YOU!!!
Louie: Kumusta kayo!
At
pag-katapos, lumabas na ang kanilang pinaka-iintay si Louie. At nag-simula na
siyang kumanta, at sumabay sa indak ang mga manonood sa kaniya.
Pero habang
nanunuod si Kyro, sumagi sa isip niya ang mga pinag-usapan nila, at ito ay ang
isa
sa mahalagang tao sa buhay ni Louie, at yun ay ang kaniyang ina.
______________________
Kyro: Talaga po?
Linda: Oo madalas parin kaming nag-uusap ng anak
kong yun, kinukumusta niya ako kada isang linggo, at pag-may tour naman siya or
guesting kaagad niya akong sinasabihan para mapanood ko siya. At pag-katapos
noon, tinatawagan niya ako kung napanood ko daw siya, he he parang bata pa
talaga ang anak kong yun.
Kyro: Pero kumusta naman po ang relasiyon nila ni
Mari?
Linda: Ang reslasiyon ba nila bilang mag-kapatid.
Sa totoo lang merong tampuhan ang dalawang yun, hindi na sila madalas mag-usap
ng kagaya ng dati, pero sa ang totoo si Louie madalas parin niyang tinatanong
sa akin si Mari, kung ayos lang ba siya kung kumakain ba siyang mabuti o kung
okay lang ang trabaho niya, basta ang masasabi ko lang sa dalawang yun, matibay
ang samahan nila kahit na medyo nag-kakatapuhan sila, kahit na noong panahong
nag-kasakit ako at hindi na alam kung mabubuhay pa ako o hindi.
Hindi parin
nila tinalikuran ang isa’t isa, silang dalawa ang dahilan, kung bakit ako
patuloy pang nabubuhay ngayon. Sana lang balang araw, mag-kasundo na sila.
Dahil sila
lang dalawa, ang pinaka magandang nang-yari sa buhay ko.
________________________
Ngayon tila
alam na ni Kyro ang konting katotohanan sa likod ni Louie at Mari. Pag-katapos
nilang mag-usap, nag-tungo sila Marina at Kyro sa labas.
Marina: Mukang malaking problema ang meron tayo.
Kyro: Mukha nga, noong narinig ko ang mga sinabi
sa akin ni Mrs. Morales, parang bigla kong naisip.
Marina: Ano yun?
Kyro: Bakit
nagawa ng Dranixs ito sa isang inosenteng pamilya, na walang ibang hinagad kung
hindi maging maayos lang ang lahat. Kailangan na talaga silang matigil. Hindi
na makatao ito.
Tila
nagagalit din si Kyro sa mga nang-yari.
________________________
Balik sa
Concert, Kasalukuyang nasa back-stage si Mari, at tila hindi niya maintindihan
ang sitwasyon kung ano ang ginagawa niya dito.
Mari: Ano bang binabalak mo Louie?
Nag-papatuloy
parin sa kaniyang pag-awit si Louie. Pero maya-maya ay nag-tungo muli siya sa
back-stage, at tinagpo niya ang kaniyang kakambal.
_______________________
Clyde: Teka nag-punta na siya sa Back stage?
Kyro:
Pabayaan mo lang.
_____________________
Mari: Louie?
Louie: Hindi pa tapos ito, tingnan mo sila ang saya
nila na-aaliw at umiindak sila sa mga awit ko, hindi na ako mag-tataka na
mag-karoon sila ng isang-linggong last song syndrome.
Mari: Louie!
Natigil si
Louie, ng sigawan siya ni Mari.
Mari: (Pasigaw) Ano ba talagang gusto mong
mang-yari? Anong pinaplano mo? Alam mong alam na nila Detective Anjelo ang
tunay na pag-katao mo, bakit pinag-papatuloy mo parin ang bagay na ito?
Sa konting
katahimikan ni Louie….ay sinabi niya ang totoong dahilan
Louie: Dahil sa isang pangako.
Mari: Isang pangako? Kanino naman?
Louie: Na ngako ako kay Mama, na kakanta tayo ng
sabay sa concert na ito, kaya sa ayaw at sa gusto mo, kakanta tayo sa stage na
ito.
Maya-maya ay
inilabas ni Louie, ang isang gitara, at ibinigay niya ito kay Mari.
Louie: Heto, kunin mo...
Mari: Teka... ang gitara ko?
Louie: Buti naman at na-aalala mo payan, diba
pinag-maktulan mo payan kay Mama noon? Heto kinuha ko para meron kang gamitin.
Alam mo na ang gagawin, siguro naman alam mo ang isa sa mga kanta ko, na binuo
natin ng sabay tayong na nga-ngarap.
Tila
na-alala ni Mari ang sinasabing kanta ni Louie sa kaniya.
________________
Maya-maya ay
bumalik na sa stage si Louie, at sa isang ordinaryong get-up lang ang suot
niya.
Louie: Pasensiya na kung medyo natagalan ako, at
pasensiya na kung ito na lang ang get-up ko. Pero hindi na mahalaga yun, dahil
ang mahalaga lang dito kung ano ang laman ng concert na ito, sana naman na
enjoy niyo ito.
Miguel: Teka anong pakulo naman yan?
Kyro: Hindi ko rin alam.
Louie: Bago ako mag-simula dito, sino sa inyo ang
na-ngangarap na balang araw, makuha niya ang isang bagay na pinaka-gugustuhin
mo, pero sinubok ka ng panahon at hirap
bago mo ito makamit.
Ilang tao
ang nag-taasan ng kamay.
Louie: Magaling kung ganon, bilib ako sa inyo, ngayon
taga-hanga niyo na ako, ako kasi medyo nag-kamali ako noong panahong,
sinusubukan ko pang abutin ang tuktok. Una iniwan ako ng mga kaibigan ko,
Pangalawa sinubok kami ng isang malaking trahedya, na minsan akala ko katapusan
ko na, pero sa bandang huli naman, merong mga taong handang damayan ka sa lahat
ng oras. At sila yung pinag-huhugutan ko rin ng lakas.
Kaya ang
kantang ito, ay ginawa namin para sa inyo, para sa mga taong patuloy na
nga-ngarap, sa mga taong humaharap sa pag-subok, at sa mga taong nag-mamahal sa
kanilang pamilya at mga kaibigan. Heto ang huling kanta para sa gabing ito.
CLIMBER!
At muling
namatay ang mga-ilaw, at ilang sandali ay biglang nag-bago ang tug-tog na
pumapalibot sa buong paligid, ang tug-tog ng isang gitara.
Miguel: Sandali Rock ba ito?
Clyde: Teka tingnan niyo!
Marina: Si Mari!!
Maya-maya
pa...biglang lumabas ang taong responsable sa pag-tugtog ng gitara, at ito ay
walang iba kung hindi si Mari.
Nagulat
nalang ang mga manunuod sa biglang pag-sulpot ng kakambal ni Louie.
Pero si
Kyro, ay tila hindi na maintindihan ang iniisip ni Louie. Kung bakit niya
pinalabas si Mari sa stage.
Kyro: (Sa sarili) Louie, anong tumatakbo sa isip
mo?
Nag-patuloy
sa pag-tugtog at pag-kanta si Louie at Mari, hanggang sa mag duet na silang
pareho, at doon lalong napa-indak ang mga tao.
Dahil sa
ganda ng boses nilang dalawa, na nakaka-halina sa mga manunuod.
Louie: (Sa sarili)Tama ito nga, ito na ang musikang
matagal ko ng hinahanap. Ang makasabay na kumanta sa isang malaking stage ang
kapatid ko.
Mari: (Sa sarili) Louie...Hindi ka parin nag-bago,
kahit na alam ko na ang tunay na sikreto mo, patuloy mo paring pinang-hahawakan
ang pag-sasama natin, kahit na sinubok na tayo ng panahon.
Kumakanta
parin sila, at napunta ang atensiyon nila sa kanilang Ina, nakikitang umiiyak ito
dahil sa ginagawa nilang naka-mamanghang pag-tatanghal.
Linda: Ang mga anak ko...Ang mga anak ko!
Si Kyro, ay
hindi na makapaniwala sa mga nang-yayari.
_________________
Natapos ang
isang napakagandang kanta na ginawa nila Louie at Mari, at ang mga tao ay umuwi
ng masaya at merong bit-bit na inspiration upang mag-patuloy sa kanilang mga
pangarap.
Ngunit sa
back stage.
Kyro: Napakagandang Concert ang gingawa
mo...Louie.
Mari: Detective!
Ilang
sandali pa, lumabas rin sila Miguel at Clyde para Komprontahin si Louie.
Louie: Ano ito? Pag-katapos ko kayong pasayahin sa
concert ko, ngayon aarestuhin niyo naman ako?
Clyde: Tumahimik ka nalang at sumama ng maayos----
Kyro: Sandali lang, yung ginawa mo kanina, ang
pag-babago mo ng karakter sa stage, gusto kong malaman, yun ba ang tunay na
ikaw?
Louie: Ano?
Kyro: Sa mga nakita ko kanina, parang inilabas mo
lang ang tunay mong sarili, ang pag-mamahal mo sa musika, sa mga taong nasa
paligid mo, at pati narin sa ina mo at kay Mari, lahat yun totoo sa iyo diba?
Louie: Puwede bang tumahimik ka nalang, wala kang
alam tungkol sa akin.
Kyro: Puwes masasabi mo pa bang hindi totoo ang
mga sinabi ng ina mo sa amin?
Mari: Teka kinausap mo si Mama?
Miguel: Kung ganon, yan ba ang plano mo?
Kyro: Oo, at nalaman ko na hindi parin talaga
nawawala ang tunay na ikaw, Louie. Sinabi sa akin ng Mama mo ang lahat, lalo na
kay Mari, hindi mo siya magagawang paslangin, dahil sa pag-mamahal mo sa
kaniya. At napag-tanto ko rin, na kaya ka naging si tersera, dahil sa labis
mong pag-papahalaga sa kanila.
Louie: Tumahimik ka na! Wala kang alam sa nakaraan
ko, at wala kang alam sa mga nararamdaman ko, naging si Tersera ako dahil ito
ang ginusto ko! Gusto kong maka-wala sa mabagal na pag-usad, at pang-mamata ng
mga tao. Gusto kong baguhin ang lahat!
Kaya bilang
si Tersera, tungkulin kong sundin ang nakakataas, at tapusin kayo!
Mari: Louie itigil mo nayan, narito sila para
tulungan ka, para matapos na ang lahat ng pag-hihirap mo!
Louie: Alis!
Itinulak
papalayo ni Louie si Mari, at ilang sandali pa ay unti-unting nag-bago ang anyo
niya
bilang si Tersera.
Mari: AAAAAHHHHHH
Louie: Ito na ang huling tapak niyo sa lupa.
Biglang
nag-pakawala ng napakalakas na shockwave si Tersera sa tatlo nila Kyro.
Clyde: Ilag!
SSSSSSSSHHHHHHOOOOCCCCCCCCCKKKKKK
Nasira ang
pader ng backstage, samantala sila Kyro naman ay nag-madaling lumabas.
Kyro: Sa labas natin dalhin ito, bilis!
__________________
At kaagad
silang lumabas, para dito dalhin ang laban. Saka dito narin sila nag-palit anyo
bilang mga Special Police.
SNIDER
CHANGE!
GUN CHANGER!
DRAIGER CHANGE!
Pero bigla
silang sinupresa ng shockwave ni Tersera.
SSSSHHHHOOOCCCCCCKKKK
Gunver: Bullet change! Electric!
Affirmative.
Binago ni
Gunver ang bala ng kaniyang Gun Driver, bilang electric bullet, at pinaputukan
niya si Tersera upang-pakalmahin ito.
Tersera: Hindi eepekto yan!
Ngunit
sinanga lang niya ito, gamit ang kaniyang Shock wave.
________________________________
Tumayo naman
kaagad si Mari para pigilan si Louie sa kaniyang ginagawa.
Mari: Louie!
Mabilis
siyang nag-tungo sa labas, para pigilan ang kaniyang kapatid.
______________________________
Launcher
mode...
Nag-bago na
nang form ni Snider, bilang Launcher mode. At pinuntirya niya si Tersera habang
nag-papakawala ito ng missile.
Snider Launcher: Target Lock on!
FIREEEEEE
Nag-pakawa
siya ng sunod-sunod na missile, ngunit hinarang lang ito ng shock wave ni
Tersera, at ibinalik sa kanilang tatlo.
Draiger: Lagot!
Tersera: YYYAAAAAAAAAAHHHHH
BOOMS-BOOMS-BOOMS
Tumilapon
silang tatlo mula sa pag-balik nang atake na ginawa nila kay Tersera.
Gunver: Errrrrr.....
Akmang
tatayo si Gunver upang lumaban muli, pero kaagad siyang naunahan ni Tersera at
tinapakan niya ang ulo nito.
BBBAAAAAAAGGGGGG
Gunver: Bwaaaaahhhh!
Tersera: Kung ako sa iyo hindi na ako tatayo. Sayang,
alam kong taga-hanga mo ako pero hindi natin alam na dito tayo mauuwi.
Kailangan ko kayong tapusin, para tuparin ang sinumpaan ko sa samahang ito.
Gunver: Louie...makinig ka, handa akong tulungan ka,
hindi natin kailangan umabot sa ganito, ala-lahanin mo ang Mama mo at si Mari.
Sa mga nararamdaman nila, gusto ka na nilang umuwi.
Tersera: Tumahimik ka!
BBBAAAAAAGGGGG
Muling
binigyan ni Tersera ng isang mabigat na tapak sa ulo si Gunver, at halos
mabasak na ang kaniyang helmet dito.
Tersera: Wala kang alam sa mga bagay na
ito, kailangan kong gawin ito, para mabuhay. At marating pa ang tuktok. Kaya
mag-paalam ka na!
Biglang
nag-labas ng isang talim si Tersera sa kaniyang wrist armor, at akma niya itong
isa-sak-sak sa ulo ni Gunver.
Ngunit....
Mari: HUWAG LOUIE!!!
Dumating si
Louie, at pumagitna ito kay Gunver para protektahan ito.
Tersera: Umalis ka diyan Mari!
Mari: Hindi ka ba titigil?! Hindi pa ba sapat sa
iyo na pinatay mo ang mga kaibigan mo, at pinag-palit mo ang kaluluwa sa sinasabi
mong demonyo?
Tersera: Umalis ka diyan, kung ayaw mong saktan din
kita!
Mari: Hindi ako aalis, hindi ako titigil hanggang
hindi ka tumigil sa kahibangan mo,
Habang
pumapagitna si Mari kay Gunver, ay si Draiger naman ay inihahanda ang Draig
Driver niya para hulihin na si Tersera.
Mari: Narating mo na ang sinasabi mong tuktok,
nakuha mo na ang lahat. Ang karangyaan mo at kasikatan, hanggang kailan ka pa
magiging ganyan? Pinababayaan mong lamunin ka ng kasamaan sa puso mo, kaya tama
na, bumalik ka na, bumalik ka na sa dating ikaw. Louie...
Tersera: Mari...
Aabutin na
sana ni Mari ang kamay ni Tersera, ngunit biglang nag-bago ang isip nito.
Tersera: Hindi! Kailangan nilang mawala!
Draiger: Mari umiwas ka diyan!
Humarang
bigla si Draiger, at sinalag nito ang patalim ni Tersera na isasak-sak niya
muli kay Gunver.
Gunver: M-Miguel...
Draiger: Ilayo mo na si Mari!
Kaagad naman
tumayo si Gunver, at inilayo si Mari kay Tersera.
Mari: Louie!!
Draiger: Tapusin na natin ito.
BBBBBBAAAAAAAGGGGG
Sinipa
papalayo ni Draiger si Tersera, at saka niya pinaputukan ito.
BANG-BANG-BANG!
Draiger: Draig Zone Activate!
Biglang
na-activate ang Draig Zone ni Draiger, at nakulong si Tersera. Binago muli ng
binatang pulis ang kaniyang Driver bilang blade mode.
Tersera: Hindi ako makagalaw!
Dahil sa
plasma chain na nakatali sa kaniya hindi makagalaw si Tersera. At doon
sinumulan na muli ni Draiger ang kaniyang pag-atake.
SLASH-SLASH-SLASH!
Draiger: Heto na ang pang-huli! YYYYYAAAAAAAAAAAAHHHH
Tersera: Hindi ako papayag!
Akmang meron
ding pipinduting button si Tersera sa kaniyang wrist armor...Pero.
MIGUEL
HUWAG!
Parehong
napahinto si Draiger at Tersera, sa pag-sigaw ni Marina.
Gunver: Marina?
Halos
nawasak naman ang armor ni Tersera dahil sa mga atake na ginawa ni Draiger sa
kaniya.
Pero si
Tersera, ay nagulat nalang ng makita na dumarating ang kaniyang ina.
Mari: M-Mama?
Dahan-dahang
lumapit si Linda sa kaniyang anak. At lumunod ito, at hinaplos ang mukha ni
Tersera.
Linda:
Louie... Patawarin mo ako kung malaki ang pag-kukulang ko sa inyo, alam kong
nag-hirap ka ng husto noong panahong nag-kasakit ako, ginawa mo na ang lahat sa
amin, kahit na isinakripisyo mo pa ang pag-katao mo, masakit para sa akin na
malaman ko na nag-hihirap kayo. Kung dapat merong mawala ako nalang yun, pero hindi
puwede yun dahil na ngako din ako sa iyo na panonoorin ko kayong pareho sa
pinakamagandang araw niyo. Pero ngayon nagawa mo na ang lahat, kaya ako naman
ang makikiusap sa iyo...umuwi ka na. Umuwi na tayo sa bahay natin.
Hinaplos ni
Linda ang maskara ni Tersera.
Tersera: Ma-Mama…
Mari: Mama...
Samantala si
Tersera, ay unti-unting napa-luha, dahil naramdaman niya ang pag-mamahal at
pag-mamalasakit ng kaniyang ina. At doon hinubad niya ang suot niyang maskara.
Louie: Patawad mama...patawarin mo ako kung naging
masamang anak ako sa inyo! Hu Hu Hu...
Napayakap
nalang si Louie sa kaniyang ina, at si Mari ay napatakbo at napayakap narin ito
sa kanila.
Mari: Mama, Louie! Sorry din, sorry din kung
nag-kulang ako.
Linda: Hindi kayo nag-kulang sa akin, kayo ang
siyang buhay at kaligayahan ko, kahit pa baligtarin ang mundo, anak ko parin
kayo. At mahal na mahal ko kayo.
Sila Kyro
naman at ang iba ay tila nadadala sa drama ng mag-iina. Hinubad naman ni
Draiger ang kaniyang Maskara.
Draiger: Hindi ko akalain na, ganito pala kalambot si
Tersera, siguro i-kukunsirida ko na, biktima lang siya ng mapang linglang na
hangarin ng Dranixs.
Gunver: Ganon din ako, pero kailangan parin niyang
panagutan ang ginawa niya sa mga kaibigan niya.
Habang
pinag-mamasdan nila Gunver ang mag-iina. Biglang naramdaman nila ang isang
mabilis na presensiya na paparating.
Snider: Teka ano yun?!
Marina: Sa itaas!
Nakita rin
ni Tersera ang paparating na bagay sa kanila, at kaagad niyang itinulak papalayo
ang kaniyang ina at kapatid.
Louie: Mama! Mari!
Mari: AAAHHHHH
BBBBRRRRRRRUUUUUNNNNNNNN
Isa pala
itong malakas na bola ng apoy, at pinigilan ito ni Tersera para protektahan ang
kaniyang pamilya.
Linda: Anak!
Gunver: Saan galing yun!?
Masiyado ka
talagang walang muang Tersera!
Draiger: Ikaw...Quwarta!
Si Quwarta
ang dumating, upang tapusin si Tersera.
Louie: ERRRRRR...
Quwarta: Mukang nag-kamali ata ang nakakataas sa
pag-pili sa iyo, kaya ang pag-kakamaling yun, ay tatapusin ko!
Mas pinalaki
pa ni Quwarta ang kaniyang apoy, at halos masunog na ang armor ni Tersera.
Mari: Louie!
Gunver: Itigil mo yan!
Umatake
naman ang tatlo nila Draiger, Snider at Gunver kay Quwarta, para pigilan ito.
Quwarta: Mga walang kuwenta!
Pero nag-pakawala
ng mga fire ball si Quwarta, at tinmaan ang tatlo, dahil doon patuloy na bumaba
ang kanilang mga energy level ng armor na suot nila.
Gunver: BWAAAAAHHHHH
Marina: Kyro! Miguel!
Louie: Errrrr...
Habang
pinipigilan ni Louie ang apoy, lumingon siya kay Mari, at sinabi nito sa
kaniyang kakambal.
Louie: Mari...ikaw na ang bahala kay Mama, ituloy
mo ang mga pangarap natin.
Mari: Louie kung ano man yang binabalak mo, huwag
mong ituloy!
Ngumiti lang
si Louie sa kaniyang kapatid at Ina.
Louie: Hanggang sa muli, ito na ang huling kanta ni
Louies Ann Morales!
Mari: Louie huwag!
Linda: Anak!
Pinindot ni
Louie ang button sa kaniyang wrist armor, at ilang sandali ay nabago ng bahagya
ang kaniyang baluti, at ang malaking bola ng apoya ay binuhat niya papunta kay
Quwarta.
Quwarta: Ano ang binabalak niya!
Tersera: Quwarta, ito na ang relago mo sa akin,
ibinabalik ko na sa iyo, at samahan mo ako...papunta sa impiyerno!
Quwarta: Hindi!!!
Ibinato ni
Tersera ang malaki ng bola ng apoy kay Quwarta, at inilabas na nito ang isa sa
pinaka malakas niyang atake, bilang pangatlo sa mga boss ng dranixs.
Ang ultimate
sonic wave.
Tersera: YYYYYAAAAAAAAAAAAHHHHH
Mari: LOUIE!!!!!!!!!!
At dahil sa
lakas nito, halos nawasak at basag lahat ng salamin sa buong paligid.
BBBBBBBOOOOOOOOOMMMMMSSSSSS
At
pag-katapos, tuluyan na itong sumabog.
____________________________________________________________
Ilang araw
ang naka-lipas.
GINGA
Cafe...
Kasalukuyang
gumagawa ng sariling imbestigasyon ang PNP, kaugnay sa pag-kasira ng ilang
bahagi ng Philippine arena, ngunit nakiusap ang GINGA, na huwag na itong
ituloy...dahil tapos na ang mismong naturang kaso, samantala si Louie Ann
Morales, ay binawian ng buhay sa mismong araw ng matapos ang kaniyang
pag-tatanghal, maraming taong ang nalungkot at nakiramay sa pag-kawala niya,
dahil ang huling kanta na inawit niya, ay nag-bigay sa kanila ng bagong pag-asa
upang mangarap.
Nag-labas ng
statement ang kaniyang manager kaugnay sa pag-kamatay niya, at pinalabas nito
na meron siyang malubhang sakit, ito ay para protektahan ang tunay niyang
pag-katao sa publiko, dahil sa mata ng kaniyang taga-hanga, isa siyang
instrumento ng pag-asa, na kaya mong mangarap at mag-patawad.
At tinapos
na ni Kyro ang kaniyang pag-susulat ng report kaugnay sa kaso ni Louie Ann
Morales. At maya-maya ay bigla namang pumasok si Mei.
TOK-TOK
Kyro: Ate Mei?
Mei: May tao lang na gustong kumausap sa iyo.
Kyro: Teka sino naman?
Mei: Hindi ko alam, pero gusto ka niyang makita,
at pumunta ka daw sa lugar na ito.
Ibinigay ni
Mei ang address ng lugar kung saan niya tatagpuin ang sinasabing gustong
makipag-kita sa kaniya.
_______________________
Sakay ng
kaniyang Gun Cycle, nag-tungo si Kyro sa South Cementery, at doon nakita niya
si Mari na dinadalaw ang puntod ni Louie.
Kyro: Mari?
Mari: Detective.
Kaagad naman
lumapit si Kyro sa kaniya.
Kyro: Teka anong kailangan mo? Bakit mo ako
pinapunta dito?
Mari: Ah, wala naman gusto ko lang mag-pasalamat
sa iyo, sa lahat ng na itulong mo.
Kyro: Ganon ba, wala sa akin yun dahil trabaho ko
yun, kaya lang hindi ako nag-tagumpay na iuwi sa inyo si Louie. Patawad.
Mari: Huwag kang humingi ng tawad, dahil alam ko
kahit siya gusto rin ito, ang makawala na sa kasamaan na dinadala niya, sa
bandang huli. Naging mabuti siyang anak at kapatid. Kaya ipinag-mamalaki ko
siya. At sa iyo naman, at sa iyo alam kong narito ka rin...Miguel tama ba?
Kyro: Miguel?
Biglang
lumabas si Miguel, na hindi akalain ni Kyro na sinundan pala siya nito.
Mari: Maraming salamat sa iyo. Utang
namin ang lahat ng ito sa inyo.
Kyro: Teka, matanong ko lang...ano na ang balak mo
ngayon?
Napangiti si
Mari ng tinanong siya ni Kyro.
Mari: Ang balak ko? Siguro ituloy ang naputol
naming mga pangarap, gusto kong ma-alala ng mga tao, kung gaano kasarap ang
mangrap. Yun na muna siguro sa ngayon. Sige, mauna na ako.
Pag-katapos
makipag-usap ni Mari sa kanila, ay kaagad itong umalis. Pero bago yun sumulyap
muli siya sa puntod ni Louie, at pag-katapos umalis na siya ng tuluyan.
Mari: Maraming salamat sa iyo…Louie.
Lumapit
naman si Miguel kay Kyro.
Kyro: Bakit mo nga pala ako sinundan dito?
Miguel: Wala, gusto ko lang sana mag-pahangin yun
lang.
Kyro: Kung yan ba ang sinabi mo. Hindi na kita
pipilitin.
Miguel: Kyro.
Kyro: Ano yun?
Miguel: Tapusin natin ang Dranixs, para wala ng
madamay na isang inosente na kagaya ni Louie ang masilaw sa maling landas.
Kyro: Ganon
nga ang nasasa-isip ko.
______________________________________________________
Makati City…
Na doon
siya!
HABULIN NIYO
HUWAG NIYO SIYANG HAYAANG MAKALAYO!
Tila nag-kakagulo ang mga kapulisan dahil sa isang taong hinahabol nila. Pero ang hindi nila alam, ay hindi nila ito mahuhuli kahit na ano pa ang gawin nila.
At mula sa
itaas ng gusli, lumitaw ang tila hinahabol ng mga naturang pulis, hawak ang
isang diyamante. At ang nilalang ay isa palang babae.
?: Kawawa
naman, hindi nila alam ang peligro na hatid nito. Well, masarap din namang gumanap na isang
kontrabida, kahit alam mong sa sarili mo, na ikaw ang siyang bida.
Ngumiti ang
babae, at umalis ito. Pero sino kaya ito? At ano ang magiging papel niya sa mga
susunod na pang-yayari?
Case
Continued...
No comments:
Post a Comment