All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Kasalukuyan ngayong kasama ni Kyro ang kilalang journalist at dati
niyang kaibigan na si Krishia Beal Dominguez, na kasalukuyang nasa delikadong
sitwasyon dahil sa pag sisiwalat niya nang katotohanan sa isang drug lord
politician.
Sa ngayon hinaharap ni Kyro ang isang mabigat na groupo, ngunit
tila ata merong kinalaman ang isa sa mga pinuno nang mortal niyang kalaban, na
si Primo.
Ano kaya ang binabalak nang dranixs sa pag-kakataong ito?
Case 50: Ang
namamagitan.
Kasalukuyang nakikipag-palitan parin nang putok si Kyro mula sa
mga armadong lalaki na nag-tatangak sa buhay ni Krishia.
BRATATATATATATATAA
Tila nag-isip ang detective nang paraan para matapos na ito, at
maka-alis na sila ni Krishia sa lugar. Pero pansamantalang huminto si Kyro sa
kanyang pag-papaputok, at nag-taka naman ang kanyang mga kalaban kung bakit
wala nang bumabaril sa panig na iyun.
Henchman: Mukang wala
na siya.
Henchman: Sige
tingnan niyo!
Dahan-dahang lumapit ang dalawang armadong lalaki sa loob kung
saan nag-tatago si Kyro, at nang maka-pasok sila sa loob.
Henchman: Walang tao
dito ah?
Henchman: Alisto ka
lang...mukang buhay pa ang isang yun.
Nag hiwalay ang dalawang henchman sa pag-hahanap kay Kyro,
hanggang sa mapunta ang isa sa kuwarto, ngunit hindi niya inaasahan na merong
sasalubong sa kanya nang isang malakas at mabigat na suntok. Na ikinatalsik
niya.
BBBBBAAAAAAAAAGGGG
Nawasak ang pinto at laking gulat nang isa niyang kasama ang
nilalang na may kagagawan nito.
Henchman: G-GINGA
Police?!
Gunver: Nagulat ba
kita?!
Si Kyro ito na nag-palit nang anyo bilang si Gunver. Kaagad naman
siyang pinaputukan nang henchman. Ngunit hindi tinablan nang bala ang baluti
nang detective.
Gunver: Huwag ka
nang mag-aksaya nang bala!
Biglang sumugod si Gunver at isang malakas na suntok ang
isinalubong sa armadong lalaki.
BBBAAAAAAAGGGG
Pag-katapos niyang patumbahin ang dalawa, pinuntahan niya kaagad
si Krishia, para tingnan kung ayos lang ang lagay nito.
Gunver: Krishia! Krishia!
Kaagad naman itong lumabas, at nagulat nalang siya sa itsura ni
Kyro bilang Gunver.
Krishia: Kyro!
Gunver: Kailangan na
nating umalis dito, mukang hindi sila titigil para lang mapatay ka.
Kita ni Gunver ang ilang pang mga henchman na paparating mula sa kanyang computer helmet.
Gunver: Pasensiya na
sa gagawin ko sa condo mo...
Krishia: Teka anong
ginagawa mo?
Isang maliit na bagay ang inilabas ni Gunver mula sa leg armor
niya, at itinanim niya ito sa bawat parte nang silid.
Nang matapos na, kaagad niyang isinama si Krishia sa pag-takas nila.
Gunver: Tayo na!
______________________________________________
Samantala sumunod na ang ilang mga tauhan ni Congressman Bidani
upang tingnan ang nang-yayari sa itaas. Nang maka-pasok sila sa loob nang condominium,
hindi nila namamalayan na isang patibong ang nag-babadya sa kanila.
At ilang sandali pa ay......
Napansin ito nang isa sa mga henchman, at kaagad siyang sumigaw
para pa-alisin ang kanyang mga kasamahan.
Henchman: Labas
na!!!!
BBBBBOOOOOMMMMSSSSSS
Ang itinanim ni Gunver ay ang maliit na mini-time bomb at ilan sa
mga henchman ay lubhang nasaktan.
Henchman: Malas
nakatakas sila!
_________________________________________________
Sakay nang Gun Cycle, nag-tungo sila Kyro at Krishia sa GINGA
cafe, para mag-regroup at umisip nang plano para sa susunod na operation.
At pag-dating nila sa cafe, kaagad silang nakasalubong ni Mei.
Mei: Kyro? Anong
nang-yari sa inyo?
Kyro: Pasensiya
na kung medyo madungis ah. Meron lang hindi inaasahan. Krishia, halika na.
Krishia:
Oo...pasensiya na po Mrs. Anjelo.
Mei: Sige na
pumasok na muna kayo dito.
Ngunit si Marina, ay tila hindi gusto na naroon sa paligid si Krishia.
___________________________________________________
Sa mansion nang mga Bidani, isang masamang balita ang sumalubong
sa congressman, dahil sa hindi nag-tagumpay ang mga tauhan niya na patayin ang
mamahayag.
*Mga walang silbi!*
Ito ang sigaw ni Congressman Bidani sa kanyang mga tauhan.
Cong.
Bidani: Nag-iisang babae lang yun, NAG-IISA! Hindi niyo pa nagawang
iligpit? Anong klaseng mga utak ang meron kayo hah!
Henchman: Pero boss,
ang GINGA...mukang humingi na nang tulong ang PNP Chief sa kanila.
Henchman: At hindi
lang basta isang GINGA police ang naka-sagupa namin, isang special police ang
siyang kasama ni Krishia Dominguez.
Cong.
Bidani: GINGA? Mukang malaking problema nga ito.
*Kung iniisip mong kung anong magiging solusiyon sa GINGA, puwes
ako lang ang makaka-sagot sa bagay na iyan.*
Cong.
Bidani: Master Primo!
Muling nag-pakita si Primo, sa congresista para mag-alok nang
tulong sa kanyang kinahaharap na problema.
Primo: Bidani,
hayaan mong tulungan kita sa pag-kakataong ito...(ipinitik ang daliri)
PICK!
Isang pitik nang daliri ni Primo, ay inilabas nang mga tauhan nito
ang mga matatas na uri nang sandata na ginagamit nang Dranixs para sa kanilang
mga operation.
Jervic: Ang mga
sandatang yan, kakaiba?
Cong.
Bidani: Master primo, anong kapalit nang mga ito?
Primo: Kapalit?
Sapat na sa akin ang pag-lilingkod mo bilang isang mambabatas, at palawakin pa
ang isa sa mga transaction ko, ituring mo nalang itong gantimpala sa lahat nang
mga ginawa mo.
Cong.
Bidani: Kung ganon, maraming salamat sa lahat nang ito, asahan niyo na hindi
kayo mag-sisisi sa ipinagkaloob niyo sa amin.
Primo: Mabuti kung
ganon. Malaki ang inaasahan ko sa iyo, Bidani.
______________________________________________________
Kinagabihan sa GINGA cafe, pinakisuyuan ni Kyro na sumali ang
dalawa ni Marina at Miguel sa kasong hawak niya sa ngayon. Itinanong pati ni Kyro
kay mei ang tungkol sa papa nila na isa na palang chief of police nang PNP.
Mei: Kung ganon
hindi mo pala alam na si papa na ang chief of police nang PNP? Nakakatawa ka
naman.
Kyro: Pasensiya
na medyo abala ako nitong mga nakaraang araw.
Sumabat naman si miguel kung ano ba ang gagawin nila dito.
Miguel: Sandali lang
Kyro, ano ba ang kailangan mo sa amin ngayon?
Huwag mong sabihin na isasama mo kami sa kasong ito?
Kyro: Mukang
nahulaan mo kaagad ang iniisip ko migs, oo isasama ko kayo ni Marina, gusto ko
rin sanang isama si Clyde kaso mukang abala ang taong yun sa mga bagay na
ginagawa niya.
Marina: Bakit mo
naman ako idadamay sa bagay na iyan, diba kasama mo na ang girlfriend mo? Kung
puwede lang ayaw kong ma involve sa mga ganyang klaseng gawain ngayon.
Kyro: Guys,
malaking kaso ito...isa si Congressman Bidani sa kinikilalang big time drug
lord dito sa bansa at sa ibang panig nang asiya, kasalukuyang kasama niya ang
ilan sa mga dating miyembro nang AFP at ang dating chief of police. Hindi lang
ito laban ni Krishia, kung hindi laban ito kinabukasan nang mga kabataan na
puwedeng mabiktima nang iligal na droga.
Nag-salita naman si krishia sa bagay na ito.
Krishia: Pasensiya
na kung idinamay ko kayo sa gusot na ito, pero kayo lang ang puwede kong
matakbuhan. Hindi kayang kumilos nang mga kaibigan ko sa police department at
nang media dahil sa hawak nila ang iba sa leeg, kaya nilang baliktarin ang
buong sitwasyon.
Marina: Pero ikaw
ang crusader diba? Bakit hindi ka gumawa nang paraan para isiwalat pa ang buong
katotohanan? Bakit kailangan mo pa nang tulong nang GINGA?
Krishia:
Dahil...Dahil na niniwala ako na kayo lang ang puwedeng makapigil sa mga gawain
nang taong yun, kung puwede lang sana na ako na ang mag-lagay nang batas sa
sarili kong mga kamay ay ginawa ko na, pero hindi ito puwede, dahil ang trabaho
ko lang ay ang mag-siwalat nang katotohanan sa mga taong uhaw sa tunay na
nangyayari sa ating paligid.
Mei: * Ahem*
Pasensiya na kung puputulin ko ang usapang ito, katatawag lang sa akin ni
papa...mukang tama si Krsihia, hindi makakakilos ang PNP at ang media para
isiwalat ang buong katotohanan, ayon sa intel lumalabas na 80% nang mga taga
PNP at media ay mga corrupt at kasabwat ni Cong. Bidani sa mga transaction niya
sa loob at labas nang bansa, kaya minabuti nalang ni PNP Chief General Anjelo
na ipag-katiwala sa atin ang kasong ito. Kaya Kyro, inuutos ni Gen. Ratio at
Chief Insp. Marcus ang malawakang drug bust operation sa mga lugar na posibleng
drug den at laboratory ni Cong. Bidani.
Kyro: Kung ganon,
gumawa na nang hakbang si General?
Mei: Oo...
makakasama niyo ang ilan sa mga piling tauhan nang PDEA at PNP police sa mga
operation, at kayo Kyro kayo ang siyang tutugis sa mga posible suspect na
sangkot sa mga gawaing ito.
Mukang wala nang magagawa sila Marina at Miguel kung hindi sumunod
nalang sa kasong ito, at si Krishia, ay tila nabuhayan nang loob para tapusin
na ang laban na ito.
Miguel: Mukang wala
na tayong magagawa, sige pasok na ako...Marina ikaw ba?
Tahimik lang si Marina at tila nag-iisip.
Mei: Sige bukas
mag-sasagawa tayo nang briefing kasama ang ilang mga agents. Ipapatawag ko rin
si Clyde para maka-tulong. Sige mag-pahinga muna kayo.
_______________________________________________________
Nang matapos mag-usap usap sila kyro, nag-tungo na siya sa kanyang
silid, at doon tila nag-iisip siya kung ano ang gagawing hakbang sa ikakahuli
ni Cong.Bidani.
Nang bigla namang merong kumatok sa kanyang pintuan....at si
krishia pala ito.
Krishia: (Sa
kabilang pintuan) Kyro, gising ka pa ba?
Kyro: Krishia?
Tumayo si Kyro para buksan ang pintuan nang kanyang kuwarto.
Kyro: Teka ano
bang kailangan mo------
BBBBBOOOOOGGGG
Pag-bukas palang nang pinto ay bigla nalang siya sinungaban ni Krishia,
at natumba silang pareho.
____________________________________________________
Samantala kinuha naman ni Marina ang folder na nag-lalaman nang
impormation sa kasong hahawakan nila sa pag-kakataong ito, ngunit nag-pasiya
siyang pumunta sa kuwarto ni Kyro para mag-tanong nang ilang mga bagay.
Marina: Bahala na
nga....
Balik sa silid ni Kyro, nagulat nalang siya sa ginawa ni Krishia,
sa biglaang pag-sungab sa kanya nito.
Kyro: Sandali
ano bang ginagawa mo?
Krishia: Tumahimik
ka nalang...matagal ko uling hinintay ang pag-kakataong ito.
Kyro:
Krishia----!!
Bigla nalang hinalikan ni Krishia sa labi si Kyro, pero hindi
nag-laon sumunod narin ang binata sa ginawa sa kanya nang dating nobya.
Nag-patuloy ang dalawa sa kanilang pag-hahalikan.
Ngunit ang hindi alam ni Kyro, ay patungo si Marina sa kanyang silid.
Para may itanong.
Marina: Kyro may
itatanong lang sana ako------
Bigla nalang niyang binuksan ang pintuan nang silid ni Kyro, at
laking gulat niya na nakapatong si Krishia kay Kyro na naka bra lang.
Kyro: (Gulat)
Marina!
Ganon din ang gulat sa nang dalawa sa biglaang pag-pasok ni
Marina, lalo na si Kyro.
Marina: Pasensiya
na kung naistorbo ko ata kayo...
Itinaklab nang babae ang pinto nang malakas.
BBBBAAAAAAAGGGGG
Kyro: Sandali Marina!!!
Sabay tayo naman si kyro at hinabol niya si Marina para
makapag-paliwanag sa kanya.
Krishia: Kyro!
______________________________________________________________
Sinundan ni Kyro si marina hanggang sa maabutan niya ito at
nahawakan sa braso.
Kyro: Marina!
Marina: Bitawan mo
nga ako!
Kyro: Hayaan mo
muna akong makapag-paliwanag.
Marina: Wala ka
nang dapat ipaliwanag, ano ang sasabihin mo? Pinasok ka niya sa loob nang
kuwarto mo at siya ang nag-pumilit na gawin yun...huwag mo akong lokohin, dahil
kilala kita. Ikaw yung tipo nang lalaking mabilis mag-init ang buong katawan
dahil sa konting kadumihan nang utak. At isa pa ang akala ko ba trabaho ang
lahat nang ito? Bakit kailangan mong gawin yun. Bakit?
Kyro: Sandali
hindi ganon yun.
Habang nag-tatalo ang dalawa ay hindi naman maiwasan nang mga tao
sa loob nang mga silid nila ang maistorbo, at doon nag-labasan narin sila.
Mei: Sandali ano
bang problema? May trabaho pa tayo bukas.
Marina: Pasensiya
na hindi ako nararapat sa kasong ito... siguro nga hindi rin ako nararapat
bilang partner mo, sana sinunod ko nalang ang payo nang mga kaibigan ko noon na
huwag nang tangapin ang makatrabaho ka dahil sa ugali mong yan. Sinisira mo
lang pangalan nang isang special police.
Ibinato ni Marina sa mukha ni Kyro ang folder na hawak niya. at
sabay umalis ito.
Miya: Ate Marina....
Lumabas naman si Krishia sa silid ni Kyro. At si Mei ay
naka-tingin sa binata na para bang hindi alam ang sasabihin.
____________________________________________________________
Dumeretso naman si marina sa kanyang silid, at doon nag-simulang
tumulo ang luha niya.
Marina: Ano ba
itong nararamdaman ko?
Na-alala ni Marina ang mga sinabi niya noon na ang lahat nang
namamagitan lang sa kanila ni Kyro ay trabaho lang. Pero tila iba ata ang
pakiramdam niya sa mga oras na ito.
Samantala si Miguel naman ay nasa harapan nang pintuan nang silid
ni Marina. At matapos marinig ang mga bagay na sinabi niya ay umalis ito.
___________________________________________________________
Sa briefing room nila. Pinag-sabihan ni Mei ang dalawa ni Krishia
at Kyro. Mas inulan nang sermon ang binatang detective dahil sa mga ginawa
niya.
Mei: Ano ba ang
iniisip niyo? Ang akala ko ba isang kaso ang kailangan matapos, bakit para
atang iba ang nang-yayari... Kyro ipaliwanag mo kung anong ibig-sabihin sa mga
nang-yari kanina.
Kyro: Ate Mei....(Hindi
na maka-imik)
Hindi na alam ni Kyro ang kanyang sasabihin, kaya tumahimik nalang
muna ito. At sa pag-kakataong ito si Krishia ang nag-salita.
Krishia: Mrs.
Anjelo, patawad sa bagay na ginawa ko, alam kong obligasiyon niyo ako sa
pag-kakataong ito, hindi ko lang napigilan ang sarili ko. (Tumingin kay Kyro)
pangako hindi na ito mauulit.
Mei: (Buntong
hininga) Sige naiintindihan ko, pero Kyro malaki ang kasalanan mo kay Marina.
Dahil sa nang-yari maaaring mabawasan ang tiwala niya sa iyo.... kilala mo
siya, gusto niya sa taong professional, lalo na sa trabaho natin. Kaya hanggang
maaga, humingi ka na nang tawad sa kanya. Ayaw kong masira ang team dahil lang
sa konting hindi pag-kakaunawaan.
Kyro:
Naiintindihan ko po...hayaan niyo aayusin ko ang gusot namin pareho.
Mei: Sige
bumalik na kayo sa mga silid niyo at mag-pahinga, bukas may kailangan tayong
asikasuhin.
At pag-katapos pag-sabihan ni Mei ang kanyang mga tauhan,
nag-tungo na muli sa kanilang mga silid ang mga ito, ngunit si Krishia ay
pinag-mamasdan parin si Kyro.
_____________________________________________________
Samantala sa isang sikat na night club na pinupuntahan nang mga
kilalang tao o personalidad sa showbiz o sports. Ay isang party ang
kasalukuyang nagaganap, ang mga tao ay hataw sa kanilang pag-sasayaw sunod sa tugtog
nang musika.
Ngunit hindi ito isang ordinaryong kasiyahan, dahil dito lantarang
ibinebenta ang ilang mga droga sa mga tao. Kasabay nang kanilang pag-lalasing
at pag-sasaya ang pagamit nang ipinag-babawal na gamot na ilan ay ecstasys.
Mula naman sa VIP section, naroon si Congressman Bidani at ilang
mga tauhan niya, para sa isang deal na nagaganap sa ilang kilalang chinese businessman
na siyang bumibili nang droga sa kanila.
Sinipat muna nang intsik ang naturang droga kung totoo ito, nang
naka-sigurado na siya. sumenyas siya para ibigay ang pera bilang pang-bayad
kila Congressman.
Chinese
businessman: This is good, mukang mapaparami ang kukunin kong ganito.
Congressman heto ang 100 milion pesos walang labis at walang kulang, gusto ko
sa susunod ganito uli ang kalakaran natin.
Cong.
Bidani: Walang problema sa akin Mr. Tan, so it’s nice to have a business
with you, hayaan mo sa susunod, baka ibang shipment naman ang pasukin natin.
Chinese
businessman: Well call ako diyan, hanggang sa susunod.
Nakipag-kamay ang congressman sa chinese businessman, at
nag-paalam na ito.
Cong.
Bidani: Jervic, kumusta ang susunod na shipment?
Jervic: Ayos na
dad...sinigurado ko na walang papalya at makikielam na mga pulis sa gagawin
natin.
Cong.
Bidani: Pero papaano ang GINGA?
Jervic: Kung
dumating man sila, nakahanda na tayo.
Ipinakita ni Jervic ang mga bagong sandata na ibinigay sa kanila
ni Primo. At mula sa ibaba nang night
club, nag-patuloy ang kasiyahan nang mga tao.
____________________________________________________
GINGA Briefing room.
Tinipon lahat nila Kyro ang ilang sa mga tauhan nila, kasama ang PDEA
at ang ilang mga taga NBI para sa mga operation na kanilang gagawin.
Kyro: Narito na
ba ang lahat?
ALL: Narito
na...
Clyde: Bakit ba
ako napasama dito? Wala naman akong kinalaman sa mga nang-yayari.
Miguel: Kung
nag-rereklamo ka, sumunod nalang tayo nang matapos na.
Kyro: Alam kong
mag-aasist lang kami sa inyo, pero hayaan niyong kami ang mag-take nang lead
para sa operation na ito. Pare-pareho lang natin kalaban ang ilegal na droga na
sumisira sa buhay nang maraming kabataan.
Narito ang ilang impormation sa mga lugar na posible na
isinasagawa ang mga transaksiyon o shipment nang suspect. Mag-hahati tayo sa
tatlong groupo para puntahan ang mga lugar na ito. Isa na sa may abandonadong
pier sa maynila, isang night club sa QC. At pangatlo isang lumang pabrika sa
navotas.
At ito naman ang mga posible na suspect na alam kong pamilyar kayo
sa kanila.
Ipinakita ni Kyro ang mga posible suspect at isa narito ang dating
congressman na si Julio Bidani, at ang dating Ex-PNP Chief. At kung sino-sino
pa.
Kyro: Kung wala
na kayong tanong, puwede na nating simulan ang operation. At bago ko
makalimutan, may dalawang option tayo, kung sumuko nang maayos ang mga suspect,
hulihin niyo sila. At kung man-laban man sila. Puwede natin silang patayin nang
walang hesitation. Pero dapat parin umiral ang batas.
Nang-matapos sabihin ni Kyro ang mga bagay na kanilang isasagawa.
Napansin ni Miguel na wala sa paligid si Marina.
Lumapit si Miguel kay Kyro, at tinanong niya ito.
Miguel: Mukang
hindi ko napapansin si Marina dito, sabihin mo nag-sorry ka na ba sa kanya?
Kyro: Hah? Teka
bakit mo naman nasabi yan.
Miguel: Huwag ka
nang mag-kaila diyan, dahil sa nang-yari kagabi, malamang apektado siya sa
nang-yari sa iyo. Kung ako sa iyo, hindi ko na patatagalin yan. Hihingi na ako
nang tawad para wala akong gasinong iniisip.
Kyro: Puwede ba
tigilan mo nalang ako, ikaw ang mamumuno sa isang squad, doon ka pumunta sa
isang night club sa QC, at siya nga pala kasama mo ang ilang sa Daily Cosmo para
i-cover ang lahat nang puwedeng mang-yari.
Miguel: Iniba mo
lang ang usapan, halatang umiiwas ka kay Marina.
Kyro: Ewan ko sa
iyo, sige kumilos ka nalang....may kailangan pa tayong tapusin sa ngayon.
Hindi na nag-salita pa si Kyro at kaagad niyang kinuha ang mga
kagamitan niya at saka ito umalis.
___________________________________________________
Sa GINGA Cafe....naroon si Marina at tila tahimik lang na ginagawa
ang kanyang trabaho doon. Pansin naman ni Mei na tila hindi maganda ang naging
sagutan nila kagabi ni Kyro. Kaya minabuti nalang nito na hayaan munang mag-isa
ang babaeng agent.
At balik sa mga groupo...
Nag-simula na ang drug bust operation sa mga nasabing lugar.
Pinuntahan nang groupo nila Miguel ang Night Club sa QC. Pinasok nila ang naturang
lugar, at nag-sagawa nang isang raid, upang tingnan kung positibo nga sa droga
ang nasabing lugar.
Police: Dapa!-Dapa!
Pinadapa nila ang mga tauhan nang lugar, at isa isang kinap-kapan.
Miguel: Sige
halughugin niyo pa ang buong lugar. Lahat nang puwedeng ebidensiya kunin.
Kasabay nito, ang pag-pasok din nila Clyde sa lumang pabrika sa
navotas.
BBBBBAAAAAAAAGGGGGGGG
PDEA: Sige dumapa
kayong lahat!
Clyde: Positive,
mukang ito ang kanilang Labaratory.
Habang hinuhuli nila isa-isa ang lahat nang kasangkot, ay siya din
naman ginagawa nang mga reporter na kasama nila ang kanilang mga trabaho.
____________________________________________________
At dumating na ang groupo nila Kyro sa naturang pier sa maynila.
PDEA: Positive,
narito nga ang kanilang shipment, detective mukang narito rin ang ilan sa mga
suspect ang anak ni congressman, pati na si EX-PNP Chief Dela Cruz.
Kyro: Good, Krishia....ihanda
mo na ang lente nang camera mo. Papasok na tayo.
Krishia: Sige!
Kyro: Okay move
out!!!
At sa hudyat ni Kyro, pinasok nila ang naturang pier, at
pinalibutan ang mga tauhan ni Cong.Bidani na nag-kakarga nang mga kargamento sa
isang malaking container truck.
Kyro: Tigil!!!
Henchman: Boss
pinasok tayo nang PDEA! Kasama ang ilan sa mga taga GINGA!
Ngunit si jervic, tila kampante lang sa mga oras na ito.
Jervic: Magaling! Sige
simulant na ang plano.
Isang makahulugang ngiti ang makikita ngayon sa mukha ni Jervic,
ano kaya ang kanyang binabalak?
Samantala binuksan naman nang PDEA at NBI ang container truck na
nag-lalaman nang droga. At postive na narito lahat ang mga ecstasy at ilang
barreles nang shabu at cocaine.
PDEA: Positive,
Detective narito ang lahat nang ebidensiya na kailangan natin.
Kyro: Jackpot.
Maya-maya ay bigla naman kumalabit si Krishia kay Kyro, na tila
para bang may mali sa mga nang-yayari.
Krishia: Kyro parang
may mali sa mga nang-yayari?
Kyro: Ano?
MAGALING! MAGALING!
At ilang sandali pa ay may sumigaw, at nag-pakita ito sa kanila.
Ito ay walang iba kung hindi si Jervic.
Krishia: Si Jervic
Bidani!
Jervic: Mukang
minaliit ko ang kakayahan nang GINGA, pati narin ikaw Ms. Crusader...hindi ko
akalain na merong kayong hawak na impormation tungkol sa lugar na ito, pero yan
ata ang pinaka-malaki niyong pag-kakamali.
Kyro: Anong
ibig-mong sabihin?
Jervic: Sinasabi ko
lang sa inyo na...Hindi na kayo makaka-labas nang buhay dito!
*PICK!*
Pag-pitik nang daliri ni Jervic, ay nag-labasan ang mga lalaking naka-suot nang
tactical vest, at merong dalang mga kakaibang uri nang sandata,at saka
pinasabugan ang mga ilan sa mga kasamahan ni Kyro.
BBBBBOOOOOMMMMSSSSSS
Namatay ang mga ito, at si Kyro ay tila nagulat sa mga biglaang
pang-yayari.
Kyro: Anong?!
Krishia: Kyro!!!!
Ilang sandali pa ay sila na mismo ang pinuntirya, at sinabugan
silang dalawa at tumalsik.
Kyro/Krishia:
AAAAAAHHHHHH
Bahagyang nasugatan sila Kyro dahil sa pag-sabog, ngunit
nag-tataka ang detective kung anong klaseng sandata ang meron sa mga nasabing
kriminal.
Kyro: A-Anong
klaseng sandata yun?
Jervic: Salamat
nalang sa mga magagandang regalo, ngayon sukol na namin kayo.
Dahil sa nang-yari, nasukol nang mga tauhan ni Jervic ang dalawa
nila Kyro, at wala na silang magagawa kung hindi ang sumuko nalang muna.
Ano na ang mang-yayari kila Kyro at Krishia ngayong hawak sila
nang mga tauhan ni Congressman Bidani?
Case Continued....
No comments:
Post a Comment