Saturday, September 17, 2016

Case 49: Crusader Journalist.








All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.

Police report...PNP chief sangkot sa isang malaking drug  syndicate.

News flash.... Congressman nang Batangas region, leader nang isang big time syndicate.

GINGA muling nasangkot sa isang malaking gulo, tungkol sa katiwaliaan. Senado, nakipag-ugnayan sa nasabing organization.

Nitong mga nakaraang araw, lamang nang samulit sari na balita  tungkol sa droga at corruption, at isang tao lang ang matapang na nag-hahayag na isiwalat ang lahat. Siya ay tinatawag sa bansag na crusader. Sino ang taong ito? 



Case 49: Crusader Journalist.

GINGA Cafe....

Abala si kyro sa pag-babasa nang balita mula sa diyaryo.  Tungkol ang ilan sa mga katiwaliaan at corruption na nagaganap sa bansa.

Sherry: Kuya kyro, heto ang hot choco mo.

Kyro: Ah salamat Sherry.

Ininom ni kyro ang kanyang chocolate at nag-patuloy sa pag-babasa. Hanggang sa napunta siya sa isang article tungkol sa pag-sisiwalat sa isang congressman drug lord.

At mas lalong ikinagulat niya ay ang taong siyang nag-siwalat nang lahat.

BBBBBBRRRRRRUUUUUUUUUU

Marina: Teka anong nang-yari sayo?

Nasamib si Kyro nang kanyang iniinom na tsokolate. Dahil hindi siya makapaniwala na ang taong siyang nag-sulat nang balita ay isang dati niyang ka kilala.

Kyro: Imposible ito? Journalist siya ngayon?

Ngunit ilang sandali lang, sa labas nang kanilang cafe. Isang motorsiklo ang siyang huminto. At bumaba ang sakay nito saka pumasok sa loob.

Miya: Ah welcome po!

Nag salita ito at iisang tao lang ang hinahanap niya.

?: Dito ba ang detective agency ni Kyro Anjelo?

Mei: Dito nga, sandali lang tatawagin ko siya...Kyro may taong nag-hahanap sa iyo.

Kyro: Sino naman yun?

Pag-tayo ni Kyro sa kanyang kinauupuan, ay laking gulat niya nang makita ang isang pamilyar na emahe sa kanya.

Kyro: K-Krishia!?

Krishia: Kumusta Kai-Kai!

Nag-taka naman si Marina sa babaeng nasa harapan nila ngayon.

Marina: Kai-Kai?

Krishia: Kai-Kai!!!!

Kyro: WWAAAAAAHHHHH.

Bigla nalang lumapit si Krishia kay Kyro at saka niyakap ito, nagulat nalang ang mga tao sa loob nang cafe sa nang-yari.

Krishia: Na-miss kita....

Kyro: (Nag-tataka) Imposible ito?   
__________________________________________

Sa isang sikretong hide-out. Isang organisasyon ang tila abala sa kanilang pag-kakarga nang mga kontrabando.
at isang tao din ang nag-babasa nang diyaryo nang mga oras na yun, ngunit pinunit lang niya ito dahil sa inis sa nilalaman nang balita.

*Buwisit! Wala na bang mag-papatigil sa babaeng ito?*

Nag-salita naman ang isa sa kanyang mga tauhan, para pakalmahin ang kanilang naturang amo.

Henchman: Boss konting hinahon lang. Magagawan din natin nang paraan ang bagay na yan.
Kinilala ang congressman na nasakote sa isang drug bust operation na si Congressman Julio Bidani, at ang kanyang anak na siyang namamahala sa ngayon sa groupo ay si Jervic Bidani.

Jervic: Huminahon? Papaano ako hihinahon, putok na putok ang ginawa nang babaeng ito sa ama ko. Ni hindi ko alam kung saan niya na kukuha ang mga impormation na isinusulat niya.

Henchman: Boss Jervic, huwag kang mag-alala, kulang ang ebidensiya laban kay Congressman, at isa pa mamaya lang palalayain na siya.

Jervic: Mabuti naman kung ganon, dahil kailangan magawan na natin nang paraan ang crusader na yan.
______________________________________________

GINGA Cafe....

Kasalukuyang kausap ngayon nila kyro ang babaeng nag-pakilalang si krishia.

Marina: Teka sino ka ba at bakit ka ganyan makalingkis sa lalaking yan?
Nakayakap parin ngayon si Krishia kay Kyro. Na para bang ang tagal na nilang mag-ka kilala.

Krishia: Ako? Heto ang pangalan ko.
Ipinakita ni krishia ang kanyang id kila marina, at nakita nila na isa pala itong taga media.

Miguel: Tingin nga...I.D. ito nang Daily Cosmo, Krishia Bael Domuingez? Teka parang pamilyar ang pangalan na ito ah.

Marina: Teka sagutin mo na nga yung tinatanong ko, sino ka nga ba?

Tinigilan muna ni Krishia si Kyro at umayos siya para mag-pakilala.

Krishia: Nakaka-irita ka naman, kita mong ngayon lang kami nag-kita ni Kai-Kai, pero sige para matigil ka na. Ako si Krishia Bael Domuingez, nag-tra-trabaho ako bilang isang journalist sa daily cosmo, at kilala rin ako bilang crusader.

Tila merong na-alala si miguel sa sinabi niya.

Miguel: Tama! Naalala ko na ang pangalan mo.

Mei: Bakit miguel kilala mo ba siya?

Miguel: 2 years ago meron isang journalist na walang habas na inilalabas ang buong katotohanan sa madla, wala siyang pakielam kung meron man siyang maapakan o masagasaan. Kaya karamihan sa mga bigating tao, masyadong tipid kung mag-bigay nang impormation. At nitong nakaraan lang, isang congressman ang nakulong dahil sa pag-siwalat niya nang baho nito. Siya ang tinatawag na crusader, at ikaw yun Krishia Dominguez.

Mei: Crusader?

Marion: Mukang tama ang sinasabi ni Miguel, hindi mabilang ang mga report at article na sinulat mo tungkol sa mga corrupt official at mga drug lord. Nakakamangha para sa isang babae ang ganitong klase nang tapang.

Krishia: Trabaho ko lang yan, at trabaho nang isang journalist na ibigay ang buong katotohanan nang walang kapalit.  

Ngumiti si Krishia sa mga papuri na naririnig niya. Ngunit si Marina, tila na iinis dahil patuloy parin ang pag-lingkis nito kay kyro.

Marina: Oo na oo na, naroon na tayo, pero bakit panay parin ang lingkis mo sa lalaking yan?

Krishia: Ah kay Kai-Kai ba? Well boyfriend ko naman siya ah, anong masama doon?
Nagulat lalo ang lahat nang marinig nila ang sinabi ni Krishia na nobyo niya si Kyro.

ALL: ANO!!!

Kyro: Naloko na.

Marina: Teka anong ibig sabihin nito...Kyro!

Kyro: Teka huwag ka namang magalit diyan, ang totoo niyan, oo nga naging girlfriend ko ang babaeng ito noong senior high school, ang kaso noong grumaduate kam,i bigla nalang siyang umalis papuntang us para mag-aral. Ang akala ko nga hindi na siya babalik. Nagulat nalang ako na isa ka na palang journalist.

Krishia: Hindi lang ako basta-basta isang journalist, sabahin na natin na para akong isang special police na mas double ang peligro na kinahaharap ko sa bawat araw ko sa trabaho. Diba na-ngako ako sayo na, magiging isang journalist ako, at sayo ako kukuha nang mahalagang impormation.

Ang kaso, medyo nag-kahiwalay lang muna tayo nang pansamantala. Pero nagulat talaga ako sa nabalitaan ko tungkol sayo, hindi ko akalain na makukuha mo nga ang isa sa mga titolo bilang isang special police, at alam mo ba palihim kitang sinusubaybayan, at sinusulatan nang article ang bawat naging kaso mo noon.

Kyro: Ano ginagawa mo yun? Nang ikaw lang mag-isa?

Krishia: Yep, isa sa mga sinulat ko yung nakaraan insidente sa GINGA, kung saan nasangkot ang isa sa mga opisyal niyo sa isang anomalya, pero hindi ito tungkol sa inyo, dahil marami akong ka kilala sa organisasyon niyo na patas kung makipag-kalakaran.

Mei: Sandali lang, maputol ko lang ang reunion niyo, ano nga ba ang sadya mo ditto? Siguro naman hindi ka makikipag-date sa lalaking yan?

Krishia: Nabangit niyo rin lang Mrs. Anjelo.

Miguel: Sandali tinawag niyang misis si Agent Martin!

Marina: Ms. Mei?

Mei: Ayos lang yun, walang problema sa akin. Sige ano ang sadya mo?

Krishia: Sige na nga, para matapos na ito at makalabas na kami ni Kyro.... gusto kong kunin ang serbisyo ni kyro, para hanapan nang butas ang taong gusto kong makitang nabubulok sa bilanguan.
Tiningnan ni Krishia ang kanyang orasahan, at nakiusap siyang pakibuksan ang kanilang monitor para ipakita ang kanyang sinasabi.

Kasalukuyang palabas ngayon sa tv ang pag-papalaya nang isang congressman na nahuli sa isang drug bust operation. Sa ombudsman. Sinalubong nang mga tauhan nang media ang akusadong congressman na si Julio Bidani.

Reporter: Narito po tayo ngayon sa harap nang korte suprema, para alamin ang naging hatol kay ex-congressman Julio Bidani.... teka sandali po heto na ata sila. 
Lumapit ang ilang mga reporter para kunan sila nang panayam.

Reporter: Attorney... konting katanungan lang, ano ang masasabi niyo sa hatol nang korte, may posibilidad po ba na maibasura ito? 

Attorney: Maibasura? Sa tingin ko walang dapat na maibasura dito kung hindi yung mga maling paratang sa amin, hindi ko alam kung saan nila kinukuha ang impormation na yun, and beside...wala namang silang matibay na ebidensiya laban kay congressman. Kung meron mang dapat na maibasura dito, ikaw yun Ms. Crusader.

Reporter: Sandali lang po meron pa kaming tanong! Congressman Bidani! Congressman!

Humarap naman ang naturang Congressman sa camera, at ngumiti lang ito na para bang meron isang malaking pahiwatig.

Cong. Bidani: No Comment muna ako!
____________________________________________________

At pag-katapos noon pinatay na nila Kyro ang kanilang monitor. At humarap ang detective sa journalist.

Kyro: Mukang malaking gulo ang pinasukan mo? Yun ba ang dahilan kung bakit pumunta ka dito?

Krishia: Yep, ang totoo niyan nakakatangap ako nang mga death threat sa mga taong nakaka-sagupa ko sa field.  Kaya naman ako pumunta dito, dahil gusto ko nang matapos ang kalokohang ito. Kailangan na siyang makulong dahil maraming buhay na ang sinisira nang droga niya.

Miguel: Pero hindi namin sakop ang kasong yan, baka sabihin sa amin nang PNP o NBI masyado kaming pumapapel.

Marina: Tama siya, at isa pa may malaking kaso parin kaming kinahaharap ngayon. Kaya pasensiya na hindi ka namin matutulungan.

Krishia: Hindi naman puwede ata ito, diba wala naman kayong kinikilingan. At isa pa malaking kaso ito, ako na mismo ang umuupa sa inyo para imbestigahan ang congressman na yun.  Wala akong tiwala sa batas dito kaya kayo lang ang puwede kong asahan.  

Mei: Kyro, anong sa tingin mo?

Kyro: Hindi ko alam, dahil wala sa batas natin ang makielam sa hindi namin trabaho. Pero kung talagang kinakailangan nang isang tao ang tulong ko, sino ba naman ako para tumangi, isa pa medyo nag-sa-sawa ako ngayon sa dranixs, dahil wala silang ginagawang kakaiba ngayon.

Marina: Kyro anong ibig mong sabihin?

Kyro: Mukang wala na akong magagawa sa pag-kakataong ito. sige payag na ako. Pero kailangan kong maka-usap ang in-charge sa kasong ito. Krishia puwede kong malaman kung sino siya?

Krishia: Ang totoo kilalang-kilala mo siya. Kaya hindi ka mahihirapan kung sa kalaing pumasok ka sa kasong ito.  

Kyro: Kilala ko siya?

Nahiwagaan naman si kyro kung sino ba ang sinasabi ni krishia na kilala niya?
________________________________________________________

Bidani Mansion.

Dumating ang congressman na si Julio Bidani. Na tila pinag-iisipan ang kanyang balak gawin laban sa mga taong 
umaresto sa kanya.

Cong. Bidani: Peste, hindi ko akalain na maiisahan ako nang reporter na yun. Masiyado na siyang nakikielam. Pati na ang mga pulis na yun. Ang akala ko ba meron tayong mga tao sa loob?

Jervic: Pa meron ang kaso lang, masiyadong mahigpit ang pag-babantay sa kanila. Mukang dahil din yun sa bagong PNP-Chief na naka-upo ngayon.

Cong. Bidani: Hindi na mahalaga kung sino pa siya, ang gusto ko lang ma itumba ang reporter na tumira sa akin. Hindi ko papayagan na isang hamak na journalist lang ang mag-papabagsak sa pangalan ko.
______________________________________________________

PNP  Main HQ.  

Kasama si Krishia, pumunta si Kyro sa main HQ nang PNP, upang makipag kita sa pinakang in-charge sa kasong ito.

Krishia: Heto na tayo.

Binati naman ni Krishia ang mga pulis na kanyang ka kilala. At hanggang sa makarating na sila sa opisina nang PNP-chief.

Krishia: Heto na tayo.

Kumatok si Krishia sa pintuan, at kaagad pinatuloy silang dalawa. Sinalubong naman sila nang isa sa mga tauhan nang PNP-chief.

PNP police:  Krishia ikaw pala, anong sa atin ngayon?

Krishia: Gusto ko lang maka-usap si Chief puwede ba siya?

PNP Police: Mukang wrong timing ka, medyo mainit ang ulo ni boss dahil sa pag-kakalaya ni Bidani, pero sige puwede mo siyang kausapin baka sakaling mahimas-masan siya  kapag nakita ka.

Krishia: Okay salamat kung ganon.

PNP Police: Teka sino naman yang kasama mo? 

Krishia: Boyfriend ko.

PNP Police: Hah ano? Boyfriend?

Tuloy-tuloy nalang pumasok ang dalawa ni Kyro sa opisina nang PNP-Chief.

Krishia: Chief kumusta na? 

Nag-salita ang hepe nang buong PNP Force, na tila galit sa nang-yari.

PNP-Chief: Wala ako sa mood sa pakikipag-usap sa inyo ngayon, kaya kung puwede lang. Lumabas muna kayo.
Humarap ang naturang PNP-Chief sa kanila, at laking gulat ni Kyro kung sino ito.

Kyro: P-Papa?

PNP-Chief: Kyro?!

Ito pala ay walang iba kung hindi ang ama ni Kyro, na si Kenneth Anjelo. Ang bagong talagang PNP chief.
Tila nag-taka ang binata dahil sa pag-kakataong ito, nasa harap niya ang isa sa pinaka-mataas na pinuno nang sandatang pulisya sa bansa nila.
__________________________________________________________

Balik sa GINGA cafe, tila inis na inis si Marina sa babaeng si Krishia. Dahil sa asta nito. Halos padabog kumilos ang babaeng Agent, at ilang sandali pa nakabasag siya nang isang kumpol nang mga platito.

CCCRRRAAACCCCKKKKK

 Mei: Anong nang-yari?

Sherry: Ate Marina!!

Marina: Pasensiya na, nadulas sa kamay ko, hayaan niyo Miss. Mei, babayaran ko nalang ito.

Mei: Huwag na... sa tingin ko kailangan mo munang lumabas Marina, masyado mo atang iniisip yung mga nang-yari kanina. Sige na kami na muna ang bahala dito.

Marina: Pasensiya na po uli.

Pansin naman ni Mei na tila napapaisip si Marina matapos mag-pakita ang dating kasintahan ni Kyro. Hinubad muna ni Marina ang kanyang apron, at lumabas muna ito saka tumambay sa likuran.
Umupo muna siya at huminga nang malalim saka isinigaw ang inis niya.

Marina: AAAAAAAAHHHHHHHH

Nang-matapos sumigaw. Bigla naman lumabas si Miguel mula sa itaas dahil sa nagulat siya sa pag-sigaw ni Marina.

Miguel: Hoy ano ba ang isinisigaw-sigaw mo diyan?

Marina: Miguel? Teka anong ginagawa mo, diba may trabaho ka pa.

Miguel: Break time ko, dapat nga ako ang nag-tatanong sa iyo niyan, bakit ka sumigaw nang ganyan? Ano bang problema mo?

Marina: Wala, medyo naiinis lang ako.

Miguel: Naiinis...saan naman?

Marina: Huwag ka nang mag-tanong, sige diyan ka na. may kailangan pa akong gawin.
Paalis sana si Marina nang bigla namang nag-parinig si Miguel tungkol sa nang-yari.

Miguel: Siguro naiinis ka dahil nalaman mo na ang partner mo ay may tinatago palang secret girlfriend. At isa pa naiinis ka dahil siya ang kasama nito at hindi ikaw, tama ba?

Tila na inis si Marina sa sinabi ni Miguel sa kanya.

Marina: Ewan bahala ka na nga sa iniisip mo diyan!

Tuluyan nang umalis si Marina at iniwan si Miguel sa likod. Ngunit pansin din nang binata na tila merong kakaiba ngayon sa kasamahan.
______________________________________________________

Ikinagulat ni Kyro na ang Papa niya ang bagong head nang PNP Force.  At hanggang ngayon nag-tataka ito kung bakit ngayon lang niya nalaman ang lahat.

Kyro: Teka Papa, anong ibig sabihin nito? Kailan ka pa naging head nang buong PNP?

PNP Chief Anjelo: Last month lang. Bakit nagulat ka? Hindi ka ba sinabihan nang Mama mo o pati na nang Ate Mei mo?

Kyro: Hindi eh, nagulat na nga lang ako. Papaano nang-yari yun?

PNP Chief Anjelo: Mukang abala ka nga nitong mga nakaraang buwan, pati siguro si Mei hindi na nabangit sa iyo. Well anyway, narito ka rin lang. Nais kong hiramin ka sa GINGA para tuldukan na ang kaso ni Congressman Julio Bidani. Pinapunta ko si Krishia sa iyo, para kumbinsihin ka.

Kyro: Krishia, ano ba talaga ang trabaho mo kay Papa bukod sa pagiging journalist?

Krishia: Sa kanya ako kumukuha nang mahahalagang impormation, at ang lahat nang gustong sabihin niya, sinusulat ko at direkta kong inilalabas sa pahayagan namin.

PNP Chief Anjelo: Sa lahat nang mga media at reporter diyan, sa kanya lang ako lubos ang pag-titiwala, at bukod pa doon, hindi ko maabot ang posisyon na ito kung hindi dahil sa tulong narin niya. Anyway, gusto kong malaman mo ang kasong puwede mong hawakan, mag-papaalam na ako kay Chief Insp. Marcus para hiramin ka. Heto ang folder, gusto kong matapos mo ito sa lalong madaling panahon.

Kyro: Pero Papa, parang nakakahiya naman ito sa mga tauhan mo mula dito. Bakit hindi nalang sila? 

PNP Chief Anjelo: Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon dito ngayon, basahin mo nalang yan at diyan mo malalaman ang lahat nang impormation na kailangan mo, huwag kang mag-alala naka-alalay naman ang buong task force ko para sa mga bagay na kakailanganin mo.
 ________________________________________________________

Sa apartment ni Krishia, binasa ni Kyro ang laman nang folder. Kung saan nadito na lahat nang impormation na kailangan niya. Sinuri niyang mabuti ang bawat detalye, ang suspect, uri nang droga pati narin ang posibleng taguan nang mga ito.

Kyro: Ayon dito, hindi lang si Congressman Bidani ang siyang sangkot sa illegal na gawaing ito, kasama rin niya dito ang ilan sa mga negosiyante, at ilang kilalang opisyal sa militar at PNP.

Kirshia: Tama ka, magugulat ka nalang, na ang dating ex-pnp chief ay kasabwat sa nang-yayari. (Ibinigay ang isang tasang kape).

Kyro: Teka si PNP Chief Costodio Simon ito ah, bakit nga pala siya na release sa puwesto?

Kirshia: Dahil diyan sa hawak mong folder, nariyan ang ilang katibayan na kasabwat siya ni Congressman Bidani, pero walang maisumite na matibay na ebidensiya na puwedeng mag-pakulong sa kanya, kaya ang ginawa nalang nang oumbudsman, i-realese nalang siya.

Kyro: Sandali ano ang drogang ito? Anong epekto nito sa tao.

Krishia: Muka lang siyang chewable candy, pero hindi mo aakalain na isang ectasy ang bagay na iyan, at ang ilan naman ay cocaine, shabu, pati na heroin. Kadalasan sa mga party o patagong lugar lang sila nag-ooperate. Pero ang mas nakakabahala dito, ay yang ecstasy, alam mo bang maraming  kabataan na ang siyang na biktima niyan. Kama-kailan lang merong isang babae ang naging biktima nang rape at homicide, at pina-niniwalaang ang gamot nayan ang siyang naging rason sa insidente.

Kyro: Mukang naka-babahala nga ito. Pero sa ngayon, mag-sisimula muna tayo sa mga bunga. Kailangan maipon natin ang ebidensiya laban sa mga taong ito, pero bago magawa yun.

Krishia: Teka anong iniisip mo?

Kyro: Kailangan ko nang mas malaking team at intel, para mapadali ang trabahong ito. Hindi ko kakayaning mag-isa ito lalo na at isang malaking sindikato ang mga taong nasa likod nito.
____________________________________________________________

Habang nag-uusap ang dalawa ni Kyro at Krishia, ay hindi nila alam na merong isang armadong groupo ang siyang nasa harapan nang naturang apartment. Inutusan nito nang isa sa kanila ang kumalat at palibutan nang nasabing bahay.

Nag-patuloy lang sila sa pag-uusap, nang marinig nila Krishia ang malakas na batok nang mga aso.

Kyro: Teka bakit ang ingay ata nang mga aso dito?

Krishia: Oo nga ano, nakakapag-taka naman.

Pero si Kyro, tila naramdaman na meron nang umaaligid sa kanila. Isinuot niya ang kanyang Gun Vision Shade. Para malaman ang lagay nang paligid.

Kyro: Krishia, mag-tago ka muna.

Sa labas, naka-palibot na ang dalawang tauhan ni congressman. At nakahanda na silang pumasok sa loob.  Ngunit bigla nalang.

BBBBBBBBOOOOOOMMMMSSSSSSS

Papasok palamang sila ay bigla nang sumabog ang naturang pintuan, at ito ay kagagawan lahat ni Kyro.  Ngunit kaagad na merong sumunod na apat sa kanila, at pinaputukan nila si Kyro. At nakipag-palitan nang putok.

BRATATATATATATATA

Naka-pag tago naman kaagad nang mabilis ang binatang detective.

Henchman: Ano yun?

Henchman: Sa itaas yun, tara bilis!

Na-alarma na ang ibang armadong lalaki, at nag-madali na silang puntahan ang target. 
__________________________________________________

Samantala sa mansion ni congressman Bidani. Hinihintay parin niya ang tawag kung may balita na ba sa lakad nang kanyang mga tauhan.

Cong. Bidani: Ano Jervic may balita na ba sa mga tauhan mo? Napatay na ba nila yung reporter nayun.

Jervic: Wala pa po pa, pero nakaka-sigurado ako naroon na sila sa bahay na tinutuluyan nang journalist nayun. 
Mag-hintay lang tayo.  Mamaya lang may-balita narin tayo sa kanila.

Cong. Bidani: Dapat  lang dahil malilintikan tayo sa mas nakakataas kung hindi ito maayos.

*Mukang malaki ang problema mo ngayon, congressman.*

Laking gulat nalang nang mag-ama na merong nag-pakita sa kanila, at ito ay walang iba kung hindi si.

Cong. Bidani: Master....Primo.

Si Primo ang pinaka-mataas na boss nang-dranixs. Ano kaya ang ibig-sabihin nito? Kasabwat din ba ang dranixs sa pag-papakalat nang mga iligal na gamot?

At si Kyro at Krishia ano na kaya ang nang-yari sa kanilang dalawa? 

Case Continued…





No comments:

Post a Comment