All the characters in this series have no existence whatsoever outside the
imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or
names. They are not even distantly
inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely
invention.
Ang nakaraan sa special detective gunver....
Knives: Nabuwilyaso na ang trabaho ko ng
dahil sayo, ngayon Manood na lang kayo, dahil ito ang tunay na ako!
Draig
Changer!
Draiger:(Ipinakita ang badge) Special police Draiger! Inaaresto kita sa
lang pag-patay ng mga inosenteng tao sa lugar na ito! Sumama ka sa akin, kung
ayaw mong masaktan!
Si knives na inakalang isang kriminal ay ipinakita na
ang tunay niyang katauhan, bilang si Special Police Draiger.
Gamit ang
anking talento, tinalo ni draiger ang mga negative na bumihag sa mga taong nasa
isang convention hall.
At ng matalo ang lahat ng kalaban.
Nag-pakilala siya sa tunay na katauhan bilang si.
Miguel: (Nakasaludo) Corporal Miguel Anthony
Fajardo, Serial Number 003-918-04, member ako ng elite task force group na Hawk
squad na pinamumunuan ni Captain Kaiza Anjelo, at kasalukuyang undercover agent
ni Gen. Emilio Ratio para sa unsolved case tungkol sa dranixs.
Samantala sa Dranixs Aquariume base.
Nasa kanyang labaratoryo niya si
Quinta, at pinanuod ang nang-yaring kaguluhan. At ginulat din siya ng kanyang
nakita, ang akala niyang kriminal na si knives, ay isa palang tauhan ng GINGA.
Quinta: Humanda ka sa akin, knives...kung
hindi ka nagawang tapusin ni Levaiton, ako mismo ang kikilos para tapusin ka.
Case 35: Battleground
Sa isang underground area, ginaganap
ang isang madugong pakikipag-laban ng mga kinikilalang blood fighters, ang
systema ng laro ay ang matira matibay.
Ngunit ang hindi alam ng nakararami, isang madilim na sikreto ang nang-yayari
sa loob ng patimpalak.
Male Fighter: Huwag! Maawa ka! Huwag!
HUWWWWAAAAGGGG!!!
BBBBAAAAAGGGGGGG
Pinatay ang isang manlalaro at tinabunan ng buong
cemento ang katawan, dahil sa pag-katalo niya sa nakalaban nito.
Isa nanamang ba itong krimen na reresolbahan ni kyro
at ng mga kasama niya.
_______________________________________________________
Ilang araw matapos ang hostage taking sa MOA
convention hall, ipinatawag ni Gen. Ratio si mei upang sabihin na ililipat sa
kanya ang panga-ngalaga kay Corporal Miguel Fajardo, para makatulong ito sa
kaso laban sa dranixs.
Gen.Ratio: Agent Martin, sayo
ko na ililipat ang custody para kay corporal. Fajardo, malaki ang maitutulong
niya laban sa kampanya nito sa dranixs, i hope na magamit niya ang lahat ng
natutunan niya kay Captain Anjelo.
Mei: Umasa po kayo
general. Kung ano ang inituro ni kaiza sa kanya, dadag-dagan ko pa ito.
_____________________________________________________
GINGA Coffee shop.
Kasalukuyang kumakain ngayon ng hamburger at fries si
miguel habang sila kyro at ang iba ay abala sa pag-tulong kay mei sa mga
costumer na dumadating.
Kyro: (Na-aasar)
Nakaka-buwiset na ito.
Napapasin kasi ni kyro na tila walang ginagawa si
miguel kung hindi kumain lang, at mag-laro ng portable video game na hawak
niya.
Ilang sandali pa ay nilapitan na niya ito para
pag-sabihan.
Kyro: Hoy Miguel! Kung
wala kang ginagawa, puwedeng tulungan mo kami? Kanina pa maraming tao dito. Ni
isang kibo para tumulong wala akong nakita sayo.
Tila walang narinig ang binatang pulis dahil sa
nakasuot siya ng headphone habang nag-lalaro.
Kyro: Talagang iniinis ako
nito!
Hinablot ni kyro ang suot na headphone ni miguel, at
ang kanyang pag-lalaro ay naputol.
Miguel: Teka! Badtrip ka
naman kyro, kita mo namang malapit na akong matapos sa nilalaro ko.
Kyro: Hoy! Kung gusto mong
tumira dito, matuto kang mag-trabaho. Hindi puro ganito lang ginagawa mo.
batugan!
Mei: (Sa sarili) Parang
sinabi ko na sa kanya yun dati ah.
Parang na-alala naman ni mei ang mga sinasabi ni kyro,
dahil noong unang dumating siya sa shop, ay ganito din ang pag-uugali nito,
batugan at tamad.
Miguel: Bakit trabaho naman
ang ginagawa ko dito ah? Saka pumayag si general na dito ako tumira, para
makatulong sa inyo.
Kyro: Makatulong? Eh hindi
mo pa nga sinasabi sa amin ang sikreto ng dranixs? Hanggang kailan mo ba kami
paiikutin hah! At ano yung sinasabi mong illuminati? Sabihin mo na para matapos
na ang lahat ng ito!
Miguel: Sinabi ko sayo may
tamang oras para diyan, sa ngayon pag-handaan muna natin ang mga hakbang na
gagawin pa nila.
Muling kinuha ni miguel ang kanyang portable video
game at nag-laro muli. At dahil sa ginawa niya lalong nainis si kyro.
Kyro: Asar! Makakapatay
ako dito!
At habang hindi makapag-pigil si kyro, siya namang
merong tumigil na sasakyan sa labas. At isang babae ang nakasakay dito.
Sherry: Teka ate
marina...hindi mo ba sila pipigilan?
Marina: Hmp! Pabayaan mo
sila, mga siraulo ang mga lalaking yan.
Maya-maya pa ay pumasok na ang babaeng sakay ng kotse.
At winelcome siya ni sherry sa shop.
Sherry: Ah welcome po!
Nag-salita ang babae, at hinanap nito si kyro bilang
isang detective.
Babae: Excuses me, narito
po ba si detective kyro anjelo?
Mei: Kyro, mukang may
kliyente ka.
Natigil ang pag-babangayan ng dalawa, ng makita ni
kryo ang isang magandang babae na nasa harapan niya ngayon.
Kyro: Teka anong
maipag-lilingkod ko sa inyo?
Nag-pakilala ang babae. Bilang si.
Madison: Ako si madison bale,
nais kong paimbestigahan ang nang-yayaring krimen sa underground arena.
___________________________________________________
Sa Underground base ng GINGA cafe.
Pinag-usapan ng nila kyro at ng nag-pakilalang si
madison ang tungkol sa krimen na nang-yayari sa tinutukoy nitong underground
arena.
Binigyan ni marina ng isang tasang kape ang kanilang
bisita.
Marina: Heto, inumin mo
muna.
Madison: Salamat.
Kyro: So Ms. Bale, ano ang
tungkol sa underground arena ang sinasabi mo? At anong klaseng krimen ba ang
nang-yayari doon.
Madison: Tungkol ito sa mga
fighters, na kalaunan ay natagpuan nalang patay sa mga iba’t ibang lugar dito
sa lunsod.
Kyro: Ano? Parang hindi ko
ata nababalitaan yan ah. marion, may impormation ba tayo tungkol sa kasong ito?
At pati na ang tungkol sa underground arena na tinutukoy ni Ms. Bale.
Marion: Sige titingnan ko.
Kaagad sinearch ni marion ang tungkol sa kaso. At
ilang sandali pa ay nakita na nila ang tungkol dito.
Marion: Heto na.
Lumapit naman si Miguel para tingnan din ang kaso.
Marion: Underground arena,
isang battleground trounament na tinitipon ang lahat ng mga magagaling na
fighters sa mundo. At ang tawag sa mga fighters na ito ay blood fighters, kung saan ang concepto ng
laro ay matira ang matibay hanggang sa huli.
Kyro: Ang tungkol naman sa
kasong pag-patay sa mga nasabing fighter?
Marion: Heto, matagal na ang
kasong ito na hawak ng NBI noon, sinasabi sa bawat angulo sa pag-patay ay
nilalagyan ng cemento ang buong katawan ng biktima. Ngunit walang malinaw na
dahilan ang pag-patay, kaya hindi na ipinag-patuloy ng NBI ang kaso, dahil sa
kakulangan ng ebidensiya at ng testigo.
Miguel: Kaya naisipan mong
lumapit sa amin Ms.Bale?
Kyro: Teka nga, ano ba ang
dahilan kung bakit mga fighters ang binibiktima? Sabihin mo nga meron bang
nang-yayari sa underground arena na illigal? At sa tagal ng panahon, bakit
ngayon mo lang na isipang lumapit sa GINGA?
Nag-salita si madison tungkol dito.
Madison: Ang totoo niyan,
natatakot ako para sa buhay ko, na baka ako mismo ang balikan ng suspect o kung
sino man yung taong pumapaslang sa mga kliyente namin, pero ngayon na binigyan
ako ng lakas ng loob, para sabihin kung
ano ba talaga ang nang-yayari sa kalakaran ng underground arena kung sasama
kayo sa akin. Heto ang paunang bayad ko, basta ipangako niyo lang na maisasara
niyo ang kasong ito. Para sa lahat ng naging biktima.
Nag-bigay ng paunang bayad si madison para sa gagawin
nilang pag-iimbestiga. Ngunit tila may bumabagabag kay miguel.
_________________________________________________________________
Kinagabihan kinausap ni miguel si kryo para sabihin
ang kanyang hinala tungkol sa kaso.
Kyro: Ano nanamang problema
mo?
Miguel: Wala naman, gusto
lang kitang makausap tungkol sa kasong hahawakan mo, gusto ni Ms. Mei na ako ang
makasama mo sa pag-kakataong ito.
Kyro: At bakit naman ikaw?
Si marina ang partner ko, kaya siya ang dapat na kasama ko dito.
Miguel: Sira ka din ano!
Kyro: Anong sabi mo!
Miguel: Sa tingin mo bakit
parang walang suspect na lumabas sa imbestigation ng NBI?
Kyro: Anong ibig mong
sabihin!
Miguel: Huhulaan ko, isang
negative ang may-kagagawan ng lahat ng krimen na ito.
Kyro: Negative? Paano mo
naman nasabi.
Miguel: Malinaw na sa akin
kung bakit walang suspect na lumabas, at dahil yun sa negative nga ang gumawa
nito, sino ba ang may kakayahan na gumawa ng ganon mga bagay, ang mga
illuminati diba. Sila lang ang may kakayahan na kontrolin ang isang bagay ng
patago.
Inilabas ni Miguel ang litrato ni Madison Bale. At
ipinakita niya ito kay kyro.
Miguel: Itong babaeng ito,
isasama ko siya sa primary suspect, pupunta tayo sa underground arena para
mag-imbestiga. Ngunit sa paraan na ako ang masusunod.
Kyro: Teka bakit naman? At
sandali nga ano naman ang magiging papel ni marina dito.
Miguel: May ipagagawa ako
kay marina na isang bagay na siya lang ang may alam, at tayong dalawa sa loob
tayo mismo ng kuta ng kalaban. At ipinapangako ko sayo, sa oras na ma solve natin ang kasong ito, sasabihin ko na sayo ang
nalalaman ko tungkol sa dranixs.
Tila isang malaking laro naman ang iniisip ni miguel
sa mga oras na ito.
________________________________________________________________
Sa sinasabing Underground Arena.
Nag-pulong ang matataas na opisyal sa sinasabing
patimpalak, upang talakayin ang tungkol
sa mga man-lalaro at ang mga bisitang darating para pumusta.
Council1: Nalalapit na ang
plimilinary match ng battleground, chairman bale.
Ang tinutukoy na chairman ng sinasabing underground
arena ay si Francis Bale, isang sikat at mayamang fight promoter sa kasay-sayan
ng contact sport. At siya ang nakakatandang kapatid ni Madison bale.
Chairman Bale: (Nag-sindi ng tobacco
at humithit ito) Kailangan maging successful ang event na ito, dahil sa laki ng
sponsors at investment na ipinasok sa atin ng ilang promoters. Gusto kong
maging epic, madugo at brutal ang lahat ng magiging laban. Kahit na merong mga
banta sa buhay ng mga fighters natin.
Council2: Ang tinutukoy niyo
ba, ay ang killer cement na yun?
Chairman Bale:Oo pero huwag na
kayong mag-alala, dahil ginagawan ko na ng paraan ang problemang yan, nag-handa
na ako ng extra security para sa mga puwede pang mang-yari. (Humihit muli ng
kanyang tabacco) at kung sino man ang taong yun, hindi nila tayo mapipigilan sa
puwedeng mang-yari.
_______________________________________________________
At dumating na nga ang araw ng sinasabing plimilinary
fight sa underground arena. Ang battleground.
ANO!!!
Ito ang sigaw ni kyro sa labas ng arena, kung saan
pinag-tinginan siya ng mga tao. Dahil sa siya ay inirehistro ni miguel bilang
isang fighter na lalaban sa battleground.
Kyro: Huwag mo nga akong pinag-lololoko!
Bakit mo ako isasali sa isang tournament na kagaya nito? At isa pa, kaso ang
ipinunta natin dito, hindi ang sumali sa event!
Miguel: Yun na nga diba,
undercover ang gagawin natin, at isa ito sa paraan para makapag-imbestiga tayo
ng malaya, at huwag kang mag-alala, dahil alam kong kayang-kaya mo ang mga
kalaban.
Kyro: Sira ulo kang bata
ka, eh sino ang gagawa ng mga dapat kong gawin? At saka bakit hindi nalang ikaw
ang lumaban, total ikaw ang expert sa pro-wrestling.
Miguel: Ayaw ko, sasakit
lang ang katawan ko diyan, at isa pa may injury pa ako sa likod noong nakaraan.
Kaya ikaw nalang, total expert ka naman sa mix martial arts, kaya bagay na
bagay ka sa trabahong ito ngayon.
Ilang sandali pa dumating na si madison para sunduin
sila miguel.
Madison: Miguel! Kyro!
Miguel: Uy nadito na pala
ang susundo sa atin.
Ngunit lingid sa kanila na merong nag-mamasid mula sa
itaas.
Miguel: Siya nga pala kyro,
alam na ni madison na kasali ka sa tournament, at ikaw ang magiging pambato
niya laban sa mga fighter ng kanyang kapatid ang chairman na si Francis bale. Kaya
pag-butihan mo, malaki ang makukuha mo kung sakaling manalo ka...hehe ma-idadate
mo pa si marina kung gugustuhin mo.
Kyro: Tch! Bahala na,
basta kailangan matapos ang kasong ito, at hindi ko nakakalimutan ang pangako
mo, ang tungkol sa dranixs.
Miguel: Oo na! Pangako ko
sayo ang bagay na iyan.
Madison: Ah kyro, sumunod ka
sa akin, para makita mo ang listahan ng mga makakalaban mo, ibibigay ko narin
ang gear na gagamitin mo para sa match.
Kyro: Oo…
Sumunod si kyro
kay madison para alamin ang nasa listahan, ngunit habang nag-lalakad ito
ay hindi ito naka-tingin ng deretcho at meron siyang nakabangang malaking
lalaki.
BAAAAAAAAAGGGGGG
Kyro: ARAY!
*ANO BA, HINDI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO!*
Nag-salita ang lalaki ng napakalakas, at napatingin
nalang si kyro sa laki nito.
Kyro: Aba lokong ito
ah----
Madison: Ah sandali lang!
Akmang sasagutin ni kryo ang lalaking nakabanga niya,
ngunit humarang si madison para, awatin ito.
Madison: Mr. Breaker, my
apologize, hindi sinasadya ng kliyente ko ang mabanga ka, sorry. Hindi na ito
mauulit.
Breaker: Dapat lang! Sa susunod
tumingin ka sa dinadaanan mo.
Madison: I’m so sorry again
Mr. Breaker.
Samantala kakaibang paningin naman ang makikita sa mga
mata ni miguel. At pag-katapos noon umalis na ang naturang fighter.
Kyro: Teka sino ba ang
matandang yun, kung makapanindak siya ang akala mo kung sino, porket malaki
lang ang kanyang katawan!
Madison: Sa susunod mag-ingat
ka, ang naka banga mo ay isang professional MMA fighter siya si Vlad Breaker.
At siya ang nag-hahari ngayon dito sa mundo ng underground arena, possibleng
makalaban mo siya. Kung makakarating ka sa finals.
Kyro: Ganon ba, mukang
kailangan atang isali namin siya sa listahan ng mga suspect, kailangan pala
talagang manalo ako dito, para malaman kung sino talaga ang salarin.
_______________________________________________________
Dumating naman si marina sa HQ ng NBI, humanap ng
ilang mga files tungkol sa kasong hawak nila ngayon.
Marina: (Bumaba sa gun
racer) Sige, tingnan nating kung anong meron dito.
Nag-tungo si marina sa loob ng HQ ng NBI para
mag-hanap ng impormation tungkol sa kaso ng cement killer.
__________________________________________________________
Nag-tungo naman si miguel sa may bandang likuran ng
nasabing hall. Ang isang case ang inilabas nito at binuksan.
Miguel: My oh my, security
camera bug, ibang klase na talaga ang GINGA, hindi na uubusan ng pakulo. Sige
sa inyo ko nalang ipauubaya ang lahat.
Pinindot ni miguel ang Gun sequencer ni kyro, at
pina-kalat nito ang lahat ng security camera bug sa paligid.
Miguel: Ok, tapos na sa
phase 1, oras na para sa phase 2...kyro ikaw na ang bahala sa mga yan.
At habang nag-lalakad ito pabalik ng hall, ay bigla
naman.
BRRRAAAACCCCCCKKKK
Isang supresang pag-atake ang sumalubong sa binatang
pulis. ngunit mabilis itong naka-iwas, at ang mga bagay na nasa paligid ay
tinamaan nito at naging simento.
Miguel: Anak ng! Isang
negative?
Nasa harap ngayon ang cement negative na sinasabing
salarin sa pag-kamatay ng mga naturang fighters.
Muling umatake ang cement negative kay miguel, ngunit
umiwas muli ang batang pulis, at inilabas ang kanyang draig driver at gumanti
ng putok.
BANG!-BANG!-BANG!
Miguel: Mukang wala na akong
ibang choice.
*DNA SCAN COMPLETE!* ito ang sabi ng male
voice ng draig driver, at pumuwesto si miguel at
isinigaw ang katagang.
Miguel: Draig Changer!
Nag-bago ng anyo si miguel bilang si special police
draiger. At nilabanan niya ng buong husay ang kalabang negative.
Draiger: Ayos! Laban na!
_______________________________________________________
Sa loob ng lockeroom, nakahanda na si kyro para sa
gaganapin na battleground tournament. At ilang sandali pa tinawag na siya ng
isang staff para mag-handa sa laban.
Staff: Kyro Anjelo, humanda
ka na...ikaw na ang susunod.
Kyro: Oo nadiyan na.
Isinuot ni kyro ang kanyang gloves, at ang kanyang
itim na t-shirt.
Kyro: Simulan na natin
ito.
Sumunod si kyro sa staff, at lumabas ng locker room.
Tila kinakabahan din ang detective dahil sa unang-beses niyang gagamitin sa
actual na laban sa isang tournament ang kanyang MMA skills.
Ilang sandali pa, nakarating na si kryo sa octagon
arena, kung saan ginaganap ang mga laban. Lumapit naman si madison para sabihan
si kyro tungkol sa mga rules.
Madison: Kyro!
Kyro: Madison?
Madison: Alam mo na siguro ang rules, hindi ito kagaya
ng mga MMA matches na ginaganap sa UFC, mag-iingat ka, puwede kang patayin
mismo ng makakalaban mo. at alam ko sa oras na ito nasa paligid lang ang
suspect sa mga nang-yayari.
Kyro: Naiintindihan ko.
Madison: Sige good luck!
Ilang sandali ay nag-sigawan ang mga tao dahil sa
pina-bagsak ng isang fighter ang kanyang kalaban. At ang fighter na ito ay
walang iba kung hindi si Vald Berker. Ang taong nakabanga ni kyro kanina.
WWWWWHHHHHHOOOOAAAAAHH.
*Grabe ang galing talaga ni breaker. Ibang klase,
nakakatakot kung siya mismo ang makakalaban mo*
Ito ang sabi ng mga manunuod na mang-hang-mangha sa
kakayahan ni vald bereaker bilang isang pro-fighter.
At ng makababa na siya sa octagon arena, naka-tingin
siya kay kyro, na kasali pala sa naturang tournament.
Breaker: HAHAHAHAHA....hindi
ko akalain na kasali ang isang lampayatot na kagaya mo, puwes tingnan natin
kung may ibubuga ka ditto bata!
Kyro: Huwag kang
mag-alala, ang totoo niyan, meron na akong nakalaban na mas halimaw pa sayo, at
natalo ko sila ng hindi man lang pinag-papawisan, makikita mo sisiw lang sa
akin ang mga ito. At isusunod kita sa kanila. Bakulaw!
Ilang sandali pa tinawag na si kyro ng ring announcer,
upang simulan na ang kanyang unang laban.
Pumasok na ang binata sa loob ng octagon arena, at
hinubad ang kanyang t-shirt.
Kyro: Ipapakita ko sa inyo
kung anong kaya ko!
Pumorma na si kyro para makipag-laban sa battlegournd
tournament.
_________________________________________________________________
Kinuha naman ni marina ang lahat ng files tungkol sa
mga namamalakad ng underground arena, upang pag-aralan lahat ng information na
puwede nilang makuha, at kasama narin ang listahan ng mga tao sa kumite nito.
NBI Agent: Agent Asol, heto na
ang hinihingi mo, sana makatulong ang mga yan sa imbestigation na gagawin niyo,
matagal ng isinara ng NBI ang kasong yan dahil sa walang lumulutang na suspect.
Marina: Maraming salamat,
ako na ang bahala dito, malaking tulong na ito.
________________________________________________________________
Nakikipag-laban parin si Draiger sa negative na
humarang sa kanya, at si kyro naman ay nag-simula ng makipag-laban sa octagon
ng battleground. Ano kaya ang kahihinatnan ng kasong hawak nila ngayon?
Mag-tagumpay kaya silang makita ang salarin ng kasong ito.
Case continued.
No comments:
Post a Comment