Saturday, September 5, 2015

Case 34: Tunay na pag-katao.




All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.

Sa pag-papatuloy ng kuwento....

Gunver: Hindi Knives!!!

Kasalukuyan ngayon na naipit sa labanan sila Gunver at Snider sa mga negative, at ang kriminal na si knives ay tila hindi na nila palulusutin pa sa pag-kakataong ito.

Magawa kaya ni Gunver na iligtas ang buhay ng isang kriminal sa kamay ng kanyang ka-away? 



Case 34: Tunay na pag-katao.

Kasalukuyan paring naka-tusok ang mga sungay ng negative tricera kay gunver. Ngunit tila ata meron itong inaabot na isang bagay sa kanyang side pocket armor.

Gunver: Heto na!

*SD memory in...saber form* nag-bago ng form si Gunver at naging saber form ito, at dahil doon, inilabas niya ang kanyang Gun Saber, at hinati niya ang mga sungay na nakatusok sa kanyang body armor.

SLASH!

Pag-katapos sabay sipa sa kalaban at hanggang sa napalayo niya ito.

Gunver Saber: Knives! 

Umatake ang detective sa negative na umaatake kay knives, at isang slash sana ang ginawa nito, pero umiwas ng napakabilis ang petragon negative, at bumalik sa tabi ni levaiton.

Knives: Ikaw! Bakit mo ginawa yun?

Gunver Saber: Bakit? Wala naman particular na dahilan, trabaho lang ito, walang personalan...alam kong may dahilan kung bakit ka hinahabol ng mga dati mong kasamahan, at gagawin ko ang makakaya ko para protektahan ka.

BANG!

Ilang sandali pa ay nag-sipagtalsikan ang mga skullz at tuluyan na silang natalo, at ito ay kagagawan naman ni snider, gamit ang kanyang Snide Gatling, upang mabilis na maubos niya ang mga kalaban.

Snider: Mga abala kayo sa trabaho ko!

Levaiton: Aba, hindi ko akalain na matatalo mo ng ganon lang ang mga skullz na inilabas ko.

Nakipag-regroup naman si snider kay gunver. Ngunit tila merong inihahanda ang detective na isang plano para makatakas sila.

Snider: Anjelo, humanda ka mamaya pag-katapos nito! Dahil tatapusin ko kayong pareho ng kriminal nayan.

Gunver Saber: Kung magagawa mo!

Sabay nag-hagis ng flash bang si Gunver sa gitna nila Snider at Levaiton, at ng sumabog ito, mabilis niyang hinatak ang braso ni knives at nag-madaling tumakas.

Gunver Saber: Tayo na bilis!

Snider: Asar! Buwiset ka anjelo!

Nang humupa ang liwanag na dala ng flash bang, wala na ang dalawa ni Gunver at Knives, dahil tuluyan na itong nakatakas.

Levaiton: Errr...nakatakas sila! May-araw din kayo mga special police!

Umatras narin ang groupo ng dranixs at naiwan mag-isa si snider sa warehouses.
____________________________________________________________

GINGA Cafe.

Dinala ni kyro ang sugatan na si knives sa kanilang underground base at kaagad siyang humingi ng tulong sa kanyang mga kasamahan, para sa first aid.

Kyro: Tulong! Bilis kailangan ko ng tulong!

Kaagad tumugon si sherry at nagulat naman si marina at mei sa nang-yari.

Sherry: Kuya kyro!

Kyro: Sherry, tulungan mo ako dito bilis! Kailangan niya ng first aid!

Sherry: Ah oo sige kukunin ko lang ang mga gamit ko!

Kumilos naman agad ang dalagang nurse para asikasuhin si knives. Inihiga ni kyro sa kanilang sofa ang sugatang binata, at pag-katapos noon hinatak naman siya ni marina, at kinausap ni mei.

Mei: Kyro, sandali nga! Sino naman yang batang dinala mo dito?

Marina: Huwag mong sabihin na?!

Kyro: Si Knives yan! 

Marina/Mei: Ano!

Kyro: Marina alam mo naman siguro ang dahilan diba? Dinala ko siya dito para maitakas sa mga humahabol sa kanya, at kahit si clyde nag-tatangka narin, kaya minabuti ko na dalhin ko muna siya dito para maitago kahit papaano.

Mei: Pero ano pang dahilan mo?

Kyro: Dahil naniniwala ako na ang batang yan ang susi sa mga mysterio na itinatago ng dranixs. Kaya kailangan maging ligtas siya.
Patuloy lang na ginagamot ni sherry ang sugat na natamo ni knives mula sa labanan.
_______________________________________________________________

GINGA HQ.

Sa opisina ni General Director. Ratio, tila merong itong malalim na iniisip habang pinag-mamasdan ang bagong driver. Ngunit habang nag-iisip ay siya namang pumasok ang kanyang secretary na si kris.

Kris: General.

Gen. Ratio: Nadiyan ka na pala, mabuti naman at nakarating ka na, kumusta ang ipinapagawa ko sayo.

Kris: Ayos na po, nakarating na po ang mga arsenal na gagamitin para sa bagong driver user, ang candidate nalang po ang kulang kung sino man siya.

Gen. Ratio: Magaling kung ganon, siguro oras na para ipatawag ang taong yun, para gawin trabahong nararapat sa kanya. Kris, ihatid mo sa kanya ito, siguraduhin mong makakarating sa kanya ito in any cost.

Kris: (kinuha ang case at sumaludo) Opo!

Umalis si kris dala ang bagong driver, at makikita naman sa mga mata ng heneral ang kumpiyansa sa bagong taong gagamit nito.
________________________________________________________________

Dranixs Aquarium base.

INUTIL!

Ito ang malakas na sigaw ni quinta dahil sa pag-palpak ni levaiton sa pag-tapos kay knives.

Levaiton: Patawad po master quinta, hindi ko rin inaasahan ang pag-sulpot ng dalawang special police.

Quinta: Levaiton, alam mo bang nasa malaking peligro ngayon ang buong organisasyon natin? Alam ni knives ang tungkol sa mga bagay na sinabi ko sa kanya, at maaaring ngayon, alam narin ng mga taga GINGA kung ano ba talaga tayo! Umisip ka ng paraan kung paano mo magagawang tapusin ang kriminal na yun.

Maya-maya pa ay nag-salita na si Segundo tungkol sa bagay na ikinaiinit ng ulo ni quinta.

Segundo: Quinta, kung ako sayo hihinahon lang ako.

Quinta: At paano mo naman nasasabi ang mga bagay na iyan? Tandaan mo malaking problema itong kinahaharap natin ngayon!

Segundo: Talaga bang matalino ka? Kung matalino ka nga dapat ginagamit mo ang isip mo, hindi yung puro reklamo lang ginagawa mo, sinabi mo na diba, isang kriminal....siguro ang mas maganda nating gawin, gawin din ang ginagawa ng isang kriminal, pumatay ng pumatay! Ng saganon, lalabas ang hinahanap mo.  

At para saan pa ang mga ilang upgrade zero injection na ipinagawa niyo ni quwarta, kung hindi niyo naman lubos na gagamitin ang mga bagay na ito.

Lumapit ng bahagya si quinta at kinuha ang isang upgrade zero injection.

Quinta: Levaiton, bibigyan kita ng isa pang pag-kakataon, gawin mo ang asal ng isang kriminal... (Ibinato kay levaiton ang tube)

Levaiton: Masusunod po.

Quinta: Ngayon knives, sino sa atin ngayon ang tunay na kriminal.
_____________________________________________________

Balik sa underground base ng GINGA cafe.

Unti-unti bumabangon si knives mula sa kanyang mga pinsala na natamo. At nakita siya ni sherry na pilit na tumatayo.

Knives: Errrr

Sherry: Sandali! Huwag ka munang tumayo.
Inalalayan siya kaagad ni sherry, upang maka-upo man lang.

Knives: Errr...maraming salamat sayo, miss beautiful, pero mukang kailangan umalis na ako dito, baka malagay lang kayo sa panganib ng dahil sa akin.

Sherry: Sandali, hindi pa kaya ng katawan mo! Kailangan mo munang mag-pahinga kahit papaano.

Akmang tatayo si knives, ilang sandali lang ay, biglang pumasok si kyro sa loob.

Kyro: At saan ka naman pupunta?

Knives: Heh! Ikaw pala,

Kyro: Knives, walang kahit na anong criminal record mula sa kahit anong department, ni isang kaso wala karing kinasangkutan, at higit sa lahat walang identification kung sino ka bang talaga, sabihin mo nga...kriminal ka bang talaga?

Nakatitiglang si kryo kay knives.
__________________________________________________________

Sa mall of asia, kung saan nag-kakaroon ng isang malaking event, kaliwa’t kanan ang bawat mga tao na nakikisaya sa naturang party event na ginagawa sa lugar, merong rock concert, cosplay, at marami pang iba.

Ngunit hindi nila alam na meron palang isang panganib na paparating na siyang tatapos sa kanilang kasiyahan.

Levaiton: Hmp! Mukang puwede na ito, sige susubukan natin ang isang gawain ng isang kriminal... (Pinitik ang kanyang daliri)

*PICK!*

Hawaka ang tatalong Upgrade zero injection, ibinato ito ni levaiton sa tatlong nilalang na kasama niya.

Levaiton: Gawin niyo na...oras na para kumain kayo.
Sabay-sabay itinurok ng mga negative mga upgrade zero injection, at unti-unting nag-bago ang kanilang mga anyo, bilang mga extinct evolving species.
____________________________________________________________

Kinompronta ni kyro si knive, na tila merong itong gustong malaman dito.

Kyro: Sabihin mo! Sino ka bang talaga? Anong pakay mo, kung bakit mo kami tinulungan, at kung bakit ka nasa puder ng dranixs. Sumagot ka!

Knives: Yan ang mga bagay na...hindi ko puwedeng masagot, dahil merong mga sikretong hindi puwedeng mabunyag.

Kyro: Ikaw! Ano ba sa tingin mo ang mga bagay na ito!  Isang laro? Na nga-nganib na ang sangkatauhan dahil sa mga taong kagaya ng dranixs, hindi mo parin ba sasabihin kung ano ang mga dahilan na meron ka!
________________________________________________________________

Patuloy parin ang kasiyahan sa naturang event, ng mag-punta ang isang negative sa isang cosplay event. Isang cosplayer ang bumanga sa negative sa likuran.

Female cosplayer: Oh! Sorry, (Napansin ang costume) Wow ang astig naman ng costume mo! parang totoo ah, puwede bang mag-pa-picture kasama ka?

Akmang mag-lalabas ng kanyang camera ang naturang cosplayer, ngunit ilang sandali lang ay biglang bumuka ang bunga-nga ng tyrano negative, at kinain ang kalahati ng katawan ng kawawang bata.

Halos sumirit ang dugo at tumalsik sa mga taong nasa paligid.

GRRRAAAAAAAMMMMM

Tyrano: RRRRROOOOOOAAAAAR

Ng dahil sa nang-yari nag-kagulo ang mga tao at nag-madaling lumabas ng convention hall, ngunit ang hindi nila inaasahan ang pag-harang sa kanila ng mga negative pang nasa paligid, at dahil doon mas lalo pang nag-kagulo.

Levaiton: Patayin silang lahat! Hanggang hindi pa nag-papakita ang hayop na knives na yun!
____________________________________________________________

Kyro: Sumagot ka na! Ano ba ang nasa-sa isip mo?  sa nakikita kong hindi ka masamang tao,dahil sa mata mo palang, alam ko na isa kang mabuting tao.

Knives: Ako ay----

Alert!-Alert!

Mag-sasalita na sana si knives ng biglang tumunog ang buong alarm ng base.

Kyro: Anak ng! Seryoso?  Hay nako, mukang mapuputol ang pag-uusap natin, heto saluhin mo!

Ibinato ni Kyro ang isang hugis bar na bagay, at ito ay isang chocolate brownies na paboritong niyang kainin.

Kyro: Kainin mo yan, at wag mong kalimutang mag-pasalamat sa taong gumawa niyan....sherry, paki bantayan siya. May kailangan lang akong asikasuhin.

Sherry: Opo kuya kyro!
___________________________________________________________

Pumunta si kyro, sa loob ng command room nila upang tingnan ang nang-yayari.

Kyro: Anong nang-yayari?

Marion: Malaking problema, mukang desidido ang mga taga dranixs na makuha si knives, heto tingnan mo.

Ipinakita ni marion ang kuha ng sattelite footage ng GINGA mula sa nang-yayaring kaguluhan sa MOA.

Sinasabi sa video na ilabas niyo GINGA ang itinatago niyong kriminal, kung hindi papatayin namin ang lahat ng taong naririto.

Marina: Ang sama nila, hindi na maka-tao ito.

Mei: Kyro kumilos na kayo ni marina! Kayo nalang ang pag-asa ng mga taong naroroon!

Kyro: Oo, pero ate mei, ipangako mo na hinding-hindi makakalabas si knives dito sa base, dahil may mga bagay pa akong kailangan sa kanya.

Mei: Naiintindihan ko, sige kilos na!

Kumilos kaagad ang dalawa at nag-tungo sa lugar kung saan nag-kakagulo. 

Ngunit habang papaalis ang dalawa ni marina at kyro, tila merong iniisip na isang bagay si knives.
______________________________________________________________

Balik sa MOA, halos walang nagawa ang mga tauhan ng naturang mall para pigilan ang mga nag-aamok na negative, at kasalukuyan dumating din ang GINGA para pigilan ang nang-yayaring kaguluhan.

Levaiton: Hahaha, mukang walang balak ilabas ng GINGA ang hinahap natin, sige patayin niyo ang mag-tatangkang makielam! At huwag pakikitaan ng awa!

Umatake ang dalawang negative na si tyrano at tricera, sa mga tauhan ng GINGA na rumesponde, at winasak nila ang ilang patrol cars ng mga pulis.

Ngunit gumanti naman ng putok ang mga ito, pero mula sa ere, inatake naman sila ng negative na petragon, at pinag-pupugot ang ulo ng mga kawawang pulis at guwardiya.

Lalong natakot ang mga taong naroroon na hindi makalabas dahil sa banta ng mga negative.

Levaiton: Sinasagad niyo ang pasensiya ko! Kung hindi niyo ilalabas ang taong yun, pasensiyahan nalang tayo!

Dumampot si Levaiton ng isang babaeng biktima, at kaagad tinutukan ito ng baril sa kanyang sintido.

Babae: (Umiiyak) Huwag po! Huwag!

Levaiton: Pasensiyahan nalang tayo! Dahil wala pa ang kailangan ko, ikaw nalang muna sa ngayon ang pag-iinteresan ko!

Babae: HUWWWWAAAAAAGGGGG

BAAAAANNNNNNGGGG 

Isang putok ng baril ang dumagundong, at  laking gulat ng ilang mga pulis ang nan-yari,dahil sa nabitawan ni Levaiton ang kanyang sandata, at ang kawawang biktima ay naligtas. At kagagawan ito ni.

Levaiton: Mga pakielamero talaga kayo...special police!

HANGGANG DIYAN NALANG KAYO! DRANIXS.

Dumating ang dalawa ni marina at kyro sa eksena, at ang may kagagawan naman ng tama ng bala ay walang iba kung hindi si clyde gamit ang kanyang TAR-21. Kaagad itong bumaba sa kanyang pinupuwestohan at sumama sa dalawa ni kyro at marina.

Clyde: Hmp! Anjelo, may-atraso ka pa sa akin, baka nakakalimutan mo, nasa execution list ngayon ang itinatago mong kriminal na si Knives, at kung makikielam ka naman dito, pasensiyahan nalanga tayo.

Nag-salita naman si kyro.

Kyro: Tumahimik ka na diyan! Paparating na sila!

Kaagad bumunot ng kanilang mga driver ang dalawa ni marina at kyro, at pinag-babaril ang negative na papa-atake sa kanila.

BANG!-BANG!

Ngunit sa tigas ng balat nito at sa bilis ng kanyang pag-dating ni isang bala na tumama sa kanya ay walang talab. Mabilis namang umiwas ang tatlo, at inihanda ang kanilang mga sarili sa pag-babago ng anyo.

Kyro: Asar! Marina!

Marina: Oo! 

Akmang tumayo ang tatlo para mag-bago ng anyo, ngunit tila merong binabalak si levaiton.

Levaiton: Hindi ko kayo papayagan sa gusto niyo! 

Nag-bato si levaiton ng isang metallic ball kila kyro bago pa ito makapag-bago ng anyo, ngunit nabasa ni marina ang kanyang gagawin at nakaiwas muli ito, pero ang dalawang lalaking pulis ay hindi pinalad, dahil sa nag-lalaman ang metallic ball ng isang high voltage electricity na kasing lakas ng sa stun gun. Na siyang nag-parilasa kila kyro at clyde.

Kyro/Clyde: AAAAAAARRRRGGGGGHHHH

Marina: Kyro! Clyde!---

Bagsak ang dalawa at halos naging paralisado ang kanilang mga katawan, si marina naman ay sabay tayo at nag-palit anyo.

*DNA Scan complete!*

Marina: Zhapyra change!



Tagumpay na nakapag-bago ng anyo si marina bilang si zhapyra, at sinimulan naman ng mga negative ang pag-atake sa kanya.

Levaiton: Tapusin siya!

Walang magagawa si zhapyara kung hindi laban ng sabayan ang mga negative kahit na mag-isa lang siya, dahil sa pag-kakataon na ito ay hindi niya maasahan ang kanyang partner na si kryo dahil sa nang-yari sa kanya.
____________________________________________________________

Samantala sa underground ng GINGA cafe, tila merong iniisip na isang mahalagang bagay si knives. At maya-maya pa ay nag-pasiya na ito kung ano ang kailangan gawin.

Knives: Bahala na!

Tumayo ito at kinuha ang kanyang hoody jacket, at merong iniwan sa lamesa at doon tuluyan na siyang umalis ng hindi nararamdaman ng mga tao sa loob. Pero ilang sandali lang ay pumasok si sherry para tingnan ang kanyang binabantayan, ngunit laking gulat niya na wala na si knives sa silid.

At ang tanging naiwan lang doon ay ang isang papel na merong sulat na...salamat.

Sherry: Knives? Teka ano ito? Hindi kaya! Nakatakas siya.
____________________________________________________________

Kaagad nag-tungo si knives sa labasan, at tila nag-mamadali na ito. At sa pag-labas niya hindi niya inaasahan na meron siyang makakasalubong.

Knives: Mukang sinusundo mo na ako?
____________________________________________________________

BANG!-BANG!-BANG!

Sunod-sunod na pinag-babaril ni zhapyra ang kanyang mga kalaban, at habang bumabaril ay ginagamitan pa niya ito ng husay sa aikido.

Akmang umatake sa kanya likod ang petragon negative pero mabilis na umiwas ang babaeng agent, at gumanti ng putok.

BANG!-BANG!

Pero nasa harap naman niya ang tricera negative at nag-balak itong suwagin ang babaeng agent.

Zphayra: Hindi! ---arrrrggghhh

Kyro: (nahihirapan) Hindi! Marina!

Pinigilan pa ni zhapyra ang atake ng negative sa kanya. Ngunit sa lakas nito ay hindi niya ito nagawa. At habang pinipigilan niya ito, ay siya namang umatake sa kanya si tyrano, gamit ang buntot.

BAAAAAAAAAGGGGGG

Isang malakas na hampas ang tumama sa babaeng agent at tumalsik ito sa isang pader.

Zhapyra: AAAAAAAAHHHHHHHHHH

Kyro: Marina! Asar!

Unti-unti namang lumapit sa kanya si levaiton, at inilabas ang kanyang combat knife para tapusin na ang babaeng agent.

Levaiton: Ngayon, dito na babagsak ang inyong pakikielam mga taga GINGA, detective kyro anjelo, sabihin mo...nasaan si knives, nasaan siya! Kung mahalaga sayo ang buhay ng babaeng ito at ang buhay na ng lahat ng naririto, ituro mo kung saan ko siya matatagpuan! 

Tinutukan ni Levaiton si zhapyara sa kanyang leeg, at ang mga skullz at negative ay nakahandang tapusin na ang mga hostage nila.

Zhapyra: Kyro...

Kyro: Marina...patawad....Levaiton makinig kang mabuti! Nasa------

BRRRRRUUUUUUUUUUUMMMMMMM.

Mag-sasalita na sana si kyro ng biglang merong umeksena na isang kulay dilaw at itim na bigbike na siyang tumira kay levaiton ng laser at napatalsik ito. At pag-katapos noon ay bumunot ang taong nakasakay sa motor ng isang baril at pinag-babaril ang mga skullz na naka bantay sa kanilang hostagest.

BANG!-BANG!

Nagulat nalang sila kyro sa pag-dating ng misteryosong lalaki na naka dilaw na motor.

Zhapyra: Kyro!

Tinulungan ni zhapyra na makatayo ang kanyang partner. At si clyde naman ay tumayo ng mag-isa at pinag-mamasdan ang lalaking pinapaingay ang kanyang motorsiklo.

Clyde: Sino naman siya?

BRUM! BRUM! BRUM!

Pag-katapos paingayin ang kanyang motorsiklo, kaagad siyang bumaba at hinubad ang helmet na suot niya, at mas lalong nagulat sila kyro sa kanilang nakita.

Kyro: I-Ikaw!?

Zhapyra: Si knives?

Clyde: Ang lalaking yan! Humanda ka sa akin!

Nag-salita naman si knives, kila kyro.

Knives: Detective Anjelo! Paparating na ang tulong mula sa HQ, ang mabuti pa ilayo niyo na ang mga batang yan mula dito. Ako na ang bahala sa kanila.

Kyro: Teka ano bang ibig sabihin nito!? Sandali isa yang!

Nakita ni kyro at ng iba ang pag-lalabas ni knives ng isang driver na kagaya ng sa kanila mula sa isang atache case.

Clyde: Anong binabalak niyang gawin?

Knives: Nabuwilyaso na ang trabaho ko ng dahil sayo, ngayon Manood na lang kayo, dahil ito 
ang tunay na ako!

Ipinaikot ni knives ang kanyang driver, saka sabay scan sa kanyang toe finger.

*DNA Scan complete* ito ang sabi ng lalaking boses ng dilaw na driver.

Knives: Draig changer!

Kinalabit ni Knives ang gatilyo at sabay, labas ang isang dilaw na liwanag at nabalutan siya nito. At ilang sandali pa ng humupa ang ito, isang bagong mandirigma ang isinilang, sa katauhan ni.

Draiger: (Ipinakita ang badge) Special Police Draiger! Inaaresto kita sa lang pag-patay ng mga inosenteng tao sa lugar na ito! Sumama ka sa akin, kung ayaw mong masaktan!




Kyro: Teka isa siyang!

Zhapyra: Special police?

Clyde: Imposible!

Gulat na gulat ang lahat sa kanilang nakita. At lalo na si Levaiton, dahil ang inaakala nilang kriminal ay isa palang special police na kagaya ni Gunver.

Levaiton: Ikaw! Kung ganon niloloko mo na pala kami sa simula palang, isa ka palang tuta ng GINGA!

Draiger: Hay sakit sa ulo ang kadadak-dak mo! Sige sugod na!

Inilabas ni Draiger ang kanyang Draig Driver at pinag-babaril niya ang mga negative na papasugod sa kanya.
_______________________________________________________________________

Akma namang tutulong sila kyro at ang iba kay draiger, ngunit biglang dumating si Kris.

Kyro: Tulungan natin siya!

Kris: Sandali! Kyro, marina!

Zhapyara: Kris? Anong ginagawa mo dito?

Kris: Dumating na ang SWAT team para iligtas ang mga hostegest, ang mabuti pa tulungan niyo nalang kaming ilabas ang mga tao dito.

Kyro: Pero papaano siya? (Kay draiger)

Kris: Kaya na niya yan! Bilis kailangan na nating kumilos!

Kyro: Naiintindihan ko, tayo na marina! Clyde.

Clyde: Ano pa bang magagawa ko.

Kumilos narin ang tatlong special police para ilayo ang mga tao mula sa kaguluhan na nagaganap.
___________________________________________________________

Mahusay na hinarap ni Draiger ang tatlong negative na kasama ni Levaiton. Gamit ang husay niya sa pro-wreslting at high flying moves.

Akmang aatake sa kanya ang tyrano negative para putulin ang kanyang katawan, ngunit isang malakas na super kick ang ginawa nito, at napa-atras ni draiger ang negative.

Draiger: Sakit sa ulo!

Mula sa leg-armor nito nag-labas si Draiger ng throwing laser knife. At ibinato niya ito sa mismong bunga-nga ng negative.

Draiger: Adios!

At ilang sandali pa ay tila umiilaw ang Laser knife na nasa bunganga ng negative, at dahil doon tuluyan na siyang sumabog.

BOOOOOOOOMMMMSSSS

Isa pala itong uri ng plasma bomb na nasa anyo ng isang patalim.

Draiger: Dalawa nalang! At isusunod na kita, Levaiton!

Sa pag-kakataon naman ito, ginamit naman ni Draiger ang kanyang Draig Driver, at pinuntirya niya ang lumilipad na Petragon negative.
____________________________________________________________

Samantala inalalayan nila Kyro na palabasin ang mga taong binihag ng mga dranixs, at ilang sandali pa dumating na ang ilang tauhan ng GINGA SWAT team at ilang tauhan din ng medical team.

Kyro: Bilis! Bilis! 

Ngunit habang nag-papalabas ng mga tao, siya namang napapatingin si Kyro sa ginagawang pakikipag-laban ng bagong special police na si draiger.
___________________________________________________________

Ginamit ni draiger ang kanyang Draig analyzing system sa kanyang computer helmet para kunin ang kahinaan ng kanyang kalaban na lumilipad sa ere.  

Draiger: Huli ka! Kainin mo ito!

Exceed blast! Ito ang sabi ng Draig driver male voice.  Na nag-pakawala ng isang malakas na blast na tumama sa lumilipad na petragon negative. 

BOOOOOOOMMMMMSSSSSS

Ng natalo na ni draiger ang kalaban mula sa ere, ay siya namang umatake ang natitirang tricera negative, tinangakang suwagin ng negative si Draiger, ngunit gumamit ito ng flex agility, upang iwasan  ang atake ng kalaban sa kanya.

Draiger: Ikaw na pang-huli! Tingnan natin ang tigas mo dito sa gagawin ko!

Pinindot ni Draiger ang isang button sa kanyang driver. At ilang sandali lang ay.
Blade mode...sabi muli ng male voice ng draig driver, at nag-anyong patalim ito at nabalutan ng plasma energy ang buong talim ng draig driver.

Draiger: Draig Zone activate!

Pinakawalan ni Draiger ang plasma energy mula sa kanyang Draig blade, at tumama ito sa natitirang negative. Ng dahil doon hindi na ito makagalaw pa. At ito ang tinatawag niyang draig zone.

Draiger: YAAAAAAAAHHHHH!!!!

Umatake ng buong tapang si draiger, at ng makarating siya sa zone, ay bigla nalang siyang tumagos sa katawan ng negative, at tuluyan na niya itong natalo.

SLASH!

AAAAAARRRRRRGGGHHHHH.

Maya-maya pa ay dumating na ang tatlong special police na sila kyro.

Kyro: Knives!

Draiger: (Itinutok ang kanyang Draig blade) Levaiton! Ikaw na ang huli, kaya sumuko kana.

Levaiton: Heh! Wala na akong oras makipag-laro sayo, kailangan malaman ni master quinta ang tungkol dito! Humanda ka knives, sisiguraduhin namin kahit na sa dulo ng impiyerno, ay hindi ka makakaligtas.  

Draiger: Sandali!

Akmang hahabulin pa ni Draiger si Levaiton para arestuhin, ngunit bigla na itong nag-teleport para tumakas.

Draiger: (Tinangal ang maskara ng helmet) Nakatakas siya.
_______________________________________________________________________

Pag-katapos ng enkuwentro, dumating ang ilang sangay ng medical team, media at ilang alagad ng batas para imbestigahan pa ang nang-yari. Dumating din si Gen. Ratio at mei, upang alamin kung sino ba talaga si Knives.

Ipinakita ng binata ang kanyang I.D at chapa kay Mei. At nag-pakilala siya bilang si.

Miguel: (Nakasaludo) Corporal Miguel Anthony Fajardo, Serial Number 003-918-04, member ako ng elite task force group na Hawk squad na pinamumunuan ni Captain Kaiza Anjelo, at kasalukuyang undercover agent ni Gen. Emilio Ratio para sa unsolved case tungkol sa dranixs.  
Mei: Naiintindihan ko.  Kung ganon tauhan karin ni Kaiza.

Miguel: Yes ma’am at isang karangalan sa akin makasama ang isa sa pinaka mahusay na pulis sa buong GINGA.

Mei: (Sa sarili) Masyado naman siyang pormal...

Nag-salita naman si Kyro. At gulat na gulat siya na ang akala nilang kriminal ay isa palang undercover agent ni Gen. Emilio Ratio.

Kyro: Kung ganon, ang lahat ng nang-yari? Ay isang malaking arte lang?

Miguel: Tama ka detective, nag-pangap ako bilang isang free lancer criminal sa katauhan ni knives, para mapasok ko ang kuta ng dranixs at iba pang mga kilalang kriminal sa mundo.   

Marina: Kaya pala wala tayong makitang record sa kanya, dahil sa hindi pala talaga siya isang tunay kriminal, kung hindi isang undercover agent.

Miguel: Tama agent asol, at patawarin mo ako kung naging masama ako sayo noong una. Parte lang yun ng trabaho ko.

Gen. Ratio: Hahahaha pasensiya na kung binigyan kayo ng sakit ng ulo ng alaga ko, pero yun lang ang tanging paraan para mapasok ang kuta ng kalaban, ang kaso na compromise ang cover niya, kaya heto ang nang-yari.

Miguel: Patawad kung naging pabaya ako...Pero huwag na nating intindihin yun, dahil papalapit na ang tunay nalaban natin sa mga illuminati.

Kyro: Iluminati? Anong ibig mong sabihin!

Miguel: Malalaman niyo ang katotohanan sa tamang oras, pero bago yun.

Marina: At ano naman yun?

Miguel: Gutom na ako! puwede niyo ba akong itawag ng burger meal!!
Nagulat nalang sila sa sinabi ni Miguel.

ALL: HAH!

Clyde: Hmp! Sira ulo.

Isang bagong kakampi ang dumating sa katauhan ni Knives, bilang si Miguel at Special police draiger. Ngunit nalalapit na ang tunay na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga evolving speicies.
_______________________________________________

Samantala sa Dranixs Aquarium base.

Nasa kanyang labaratoryo si Quinta, at pinanuod ang nang-yaring kaguluhan. At ginulat din siya ng kanyang nakita, ang akala niyang kriminal na si knives, ay isa palang tauhan ng GINGA.

Quinta: Kung ganon Miguel Fajardo pala ang tunay mong pag-katao, humanda ka…dahil nalalapit na ang pinto ng impiyerno para sayo.

Case Continued.






No comments:

Post a Comment