Saturday, September 19, 2015

Case 35: Battleground




All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.

Ang nakaraan sa special detective gunver....

Knives: Nabuwilyaso na ang trabaho ko ng dahil sayo, ngayon Manood na lang kayo, dahil ito ang tunay na ako!

Draig Changer!



Draiger:(Ipinakita ang badge) Special police Draiger! Inaaresto kita sa lang pag-patay ng mga inosenteng tao sa lugar na ito! Sumama ka sa akin, kung ayaw mong masaktan!

Si knives na inakalang isang kriminal ay ipinakita na ang tunay niyang katauhan, bilang si Special Police Draiger.

Gamit  ang anking talento, tinalo ni draiger ang mga negative na bumihag sa mga taong nasa isang convention hall.

At ng matalo ang lahat ng kalaban. Nag-pakilala siya sa tunay na katauhan bilang si.

Miguel: (Nakasaludo) Corporal Miguel Anthony Fajardo, Serial Number 003-918-04, member ako ng elite task force group na Hawk squad na pinamumunuan ni Captain Kaiza Anjelo, at kasalukuyang undercover agent ni Gen. Emilio Ratio para sa unsolved case tungkol sa dranixs. 
Samantala sa Dranixs Aquariume base.

Nasa kanyang labaratoryo niya si Quinta, at pinanuod ang nang-yaring kaguluhan. At ginulat din siya ng kanyang nakita, ang akala niyang kriminal na si knives, ay isa palang tauhan ng GINGA.

Quinta: Humanda ka sa akin, knives...kung hindi ka nagawang tapusin ni Levaiton, ako mismo ang kikilos para tapusin ka.



Case 35: Battleground

Sa isang underground area, ginaganap ang isang madugong pakikipag-laban ng mga kinikilalang blood fighters, ang systema ng laro ay ang matira matibay.  Ngunit ang hindi alam ng nakararami, isang madilim na sikreto ang nang-yayari sa loob ng patimpalak.  

Male Fighter: Huwag! Maawa ka! Huwag! HUWWWWAAAAGGGG!!!

BBBBAAAAAGGGGGGG

Pinatay ang isang manlalaro at tinabunan ng buong cemento ang katawan, dahil sa pag-katalo niya sa nakalaban nito.

Isa nanamang ba itong krimen na reresolbahan ni kyro at ng mga kasama niya.
_______________________________________________________

Ilang araw matapos ang hostage taking sa MOA convention hall, ipinatawag ni Gen. Ratio si mei upang sabihin na ililipat sa kanya ang panga-ngalaga kay Corporal Miguel Fajardo, para makatulong ito sa kaso laban sa dranixs.

Gen.Ratio: Agent Martin, sayo ko na ililipat ang custody para kay corporal. Fajardo, malaki ang maitutulong niya laban sa kampanya nito sa dranixs, i hope na magamit niya ang lahat ng natutunan niya kay Captain Anjelo.

Mei: Umasa po kayo general. Kung ano ang inituro ni kaiza sa kanya, dadag-dagan ko pa ito.
_____________________________________________________

GINGA Coffee shop.

Kasalukuyang kumakain ngayon ng hamburger at fries si miguel habang sila kyro at ang iba ay abala sa pag-tulong kay mei sa mga costumer na dumadating.

Kyro: (Na-aasar) Nakaka-buwiset na ito.

Napapasin kasi ni kyro na tila walang ginagawa si miguel kung hindi kumain lang, at mag-laro ng portable video game na hawak niya.

Ilang sandali pa ay nilapitan na niya ito para pag-sabihan.

Kyro: Hoy Miguel! Kung wala kang ginagawa, puwedeng tulungan mo kami? Kanina pa maraming tao dito. Ni isang kibo para tumulong wala akong nakita sayo.

Tila walang narinig ang binatang pulis dahil sa nakasuot siya ng headphone habang nag-lalaro.

Kyro: Talagang iniinis ako nito!
Hinablot ni kyro ang suot na headphone ni miguel, at ang kanyang pag-lalaro ay naputol.

Miguel: Teka! Badtrip ka naman kyro, kita mo namang malapit na akong matapos  sa nilalaro ko.

Kyro: Hoy! Kung gusto mong tumira dito, matuto kang mag-trabaho. Hindi puro ganito lang ginagawa mo. batugan!

Mei: (Sa sarili) Parang sinabi ko na sa kanya yun dati ah.

Parang na-alala naman ni mei ang mga sinasabi ni kyro, dahil noong unang dumating siya sa shop, ay ganito din ang pag-uugali nito, batugan at tamad.

Miguel: Bakit trabaho naman ang ginagawa ko dito ah? Saka pumayag si general na dito ako tumira, para makatulong sa inyo.

Kyro: Makatulong? Eh hindi mo pa nga sinasabi sa amin ang sikreto ng dranixs? Hanggang kailan mo ba kami paiikutin hah! At ano yung sinasabi mong illuminati? Sabihin mo na para matapos na ang lahat ng ito!

Miguel: Sinabi ko sayo may tamang oras para diyan, sa ngayon pag-handaan muna natin ang mga hakbang na gagawin pa nila.

Muling kinuha ni miguel ang kanyang portable video game at nag-laro muli. At dahil sa ginawa niya lalong nainis si kyro.

Kyro: Asar! Makakapatay ako dito!

At habang hindi makapag-pigil si kyro, siya namang merong tumigil na sasakyan sa labas. At isang babae ang nakasakay dito.

Sherry: Teka ate marina...hindi mo ba sila pipigilan?

Marina: Hmp! Pabayaan mo sila, mga siraulo ang mga lalaking yan.

Maya-maya pa ay pumasok na ang babaeng sakay ng kotse. At winelcome siya ni sherry sa shop.

Sherry: Ah welcome po!

Nag-salita ang babae, at hinanap nito si kyro bilang isang detective.

Babae: Excuses me, narito po ba si detective kyro anjelo?

Mei: Kyro, mukang may kliyente ka.

Natigil ang pag-babangayan ng dalawa, ng makita ni kryo ang isang magandang babae na nasa harapan niya ngayon.

Kyro: Teka anong maipag-lilingkod ko sa inyo?

Nag-pakilala ang babae. Bilang si.

Madison: Ako si madison bale, nais kong paimbestigahan ang nang-yayaring krimen sa underground arena.
___________________________________________________

Sa Underground base ng GINGA cafe.

Pinag-usapan ng nila kyro at ng nag-pakilalang si madison ang tungkol sa krimen na nang-yayari sa tinutukoy nitong underground arena.

Binigyan ni marina ng isang tasang kape ang kanilang bisita.

Marina: Heto, inumin mo muna.

Madison: Salamat.

Kyro: So Ms. Bale, ano ang tungkol sa underground arena ang sinasabi mo? At anong klaseng krimen ba ang nang-yayari doon.

Madison: Tungkol ito sa mga fighters, na kalaunan ay natagpuan nalang patay sa mga iba’t ibang lugar dito sa lunsod.

Kyro: Ano? Parang hindi ko ata nababalitaan yan ah. marion, may impormation ba tayo tungkol sa kasong ito? At pati na ang tungkol sa underground arena na tinutukoy ni Ms. Bale.

Marion: Sige titingnan ko.

Kaagad sinearch ni marion ang tungkol sa kaso. At ilang sandali pa ay nakita na nila ang tungkol dito.

Marion: Heto na.

Lumapit naman si Miguel para tingnan din ang kaso.

Marion: Underground arena, isang battleground trounament na tinitipon ang lahat ng mga magagaling na fighters sa mundo. At ang tawag sa mga fighters na ito  ay blood fighters, kung saan ang concepto ng laro ay matira ang matibay hanggang sa huli.

Kyro: Ang tungkol naman sa kasong pag-patay sa mga nasabing fighter?

Marion: Heto, matagal na ang kasong ito na hawak ng NBI noon, sinasabi sa bawat angulo sa pag-patay ay nilalagyan ng cemento ang buong katawan ng biktima. Ngunit walang malinaw na dahilan ang pag-patay, kaya hindi na ipinag-patuloy ng NBI ang kaso, dahil sa kakulangan ng ebidensiya at ng testigo.

Miguel: Kaya naisipan mong lumapit sa amin Ms.Bale?

Kyro: Teka nga, ano ba ang dahilan kung bakit mga fighters ang binibiktima? Sabihin mo nga meron bang nang-yayari sa underground arena na illigal? At sa tagal ng panahon, bakit ngayon mo lang na isipang lumapit sa GINGA?  

Nag-salita si madison tungkol dito.

Madison: Ang totoo niyan, natatakot ako para sa buhay ko, na baka ako mismo ang balikan ng suspect o kung sino man yung taong pumapaslang sa mga kliyente namin, pero ngayon na binigyan ako ng lakas ng loob, para sabihin  kung ano ba talaga ang nang-yayari sa kalakaran ng underground arena kung sasama kayo sa akin. Heto ang paunang bayad ko, basta ipangako niyo lang na maisasara niyo ang kasong ito. Para sa lahat ng naging biktima.

Nag-bigay ng paunang bayad si madison para sa gagawin nilang pag-iimbestiga. Ngunit tila may bumabagabag kay miguel.
_________________________________________________________________

Kinagabihan kinausap ni miguel si kryo para sabihin ang kanyang hinala tungkol sa kaso.

Kyro: Ano nanamang problema mo?

Miguel: Wala naman, gusto lang kitang makausap tungkol sa kasong hahawakan mo, gusto ni Ms. Mei na ako ang makasama mo sa pag-kakataong ito.

Kyro: At bakit naman ikaw? Si marina ang partner ko, kaya siya ang dapat na kasama ko dito.

Miguel: Sira ka din ano!

Kyro: Anong sabi mo!

Miguel: Sa tingin mo bakit parang walang suspect na lumabas sa imbestigation ng NBI?

Kyro: Anong ibig mong sabihin!  

Miguel: Huhulaan ko, isang negative ang may-kagagawan ng lahat ng krimen na ito.

Kyro: Negative? Paano mo naman nasabi.

Miguel: Malinaw na sa akin kung bakit walang suspect na lumabas, at dahil yun sa negative nga ang gumawa nito, sino ba ang may kakayahan na gumawa ng ganon mga bagay, ang mga illuminati diba. Sila lang ang may kakayahan na kontrolin ang isang bagay ng patago.
Inilabas ni Miguel ang litrato ni Madison Bale. At ipinakita niya ito kay kyro.

Miguel: Itong babaeng ito, isasama ko siya sa primary suspect, pupunta tayo sa underground arena para mag-imbestiga. Ngunit sa paraan na ako ang masusunod.

Kyro: Teka bakit naman? At sandali nga ano naman ang magiging papel ni marina dito.

Miguel: May ipagagawa ako kay marina na isang bagay na siya lang ang may alam, at tayong dalawa sa loob tayo mismo ng kuta ng kalaban. At ipinapangako ko sayo, sa oras na ma solve  natin ang kasong ito, sasabihin ko na sayo ang nalalaman ko tungkol sa dranixs.

Tila isang malaking laro naman ang iniisip ni miguel sa mga oras na ito.
________________________________________________________________

Sa sinasabing Underground Arena. 

Nag-pulong ang matataas na opisyal sa sinasabing patimpalak,  upang talakayin ang tungkol sa mga man-lalaro at ang mga bisitang darating para pumusta.

Council1: Nalalapit na ang plimilinary match ng battleground, chairman bale.

Ang tinutukoy na chairman ng sinasabing underground arena ay si Francis Bale, isang sikat at mayamang fight promoter sa kasay-sayan ng contact sport. At siya ang nakakatandang kapatid ni Madison bale.

Chairman Bale: (Nag-sindi ng tobacco at humithit ito) Kailangan maging successful ang event na ito, dahil sa laki ng sponsors at investment na ipinasok sa atin ng ilang promoters. Gusto kong maging epic, madugo at brutal ang lahat ng magiging laban. Kahit na merong mga banta sa buhay ng mga fighters natin.

Council2: Ang tinutukoy niyo ba, ay ang killer cement na yun?

Chairman Bale:Oo pero huwag na kayong mag-alala, dahil ginagawan ko na ng paraan ang problemang yan, nag-handa na ako ng extra security para sa mga puwede pang mang-yari. (Humihit muli ng kanyang tabacco) at kung sino man ang taong yun, hindi nila tayo mapipigilan sa puwedeng mang-yari.

Sino nga ba ang tinutukoy na cement killer?
_______________________________________________________

At dumating na nga ang araw ng sinasabing plimilinary fight sa underground arena. Ang battleground.

ANO!!!

Ito ang sigaw ni kyro sa labas ng arena, kung saan pinag-tinginan siya ng mga tao. Dahil sa siya ay inirehistro ni miguel bilang isang fighter na lalaban sa battleground.

Kyro: Huwag mo nga akong pinag-lololoko! Bakit mo ako isasali sa isang tournament na kagaya nito? At isa pa, kaso ang ipinunta natin dito, hindi ang sumali sa event!

Miguel: Yun na nga diba, undercover ang gagawin natin, at isa ito sa paraan para makapag-imbestiga tayo ng malaya, at huwag kang mag-alala, dahil alam kong kayang-kaya mo ang mga kalaban.

Kyro: Sira ulo kang bata ka, eh sino ang gagawa ng mga dapat kong gawin? At saka bakit hindi nalang ikaw ang lumaban, total ikaw ang expert sa pro-wrestling.

Miguel: Ayaw ko, sasakit lang ang katawan ko diyan, at isa pa may injury pa ako sa likod noong nakaraan. Kaya ikaw nalang, total expert ka naman sa mix martial arts, kaya bagay na bagay ka sa trabahong ito ngayon.

Ilang sandali pa dumating na si madison para sunduin sila miguel. 

Madison: Miguel! Kyro! 

Miguel: Uy nadito na pala ang susundo sa atin.

Ngunit lingid sa kanila na merong nag-mamasid mula sa itaas.

Miguel: Siya nga pala kyro, alam na ni madison na kasali ka sa tournament, at ikaw ang magiging pambato niya laban sa mga fighter ng kanyang kapatid  ang chairman na si Francis bale. Kaya pag-butihan mo, malaki ang makukuha mo kung sakaling manalo ka...hehe ma-idadate mo pa si  marina kung gugustuhin mo.

Kyro: Tch! Bahala na, basta kailangan matapos ang kasong ito, at hindi ko nakakalimutan ang pangako mo, ang tungkol sa dranixs.

Miguel: Oo na! Pangako ko sayo ang bagay na iyan.

Madison: Ah kyro, sumunod ka sa akin, para makita mo ang listahan ng mga makakalaban mo, ibibigay ko narin ang gear na gagamitin mo para sa match.

Kyro: Oo…

Sumunod si kyro  kay madison para alamin ang nasa listahan, ngunit habang nag-lalakad ito ay hindi ito naka-tingin ng deretcho at meron siyang nakabangang malaking lalaki.

BAAAAAAAAAGGGGGG

Kyro: ARAY!

*ANO BA, HINDI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO!*

Nag-salita ang lalaki ng napakalakas, at napatingin nalang si kyro sa laki nito.

Kyro: Aba lokong ito ah----

Madison: Ah sandali lang!

Akmang sasagutin ni kryo ang lalaking nakabanga niya, ngunit humarang si madison para, awatin ito.

Madison: Mr. Breaker, my apologize, hindi sinasadya ng kliyente ko ang mabanga ka, sorry. Hindi na ito mauulit.

Breaker: Dapat lang! Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo.

Madison: I’m so sorry again Mr. Breaker.

Samantala kakaibang paningin naman ang makikita sa mga mata ni miguel. At pag-katapos noon umalis na ang naturang fighter.

Kyro: Teka sino ba ang matandang yun, kung makapanindak siya ang akala mo kung sino, porket malaki lang ang kanyang katawan!

Madison: Sa susunod mag-ingat ka, ang naka banga mo ay isang professional MMA fighter siya si Vlad Breaker. At siya ang nag-hahari ngayon dito sa mundo ng underground arena, possibleng makalaban mo siya. Kung makakarating ka sa finals. 

Kyro: Ganon ba, mukang kailangan atang isali namin siya sa listahan ng mga suspect, kailangan pala talagang manalo ako dito, para malaman kung sino talaga ang salarin.
_______________________________________________________

Dumating naman si marina sa HQ ng NBI, humanap ng ilang mga files tungkol sa kasong hawak nila ngayon.

Marina: (Bumaba sa gun racer) Sige, tingnan nating kung anong meron dito.
Nag-tungo si marina sa loob ng HQ ng NBI para mag-hanap ng impormation tungkol sa kaso ng cement killer.

__________________________________________________________

Nag-tungo naman si miguel sa may bandang likuran ng nasabing hall. Ang isang case ang inilabas nito at binuksan.

Miguel: My oh my, security camera bug, ibang klase na talaga ang GINGA, hindi na uubusan ng pakulo. Sige sa inyo ko nalang ipauubaya ang lahat.

Pinindot ni miguel ang Gun sequencer ni kyro, at pina-kalat nito ang lahat ng security camera bug sa paligid.

Miguel: Ok, tapos na sa phase 1, oras na para sa phase 2...kyro ikaw na ang bahala sa mga yan.
At habang nag-lalakad ito pabalik ng hall, ay bigla naman.

BRRRAAAACCCCCCKKKK

Isang supresang pag-atake ang sumalubong sa binatang pulis. ngunit mabilis itong naka-iwas, at ang mga bagay na nasa paligid ay tinamaan nito at naging simento.

Miguel: Anak ng! Isang negative?  

Nasa harap ngayon ang cement negative na sinasabing salarin sa pag-kamatay ng mga naturang fighters.

Muling umatake ang cement negative kay miguel, ngunit umiwas muli ang batang pulis, at inilabas ang kanyang draig driver at gumanti ng putok.

BANG!-BANG!-BANG!

Miguel: Mukang wala na akong ibang choice.

*DNA SCAN COMPLETE!* ito ang sabi ng male voice ng draig driver, at pumuwesto si miguel at 

isinigaw ang katagang.

Miguel: Draig Changer!



Nag-bago ng anyo si miguel bilang si special police draiger. At nilabanan niya ng buong husay ang kalabang negative.

Draiger: Ayos! Laban na!
_______________________________________________________

Sa loob ng lockeroom, nakahanda na si kyro para sa gaganapin na battleground tournament. At ilang sandali pa tinawag na siya ng isang staff para mag-handa sa laban.

Staff: Kyro Anjelo, humanda ka na...ikaw na ang susunod.

Kyro: Oo nadiyan na.

Isinuot ni kyro ang kanyang gloves, at ang kanyang itim na t-shirt.

Kyro: Simulan na natin ito.

Sumunod si kyro sa staff, at lumabas ng locker room. Tila kinakabahan din ang detective dahil sa unang-beses niyang gagamitin sa actual na laban sa isang tournament ang kanyang MMA skills.

Ilang sandali pa, nakarating na si kryo sa octagon arena, kung saan ginaganap ang mga laban. Lumapit naman si madison para sabihan si kyro tungkol sa mga rules.

Madison: Kyro!

Kyro: Madison?

Madison:  Alam mo na siguro ang rules, hindi ito kagaya ng mga MMA matches na ginaganap sa UFC, mag-iingat ka, puwede kang patayin mismo ng makakalaban mo. at alam ko sa oras na ito nasa paligid lang ang suspect sa mga nang-yayari.

Kyro: Naiintindihan ko.

Madison:  Sige good luck!

Ilang sandali ay nag-sigawan ang mga tao dahil sa pina-bagsak ng isang fighter ang kanyang kalaban. At ang fighter na ito ay walang iba kung hindi si Vald Berker. Ang taong nakabanga ni kyro kanina.

WWWWWHHHHHHOOOOAAAAAHH.

*Grabe ang galing talaga ni breaker. Ibang klase, nakakatakot kung siya mismo ang makakalaban mo*

Ito ang sabi ng mga manunuod na mang-hang-mangha sa kakayahan ni vald bereaker bilang isang pro-fighter.

At ng makababa na siya sa octagon arena, naka-tingin siya kay kyro, na kasali pala sa naturang tournament.

Breaker: HAHAHAHAHA....hindi ko akalain na kasali ang isang lampayatot na kagaya mo, puwes tingnan natin kung may ibubuga ka ditto bata!

Kyro: Huwag kang mag-alala, ang totoo niyan, meron na akong nakalaban na mas halimaw pa sayo, at natalo ko sila ng hindi man lang pinag-papawisan, makikita mo sisiw lang sa akin ang mga ito. At isusunod kita sa kanila. Bakulaw!

Ilang sandali pa tinawag na si kyro ng ring announcer, upang simulan na ang kanyang unang laban.

Pumasok na ang binata sa loob ng octagon arena, at hinubad ang kanyang t-shirt.

Kyro: Ipapakita ko sa inyo kung anong kaya ko!

Pumorma na si kyro para makipag-laban sa battlegournd tournament.
_________________________________________________________________

Kinuha naman ni marina ang lahat ng files tungkol sa mga namamalakad ng underground arena, upang pag-aralan lahat ng information na puwede nilang makuha, at kasama narin ang listahan ng mga tao sa kumite nito.

NBI Agent: Agent Asol, heto na ang hinihingi mo, sana makatulong ang mga yan sa imbestigation na gagawin niyo, matagal ng isinara ng NBI ang kasong yan dahil sa walang lumulutang na suspect.

Marina: Maraming salamat, ako na ang bahala dito, malaking tulong na ito.
________________________________________________________________

Nakikipag-laban parin si Draiger sa negative na humarang sa kanya, at si kyro naman ay nag-simula ng makipag-laban sa octagon ng battleground. Ano kaya ang kahihinatnan ng kasong hawak nila ngayon? Mag-tagumpay kaya silang makita ang salarin ng kasong ito.

Case continued.